31 | Future Brother-in-Laws?




~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.

Reader discretion is advised~






***





Hindi alam ni Kirsten kung saan siya naroon sa mga sandaling iyon; sa langit ba o sa paraiso? Nasa Mount Olympus ba siya, o nakapasok sa isang male magazine? She couldn't tell.

           Hindi niya alam kung kanino titingin sa pagpasok nilang muli sa bahay. Sumalubong sa kanila ang mga nagtataasan at nag-gu-guwapuhang mga lalaki na naka-upo sa sala kasama sina Quaro at Lee.

           Quaro's eyes were following her, but she did her best to avoid them. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito kaya ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, at sa ibang pares ng mga mata.

           She still hated him. She still hadn't moved on from what he had said to her. Marahil ay mamaya, kapag nilandi siya nito, ay mawawala na ang tampo niya.

           Ganoon naman talaga siya eh—marupok. She would surely still fall for his charm in a snap, just like always.

           Ang isang nakatayo at nakasuot ng kulay itim na turtleneck shirt ang unang lumapit at sinalubong si Felicia. He had an angelic smile and he seemed like a kind person. But nope—hindi siya palilinlang sa magkakapatid na ito. Maaaring mukha itong mabait, pero ramdam niyang may itinatago rin itong bangis sa kabila ng matamis nitong ngiti.

           Of course—kung pagbabasehan niya ang ka-plastikan ni Quaro sa harap ng mga customers ng shop, masasabi niyang ganoon din ang mga kapatid nito.

           But just like Quaro... the guy who was approaching Felicia with a sweet smile on his lips looked so... dazzling.

           "Hello, Ma. How have you been?" anang lalaki pagkalapit. Yumuko ito at hinalikan sa pisngi si Felicia bago sumulyap sa kaniya. 

           "Happy to see you back, Aris," Felicia greeted sweetly. Makikita sa mga mata nito ang labis na galak pagka-kita sa isa pang anak. Ilang sandali pa'y binalingan siya ni Felicia. "BTW, hija, this is my third son, Ariston Ghold. You can simply call him Aris, and he is the birthday boy."

           Birthday? bulong niya sa isip. Hindi siya nasabihan ni Quaro na kaarawan ng isa sa mga kapatid nito.

           Si Aris ay nagsalita, "And who is this pretty lady...?"

           "I am—" Quaro's friend and housemate were the answers she was planning to say, but Mrs. Zodiac interrupted her with;

           "She's Quaro's girl."

           "Ahh..." Ang mga ngiti ni Aris ay lumapad. "So you are Quaro's."

           Ahh... wari din siya sa isip, ginaya ang paraan ng pagkakasabi ni Aris. May bahagyang inis siyang naramdaman sa narinig mula rito. Para lang siyang gamit kung tukuyin nito. Damn Quaro.

           "I never thought Quaro would bring a girl," sabi naman ng isa pang lalaki na ikinalingon niya. Another handsome guy who was wearing a black Panama hat and had a nostril piercing stood up and walked in their direction. Tulad ni Aris ay humalik din muna ito sa pisngi ng ina bago siya hinarap.

           Up close, the guy looked really handsome. But he didn't have the kind of face Ariston possessed. The other guy had... angst. He was more into the ragged side as opposed to Aris who was more into the clean-cut side. Just like Lee.

            If a woman was looking for a clean-cut, mestizo, with a Pierce Brosnan vibe, that would be Aris. Mukha itong... mabango.

           Lee Benedict, on the other hand, gave her the Richard Gere vibe. Mukhang mayaman.

           Whereas the other guy... He was different. He was more of a ... Johnny Depp type. Gorgeous, playful, mysterious. Mukha itong maginoo pero medyo bastos.

           Ilang sandali pa'y kinunutan siya ng noo nang may mapansin.

           Wait... he looks familiar.

           Itinuloy niya ang pagsuri rito pababa; doon sa magkabila nitong mga braso.

           Oh, and he's tattooed, too. Boy, oh boy. Look at his inks...

           Muli niyang ibinalik ang tingin kay Aris at sinulyapan naman ang mabalahibo subalit makinis nitong braso. And then, her eyes would go back to the other guy who was smiling sexily at her.

           Lantaran niyang sinusuri ang dalawang lalaking nasa kaniyang tabi at pilit na ipinagkukumpara—pero hirap siyang mawari ang pagkakaiba at kung sino ang mas nakalalamangan dahil tila pareho lang ang mga ito sa kaniyang paningin. Both men were equally gorgoeous.

           Susme, humihinga pa ba ako?

           "Oh, Taurence, I thought you wouldn't make it."

           The tattooed guy, Taurence, turned to his mother and smiled softly. "The birthday celebrant is one of my favorite brothers—I can't miss his birthday for the world?"

           Napangiti si Aris sa sinabi ni Taurence habang siya nama'y unti-unting pinanlakihan ng mga mata.

           Taurence.

           Taurence!

           Damn! Siya ang sikat na singer na si Ace Taurence!

           "This is my fourth son, Kirsten. His name is Taurence," pakilala ni Felicia na sinagot lang niya ng pagkurap.

           Hindi siya makapaniwala. Hindi siya makapagsalita sa gulat at pagkamangha.

           Hindi niya akalaing ang sikat na singer/songwriter na si Ace Taurence ay kapatid ni Quaro!

           She liked music—she loved singing for the children. Pero ang skills niya sa pagkanta ay para lang sa choir at hindi pang malakihang concert halls o auditorium. Hindi siya mahilig makinig sa mga local artists pero hindi nakaligtas sa kaniya ang sikat na singer-composer na ipinamimigay ang malaking porsyento ng kita nito sa mga charities at church organizations. She hadn't seen him perform on videos or in person, but she had listened to some of his songs on the radio before. Minsan lang niya itong nakita sa isang interview ilang buwan na ang nakalilipas.

           Napahawak siya sa dibdib. She was start struck!

           She was gawking at Taurence for so long when another man spoke behind her. Napalingon siya at biglang napa-atras nang maka-kita ng isa pang anak ng Diyos.

           Another guy who was looking so sexy in his floral Hawaiian shirt was standing behind her. She looked up and the first thing she noticed was his chiseled jaw and his light blue pair of eyes. This one had a Brad Pitt vibe on him, and she used to like Brad Pitt, not until he and Angelina Jolie separated due to cheating issues!

           Mukhang mabait pero makasalanan naman ang isang 'to... Is he one of the brothers?

           Napalunok siya.

           Para siyang taong bato na nakarating sa siyudad sa unang pagkakataon at nakatingala sa mga nagtataasang gusali nang may pagkamangha.

           Mukhang alam na niya kung nasaan siya.

           She was in Hollywood!

           "Hello, sunshine," the new guy greeted. "I'm Phillian, the second eldest. I've heard a lot about you from Quaro."

           Quaro? Sino 'yon?

           Why would she even bother herself thinking about that lousy bastard if she was already surrounded by these three stunning God creations?

           "I am happy to finally meet you, Kirsten."

           Napakurap siya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala siyang ma-apuhap na salita. Wala siyang pakealam kung halata ang pagkakatulala niya sa mga kapatid ni Quaro—she was stunned she didn't know how to properly act.

           It's not every day that she would meet good-looking men in one place?

           Napa-igtad siya at sandaling nahinto sa pag-iisip nang banayad na kinuha ni Phillian ang isa niyang kamay. Sa pagkamangha niya lalo'y yumuko ito at dinampian iyon ng halik.

           Wow... Nice move.

           Pero bakit ganoon?

           Phillian's kiss on her hand had no impact. Other girls would surely sweep off their feet, but not her. And that was odd considering how she reacted after seeing him.

           Well, namangha lang ako nang makita ko ang ilan sa mga kapatid ni Quaro. I thought I was in a different world.

           Pero ang totoo ay... mas malala ang naramdaman niya noong una niyang nakita si Quaro. She wasn't able to get proper sleep for a couple of nights because of him. Pakiramdam niya noon nang makita niya si Quaro sa unang pagkakataon ay para siyang nakuryente mula sa dulo ng mga daliri niya sa paa hanggang sa dulo ng hibla ng kaniyang buhok. She thought she had stopped breathing then. She thought her soul had left her body.

           Yeah. Iba ang dating ni Quaro sa kaniya.

           Mas malala.

           Kaya kahit pa siguro paligiran siya ng mga kapatid nito, Quaro would still be... the very best.

           Napabuntong-hininga siya saka nagbaba ng tingin. At last ay bumalik niya ang espirito niya sa kaniyang katawan.

           Ngumiti siya at muling tiningala ang tatlo. At sa banayad na tinig ay,

           "Masaya akong makilala kayong lahat. I am Quaro's... guest."

           Sabay na nagpakawala ng makahulugang ngiti ang tatlo, and she almost rolled her eyes because she knew what they were thinking. Of course, hindi nga ba at sinabi na ni Quaro sa mga ito ang tungkol sa laro nila?

           Muli siyang huminga ng malalim. Ayaw niyang muling sirain ang mood sa pag-iisip ng tungkol sa mga sinabi ni Quaro kanina.

           "Hey, son, where are you going?" ani Felicia na kumuha ng pansin niya. Ang tingin nito'y nasa sala.

           Napalingon siya upang tingnan kung sino ang tinawag nito. At nang makita si Quaro na nakapamulsang humakbang patungo sa staircase ay kinunutan siya ng noo.

           "I'm going back to my room. Ipatawag niyo na lang ako kung oras na ng hapunan."

           Naguguluhang sinundan niya ito ng tingin. Si Lee na katabi nito kanina ay nakangising nagsalita. "He couldn't take the view, I guess?"

           "What view?" aniya, ang tingin ay nakasunod pa rin kay Quaro na nag-umpisa nang umakyat sa malaking hagdan.

           "Never mind him," sagot nito na tumayo na rin at naglakad palapit. "Kung nakasama mo na siya sa bahay ng ilang linggo ay siguradong alam na alam mo na ang ugali niya. He's a loner and he doesn't want his property to be touched by anyone." Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang hawak-hawak pa rin ni Phillian.

           Doon ay para siyang na-paso at biglang binawi ang kamay.

           Phillian chuckled and pushed his hands into his pockets.

           "Hey, Kirsten," si Taurence. "Would you like to go to the greenhouse? Maganda roong tumambay kapag ganitong papalubog na ang araw."

           "Oh, that's a great idea, Taurence!" bulalas ni Felicia. "Habang niluluto pa ang hapunan ay samahan mo roon si Kirsten. She would surely love it there."

           "I'll come, too." Si Ariston na nagtaas ng isang kamay, smiling from ear to ear. "Gusto kong silipin ang mga tanim na ipinadala ko rito. Kung hindi mo pa alam, I own an urban plant shop. Maraming wild flowers na nabubuhay sa talon hindi kalayuan dito. It'll only take us fifteen minutes walk, magandang pagkakataon para makilala ka pa namin ng husto."

           What's the use kung hindi rin ako magiging parte ng pamilya niyo?

           Pilit siyang ngumiti. "Sige ba."

           "Sasama na rin ako," ani Phillian na patuloy sa pag-ngisi. "I hope you don't mind, Kirsten?"

           "No, we're good." Napangiti na rin siya. It was hard not to like Quaro's brothers. They all seemed nice and friendly. And—

           Gaga, parang kanina lang ay ang aga mo silang hinusgahan, ah? Hindi ba't sinabi mo na pareho lang sila ni Quaro? Plastik, 'di ba?

           Oh, gusto niyang sapukin ang sarili.

           "Let's go, Kirsten?" yaya ni Aris na nauna na at napalingon upang tawagin siya.

           Lumapad ang ngiti niya saka tumango. "Let's go." I'll give them the benefits of the doubt. Baka si Quaro lang ang suplado at plastic sa kanilang magkakapatid.





***





           Napabalikwas ng bangon si Kirsten nang biglang bumukas ang pinto ng okupado niyang silid. Quaro was standing at the door, face shadowed by the dark.

           Nagsalubong ang mga kilay niya. "May problema ba?"

           "Don't tell me na kaaakyat mo lang?"

           "Well, yes."

           "Well, yes? That's all you have to say?"

           "What else do you want me to say, then?"

           Matapos mong mag-walk out kanina, you want explanation? Hindi ba dapat ay ikaw ang magpaliwanag kung bakit bigla ka na lang umalis kanina at hindi bumaba para maghapunan?

           Oh, she wanted to say that. Pero sa mga oras na iyon ay malinaw sa kaniya kung saan siya lulugar.

           Simula nang umakyat ito sa silid nito hanggang sa makabalik sila sa bahay matapos siyang dalhin ng mga kapatid nito sa kalapit na falls at sa magandang greenhouse ni Felicia ay hindi na niya ito muli pang nakita. Noong pinatawag na ito sa katulong upang maghapunan na ang lahat ay nagdahilan na inaantok at matutulog na lang.

           How childish!

           Ang nakapagtataka pa ay natawa lang ang mga kapatid nito habang si Felicia nama'y napa-iling at napangiti na lang. Were they enjoying it? Or they were just used to Quaro's weird personality?

           Sa tingin niya'y nagkakaintindihan ang mga ito.

           "Sinilip kita rito ng dalawang beses—at 8:00pm and 10:00pm. It's already 1:00 AM and you have just gone to bed? Who was with you?"

           Ignoring the anger from his voice, she answered, "Hindi por que pamamahay mo ito ay obligado na akong sagutin lahat ng mga katanungan mo—"

           "I brought you here, which means you are my responsibility. I have the right to know what's happening."

           "Paano kung ayaw kong sagutin? At responsibilidad ba 'ka mo, Quaro? Responsibilidad mo pala ako, eh bakit mo ako hindi sinamahan doon sa ibaba kanina? Hinayaan mo na lang ako doon, aba."

           Diyos ko, bakit ko ba hinahamon ang taong ito?

           Hindi sumagot si Quaro. Dahil madilim sa bahagi ng pinto ay kalahati lang ng mukha nito ang nababanaag niya. At ramdam niya ang malalalim nitong paghinga, ramdam niya ang inis nito.

           Aba, siya pa ang may ganang mainis?

           Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang makipagtalo. Kahit pa pinabayaan siya nito kanina ay naging masaya naman siya kasama sina Felicia at mga kapatid nito. They were all good to her, and she enjoyed their company.

           At gusto na rin niyang matulog.

           "Matapos ang hapunan ay nagyaya muli sina Phillian at Taurence. Pumunta kami sa bayan, may mga binili sila para kay Aris at anong oras nang nakabalik. Marami palang pasyalan doon kaya nag-ikut-ikot muna kami at—"

           "Sino sa mga kapatid ko ang nakakuha ng atensyon mo?'

           What?

           "You seemed to enjoy the attention they give you. So, sino sa kanila ang pinaka-nagustuhan mo?" May panunuya sa tono ni Quaro na nagpataas ng kilay niya.

           Tarantado 'to ah...

           "Lahat sila," sagot niya. "Lahat sila ay gusto ko."

           Again, his jaw flexed.

           "Okay," he said before taking a long, deep breath. "Who amongst them took your sexual interest?"

           Gago ka, Quaro! –that's what she wanted to say. Nag-uumpisa na ring uminit ang ulo niya. She opened her mouth to say something but Quaro cut her off;

           "Let me rephrase that," he said. "Who amongst my brothers would you like to fuck next?"

           That's when her eyes grew big in horror. Hindi niya akalaing umabot na sa ganoon ang takbo ng isip nito. Akala pa man din niya ay naiinis lang ito dahil hindi siya nagpaalam, o dahil anong oras na silang bumalik, o dahil mas pinili niyang sumama sa mga kapatid nito kaysa ang puntahan niya ito sa kwarto at kausapin. She thought his stupid ego was just waiting for her to approach him first, to do the initiative. Pero iba pala ang takbo ng isip nito.

           Ramdam niya ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang ulo, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Ramdam niya ang unti-unting pagragasa ng galit sa kaniyang sistema.

           How dare this asshole? Hindi por que ibinigay niya rito ang lahat sa kaniya ay may karapatan na itong pagsalitaan siya ng ganoon?

           She clutched her hands in fury. Gusto niya itong batuhin—gusto niya itong saktan.

           Ganito na ba ang ka-baba ang tingin nito sa kaniya? Por que ini-suko niya ang lahat dito?

           Pinigilan niya ang sariling hablutin ang unan at ibato rito. O hindi kaya ang lampshade na nasa tabi niya. O ang vase na nasa tabi niyon.

           Sunud-sunod siyang huminga ng malalim.

           "Dinala mo ako rito sa bahay ng pamilya mo at ini-harap sa kanila. You asked me to introduce myself to your brothers as your property. You treated me like an object, but I obeyed because you know me—you know how I always wanted to please you. Tapos ngayon ay sasabihin mo sa akin ang ganito? Ano ba ang tingin mo sa akin, Quaro?"

           She wanted to applaud herself for speaking in a calm, civil way sa kabila ng galit at sama ng loob na namumuo sa kaniyang dibdib.

           "Por que nagpaka-gaga ako sa'yo ay ganito na kababa ang tingin mo sa pagkatao ko? Kaya ganito mo na ako kung tratuhin?"

           Si Quaro ay hindi nagsalita. At dahil nga madilim sa bahaging kinatatayuan nito'y hindi niya naaninag ang emosyong bumabalot sa anyo nito.

           "Nakaka-dismaya ka, Quaro. Ngayon ko lang napagtanto na gago ka pala." Doon na siya umiwas ng tingin, kinuha ang unan, niyakap, saka patagilid na humiga. "Gusto ko nang magpahinga. Umalis ka na."

           Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang pigilan ang pag-usbong ng mga luha. For the first time since she decided to risk everything for this idiot, she had shed a tear.

           Buong akala niya, ang pagdadalang iyon ni Quaro sa kaniya sa bahay ng pamilya nito ay isang malaking hakbang ng pagbabago sa samahan nila. She thought it was a character development in his part. Umasa siya—pero mukhang hanggang pantasya na lang talaga siya.

           She shouldn't have expected anything from this man. She shouldn't have hoped for anything.

           Lahat ng mga inasahan niyang mangyari ay nagkabaliktad. Umasa siya—dahil gaga siya.

           "Kailan matatapos ang isandaang araw na agreement natin?"

           Nagmulat siya nang marinig muli ang tinig nito. She didn't have to think longer—she was on track of the days.

           "Apat na araw mula ngayon," she answered quietly.

           "Great. You don't have to wait until our agreement ends; you can freely go whenever you want. All my brothers have a place of their own, so your lodging won't be a problem."

           Then, the door slammed like thunder in the sky during a bad storm.

           Nang maiwan siyang mag-isa ay saka niya pinakawalan ang mga luha.

           "Tarantado ka, Quaro. Tarantado."





***


NEXT >>

CHAPTER 31 - Someone's Carrying a Life





A/N:

Uy teka, feeling ko may plothole or flaw sa part na itu? I couldn't find it... o, meron ba? Please point out kung may napansin kayong inconsistency haha! Naduduling na ako sa editing mga mars.

Anyhow... gagalet na rin ba kayo kay Quaro?

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top