28 | Flavors
"Aray, ang sakit ng likod ko..." reklamo ni Kirsten pagkababa sa bus na sinakyan nila patungo sa bayan na halos anim na oras ang layo mula Montana. Doon sa bayan na iyon naroon ang bahay na kinalakihan ni Quaro.
He had finally brought her to meet his family—to her surprise! Noong sinabi iyon ni Quaro ay halos hindi siya makapagsalita sa tindi ng panggilalas. Akala niya ay nakaringgan lang niya, akala niya ay niloloko lang siya nito. Pero nang ulitin ni Quaro ang sinabi ay halos magtatalon siya sa tuwa. May palagay siyang senyales na iyon na may pag-asang magbago ang isip ni Quaro sa ika-isangdaang araw at hikayatin siya nitong manatili sa bahay nito hanggang sa gusto niya. And eventually, he would develop feelings for her—if he hadn't yet—and who knows what would happen or where it would lead them next?
Kapag naiisip niya ang mga posibilidad ay napapangiti siya. At habang nasa biyahe sila ay kung saang lupalop na siya dinadala ng mga pantasya niya.
Anim na oras ang biyahe mula Montana hanggang sa bayan nina Quaro, pero kung magpabalik-balik ito roon dalawang beses sa isang buwan ay parang balewala lang rito. Her town was ten hours away from Montana, mas malayo, pero noong bumiyahe siya ay dalawang beses siyang bumaba sa kasunod na mga bayan para magpalipas ng oras. She couldn't travel and sit in the bus for ten hours straight—malulumpo siya.
"You're the one to talk," Quaro said with a smirk. Sukbit nito sa isang balikat ang itim na backpack. "Wala ka namang ibang ginawa sa loob ng anim na oras kung hindi sumandal at i-dantay ang ulo mo sa balikat ko, 'di ba? You put all your weight on me while you sleep peacefully, and you're the one to complain?"
Matamis na ngiti lang ang ini-sagot niya rito bago ito tinalikuran.
Sinuyod niya ng tingin ang bus stop kung saan sila ibinaba ng sinakyang bus. It was a waiting shed in the middle of the huge cornfield. Sa tabi niyon ay may maliit at lumang ministore, at sa tapat naman ay malawak na taniman ng palay. Sa bandang unahan ay may gasolinahan. At sa tapat ng gasolinahan ay mayroong sangang daan patungo sa dulo ng cornfield kung saan may naglalakihang puno ng kahoy.
"Saan ang bahay niyo?" aniya nang muli itong nilingon. Pinanlakihan pa siya ng mga mata nang makita itong naglalakad patungo sa ministore. "Hey!"
"If you're thirsty, follow me. I'm going to get some drinks."
Mabilis siyang sumunod dito.
"Nasaan ang bahay niyo?"
"Malayo pa rito."
"Ha? Don't tell me na maglalakad tayo?"
"My brother is fetching us."
"With a car?"
"Yeah, with his truck."
Nakahinga siya ng maluwag. Ayaw niyang maglakad ng pagkahaba-haba lalo't wala siyang nakikitang kabahayan sa paligid. At kung wala siyang nakikitang kabahayan sa paligid, siguradong malayo pa roon ang bahay nila Quaro.
Nahinto siyang bigla nang bumangga siya sa malapad na likod ni Quaro. He stopped and turned to her.
"If my brothers ask you about our relationship, just tell them that you are mine."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Ignoring the possessiveness in Quaro's voice, she asked, "Anong klaseng sagot iyon?"
"Just do it." Muli itong tumalikod at itinuloy ang paghakbang patungo sa ministore.
Napangisi siya nang may maisip. "Wait... Nag-aalala ka bang baka diskartehan ako ng mga kapatid mo?"
Hindi sumagot si Quaro at tuluy-tuloy lang sa paghakbang.
"Bakit hindi na lang natin sabihin sa kanila na jowa mo ako? May pa-mine-mine ka pang nalalaman... Ano'ng tingin mo sa akin, produkto sa online selling?"
Muli itong nahinto at humarap; ito naman ngayon ang kinunutan ng noo. "Online selling?"
"When you sell product through online."
"There's such a thing?"
Pinanlakihan siya ng mga mata. "My God, Quaro, taong-bato ka ba?"
Hindi na ito sumagot pa at itinuloy na ang pagpasok sa ministore. Sumunod siya hanggang sa loob, and when she finally got inside, her eyes sparkled in delight. Hind niya inasahang makakakita ng ministore na punung-puno ng laman—lalo na ng mga refreshments—sa gitna ng kawalan. Naisip niyang marahil nga ay daanan ang lugar na iyon patungo sa kabilang bayan.
Dumiretso siya sa tatlong magkakatabing beverage fridge kung saan may nakita siyang bote-boteng inumin. Sa tabi niyon ay ice cream cooler at sa ilang mga estante nama'y may mga chips, biscuits, and packed bread. Sa dulong bahagi ng mini store ay may estanteng puno ng mga hygiene products.
Imbes na kumuha ng inumin ay nagtungo siya roon upang kumuha ng mga kakailanganin niya. She was in a hurry that morning that she forgot to bring her hygiene essentials. She was planning to ask Quaro to pass through a convenience store. Hindi niya akalaing sa ministore na iyon ay mahahanap niya ang mga kailangan niya. She scanned through the shelves and looked for the stuff that she would need.
Until... something caught her attention.
Wala sa loob na lumapit siya roon at tila namamalikmatang dinampot ang maliit na box. She surveyed it and was mesmerized by what was written on it.
***
Si Quaro, nang makakuha ng dalawang inumin mula sa beverage fridge ay hinanap ng tingin si Kirsten. Nakita nito ang dalagang nakatayo sa shelves kung saan naroon ang mga hygiene essentials. He walked towards the counter and called her.
"Don't worry about that stuff, marami niyan sa bahay." He then pulled out his wallet and paid for their drinks.
Hindi nito namalayan ang paglapit ni Kirsten, at lalong hindi nito nahulaan ang sunod na makikita.
Kirsten just nonchalantly put three small boxes of condoms on the counter—leaving him and the lady cashier stunned.
"What the—"
"Quaro, I never thought condoms have varieties of flavors," namamanghang sambit ni Kirsten sabay tingala kay Quaro na sandaling natulala pagkakita sa mga condoms. "There's strawberry, banana, and chocolate!"
Quaro was... dumbfounded he didn't know what to do or what to say to her.
"I never had an idea!" muli pang bulalas ni Kirsten bago niyuko ang tatlong maliliit na box at hinarap ang cashier na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. The lady cashier had known Quaro for years now, at hindi nito alam kung saan unang namangha;
Sa ginawang iyon ng babaeng kasama nito o ang pagdadala ni Quaro ng babae sa bayan nila sa unang pagkakataon?
"I am so curious, Quaro—pwede ba nating subukan?"
Sa sinabing iyon ni Kirsten ay saka pa lang natauhan si Quaro. Hinablot nito ang tatlong box ng condoms mula sa dalaga at hiyang-hiya na humakbang patungo sa estanteng pinagkunan nito.
"Hey!" habol ni Kirsten, "bakit mo tinangay 'yan—"
"We are not using this," matigas na sabi ni Quaro habang patuloy sa paghakbang. Kung alam lang ni Kirsten kung anong kahihiyan ang ini-dulot nito sa binata.
"Why not? Teka, iyong condom ba na ginagamit mo ay flavored din—"
Bigla humarap si Quaro at sa naiinis na tinig ay, "Can we drop the topic about this thing? How can you be so tactless, Kirsten?"
"Bakit ka nahihiya?" Nilingon ni Kirsten ang lady cashier na kaagad na umiwas ng tingin. "Tayong tatlo lang naman ng cashier ang narito, ah? At nagtatanong lang naman ako ng maayos—"
"We don't talk about condoms in a public place, irrespective kung ilang tao pa ang nasa paligid."
"Bakit mo naman ginagawang sensitibong topic ang condom? Kung taboo na pag-usapan ang condom sa mga pampublikong lugar, 'di sana'y hindi nila idini-display at ibini-benta 'tong mga ito dito."
Huminga ng malalim si Quaro bago itinuloy ang paghahatid ng mga boxes ng condom sa estanteng pinagkuhanan ng dalaga.
"Curious lang ako kung ano ang lasa ng mga iyon kung... alam mo na," sabi pa ni Kirsten na patuloy sa pagsunod.
Si Quaro ay pahampas na ibinalik ang tatlong box ng condom sa estante, at sa kontroladong tinig ay, "Do you really want to know?"
Kirsten pouted her lips and crossed her arms across her chest. Doon humarap si Quaro at niyuko ito. His eyes were dark in sudden passion. At bago pa man nahulaan ng dalaga ang gagawin nito'y mabilis na itong nakalapit at hinila si Kirsten patungo sa likod ng estante kung saan hindi sila makikita ng lady cashier.
Kirsten winced when Quaro pushed her to the shelf. May nakausling turnilyo roon na tumama sa tagiliran ng dalaga.
Si Quaro ay hinawakan ang dalaga sa bewang, habang ang isang kamay nito'y pumaloob sa buhok ni Kirsten upang hawakan ito sa likod ng ulo.
"Do you really want to know?" he repeated.
Kirsten blinked; confusion and excitement ran through her veins.
"You don't need to use flavored condoms just to have a taste of strawberry, banana, and chocolate. All we need is... you, and me, and those flavors all over our bodies."
Hirap na napalunok si Kirsten, ang mga mata'y bumaba sa mga labi ni Quaro nang unti-unti itong yumuko.
"S—Sinasabi mo ba na..."
"We can use alternatives, like strawberry jam, or banana and chocolate syrup. Pour them on areas you want to be licked and tasted... or eaten. Whichever you like, Kirsten. Or... would you rather pour them on my body so you could do the tasting?"
Quaro's voice was enough to give her goosebumps; it was smooth and delicate and sensual. Halatang nilalandi siya. At gahibla na lang ang layo ng mga mukha nilang dalawa nang may nagsalita;
"I can't believe this—you brought a girl!"
Sabay na napalingon sina Kirsten at Quaro sa pinanggalingan ng boses. Sa dulo ng estante ay nakita nila ang lalaking nakatayo at ang isang kamay ay nakapatong sa shelf. Nasa mukha nito ang pagkaaliw at nasa mga labi ang pagngisi.
To Kirsten's disappointment, Quaro straightened up and released her. Hinarap nito ang lalaki saka nakangising binati,
"Yo."
"Yo," the man answered with a soft smile on his face. Muling lumipat ang tingin nito kay Kirsten na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Who is she?"
"She's mine."
"Her name's mine?" aliw na ulit ng lalaki na ikina-ngising muli ni Quaro.
Si Kirsten ay namangha dahil noon lang nakita si Quaro na kay amo ng mukha—he wasn't smiling fakely just like how he did to his customers, nor the way he smiled and grinned at her whenever they were having sex. He was smiling with... fondness.
Napa-igtad pa ang dalaga nang humarap si Quaro. Ang kamay nito'y ay muling pumulupot sa bewang ni Kirsten upang lalo itong hapitin.
"Her name is Kirsten."
"Hey, Kirsten," bati ng lalaki; ang magiliw na ngiti'y nasa mga labi pa rin. "Did Quaro ever mentioned to you that he has brothers? I'm one of them." Lumapit ito at inilahad ang kamay sa dalaga. "Name's Lee Benedict, but you can just simply call me Lee. Nice to meet you."
***
NEXT >>
CHAPTER 29 – Deliberately Hurting Her
A/N:
I know this is just a short update; I wasn't planning to upload one tonight but changed my mind. Dapat kasi may dagdag pa ito, pero iniba ko na lang ng chapter 'yong ibang part kasi ibang scene na iyon .
BTW... ano'ng fave flavor niyo? Hihihi
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top