07 | No Commitments, No Dramas
The 4th day of 100...
"Bakit mo parating sinusundan ng tingin ang mga customers mo hanggang sa pinto?"
Napalingon si Quaro sa entry ng working station nang marinig ang tinig ni Kirsten. Nakita niya ito roong nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, naka-sukbit ang backpack sa balikat, saka nakasunod ang tingin sa huling customer na lumabas ng shop at siyang umubos sa dalawang tray ng cheese bread sa estante.
Humalukipkip din siya, sumandal sa counter, at kunot-noong hinarap ito. "Ano'ng problema kung gusto kong sundan ng tingin ang mga customers ko hanggang sa makalabas sila?"
Nagkibit ito ng mga balikat at sinalubong ang mga tingin niya. "Hmm, wala naman. Naisip ko lang na ang creepy ng dating."
"Creepy? How?"
"Kung ako ang babaeng susundan mo ng tingin hanggang sa pinto, baka natakot na ako."
Hindi niya napigilang um-ismid. "It is my way of sending them off—dahil hindi ko naman sila isa-isang maihahatid sa pinto. And don't worry, hindi kita susundan ng tingin. You can come and go through that door without me noticing you."
Inalis niya ang tingin dito at inumpisahang alisin ang mga wala nang lamang trays sa ilalim ng counter.
"Kunwari ka pa, eh ilang beses kitang nahuhuli noon na pasulyap-sulyap sa akin habang naka-upo ako roon sa sulok."
"Dati pa 'yon, Kirsten, because I thought you're a weird lady. Nag-alala ako sa mga katabi mong table, baka bigla kang mawala sa katinuan at sugurin sila. So, don't flatter yourself."
"Pfft."
Inilapag na muna niya ang mga trays sa ibabaw ng counter bago ito muling hinarap. He caught her making faces, and when he turned to her, she stopped.
"So, sabihin mo sa akin kung bakit sa tingin mo ay creepy ang dating ng pagsunod ko ng tingin sa mga customers ko."
Muli itong nagkibit-balikat. "Ang dating kasi sa akin ay parang serial killer na sinusundan ng tingin ang bibiktimahing babae."
Doon lumalim ang gatla sa kaniyang noo, kasunod ng paghagod niya ng namamanghang tingin dito. Hindi siya makapaniwala sa lawak ng imahinasyon ni Kirsten.
"What exactly is wrong with you and your brain? Napa-praning ka na ba? Epekto ba ito ng ilang linggong pagtulog mo sa shelter kasama ang mga taong hindi mo kilala? And let me remind you, woman— you begged me for shelter. Nagmakaawa kang patuluyin kita rito sa bahay ko. Ikaw ang kusang lupamit sa serial killer na ito."
Kirsten just pouted and said no more. Umalis na ito sa pagkakasandal sa hamba ng kitchen entry saka nag-umpisang humakbang patungo sa pinto ng shop.
Kunot-noong sinundan niya ito ng tingin.
Noon lang niya napagtantong buong araw itong hindi lumabas at kung kailan oras na ng uwian ng mga estudyante at magsasara na siya ng shop dahil wala nang natirang customers sa loob ay saka naman ito lilisan.
Bumaba ang tingin niya sa suot nito—it was also the first time he'd seen her in a civilian clothing. Lagi niya itong nakikitang nakasuot ng uniporme.
This time, Kirsten was wearing a pair of fitted blue jeans, sneakers, and a body-hugging T na ang laylayan ay umabot lang hanggang sa ugpungan ng pantalon nito.
And his furrow got deeper when he took notice of her body.
This crazy woman has curves... he thought.
Hindi niya iyon napapansin dati dahil sa maluwag nitong uniform, pero ngayon ay kitang-kita niya ang katotohanang iyon sa kaniyang harapan.
She had a small waist, her booty was round and firm, her shoulders were slender, and her back looked sexy. She tied her hair in a messy bun, which only made her look even more alluring. Kung nakatalikod ito sa kalsada ay aakalain niyang hindi iyon ang dalagang si Kirsten na nakikitulog sa theater area ng bahay niya.
Because this time, Kirsten looked different.
And he started to... get interested.
Nahinto siya sa pag-iisip at biglang napa-igtad nang biglang huminto sa paghakbang si Kirsten at lumingon sa kaniya. Nahuli siya nitong nakasunod ang tingin, at dahil doon ay napa-ismid ito.
"Mabait ka nga, sinungaling naman," tuya nito. "So, I can come and go through this door without you noticing me, ha? Ipokrito."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. How dare this woman call him a hypocrite? And who the hell gave her the right to use that tone on him?
Ibinuka niya ang bibig ay akmang sasagot para balaan itong magdahan-dahan sa mga salita nang mabilis na binuksan ng dalaga ang glass door at lumabas. Tila ba alam na alam nito ang plano niyang gawin kaya mabilis na umiwas.
Pero bago ito tuluyang umalis ay muli nitong ini-silip ang ulo sa pinto. Ngumisi ito na ikina-tulala niyang muli.
Shit, why is she looking so pretty today?
"Babalik ako bago mag-alas seis ng gabi— don't miss me, ha?"
Nagising siya sa sandaling pagkatulala nang marinig ang huling sinabi nito. He smirked at her in an attempt to defend himself. "You are overconfident today, Kirsten. Hindi ba masyadong mabigat ang silyang binubuhat mo?"
Kirsten chuckled, at muling nataranta ang isip niya.
"Shy and reserved phase has passed na nga, 'di ba?"
He smirked again. "I'll lock the door at six—whether you're back or not."
Lalo itong ngumisi saka ini-taas ang kamay na may hawak na susi. Nagsalubong ang mga kilay niya, kasunod ng paglingon sa doorkeys na nakasabit sa pader ng counter. Nakompirma niyang naroon pa rin ang susi ng shop— pero ano ang hawak ni Kirsten?
"Ni-duplicate ko ang mga ito noong isang araw— hindi mo napansin dahil abala ka."
Muli niya itong nilingon. "Didn't I tell you to never touch my stuff?"
"Parang mga susi lang, eh," nakanguso nitong sabat bago ibinaba ang kamay. "Paano kung emergency? Paano kung nasa labas ako at nasa loob ka, at nasunog ang shop at 'di ka makalabas— sino ang tutulong sa'yo? O hindi naman kaya ay may nakapasok na serial killer sa shop, na-corner ka at ginawang hostage, ano ang gagamitin ng mga pulis para makapasok sa backdoor at—"
"God, you and your imaginations!" Inis niyang ini-hampas ang kamay sa ibabaw ng counter. "Fine! Just leave already and be back before dark!"
Ngumising muli si Kirsten, at tinapunan muna niya ito ng masamang tingin bago itinuloy ang pagkuha ng mga trays sa ibabaw ng counter.
"See you tonight, Quaro..."
Bago siya tuluyang tumalikod patungo sa working station ay muli niya itong tinapunan ng tingin, only to find her waiting for him to turn in her direction so she could blow him a kiss.
Natigilan siya sa ginawa nito, at si Kirsten nama'y abot hanggang tainga ang pag-ngisi. Napa-iling na lang siya at akma na sanang itutuloy ang pagtalikod nang makita naman niya si Paige mula sa glass wall ng shop, naglalakad patungo sa pinto. Sandali siyang huminto at sinundan ito ng tingin.
Si Kirsten, nang makitang natuon ang tingin niya sa ibang direksyon ay lumingon, at nang makita si Paige na huminto sa likuran nito'y kinunutan ito ng noo.
Mula sa loob ay nakita ni Quaro ang sandaling pag-uusap ng dalawa, hanggang sa bigyang daan ni Kirsten si Paige na makapasok.
Nalipat sa nakangiting mukha ni Paige ang tingin niya.
"Hey, you're back," aniya rito nang tuluyan itong makapasok sa loob.
"Yes, I'm back, and I missed you."
Ibinalik niya sa counter ang hawak na mga tray at hinarap ang dalagang tumayo sa harap niyon. He leaned over and stared at her beautiful face.
"You look nice."
Paige chuckled. "I missed your coffee."
Malapad siyang ngumiti at aanyayahan na sana si Paige na pumasok sa kusina upang doon mag-kape nang mapasulyap siya sa glass door at nakita roon si Kirsten na nakatayo pa rin, ang mga mata'y nakatutok sa kanila ni Paige, at ang mga kilay ay magkasalubong.
"What?" he mouthed.
Nakita niya ang pagsimangot ni Kirsten kasunod ang pag-irap. Inayos nito ang pagkakasukbit ng bag sa balikat saka nag-umpisang humakbang paalis.
"Patuloy pa rin siya sa pagpunta rito?"
Ibinalik niya ang tingin kay Paige nang marinig ang tanong nito. Tulad niya'y nakatingin din ito sa labas ng glass door.
"She lives here now."
"What?" Nanlalaki ang mga matang hinarap siya nito; nasa magandang anyo ang labis na pagkagulat. "Did I hear it right?"
"Yeah."
"How come? Si Jan Quaro Zodiac, magpapatira ng ibang tao sa bahay niya? You don't even want to employ a single soul because you didn't want your stuff to be touched by anyone."
"It's a long story," he answered wryly before taking the trays off the counter. "D'you want to talk about it over a cup of coffee?"
Ang pagkagulat at pagkamangha sa anyo ni Paige ay unti-unting nalusaw at napalitan ng pagngiti. "I'd love to. A cup of Americano for me, please."
*
*
*
Five mins before six o'clock when Kirsten came back to the shop. Nakita ng dalaga mula sa glass wall na nakabukas pa rin ang ilaw sa loob—ibig sabihin ay hindi pa rin umaakyat sa silid nito si Quaro.
Ini-suksok niya ang duplicate key sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan upang hindi maglikha ng ingay, subalit kahit anong ingat niya ay tumunog pa rin ang door chime.
She exhaled and let herself in before closing the door behind her and walking across the shop. Subalit papasok pa lang siya sa entry ng working station ni Quaro ay napahinto na siya kaagad sa paghakbang nang may marinig na malakas na ungol mula sa loob.
Ungol ng babae!
Mahigpit na napa-kapit si Kirsten sa strap ng backpack at ipinako ang sarili sa kinatatayuan. Patay ang ilaw sa working station subalit bukas ang nasa kitchen—at kung ang pagbabasehan niya ay ang lakas ng ungol at halinghing ng babae ay siguro siyang sa kusina naroon ang kung sino man ang lumilikha ng ingay na iyon!
Kasabay ng paglakas ng ungol ay humigpit nang humigpit ang pagkakahapit ni Kirsten sa bag. Kahit ang paghinga'y pigil-pigil din nito na tila nakikisabay sa rumaragasang damdamin ng umuungol na babae sa loob.
Lumakas nang lumakas ang ungol, at kung hindi siya nagkakamali ay may lagitnit ng kahoy din siyang naririnig.
Kung sa kusina ang mga taong lumilikha ng ingay, siguradong ang round, 4-seater table ang naririnig niyang lumalagitnit.
Napalunok siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag—unti-unting nagkakaroon ng imahe sa utak niya ang naririnig na ingay sa kusina. Imaheng nagdudulot ng... inggit sa dibdib niya.
Kahit wala siyang karanasan sa bagay na iyon ay hindi mahirap hulaan kung ano ang nagaganap ilang metro mula sa kinatatayuan niya.
At naiinggit siya dahil...
Natigil siya sa pag-iisip nang ang sunod niyang narinig ay impit na tili ng babae at ungol ng lalaki.
Doon niya dahan-dahang pinakawalan ang paghinga. Sa tingin niya'y humupa na rin ang damdamin ng dalawang nasa kusina. Malalalim na paghinga ang sunod niyang narinig, kasunod ang paghagikhik ng babae.
"You are wild today, Paige, baby."
"It's been a week since we last did it, so can you blame me?"
Quaro chuckled. "See you next time."
Umatras siya at sumandal sa pader na pumapagitan sa shop at sa working station.
Ilang dipa mula sa kinasasandalan niya ay ang pinto patungo sa working station ni Quaro, at doon unang lumabas ang magandang babaeng pamilyar sa kaniya, kasunod si Quaro na walang suot na pang-itaas.
Walang nakapansin sa kaniya na naroon sa gilid ng pader, ang dalawa ay dire-diretso lang hanggang sa pinto ng shop.
Pinagbuksan ni Quaro ng pinto si Paige at inihatid hanggang sa labas. Mula sa glass window ay nakita niya ang sandaling pag-u-usap ng dalawa, bago tuluyang umalis ang dalaga.
Si Quaro ay sandaling hinatid ng tingin si Paige bago bumalik sa loob. Una nitong ini-sara ang rolling steel sheet, ini-kandado iyon, saka ini-sara ang glass door at iyon naman ang ini-lock.
Pagharap nito'y nagtama ang kanilang mga mata.
At nagtaka siya dahil tila hindi nagulat si Quaro nang makita siyang naroon. Ang binata'y balewalang itinuloy ang paghakbang pabalik sa entry ng working station.
Napa-ismid siya. May bumangong inis sa dibdib.
"What?" ani Quaro na sandaling huminto sa paghakbang. "You think I didn't know you arrived?"
"Ang lakas ng pakiramdam mo."
"I heard the door chime."
"Sa kabila ng abala ka sa... ginagawa mo, ay nagawa mo pa ring ibaling ang pansin mo sa iba?"
"Ipinanganak akong talentado," pamimilosopo nito bago pinatay ang switch ng ilaw sa shop at itinuloy ang pagpasok sa working station.
Sumunod siya; ang mga mata'y nasa pawisang likod ni Quaro. "Girlfriend mo ba 'yon?"
"No. Wala akong girlfriend."
Patuloy siyang sumunod hanggang sa marating nila ang kusina. Pagdating roon ay sandali niyang inikot ang tingin sa paligid, habang si Quaro nama'y dumiretso sa two-door fridge nito at kumuha ng isang litrong sealed mineral water. Binuksan nito iyon at idineretso sa bibig.
Siya nama'y sandaling napako ang tingin sa round table kung saan niya napansin ang dalawang upuan na nawala sa ayos. Humigit-kumulang ay alam na niya kung saan pumwesto ang dalawa.
Ibinalik niya ang tingin kay Quaro na halos pinangalahati ang laman ng boteng hawak.
"Bakit ka nakikipag-sex sa kaniya kung hindi mo siya girlfriend?"
Kunot-noong ibinaba ni Quaro ang mineral water bottle saka hinarap siya. "Eh, ikaw? Bakit ka nakatira nang libre sa pamamahay ko kung hindi kita asawa?"
Nagkibit-balikat muna siya bago sumagot. "Dahil... nakiusap ako sa'yo at nakita mong matindi ang pangangailangan ko kaya kalaunan ay pinagbigyan mo akong manirahan dito nang libre?"
"There goes my answer to your question—dahil pareho kaming nangangailangan kaya pinagbigyan namin ang aming mga sarili. Plus, the sex is free."
"Eh... kung ganiyang pareho kayong nangangailangan sa isa't isa, bakit hindi mo na lang siya syotain at—"
"I don't want to be in a relationship," putol ni Quaro sa sinasabi niya. Muli nitong itinaas ang hawak ng bote ng mineral water at um-ilang lagok bago iyon ibinaba at inisara. "I don't want to have a girlfriend. Masyadong nakauubos ng oras."
Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito, at nang makita ni Quaro ang pagkalito sa mukha niya'y nagpatuloy ito,
"If you are in a relationship, you need to be committed. Kailangan mong maglaan ng oras para sa partner mo dahil responsibilidad mo 'yon. Kailangan mong maglaan ng oras—ng panahon— para sa mga date nights. Kailangan mo siyang hanapan at bilhan ng regalo kapag may espesyal na okasyon, at kailangan mo siyang ipakilala sa buong pamilya. Idagdag pang kailangan mong siguraduhing lagi siyang masaya. And all that doesn't work for me. Ayaw kong abalahin ang sarili ko sa mga responsibilidad na iyon."
Hindi napigilan ng dalaga na mapa-ismid. "So, ang gusto mo lang ay babaeng nariyan kapag kailangan mo?"
"Kapag kailangan lang ng katawan ko, yes."
This time, she pouted her lips and said no more.
Kinunutan ng noo si Quaro. "Wait a minute— why are we even having this kind of conversation? Sa tingin ko'y wala ka sa lugar para sitahin ako sa mga ginagawa ko?"
"Naitanong ko lang naman. Napansin ko na kasi noon na... madalas dito ang babaeng iyon—"
"Paige."
"Huh?"
"Paige. That's her name."
Muling napanguso ang dalaga. "Hindi ko naman tinanong kung ano ang pangalan niya, ah?"
"Sinasabi ko lang, dahil masakit sa tenga kapag tinatawag mo siyang 'babaeng iyon'."
Pagkatapos niyon ay tumalikod na si Quaro at naglakad patungo sa hagdan bitbit ang bote ng mineral water nito. Sa sahig ay may dinampot ito— his T-shirt.
Siya nama'y sinundan lang ito ng tingin; sikretong pinagmamasdan ang pag-galawan ng mga muscles nito sa braso at dibdib.
Ang totoo'y kanina pa niya pinipigilan na ibaba ang tingin sa hubad nitong dibdib dahil ayaw niyang mahalata ni Quaro ang pag-tangi niya rito.
If Quaro only knew her modus operandi, he would surely be surprised.
Nanatiling nakasunod ang tingin niya sa maskuladong likod ni Quaro habang humahakbang ito patungo sa hagdan nang bigla itong huminto at lumingong muli. Mabilis siyang umiwas ng tingin, nagkunwaring nasa ibang bagay ang pansin.
"Where have you been, anyway? Not that I care, pero nasanay akong sa nakalipas na tatlong araw simula nang tumira ka rito ay hindi ka na lumalabas kapag dapit-hapon na."
Balewala siyang nagkibit ng mga balikat. "D'yan lang sa tabi-tabi."
Quaro narrowed his eyes in suspicion. "Don't you try causing any trouble."
Napabuga ng hangin ang dalaga. "Nakipagkita lang ako sa boyrfriend ko, okay?"
"Wala kang matirhan pero may boyfriend ka?"
"Bakit, kailangan bang magkabahay muna bago mag-boyfriend?"
"Kung may boyfriend ka, bakit hindi siya ang nilapitan mo noong nangailangan ka ng matitirhan?"
Napangiwi siya at umiwas ng tingin. Nag-isip ng maisasagot subalit nainip si Quaro kaya tumalikod ito at itinuloy na ang pag-akyat sa hagdan.
"Never mind," anito. "As long as wala kang ilegal na ginagawa at hindi ka nangengealam sa mga gamit ko rito ay malaya kang gawin ang gusto mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top