finale.
I never really know what to feel after finishing high school. They may say that college is fun but I know, too, that it would be scary as hell. Another adjustment sa environment, sa friends, sa classmate at sa kung ano-ano pa.
Right after graduation, naghiwa-hiwalay na kami ng barkada. We were still communicating through our GC but it wasn't really like before. May mga priorities na rin kasing iba. We don't know kung sino ang magkakaklase or magiging school mates pa sa college. It was heartbreaking actually. I mean, noong graduation, I really cried with them...with Vench. We don't know what the future holds, eh. Kahit na sabihin nating walang magbabago meron at meron iyon because the only thing that is constant in this world is change.
Napapangiti na lang ako habang tinitingnan ang pictures namin sa phone ko. It's my first day of school in college. Wow... ang bilis talaga ng panahon, eh. Grabe. Sa sobrang bilis hindi ko na namalayan pa. All the fun that I experienced with them are now part of my memories na lang.
"Resche, tara na!" rinig kong sigaw ni Ate Tria. I sighed.
"Nandiyan na," sabi ko pa.
Inayos ko na ang aking bag at sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. I smiled as I looked at myself in my white uniform. Tagal ko ring pinangarap ito ha. Ever since elementary ako, ito na ang pangarap ko. And now, ito na nga. I'm finally a nursing student. Next goal would be RN and then medicine school. Wow, self. You made it this far! You should treasure this and be thankful for the opportunity that you have because not everyone has this opportunity.
Inayos ko ang aking uniform bago sinukbit ang aking bag. Lumabas na rin ako pagkatapos. Patakbo akong bumaba ng hagdan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking telepono. Saglit ko iyong kinuha at saka tiningnan habang papunta sa dining area namin.
From: Vench
Good luck sa first day
-Team Swimmers-
Earl:
Good luckkk mga erpp
Lance:
Sana magka gf na ako uwu
Brice:
Ulol ka talaga Lance
Landon:
Hahahahah ampotaaa
Ipasa mo muna engineering gagu
Hindi ko na rin napigilan ang matawa sa mga banter nila. I sighed and composed a text for them, too.
Resche:
Good luck guys
I exited messenger and went to Vench's message:
To: Vench
Good luck din sayo
Ilang saglit pa nag-reply na siya.
From: Vench
I'll see you in campus..
Ngumuso ako at napailing. Hindi na ako nag-reply pa at ibinalik ko na lang ang phone sa aking bag.
"Oh, Resche, kain ka na muna. Prepared na ang baon mo," si Mamsi. Ngumiti ako at kinuha ang sandwich ko.
"Thanks po. Kakain na lang po akong sandwich sa biyahe."
"Sigurado ka ba?" Tipid na ngumiti lang ako kay Mamsi.
Kinuha ko na ang aking baon at ang sandwich na kakainin ko at saka tumakbo palabas. Naghihintay na rin si Ate Tria sa akin sa van. Kahit college na ako, ganoon pa rin at hatid-sundo.
"Excited?" nakangising sambit ni Ate sa akin pagkapasok ko. Nagkibit-balikat ako.
"I don't know. Scary din kaya."
Tumawa siya. "Ganyan talaga iyan sa una. Enjoy mo lang. Nandoon pa rin naman ang friends mo. Di mo kailangang mag-worry na mag-isa ka."
Ngumuso ako at saka tumango sa kanya. "I know naman. Still, hindi ko naman sila classmate."
She just chuckled at me again. Inilingan niya pa ako tapos ay ginulo ang aking buhok. Sumimangot lang ako roon.
"Ate," reklamo ko pa pero tumawa lang ulit siya. I took a deep breath before focusing my attention outside the van. We were going on a familiar road pero hindi na kami sa familiar school na siyang naging house ko for how many years. We'll be going to a different house now. I will be going to a different school now.
I still cannot believe it, grabe. Parang kailan lang talaga, e. Gosh. I sighed again as I watched our car going inside the campus.
"This is it, Resche, welcome to college!" sabi pa ni Ate Tria. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya at saka tumango.
"Thank you, Ate," sabi ko at saka bumaba na rin. Agad na umalis na si Ate roon at nagtungo na sa kanyang classroom kaya naiwan akong clueless pa at palinga-linga sa buong paligid. I bit my lip and looked at my digital study load. Ngumuso pa ako. Ilang saglit lang ay nag-chat na ang boys sa GC namin. Kakaloka at panay ang mura nila at naliligaw na raw sila sa campus. Natawa ako saglit I bit my lip as I waited for Vench's message pero wala naman siyang message so itinago ko na lang din iyon.
Huminga ako nang malalim at saka naglakad na papunta sa classroom ko. It was still very quiet in the building. Wala pa masyadong tao kaya madali ko ring nahanap ang room ko. When I got in, may mangilan-ngilan ng mga student doon. They were all serious and just looking down na para bang may nire-read sila.
Nagkibit-balikat ako at pumuwesto na lang sa may unahan since sa pinakauna na seat naman talaga ako usually. Anyway, I settled in na and then looked through my stuff. Ready naman ako sa first day, I think. I don't know pa kung ano ang magiging kalakaran ng mga prof ko ngayon kaya wala pa akong notebooks. Paper na lang muna ang dala ko.
Sumandal ako sa likod ng upuan at nag-scroll sa aking social media. Nandoon sa feed ko ang mga picture ng mga kaibigan ko. Napailing na lang ako. Ito iyong mga picture nila noong bakasyon, e.
Tiningnan ko ulit ang aming group chat.
Earl:
Tangna pre may test agad kami
Lance:
Good luck bro Hahahahah
Landon:
Buti pa kami freecut
Si master busy
Then nag-send siya ng picture ng seryosong si Vench. Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. He looked so neat and gwapo in his get-up. Hmp. Kainis. Wala kasing uniform ang business ad, like they can wear anything that they want lang so casual wear lang din ang suot ni Vench.
I bit my lip and shook my head.
Resche:
How are you guys? Loner ako hahahaha
Brice:
Puntahan ka raw ni Master, Miss Pres!
Lance:
Ay sana all
Takot?
Bakod na master!
HAHAHAHA
Napuno ng 'haha' reaction ang buong group chat namin. Napasimangot ako.
Resche:
Why don't you go to your class na?
Vench:
I'm in my class
Brice:
Ay masunurin!
Landon:
Syempre naghihintay e
Earl:
Gagu ka par! HAHAHAHAH
Umiling ulit ako at tinago na ang phone ko. I looked around the classroom at isa-isa na ngang nagdatingan ang mga kaklase ko. I was just quiet on my seat as they were filling the seats in the whole classroom.
"Hi."
Saglit na napalingon ako. I was greeted by a girl na naka-bun ang buhok. "Uhh hello..." I said, hesitating. She smiled at me.
"Walang nakaupo?" sabi niya sa aking tabi. Mabilis na tumango naman ako. Mabilis siyang tumabi sa akin. "Dito na ako, ha," sabi niya pa. Tumango-tango naman ako.
"Sure, no problem," sabi ko na lang at kinuha na rin ang papel ko to be ready na rin sa prof. Baka kasi mamaya ay dumating na rin iyon, e.
"New ka talaga here sa school?" tanong pa ng seatmate ko. Nilingon ko siya at nginitian.
"Uhh yeah. From GH ako."
Agad na umawang ang bibig niya at tila na-shock pa sa sinabi ko. "My cousin is from GH!"
Nagsalubong ang kilay ko. "Ohhh really? Sino?"
"Oh si—"
"Good morning, BSN 1A." Hindi na natapos ng seatmate ko ang sasabihin niya dahil biglang dumating ang prof namin.
"By the way, I'm Vischa pala," she whispered na lang. I bit my lip to hide my laughter."
"Resche."
"Ooohh...familiar."
My forehead creased, but hindi na rin ako nakapagtanong pa dahil nagsimula na nga ang prof namin. I sighed and conditioned myself na.
~***~
My classes lasted for four hours. Grabe iyong pagod namin ni Vischa pagkatapos, e. Gosh. "Let's go sa canteen?" yaya pa ni Vischa paglabas namin ng last class.
Ngumuso ako at saka tiningnan ang phone ko. There was a chat from Vench. Kita raw kami later.
"Uhh pwede ka sumama sa amin. Kikitain ko mga friend ko, e," sabi ko. Her mouth formed into an 'o'.
"Ohh, okay. May friends ka na pala here."
"Uhh mga kasama ko sa GH noon. Kasama ko iyong tatlo rito pero ibang course."
Tumango-tango siya. "Pinsan ko rin, eh."
It was my turn to nod naman. "Okay, tara na."
"Let's go." Agad siyang umangkla sa isang braso ko. I was shocked kasi hindi ako sanay na clingy ang friends ko so ayun. Anyway, hinayaan ko na lang siya anyway. Lumabas kami ng building at sabay naming hinanap ang sinasabi ni Vench na parang student's lounge. When we got there, para lang siyang tambayan talaga na maraming mga lamesa tapos couches. Ang galing lang.
I immediately spotted Vench with Brice and Landon sa dulo.
"Tara!" sabi ko pa at nilapitan na iyong tatlo.
"Miss Pres!" bati pa ni Brice at agad na tumayo. Napadako ang tingin ko kay Vench. Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako.
"Hey," he said. I smiled.
"Hi."
He stood and went near me tapos ay lumapit sa akin. Dumako ang tingin niya sa gilid ko kung nasaan si Vischa. Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa aking kasama.
"Wait, you're with her?" takang tanong niya pa kaya nagkunot din ako ng noo at nilingon ang katabi ko. Vischa was smirking at Vench pa.
"Kilala mo siya?" tanong ko, palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"He's my cousin! Oh my gosh!" Nasapo ni Vischa ang bibig at natawa pa siya.
"Wew. May bakod ka na pala, Master," si Brice na sinabayan ni Landon ng tawa. Vench groaned. They were all laughing habang ako naman ay shock na shock. Kasi naman, e. Small world!
"Tsk. Never thought you'd be classmates,"sabi lang ni Vench at lumapit na sa akin. "Tara, let's buy," sabi niya pa at hinila na ako paalis doon. Iniwan namin iyong tatlo na agad nang nag-usap. Kilala rin kasi nina Brice at Landon si Vischa. Ako lang iyong walang idea.
"Grabe, small world," sabi ko sa kanya habang papunta kami sa canteen na nasa tabi lang pala ng lounge. Si Vench na raw mag-o-order ng sa kanila. Pwede pala raw kasi mag-eat sa canteen or dito lang din sa lounge.
"Huh. Yeah. I mean, I forgot to tell you about her. Last minute din kasi niyang dito mag-aral," sagot niya naman. Tumango-tango ako.
We were walking side by side when I felt like everyone was looking at us. Parang familiar itong feeling na ito, ha. Napailing ako dahil alam ko namang si Vench ang tinititigan nila. Hanggang dito crush ng bayan siya. Hmp.
"Is that Gab?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita siya.
Napatingin din tuloy ako sa kanyang tinitingnan at doon ko nakitang si Gab nga iyong lalaking nasa harapan ng cashier at umu-order. Natigilan ako. "Ohh, yeah I guess it's him." I shrugged and urged him to fall in line na.
"Hmm, I thought kasama niya si Joan sa Manila?" tanong pa ni Vench. Nilingon ko siya.
"I don't know. Why are you asking ba?" kunot-noong tanong ko. Ngumisi siya at nagkamot pa ng ulo.
"I don't know..." Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"What's wrong with you?" takang tanong ko pa. Ngumuso siya at saka nag-iwas ng tingin. Mas lalo naman akong na-weirduhan. Napatingin tuloy ako kay Gab na walang kamalay-malay.
Ang laki rin ng pinagbago niya ngayon. He's not surrounded with a lot of friends, iyong parang jock talaga pero ngayon, he's alone. Well, siguro hindi sila pareho ng school. If ako siguro ito na bitter noon, I'd laugh at him now kasi it looked like he was left alone like what they did to me before, but then I'm not like that. I moved on na. Wala na akong pakialam sa kanila. Gab was part of my life, and he was my greatest lesson. I just realized so much after we broke up. I felt new after that tragedy.
So really, shout out to my ex, he's an asshole but he's quite the best. He made me who I am today. He made me better. Because of the pain that he caused me, I was able to find myself and what I truly want. I was able to find people who really loved me and understood me. He was my biggest lesson in life so far.
And Vench here...he's my biggest realization. Hindi ko alam kung ano ang pinag-aalala niya, e. I mean, halata naman sa mukha niyang bothered siya. I sighed and got his right hand. I squeezed it tightly.
"Whatever that is, shrug it off. We're happy now, right?" sabi ko sa kanya.
Saglit na natigilan si Vench at napatitig sa akin. Napakurap-kurap pa siya sa akin. "What?"
Umirap ako at inilingan ulit siya. "Can we just buy something na? I'm hungry. Stop thinking about anything else."
"Tsk. You can't blame me, he's your ex."
My forehead creased. "And you're the future." I smirked. That left him dumbfounded so hinila ko na lang siya papunta sa line. I bit my lip to hide the smile on my face. Gosh, that felt good.
~***~
"Happy birthday!"
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Hinagis namin ang confetti kay Vench. The brute just groaned habang pinagkakaisahan ka ng mga kaibigan niya.
The swimmers are complete. May plus one kami, si Vischa. We were here sa restaurant nina Landon at dito namin sini-celebrat ang birthday ni Vench. I smiled and went to him na. Iniwas ko na siya sa mga lalaki kasi nagpapahiran na sila ng cake doon.
"Damn, thank you for getting me out of there," sabi niya pa habang inaayos ang buhok niyang nagulo. Natawa ako at hinila siya sa may sulok.
"May gift ako," masayang sabi ko pa. Hinarap niya ako at tinaasan ng kilay.
"What is it?" I smiled even more and got the box that I was hiding.
"Here, oh." I handed it to him. Kunot na kunot pa rin ang noo niya. I was so excited to see his reaction. Muntik ko na nga siyang tulungan, e.
Nang mabuksan niya na iyon, kinuha niya ang isang bracelet na panlalaki roon. There was an engraving doon sa bracelet. He looked at me and I immediately raised my hand to show my bracelet na kapareha rin ng kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Couple bracelet?"
I bit my lip. I felt like my whole face just reddened. I didn't answer him, but the ghost of a smile appeared on his lips.
"You're making my heart flutter," walang prenong sabi niya. Hinampas ko siya sa dibdib. Tumawa naman siya at agad akong niyakap nang mahigpit. Yumakap din ako sa kanya. Napapikit ako nang maramdaman ang paghalik niya sa aking noo. I tightened the hug and buried my face on his chest.
"Thank you for waiting... for still waiting..." bulong ko.
"Tsk. Naghintay nga ako ng three years para makalapit sa iyo, ito pa kayang malapit na ako," he commented. I immediately looked up to him. Lumabi ako at nagkatitigan kami.
Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ngumuso ako at mas kumunot ang aking noo. "You never told me the details about that pa," sabi ko.
Umirap lang siya at bahagyang tumawa. "Basta, to follow na ang details."
Sumimangot ako sa kanya. Mas tumawa lang siya. Hinalikan niya ulit ako sa noo at pumikit lang ulit ako at hinayaan siya. I sighed. The forehead kiss lasted for a few seconds bago siya tuluyang lumayo. We looked into each other's eyes again. I didn't know for how long we were staring at each other.
I really love looking at his eyes. It just felt so nice. Ang ganda kasi ng mata niya tapos ang sarap sa pakiramdam ng tingin at yakap niya sa akin. Two years since he confessed to me at our Graduation Ball...and just like what he said, he was just here, waiting for me.
Kahit na ang daming chicks na umaaligid sa kanya, never did he make me feel na I should be worry about something. I know we haven't really talked about it pero I know that we have this mutual understanding. Hindi namin sinasabi, pero pinapakita namin. I know it's not an assurance kasi walang label pero wala rin naman akong balak na patagalin ito. Vench doesn't deserve that. I'm just making sure that when I decide to push this through, ready na ako. I want to give Vench the love that he deserves.
"What?" tanong niya pa. Ngumiti lang ako.
"Can you wait longer?" balik na tanong ko naman.
"Yeah, of course," walang pag-alinlangang sabi niya pa. Napangiti ako. Mas hinigpitan ko ang pagkakapit sa kanyang leeg.
Huminga ako nang malalim habang nakatitig pa rin sa kanya. I felt like I was able to memorize every part of his face na dahil sa madalas kong pagtitig sa kanya. I bit my lip and rested my head on his chest again. Napapikit ako. Kinulong niya naman ako sa kanyang mga bisig.
"You're extra sweet today," komento niya pa.
I chuckled a bit. "Birthday mo kasi."
"Tsk. Sana pala birthday ko everyday," sabi niya pa. Tumawa ako at mas niyakap din siya. I closed my eyes. I stayed like that for a few seconds before I finally looked up again. I smiled at him again.
"Vench..." I called.
"Hmm?"
Ngumuso ako. "I want to give you your real birthday gift."
"What?" Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka at pagka-amaze. I bit my lip. Noon lang nag-sink in sa akin ang gagawin at sasabihin ko.
Oh gosh, Resche. Gosh, I'm really gonna do this! Nakakaloka! Oh gosh...
Napapikit ako at saka huminga nang malalim. I stared at him directly. "Venschentius Torres...I'm ready to be your girlfriend. I love you, too, Vench. I know I didn't say it way back and I just asked you to wait without any assurance, but I hope I was able to let you feel it. You are so important to me, Vench...so I took my time to be the—"
I wasn't able to finish my sentence because he immediately pulled me into a kiss. Nanlaki ang mga mata ko. Naging background namin ang kantyawan ng mga kaibigan namin at ang pagputok ng isa pang party popper. Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako nakapikit! My gosh, nakakahiya!
Vench pulled away, smirking from ear to ear na while I was still shocked and my mouth was still parted. He cupped my face and made our forehead touch.
"I love you, Resche..." he whispered in a husky voice.
I felt my eyes watering and my heart fluttering in excitement. "I love you, too...and thank you for waiting..."
"Tsk. I told you...always, Resche, always."
Vench was not just a lover. He was a best friend, a confidant, lahat na. Minsan na lang makakita nang ganoon ngayon, and I was lucky enough to find them all in Vench. Despite the shits that happened to me and Gab, Vench came. Kaya talagang shout out to my freaking ex, he gave me a love story that's worth it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top