10 | Letting Her In





~ This chapter contains explicit language which may be offensive to some readers.

Reader discretion is advised~



***






            She tastes like orange and chocolate combined.

            She tastes sweet and tangy, with a little bit of something. Could it be the rum?

            I don't like rum—I am more of a beer-person. But if what I'm tasting from her mouth is the rum she used in her cake, then I like it.

            I like it so much I couldn't stop tasting it from her. And this is hard for me to admit but...

            I am getting...  addicted.

            Quaro couldn't stop himself from kissing Kirsten's luscious lips. He knew he had to stop, but whenever he'd think of releasing her, there was a force he couldn't explain pulling him back,

            Kirsten was responding to his kisses with soft moans, something that's making him lose his head. This wasn't what he expected to happen between them when he took her in—when he helped her. He never saw her as someone he would get attracted to, but then—this happened. And he couldn't stop it anymore.

            Isang mahaba at mapanuksong ungol pa ang pinakawalan ni Kirsten na lalong nagpatindi ng pangangailangan niya.

            Fuck this sexy woman... he thought before kissing her with a melting hunger, slowly exploring her mouth with his tongue.

            Damn, she tasted like fruit and chocolate bar combined. At hindi siya mahilig sa alinman pero gustung-gusto niya ang nalalasahan mula sa mga labi ng dalaga.

            Kusang lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ni Kirsten sa sandaling pagkawala ng katinuan niya. Pakiramdam niya'y unti-unti siyang nahuhulog sa malalim na bangin—pero imbes na humagilap ng mahahawakan ay hinayaan niya ang sariling patuloy na mahulog hanggang sa kung saan man siya bumagsak. Just like what's happening right now.

            Hinayaan niya ang sariling mahulog... sa panunukso ni Kirsten.

            Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang mga palad ng dalaga na dahan-dahang pumaloob sa suot niyang T-shirt. The feel of her palm against his skin burnt him even more. May pakiramdam siyang kapag hinayaan niya si Kirsten na haplusin siya sa ganoong paraan ay baka tuluyan nang bumigay ang ga-hibla na lang niyang kontrol sa sarili.

            I need to stop... he said to himself. This shouldn't happen—she's drunk and she doesn't know what she's doing.

            And I don't want to be accused of taking advantage of her.

            At nang ibaba ni Kirsten ang mga kamay sa ugpungan ng suot niyang pantalon ay natilihan siya.

            Damn it—if she succeeded in taking my pants off, we'll be in trouble.

            He released her mouth reluctantly and gazed at her sexy face. "Saan mo kinukuha ang lakas ng loob para gawin ito, Kirsten?"

            Si Kirsten, na tinutupok na ng apoy, ay nagmulat ng mga mata. "H—Huh?"

            "Kanina ay hindi mo magawang tanggalin ang damit mo, pero ang pantalon ko ay kaya mong hubarin?"

            Napakurap ito, walang maisagot.

            "What are you expecting to happen between us, Kirsten?"

            "Hindi ko... maintindihan ang ibig mong sabihin."

            "Why are you doing this?"

            Imbes na sagutin siya ay in-angat nito ang ulo sa pagnanais na muling hulihin ang kaniyang mga labi, subalit umiwas siya.

            He was... doing this to clear his mind and to supress the fire that's burning him inside. Kailangan niyang ibalik ang katinuan bago siya tuluyang makalimot at makagawa ng bagay na pagsisisihan niya kinabukasan.

            "Are you expecting that if something happened between us, I will commit to you?"

            Naguguluhang umiling si Kirsten—ang mga mata nito'y palipat-lipat sa mga mata at mga labi niya.

            Sa kondisyon nito ngayon, duda siyang naiintindihan nito ang mga sinasabi niya; so why the hell was he talking still? Why wouldn't he just crush his mouth to hers, strip her clothes off, and be done with it?

            Because I took her in... and I don't want people to think that I only did that so I could take advantage of her vulnerability.

            But who the fuck knows that she's living here beside Paige?

            Ahh, shit. Nagtatalo na naman ang utak niya.

            "Quaro..." Kirsten muttered after a while. Mariin nitong ipinikit ang mga mata bago lumiyad upang idikit ang katawan sa kaniya. "Bakit ba ang dami mong tanong?"

            Para siyang napapasong inihiwalay ang katawan mula rito.

            "We can't do this."

            Panic crossed her face. "Pababayaan mo akong ganito?"

            "Yes." Tuluyan na siyang bumangon at iniwan itong nakatigalgal. "Hindi ko obligasyong paligayahan ang lasing mong diwa."

            Ahhh, fuck. He was so proud of himself for holding back his lust.

            "Ah, gano'n."

            Sa pagkamangha niya'y biglang bumangon si Kirsten na parang wala lang at dinala ang mga kamay sa laylayan ng damit. He panicked—alam niyang sa oras na tumambad sa kaniya ang kahubaran nito'y katapusan na ng pagtitimpi niya.

            Kaya mabilis niyang hinuli ang mga kamay nito at mariing hinawakan.

            She flinched at his grip, so he let go and pushed her back to the bed instead. Napahiga ito at muling napa-ngiwi.

            "Oh..." usal nito bago mariing ipinikit ang mga mata. "Ang sakit ng ulo ko..."

            Sandali siyang natigilan. Gusto niya itong daluhan at alamin ang pakiramdam nito pero alam niyang sa oras na gawin niya iyon ay bibigyan lang niya ito ng pagkakataong muli siyang tuksuhin.

            Kaya bago muling mangyari iyon ay nag-isip na siya ng paraan upang pigilan si Kirsten sa mga kalokohan nito—to save them both.

            Tinanggal niya ang sinturon sa kaniyang pantalon—at iyon ang namulatan ni Kirsten.

            Sandali itong natigilan pero kalaunan ay malapad na ngumiti—she obviously misunderstood his intention. At sinamantalan niya iyon.

            He joined her back to bed, and Kirsten was more than willing to welcome him. He settled on top of her, gazing down as he tried not to be affected by his own actions.

            Gamit ang isang kamay ay itinaas niya ang mga braso nito sa wooden headboard, habang ang isa ay patuloy na humihila sa sinturon niya.

            Kirsten giggled, her drunk state came back.

            Ibinaba niya ang ulo upang ilapit dito. "You wouldn't like this, Kirsten..."

            At bago pa man nito mahulaan ang gagawin ay ini-tali na niya ang mga kamay nito sa headboard gamit ang kaniyang sinturon. Sandaling itong natilihan, nanlalaki ang mga matang pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa mga kamay nitong ini-gapos niya.

            Ilang sandali pa... sa pagtataka niya, ay ngumisi ito.

            "Ah, so this is how you play, ha, Quaro..." she said in a teasing tone. "Hindi ko inasahan 'to mula sa'yo."

            He answered her with a smirk. "No, this is not how I play. Ito ang paraan ko para patigilin ka."

            Muli itong natigilan bago pinanlakihan ng mga mata.

            Siya naman ngayon ang ngumisi saka bumangon at tumayo sa paanan ng kama.

            "Try to get some sleep. Bukas ng umaga pag-gising mo at wala ka nang tama ay saka lang kita pakakawalan."

            Isang malakas na singhap ang ini-sagot ni Kirsten sa kaniya. At nang tumalikod na siya at humakbang patungo sa pinto ng kaniyang silid ay saka pa lang rumehistro rito ang kaniyang ginawa.

             "Quaro!" sigaw nito bago niya tuluyang marating ang pinto. "H'wag mo akong igapos dito na parang baboy! Hoy!"

            But he ignored her. Iyon ang paraan niya para masigurong hindi ito makaalis sa kama, hindi makalabas sa veranda at mapahamak, at hindi makalapit sa kanya.

            Pagdating niya sa pinto ay saka lang siya muling humarap. Nanlalaki ang mga matang sinundan siya nito ng tingin—panic was on her face.

            He smirked again. "Goodnight, Kirsten."

            And then, he shut the door and went downstairs. Mula sa second floor ay dinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ng dalaga, kaya itinuloy niya ang pagbaba hanggang sa kusina.

            Pagdating doon ay dumiretso siya sa fridge, kumuha ng dalawang can ng iced-cold beer, binuksan ang isa at nilagok iyon. Nang maubos ang ini-sunod niya ang isa pa hanggang sa tuluyan niyong tupukin ang apoy na tumutupok sa kontrol niya.

            Mayroong banyo roon sa kusina na siyang ginagamit ni Kirsten—there was also a shower in it. Maya-maya'y maliligo siya roon upang tuluyang sugpuin ang apoy na bumabalot sa buo niyang katawan. He had to put an end to that fire. He had to—bago pa niya maisipang balikan ang dalaga at tapusin ang naumpisahan nila.


___________________________________________________





            Ang malakas na tunog ng alarm ang nagpagising kay Quaro. He grabbed his phone and checked the time.

            Four in the morning.

            Fuck. Pasado alas dos nang tuluyan siyang dalawin ng antok—may isang oras na kaya siyang tulog?

            Pinatay niya ang alarm at umayos ng pwesto sa couch—sa sandaling iyon ay nagdesisyon siyang hindi muna magbukas sa araw na iyon. He wasn't supposed to, anyway. Dahil dapat ay nasa bahay pa rin siya ng ina sa mga oras na iyon.

            Dahil okupado ni Kirsten ang silid niya sa itaas ay napilitan siyang matulog doon sa couch. At wala pang dalawang oras simula nang makatulog siya'y nananakit na ang katawan niya.

            Kailangan niyang pagsabihan ang babaeng iyon—her actions was beyond control. Sa kalasingan nito'y muntik nang magkandaletse-letse ang buhay nito.

            If anything happened between them, he wouldn't stick around. Wala siyang maipapangako rito. He didn't even want to have a relationship of any kind with her—kailangan niyang ipaalam dito na wala itong maaasahan mula sa kaniya.

            Napa-buntong-hininga siya.

            Hinalikan niya ito—no, ito ang unang humalik sa kaniya.

            Naghalikan sila at inaaamin niya sa kaniyang sarili na nagustuhan iyon. Pero bakit nga ba niya nagustuhan? He was never attracted to her, malibang napapansin niya minsan ang magandang ngiti nito at ang magandang hubog ng katawan ay hindi niya ni minsang  naisip na mauuwi sila sa ganoon.

            Plus—she was just a student. He wasn't really into younger girls. Although, he was only eight years older than her, tingin niya kay Kirsten ay kailangan pa ng pag-alaga. Hanggang maaari ay ayaw niyang tawirin ang pader na pumapagitan sa kanila, hanggang maaari ay hindi na niya nais na maulit pa ang nangyari.

            Kung hindi niya pinairal ang katinuan ng isip ay baka kung saan umabot ang mga panunukso ni Kirsten sa kanya.

            He had to stop while he could. Kahit pa nga ba gusto rin niyang ituloy iyon.

            Sa umaga ay kakausapin niya si Kirsten at sasabihin ditong kalimutan na ang nangyari. And if things start to get awkward between them, he had no choice but to ask her to leave.

            Umiba siya ng posisyon at pinilit ang sariling kumuha ng tulog, subalit pabaling-baling lang siya ng higa hanggang sa nainis siya at bumangon na lang.

            Sinapo niya ang ulo sa panlulumo.

            Maya-maya'y sisikat na ang haring araw, pero wala pa siyang matinong tulog.

            Sinulyapan niya ang hagdan patungong third floor. Naalala niyang nakagapos ang mga kamay roon ni Kirsten. Sigurado siyang nahirapan ito sa pagtulog dahil sa pagkakagapos.

            Bigla siyang niragasa ng awa. Wala sa sariling tumayo siya at umakyat. Pagdating sa taas ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip—

            Kirsten was sleeping soundly in the bed despite her hands bound to the headboard. Napabuntong-hininga siya nang makita ang sitwasyon nito. Kinailangan niyang gawin iyon dahil kung hindi, baka lumabas ito ng veranda at bumalik sa rooftop; sino ang nakaaalalam kung ano ang gagawin nito?

            Pwede rin na lumabas ito ng silid at patuloy siyang kulitin—at sino ang nakaaalam sa susunod na mangyayari? Hanggang saan siya magtitimpi?

            Isang buntong-hininga pang muli ang pinakawalan niya bago siya pumasok at lumapit sa kama. Pilit niyang in-ignora ang hubad nitong mga binti, at ang puting T-shirt na umangat paitaas dahilan kaya tumambad ang makinis nitong tiyan. He tried not to look—he did his best not to.

            Pagkalapit niya sa dalaga ay maingat niyang ni-tanggal ang sinturong nakatali sa mga braso nito, at nang tuluyan nang kumalas iyon ay kaagad din siyang tumalikod. Kahit ang mukha ni Kirsten ay ayaw niyang tingnan.

            Paglabas sa silid ay muli niyang ini-sara ang pinto, saka siya bumaba sa hagdan at bumalik sa couch. Sandali siyang naupo roon bago muling nagpakawal ng buntong hininga at kinuha ang mga throw pillows.

            He'd sleep on the carpet—sana roon ay komportable siya at makatulog kaagad.


__________________________________________________________





            Wala na si Kirsten sa silid nang magising si Quaro at pumanhik doon nang tanghali.

            Yes, he was finally able to sleep and he slept good! Ang carpet lang pala ang kailangan niya, dahil pagkahiga niya roon ay hindi siya inabot ng sampung minuto at nakatulog din kaagad. Dire-diretso hanggang sa magising siya ng bandang alas-onse ng umaga.

            Nang magising ay kaagad siyang umakyat sa silid niya upang silipin ang lagay ng housemate; only to find the bed empty and in fairness, fixed.

            At least she had the guts to fix the bed.

            Naligo muna siya at nagbihis bago umakyat sa rooftop. Nagulat pa siya nang makitang malinis na rin iyon—wala na ang mga kalat na iniwan roon ni Kirsten. Naisip niyang marahil ay maaga itong nagising at naglinis, at ngayon ay nasa university na.

            It was Monday morning, so she had to be at the university.

            Sandali siyang nagpalipas ng oras sa rooftop, at nang sa tingin niya'y mahapdi na sa balat ang sikat ng araw ay bumaba na siya at bumalik sa kaniyang silid, dire-diretso pababa sa second floor.

            Akma na sana siyang di-diretso sa ground floor nang pagdating niya sa hagdan pababa ay may narinig siyang mga kaluskos sa kusina. Mga kalderong nagkalansing, mga kubyertos, tubig, at pagbukas—o pagpatay ng stove.

            Kirsten was there!

            Napahigpit ang kapit niya sa handle ng hagdan saka inihanda ang sarili sa magiging pag-uusap nila.

            Pagbaba ay inabutan niya itong nakatayo sa harap ng stove—patalikod sa kaniya. She wasn't doing anything, she just silently stood there. He knew she was cooking something because he could smell food.

            Tumikhim siya upang ipagbigay-alam dito ang presensya niya, subalit si Kirsten ay nagbingi-bingihan.

            Dumiretso siya sa fridge, binuksan iyon at kumuha ng isang sealed mineral water. Matapos iyon ay kaagad din niyang inisara saka siya sumandal sa pinto niyon at  uminom ng tubig habang ang mga mata'y nasa nakatalikod pa ring si Kirsten.

            Lihim siyang napa-ismid. Sigurado siyang sa mga oras na iyon ay hiyang-hiya ito na humarap sa kaniya. And she should be—after what she did last night!

            Hinintay niyang humarap ito, o unang magsalita katulad ng kung papaano ito kagabi.

            Last night, she was loud and bold. Ni hindi siya makapaniwalang iyon ang iyaking Kirsten na nakikita niya sa may bandang bintana dati. He knew it was the alcohol that made her act like crazy. But whatever; she had to face him after what she had done last night.

            "Hey," he started, "we need to talk about—"

            Subalit nahinto rin siya kaagad nang bigla itong humarap; ang mga mata'y nagbabadya ng mga luha habang hawak-hawak sa mga kamay ang isang plato.

            "Pasensya na, hindi ko talaga kayang magprito ng itlog, Quaro...."

            Bumaba ang pansin niya sa hawak nitong plato at nakita roon ang itlog na sinasabi nito—maliban sa sunog—ay durog din ang pagkakagawa. Mas marami pa ang kulay itim kaysa sa dilaw, at kung hindi nito sinabing itlog ang niluto ay pagdududahan niya kung ano ang nasa platong iyon.

            "Pangatlong batch na ito," patuloy na paliwanag ng dalaga; ang tinig ay nanginginig sa bantang pag-iyak. "Ang unang batch na ginawa ko ay hindi sunog pero hindi naman makain—hindi ko alam kung itlog pa iyon o tubig-dagat sa sobrang alat. Ang pangalawanng batch naman ay puro eggshell, crunchy sa unang kagat. Tapos ngayon, heto... Hindi na yata ako makakapagluto ng matino."

            Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito at nakita ang pamumula ng mga mata't ilong ng dalaga. Nagtataka siya rito; her personality differed everyday. Minsan ay naghihinala siya kung parehong tao pa rin ba ang nakakausap niya sa kada araw.

            There were days like this, iyakin ito at sobrang ma-drama.

            There were days where she would act shy and timid; tipong halos sa sahig na lang ito makikipagtitigan buong araw at ayaw salubungin ang kaniyang mga mata.

            There were also days where she would laugh and crack jokes, or taunt him as if they were best friends. 

            And then for the first time last night, he had seen another personality he never thought she possessed; wild and bold.

            But which one is the real Kirsten?

            Ipinilig niya ang ulo.

            Nevermind that—marami kaming kailangang pag-usapan.

            Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago nag-umpisang magtanong;

            "Ano'ng oras ka nagising?"

            Inilapag ni Kirsten ang plato sa ibabaw ng lababo, nagpahid ng luhang tumulo sa pagyuko nito, bago sumagot. "Nagising ako ng alas siete ng umaga. N—Nagulat ako nang magising ako sa kwarto mo, pero mas nagulat ako nang makita kitang nakahiga sa carpet ng theater room. Ano'ng oras ka naka-uwi?"

            "Hindi mo naalala ang oras na dumating ako?"

            "Gising ako nang dumating ka?"

            Nagsalubong ang mga kilay niya sa mga narinig.

            Wala siyang naalala?

            "Pasensya ka na, may kinain akong cake kagabi na nakalalasing—hindi ko akalaing tatamaan ako. Ang huling naalala ko'y pilit kong inuubos ang cake na iyon sa rooftop, tapos ay nakaramdam ako ng sama ng pakiramdam kaya nahiga ako. Matapos iyon ay nag-umpisa na akong magdeliryo, kung anu-ano na ang nakikita ko. Pati nga ikaw..." Sandali itong tumigil at napakagat-labi. Ilang sandali pa'y humagikhik ito na ikinasalubong lalo ng mga kilay niya. "Sa tingin ko'y nauwi sa magandang panaginip ang pagde-deliryo ko."

            Ganoon siya ka-lasing kagabi para walang maalala at isiping nagde-deliryo lang? And she thought she was just dreaming?

            Dahan-dahan siyang nagpakawala ng malalim na paghinga.

            Well... that's a fucking relief.

            "Are you sure you don't remember anything?"

            Sandaling naging mailap ang mga mata nito bago sumagot. "Well... ang malinaw lang sa akin ay ang naging panaginip ko." And then, she grinned—in his astonishment. "Pero hindi ko sasabihin dahil rated SPG."

            "Rated SPG?" Did she really think she was only dreaming?

            Tumango ito.

            "Pasensya ka na talaga. Ni hindi ko maalala kung papaano akong napadpad doon sa kama mo—sobrang sama ng pakiramdam ko kagabi na hindi ko na kinayang bumangon doon sa blanket."

            "Hindi mo naalalang binuhat kita?"

            Nanlaki ang mga mata nito. "B—Binuhat mo ako?"

            Ahhh, great.

            "So you don't really remember anything last night, huh?"

            "Paulit-ulit ka naman, eh." Salubong ang kilay na sinuri siya nito ng tingin—and this time, it was his turn to look away.

            Malakas na singhap ang sunod niyang narinig mula kay Kirsten.

            "May dapat ba akong maalala, ha, Quaro? May ginawa ba ako? May ginawa ka ba sa akin matapos mo akong buhatin papunta sa silid mo?"

            "No, of course not! H'wag kang mag-pantasya," sagot niya habang naka-iwas pa rin ang tingin.

            Nag-umpisa siyang maglakad patungo sa round table at sinuri ang sunog na itlog sa plato. Napangiwi siya sa nakita. "That looks like shit. Sinasayang mo ang mga itlog ko, Kirsten."

            "Babayaran ko naman, eh."

            "You should." Kinuha niya ang plato at dinala sa basurahan, saka ibinuhos doon ang laman niyon. Pagbalik niya'y napasulyap siya kay Kirsten na nanlaki ang mga mata nang makita ang ginawa niya. "Get me a tray of eggs from the fridge, I'll teach you how to cook."

            Sandali itong natigilan; lalong nanlaki ang mga mata sa narinig mula sa kaniya. At nang rumehistro sa isip nito ang mga sinabi niya'y biglang napatayo ng tuwid. "R—Right away!"


***


NEXT >>

CHAPTER 11 –
The Truth About Last Night


***


A/N:

Sa mga nag-expect ng sabong d'yan... belaaaaaaat!

HAHAHAHAHAH!

Xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top