38 | Quaro's Surrender
"Paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"
Iyon ang unang tanong ni Kirsten nang marating nila ang rooftop. Nagulat pa siya nang makitang kahit ang working station at kusina ay lumawak. The second and third floors were still the same, though. Hindi nagalaw. But the rooftop had some changes made, too. There were plants on the sides and the baluster—pinaligiran ng mga halaman at nagmukhang forest garden sa dami ng tropical plants na naroon.
She was not into plants, pero alam niyang may presyo ang ilan sa mga halamang nasa rooftop.
Sa gitna rin ng rooftop ay mayroong dalawang magkaharap na rattan wicker chairs at sa pagitan ng mga iyon ay isa namang coffee table na gawa sa pinakintab na kahoy. Nakasilong ang mga iyon sa isang may kalakihang payong na gawa sa nipa.
"Nagustuhan mo ba ang bagong itsura ng shop pati na rin nitong rooftop?" si Quaro na iginiya siya patungo sa wicker chair.
Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ito. "Para saan ang renovation, Quaro? Bakit parang... biglaan?"
Balewala itong nagkibit-balikat. "Binili ko ang katabing shop. If you didn't notice, ilang buwan nang sarado ang katabing patahian at kamakailan ko lang nalaman na ibinebenta ang buong ground floor. The second floor is used as their stock room, may ibang exit iyon sa likod. Sa dami ng mga customers na laging pumapasok sa shop, sa tingin ko'y panahon na para mag-expand. I have been planning about it for months now."
"Bakit bigla ka na lang na nag-hire ng staff? Akala ko ba ay ayaw mo ng magulo? Ayaw mong may ibang gumagalaw sa mga gamit mo?"
Napabuntong-hininga ito, ini-siksik ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon saka ibinaling ang pansin sa ibang direksyon. "I got... scared."
"Ikaw?" Hindi napigilan ni Kirsten na matawa. "Anong ikinatakot mo?"
"Natakot akong sa pagdating ng araw na aalis ka na ay maiwan muli akong mag-isa. At hindi na ako sanay nang mag-isa, Kirsten. Hindi na ako sanay na wala ka."
Biglang nanakit ang lalamunan niya sa narinig. Quaro's voice was filled with sadness it made her cry.
Mariin siyang napalunok upang pigilan ang pag-hikbi. Ibinaling din niya ang tingin sa ibang direksyon, doon sa highway na tanaw nila mula roon. The sun was setting in and the sky was changing its colour to red-orange.
"Natakot akong pagkatapos ng isandaang araw na agreement natin at umalis ka na ay baka hindi ako makabalik sa dati kong routine. Because you became part of my routine, Kirsten. And I don't want to drown in your memories, so I decided to hire people to distract myself from thinking of you. I thought... having company would help me get through my loneliness."
Muli siyang napalunok. "Paano kung... hindi natuloy ang pag-alis ko sa ika-isandaang araw? Would you still hire them?"
This time, Quaro turned to her and smiled at her. "Of course. Because if I want to commit myself to a relationship, I needed to adjust my schedule. Papaano ang quality time kung wala akong staff na mag-aasikaso sa shop? How could we go watch the movies, or visit the beach, or go out of town if I had to look after the shop? Hindi naman pwedeng isara ko na lang lagi ang panaderia—papaano ako makabubuhay ng pamilya kung ganoon?"
"P-Pamilya?"
Quaro held her hands and answered, "Don't you want a family?"
Doon na nanlabo ang kaniyang paningin. "That's something I never had my whole life, Quaro—bakit aayawan ko?"
Muli itong ngumiti at akma siyang yayakapin nang itukod niya ang mga palad sa dibdib nito. Doing her best to ignore the heat emanating from his chest, she continued her interrogation;
"Where were you the day before I left? Bakit buong araw kang wala sa shop noong araw na iyon?" She needed to know. Tutal ay may koneksyon ang tanong niyang iyon sa kasunod pa niyang tanong...
"Kausap ko ang may-ari ng kabilang shop na binili ko noong araw na iyon. We finalized the papers. Pagkatapos kong makipag-usap sa kaniya ay bumiyahe rin ako patungo sa bayan kung saan nakatira ang kapatid kong may maliit na construction firm—his name is Caprionne. You haven't met him but he is a carpenter who also owns a small construction business. I spoke to him about the renovation and then I stayed for a bit until I was ready to go home."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi mo kasama si Paige noong araw na iyon?"
"The day before you left? No. Why would I be with her?"
Sa mahinang tinig ay sinabi niya rito ang nasa isip niya at ang mga narinig niya noong araw na umalis siya. And Quaro, after hearing everything, sighed in distress.
"Hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Paige, Kirsten. Sinabi ko na sa'yo—I never had unprotected sex with any woman before you."
And it was Quaro's turn to explain everything—every detail—to enlighten her.
Nang maliwagan ay napahawak siya sa dibdib, pakiramdam niya'y nabunutan siya ng tinik roon at nawalan ng agam-agam.
"I was planning to tell you about it. I was planning to discuss it with you."
"Plano mong sabihin sa akin ang layunin mong ampunin ang batang isisilang ni Paige pero ang pag-amin mo sa totoo mong nararamdaman sa akin ay ini-daan mo sa audio recording?" pamimilosopa niya na ikina-tawa nito.
"Ini-suko ko na ang lahat sa tadhana."
"Well, hindi ako ang tipong ini-aasa ang lahat sa tadhana, Quaro. Gumagawa ako ng paraan. Kung ini-asa ko sa tadhana ang damdamin ko sa'yo at ang muli nating pagkikita, baka tumanda akong dalaga, ano."
Quaro smiled again before bending his head and planting a soft kiss on her temple.
"This is what I love about you—hindi ka sumasabay sa agos, sumasagwan ka."
She raised a brow. "What was that supposed to mean?"
"You have a sense of direction. You know what you want and you go after it—by hook or by crook. Hindi ka sumasabay sa agos, hindi ka umaasa sa tadhana. Bagkus, ay sumasagwan ka sa direksyong nais mong puntahan at gumagawa ka ng paraan para marating iyon. I love that about you, Kirsten. You are... spectacular."
It was a compliment that made her blush. Hindi niya inasahang mas masarap pang pakinggang ang mga salitang sinabi nito kaysa sa direkta nitong pagsabi na mahal siya nito.
Pero hindi pa tapos ang interogasyon niya—kaya hindi pa siya maaaring bumigay.
"How did you... know my real name, Quaro?"
Muli ay balewala itong nagkibit-balikat. "You gave your full name to Paige's staff when you brought her pregnancy result to the store."
"So?"
"Sinabi ng staff ni Paige ang buo mong pangalan, and it may be a coincidence, but she knows your grandfather. Your family has a huge furniture factory in the South, and Paige had met your grandfather once in a business conference. Minsan na rin daw siyang inanyayahang dumalaw doon sa Mercedez para makita ang pabrika. Noong una'y hindi naisip ni Paige na may koneksyon ka sa kilala niyang si Oscar de Casimiro. So she phoned the factory and asked about you. Doon nalaman ni Paige ang totoo, pati na rin ang tungkol sa paglalayas mo."
Doon nanlaki ang mga mata niya.
"K-Kailan niya nalaman ang... tungkol dito?"
"The day you left—noong inabutan mo kaming nag-uusap sa shop. Isa ka sa mga pinag-usapan namin. Sinabi sa akin ni Paige ang lahat, at ini-suhestiyon niyang kombinsihin kitang umuwi muna dahil nalaman niyang hindi naging maganda ang kondisyon ng lolo mo. I was planning to do that, and I was more than willing to come with you. Pero kung anu-ano na pala ang pumasok sa isip mo noong mga araw na iyon."
Hindi mawala-wala ang panggilalas niya.
"Ibig sabihin... noong sinabi mong... tatalian mo ako para pauwiin ay—"
"I said that?"
"Yes, you did! Kaya lalo akong nagtampo!"
"Oh." Napa-isip ito, halata ngang hindi nito naalala na sinabi ang mga katagang iyon.
"Sinabi mong kung kinakailangang talian mo ako para iuwi sa amin ay gagawin mo."
"That's because I thought you'd give me a hard time. Knowing you. Akala ko'y mahihirapan pa akong kombinsihin kang umuwi muna. I wasn't planning to throw you out—gago ba ako?"
"Oo, sa maraming pagkakataon!"
Ang ngiti ni Quaro ay nauwi sa pagngisi.
"Sabi ko na nga ba—you were just lying and pretending. Matagal ko nang napapansin na para kang maraming personalidad. You were... acting. And I couldn't decide whether you were good or bad at it."
Gumapang ang init sa magkabila niyang mga pisngi.
"Maybe sometimes you're good, dahil nagawa mo akong linlangin, and yet, you were also bad because I could feel the inconsistency."
Napanguso siya. At nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ay nagpatuloy ito. "And you used your friend's name to enrol in the university. Bakit pati iyon ay kailangan mong gawin?"
It was her turn to let out a deep sigh. "Para makapagtago ako sa lolo ko. Kapag hindi ko iyon ginawa ay baka wala pang beinte-cuatro oras lang at nasa harapan ko na ang mga tauhan niya para sunduin ako."
Sinabi rin niya kay Quaro ang dahilan kung bakit siya naglayas, at ang tarantado, tinawanan siya ng malakas!
"So you've learned your lesson—never eavesdrop."
Humalukipkip siya at muling umiwas ng tingin
"And you were able to hide from your grandfather for six months using a false identity?"
Tumango siya.
"Pero iyong ID na ginagamit mo at siyang kinuha ko noong pinatingnan ko sa police station, pangalan mo ang nakalagay roon."
Ibinalik niya ang tingin dito at doon nakitang muli na itong nakayuko sa kaniya.
"Iyong araw na may lagnat ako nang makita mo sa laundry shop? Hindi mo napansing hindi school ID ang nakasabit sa uniporme ko? It was my driver's license. Kung binuksan mo ang bag ko'y makikita mo roon ang mga papeles ni Daday, kasama na ang ID na nakapangalan sa kaniya pero picture ko ang nakalagay."
"I didn't notice," sagot nito. "Kaya pala ganoon na lang ang panic mo noong inakala mong binuksan ko ang bag mo?"
"Well, ayaw kong mabuking mo ako nang hindi ko man lang napagtatagumpayan ang plano ko."
"Plano mong ikama ako?" he teased, making her blush again.
"Correction; nilandi kita pero ikaw ang nagdala sa akin sa kama."
"Yeah, literal na dinala kita sa kama. Na hindi sana nangyari kung hindi mo ako nilandi,."
Malakas siyang napsingha. "Ngayon ka pa magrereklamo kung kailan sinabi mo nang mahal mo ako? Aba, wala nang bawian, Jan Quaro Zodiac!"
Muli itong ngumiti, at akma sana siyang kakabigin nang muli niya itong pigilan.
"One more thing."
"There's more?"
Napangisi siya nang makita ang pagsalubong ng mga kilay nito.
"Alam mo bang bago mo ako nakita rito sa shop ay matagal na kitang kilala?"
Quaro frowned in confusion. "How?"
And that's when she told him the story about the Knight in Tatterred Jeans. Pagkatapos ng kwento niya'y mangha siya nitong tinitigan. Nasa anyo nito ang matinding panggilalas. Sigurado siyang hindi nito inakala na ang babaeng tinulungan nito—na ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin—ay walang iba kung hindi siya.
"I... can't believe this," he uttered after a while.
"Hindi ako sumasabay sa agos, remember? Namamangka ako."
"And you did all that just... for me?"
Nawala ang ngisi sa mga labi niya nang marinig ang huling sinabi nito. She raised her hands and softly cupped his face. "That's how I fall in love, Quaro."
Matagal siya nitong tinitigan—nasa anyo ang pagkamangha. At habang magkaharap sila ay nagkaroon siya ng layang suyurin ng tingin ang mukha nito.
A curtain of black lashes covered his beautiful grey eyes as he gazed at her with devotion. His thick brows were frowning a little, and his luscious lips were partly open. The two-day beard on his face just made him look even more handsome, and his wavy, Raven-black hair danced in the breeze.
How could this man look like a dream? she thought.
And she wanted to kiss him again. She had been dreaming for this day to come that she could kiss him endlessly again—feel him—touch him.
At mukhang alam ni Quaro kung ano ang iniisip niya—dahil bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay tumaas ang isang kamay nito sa likod ng kaniyang leeg at ang ulo'y bumaba upang hagkan siya
A soft gasp escaped from her when his soft, warm lips touched hers. He kissed her gently at first—like a butterfly sipping pollen from a flower.
And oh, that was one of the things she missed the most—his tender kisses.
Later on, his kisses went deeper—a kiss so consuming none of them would like to stop. Her hands crawled to his back as she responded with equal longing.
This—This moment was what she had been thinking of for the past four weeks. The moment that she's back in his arms again.
Later on, his kisses went back to gentle. Then slowly, their lips parted, keeping mere inches away from one another, staring calmly into each other's eyes.
"You are definitely staying here with me," he uttered breathlessly "I wouldn't let you go, Kirsten. Not anymore."
She smiled and then closed her eyes as she laid her head against his chest. Matagal siyang nanatiling nakayakap lang dito nang sa muli ay may naisip siyang sabihin.
"Naalala mo ba ang huling mga sinabi mo noon bago ako umalis?"
"Hmm? Which one?"
"That if I find myself pregnant, alam ko na kung saan at paaano ka hahanapin."
Si Quaro, nang rumehistro sa isip ang mga sinabi niya, ay banayad siyang hinawakan sa magkabilang mga braso at inilayo. Ang mga kilay nito'y nagkasalubong at ang mga mata'y unti-unting bumaba sa kaniyang tiyan, sandali iyong tinitigan, bago siya muling hinarap.
"Are you... pregnant?"
She giggled, enjoying the mixture of amusement and joy on his face.
"No," she answered, laughing even more when disappointment crossed his face. "Pero isang linggo na akong delayed kaya kabahan ka na."
Ang dismayang dumaan sa mukha ni Quaro ay mabilis na nawala nang marinig ang huling sinabi niya. His face lit up, and his voice was full of hope when he said;
"Do you know what wedding bells sound like?"
Ang ngiti sa kaniyang mga labi ay unti-unting nawala nang marinig ang tanong nito. "W-What?"
"Alam mo ba?"
Doon na nag-umpisang kumabog ang dibdib niya. "I—I have no idea..."
"Neither I. But... would you like to know?"
Muli ay unti-unting nanakit ang kaniyang lalamunan, at ang kaniyang paningin ay nag-umpisa na namang manlabo.
"K-Kung gusto mo, eh 'di, s-sige."
"Ako, gusto ko, Kirsten. Ikaw, gusto mo ba?"
"Kung ikaw ang kasama kong pakikinggan ang tunog no'n, Quaro, bakit hindi? After all, sumugal na ako sa demonyo, mapasaakin ka lang." That's when her tear fell down on her cheek.
Quaro smiled as he bent his head and kissed away that tear. "You can stop chasing after me now, Kirsten. And allow me to make it up to you." His lips lowered down to her lips and kissed her again— lingering, reassuring.
Matapos ang halik na iyon ay yumuko si Quaro at idinikit ang noo sa kaniyang noo.
"So this is how falling in love works, huh?" he whispered, closing his eyes in surrender. "Some stranger appears out of nowhere and becomes a permanent part of your life."
She closed her eyes, too. Her tears streamed down her face when she answered, "I was once a temporary housemate. Who would have thought, huh?"
Ngumiti ito, ang mga kamay ay lalong pumulupot sa baywang niya.
"A temporary housemate turning into a permanent part of the Zodiac family—my mother would be screaming at the top of her lungs."
She chuckled and opened her misty eyes. "Is this how you propose, Jan Quaro Zodiac? Kanina, wedding bells, ngayon ay ito naman?"
Natawa rin ito at nagmulat. "Let's skip the proposal part—it's too cliché. Basta ang importante ay mahal mo ako at mahal kita, at pareho nating gustong bumuo ng pamilya."
Lalo siyang natawa. She was just so happy she couldn't contain her tears and laughter. "Ayaw ng cliché pero naging corny naman."
"Hey, I'm doing my best, okay? This love thing is new to me."
Muli siyang natawa at ibinaba ang mga kamay. She then intertwined her fingers to his. "H'wag kang mag-alala, mahal pa rin kita kahit corny ka at may pagka-matandang binata."
Akma nitong de-depensahan ang sarili nang hilahin na niya ito patungo sa hagdan ng rooftop.
"I missed your pizza—would you make one for me? But please just put olives and bell peppers—definitely no meat and cheese. I've recently started to hate their smell and texture."
Si Quaro, na nagpaakay lang, ay ngumisi. "I am positive that you already have my bun in your oven."
"Bun in my..." Sandali siyang huminto at hinarap ito. Doon ay nakita niya itong malapad na nakangisi. "Huh? What do you mean by that?"
"Nothing," sagot nito bago siya inakbayan. "Let's go meet mom, I'm sure she'd love to plan the wedding with you. Pero bago ang lahat ay kakausapin ko na muna ang lolo mo. I think it's only right to formally ask for your hand first."
"I'm surprised—alam mo ang mga ganito?"
"Oh, baby. You have a lot to learn from and about me."
"Hindi ka na magagalit kapag tatanungin kita tungkol sa ilang personal na bagay?"
"Kapag nagalit ako, ano'ng gagawin mo?"
"Lalayasan na lang ulit kita."
A chuckle escaped his throat. "You know how to use your card now, huh?"
Nang marating nila ang hagdan ay ibinaba ni Quaro ang kamay na naka-akbay sa kaniya saka siya hinawakan sa magkabila niyang mga kamay. Tiningala niya ito at doon ay nakita niya ang sandaling pagseryoso ng mukha nito.
"From now on, I am giving you full access to my life—ask me anything you want to know, and I will answer you truthfully. But there is one thing I want to ask from you, Kirsten."
Tumango siya at hinintay na dugtungan nito ang sinasabi.
"Can you promise to never hide secrets or lie to me again?"
Muli siyang tumango. "I promise."
"Thank you." Quaro smiled tenderly—the reflection of the sunset was in his eyes when he added, "I'm surrendering myself, my heart, my soul, and my whole life to you, Kirsten. I am all yours."
***
NEXT >> THE FINAL CHAPTER
A/N:
Any thoughts about this chapter?
Are you ready to say goodbye to #QuarTen
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top