26 | The Knight in Tattered Jeans
Nakangiting ini-abot ni Quaro ang order na cinnamon roll at Spanish bread sa suking si Mrs. Aurora. Halos kada hapon, basta nagbubukas siya, ay hindi ito nakalilimot na dumaan sa shop upang bumili ng dose-dosenang tinapay para sa mga katiwala nito. And as usual, the middle-aged woman, who was more than twenty years his senior, flirted with him.
"See you tomorrow, Ma'am."
"You can count on it, Quaro..." Mrs. Aurora said while batting her eyeslashes. Nang tumalikod ito ay umusad naman ang nakasunod sa pila. Sandali muna niyang sinundan ng tingin ang ginang katulad ng madalas niyang gawin sa mga customers as his way to send people off.
Saktong papalabas na si Mrs. Aurora sa glass door nang pumasok naman si Kirsten. Ito pa mimso ang nagbukas ng pinto para sa ginang na natuwa at binati ang dalaga.
Kung alam lang ni Mrs. Aurora ang papel ni Kirsten sa buhay niya, duda siyang ngingitian ito ng ginang.
Pero... ano nga ba ang papel ni Kirsten sa buhay niya?
Sandali siyang natulala; hindi mapagpasiyahan kung dahil sa naisip o sa sandaling pagsalubong ng mga mata nila ng dalaga nang pumasok na ito at nginitian siya.
Kadalasan, kapag pumapasok ito'y kaagad siyang umiiwas ng tingin at hindi ito pinapansin sa loob ng mahabang oras hanggang sa magsara siya. He didn't want his customers to suspect anything; not because he was worried to lose his 'fanbase', but because he just didn't want to be questioned—at ayaw na ayaw niyang nagsisinungaling, kaya...
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
This woman was doing his head in. Sa bawat araw na lumilipas ay parang hindi na niya nakikilala ang sarili. Kada araw ay may pagbabago siyang napapansin sa sarili.
He used to be independent, he liked solitude and he was happy to be by himself. But now...
He... just wanted her to be around. Always. In his sight.
And hold her all night in his arms.
Shit—he knew the emotions he was feeling needed assessment. Siguradong naguguluhan lang siya, naiintriga sa babaeng kasama niya sa bahay. Kapag tuluyan na siyang nawalan ng interes dito ay siguradong babalik ulit siya sa dati. Babalik ulit ang dating siya.
Isang buntong-hininga muli ang kumawala sa kaniyang bibig. Sana nga ay mangyari iyon. Dahil... may pakiramdam siyang sa oras na matapos ang agreement nila ng dalaga ay malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay niya. May malaking kawalan siyang mararamdaman sa panahong wala na ito sa bahay niya.
But how about I ask her to...
Natigil siya sa pag-iisip nang makitang may babae at lalaking pumasok kasunod ni Kirsten. They were talking to her, so he assumed they were her classmates. Pinanatili niya ang tingin sa mga ito. Iyon ang unang beses na nagdala ang dalaga ng mga ka-klase roon. Itinutok niya ang tingin sa lalaking naka-suot ng polo at pantalon. He didn't look like a student, but he seemed to be in Kirsten's age.
Who is the guy?
Inalis niya ang tingin sa lalaki at ibinaling naman sa babaeng katabi ni Kirsten. Kinunutan siya ng noo nang makita ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Lalo siyang nagtaka nang makita si Kirsten na hinila na ang kaibigan patungo sa pwesto nito malapit sa bintana.
Ano na naman ang ginagawa niya?
"Quaro, kalahating dosena nga ng ensaymada..."
Napakurap siya nang marinig ang sinabi ng customer na kanina pa naghihintay na harapin niya. It was one of the staff in the nearby canteen, at suki rin ng panaderia. Ngumiti siya at inasikaso ito, subalit sa gilid ng kaniyang mga mata'y patuloy niyang ino-obserbahan si Kirsten at ang mga kasama.
***
"Miss Kirsten!" manghang sambit ni Daday nang makita si Quaro, ang mga mata nito'y nanlalaki, at bago pa ito may sabihin ay nihila na niya ito patungo sa table na lagi niyang ino-okupa. For some reason, puno ang shop pero bakante iyon.
Lumapit siya roon habang hila-hila si Daday, samantalang si Paco naman ay tahimik lang na sumunod habang ini-ikot ang tingin sa paligid.
Pagdating sa mesa ay natigilan siya sa pagkamangha. Mayroong bond paper na nakadikit doon at may nakasulat na—RESERVED.
Salubong ang mga kilay na nilingon niya ang counter kung saan naroon si Quaro, at nang makitang napatingin ito sa direksyon niya ay kaagad niyang itinuro ang mesang kaharap. Subalit hindi ito sumagot at ibinalik lang ang pansin sa mga nakapilang customers.
If the table was reserved for a customer, he would have said something. But his silence told her that the reservation was for her.
Oh, Quaro...
Gusto niya itong lapitan at halikan, sabihin ditong nasiyahan siya sa ginawa nito. Na kahit sa ganoon kaliit na bagay ay napaligaya siya nito.
Mababaw lang siya, mababaw lang ang kaligayahan niya.
She pressed her lips and looked down. Naluluha siya; bakit ganoon? When did he start showing her compassion? Madalas lang mangyari iyon kapag nasa ibabaw sila ng kama. Hindi ito. Hindi sa ganito.
Character development?
Napangiti siya sa naisip.
"Miss Kirsten, okay lang ba kung sa van na ako para makapag-usap kayo ni Daday nang masinsinan?"
Napalingon siya kay Paco nang marinig ang sinabi nito.
"Dalawa lang kasi ang bakanteng upuan kaya doon na ako sa labas."
"Oh." Wala sa loob na niyuko niya ang dalawang magkaharap na upuan sa tabi ng mesa niya. Napangiwi siya at muling hinarap si Paco. "Pasensya ka na, Paco. Minsan kasi, kapag ganitong oras ay wala nang gaanong tao..."
"Okay lang po." Nakangiti nitong tinapik sa balikat si Daday. "I-take out mo ako ng pandesal."
Ilang sandali pa'y nakalabas na nga si Paco. Si Daday, nang magkasarilinan na sila, ay dumukwang upang ilapit ang mukha sa mukha niya. At sa namamangha at pabulong na tinig ay,
"Miss Kirsten! Ano itong ginagawa mo?"
"B—Bakit ba..." aniya, naging mailap ang mga mata.
"Hindi ko akalaing sinundan at hinanap mo ang lalaking 'yan dito sa Montana—"
Mabilis niyang nitakpan ang bibig ni Daday saka muling sinulyapan si Quaro. Abala ito sa mga nakapilang customer, pero anong malay niya kung tahimik sila nitong ino-obserbahan at baka marinig pa ang sabihin ni Daday?
"Hinaan mo ang boses mo."
Nitanggal ni Daday ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. "Pero Miss Kirsten!"
Huminga siya ng malalim at sa mahinang tinig ay ipinaliwanag sa kaibigan ang lahat. Inumpisahan niya doon sa narinig na usapan ng lolo niya at ng kompadre nitong kausap sa telepono noong araw na naglayas siya, hanggang sa kung paaano siya tinanggap ni Quaro na manirahan sa bahay nito. She didn't include the intimate parts, alam niyang kapag sinabi niya kay Daday ang ginawa niyang pagsuko kay Bataan sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala ay siguradong maglulupasay ito sa sahig ng shop.
Sa nanlalaking mga mata ay nanatiling nakikinig lang si Daday sa kaniya. Naroong magtatakip ito ng bibig sa gulat at panggilalas, naroong naluha ito sa awa sa kaniya, at naroong mag-aalala sa kahihinatnan niya. Because she had told her that she had fallen in love... so deeply... with the man. And that the man had no intentions of returning her feelings, thus, her reactions.
"Hindi ako naniniwalang ang pagsi-set up ni Senior Oscar ng kasal sa inyo sa ibang lalaki ang dahilan kaya ka naglayas," ani Daday matapos niyang magkwento. Nasa anyo nito ang pagdududa. "Malakas ang kutob kong plano na ninyong umalis upang hanapin ang lalaking 'yan." Daday's eyes then went back to Quaro who was busy entertaining his customers. "Simula nang makita niyo siya doon sa ferry terminal ay wala na kayong ibang bukambibig kung hindi siya lang."
Napangiwi siya. "Ang... ginawa ni Lolo ang nag-udyok sa akin na umalis at... at hanapin siya."
Ibinalik ni Daday ang tingin sa kaniya; ang mga mata'y patuloy na nanlalaki.
Nagpatuloy siya, "Ayaw kong gawing teledrama ni Lolo ang buhay ko, Daday. Sapat nang naging teledrama ang wakas ng pag-iibigan ng mga magulang ko, ano. At kung gusto ni Lolo na magpakasal na ako, bakit hindi ko gawin sa taong talagang gusto ko? Kaya ako umalis at hinanap siya. I thought I'd introduce myself to him, maybe we could start as friends. May itsura naman ako kahit papaano kaya alam kong hindi ako mahihirapang kunin ang interes niya."
Muling nanlaki ang mga mata ni Daday. "Inisip mong ligawan siya? Diyos ko po, Miss Kirsten!"
Muli siyang napa-dukwang upang takpan ang bibig nito.
"Shhh! Eh ano naman kung ligawan ko siya? Moderno na ang mundo, Daday, at tatlong klaseng lalaki na lang ang natitira ngayon; babaero, bakla, at torpe. Kung hindi unang kikilos ang mga babae, papaano ang kinabukasang inaasahan ni Rizal?"
Tinanggal ni Daday ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito at salubong ang mga kilay na nagtanong. "Anong kinabukasang inaasahan ni Rizal ang pinagsasasabi ninyo?"
"Kabataan. Pag-asa ng bayan, remember?" aniya bago bumalik sa pagkakaupo. "Paano na ang populasyon ng bansa kung hindi kikilos ang mga babae?"
"Bahala na ang mga babaero sa task na iyan, Miss Kirsten," Daday answered wryly. "Hindi ako makapaniwalang kaya mong gawin ito. Sana ay hindi ka masaktan sa huli." Ibinalik ni Daday ang tingin kay Quaro. "Sa loob ng ilang buwang narito ka sa poder niya, anong resulta ang nakuha ninyo?"
"Gumawa ako ng paraan para mapansin niya ako, Daday. That guy, Quaro—para siyang isda na kung hindi mo gagamitan ng lambat ay kay hirap hulihin. Women are swarming around him like insects, most of them are really gorgeous pero hindi niya pinapansin. He treats women like a superstar to his fans. Mahirap kunin ang atensyon niya, so... I had to step up my game." Napayuko siya upang ikubli sa kaibigan ang pamumula ng pisngi niya. "I just really... want him. For me."
"Kailan ka pa naging ganito ka bold, Miss Kirsten?"
Bahaw siyang nagpakawala ng ngiti. "Since I met him."
And then, the day she first saw Quaro transpired on her mind; like how it always happened before she went to Montana.
*
*
*
"Miss Kirsten, iiwan na tayo ng ferry! Bilisan na po natin!"
Si Kirsten, na hindi pa rin makapagdesisyon kung anong klase ng souvenir ang bibilhin, ay nilingon si Daday na halos magkanda-haba-haba na ang leeg sa paglingon sa labas ng souvenir shop. Mula sa salaming bintana ay nakita nila ang pagpila at isa-isang pagsakay ng mga pasahero sa naka-daong na ferry hindi kalayuan sa kinaroroonan nila.
Ang ferry na iyon ang maghahatid sa kanila patungo sa kasunod na islang pupuntahan nila. It was an escapade financed by her grandfather. Regalo nito para sa pagtatapos niya sa kolehiyo. At pumayag lang itong mag-island hopping siya kung kasama si Daday.
At first, she declined; si Daday ay may apat na buwang sanggol na hindi maaaring mawalay sa tabi nito. Nakipagtalo siya sa lolo niya na hindi na ito isama at kaya naman niyang mag-isa, pero hindi siya nanalo. And Daday was more than happy to come with her; nag-alala rin itong hayaan siyang mag-isang umalis.
They went to a place three hours away from Mercedez called Concepcion; doon ay maraming isla na halos hindi pa dinarayo ng mga turista. Sa araw na iyon ay patungo sila sa pangatlo at panghuling isla kung saan may bagong tayong resort na may hot spring at mud bath.. At habang naghihintay sa oras ng pag-alis ng ferry ay niyaya muna niya si Daday na dumaan sa souvenier shop sa tawid lang ng terminal.
Marami siyang binili; ang mga iyon ay para sa mga kaibigan niya, mga katulong sa bahay nila, at mga tauhan sa pabrika. Ang pinipinili na lamang niya ngayon ay ang para sa lolo niya. And she was having a hard time because her grandfather was so hard to please, she had to choose the best.
"Miss Kirsten, nagtatawag na ang crew."
"Gah!" Kinuha niya ang dalawang pinagpipiliang souvenir; isang gitara na kasing liit lang ng bote ng 12 ounce softdrinks at gawa sa makinis na bato, habang ang isa'y one litter na bote na sa loob ay may miniature ship. Dinala niya ang mga iyon sa counter upang bayaran. Ayaw na niyang pumili, bibilhin na lang niya pareho..
Matapos magbayad ay kinuha ni Daday ang paperbag kung saan nakasilid ang mga pinamili niya saka halos kaladkaran siya palabas ng shop at patawid ng kalsada; parehong hindi nila namalayan ang isang lalaking nakasunod sa likuran nila.
Nakasampa na ang lahat ng pasahero ng ferry; ang crew ay nagtatawag na ng ibang pasaherong nakakuha na ng ticket pero hindi pa nakasasakay; at sila iyon.
May kalayuan pa ang kinaroroonan nila kaya halos tumakbo sila ni Daday, lalo nang makita nilang ni-senyasan na ng crew ang kasamang nakasampa sa ferry na i-angat na ang raft.
They hurriedly ran—until someone grabbed her wrist and took her thick pouch from her.
Sa pagkagulat at pagkamangha ay natigilan siya at nahinto sa paghakbang, habang si Daday naman, nang makitang tangay-tangay ng lalaking kawatan ang pouch niya ay napasigaw ng "tulong" at "magnanakaw".
May nakarinig kay Daday—ang ilang mga pasaherong nakapila sa isa pang ferry na patungo sa ibang destinasyon, at ilang mga kargador sa pantalan. Humabol ang mga ito sa kawatan na mabilis ang pagharurot patungo sa bus stop hindi kalayuan doon; marahil ay plano nitong iligaw ang mga humahabol kaya roon nito napiling lumusot-lusot.
She and Daday did nothing but watch in horror while people chased after the thief. Tuluyan nang nawala sa isip nilang dalawa ang papaalis na ferry.
Ang kawatan ay bumilis ang pagtakbo hanggang sa narating nito ang tatlong mga nakapilang bus. Lumingon ito at ningisihan ang tatlong mga lalaking humahabol dito; masyado na itong nakalayo.
Mas gulat ang naramdaman niya kaysa panghihinayang; lahat ng cards at cash na mayroon siya ay naroon sa pouch na iyon, pero maibabalik pa ang pera kaya hindi siya gaanong nag-aalala.
But then— when she remembered that her parents' one and only photo was also in her pouch, her eyes grew bigger in panic.
She needed her pouch back!
Tila may sariling buhay ang kaniyang mga paa, unti-unti siyang humakbang sa pagnanais na tumulong sa paghabol, hanggang sa ang paghakbang na iyon ay nauwi sa pagtakbo.
Subalit hindi pa man siya gaanong nakalalayo ay nahinto siyang bigla nang makita ang sunod na mga nangyari.
Ang lalaking kawatan ay napadaan sa isang bus na nakaparada, at saktong nakalingon ito sa mga humahabol kaya hindi nakita ang pagbaba mula roon ng isang malaking lalaki na may bitbit na backpack sa balikat. The first thing her eyes caught was the tattered jeans hugging the huge guy's thick and strong thighs. Umangat ang binti nito at katulad ng sa mga pelikula ay tila nag-slow motion ang paligid nang sipain nito ang lalaking katawan, dahilan upang tumilapon ang huli sa ere.
Sa isang sipang iyon ay tumigil ang mundo—ang mga humahabol ay nahinto, ang katawan ay bumagsak sa kalsada at ang pouch niya ay lumipad sa ere.
But her attention focused on the guy who stopped the thief. Balewala itong bumaba sa bus at inayos ang pagkakasukbit ng backpack sa balikat bago niyuko ang kawatan na namilipit sa sakit ng tiyan na tinamaan ng sipa nito..
The huge guy gave the thief an empty look, bago ito yumuko at hinablot ang huli sa kwelyo upang patayuin.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kawatan na may dinukot mula sa tagiliran, at hindi mahirap hulaan kung ano iyon. Akma na sana siyang sisigaw upang balaan ang malaking lalaki nang mahulaan din nito ang balak ng isa. The huge guy acted quickly, patulak nitong binitiwan ang kawatan saka malakas na inihampas rito ang backpack, dahilan upang mul itoing tumilapon sa daanan.
Mula sa backpack ng lalaki ay may nahulog, pero hindi doon natuon ang pansin nilang lahat kung hindi doon sa tumilapon din na balisong mula sa kawatan. Ang malaking lalaki ay walang kung anumang tinapakan ang leeg ng kawatang nakadapa sa kalsada saka nilingon ang mga lalaking kanina ay humabol dito.
"Maghanap kayo ng tali para sa lalaking ito at dalhin niyo sa police station."
Doon pa lang tila natauhan ang mga lalaki; dahil tulad niya'y tila natigilan din ang mga ito sa bilis ng pangyayari. Kumilos ang mga ito; ang dalawa ay hinawakan ang kawatan at pinagsiklop ang mga kamay sa likod upang hindi makakilos, habang ang isa sa mga iyon ay nanghiram ng lubid mula sa mga lalaking nagtatali ng mga karga sa kasunod na bus.
Habang nangyayari ang mga iyon ay napasulyap siya sa malaking lalaki, at dahil nakatagilid ito at nakasunod ang tingin sa lalaking nanghiram ng tali ay natitigan niya ng husto ang mukha nito.
That's when she gasped and her heart trembled in... astonishment.
Kailan pa bumaba ng Mount Olympus si Achilles?
Or was he someone sent from heaven?
A fallen angel, maybe? He must have had fallen—or kicked out from heaven—because the guy looked as sexy as sin. Ang may kahabaan nitong buhok ay inililipad ng hangin, ang walang ka-emo-emosyong mga mata nito'y tila nagtatago ng maraming lihim, ang ilong at mga labi nitong hindi tipikal sa mga Pilipino ay nakapang-a-akit.. And his huge, muscle-y body was sparkling like an expensive stone under the afternoon sun.
Para siyang namamalikmatang nakatitig lang sa lalaki—ang puso ay malakas at mabilis ang pagpintig, ang kaniyang katawan ay nanigas, ang kaniyang puson ay nanikip. She just realize that she was holding her breath as she surveyed the man.
At nang makita niya ang pag-angat ng kamay nito upang hawiin ang may kahabaang buhok na tumabing sa mukha ay mariin siyang napalunok, lalo nang makita niya ang pag-galawan ng muscles nito sa braso sa kabila ng suot nitong jacket.
Ang kaniyang kamay ay kusang umangat at napahawak sa kaniyang dibdib. Her heart was trembling so hard she was afraid it would jump off her body and run to the man.
She was... captivated.
"Quaro!"
Napakurap siyang nang marinig ang malakas na tinig na nagpalingon sa lalaki. Sinundan niya rin ng tingin kung sino ang kumuha ng atensyon nito. It was a man driving a black pick up truck. Bumaba ito mula sa driver's seat at nakataas ang isang kamay upang kunin ang pansin ng gwapong lalaking tinawag na Quaro.
"Quaro..." she murmured.
Ilang sandali pa'y nakalapit na ang lalaking nanghiram ng lubid, at nang matalian na ang mga kamay ng kawatan sa likod ay saka lang inalis ni Quaro ang paang naka-tapak sa leeg nito. He then walked away as if nothing happened.
Para siyang tinamaan ng kidlat—she was alerted. Mabilis siyang humakbang sa pag-asang maabutan niya ito subalit may isa pang lalaking sumulpot sa daraanan niya dahilan upang mapahinto siya. It was one of the guys who chased after the thief. Inabot nito sa kaniya ang pouch na natangay sa kaniya kanina.
"Heto na, Miss."
She murmured her thanks.
Suddenly, just suddenly—her pouch wasn't that much of a concern to her. Bigla niyang nakalimutan ang kahalagahan niyon dahil sa lalaking nakita. Para itong magnet at para siyang metal na hinihigop nito palapit. And she couldn't stop her feet.
Nilampasan niya ang lalaking nag-abot sa kaniya ng pouch at sinubukang habulin ang lalaking nagngangalang Quaro. She wanted to... thank him, personally. Dahil kung tutuusin ay ito ang nagpatigil at nakahuli sa kawatan.
And she also wanted to know him. Get his number, maybe. To keep in touch.
But then, dahil sa malalaki nitong mga hakbang ay kaagad itong nakalapit sa kotse na dala ng taong tumawag dito at sumakay sa passenger's seat. The other guy who was actually as good-looking as Quaro, swung into his car, too. Tila ang mga ito nagmamadali. And even before she could go near the vehicle, it just suddenly took off.
Leaving her feeling... empty.
Bakit ganoon? Normal bang makaramdam siya ng ganoon sa isang estranghero na halos ilang minuto lang niyang nasilayan?
"Nakaalis na ba ang lalaki?"
Mula sa pagtanaw sa papalayong pick up truck ay nilingon niya ang nagsalita. Isa rin iyon sa tatlong humabol sa kawatan, nakatayo ito sa likuran niya at may hawak na... I.D.?
"Tumilapon yata ito kanina nang hampasin niya ng bag ang kawatan."
Naalala niya ang namataang bagay na tumilapon kanina kasabay ng balisong na dala ng kawatan. Iyon nga marahil iyon.
Inabot niya ang ID at sinurin iyon ng tingin. It was a driver's license, at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ang lalaki nga ang nasa larawan.
Name: Jan Quaro Zodiac
Birthday: January 20, 1989
Address...
Hindi niya napigilang ngumiti. Well, heaven just sent her a miracle, and the red string of fate was still intact!
"I'll see you sooner or later, my Knight in tattered jeans."
***
And that man, Quaro, bothered her whole being in the next two months. Walang gabing hindi niya ito naisip, walang gabing hindi niya pinagmamasdan ang ID nito. Sa bawat araw na dumaraan ay lalo siyang nababaliw dito. Ilang beses na siyang nagplano na pumunta sa Montana upang muli itong makita; at may dahilan siya upang magtungo roon.
Ibabalik niya ang ID. And then, who knows what would happen next?
Subalit nag-iba ang plano niya nang marinig ang plano ng kaniyang lolo. She was furious, ayaw niyang magpakasal at makisama sa taong hindi niya mahal. Ang Yaya Miling niya ay minsan nang ini-kwento sa kaniya na bago siya ipinagdalantao ng mama niya ay sinubukan na rin itong ipakasal ng lolo niya sa ibang lalaki, kaya nag-rebelde ang mama niya at sumama sa kasintahan nito. And when her mother got pregnant, she was disowned.
Ayaw niyang gawin sa kaniya ng lolo niya ang sinubukan nitong gawin sa mama niya. And just like her mother, she rebelled. She raw away.
She thought of her Knight in tattered jeans, Jan Quaro Zodiac. He was the only man she really had an intense attraction with her whole life. She didn't know why, but whenever she'd think of him, she could imagine herself being married to him. Just him. Marahil ay pantasya lang iyon, pero iyon ang naging dahilan kung bakit sa Montana siya dumiretso matapos niyang maglayas.
Naisip niyang kung gusto na ng lolo niyang magpakasal siya sa kung anumang dahilan, well, susunod siya. Pero siya ang pipili sa lalaking pakakasalan niya. And her choice was Jan Quaro Zodiac.
And when she went to Montana to see him, she realized that it wasn't going to be an easy mission. Dahil sa dami ng mga babaeng nakapaligid dito, sino siya at anong mayroon siya para mapansin nito? Wala siyang espesyal na katangian para mangibabaw sa mga babaeng tulad niya'y nagkakagusto rin dito.
She knew she had the face—she was pretty. But she wasn't that pretty to be noticed by someone of Quaro's caliber. She knew she had curves—pero 'di hamak na mas sexy ang ibang babaeng nagpupunta sa shop ni Quaro; lalo na ang half Chinese na nagmamay-ari ng appliance store sa kabilang street na nagngangalang Paige.
Ilang beses siyang dumadaan sa harap ng shop nito sa loob ng isang linggo, nag-oobserba kung papaano lalapitan ang binatanag-enroll pa siya sa isang crash course sa Montana University para lang may dahilan siyang manatili ng matagal doon. Buti na lang at nakasama sa mga importanteng documents na dala niya ang mga documents ni Daday, at hindi naging mahirap sa kaniya na palitan ang picture nito sa ID.
Pumasok siya sa shop sa unang pagkakataon nang naka-uniporme, she wanted to belong to the crowd and yet she wanted to prevail against everyone. But what would she do? She had a mediocre type of beauty, hindi niya makukuha ang atensyon ni Quaro unless... literal niyang kukunin ang atensyon nito.
Thus, the drama.
The crying times, the weeping and whimpering every time she was in his shop.
Noong una'y hirap pa siyang umiyak; ilang araw din niyang pinilit na lumuha. At ano pa nga ba ang dapat niyang isipin upang paiyakin ang sarili kung hindi ang may magustuhang ibang babae si Quaro na pakakasalan nito sa huli. She thought of him marrying that pretty lady with who he seemed to have a close relationship; the woman whose name was Paige.
And whenever she'd think of it, she would just whimper like an idiot.
That was the beginning of everything.
And she indeed caught his attention with her dramas—kaya nagtuluy-tuloy na. And her goddamn sad story took him easily. Patawarin sana siya ng mga magulang niya sa langit sa kaniyang kasinungalingan.
Pero... mapapatawad ba siya ni Quaro sa kaniyang mga kasinungaling kapag nalaman nito ang totoo?
***
NEXT >>
CHAPTER 27 –
Matched Desire
A/N:
Sana ol may Knight in Tattered Jeans 🙊
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top