33 | Talk About Feelings




Wala si Paige nang magtungo si Kirsten sa appliance center na pag-aari nito malapit sa shop. Ayon sa staff na napagtanungan niya ay nasa kabilang bayan raw ito at dumalaw sa ina na nakatira roon. She just left the envelope and asked the staff to hand it over to Paige.

Matapos manggaling roon ay dumiretso na siya sa shop ni Quaro—she wanted to talk to him one, final time, and to collect her stuff, as well. Iyon na ang huling beses na pupunta siya roon.

Pagliko niya sa street patungo sa shop ay nagtaka pa siya nang makita kaagad ang nakasarang roll up door. Weekday at dapat ay bukas ang shop subalit hindi.

Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya iyon. Lalo siyang nagtaka nang makitang may nakasabit na karatula sa pinto;

CLOSED FOR RENOVATION.

Renovation? Ipapaayos ni Quaro ang buong shop?

Sinulyapan niya ang oras sa mumurahing relos na binili niya sa palengke noong nakaraan; it was 30mins past eleven o'clock.

Muli niyang ibinalik ang pansin sa karatula. Wala iyon doon nang umalis sila upang bumisita sa bahay ng mga ito, Ibig sabihin ay nakabalik na si Quaro at maaaring nasa loob lang.

Humugot siya ng malalim na paghinga upang kumuha ng lakas ng loob na harapin ito. Itinuloy niya ang paglalakad patungo sa likod ng gusali. Tulad ng dati ay sa back door siya dadaan.

Nang makapasok siya sa backdoor ay muli siyang kinunutan ng noo nang makita ang madilim na kusina. Madilim mula roon hanggang sa shop—which meant Quaro was not home. Dahil kung naroon ito at nasa itaas lang, nagbubukas ito ng ilaw sa ibaba.

Ini-sara niya ang pinto at binuksan ang ilaw sa kusina. Tulad ng dati ay malinis at nasa ayos ang lahat ng mga gamit doon. Kaaayos lang rin ng working station, kaya nagtataka siya kung ano ang ipa-re-renovate ni Quaro? Hindi kaya dahilan lang nito iyon para isara ang shop sa mahabang panahon?

Mahabang panahon? Why?

Tumingala siya sa itaas.

At saan siya maaaring pumunta? Hindi ngayon ang schedule ng grocery niya.

Buong pagtataka siyang umakyat sa hagdan. Dinaanan lang ng tingin ang theater room bago siya dumiretso sa third floor. Hindi naka-lock ang pinto kaya tuluy-tuloy siya sa silid. Doon ay inabutan niya ang kama na magulo.

Quaro never left his bed unmade. He was always meticulous, naiinis ito sa kalat at hindi organisadong bagay sa paligid. Imposibleng iwan nito ng ganoon lang ang higaan?

Lumapit siya roon at nahinto nang makita sa sahig ang leather jacket na suot ni Quaro nang magtungo sila sa lugar ng pamilya nito. He was probably too tired when he got home and he just hit the bed? Nagising marahil at nagmamadaling umalis dahil may emergency.

O baka kasama nito si Paige na nagtungo sa kabilang bayan upang pag-usapan ang tungkol sa pagdadalangtao nito kasama ang mga magulang ng dalaga...

Muli siyang natigilan sa naisip.

Shit—where did it come from?

Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang ideyang iyon sa utak. Yumuko siya at dinampot ang leather jacket saka iyon dinala sa dibdib. She could still smell Quaro's perfume from it, and she couldn't help but sigh.

Dalawang gabing hindi niya ito nakatabi at nakasama. Nasanay na siyang lagi itong katabi at ang dalawang gabing hindi sila magkasama ay tila impyerno sa kaniya.

Pero mukhang kailangan na niyang sanayin ang sarili dahil sa mga sandaling iyon... ang tanging sigurado na lang niya ay ang kaniyang damdamin. Quaro would never return her feelings. He would never commit to her. Kailangan na niyang sanayin ang sariling hindi na ito makakasama at makakatabi sa pagtulog sa susunod na mga linggo... at mga buwan... at mga taon.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago inilapag ang jacket sa bed side table at muling hinarap ang kama. Inayos niya iyon, at pinagpagan ang mga unan.

She decided to clean the room one, final time. Change the sheets and pillowcases, map the floor, and clean up the closet.

She would... erase her existence before she leaves.








***








Ten minutes past 10:00 o'clock. Iyon ang oras ayon sa wrist watch ni Quaro.

Damn. He was too exhausted he could just drop himself in his bed just like what he did last night.

Noong sumama siya kay Aris upang samahan itong sunduin ang kaibigan nitong na-stranded sa isang bayan ay halos lumilipad din ang utak niya. Umalis siya at sumama sa kapatid kahit hindi naman kailangan. Kahit kaya naman ni Aris na pumunta sa lugar na iyon nang mag-isa. Pero umalis siya at nagpresintang sasama upang iwasan si Kirsten.

He was pissed last night—he was jealous of his brothers. A feeling he had never encountered before. Na kung hindi pa sinabi ng Mama niya kagabi ay hindi niya mauunawaan.


~~


"Where is Kirsten?" tanong niya nang pagbuksan siya ng pinto ng ina. It was already nine in the evening and she wasn't in her room yet.

"What do you mean? Hindi ba nagsabi sa'yo?" salubong ang mga kilay na tanong ng ina.

"Nagsabing ano?"

"Na sasama kina Taurence at Phillian na pupunta sa bayan. Your brothers are planning to buy a gift for Aris kahit alam nilang ayaw ng isa na tumanggap ng regalo."

"With Taurence and Phillian?" he repeated, totally ignoring everything else his mother had said.

"Yeah, with your brothers. Why?"

"Fuck," he cursed under his breath. Wala na siyang pakealam kung narinig iyon ng ina. Naiinis siya dahil hindi man lang nagpaalam sa kaniya si Kirsten. And he had been calling her number numerous times but she wasn't answering!

"Why are you so pissed? Kung kasama ni Kirsten ang mga kapatid mo'y wala kang dapat na ipag-alala."

"Lalo akong nag-aalala dahil kasama niya sina Phillian at Taurence—and you know how naughty those sons of yours, Ma."

Sandali siyang natigilan nang maisip ang mga sinabi. Those words came out without a warning. At gusto niyang bawiin ang mga iyon subalit muli siyang natigilan nang makita ang malapad na pagngiti ng ina.

"You are jealous of your brothers for the first time, son..."

"Ugh, no, Ma—"

"Come on, no need to deny it. Kaya ka nga nag-walk out kanina dahil nainis ka sa paraan ng pagkakatitig ni Kirsten sa mga kapatid mo, hindi ba? At kaya ka hindi bumaba noong oras ng hapunan dahil alam mong mapipikon ka lang. Sa ibang pagkakataon ay baka inakyat na kita kanina para piliting bumaba, but I know what was happening—I just needed confirmation. And now, I got it."

His mother giggled next.

"You men wouldn't recognize it, but us women know. Ang paraan ng pagkakatitig ni Kirsten sa mga kapatid mo kanina ay simpleng paghanga lang, anak. No need to panic. She's all over you."

"Stop it, we are not romantically involved—"

"Come on, Quaro. What made you think you can lie to me? First and foremost, I raised you for over twenty years. Secondly, you are a bad liar. Third but not the least—jealousy is all over your face, son."

Me? Jealous? I don't even know what I'm feeling for that woman!

"Bakit kailangan mong itanggi sa akin na may namamagitan sa inyong dalawa? Sa tingin mo ba talaga ay maililihim mo iyon?"

Huminga siya ng malalim at umiwas ng tingin. His eyes focused on the hallway to the kitchen. Naroon sa ibaba ang silid ng ina nila katabi ng silid nina Patty dahil hirap na itong umakyat-panaog sa hagdan.

"Ayaw kong umasa kayo. Alam kong sa pagdadala ko ng babae rito sa atin sa unang pagkakataon ay babangon ang pag-asa niyo at isiping..."

"Mag-aasawa ka na?" dugtong nito sa sinabi niya.

"I don't want to be married, Ma. That's the point. Ayaw kong isipin mo na mag-aasawa na ako kaya napili kong itanggi at itago sa inyo. But yes—if you want honesty, then yes. Kirsten and I are..."

Shit.

Papaano niyang sasabihin sa ina na maliban sa sekswal na relasyon ay hindi niya alam kung ano ang mayroon sa kanila ng dalaga?

"You are involved—romantically," muling dugtong ng ina niya. And he wanted to correct her but his mother beat him off. "Nope, don't deny it, Quaro. Kirsten is in love with you, I could tell. And you have stars in your eyes whenever you'd look at her—bituing tinatakpan ng makakapal na ulap dahil d'yan sa selos mo. My God, Quaro. Bakit ba kay hirap sa'yong umamin ng nararamdaman?"

"I don't even know what I'm feeling for her, mother..." His voice was low and full of insecurities.

Nagulat pa siya nang banayad na kinuha ng ina ang kamay niya, pinisil iyon bago dinala sa dibdib niya. He stared at his mother with confusion.

"Think about it tonight, Quaro. Look her in the eye and ask yourself what you truly feel for her. You will surely find the answer. At kapag nangyari iyon ay sabihin mo kaagad sa kaniya."


~~


And he was going to do that last night. Kung hindi lang siya nito pinaghintay ng halos tatlong oras!

He went to her room and was just going to reprimand her for not answering his calls and for coming home late—alam niyang hindi siya dapat magselos sa mga kapatid, pero hindi niya naiwasang makadama niyon. Lalo at alam niya kung gaano ka-tinik sa babae sina Taurence at Phillian.

Phillian was flirty, whilst Taurence was a star—paano siyang hindi kakabahan?

Kaya naman imbes na sitahin lang sana si Kirsten ay kung anu-ano na ang lumabas sa mga bibig niya. And it was too late to take those words back. Dahil sa pamamagitan ng lamp na nasa tabi ng higaan ni Kirsten ay naaninag niya ang hapding dumaan sa mga mata nito matapos ang lahat ng mga sinabi niya.

He was pissed and so jealous of his brothers he didn't know how to properly talk to her!

At nang malaman niyang ilang araw na lang at matatapos na ang lodging agreement nila ay lalo siyang na-praning. Naisip niyang marahil ay nagpa-plano si Kirsten na isunod naman ang isa sa mga kapatid niya para makalibre na naman ito ng matitirhan hanggang sa makahanap ng trabaho.

Damn her.

If she wanted to stay, she could stay in his house for as long as she fucking wants! He didn't want her to leave anyway...

But damn it—umasa siyang daratnan niya ito sa bahay pag-uwi niya kagabi subalit wala. She wasn't home. Hindi na siya nag-abalang tawagan ito sa cellphone dahil baka lalong uminit ang ulo niya kapag hindi na naman nito iyon sagutin. Kaya si Lee na lang ang tinawagan niya upang alamin kung naihatid nito si Kirsten.

Doon niya nalaman sa kapatid na hindi sa shop nagpababa ang dalaga. And he waited for her the whole night, but no Kirsten came home!

Damn her.

Pag-gising naman niya kinabukasan ay isang importanteng lakad naman ang pinuntahan niya.

At ngayon ay pagod na pagod na naman siya. He would probably just have a quick shower and he'd hit the bed. He was starving but he didn't want to eat anything anymore—

Natigilan siya nang may mapagtanto.

Bukas ang ilaw sa kusina!

Ibig sabihin ay...

Napatingala siya sa hagdan, at nang makitang bukas din ang ilaw sa theater room ay kumabog ang dibdib niya sa antisipasyon.

She's here!

Wala sa loob na binitiwan niya at hinayaang bumagsak ang hawak na backpack sa sahig bago inakyat ang hagdan. Para siyang upos na kandila kanina na ipinatong sa bagong kandila kaya ngayon ay malakas ang apoy.

Nang buksan niya ang pinto ng silid sa third floor ay nahinto siya nang makita ang pigura ni Kirsten na nakahiga patalikod sa pinto. Patay ang ilaw at ang lamp, ang tanging tanglaw sa silid ay ang sinag ng buwan mula sa mga nakabukas na bintana.

She was wearing one of his white shirts again, and that made him smile.

Maingat niyang ini-sara ang pinto saka hinubad ang jacket at kung papaano na lang iyong ibinagsak sa sahig. He then kicked off his shoes, then unbuckled his belt...

She must have heard his movements because she purred and turned in his direction. Nagising ito at nang makita siya'y biglang bumangon.

He was ass-naked when he reached the bed, but he pushed her back gently and joined her to bed. Nakikita niya sa anyo ni Kirsten ang pagkalito. Nakikita niyang may nais itong sabihin subalit naroon ding nagdadalawang-isip.

He went on top of her. Ipinatong niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ng ulo nito.

"Quaro, kailangan nating—"

"Mag-usap?"

"Y-Yeah. May gusto akong... linawin."

Tumango siya. "Sure, let's talk, " he said, lowering his head. "But let's do that later, Kirsten. Because right now, all I really wanna do is to kiss you hard."

Then, his lips caught hers and the fire inside of him ignited like wildfire.





***


NEXT >>

CHAPTER 34 – Hopelessly Falling






A/N:

Four more chapters pa, mga sez. Mag-wave goodbye na kayo kina Quaro at Kirsten.

Bale, may mabubuntis si Quaro.

Magpapaalam si Kirsten. Aalis.

Tapos ninang siya sa anak ni Quaro.

The end.

K, bye.

HAHAHAHAH!

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top