11 | The Truth About Last Night


***


Pigil-pigil ni Kirsten ang paghinga habang pinagmamasdan si Quaro na bina-bati ang itlog sa bowl gamit ang wisk. Ang mga ugat nito sa braso ay tila konektado sa pagkatao niya—bawat pintig ng dugo roo'y kumu-konekta sa kaniya, nararamdaman niya.

            Kanina pa siya tulalang pinapanood ang bawat pagkilos nito. Pakiradamn niya ay naka-slomo ang lahat, para siyang nanonood ng pelikula na ang lente ay naka-focus sa mga ugat, sa braso, at sa pagbati nito ng itlog. And the scene was dreamy, she must say. Parang panaginip. Parang si Quaro... paraiso sa kaniyang panaginip.

            Napalunok siya habang unti-unting itinataas ang tingin mula sa kamay na bumabati ng itlog, sa maugat na braso, sa malapad na balikat at pababa sa matitipuno nitong dibdib.

            Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Nakasuot si Quaro ng putting T-shirt—tanging kulay na inisusuot nito lagi—at alam niyang malaki ang size niyon dahil ang mga ipinagamit nito sa kaniya ay halos nagmukha nang duster. Pero kung si Quaro ang magsusuot ay tila kay sikip niyon... tila ito nakabalot sa manipis na telang iyon dahil humuhulma ang dibdib nito sa T-shirt.

            Isang mahabang paghinga pang muli ang pinakawalan niya bago ibinalik ang pansin sa mga kamay nitong may hawak sa wisk. He was beating the eggs a little bit faster now, at habang pabilis ito ng pabilis ay pigil-pigil niya rin ang paghinga.

            Hanggang sa tumigil ito—at doo'y napasinok siya ng malakas.

            Tinakpan niya ang bibig; sinok ba iyong kumawala sa bibig niya o malakas na singhap?

            Nababaliw na yata siya.

            Katulad ng kung papaano siyang nabaliw kagabi.

            Ang totoo'y hindi nakalalasing ang cake na iyon... It was just a simple chiffon cake she made. Nagsinungaling siya nang sabihin niyang rum cake iyon. She made it look like a rum cake, dahil ang bundt pan lang ang lagayang una niyang nakita. Besides, kung rum cake man iyon ay hindi rin naman siya malalasing dahil hindi naman niya ibinabad ang cake sa alak. Didn't he think about it? Or was he just too tired to notice that the cake was not moist with alcohol, therefore, it wasn't the type that could make someone intoxicated. Panadero ba talaga ito?

            And yes, she lied about not remembering anything from last night.

            She remembered everything. Kahit ang lasa ng mga labi nito, at ang init ng mga palad nito sa balat niya kagabi—tandang-tanda niya ang lahat ng iyon.

             But it really did start with the cake.

            Buong araw niyang ni-practice ang pag-gawa ng cake na iyon—wala siyang magawa buong araw at wala rin siyang interes na lumabas. Sinubukan niyang manood ng mga classic movies sa theater room subalit wala pang kalahating oras siyang nakatutok ay nabagot na siya. She couldn't focus, and she felt like she was missing something. As if... she wasn't complete.

            Naisip niyang marahil ay dahil sa hindi niya nakita ng buong araw si Quaro kaya ganoon. Para siyang sasakyan na walang gasolina; ayaw umandar. Kaya naman bumaba siya, at upang maramdaman niya sa sistema si Quaro ay pinakealaman niya ang pantry at kusina nito. At dahil kaarawan din naman niya kinabukasan—sa araw na iyon—ay naisipan niyang gawan ng cake ang sarili.

            Yes—it was her 22nd birthday and she wanted to celebrate it with someone she adored. Unfortunately, nagkataon pang umuwi ito sa pamilya.

            Naka-anim na attemp siya, at lahat ng mga nauna, kung hindi sunog ay hilaw. At kapag ibabalik niya sa oven ay masusunog nang tuluyan. Gustom na gutom siya buong araw pero hindi siya kumain dahil desidido siyang magawa ng maayos ang cake na iyon—ang sinabi niya sa sarili na iyon na ang kakainin niya pagkatapos.

             At 8:00 PM that night, she perfected it—finally! And she was famished she ate almost ¾ of the whole cake. Nanghiram muna siya ng sealed orange juice sa fridge ni Quaro, tulad ng ginawa niya sa ilang trays ng itlog na ginamit niya. She told herself she would replace everything first thing in the morning, at isasalansan pabalik para hindi mapansin ni Quaro na nagalaw niya ang mga iyon.

            Hindi niya inasahang darating ito nang gabing iyon.

            And she pretended to have gotten herself drunk dahil ayaw niyang masinghalan nito. Sigurado siyang sa mga sandaling iyon ay alam na nitong tatlong trays ng itlog ang nagamit niya. Inasahan niyang magwawala ito kagabi, and she was so worried kaya nag-isip siya ng palusot para takasan ang hagupit nito. Hence, the rum-cake alibi. At naaliw siya sa naging tugon nito sa kaniya.

            What's even more entertaining was that Quaro believed her lies without further quesitons. O baka dahil gusto rin nitong makalimutan niya ang lahat? 

            Oh well, she had successfully flirted with him last night, and now she had an excuse to not remember anything. Aba siyempre, kunwari ay walang nangyari. Lasing siya kagabi at walang maalala, she would stick to that lie and take it to her grave!

            She felt so hot and bold last night, daig pa niya ang naka-droga. She never had a man in her life—not because she was preserving herself or she had strong moral beliefs—no. She stayed a virgin because she had never met a man who gave her butterflies. Katulad ng mga nararamdaman ng mga babae sa pelikula at libro. She was looking for that. For the spark.

            Until... she crossed paths with Quaro.

            Simula noong makita niya ito ay hindi na siya mapakali. She had been fantasizing about him; he had become part of her dream. And last night was her chance to make that dream come true.

            Kaya lang... ay nagawa nitong kontrolin ang sarili.

            And the next thing she knew, she was tied up to the headboard!

            Oh! Labis-labis ang pagkapahiyang naramdaman niya—hindi niya maaalala kung gaano siya katagal na nagpumiglas hanggang sa manakit na lang ang mga braso niya, mapagod siya, at makatulog. Pag-gising niya'y hindi na siya nakagapos.

            At nagsinungaling siyang walang maalala sa nangyari kagabi dahil ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa. Kahit isang linggo pa lang siyang nakatira sa loob ng pamamahay nito'y alam na niya kung paano tumakbo ang isip ni Quaro. She was worried he'd send her out—na baka muli siyang palayasin sa ginawa niya.

            Kaya naman nagpasiya siyang magkunwaring walang alam. And by the looks of it now, mukhang naniwala na naman si Quaro sa kasinungalingan niya.

            "Now, the vegetables."

            Napakurap siya at tiningala ito. Ang pansin ni Quaro ay nalipat sa mga gulay na inilabas nito kanina sa fridge at isa-isa ang mga iyong hiniwa.

            Muli ay napatingin siya sa mahahabang mga daliri nito. At kung bakit siya mariing napalunok habang nakatitig doon ay hindi niya alam. May kung anong katarantaduhang pumapasok sa isip niya.

            Ipinilig niya ang ulo at ibinalik ang pansin sa ginagawa nito.

            "Paano ka nga pala natutong gumawa ng tinapay?" she started. Gusto niyang kausapin ito hindi lang upang may malaman siya tungkol sa pagkatao at sa buhay nito, kung hindi upang mabaling sa iba ang pansin niya.

            Dahil kung hindi pa siya titigil sa kapapanood sa pagbati nito ng itlog at sa senswal na paraan nito ng paghiwa sa mga gulay ay baka masunog siya—katulad ng itlog na niluto niya.

            "Let's skip backstories, Kirsten. We don't do that here," sagot nito sa seryosong anyo.

            "Parang gusto ko lang malaman, eh."

            "I don't share my life with other people."

            "Other people pa rin ba ang tingin mo sa akins? Housemates na tayo, 'di ba? At mayroon pa akong... 93 days kasama ka. Kaunting impormasyon lang, eh—"

"Nagtanong ba ako tungkol sa'yo maliban sa pangalan at sa edad mo? Hindi, 'di ba? Sometimes, it's better to just know what you need to know, and not what you want to know. Because the less you know, the less drama you encounter."

            Napa-ismid siya at hinila ang upuan sa harapan nito. Naupo siya roon at muli itong pinanood. Natapos na nitong hiwain ang tatlong malalaking mga kamatis, at ang ini-sunod ay ang yellow and green bell peppers.

            "Wala akong kinalakihang nanay, Quaro, kaya hindi ako marunong magluto..." aniya rito.

            Quaro paused, lifted his head, and gazed at her for a second or two before returning his attention back to the vegetables. Hindi ito nagsalita pero nakita niya ang interes sa anyo nito kanina.

            Kaya nagpatuloy siya;

            "Ang tatay ko ang nag-aasikaso sa akin noon, gigising na lang ako sa umaga at nakahanda na ang lahat. Kaya noong nawala siya ay... nahirapan ako. Hindi man lang ako natutong magprito ng itlog. Kung alam ko lang na mawawala ng maaga si Itay, disin sana'y pinilit kong matuto ng mga gawaing bahay para hindi ako nagmumukhang ewan sa harap ng ibang tao."

            Again, Quaro said nothing.

            Kaya nang muli siyang nagsalita'y hinaluan na niya ng panginginig ang tinig—upang makuha ang pansin nito—tulad noong mga nakaraan!

            "Kaya pagpasensyahan mo na kung palpak ako sa pagluluto. Iyong cake na kinain ko kagabi, kahit sobrang pangit ng lasa ay pinilit kong ubusin..." And then, she added it with a sniff.

            Si Quaro ay bumuntong-hininga at tahimik na nagpatuloy lang sa ginagawa. She could sense symphaty from him, pero ewan ba niya sa lalaking ito at ayaw magpakita ng emosyon. Kahit simpleng yakap at paghagod man lang sana sa likod!

            She sighed. Isa sa mga araw na ito'y malalaman din niya kung papaano makukuha ang loob nito. Kagabi ay naumpisahan na niya, at napag-alaman niyang may matatag itong kontrol sa sarili. Aalamin niya kung papaano titibagin ang self control na iyon....

            "Kailan pala ang birthday mo?" she asked after a while.

            "January," sagot nito, sunod na ni-hiwa ang white onion.

            "January...?"

            "January 20."

            "Aquarius."

            She knew that's the magic word—dahil tumigil si Quaro sa ginagawa at sinulyapan siya.

            "You're familiar with astrology?"

            "Hindi gaano, pero alam ko ang 12 zodiac signs—" Napasinghap siya, nagkunwaring may napagtanto. "Hindi ba at ang buo mong pangalan ay Jan Quaro Zodiac? Totoo ba talaga 'yon o gawa-gawa mo lang?"

            May ilang segundo siyang tinitigan nito bago muling nagbaba ng tingin at itinuloy ang paghiwa. Sandali itong natahimik, at akala niya'y patuloy itong ganoon kaya nag-isip na siya ng sunod na itatanong. Nang biglang...

            "January 20 is not my real birthday. The truth is... I don't even know when I was born."

            Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano ang ibig mong sabihin?"

            "I was adopted when I was barely four." Tumalikod ito bago pa siya nakapagtanong muli. Bitbit ang chopping board kung saan naroon ang mga ni-hiwang sahog ay nitungo nito ang stove. 

            Nanatili siyang nakasunod lang ang tingin dito. Curiosity was eating her.

            "At ang... nag-ampon sa'yo ay ang pamilya Zodiac?"

            Naglagay muna ng non-stick pan si Quaro sa stove, sinindihan iyon, at habang hinihintay iyon na uminit ay humarap sa kaniya. Seryoso ang anyo nito nang muling nagsalita.

            "They were husband and wife who lost their child ten years earlier. It was a tragic tale and I am not in the mood to share it with you. They adopted me and all other eleven children and raised us as if we were their own flesh and blood. Utang namin sa kanila ang buhay na tinamasa at tinatamasa namin ngayon."

            Namamangha siyang sumagot. "Galing ka sa malaking pamilya—nakakainggit."

            "Ano ang nakakainggit doon?" he frowned, crossing his arms across his chest.

            "May mga kapatid kang kalaro, kaaway, kasabunutan."

            Sa gulat niya'y napangiti si Quaro, at dahil doo'y muntik nang tumalon ang puso niya patungo sa non-stick pan.

            "Hindi kami nagsasabunutan," he corrected while smiling. Nasa anyo nito ang pagpipigil na tumawa. "But when we were kids, we used to fight a lot—punching and kicking. Matanda lang ako sa kanila ng ilang buwan kaya parang halos magkaka-edad lang kami. We used to not get along, we fought a lot, but we were happy and content because our foster parents were always there to love and guide us."

            Tumango siya, pilit na inalis ang pansin sa ngiti—sa mga labi nitong natikman na niya kagabi.

            Si Quaro, nang maramdamang uminit na ang kawali ay muli iyong niharap at nilagyan ng butter. "Come here and watch me cook."

            Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa—mabilis pa sa kidlat na tumayo siya at lumapit dito.

            "Kailangan mong siguraduhin na mainit ang kawali bago ka maglagay ng mantika. In this case, we are using butter, so you can put it in kahit hindi pa gaanong mainit itong pan mo. And then, kapag nakita mong nalulusaw na ang butter ay saka mo ilagay ang sibuyas. In my case, I put them in all at once."

            Tumango siya at pinanood si Quaro na igisa ang mga gulat.

            Ang kaniyang mga mata'y muling natuon sa matipuno nitong mga braso. Those arms were insane she wondered how they would look like if he was holding her thighs up to his shoulders...

            She paused and shook her head in horror. Bakit ba iyon ang nag-transpire na imahe sa utak niya?

            Malakas siyang tumikhim bago in-iba ang usapan. "So... totoo nga ang pangalan mo?"

            "Yeah—you can check the registrations."

            "Kung unique ang pangalan ko ay mas unique ang apelyido niyo. Saan ka sa bansang ito makakakita ng ganoong—" Natigilan siya kasunod ng panlalaki ng mga mata. Sinuyod niya ng tingin si Quaro mula ulo hanggang sa matitipuno nitong mga binti—napalunok siya ng wala sa oras kaya ibinalik niya ang pansin sa mukha nito.  "B—Banyaga ang mga nag-ampon sa inyo?"

            "He's a retired American soldier, but his wife is Filipina. Umuwi sila rito sa bansang ito nang mamatay ang anak nila."

            "At ikaw? Hindi ka mukhang purong Pilipino..."

            Muli itong ngumiti; ang tingin ay pinanatili nito sa ginagawa. "That's because I don't have an ounce of Filipino blood. I was raised in a Filipino culture but I was born to non-Filipino parents."

            Malakas siyang napasinghap dahilan upang mapa-ubo siya. May alikabok pa yatang nakapasok sa lalamunan niya sa eksaheradong pagkaka-singhap niyang iyon. 

            Although she already suspected that Quaro had foreign ancestry, she didn't expect that he actually had no Filipino blood!

            "At... ang mga kapatid mo?"

            "Same as me. We were born in the same country."

            "Ibig sabihin ay galing pa kayo sa ibang bansa at dinala lang dito sa Pilipinas matapos kayong ampunin ng mag-asawa?"

            "We were born in a different country and were brought to the couple by a group of soldiers. They were our foster father's comrades. We were still toddlers then, the rest I couldn't remember anymore."

            "Bakit... mga sundalo ang nagdala sa inyo sa mag-asawa?"

            Nawala ang mga ngiti ni Quaro at matagal na natahimik. Kung hindi nito masasagot ang tanong niya'y ri-respetuhin niya ang privacy nito. And she was so ready to change the topic when he answered,

            "We were saved by them."

            Saved?

            "Naipit kami sa gitna ng gyera noon, we were left alone by our parents who were all probably killed. Ilang araw kaming nakatago sa basement ng mga bahay namin hanggang sa natagpuan kami ng mga sundalo. We stayed at their camp for days before we were picked up by a military plane and transported to places. Ang huling pinagdalhan sa amin ay sa mag-asawang Zodiac. The rest is history."

            "Nakamamangha..." Ang panlalaki ng kaniyang mga mata ay hindi pa rin mawala—para siyang nakakita ng mahika, o milagro habang nakatitig sa mukha ni Quaro.

            At iyon ang nalingunan nito. Nang makita ni Quaro ang panggilalas sa kaniyang mukha ay napangiti ito—dahilan upang muli siyang mapasinghap.

            "What's so cool about that?"

            "Marami kayong pinagdaanan bago kayo napadpad sa mga nag-ampon sa inyo."

            He just smiled and said nothing. Ibinalik nito ang pansin sa iginigisang gulay habang ang puso naman niya'y tila sasabog sa sobrang galak.

            Iyon ang unang beses na nag-usap sila ni Quaro na tila magkaibigan. At ningitian pa siya nito! It was so unlikely of him to do that—maaari kayang dahil sa namagitan sa kanila kagabi?

            Or maybe, he had started to let her in...

            Into his life.

            Sa huling naisip ay kinilig siya. Pero ayaw niyang ipahalata kaya muling siyang nagtanong,

            "Ang sabi mo ay may labing-isa ka pang mga kapatid?"

            "Yeah. We are all boys. And our foster mother, who grew loving astrology, gave us names inspired by zodiac signs. Nobody knew our real birthdates, only our age. Kaya nagpasiya ang foster mother namin na bigyan kami ng bagong kaarawan. This is also to ensure there are birthday celebrations every month."

            "Oh..."

            "Now that we are all grown-ups, we moved out of the house to find ourselves. Pero dahil bawat buwan ay may nagdiriwang ng kaarawan, lagi naming sinisigurong kompleto kaming makauuwi sa ina namin."

            "At ang tatay niyo?"

            "Our foster father died two years ago. Prostate cancer."

            "Oh, I'm... sorry."

            Ibinuhos ni Quaro ang mga binating itlog sa pan, hininaan ang apoy, saka tinakpan iyon bago siya hinarap. Muli nitong pinag-krus ang mga kamay sa tapat ng dibdib.

            "Enough about me. Let's talk about you—why do you keep on lying to me?"


***


NEXT >>

Chapter 12 -
Bothered By The Four-Letter Word


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top