30 | Meeting The Zodiacs
Sa gilid ng mga mata ni Felicia ay nakita niya kung papaanong sumilip-silip ang ulo ng pitong taong gulang na si Quaro sa pinto ng kusina. Naka-kapit ito roon sa hamba at kanina pa naka-masid; kanina pa siya ino-obserbahan habang nagmamasa ng dough para sa gagawing tinapay.
At kanina pa rin niya itong hinihintay na lumapit. Nagkunwari siyang hindi ito nakikita dahil nais niyang subukan kung maglalakas loob itong lapitan siya at unang kausapin.
Quaro was always silent—well actually, all of the children who were living in the Zodiac house were oddly quiet—but that was only because these children were products of the war. Sa murang edad na nasaksihan ng mga ito ang karimlan ng mundo. Naranasang mawalan ng totoong pamilya, at makaramdam ng pang-aapi.
And Quaro was the eldest among all the twelve children that were brought into their care. She and her husband had taken them all to stand as their new parents. But, Quaro was the only kid who wasn't calling her 'mother'.
He would always just call her... Felicia. At kahit ang kaniyang asawa ay nahirapan ding makipaglapit dito. Kahit anong sabi nila na sila na ang bagong mga magulang nito'y hindi nito magawang ituring sila ng ganoon. Because he said that he already got a mother. And that his mother was going to come and pick him up.
She could only let out a sigh.
These poor children...
If the world would only turn into a better place, none of these children would experience the tragedy of losing their parents—of losing their home and their family. They didn't deserve to be left alone in this cruel world. They didn't deserve to live their young life in pain and confusion.
Kung wala sila ng kaniyang asawa, walang nakaalalam kung saan napadpad ang mga ito. They could have been left on the streets and die in starvation and cold.
Muli ay napabuntong-hininga na lang siya.
Her husband, Arc Zodiac, was a retired general of the US army. She met him when she was on a cruise twenty years ago; he was just then a striving soldier who was on the ship for a week of vacation. They fell in love instantly and married a few months later.
They were blessed with a son, and they lived a happy life, kahit na madalas na wala ang kaniyang asawa at nasa gitna ng gyera. Eventually, Arc was promoted to a higher rank and was able to come home often.
Their son, Anthony, was ten years old when he was killed in a fatal accident. Ang sinasakyan nitong school bus papuntang eskwela ay nabangga ng ten-wheeler truck na nawalan ng preno. Anthony was one of the six victims who died on the spot.
The death of their son caused her mental breakdown. Hindi naging madali sa kaniya ang tanggapin na nawalan sila ng anak. She had suffered for their loss, but her husband stayed and supported her. Nag-suhestiyon ang doktor niya na makabubuting umuwi muna siya sa pamilya niya; she needed as much support she could get from her family to get through her pain, and she did.
It was also the time when Arc retired from the army, sumama itong umuwi sa Pilipinas. He bought a huge property in a town called Corazon, and built a house there. Habang ginagawa ang bahay ay naroon siya sa mga kapatid niya sa kabilang bayan, trying to live her life one day at a time.
She and her husband had lived a simple, peaceful life since then. But despite this, she continued to mourn for their lost child. Kahit pilit niyang itago sa asawa ang sakit at lungkot na nararamdaman sa araw-araw ay napansin pa rin iyon ni Arc. Until she could no longer hide her pain. At dahil sa madalas niyang pag-iyak ay unti-unti siyang nagkasakit.
Arc wouldn't want her to fall into depression; he didn't want to lose her. Ang hindi niya alam ay gumawa ng paraan ang kaniyang asawa upang tulungan siya.
During that time, Arc was still in contact with his comrades and had learned that the squad had saved children from an ongoing civil war in Georgia. Isang araw, ay nagulat na lang siya nang dumating ang limang mga kaibigan ng kaniyang asawa sakay ng dalawang military helicopters, and with them were twelve little children. Half of those were still infants.
Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang mga bata—she was glad her husband had asked his comrades to bring those angels to them.
It had been three years since it happened. Her health got better and the kids had started to get along with her. Kumuha siya ng mag-asawang katulong nila, sina Patty at Miguel, upang alalayan siya sa mga bata at tulungan sa ilang trabaho sa bahay. Her husband had decided to extend the house—pinalakihan lalo at ginawan ng maraming silid para sa malaki nilang pamilya.
Her husband also did all the necessary processes to legally adopt the children—he did that with the help of his connections. Simula noon ay sila na ang tumayong magulang ng labindalawang mga bata.
But Quaro, since he was the eldest and he somehow knew what was happening, had a hard time accepting them as his new family. Lalo na sa kaniya. But she was patient with him. Alam niyang hindi magtatagal ay tatanggapin din siya nito, hindi magtatagal ay kikilalanin din siya nitong ina—katulad ng iba.
"Quaro, Quaro!"
Napalingon si Felicia sa pinto nang marinig ang tinig ng anim na taong gulang na si Ariston. He was Quaro's closest brother.
"Tawag ka ni Papa!" nabubulol na pahayag ni Ariston nang makalapit kay Quaro na kumunot ang noo.
"Wala akong papa."
"Papa Arc!"
"Hindi ko siya papa."
"Papa natin siya."
"Wala akong papa!"
Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung papaanong itinulak ni Quaro si Ariston bago patakbong umalis sa kusina. Si Ariston, sa kabila ng pagkakatumba, ay hindi umiyak at sinundan lang ng tingin ang nakatatandang kapatid.
Mabilis siyang lumapit dito at dinaluhan ang anak. "Okay ka lang ba, Ariston?"
Tumango ito at tiningala siya. "Okay lang po."
"Hayaan mo na muna ang Kuya Quaro mo, ha, Ariston? Kakausapin ko siya" Masuyo niyang dinama ang buhok nito. By God, the children were born with pure foreign blood but some of them possessed thick, raven black hair! Ilan lang sa mga ito ang light brown ang mga buhok; ang iba sa kanila'y iba ang kulay ng mga mata.
She smiled at Ariston when he stood up and patted his shorts, removing the dirt from the floor. "Babalik na ako kay Papa, Ma. Nagyayaya siyang mangisda at ang sabi niya'y tawagin ko si Quaro. Pero 'di bale na. Kasama naman namin sina Phillian at Tau-Tau."
Napa-igtad siya nang bigla itong yumuko upang dampian siya ng halik sa pisngi.
"Aalis na po ako, Ma." Iyon lang at tumalikod na ito. Pero bago pa man ito tuluyang makalayo ay muli itong lumingon at nakangusong nagsalita. "At h'wag niyo na po akong tawagin sa buo kong pangalan. Si Papa ay Aris lang ang tawag sa akin, eh."
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Okay, Aris."
Doon ngumisi ang anak saka kumaway at muling tumalikod.
Nakangiti niyang tinanaw si Aris na patakbong lumabas sa backdoor at tinungo ang backyard kung saan naghihintay ang owner-type jeep ng asawa na magdadala sa mga ito sa ilog hindi kalayuan sa bahay nila. Sumilip ang kaniyang asawa sa driver's seat at kinausap si Aris na lumapit dito; he was probably asking about Quaro. Ilang sandali pa'y sumampa na si Aris sa jeep at kumaway sa kaniya nang makitang nakasunod pa rin ang kaniyang tingin.
Phillian, who was the second eldest, and Taurence, the fourth, turned in her direction and waved at her, too.
She smiled as happiness filled her.
It was actually her who gave all of them their new names. Since there were twelve children, she named each of them after the zodiac signs.
Quaro was the eldest when he got there; he was four. They changed his name to Jan Quaro
Nang bumalik sa isip niya si Quaro ay nilingon niya ang daang tinakbuhan nito kanina. Nag-umpisa siyang maglakad patungo roon upang sundan ang anak. Nadatnan niya itong nasa harap ng porch at nakayukong naka-upo sa isa sa mga stools. She approached him and sat beside him. Matagal siyang natahimik at pinagmasdan ang iba pang mga anak na nasa hardin at naglalaro.
"Babalik pa ba ang tunay naming mga magulang?"
Napayuko siya kay Quaro nang marinig ang tanong nito. Wala siyang maisip na sagot—nanatili lang siyang nakayuko rito at naghahanap ng tamang sasabihin.
Papaano ba niya sasabihin dito na wala na ang mga magulang nito nang hindi niya ito masasaktan?
"May mga magulang pa bang babalik sa amin?" he asked again, rephrasing his question.
"Quaro..."
"Nakita ko ang papa ko na pinatay ng mga rebelde. At ang mama ko ay itinago ako sa tambakan ng mga dayami. Ang sabi sa akin ay huwag akong lalabas hanggang sa hindi niya ako tinatawag. Pero ilang araw akong nagtago roon at hindi siya bumalik, hanggang sa nakita ako ng mga sundalong nagdala sa amin dito. Ang sabi nila sa amin ay dadalhin nila kami sa mga magulang namin, pero bakit sa inyo nila kami iniwan?"
"Dahil Quaro... kami na ng Papa Arc niyo ang bago ninyong mga magulang..."
"Paanong nangyari iyon?" Tiningala siya nito at doon ay nakita niya ang pinaghalu-halong lungkot at pagtataka sa mga mata ng bata. "Mabait kayo sa amin, pero paanong naging magulang namin kayo? At paano akong nagkaroon ng mga kapatid?"
Hindi na niya napigilan pa na dalhin sa dibdib si Quaro at yakapin ng mahigpit.
"Quaro, kami na ang bago mong pamilya. Ang iyong ina... hindi niya nagawang bumalik. At kahit gustuhin niya, hindi na niya magawa, anak. Kaya kami narito ng Papa Arc ninyo... para alagaan kayo at gabayan. Para iligtas kayo."
"Hindi na talaga babalik ang mama ko...?"
Tuluyang bumagsak ang kaniyang mga luha. "Hinda na, anak. Gustuhan man niya, ay hindi na..."
"Paano ko... muling matitikman ang tinapay na gawa niya? Gusto ko siyang... makitang muli sa kusina habang ginagawa ang espesyal niyang tinapay..."
Doon natigilan si Felicia. Doon niya naintindihan kung bakit madalas niyang makita si Quaro na nakasilip lagi sa pinto ng kusina. Doon niya naintindihan... na nangungulila ito ng labis sa ina, at sa pamamagitan ng pagtanaw sa kaniya sa kusina ay marahil... paraan nito upang labanan ang pangungulilang iyon.
"Oh, Quaro. I am so sorry..."
Subalit ang bata ay nanatiling walang kibo sa mahabang sandali. Nanatili itong tahimik habang mahigpit niyang yakap-yakap. Umasa siyang yayakapin din siya nito, subalit hindi ito kumibo.
Ilang sandali pa ay...
"Gusto kong... matuto sa pag-gawa ng tinapay."
Humiwalay siya rito at luhaan itong niyuko. Ang seryoso nitong anyo ang nagpatigil sa kaniya sa pagluha. Matagal niyang tinitigan ng diretso sa mga mata ang anak bago pilit na ngumiti saka masuyo itong dinama sa pisngi.
"Nais mong matuto?"
Tumango ito. At sa munting tinig na puno ng determinasyon ay,
"Turuan niyo po ako... Mama Felicia."
*
*
*
"Since then, Quaro started to get close to me. Madalas siya sa kusina, kasama ang isa pa niyang kapatid, si Viren—he's now a chef in his own restaurant. At simula noon ay naging maayos na rin ang relasyon namin ni Quaro.
"It wasn't easy for him..."
"Yeah. But I think... Quaro distance himself from people only because he was scared to be left alone again. He preferred to be alone, to be on his own, and never get attached to anyone dahil natatakot siyang iwan at maghintay ng matagal upang hindi rin balikan sa huli. He was... traumatized."
Natahimik siya. Maaaring tama si Felicia—ganoon si Quaro dahil takot itong iwan mag-isa.
He would rather get used to being alone than be with people who would only leave him in the end.
At least iyon ang gusto niyang paniwalaan upang alisin ang sakit ng mga sinabi nito kanina. Upang takpan ang katotohanan na wala naman talagang gusto sa kaniya si Quaro.
Hindi ba at minsan na rin nitong sinabi na kaya ito nakikipag-sex kay Paige kahit wala ang mga itong relasyon ay dahil pareho raw ang mga itong nangangailangan, at dahil libre. She had willingly given herself to him because... he saw and felt how she needed him. Plus, the sex she was offering was free.
Ahh, shoot.
"But I'm glad that my eldest son met you, Kirsten. Ang pagdadala niya sa'yo rito ay senyales na ikaw na nga ang hinihintay kong tumapos sa takot ni Quaro na magpapasok ng iba sa mundo niya. He's used to flying solo—but I think he now has found his flock."
"You don't call it a flock if there are only two birds, Ma'am," pamimilosopa niya na ikina-tawa ni Felicia. Nagbiro siya upang alisin ang pag-asang muling bumangon sa kaniyang dibdib.
Ayaw rin niyang paasahin ang matanda—ngayon ay naiintinidihan na niya kung bakit nais ni Quaro na itanggi sa ina ang namamagitan sa kanila. Felicia had hopes on her face, and she was a kind and sweet old lady, ayaw niya itong bigyan ng sama ng loob kapag nalaman nitong tapos na ang lahat sa pagitan nila ni Quaro.
"Ma'am Felicia, dumating na po ang tatlo."
Sabay silang napalingon nang marinig ang tinig ni Patty.
"Sinong tatlo ang dumating, Patty?" Felicia asked, excitement was in her voice.
"Sina Phillian, Aris, at Taurence po, Ma'am. Habang sina Viren at Leonne ay tumawag at nagsabing sabay na darating mamayang gabi. Sina Sacred at Sage ay hindi pa rin po matawagan—sinusubukan pa rin ni Sir Lee na tawagan sila ngayon sa lahat ng numerong alam niya. Sina Genesis, Cerlance, at Caprionne naman po'y nagpasabi na hindi makararating— parehong may mga biglaang appointment."
"Oh, that's okay. Hindi ko na rin inasahang makararating silang tatlo. Keep on calling Sacred and Sage, though. Pinag-aalala ako ng dalawang iyon lagi." Nang muli siyang hinarap ni Felicia ay bumalik ang ngiti nito sa mga labi. "Would you like to meet my other sons?"
***
NEXT >>
CHAPTER 31 –
Future Brother-in-Laws?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top