23 | So Into Him








"Malayo pa ba...?" ungot ni Kirsten na halos ibagsak na ang katawan sa damuhan sa tindi ng pagod. "Isang oras na tayong naglalakad simula nang bumaba tayo sa bus, ilang bundok na rin ang in-akyat natin, ilang daang malalaking kahoy na rin ang dinaanan natin pero hindi pa rin tayo nakararating sa destinasyon?"

"You are exagerrating; kalahating oras pa lang tayong naglalakad, at wala tayong bundok na in-akyat, Kirsten," sagot ni Quaro na nasa unahan, halos sampung metro na ang layo mula sa kaniya.

Napayuko siya at humihingal na ipinatong ang mga kamay sa tuhod. "Time out—pahinging five minutes break."

Si Quaro ay huminto rin at humarap sa direksyon niya. "This is your third time out, Kirsten. Kung hindi ka panay pahinga ay dapat na naroon na tayo. Let's keep going, okay? We are close to the destination."

"Sinabi mo rin iyan noong unang nag-request ako ng break. Kung alam ko lang na ganito ka-layo ang cabin na sinasabi mo mula sa drop off area ay sana hindi ko na pinili ang forest. Sana nag-beach na lang tayo."

"Too late to have regrets. Let's keep going."

Napabusangot siya nang tumalikod si Quaro at ini-tuloy ang paglalakad. Napa-padyak siya ng paa bago bantulot na sumunod.

Bitbit niya sa likod ang backpack kung saan nakasilid ang damit na gagamitin sa loob ng dalawang araw habang naroon sila sa gitna ng gubat. Hindi naman gaanong mabigat ang dala niya, pero nag-uumpisa nang mangalay ang buo niyang katawan sa patuloy na paglalakad.

Ang gubat na iyon ay limang oras ang layo mula Montana at pag-aari ng pamilya ni Quaro. Ilang ektarya ang laki at pinaliligiran ng naglalakihang mga punong kahoy. Ini-bida ni Quaro sa kaniya ang ilog na malapit sa cabin; ayon dito ay ini-tayo daw nito iyon kasama ang mga kapatid, at doon siya nanabik.

At isa pa, iyon ang unang pagkakataong lumabas silang dalawa kaya tuwang-tuwa siya.

She felt... special.

Siguradong hindi pa nagawang maranasan ni Paige ang bagay na ito kasama si Quaro.

Ilang sandali pa'y hingal na muli siyang nahinto; dinala niya ang mga kamay sa bewang saka tiningala ang langit na halos hindi rin makita dahil tinatakpan iyon ng mayayabong na mga dahon mula sa malalaking mga sanga ng puno. At mula sa siwang ng mga sanga'y nakikita niya ang kulay dalandan na langit; tandang papalubog na ang araw.

Paano ba naman, alas-dies na ng umaga sila nagising, at bago bumangon ay um-isa pa sila! Tuloy, tanghali na silang bumiyahe at hapon nang nakarating sa lugar na iyon. Dagdagan pa ang lakad na ginawa nila mula sa kalsada papasok sa restricted area.

Malapit nang gumabi, kailangan na naming marating ang cabin bago tuluyang dumilim, aniya sa isip bago ibinaba ang tingin at ibinalik ang pansin sa daan.

Pero nang makitang wala na si Quaro sa unahan at dumidilim na ang paligid ay bigla siyang natilihan.

"Quaro?" tawag niya sabay ikot ng tingin sa paligid. Pare-pareho lang ang itsura ng mga malalaking puno. Maliban sa unti-unti nang dumidilim ay hindi rin niya alam kung saang direksyon nagtungo si Quaro.

"Quaro!"

Umalingawngaw ang kaniyang sigaw sa paligid, tila bumabangga sa malalaking mga puno at bumabalik sa kaniya.

Lalo siyang natilihan, ang dibdib ay nag-umpisang kumabog ng malakas.

Ang nanginginig niyang kamay ay napahawak sa isang puno; ang isip ay naguguluhan.

Tutuloy ba ako o hintayin siyang bumalik para hanapin ako?

Kung tutuloy siya, saang direksyon siya pupunta?

Muli niyang sinuyod ng tingin ang paligid bago muling inisigaw ang pangalan ni Quaro, subalit tulad kanina ay walang sagot mula rito.

Did he really leave her?

"Qua—"

Ang muli niyang pagtawag ay naudlot nang may biglang nahulog mula sa sanga ng punong hinawakan niya, pumulupot sa kaniyang leeg na ikina-laki ng kaniyang mga mata at ikina-tili niya ng malakas.

She was screaming and bawling at the same time, her hands covered her eyes in fear, and her knees started to shake she almost fell off the ground.

At patuloy pa sana siyang titili ng malakas kung hindi lang niya narinig ang malakas na tawa ni Quaro mula sa likuran niya.

Inalis niya ang mga kamay na nakatakip sa kaniyang mga mata at nilingon ito. Doon ay nakita niyang halos nasa likuran lang niya ito at nakatawang kinuha ang nasa kaniyang leeg. Muli na naman sana siyang titili nang maramdaman ang pag-galaw ng kung anumang nakapulupot sa kaniyang leeg; nang biglang bumaba ang mga labi ni Quaro at hinalikan siya.

It was just a swift kiss; given to shut her. At habang nasa mga labi niya ang mga labi nito'y naramdaman niya ang pag-alis nito sa bagay na iyon.

And when Quaro had finally taken what it was, he let go of her lips, and then she opened her eyes.

Nakangising initaas ni Quaro ang hawak na baging upang ipakita sa kaniya.

Nakahinga siya ng maluwag; she really thought it was a snake that fell off the tree!

"Akala ko ay tatakbo ka," nakangising sabi ni Quaro na ikina-laki ng mga mata niya. "Sorry, I toss this to scare you; akala ko kasi ay tatakbo ka sa takot at mapapabilis ang pag-usad natin."

Her eyes grew big in horror. Ang inis ay unti-unting bumangon sa dibdib hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at na-hampas niya ito sa braso.

"Gago, muntik na akong himatayin!"

"Paano, ang kupad mo." Quaro countered, still grinning. Itinapon na nito ang hawak na baging. "Let's go. Two more minutes and we'll get to the cabin."

"Kung gusto mong bumilis tayo ay kargahin mo na lang ako sa likod mo."

Quaro smirked before turning his back to her. "You wish."

Napanguso siya at sinundan ito ng tingin habang naglalakad palayo. Madilim na ang paligid at natatakot siyang may maapakang sawa sa ilalim ng mga tuyong dahon at sanga. She dreaded reptiles; hindi niya kakayanin at baka himatayin pa siya kapag dumampi ang kaliskis o balat ng mg iyon sa kaniya.

"C'mon, Quaro, magaan lang naman ako!"

"No. You walk."

Muling niyang dinala ang mga kamay sa bewang. "Come on! Ilang beses mo na rin naman akong binubuhat, ah? How many times did you carry me upstairs, huh? Countless! Ano'ng pinagkaiba?"

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ahhh... Siguro kasi noong binubuhat mo ako'y nakahubad ako, samantalang ngayon ay balot na balot, iyon ba?"

Quaro remained silent.

"Kung maghubad kaya ako rito para buhatin mo ako?"

"Suit yourself, Kirsten. Bahala na ang mga lamok at kung anu-ano pang mga insekto rito sa gubat d'yan sa hubad mong katawan."

Napanguso siyang muli sa naging sagot nito.

Well, mukhang wala na siyang ibang pagpipilian.

Sa malalaking mga hakbang ay sumunod siya kay Quaro, at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya inalis ang tingin sa likuran nito sa takot na baka mawala na naman ito sa paningin niya, o muli nitong gawin ang ginawa kanina.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita niya si Quaro na bumaba, kaya binilisan niya ang paghakbang hanggang sa nahinto siya nang makita ang ilog sa ibaba ng mga naglalakihang punong-kahoy. Mayroon siyang nakitang maliit na tulay na magdadala sa kanila sa kabilang dulo kung saan naroon ang may kalakihang cabin.

Thank you Lord! sigaw niya sa isip, bago kumapit sa baging ng malaking puno at maingat na bumaba.

Si Quaro ay naghintay bago tumawid sa tulay, at nang makalapit na siya ay saka nito binuksan ang bitbit na flashlight. Doon lang niya namalayan na tuluyan na palang nilamon ng dilim ang paligid, at dahil sanay na ang mga mata niya sa dilim ay hindi niya iyon kaagad na napansin.

"Good girl," nakangising sabi ni Quaro nang makalapit siya. "Akala ko pa man din ay tototohanin mong maghuhubad para buhatin kita."

Nakasimangot niya itong nilampasan at akma na sanang sasampa sa tulay nang biglang hampasin ni Quaro ang pang-upo niya. Gulat siyang napaharap dito at nakita ang muli nitong pag-ngisi.

"Stop pouting," he warned. "If you did take your clothes off, I would definitely come back to you and who knows what would happen next in the middle of the woods?"

Tinayuan siya ng balahibo sa batok sa mga sinabi nito—o sa malamig na hanging humampas sa katawan niya? She couldn't tell. Hindi rin niya alam kung nilalamig siya o naiinitan sanhi ng mga sinabi ni Quaro.

Abnormal na yata siya, kahit pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay hindi niya maintindihan.

"If you were to choose between sex in the middle of the forest or sex on the bridge, what would you pick?"

Wala sa sariling napahawak siya sa makapal na lubid na hawakan ng tulay sa tanong ni Quaro. Pakiramdam niya'y biglang nanginig ang mga tuhod niya kaya kinailangan niyang kumapit. Mariin siyang napalunok; ang kaniyang dibdib ay tumibok ng malakas sanhi ng pananabik.

"K-Kailangan bang pumili? Hindi ba pwedeng... all of the above?"

Sa sagot niya'y lumapad ang pag-ngisi ni Quaro. Lumapit ito, hinawakan siya sa likod ng ulo saka ito yumuko at mariin siyang hinalikan sa mga labi.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa lubid, at akma nang bibitiw upang ipulupot ang mga kamay sa leeg nito nang pakawalan naman siya ni Quaro. And she was about to complain when he gave her booty another spanking.

"Go on now, bago pa natin magawa ang isa sa dalawa kong nabanggit."

"Bakit hindi natin gawin?"

Muling napangisi si Quaro. "I'm worried."

"Worried? Bakit?"

"Baka magiba natin ang tulay."

Sandali lang siyang natigilan bago bumunghalit ng tawa. Hindi niya akalaing kaya ring magbiro ng loko. Tingin niya kasi lagi rito ay parang matandang binata na kulang lang sa landi.

Nakatawa pa rin siya nang talikuran niya ito upang mauna na sa pagtawid. Mariin siyang humawak sa makapal na lubid at dahan-dahang humakbang. Wala pang limang metro ang haba niyon, at ang taas ay halos tatlong metro lang. Kahit mahulog siya ay hindi siya mamatay. Unless... malalim ang ilog o sa bato siya mahulog.

Nang gumewang ang tulay ay sandali siyang nahinto at nilingon si Quaro.

"Don't worry, matibay 'yan. Just balance yourself and you'll be fine. Narito lang ako sa likod mo."

Hindi niya napigilang ngumiti sa sinabi nito; may kilig na dumaan sa dibdib. Bakit hindi? Hindi lahat ng babae ay mayroong Quaro sa likuran nila.

"Pero kung mahulog ka man ay h'wag ka ring mag-alala. May pamingwit sa loob ng cabin."

Ang ngiti sa mga labi niya ay napawi nang marinig ang ini-dugtong ni Quaro. Bigla siyang sumimangot, saka tumalikod at itinuloy ang pagtawid sa tulay. Naramdaman niya ang pagsunod nito kaya binilisan niya ang paghakbang.

Nang tuluyan na silang nakarating sa kabilang bahagi ay nagulat pa siya nang hawakan ni Quaro ang kaniyang kamay. Napatingala siya rito.

"May mga patibong kaming ini-tanim sa paligid ng cabin. We don't want criminals to use our place as a hiding ground, kaya namin iyon ginawa."

Napakurap siya. Akala pa man din niya ay gusto lang ni Quaro na makipag-holding-hands sa kaniya.

"Paano kung hindi kriminal ang nadale ng patibong niyo? Paano kung nawawalang bata o naligaw na mangangaso?"

"Malas nila kung ganoon."

"Ang sama..."

Quaro chuckled and looked at her. "Don't worry, ang mga taong marunong magbasa ng mga naka-kalat na warning signs sa paligid ng gubat na ito ay alam na mapanganib sa area kaya hindi na magtatangkang pumasok pa. This is a restricted area, Kirsten, at lahat ng mga mangangaso ay alam na bawal silang lumampas sa nakapaligid na barbed wire sa buong area na sakop ng pamilya namin. Kung mayroon mang magtatangka ay iyong mga masasamang tao o takas na kriminal."

Hindi na siya nagsalita pa nang marating na nila ang cabin. Mayroong porch sa harapan niyon, at sa kahoy na kisame ay may nakasabit na lampara. Dinukot ni Quaro ang dalang lighter at sinindihan iyon, bago nito binuksan ang pinto ng cabin.

Sa loob ay sinindihan din muna nito ang lampara bago siya pinapasok. Namangha siya nang makita ang interior.

It looked like a simple cabin from the outside, but inside, there was a huge sofa bed in the center. Sa ilalim niyon ay makapal na carpet na kulay maple. The floor was made of wood, cleaned, and varnished. Sa harap ng sofa ay mayroong fireplace.

Nang ikutin pa niya ang tingin ay doon siya may napansing lababo sa gilid ng cabin, at sa tabi niyon ay pinto na sa hula niya'y ang toilet. Ang pader na nakapaligid ay may mga hanging shelves na punung-puno ng mga libro.

"Madalas kami rito ng mga kapatid ko kapag nagkayayaan kaming mangisda, o manghuli ng baboy ramo. The last time we did it was five years ago."

"Ibig sabihin ay hindi kayo nakadalaw dito sa loob ng limang taon?"

"No, may isa akong kapatid na buwan-buwan ay dito umuuwi."

"Oh."

Sinundan niya ng tingin si Quaro nang maglakad ito patungo sa tabi ng couch, may kinapa sa sahig, saka iyon in-angat sa panlalaki ng mga mata niya.

Dahil ang nasa ilalam pala ng sahig sa bahaging iyon ay isang malaking kama!

"Hindi abot ang kuryente rito, kaya ang kapatid kong madalas na pumunta rito ay nagbabalak na mag-install ng solar panel."

Humakbang si Quaro sa lababo at binuksan ang cupboard. "What would you like? Coffee, tea, or hot chocolate? You can wash up while I make it."

Pwede bang ikaw na lang? aniya sa isip bago nakangising sumagot. "Hot chocolate, please. 'Yong kasing hot mo."

Ang pag-abot ni Quaro sa dalawang tasa na nasa loob ng cupboard ay nahinto, at nang lingunin siya nito'y may pilyong ngiti sa mga labi. "And here I thought you are tired? Are you really flirting with me right now? Alam na alam mong kapag nagsisimula kang magsalita ng ganiyan ay napapahamak ka."

Ngumisi siya at hindi na sumagot pa. Bitbit ang backpack ay dumiretso siya sa pinto ng toilet.

"Sa loob niyan ay may dalawang separadong pinto ka pang makikita," ani Quaro. "One for the comfort room and the other is to a small jacuzzi—enjoy."


***


Amoy na amoy ni Kirsten ang mabangong aroma ng tsokolate nang lumabas siya sa banyo. Pero maliban sa chocolate ay mukhang may inihanda pang iba si Quaro.

"I cooked a mushroom soup," Quaro informed. He was sitting on the floor, Indian Style, as he put more firewood. Sa ibabaw ng fireplace ay may dalawang hook kung saan nakasabit ang takure habang sa isa'y ang stainless pot. Doon marahil nakalagay ang sinasabi nitong mushroom soup.

Ibinaba na muna niya ang backpack sa gilid ng pinto ng banyo bago humakbang palapit kay Quaro. She sat in front of him.

"Ang gara ng cabin, may jacuzzi," she said, still thrilled about it.

"It was my brother's idea. He's a carpenter so he made it himself."

"Nice."

Kinuha ni Quaro ang isang tasa sa tabi nito at inabot sa kaniya. It was her cup of hot chocolate.

She took the cup from him and murmured her thanks. She then looked around to familiarize the place, at nang makakita siya ng gitarang nakasabit sa pader ay nanlaki ang mga mata niya.

"Hey, may gitara!"

"You like music?"

"Yes, tumutugtog ako sa... sa choir dati. I play the guitar."

"Choir, huh?" Quaro smiled wryly. Dinala nito sa bibig ang tasa ng tsokolate at humigop habang ang mga mata'y pailalim na nakatingin sa kaniya. Nang ibaba nito ang tasa ay muli itong nagsalita. "Ito ba ang rason kung bakit malawak ang kaalaman mo sa relihiyon? Gaano ka katagal sa choir?"

Umiwas siya ng tingin, nagdalawang-isip kung sasabihin ang totoo.

Why not? Hindi magiging komplikado ang estorya kung sasabihin ko sa kaniya.

"Mula noong sampung taong gulang ako hanggang sa umalis ako sa bayan namin anim na buwan na ang nakararaan—ganoon ka-tagal akong miyembro ng choir."

"Hmmm. Interesting. I never thought you could sing."

Doon siya napangisi. "I can, pero hindi kagalingan. Do you want to hear it?"

"I'd love to," mabilis nitong sagot na ikinagulat niya.

Quaro showing interest in her and her hobbies felt like she had just unlocked a new level of a game. Ang magkaroon ito ng interes sa kaniya ay patunay na tinatanggap na siya nito sa buhay nito.

Beat it, Kirsten. Hayan ka na naman sa mga pantasya mo!

Tumayo si Quaro at kinuha ang gitarang nasa pader. Pagbalik nito sa pagkakaupo ay saka iyon ini-abot sa kaniya.

"Would you play for me?"

"Lagi naman, 'di ba, Quaro?" makahulugan niyang sagot na ikina-ngisi nito.

Napakagat-labi siya bago niyuko ang gitara at inumpisahang tipakin ang cord, ni-tantiya ang tunog bago muling ibinalik ang pansin kay Quaro na tahimik lang na naka-masid.

"Would you like to hear a Christian song? Or love songs?"

"I'd like to hear you sing your favorite song."

Another level unlocked!

Inalis muna niya ang bara sa lalamunan bago nagbawi ng tingin. Bakit ba siya naging emosyonal noong sinabi nitong nais marinig ang paborito niyang kanta? Talaga bang... nagiging interesado na si Quaro sa kaniya? Talaga bang... hindi na siya pang-kama na lang?

Stop, Kirsten. Kapag mataas ang lipad ay mas masakit ang pagbagsak.

Kaya bago pa man siya lumipad sa sobrang pantasya ay inumpisahan na niyang tipaking muli ang gitara. Nang makuha niya ang tunog na gusto ay sandali niya iyong inilapag sa sahig, tumayo at tinungo ang bag upang kunin doon ang cellphone. Pagbalik niya sa harap ni Quaro ay saka niya ini-set ang audio recorder.

"Para saan 'yan?" Quaro asked, frowning a little.

"Ire-record ko ang performance ko at i-e-email ko sayo bilang remembrance." She then winked at him and turned her attention back to the guitar.

Ilang sandali pa'y nag-umpisa na siya, habang ang mga mata'y nakatutok kay Quaro.




With every passing moment

Thoughts of you run through my head

Every time that I'm near you

I realize that you're heaven sent




I think you're truly something special

Just what my dreams are really made of

Let's stay together you and me boy

There's no one like you around

Oh baby




I really like what you've done to me

I can't really explain it, I'm so into you

I really like what you've done to me

I can't really explain it, I'm so into you




She continued to sing the song while looking straight into his eyes. Quaro, on the other hand, was watching her perform in amusement.

Matapos ang tugtog ay umayos siya ng upo at inilapag ang gitara sa tabi.

"Well?"

"That was your favorite song?"

Umiling siya. "Harana ko 'yon sa'yo, 'no."

Doon ito malapad na ngumiti. "Come here, I've been itching to kiss you."



***


NEXT >>

CHAPTER 24 -
Blissful Days In The Forest



A/N:

I dont know about you, pero kinilig ako sa chapter na to.

Sweet,  flirty,  and slow burn. Ayiiiieeeee

Hahahahah!

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top