06 | Housemates For 100 Days
***
"PAPAANO AKONG... NAPADPAD DITO?" iyon ang unang lumabas sa mga labi ng dalaga nang harapin niya ito. Ang tinig nito'y paos, at ang isang kamay ay nakahawak sa hamba ng pinto na tila roon kumukuha ng lakas upang mapanatili ang sariling nakatayo.
"Nakita kita sa laundry shop, you were sleeping when I approached you. You fell off your seat and that's when I learned you were burning up with a fever. Ilang araw ka nang may lagnat?"
"Noong araw lang yata na iyon..." Napayuko ito. "Gaano ako ka-tagal na natulog?"
"More than a day."
Bagaman nakayuko ay hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-ngiwing ginawa nito. "H—Hinubaran at binihisan mo ba ako?"
He didn't know what made him smirk. "Why would I bother? Kasama ko ang dalagitang nagbabantay ng laundry shop noong dinala kita rito, at siya ang nagpalit ng damit mo."
Hindi na niya idinagdag na binayaran niya ang halos isang oras na operation ng laundry shop habang naroon ang nagbabantay sa bahay niya upang palitan ng damit at punasan ang buong katawan nito.
"How are you feeling now, anyway?"
"Medyo nanghihina pa rin ako at nahihilo. Siguro ay dahil buong araw akong tulog."
"I've checked your temperature just a while ago, your fever finally broke." Ipinatong muna niya ang cellphone sa katabing chest of drawers bago muling nagsalita. "You are probably hungry; I'm just about to go down and cook dinner."
"Bakit mo ako tinulungan?"
Kinunutan siya ng noo. "Hindi ba dapat?"
Kirsten bit her lower lip—something she always did whenever she was embarrassed.
Wait... Why am I noticing this?
"Noong huling narito ako ay ipinagtabuyan mo ako—"
"Hindi ba dapat?" he repeated. "Matapos ang ginawa mo?"
Lalo itong napayuko, at napabuntong-hininga siya dahil naisip niyang hindi niya dapat ito tina-trato nang ganoon gayong kagagaling lang nito sa sakit.
"Back to your quiet and reserved phase, huh?"
Hindi ito sumagot, at dahil nakayuko ito ay hindi niya nakita ang naging reaksyon nito sa sinabi niya.
Napa-iling siya bago nagpatuloy, "Where were you staying in the past three days before I found you?"
"Kahit saan basta may bubong."
"Hindi ka na bumalik sa shelter doon sa kabilang bayan?"
Umiling ito. "Kapag ganitong malakas ang ulan ay puno ng tao ang shelter at kapag hapon na ako uuwi roon ay wala rin akong mapu-pwestuhan. Kaya kung hindi roon sa laundry shop o sa 24/7 na bulaluhan ay sa waiting shed na lang ako natutulog."
"Hindi ka ba napapahamak d'yan sa ginagawa mo? Pasalamat ka at mababa ang crime rate sa bayang ito—halos lahat ng tao rito ay matitino, pero hindi ka pa rin nakasisiguro. One of these days, someone will take notice of you and who knows what he's capable of doing?"
Balewala itong nagkibit-balikat; ang ulo ay nanatiling nakayuko. "Hindi pa naman nangyayari."
That's when he released a sigh of resignation. Niragasa siya ng matinding awa para rito, at bago pa niya napigilan ang sarili ay,
"Ilang buwan kang mananatili sa bayang ito?"
Sandaling nag-isip ang dalaga, ang mga kamay nito'y nasa laylayan na ng suot na oversized T-shirt na ipinagamit niya rito. Bumaba ang tingin niya sa mga binti nitong halos kalahati lang ang natatakpan. She was pulling the shirt down to cover her legs. She was barefoot and her hair disheveled.
Napabuntong-hininga siyang muli. Ang kaawa-awang anyo nito'y lalong nagpatindi sa pagnanais niyang tumulong rito kahit hindi siya komportable sa planong gawin.
"Tatlong buwan pa bago ang pagtatapos ko," sagot ng dalaga makaraan ang ilang sandali.
"That's more of less one hundred days." Humalukipkip siya at sandaling nag-isip. Napaka-haba ng isandaang araw, pero para sa ikatatahimik ng konsensya niya ay sige. "Okay," aniya makaraan ang ilang sandali. "Pagbibigyan kita sa pabor na hiningi mo noong nakaraan. You can stay here in my house for the next one hundred days— free of charge."
Sa nanlalaking mga mata ay nag-angat ito ng tingin. "T—Talaga?"
Tumango siya.
"Maraming salamat, Quaro! Hayaan mo, kapag nagkatrabaho ako ay babayaran kita—"
"Matagal pa 'yon at ayaw kong umasa." Muli siyang humarap sa veranda upang isara ang sliding door niyon.
"May punto ka," sagot naman ni Kirsten. "Kung ganoon ay tutulong na lang ako sa paglilinis dito sa bahay mo—"
"Sinabi ko na sa'yo noong nakaraan, hindi ko kailangan ng katulong. I don't even need a company—sanay akong mag-isa at ayaw kong may kasama lalo dito sa shop ko. Pero hindi ko kayang tumalikod sa isang katulad mo."
"Sa isang katulad ko?"
Imbes na sagutin iyon ay muli siyang humarap at humakbang patungo sa pinto kung saan ito nakatayo. He stopped in front of Kirsten and then bent his head down a few inches closer to hers.
"I will allow you to live in my house for the next one hundred days, but you have to buy your own food. Kumain ka sa labas at huwag mong gagalawin ang kusina ko, lalong lalo na ang working station ko. Do you understand?"
Sandali itong natigilan habang nakatingala sa kaniya— just like how other ladies would gape at him. Ilang sandali pa, matapos nitong makipagtitigan sa kaniya'y tumikhim ito saka nagbaba ng tingin.
"N—Naiintindihan ko."
"Sa ngayon, dahil may sakit ka, ay bibigyan kita ng pagkain. But the moment you start feeling better, you must fend for yourself."
He didn't want her to think that he's treating her like a stray cat, but he also didn't want her to think that he's a kind person. Sa oras na inisip ng ibang tao na mabait siya ay matututo ang mga itong pagsamantalahan siya.
Because in life, he had learned, that if you keep offering your hand to people, there are tendencies that they'd become greedy and take off your whole arm.
Sa pagkagulat ni Kirsten ay hinawakan niya ito sa magkabilang balikat upang i-gilid nang sagayon ay makadaan siya.
"You can continue using the theater room, but you need to clean it up every morning," aniya habang bumababa na sa hagdan patungong second floor. "At lahat ng area na gagamitin mo sa loob ng property ko ay kailangan mong linisin nang maayos—ayaw ko ng marumi. At h'wag kang paharang-harang sa akin kapag abala ako, most especially when I'm in my working station—I don't want any distractions."
He stopped and looked up. Naroon pa rin ito sa itaas at nakasunod ang tingin sa kaniya.
Mula sa kaniyang kinatatayuan ay malinaw niyang nakikita ang mga binti nito. At dahil umabot lang hanggang sa kalahati ng mga binti nito ang T-shirt niya, at nasa ibaba siya samantalang ito naman ay nasa itaas, ay hindi niya naiwasang makita ang bahaging natatakpan.
He froze for a moment, pero bago pa man may kung anong demonyo ang pumasok sa isip niya'y inalis na niya ang paningin sa mga binti ng dalaga at muli itong tinitigan nang diretso sa mga mata.
"Did I make myself clear, Kirsten?"
Malapad na ngiti ang inisagot nito sa kaniya, na muli niyang ikina-tigil.
Why did she look even prettier just now?
Damn it—pull yourself together, Quaro!
"Salamat," anito. "Salamat sa pagpapatuloy sa akin nang libre, at salamat dahil naalala mo ang pangalan ko."
He cleared his throat and looked away. "Pagkatapos ng isandaang araw ay kailangan mo na ring umalis."
Itutuloy na sana niya ang pagbaba nang tawagin siya nito. Huminto siya at muling tumingala; disimulado niyang iniwas ang mga mata upang hindi dumapo sa mga binti nito.
"What?" ulit niya sa paraan ng pagtawag nito sa kaniya.
"Noong nakaraan pa ako tapos sa quiet and reserved phase," Kirsten said, smiling a little. Malamlam pa rin ang mga mata nito at nasa anyo pa rin ang panghihina. "May sakit lang ako ngayon kaya mukha na naman akong nahihiya sa 'yo, pero ang totoo'y hindi na."
"I don't understand what you're talking about these phases, but I hope there won't be a murderous phase. I have your identification card, anyway. You don't have a criminal record so that's a relief to me."
Napasinghap ito kasabay ng muling panlalaki ng mga mata. "Pinakealaman mo ang bag ko?"
"No, hindi ako ganoong tao. Nakasabit ang ID mo sa suot mong uniporme at ibinigay sa akin iyon ng dalagitang nagpalit ng damit mo. I know someone who works at the police station and I asked him to check if there's a record of you getting into some serious trouble. Mukhang malinis ka naman— I mean, ang record at pagkatao mo."
He turned his back on her again.
"Nakaya mong umakyat kaya makakaya mo ring bumaba hanggang sa kusina nang walang alalay. Be there in thirty minutes."
*
*
*
"What the hell are you doing?" salubong ang mga kilay na tanong niya nang abutan si Kirsten na nasa shop at naglalampaso ng sahig.
Linggo pa lang at sarado pa rin ang shop sa araw na iyon, alas seis siyang gumising para mag-jog sa threadmill na nasa kaniyang silid. Mag-a-alas siete nang bumaba siya, at nagtaka siya nang mapansing wala na sa theater room si Kirsten. Nakabukas na ang mga ilaw sa ibaba, at nang tingnan niya ang shop ay inabutan niya ang dalagang hawak-hawak ang map at naglalampaso ng sahig.
"Good morning!" masiglang bati nito imbes sagutin ang tanong niya. Patuloy ito sa paglalampaso na tila hindi narinig ang kaniyang sinabi.
Lumapit siya at inagaw ang map mula rito. "I told you I don't need a maid—"
"Paunang bayad lang 'to sa libreng pagpapatira mo sa akin—"
"I am not asking for a pay-back;" Tumalikod siya bitbit ang map.
Nasa pinto na siya papasok sa working station nang magsalita si Kirsten.
"Sigurado ka ba talagang libre lang ang pagtira ko rito? Hindi mo talaga ako sisingilin?"
Muli niya itong hinarap at sa iritableng tinig ay, "Alam kong wala kang kakayahang magbayad kaya bakit ko pipilitin? Sigurado akong kung ano man ang perang mayroon ka ngayon ay tama lang na pangkain mo. Ayaw kong umasang bayaran mo ako sa pagtira mo rito dahil alam kong imposible. Kaya oo, libre kang tumira rito just as long as you follow my rules. At kagagaling mo lang sa sakit— kapag nabinat ka ay itatapon na lang kita sa labas at bahala na ang bahang anurin ka sa kanal."
Kirsten answered him with a chuckle—and he didn't know why it sounded so sinister it pissed him all the more. Itinuloy niya ang pagtalikod bitbit ang map.
"Just don't touch anything in this house maliban sa mga gamit mo, ang couch na tinutulugan mo, at ang banyong ginagamit mo, got it? Alalahanin mong ito ang unang araw sa isandaang pananatili mo rito, at kung ayaw mong umalis ng mas maaga ay sundin mo ang mga patakaran ko."
"Okay, madali akong kausap. Hindi ko gagalawin ang alinman sa mga gamit na narito sa loob maliban sa mga nabanggit mo. Hindi mo ako ino-obligang maglinis para bayaran ang lodging ko, at wala kang hinihinging kapalit sa akin—my stay here is free one hundred percent. Okay, that's crystal clear."
Kunot-noong huminto siya at nilingon ito, upang matigilan nang makitang hawak nito sa kamay ang lumang model na cellphone, at ang screen ay nakabukas sa voice recorder.
Kirsten smiled sheepishly. "Naniniguro lang, Boss. Ebidensya ko 'to sakaling dumating ang araw na maningil ka."
He smirked and shook his head in amusement. "I have to admit, that's a smart move."
Nakangisi nitong ibinaba ang cellphone at inisuksok sa suot na capri pants. Ang ngisi nito'y nagmaliw pagkatapos niyon, at napalitan ng pinong ngiti. "Salamat ulit, ha, Quaro? Hindi ko inasahang mabait ka palang talaga—"
"Kinupkop lang din ako noong kabataan ko at kung hindi naging mabait ang mga taong nag-alaga sa akin ay baka wala ako ngayon sa kinatatayuan ko— I am just returning the favor."
Damn it, why am I sharing this with her?
Tuluyan na niya itong tinalikuran. Bumalik siya sa kitchen at itinabi ang map sa lagayan niyon bago tinungo ang coffee percolator at nag-brew ng kape. Habang hinihintay niya ang kape ay nakita niya sa gilid ng mga mata si Kirsten na tumayo sa entry ng kitchen at pinagmasdan siya. He pretended not to notice her.
God, why did he take her in? Hindi siya komportableng may nanonood sa bawat kilos niya, it was creeping him out. Pero huli na para paalisin niya ito. He had already made an agreement with her—an agreement he knew he would regret sooner or later.
A few minutes later, his coffee was ready. He took the percolator and poured the dark coffee into his cup, and then stepped out of the kitchen without glancing at her. Dumiretso siya sa silid niya sa itaas, at nang makitang tumila na ang ulan ay lumabas siya sa veranda. He leaned on the baluster and peacefully sipped his coffee.
Ilang sandali pa'y nagulat na lang siya nang makita sa ibabang kalsada si Kirsten, lumabas ito mula sa back door ng kitchen kung saan madadaanan nito ang bahaging iyon ng veranda. Nakatingala ito sa kaniya bitbit sa kamay ang pamilyar na payong.
He frowned at her. "The last time I checked, that umbrella was mine."
At dahil nasa veranda siya at nasa ibaba ito'y hindi nito narinig ang sinabi niya.
"Aalis muna ako sandali para mag-almusal," Kirsten said, her voice was loud to ensure he would hear her. "Nga pala, kumakain ka ba ng pares?"
Muling nagsalubong ang mga kilay niya. "Pares?"
"Pares— sabaw na may kaunting laman ng baka at kanin."
Umiling siya saka nagbawi ng tingin. Ibinaling niya ang pansin sa ibang direksyon upang ipaalam dito na hindi siya interesadong makipag-usap.
But then... Kirsten was persistent.
"Gusto mo bang subukan?"
Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago ito muling niyuko. "Ang pares? No, thank you."
"May ibang pares akong alam, baka gusto mong subukan?"
"Maraming klase ng pares?"
Tumango ito. "Ikaw at ako, halimbawa."
"What?" He frowned in confusion.
Si Kirsten ay natawa nang makita ang naging reaksyon niya. Binuksan nito ang payong saka itinuloy na ang paglalakad. "Babalik din ako kaagad. Magdadala ako ng isang serve para matikman mo."
Salubong ang kilay na sinundan niya ito ng tingin.
That woman was talking nonsense and he wasn't in the mood to take them in.
Napabuntong-hininga siya at sinulyapan ang langit na unti-unti nang nagliliwanag. That was supposed to be a fine, normal day for him. But with his new housemate's existence, he wasn't sure how his days would go by anymore...
Handa na ba siya sa susunod na mga araw?
***
NEXT >>
CHAPTER 07 –
No Commitments, No Dramas
______________________________________________________
A/N:
Move on na tayo sa itlogs --word of the day is PARES. Hahaha!
Run while you still can, Quaro!
May pa-100 days pang nalalamang, ano to, Pinoy Big Brother 2.0? LOL
~~
Are you enjoying this story so far? Sher yor tots naman!
Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top