1: Unang kabinata natin
"Tama na yan Lex!"
"Oo nga! Mapa-expell pa tayo dahil sa gawain mo!" Habang lumakad ang tropa ng Lex paalis ng Cruz gym, inispray nya parin para natapos ung graffiti. Halos buong pader na-cover ng bandalismo ni Lex.
Kahit anong dilim ni gymnasium, kitang kita parin ang mga luha ng isang heart-broken.
Sa parehong panahon, umupo si Berta at nahulog ang paintbrush n'ya. Siya nalang ang natitira na tao sa loob ng Cruz Arts, halos limang minuto lakaran mula sa Cruz. Bumaba ang ulo n'ya sa braso nakadapa sa table. Nagkalat tuloy ang tubig sa painting na halos tapos na.
Kagaya ng luha ni Berta, hinigop ng papel ang mga kulay natitira sa buhay ni Berta...
Two years ago...
Bagong taon nanaman ang hatid ng Cruz College. Ito ay merong anim na buildings, lahos mga campus pero lahat sila ay meron walking distance ng 6 minutes sa isa't-isa. Sa limang buildings ay ang mga home campus ng mga estudyante. Sa Cruz Linguistica naman ang bahay ng mga matitibay: major sa mga languages at English rin. Ang Cruz Life ay ang bahay ng mga maunawa: major sa biomedical, Nursing, sports science, agriculture at veterinary works. Cruz Justice ay ang bahay ng mga matatalino: major in social sciences kagaya ng politics, Law, criminology at iba pa. Meron kin kaming Cruz Culture, home to the hard-workings: major in History, Geography, Philippine Teleserye, HRM, Music, Liberal Arts at iba pa. At sa huli, ang Cruz Theta, tahanan ng mga magagaling. Mga estudyante nila ay major sa chemistry, physics, engineering at matematika.
Ang main at unang building namin ay ang Cruz. Dito ang founder namin na si Hernandez Cruz ay pinatayo ang unang unibersidad sa buong Pilipinas. Internationally Accredited kaya ang eskuelahan na to! Ang Cruz ay merong gymnasium, outdoor swimming pool, Dean's office at ang meeting room ng mga Heads of Cruzes, mga Head of Departments.
Pangalawang taon na ni Lex sa Cruz Culture at siya na yata ang predicted na suma cum laude sa batch n'ya agad. Ganun kagaling si Lex, kahit kulang sa height, he makes up for it somewhere else, sabi ni Angela.
"Ang bait ni Lex, parang dispenser ng Big Gulp sa 7/11."
"Ang gwapo ni Lex. Isang beses kala ko si James Reid ang dumating sa eskuelahan namin!"
"Ang ganda ng mga mata ni Lex. Nakita ko ang pinamagandang sunset sa mga mata n'ya."
"Sino ba po ang tinutukoy n'yo na Lex? Parang wala naman akong alam na may pangalan na yan eh?"
Ang huling sumagot sa interview ng fan club ni Lex ay si Bea, transferred mula sa Forthone College sa Marikina. Major sa Music si bagong Bea at wala pa gano alam sa pamumuhay sa Cruz College. Last year kasi, nanalo si Lex sa 'Kruz Kareoke'. Hangang-hanga ang lahat sa galing ng mga kanta sinulat n'ya para sa Kareoke. Sobrang galing, nag-release s'ya ng CD at dinonate n'ya ang pera para sa typhoon Haiyan victims.
Gwapo, simple, pero hindi chickboy. Good boy lang ang pwede i-describe kay Lex Martinez.
Naging oras na para sa lahat pumasok sa loob ng Cruz hall. All 2,300 students and 89 professors managed to fit in the Cruz hall. Unang araw, unang late.
"State your name and Cruz campus."
"Bea Salantina ma'am, Cruz Culture."
"Get out. Late comers are not welcomed here." Tumawa ang lahat sa bagong salta sa College. Ang iha ay tumingin pababa, hinatak ang buhok at umalis bago pa s'yang tinawagan na hampas lupa; alam mo na, bullying is the new black. Pero s'ya ini-spit n'ya muna ung bubblegum bagon umalis.
Pagkatapos tumawa si Lex ng limang minuto, tumawa ulit s'ya. Pagkatapos n'yang tumawa ulit, napatulala sya at inisip kung sino ang bago, kawawa naman hindi ba? Sana natulungan n'ya si late Bea. Bea late. Belated? Ah, si Miss Belated.
"Welcome all to a new year here in Cruz College. As you all know I'm Dean Sebastian Alonso and this year is no different from the last. Let it be known to you all that Cruz College only bears fruits of excellence and of international standards. Last year Cruz Life won the mango harvest. Let this be a challenge to the rest of the Cruz Campus and try their very best this year."
Nagsitayuan ang mga tiga Cruz Life, out of sheer pride. Palibhasa ang mga Sport Science major tiga Cruz Life. Daya lang medyo.
"Wag rin nating kalimutan ang Cruz Culture sa panalo nila sa Kruz Kareoke last year."
Si Lex kasi ang typong lalaki na mahiyain. Only after everyone chanted his name did he stand up and shyly bowed.
"Humble yet gracious. That's the type of Cruz Student we need here. Onto other matters at hand..."
Dumarecho si Dean at nag explain tungkol sa bagong kabinata ng amin buhay dito. Napatulala si Lex hindi dahil sa taas ng matrikula. Napatulala s'ya kasi sa pag iisip kung ano ang magiging achievement n'ya this year.
Kala n'yo tungkol kay Miss Belated?
Wala kasi nagkakagusto sa kanya. Oo, kahit meron s'yang fan club. They see him as a brother or a friend only. Sobrang bait. Medyo minsan.
Kahit si Angela, ung nagiinterview kanina, nag-agree sa akin na hindi s'ya bf materyal. Kawawa talaga ang mga lalaki na-friend zone, palibhasa ung ibang babae, they take advantage of their kindness. Only to leave them with bittersweet thank yous and farewells.
Focus si Lex sa mga ibang bagay. Kagaya ng records n'ya. This year, gusto n'yang gumawa ng isang acoustic album para sa Final presentation n'ya.
"Let's close the assembly. Students please proceed to your respected classes." Umalis si Dean Alonso sa podium at lahat nagsitayuan para umalis sa mga classes.
"Nako Lex, sabay na tayo sa Jazz Lecture." Itim na pantalon, pula na shirt at sapatos at isang bandana. Isang mortal na tao lang yan: si Tomas.
"Ah um, sige pre." Muntikan nahulog ang mga libro ko mula sa upuan.
"Diyos ko naman Lex, kailangan hindi kana palumpo-lumpo. Pano kaba malalapitan ng mga babae at suyurin ka?" Lakas ng chickboy radar kay Tomas. Pagkinompara silang dalawa, parang SM at Divisoria sa linis at kasuotan.
"Hindi naman lahat ng babae hinahabol ang badboy." Sobrang tahimik ni Lex, parang daga lang.
"Tignan mo ako Lex oh. Nakailan gf na ako?"
"Sampung babae, walang naging forever." Napikon yata Tomas kaya nauna na s'ya kasama si gf#11: Leila, majoring in Fine Arts.
Limang minuto lang ang lakad papunta sa Cruz Culture. Pagkalagpas ng puno ng mangga at Cruz Linguistica, nakarating rin sa entrance. Iilan lang kami sa Jazz lecture, halos bente lang yata. Instead na maglakad papunta sa third floor, napakabait talaga ni Prof at pinapunta nalang sila sa ground floor music room. Normally para sa practice lang yung function ng room, pero thanks God for Professor Tamis.
"Happy new academic year sa inyong lahat! Meron akong bagong supresa!" Napatingin lahat sa isa't-isa para maisip kung ano itong bagong kalalabhan mula sa aming professor. Never s'ya nagbigay ng suprises.
"Ser, anong nangyari?" Sabi ni Juanifico. Masmahaba ang buhok n'ya kesa sa future ko.
"I broke up with my fiancé." An atmosphere of solitude and sorrow filled the crowded place. Parang silang lahat nawalan ng minamahal. Of course hindi pa alam ni Lex kung ano ang feeling na yon. Ang bond between ni Prof at ng mga students n'ya ay napakalakas at napakatitig na kaya nila i-share ang mga problema nila sa isa't-isa. Syempre si Tomas always absent-minded sa portion na 'to. Hindi s'ya emotional kagaya ng lahat sa klase na yun. "I've realised that we must take a leap of faith, a leap into the unknown to find a piece of our own. Kaya this year, you will learn a new instrument."
Tulala. Lahat na bente sila ay napatulala.
Halos lahat sila ay kumakanta, nag-guitara o nag-piano pero yung lang. Napasubo yata sila sa lecture na 'to eh hindi pa talaga nagsimula.
Tanghali na at wala nang lectures si Lex. Malapit na s'ya umuwi pero dumaan s'ya sa may bookstore para kumuha ng extra bag kasi ang dami n'yang dala. Nag-ring ung bell everytime may pumasok sa loob ng bookstore. Book of Cecilia ang tawag sa bookstore, parang private sanctuary ng mga readers at mga libro alike. Nababa na ung salamin ni Lex kaya binilisan n'ya sa counter para i-baba ang mga libro.
"Hi Sir, welcome to Book of Cecilia. Ano po ung bibilhin n'yo?" Pagtaas noo ni Lex at nahulog s'ya sa sahig. Lalo nahulog tuloy ang salamin n'ya sa may tyan niya. May naramdaman si Lex a kamay malapit sa crotch area n'ya. "Patawad Ser, wala rin akong glasses. Kunin ko nga muna bago tulungan kayo." Babae, tumakbo s'ya paalis mula sa lalaki.
Habang tumayo, pinangpag ni Lex ang sarili para maging presentable ulit siya. Parang may OCD rin ito eh. Always sharp like a pencil, made blunt by the written stories of life.
"Ser ano ba yung bibilhin n'yo?" Napatingin si Lex sa mga labing pula ng cashier. Hindi n'ya na recognise agad ung babaeng ito, pero parang katanda n'ya lang.
"Ah um, ahhh. Bibili lang po ng plastik." Pagkatapos kinamot ni Lex ang buhok salikod ng ulo n'ya, kinuha n'ya ung pera para makaalis na at makarating sa bahay. Bumalik ang tingin ni Lex sa mga matamis na labi ni...
"Sorry um, ikaw ba si... Miss Belated?"
"Ha?"
"Ung late kanina sa assembly?"
"Bea. Bea ang pangalan, hindi Bea-lated. Hindi ka nakakatawa." Napapanic si Lex at tumakbo palabas ng bookstore. Hawak-hawak n'ya sa parehong kamay ang mga libro n'ya para sa bagong taon. Sana kasing ganda ng sunset ang taon n'ya this year para matuwa ulit ang mga parents n'ya.
Inisip-isip ulit ni Lex si Bea. Hindi kasi alam ni Lex kung pano talaga makipag usap sa isang babae katulad ni Bea. Oo, parang in love si Lex in first sight. Humiga muna si Lex sa parang bakal na higaan. Matagal na since nag-OFW ang papa ni Lex sa UK, si kuya John ang pumalit kay papa na nurse sa parehong hospital. Kuya John became the breadwinner at bilib si Lex sa pamilya n'ya, nagagawa nila ang trabahong impossible.
Hiling lang naman ni Lex sa maykapal ay simple. Sana maging successful sa life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top