36 | Audio Recorded Confession
"Kirsten! Oh, Kirsten!"
Naibaba niya ang bitbit na backpack nang makita ang abuelo na napatayo bigla sa kinauupuan nang makita siyang pumasok sa malawak na sala ng villa nila. Hapon na nang makarating siya sa villa at kapag ganoong oras ay kauuwi lang ng lolo niya mula pabrika.
Akay-akay ang tungkod nito at sa nanlalaking mga mata ay sumalubong ito sa kaniya. Ang labis na kaligayahan ay makikita sa anyo nito.
Sa edad na sitenta y sinco ay malakas pa rin si Senior Oscar De Casimiro. Ito pa rin ang namamahala sa pabrika nila at personal na nakikipag-usap sa mga kliyente. Naniniwala siyang mahigit sampung taon pa ang itatagal nito sa mundo, pero hindi rin siya nakasisiguro dahil maaaring may dinaramdam ito kaya nais na siyang ipakasal. Her grandfather probably wanted to see her offspring—at ginawan naman niya ng paraan sa kagagahan niya.
Malalaman natin makalipas ang isang buwan... aniya bago nagpakawala ng pilit na ngiti at sinalubong ang abuelo.
"Lolo..."
"Maligaya akong makita kang maayos." Kinuha nito ang mga kamay niya at mahigpit siyang hinawakan. "Ang sabi ni Daday ay sa Montana ka niya natagpuan pero nakiusap ka raw na huwag sabihin sa akin ang lokasyon mo. Kung hindi lang ako nagtitiwala kay Daday ay talagang magpapapunta ako ng mga tauhan doon. What did you do there? You said you'll give me a call."
Napangiwi siya sa huling sinabi ng lolo. "Nakalimutan ko."
"What have you been doing in the past six months, Kirsten?" he asked again, frowning a little. "Why did you leave?"
Doon nawala ang kaniyang ngiti. Muling pumasok sa isip ang ginawa nitong pagsi-set up sa kaniya na magpakasal sa ibang lalaki. Banayad niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ng abuelo na ipinag-taka nito.
"I left because of what you did."
"What I did? Why, what did I do?"
"You arranged for me to marry your friend's son."
"I did?"
Mangha siyang napatitig sa abuelo. Kung hindi pa niya narinig ang sinabi nito noong araw na iyon ay magdadalawang-iisip din siya. Her grandfather looked surprised, he couldn't just fake that, could he?
"Itatanggi mo ba kahit na malinaw kong narinig, Lo?" aniya, puno ng hinanakit ang tinig.
Umiling ito. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, hija. Kung pagod ka'y magpahinga ka na muna at saka tayo mag-usap."
Naiinis na nagpakawala siya ng buntong-hininga. "I heard you. You were planning to wed me to your friend's son. Ayaw kong manipulahin mo ang buhay ko kaya umalis ako."
"I didn't want to make the same mistakes I did to your mother, Kirsten, kaya hindi ko alam kung ano itong sinasabi mo." Mariing sagot ng abuelo niya na sandali niyang ikina-tigil. Hindi niya alam kung paniniwalaan ito o patuloy na mainis. "Sino ang nagsabi sa iyo na ipakakasal kita sa anak ng isa sa mga amigo ko?"
Huminga siya ng malalim. Tutal ay naroon na rin lang naman siya upang sabihin ditong hindi siya kailanman magpapakasal sa lalaking hindi niya mahal, ay sasabihin na niya rito ang narinig niya noong araw na iyon.
"Let's... sit there and I'll tell you everything." Iginiya niya ang abuelo pabalik sa sala.
Nagtatakang sumunod ito at naupo sa single sofa. She sat across her grandfather. Humugot siya ng malalim na paghinga bago inumpisahan ang pagku-kwento rito. At habang ginagawa niya iyon ay unti-unting nanlaki ang mga mata ng kaniyang abuelo. At nang matapos siya sa pagku-kwento ay bumulalas ito ng tawa sa pagkabigla niya.
Napasandal ang kaniyang lolo sa backrest ng sofa at tuluy-tuloy sa pagtawa. Namamanghang pinagmasdan niya ito at hinayaan hanggang sa mapagod ito at muling tuwid na naupo. May munting mga luha sa mga mata nito sa labis na pagtawa.
"Nothing good was ever learned from eavesdropping, Kirsten."
Napasimangot siya. "Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto, Lolo, tandaan niyo 'yan."
Napangiti ito saka tumango. Ang anyo nito'y lumambot. "Don't worry, I will never do that to you, sweetheart. Nangako ako sa libingan ng mama mo na gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. And that includes giving you the freedom to choose whatever you want to do in life. Narito lang ako sa likod mo kung kailangan mo ako."
"Kung ganoon ay sino ang magpapakasal kanino, 'Lo?"
"Magpapakasal ang anak ng aking amigo sa kaniyang nobya. Isang araw bago ang kasal ay biglang nagkaroon ng emergency ang church singer at nagpanic ang groom. He wrote a song for his bride, at umasa itong kakantahin iyon ng kausap nilang singer habang naglalakad sa altar ang bride. My friend's son panicked, ayaw nitong masira ang sorpresa sa biglaang pag-atras ng performer. Lagi kitang ipinagmamalaki sa amigo ko na magaling kang kumanta, at naalala niya iyon kaya ako ang tinawagan niya. I was going to speak to you about it that evening, but you suddenly disappeared."
Siya naman ngayon ang napasandal sa sandalan ng sofa sa tindi ng pagkamangha.
"Inisip mong ikaw ang ipakakasal ko?" nakatawang tanong ng lolo niya.
Tumango siya saka bumusangot. "Hindi naman ako ganoon ka-galing kumanta, Lo. H'wag niyo akong i-bida sa mga barkada niyo."
Lalo itong natawa. "You are good, hija. Your grandmother was a great singer when she was still alive, and you took that talent from her."
Napahalukipkip siya at hindi na sumagot pa.
"Eavesdropping can be pretty hilarious, hija. Especially when you start listening in the middle of a conversation and you have no idea what actually the discussion was all about. So, you just make your own scenario and overthink. You would eventually go crazy with your imagination and then the demon in your head will urge you to make things even more complicated. That's when you know you messed up." Napa-iling ang lolo niya. "So, ano ang nangyari sa'yo sa bigla mong pag-alis? Where did you go and what happened to you in the past six months?"
Umiwas siya ng tingin at itinuon ang pansin sa malaking bintana ng sala kung saan tanaw niya ang malaking gazebo na pinalilibutan ng mga halaman at bulaklak.
Hindi niya maaaring sabihin sa lolo niya ang tungkol sa ginawa niyang kalokohan sa Montana. She would probably tell him half the truth. Tulad ng pag-enrol niya sa unibersidad gamit ang mga dokumento ni Daday, pagtira niya sa isang transient house, at ang pagtatago niya dahil nagdamdam siya sa akala niyang pagpapakasal nito sa kaniya sa lalaking hindi niya kilala. Hindi niya sasabihin ang tungkol kay Quaro.
Nang muling pumasok sa isip niya ang lalaki ay para siyang sinundot sa dibdib. Kay sakit ng nararamdaman niya sa tuwing naiisip ito at may palagay siyang matatagalan bago siya maka-usad. Kahit noong nasa bus siya pauwi ay kay sama ng pakiramdam niya. Kung maaari lang na mahimbing siya sa matagal na panahon at magising sa araw na hindi na masakit ang lahat para sa kaniya, mas mainam sana.
"Kirsten?"
Napakurap siya saka ibinalik ang pansin sa abuelo.
"Sinabi sa akin ni Daday na maayos ang lagay mo roon sa Montana, pero gusto kong malaman sa iyo mismo kung ano ang ginawa mo roon. Would you share it with me?"
Naka-ilang lunok muna siya bago nagkwento—ingat na ingat sa bawat salitang lumabas sa kaniyang mga labi nang sagayon ay hindi siya madulas at masabi rito ang totoo.
***
Napangiti si Kirsten nang sa pagbaba niya sa owner type jeep na dala ay kaagad siyang sinalubong ng inaanak na si Chichi. The little girl let go of her mother's hand and ran toward her with a huge smile on her chubby face.
Inisara niya ang pinto ng driver's seat saka tumalungko upang hintayin itong makalapit. She opened her arms and waited for the little girl to reach her. And when she did, she gave her a bear hug.
"Tata!" Chichi uttered, which meant Tita.
"Chichi," aniya bago ito pinupog ng halik. Malaki sa edad nito si Chichi, at gusto man niya itong buhatin ay mukhang hindi kakayanin ng katawan niya. "May dala ako para sa'yo."
Ipinakita niya sa bata ang isang box na puno ng ubas na bitbit niya paglabas ng sasakyan. Paborito nito iyon kaya tuwang-tuwa na naman si Chichi. Pumalakpak ito at nag-ingay. She was mumbling words only her could understand.
"Miss Kirsten, buti at nakadalaw ka," nakangiting sabi ni Daday nang makalapit.
Tumayo siya at hinawakan sa kamay si Chichi bago hinarap ang ina nito. "Bakit kasi kailangang mag-rent pa kayo ng apartment dito sa bayan eh ang lawak ng villa. Kahit si Lolo ay nalungkot nang umalis kayo, si Chichi ay laging kinukumusta."
Napangiwi si Daday. "Mas madali kasi kay Paco kung narito rin kami ni Chichi sa bayan. Alam niyo naman pong alanganin ang oras ng uwi niya galing sa trabaho at minsan ay may emergency call pa. Dalawampung minuto ang layo ng villa sa bayan kaya..."
"Bakit kasi hindi na lang tanggapin ni Paco ang alok ni Lolo na magtrabaho sa pabrika nang hindi siya nahihirapan ng ganito?"
"Kasama kasi ni Paco ang tiyuhin niya sa trabaho, Miss Kirsten, kaya nahiyang umalis. Hayaan niyo po, nagsabi naman siyang mag-re-retiro na si Tiyo sa susunod na buwan, baka ma-kombinsi ko siyang tanggapin na ang alok ni Senior Oscar na magtrabaho siya sa pabrika."
Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Nami-miss na rin ng Lolo niya si Chichi na simula pa noong ipinanganak ito'y doon na sa villa tumira. Sina Daday at ang nanay nitong si Yaya Miling ay parang pamilya na rin nila kaya roon na rin sa villa nakatira. They had a big room near the kitchen, with a television set, two queen beds, and a mini-frigde of their own. Nang ipinanganak ni Daday si Chichi ay nagpagawa na ang lolo niya ng konkretong kamalig sa likod ng villa kung saan maaaring manirahan sina Daday at Paco. Pero apat na linggo na ang nakararaan ay napilitang lumipat sa bayan ang mag-ina.
Her grandfather loved Chichi as if she was his own great-granddaughter. Kaya nang umalis ang mag-ina'y nalumbay ito at siya naman ang kinulit na mag-anak na.
Kahit daw walang asawa.
Well...
"Bakit ang dami niyo namang dala, Miss Kirsten? Ano ang mga 'yan?"
Napakurap siya at ibinaling ang pansin kay Daday nang marinig ang tanong nito. Nakita niya itong nakamata sa jeep.
"Ah, dala ko ang mga gamit na hindi ko na kailangan at baka magustuhan mo. Kung hindi mo naman magustuhan ay ipamimigay ko na lang sa ibang trabahador sa pabrika—"
"Hala, mayroon ba akong tinanggihang bigay niyo, Miss Kirsten? Pagagalitan ako ni Nanay kapag tumanggi ako."
Ngumiti siya at sinenyasan itong kunin na ang dalawang backpack na nakapatong sa passenger's seat ng jeep, habang siya naman at si Chichi ay nag-umpisa nang pumasok sa apartment ng mga ito.
Damit lang naman at pantalon ang nasa backpack, mga hindi na kasya sa kaniya at mga ayaw na niyang isuot muli. She was decluttering and she wanted to get rid of the excess clothes. Ang iba sa mga iyon ay sumisikip na sa kaniya.
Madalas niyang ibigay kay Daday ang mga damit na ayaw na niyang gamitin o binili niya't hindi kumasya, kaya hindi na bago iyon. Masasayang din naman lalo at ang iba'y hindi pa niya talaga naisusuot at may mga tags pa.
Magaan lang ang mga iyon kaya alam niyang kaya na ni Daday.
Pagpasok sa loob ay kaagad niyang pina-upo si Chichi sa sofa at tumalungko sa harap nito. Nilaru-laro niya at kinausap si Chichi; habang si Daday naman ay naupo rin sa katabing sofa at isa-isang inibalas ang mga damit mula sa dalawang bags.
Hanggang sa...
"Miss Kirsten, bakit may cellphone dito sa bulsa ng bag?"
Nilingon niya si Daday at nakita ang hawak nitong cellphone. Nagsalubong ang mga kilay niya.
Ang isa sa dalawang bags na pinagsidlan niya ng mga damit at ang backpack na ginagamit niya noon sa Montana. She was going to give it to Daday as well, at ang cellphone na hawak nito'y ang mumurahing cellphone na ginamit niya noon bilang parte ng pagpapanggap niya. She wasn't really using it unless Quaro was around. Ang totoo'y may isa pa siyang cellphone na siya talagang gamit niya, pero iniwan niya iyon sa transient house na tinuluyan niya dahil hindi rin naman niya magagamit.
She had forgotten about that second phone; ang totoo'y hindi na rin niya naalala kung saan niya iyon inilagay, and she thought she had lost it. Naroon lang pala iyon sa bag?
Inabot iyon ni Daday sa kaniya. Wala sa loob na tinanggap niya iyon at tinitigan.
No messages, no phone calls. Which was understandable because she had only given her number to that guy.
But... no reminders?
Teka... may daily reminders ang cellphone na ito. Dapat ay may reminder alerts sa screen....
Natigilan siya.
May nangealam sa cellphone ko!
Salubong pa rin ang kilay na binuksan niya ang cellphone at sinilip ang reminders at lalong nagtaka nang makitang completed na ang lahat ng nakalista roon. Those were the reminders of the number of days she had to live in the shop.
Wait... I don't remember ticking these reminders off?
Nagtaka siya. She checked the gallery, pero maliban sa mga screenshots ng mga lessons niya sa crash course ay wala na siyang nakitang kakaiba. Great, her gallery wasn't touched.
Then, she checked the messaging box and the phone contacts next. Marami siyang nakitang missed calls mula rito noong gabing naroon siya sa bahay ng pamilya nito. Naka-ilang tawag ito sa kaniya noong gabing kasama niya sina Taurence at Phillian sa bayan—noong halos mamatay ito sa selos.
Lihim siyang napa-ismid.
Selos? Sige, paasahin mo ang sarili mo, Kirsten.
Sunod niyang binuksan ang voice memo, at doon ay natigilan siya.
There was a new entry, and it was saved the night before she left—almost four weeks ago. At kung pagbabasehan niya ang oras sa naka-save na audio, at ang mga naaalala niya noong gabing iyon, siguradong hindi siya ang gumawa at nag-save ng audio recording na iyon.
Quaro?
Bigla siyang napatayo sa pagkagulat ni Daday. Kahit si Chichi na ngumunguya ng dinurog niyang ubas ay napatingala sa kaniya.
But this time, all her attention was focused on the recording. She needed—no, she wanted— to hear it and find out what was it all about.
"Sa labas muna ako, Daday. May tatawagan lang ako."
Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng apartment. Dumiretso siya sa dala niyang sasakyan at pumasok doon. She sat on the soft leather seat.
At sa nanginginig na mga kamay ay binuksan niya ang audio at pinakinggan iyon.
"Kirsten..."
Napalunok siya. It was Quaro's husky voice. Halatang hinihinaan nito ang boses upang hindi siya magising.
"Kung maririnig mo ang recording na ito bago ang ika-isandaang araw, please stay in my life. You are meant for me—to stay with me. In my arms.
When we made the agreement almost three months ago, it never came to me that we would end up like this. I never thought I'd enjoy your company. I never imagined that I would need you this bad. I was used to living alone, to flying solo—and I liked it that way.
But then, you came into my life and my world turned upside down. I never thought you will be filling the void in my life. God, I am so into you, Kirsten. I just realized that.
Last night, when I came home and didn't find you here, I felt so empty. I was used to seeing you in my bed, or in the kitchen waiting for me to cook for dinner. Or at the table near the window. Hinanap ka ng sistema ko, at nang hindi kita makita ay para akong tanga na nakatingala lang sa kisame ng kwarto hanggang sa hilahin ako ng antok.
And when I came home tonight and found you here, I was ecstatic. Para akong upos na kandilang sinindihang muli at nagkaroon ng buhay. I craved for you, Kirsten. And here I thought I was happy living alone.
I don't know much about you, but I hope you would give me a chance to get to know you more. And... that will only happen if you stay here. With me
But...
If you happen to find this recording after the 100th day, then I guess we are not meant for each other. Maybe you are meant to just pass by to help me realize that I had a boring, stagnant life. Maybe you are meant to be with someone who isn't a coward to confess his feelings straight on. And maybe I am meant to live like this forever. Missing you.
Go live your life to the fullest and have fun, Kirsten. And if prayer really works, then I pray that you find the true happiness that you deserve.
I have... never been this scared of saying what's on my mind. I will say it nonetheless; I love you, Kirsten. I love you and I will miss you always."
And the recording ended there.
Hilam ng luha ang mga mata nang lingunin niya ang pinto ng apartment nila Daday, at doon ay nakita niya itong nakatayo sa pinto at karga-karga si Chichi.
Mabilis niyang pinahiran ang mga luha bago nagsalita.
"K-Kailangan ko nang umalis, Daday."
"Uuwi na po kayo?"
Umiling siya. Muling nagpahid ng luhang kumawala sa isa niyang mata. "Pakisabihan si Lolo na hindi ako makauuwi ngayong gabi. May tao akong hahambalusin sa Montana."
***
NEXT >>
CHAPTER 37 - The Lucky Gal
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top