29 | Deliberately Hurting Her





"Oh!"

Biglang umaliwalas ang mukha ng may edad na babae sa loob ng kusina nang pumasok sila roon ni Quaro. Pagdating nila sa ancestral house ng pamilya ay sinalubong sila ng magiliw na kasambahay na marahil ay kasing edad lang ng Yaya Miling niya. The helper's name was Patty; she was a tall and slender middle-aged woman who had a gregarious attitude and a contagious smile. Dinala sila nito sa kusina kung saan naroon ang ina ni Quaro.

And there she saw her; a pretty lady in her sixties. Fair-skinned and probably just as tall as her. She had a face of an angel just as how poets would describe it, dahil sa maamo nitong mga mata at malapad na ngiti. Her grey hair was cut stylishly short and her lips were dabbed with coral lipstick. Mukha itong glamorosa na kahit nasa bahay lang ay nakaayos.

And she wondered... Ganoon din kaya ka-ganda ang mama niya kung nabubuhay pa ito? People said that she didn't look like her mother; kamukhang-kamukha raw siya ng kaniyang ama. At kung hindi lang niya nakita ang mga lumang larawan ng ina sa villa ay hindi niya paniniwalaan ang mga nagsabi ng ganoon sa kaniya.

Irrespective; she wanted to meet her parents. At habang nakatitig siya sa may edad nang ina nina Quaro ay hindi niya maiwasang lalong naisin na sana ay may ina rin siya.

Kusang tumaas ang magkabilang sulok ng kaniyang mga labi habang sinusundan ng tingin ang paglapit ni Mrs. Zodiac sa direksyon nila. The older lady's eyes sparkled in joy and her smile were blissful; nasa likuran lang siya ni Quaro kaya malinaw niyang nakikita ang ekspresyon nito habang papalapit sa kanila.

Si Qurao ay inilahad ang mga kamay nang makalapit ang ina; subalit sa pagkamanga nila ay dumiretso ang ginang at nilampasan ang anak. Instead, the older lady went straight to her.

"Oh! A lady!" bulalas nito nang makalapit. Hinawakan siya nito sa magkabilang mga kamay at mahigpit iyong pinisil. "Is this real or just a figment of my imagination? Did Quaro really bring a girl?"

"Mother..." suway ni Quaro sa ina.

Subalit hindi ito pinansin ng ginang. Sa nagniningning na mga mata ay kinausap siya nito, "Ito ang unang pagkakataong nagdala ng babae si Quaro and I can't contain my happiness—sinasabi ko na nga bang may kakaiba sa kaniya noong huling umuwi siya."

"Noong... huli?" Was that the time we spoke on the phone and...

"What's your name, hija?"

"K—Kirsten po, Ma'am..."

"Oh! What a pretty name!" Lalong nagningning ang mga mata nito. "And please don't call me Ma'am. Tita Felicia na lang, hija."

Hindi niya napigilang ngumiti.

Paano ba 'yan, Quaro...? Mukhang nakuha ko kaagad ang boto ni Mommy.

"She's tired, Ma. Dadalhin ko muna siya sa kwarto niya. You can talk to her over dinner."

Napanguso ang ginang at nilingon ang anak; ang mga kamay ay hindi pa rin bumibitiw sa kaniya. "Are you just trying to stop me from asking her questions? Or, are you worried that I'd tell her about how troubled you were last time?"

"Of course not, Ma. Kaya lang ay isipin ninyo, anim na oras kaming nasa biyahe at pagod siya. And—don't get your hopes up. She's just a housemate. She lives in my house."

Tumaas ang kilay ni Felicia; halatang hindi kombinsido sa sinabi ng anak. "Really? Since when did you allow anyone to live with you under one roof? Hindi ba't minsang naki-tira si Sacred sa bahay mo at dalawang araw pa lang ay pinalayas mo na?"

Sacred? she thought. What a fine name.

"I asked him to leave 'cause he was smoking in my working station. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero matigas ang ulo ng paborito niyong anak."

Ipinaypay ni Felicia ang mga kamay sa ere na sa hinuha niya ay paraan nito upang tapusin ang argumento. Muli siya nitong hinarap at ningitian. "I still can't believe you brought a girl to our house, son. And a very pretty girl for that matter!" Felicia then turned to Quaro with her eyes narrowing in suspicion. "Maniwala akong housemate mo lang siya."

"Isipin niyo kung ano ang gusto niyong isipin— but she's really just a housemate. Hindi ko siya maiwan sa bahay, because last time, she..." Quaro stared at her and his eyes darkened in passion. At sa pagkamangha niya'y kaagad na tumugon ang kaniyang katawan. "... she messed with my kitchen," dugtong nito bago muling itinuon ang tingin sa ina. "Noong bumalik ako'y inabutan kong marumi ang kusina at ang mga gamit ay wala sa ayos. Plus, she doesn't have anything to do, so... I just invited her to—"

"Come on, anak, There's no need to make up stories—I know romance when I see one."

"Ugh, mother. Don't make this uncomfortable for Kirsten—"

"Nope, hindi ako naiilang," sabat niya na ikina-singkit ng mga mata ni Quaro.

Aba, matapos nitong sabihin kay Lee na pag-aari siya nito ay ipakikilala lang siya bilang housemate sa ina? Isa pa, hindi siya nito ni-orient kung papaano ipakikilala ang sarili sa nanay nito, kaya bakit niya sasakyan ang mga sinasabi nito?

"Natutuwa akong makipag-usap sa mommy mo, Quaro," she added, faking a smile. Alam niyang hindi nagugustuhan ni Quaro ang mga ini-tugon niya. "Kahit pagod ako sa biyahe ay okay lang ako—I would love to get to know your mother."

"See?" Muling nilingon ng ginang ang anak.

Si Quaro ay lumapit at banayad siyang hinila na ikina-laki ng mga mata ni Felicia.

"Give her an hour or two to relax, mamaya bago maghapunan ay saka kayo mag-usap. By that time, siguradong nakarating na rin ang iba."

"Oh, come on..." Felicia said, rolling her eyes in amusement.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ni Quaro sa braso niya kaya napilitan siyang ngumiti, She knew what it meant. "Mabuti nga sigurong mamaya na tayo mag-usap, Tita."

Napa-nguso ito at pagkuwa'y in-irapan ang anak. Nang mapatingin itong muli kay Kirsten ay saka lang napangiti. "Fine. But I'll see you later, okay, Kirsten?"

Nakangiti siyang tumango. Ilang sandali pa'y nagpaalam na siya kay Felicia at sumunod kay Quaro na humakbang palabas ng kusina. Nang dumaan sila sa malaking living area ay nakita niya si Lee na naka-upo sa single sofa; sa kandungan nito ay ang mamahaling laptop. Nilingon siya nito at ningitian.

"Met the Queen?"

She nodded.

"You will meet the others soon. They are on their way. Di hamak na mas simpatiko kaysa d'yan kay Kuya Quaro." Sinundan iyon ni Lee ng kindat na ikina-pula ng mukha niya.

Why, Lee Benedict was indeed handsome—probably more handsome than Quaro!

He was neat and he wore a top coat as if he was one of the Korean actors in a Korean drama that Daday liked to watch. His hair was brushed up, his face was clean-shaven, his skin was fair, and his eyes were the lightest shade of brown—na muntik nang maging berde.

Simpatiko, pero... hindi niya type.

Hindi siya mahilig sa mga clean-cut na lalaki.

Isa pa... kuhang-kuha na ni Quaro ang buong sistema niya. Kaya kahit na mas pogi si Lee ay na kay Quaro pa rin ang boto niya.

"Mas gwapo pa sa'yo?" Well, she had to ask. Dahil baka mamaya ay hindi kayanin ng mga mata niya at maduling siya sa mga makikita.

Ngumisi si Lee. "You can say that. And thanks, by the way, for finding me handsome."

Pasagot na sana siya nang malakas na tumikhim si Quaro. Paglingon niya'y nakita niyang halos nasa gitna na ito ng hagdan, ang mga mata'y naniningkit.

Ano'ng problema niya? bulong niya sa isip sabay labi.

"See you later, Kirsten."

Ibinalik niya ang tingin kay Lee saka nakangiting nagpaalam. Sumunod siya kay Quaro na itinuloy na rin ang pag-akyat sa malaking straircase.

The house was incredibly big—kung malaki ang villa ng lolo niya ay triple ang laki ng ancestral house ng pamilya Zodiac! Tatlong palapag iyon at ang bawat area ay malawak; sakto sa labing dalawang anak.

Sa itaas ay lalo siyang nalula nang makita ang hallway—para siyang nasa hotel. The hallway was carpeted, at may magkakaharap na pinto.

There were fourteen rooms in total on the second floor—and there she thought their villa was big for having ten rooms in total.

"Anong mayroon sa third floor?" tanong niya habang naglalakad sila patungo sa silid ni Quaro.

"Library, study rooms, theater area, gym." He stopped and faced the door. Nasa dulo na sila ng hallway at binuksan ni Quaro ang pinto. "This is the guest room and you will be staying here."

"Hindi tayo magkatabi?"

"I don't want my mother to expect too much from me. H'wag mong sabihin sa kaniya na may kababalaghang nangyayari sa ating dalawa."

"At sa mga kapatid mo ay okay lang?"

"They know the game, so yeah."

"The... game?"

"This temporary game we both play."

A temporary game... wow.

"Oh, okay..." Sandali siyang nawalan ng sasabihin. Kailangan ba talagang ipamukha sa kaniya ni Quaro ang bagay na iyon?

Haharap siya sa mga kapatid ni Quaro at sasabihing pag-aari siya nito, pero ang totoo'y sinabi na nito sa mga kapatid na temporaryong laro lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. Pinagmumukha ba siya nitong katawa-tawa? At sino ang nakaa-alam, baka pinagtatawanan na siya ng mga ito sa mga sandaling iyon?

Wow.

Just wow.

Dahan-dahan siyang nagpakawala ng malalim na paghinga bago pilit na ngumiti. "A temporary game, huh. Okay, cool. Gotcha."

"You look disappointed."

"No, hindi naman. Naisip ko lang na konsintidor pala kayong magkakapatid pagdating sa kung papaano niyo tratuhin ang mga babae." She added it with a chuckle. "Oh well, what do I care? I won't be staying in your lives permanently, anyway. Good luck na lang sa inyong pamilya."

She didn't mean to sound bitchy there, hindi lang niya napigilan ang sarili.

Buong akala pa man din niya ay may pag-asa na nang magpakita ng character development si Quaro nang dalhin siya nito roon. Iyon pala ay idi-display lang siya nito sa mga kapatid upang makita ng mga ito kung sino ang bagong kalaro.

Ngayon ay napaisip siya...

Madalas kayang gawin ni Quaro ang bagay na iyon? At... ganoon din kaya ang ginagawa ng mga kapatid nito? Were they treating women like a game?

Lee Benedict seemed like a nice and sincere guy. Hirap siyang paniwalaan na kaya nitong tratuhing laruan ang mga babae.

Pero... ano nga ba ang alam niya? Si Quaro ay ganoon din naman sa mga customers nito sa shop at sa kaniya lang ipinakita ang totoong ugali dahil... well, she wasn't a customer.

Kaya baka ganoon din si Lee.

Ahhh, fudge.

Gusto niyang sampalin ang sarili.

Sumugal siya, tapos ngayong nakikinita niyang malaki ang tyansang matalo siya ay napipikon siya?

Be a sport, Kirsten. Hindi ba't ginusto mo 'to?

"You are acting weird sa tuwing pinapaalala ko sa'yo ang kasalukuyan nating sitwasyon, Kirsten. Our relationship is just a temporary entertainment, are you forgetting that? Or... are you expecting more from this? From me?"

"No. Napag-usapan na natin ito dati, hindi ba? Sinabi ko na sa iyong wala. Naisip ko lang na nakakahiya palang humarap sa mga taong alam na kalaro ka lang." Shit, I am getting good with my lies!

Nagsalubong ang mga kilay ni Quaro—sandaling nalito.

Nagpatuloy siya, "Gusto mong sabihin ko sa nanay mo na walang nangyayaring kababalaghan sa pagitan nating dalawa dahil ayaw mong umasa siya—of course, naiintindihan ko iyon. Pero gusto mong ipamukha sa mga kapatid mo mamaya na pag-aari mo ako, para ano? Just for the heck of it? For your ego? Aba, Quaro darling, may damdamin din ako. Nahihiya rin ako. Sumasama rin ang loob ko. Kahit ba kaunti... wala kang pakealam sa mararamdaman ko?"

She expected him to show a little empathy, or to apologize for ruining her mood. Pero halos bumagsak ang mundo niya—at lahat ng pag-asa—nang pigik itong natawa. Lalo nang marinig niya ang sagot nito sa mga sinabi niya;

"Ikaw? Nahihiya rin? When? Oh wait—yeah, you were. During the coy and reserved phase. But I don't think those were true, Kirsten. Dahil habang lumilipas ang mga araw ay nakikilala kita ng lubos at napagtanto kong walang hiya na nananalaytay sa mga ugat mo. Dahil kung mayroon, you wouldn't go to your desperate and flirtatious stages. We wouldn't be fucking each other. And you wouldn't be bold and wild towards me. Not that I complain, I actually like how it always has to be you who initiates everything—I like your boldness. Pero nakaka-intriga lang itong drama mo na nahihiya at nasasaktan ka. Anyway, get your act together, 'cause I easily get tired of dramas."

Tumalikod si Quaro at binuksan ang pintong kaharap ng kwartong pinagdalhan sa kaniya.

"I'll see you downstairs in two hours."

Naiwan siyang nakatulala sa pintong pinasukan nito—hindi makapaniwala sa mga narinig mula rito. What's more shocking was the tone he used when he said those words.

Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib. She was... hurt. For the first time since she went to bed with him, Quaro had said words that really hurt her.

So bad that she almost regretted everything.

Including falling in love with him.





***








Imbes na magpahinga ay nagdesisyon si Kirsten na bumaba at bumalik sa kusina. Anong tuwa ni Felicia nang makita siya; iniwan nito ang mga niluluto at ibinilin kina Patty, saka siya nito niyayang lumabas sa veranda na karugtong ng malawak na living area.

The veranda per se was huge. Sa kabilang dulo ay may dalawang rocking chairs, habang sa kabila nama'y may L-shaped couch na nakatanaw sa malawak na cornfield.

"Ang lawak ng maisan dito!" mangha niyang sambit, ang mga kamay ay ini-tukod niya sa balustre na gawa sa kahoy. "Mula roon sa crossing hanggang dito'y wala na akong nakita kung hindi puro maisan at palayan."

Si Felicia ay napahagikhik. "My husband grew these crops. Noong narito pa ang mga anak namin at nabuhuhay pa ang ama nila'y tumutulong sila sa pagtatanim kaya lumawak ng ganito ang taniman."

Lalo syang namangha. Nilingon niya ang katabi at sa nanlalaking mga mata ay, "Ibig sabihin, pag-aari niyo ang buong lupain mula roon sa crossing hanggang dito?"

Felicia smiled and nodded her head. "Our family owns everything your eyes could see. Well, ini-pundar itong lahat ng aking asawa para sa aming mga anak. But those boys, tsk. Ayaw kunin ang parte nila ng lupa. Kaya naman daw nilang magtrabaho at kumuha ng sariling mga property. Ang sabi pa'y ibigay ko na lang raw ang ibang ektarya sa mga kasambahay. I mean, walang problema. I have already included my helpers' families to my last will and testament, pero itong mga anak ko, Diyos ko."

Ibinalik niya ang tingin sa maisan at sandaling pinagmasdan kung papaanong liparin ng hangin ang mga dahon. She could imagine Quaro and his eleven siblings playing and running through the crops. At habang iniisip iyon ay hindi niya napigilang mapangiti.

"So, do you like my son?"

Napakurap siya at wala sa loob na nilingon ito.

"You like him, don't you? I can see it on your eyes."

Hmmm, maybe. But not today, Ma'am. Ang talim na tabas ng dila ng anak niyo kanina. "Magkaibigan po kami."

Nope, they were not. They were never friends.

Isang misteryosong ngiti ang pinakawalan ni Felicia bago lumapit sa magkatabing rocking chairs. "Let's sit here."

Sumunod siya at inalalayaan itong maupo bago siya naupo sa tabi nito.

"Quaro never brought a girl in this house since he went to puberty. Hindi lang naman siya, kung hindi ang iba rin niyang mga kapatid. Tatlo lang sa kanila ang naglakas-loob na magdala ng kasintahan at ipakilala sa amin noong nabubuhay pa aking asawa. The rest of my sons were just too... secretive. Lalo na iyang panganay ko. Kaya masaya akong makilala ka—kahit pa itanggi niya kung ano ka sa buhay niya."

Hindi siya sumagot. Ano ba sasabihin niya?

"When they were just little kids, Quaro was the most aloof. Hindi ko makakalimutan kung papaano niyang inilayo ang sarili sa lahat noon. Naiinis siya kapag may kasama, he enjoyed being alone. Kapag maingay ang mga kapatid niya noon ay lumalayo siya, he would go to his room or walk through the cornfield. Minsan na rin siyang nagpagawa ng treehouse sa Daddy nila na siya lang ang may access."

That sounds like Quaro, alright.

"He became close to my husband first, and it took months before his brothers were able to gain his trust."

Unti-unting nakuha ang interest niya. Gusto niyang marinig mula kay Felicia ang maraming bagay tungkol kay Quaro. Mga bagay na ayaw nitong ikwento sa kaniya.

"Nahirapan din kayong kunin ang loob niya?"

"Oh, ikaw rin ba?" Umaliwalas ang anyo ng matanda nang marinig ang tanong niya. "How long did it take you to catch his attention?"

Napangiwi siya. Well, kung hindi niya ginandahan ang pagda-drama niya noon ay baka hindi niya nakuha ang atensyon ni Quaro. At kung hindi pa niya ni-upgrade ang laro niya—ang paglalandi niya—ay baka hindi niya ito natikman.

"Erm... three months akong... nagpapansin sa kaniya. At simula noong tumira ako sa bahay niya ay... isang linggo—"

"Just one week? Oh my, you have potential!"

You have no idea, Ma'am... Sinugal ko ang kaluluwa ko sa demonyo para sa panganay niyo.

"Hanggang ngayon ay patuloy kong kinukuha ang loob niya," she added. Umiwas siya ng tingin upang ikubli ang pait na nararamdaman sa mga sandaling iyon. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang mga sinabi ni Quaro kanina sa taas. "Masyado pa rin siyang mailap, lalo kung ang pinag-uusapan ay personal na buhay. He didn't want to talk about the past nor his family. Pero dinala niya ako rito, na talagang nakapagtataka. Siguaro nga ay natatakot lang siyang pakelamaan ko na naman ang kusina niya."

Ngumiti ito. "Si Quaro, noong bata pa lang ay nagpakita na ng interes sa pag-gawa ng tinapay, kaya tinuruan ko siya. I never thought he'd take it seriously; nagtayo pa ng panaderia."

"Minsan niyang sinabi sa akin na nakapagpaalala sa kaniya ang paggawa ng tinapay sa totoo niyang nanay."

Shocked, Felicia turned to her. "He... told you that?"

Tumango siya.

"You must be special, then."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak sa sinabi nito. Special? Yeah. She was Quaro's special toy.

"Kung ini-kwento sa'yo ni Quaro ang tungkol sa totoo niyang ina, then he must be serious about you."

Ha!

Pinigilan niyang matawa. Pero tawa na hindi sa sinabi ni Felicia kung hindi sa katangahan na naman ng puso niya. Aba, bigla ba namang umasa!

"Would you like to hear stories about how I dealt with Quaro's distant attitude?"

What's the use... Malapit na rin namang matapos ang isandaang araw at nakikinita ko na ang pagkatalo ko sa sugal na ito.

"Sure," she answered instead, "baka makatulong sa akin ang iku-kwento niyo, Tita Felicia."





***


NEXT >>

CHAPTER 30 – Meeting The Zodiacs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top