05 | Poor, Little Thing
***
Maagang nagsara ng shop si Quaro nang araw na iyon. It had been raining for three days now and the students were all busy for the exam week. Maliban sa mga suki na talaga ng shop ay walang gaanong estudyante ang nagpunta roon, at alas tres pa lang ng hapon ay nabakante nang lahat ang mga mesa.
Matapos niyang magsara ay dumiretso siya sa kaniyang silid sa third floor upang maligo. Paglabas niya'y bababa na sana siya sa theater room nang mapansin niya mula sa nakabukas na bintana na tumila na ang ulan.
Humakbang siya patungo roon saka sumilip. May kaunting ambon pa rin, at ang langit ay nanatiling madilim. Wala pang alas sinco ng hapon subalit may kadiliman na ang paligid.
Imbes na magtungo sa theater room ay naglakad siya patungo sa maliit na veranda na karugtong ng kaniyang silid; doon ay may hagdan patungo sa roof top. Pagkarating roon ay sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at kaunting ambon.
It didn't bother him, though. Nagtuluy-tuloy siya sa rooftop.
Pagdating doon ay napa-palatak siya nang makita ang ilan sa mga halaman niyang ini-tumba ng malakas na hangin. Ang ilan sa mga naroo'y nasira, at ang iba'y tuluyang namatay. He had totally forgotten about them. Wala siyang hilig sa mga halaman, and they were least of his concern. Pero ngayong nakita niyang tuluyan nang nasira ang mga iyon ng malakas na ulan ay hindi niya naiwasang manghinayang.
Lalo at isa sa mga kapatid niya ang nagdala at nagbigay sa kaniya ng mga iyon.
His brother, Ariston Ghold, who owned a flower shop, personally brought those plants to him. And he would surely be devastated if he learns what had happened to them.
Isa-isa niyang dinampot ang mga halamang natanggal sa paso, ang mga dahon at bulaklak, pati ang mga pasong halos wala nang lupang laman.
These poor little thing... he thought as he continued to pick them up. Ang mga tulad nilang tuluyang nakalimutan at walang masisilungan sa ganitong panahon ay siguradong...
Natigilan siya nang may maalala. Pumasok sa isip ang dalagang ipinagtabuyan niya tatlong araw na ang nakararaan.
Simula noon ay hindi na nga ito nagpakita pa. He had thought of her the next day, though. He thought she'd show up and would continue to persuade him. But she never did.
After that, she never crossed his mind anymore.
Until now.
Itinuwid niya ang sarili at inikot ang tingin. Mula roon sa roof top ay nakikita niya ang kalapit na mga establisiyemento, ang kalsada sa ibaba at ang highway isangdaang metro ang layo mula sa shop. Ang tatlong palapag na gusaling iyon ang pinaka-mataas sa street nila.
Eight years ago, he bought the property using his trust fund and renovated it. Unang palapag lang iyon noon, at ang area ay pahaba. He was told that it used to be a Chinese restaurant, kaya lang ay lumipat na ng ibang bayan ang may-ari kaya ibinenta ang property.
Noong lumipat siya roon ay alam na niya ang gagawin niya sa magiging buhay niya sa Montana. Ang unang ginawa niya'y pinalagyan niya ng dalawa pang palapag ang dulong bahagi ng ground area. Sa second floor ay theater room, at sa third floor ay ang bedroom. Matapos niyang i-set up ang buong bahay ay saka niya pinagawa ang shop sa façade.
He had been living in this town for eight years now, at wala siyang naging problema. He loved it there, kahit malayo siya sa buong pamilya niya.
He liked to be alone, anyway. Pero kahit ganoon ay malapit siya sa mga kapatid at sa mga kinilalang mga magulang. Isang beses sa isang buwan ay dumadalaw siya sa mga ito, and he would stay with his family for two nights, bago siya muling bumalik sa Montana.
Napabuntong-hininga siya. There were people like that woman who didn't get lucky just like he and his siblings did. He could somehow relate to her when she said that she was an orphan, because once upon a time, he was, too.
Kung hindi lang siya—sila ng mga kapatid niya—kinupkop ng mag-asawang Zodiac ay baka pakalat-kalat na rin sila sa kalye tulad ng babaeng iyon.
Muli siyang napabuntong hininga nang maisip ang kalagayan nito. Kung hindi lang uminit ang ulo niya rito noong umagang iyon ay baka natulungan niya ito.
But... how could he really help? And why would he bother, anyway?
Damn it, stop thinking about her, suway niya sa sarili saka itinuloy ang ginagawa.
Nakuha na niya halos ang lahat ng mga nagkalat na halaman sa roof top, at unti-unti na rin niyang nararamdaman ang pagbagsak ng ulan. Ang suot niyang jogger pants at sando ay nababasa na kaya madali siyang naglakad patungo sa malaking trash bin na naroon sa silong ng roof top at inisuksok ang mga nidampot na halaman.
Ilang sandali pa'y bumaba na siya sa hagdan at bumalik sa kaniyang silid. Hinubad niya ang suot na sando at inihagis sa laundry basket. Doon niya napansing puno na iyon, at naalalang dapat ay kahapon pa niya dinala ang mga labahan sa laundromat.
Gah. Now I really have to go out.
Muli niyang kinuha ang sandong nihubad at inisuot saka kung paano na lang na binitbit ang laundry basket pababa. Nasa malapit lang naman ang laundromat; dalawang minutong lakad mula sa shop.
Ilang sandali pa'y lumabas na siya sa shop bitbit ang malaking payong at ang laundry basket niya. Ngayon ay bumagsak na ang malakas na ulan, kaya nilakihan niya ang mga hakbang hanggang sa narating niya ang destinasyon.
Malapad na ngiti ang sinalubong sa kaniya ng dalagitang bantay roon—iyon ang madalas na magtungo sa shop niya upang bumili ng meryenda. He greeted her, and she answered him with a shy smile. Nagbayad siya roon sa counter, at habang inihahanda ng dalagita ang mga gagamitin niyang soap detergent at fabric conditioner ay inikot niya ang tingin sa paligid.
Walang tao sa loob maliban sa isang babae na nasa dulo at nakaharap sa umiikot na laundry machine, and she seemed like sleeping, kung ang pagbabasehan niya ay ang posisyon ng ulo nitong naka-sandal sa pader ng shop. Nasa kandungan nito ang bag at nakabukas na libro—
Bigla siyang natigilan.
Kirsten?
Sandali niyang iniwan ang laundry basket sa tapat ng counter at tahimik na naglakad palapit sa dalaga. Huminto siya sa harapan nito, at doon niya na-kompirma ang hinala. She was indeed fast asleep.
Niyuko niya ang nakabukas na libro sa kandungan nito. It was an accounting book—iyon iniyakan nito noong gabing pinatulog niya ito sa shop. Mayroon doong pinunit na yellow pad kung saan may nakasulat na mga formula. Naalala niyang exam week nga pala iyon at maaaring kung saan-saan na lang ito tumatambay para mag-aral.
Where were you staying these past few days, huh?
Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito, at nang may mapansin ay nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Tumingkayad siya at inilapit ang mukha sa mukha nito upang suriing mabutin ang nakita.
There were red spots on her chin. And if he wasn't mistaken, they were rashes. No—mosquito bites?
Umabot iyon hanggang sa leeg nito na ikinabahala niya.
"Hindi totoong may asthma ako, pero mabilis mairita ang balat ko sa alikabok kaya bawal pa rin akong manatili ng matagal sa kalsada."
Naalala niya ang sinabing iyon ng dalaga noong araw na pinaalis niya ito.
Sa kalsada ba ito namalagi sa loob ng ilang araw? Hindi ba ito umuuwi sa shelter dahil tulad ng sabi nito'y maraming tao roon dahil sa bagyo?
Damn it—bakit ako mag-aalala sa kalagayan niya—she's not even a friend of mine!
Tumayo siya at bago pa tuluyang malusaw ang yelong nakapaligid sa puso'y binalikan niya ang iniwang laundry basket. Walang salitang kinuha niya ang mga sabong inilapag ng dalagita sa counter saka binitbit ang basket patungo sa laundry machine na napili niya. Halos pabalya niyang ini-suksok ang mga damit sa loob niyon—he just wanted to hurry so he could leave the place before she wakes up. He didn't want another confrontation..
Matapos niyang mailagay ang lahat ng damit doon at paandarin ang machine ay naupo siya sa bench na nasa harapan niyon upang maghintay. Humalukipkip siya at pinigilan ang sariling muling lingunin ang dalagang nasa dulo. He didn't want to bother himself about her anymore. He did once, and it only ended up as a disaster.
Subalit makalipas ang ilang minuto... nang tumigil na ang pag-ikot ng machine nito, ay hindi rin niya natiis na muli itong lingunin.
She was still sleeping, and he couldn't blame her. Kung siya ang nasa lugar nito—walang matirhang bahay at matulugang malambot na kama— he would also be as restless as her.
He wondered kung saan ito natutulog sa gabi, at kung papaano nitong nagagawang mabuhay sa araw-araw na walang komportableng tirahan?
"Don't worry, son. You will be fine. We will take good care of you..."
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga nang marinig sa isip ang malambing na tinig ng Mama Felicia niya. She was the woman who stood as his second mother after he was brought to her care when he was just four years old.
Damn it.
Tumayo siya at binalikan ang dalagang hanggang sa mga sandaling iyon ay masarap pa rin ang tulog.
Hindi niya alam kung tama ang gagawin niya, pero kung mayroon mang taong tutulong sa isang tulad nito ay siya iyon. Because he was in the same situation as her, twenty-four years ago.
Muli siyang nahinto sa harapan nito, tumingkayad at muli itong tinitigan. She was sleeping and yet there was a deep frown on her forehead. At that point, he noticed that she was also breathing heavily, and her temple was sweating despite the air-conditioned room and the cold weather. And as he looked closer, he realized that her lips were pale and slightly shaking
Inilapit niya ang kamay sa balikat nito upang sana'y gisingin ang dalaga, nang biglang humulagpos ang pagkakahawak ni Kirsten sa librong nasa kandungan, kasunod ng pagbagsak niyon sa tiled floor.
Inasahan niyang magigising na ito roon, subalit tila hindi nito naramdaman ang pagkahulog ng libro.
Nang ibalik niya ang tingin sa mukha nito ay nakita niya ang unti-unting pagdausdos ng katawan ni Kirsten mula sa pagkakasandal sa pader. He raised his hands and held her arms to keep her from falling, but despite that, her head still dropped on his bare shoulder.
It was then he realized that her body was quivering, and her forehead burning up with fever.
_______________________________________________________
"I'm sorry if I wasn't able to visit this week, Ma. But I will be there next Saturday, and that's a promise."
"No problem, hijo. Nakita ko sa telebisyon na maulan sa bandang Kanluran at alam kong apektado rin ang Montana. Don't overwork and take care of yourself, okay?"
Pino siyang napangiti nang mahimigan ang pag-aalala sa tinig ng ina mula sa kabilang linya. "I am a grown man now, Ma. Ang sarili mo dapat ang mas inaalala mo. Are you taking your meds?"
"Of course! Gabi-gabi akong nakatatanggap ng tawag-paalala sa inyong magkakapatid, aba, makalilimot pa ba ako? Kahit sina Patty at Melay ay panay ang paalala sa akin, ah?"
Ang tinutukoy ng ina ay ang mag-inang katiwala na kasa-kasama nito sa bahay nila.
"Who was there today?"
"Leonne and Ariston were here today. They brought me flowers and a bunch of other new stuff na hindi ko naman magagamit dahil linggo-linggo'y may dala kayong lahat sa akin. Bukas ay si Phillian naman ang uuwi, nagsabing ihanda ko ang fridge at maraming dadalhing seafood."
Napangiti siya sa sinabi ng ina. "You are lucky for having twelve sons who love you very much."
"I know. And I love you all to death, Quaro. Please take care of yourself, okay? And visit me as soon as you can."
"I will, Ma. I love you."
Tinapos na niya ang tawag at ibinaba ang cellphone. He stood there in front of the veranda and watched the heavy rain pouring in. Sabado ang araw na iyon at dapat ay naka-schedule siyang umuwi sa bahay ng pamilya kung hindi lang dahil sa dalagang nakahiga roon sa theater room at buong araw nang tulog.
Hindi niya ito maiwan, pakiramdam niya, simula noong tinanggap niya ito noong maulang gabing iyon ay naging responsibilidad na niya ito.
Muli niyang niyuko ang cellphone at sinulyapan ang oras—four in the afternoon. Hindi siya nagbubukas ng shop tuwing Sabado at Linggo, kaya ang buong araw na iyon ay ginugol niya sa pagbabantay sa pasyente niya.
Damn it.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya alam kung bakit imbes na sa center niya dalhin ang dalaga ay doon niya ni-diretso sa bahay niya. Kung sa center niya ito dinala ay maaari niya itong ipagbilin na lang sa mga nurses; bahala na ang local government na hanapan ito ng matutuluyan.
But, hell and damnation—he didn't know why he brought her in! Ano ba ang nangyayari sa kaniya? This wasn't like him anymore...
I am just returning the favor. Kung nagawa akong isalba noon nina Mama Felicia at Papa Arc, bakit hindi ko rin gawin sa iba? kumbinsi niya sa sarili. Pero ang totoong umiinit ang dugo niya sa ginawa niyang pagtulong. Ngayon ay naging babysitter siya nang wala sa oras!
Tatlong sunud-sunod na katok sa nakabukas na pinto ng kaniyang silid ang mabilis na nagpalingon sa kaniya.
Doon ay nakita niyang nakatayo ang namumutla pang si Kirsten, nasa mga mata ang pagtataka at maraming katanungan.
"You're awake at last."
***
NEXT >>
Chapter 06 - Housemates For 100 Days
_______________________________________________________
A/N:
Puro narration tayo this chapter, anu? Haha! I was aiming to upload two chapters today, but I had a very important matter to attend, so baka bukas ng umaga o hapon na ang chapter 6.
Thanks a lot for reading my stories! '
Keep slayin'!
Tala Xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top