chapter 3

"Momsi, mamaya hindi agad ako uuwi, ha? May council meeting pa kasi kami. Baka gabi na kami matapos, e." I was fixing my bag sa may sala namin habang si Momsi ay nasa dining area at nagpi-prepare ng breakfast.

It's still very early kaya may time pa akong mag-ayos ng mga gamit ko. Well, naayos ko na naman ito kagabi. I just really like double checking it every now and then para naman wala talaga akong makalimutan kasi mahirap na, no.

"Nako, paano ang dinner mo? Hindi ka na ba namin hihintayin? Dalhan ka ba namin ng dinner sa school?"

Agad akong napatingin kay Momsi.

"Ah, wag na po! No need na po!" mabilis kong sabi saka tipid na ngumiti. I wore my backpack na rin tapos lumapit na sa kanya.

Momsi's brows raised.

"I'll eat na po," sabi ko na lang tapos umupo na sa chair ko.

"O, baka magutom ka mamaya. Padala na lang kami sa Student Council. Tulad ng dati di ba?" Di pa rin ni-drop ni Momsi iyong topic.

I sighed na lang. "Momsi, no need na po talaga. Uhm dito pa rin ako kakain sa bahay. Papaiwan na lang po akong ulam, pwede?" I said na lang.

Nakakunot pa rin ang noo ni Momsi sa akin, nagtataka yata kung bakit hindi na ako pumapayag na magpa-deliver sila sa meeting namin. Sa ilang years ko kasi sa student council, pag ganitong matatagalan kami ng meeting, they always have us delivered food for us para hindi raw kami malipasan ng gutom. It was okay naman sa mga seniors ko noon and even the other members, but then now, I don't think it's right to have a food delivery din given the situation right now. Ayoko lang ma-issue with the other people na rin, no. I am in no mood to deal with whate they will say na naman. For sure kasi madadamay ang family ko kapag nag-make sila ng move.

I smiled at Momsi again. "Eat na po tayo, Momsi, alis na ako after," sabi ko na lang at nag-focus na sa pagkain ko.

Later pa kasi iyong mga kapatid ko. Si Popsi naman ayun nasa babuyan yata namin. Pag maaga kasi talaga kami lang halos ni Momsi ang gising pati iyong ibang helpers namin. I looked at my watch then binilisan ko na lang ang pagkain. After that, mabilis din ang naging kilos o at saka tumayo na rin.

"Bye, Momsi!" Kumaway ako kay Momsi at saka dumiretso na sa service namin. Medyo malapit lang naman ang school sa house, so mga ilang minuto lang din ang biyahe namin. As usual, halos wala pang tao sa school nang dumating ako. I just greeted the guards at iyong mga nadaanan kong mga naglilinis ng school grounds.

I walked my way to the SSG headquarters. The whole room was filled with silence since I was the only one inside pa naman. Well, sobrang aga pa naman kasi talaga. I heaved a sigh na lang at saka umupo na sa pwesto ko. I got my notes and opened my computer na rin. I checked our agenda muna sa meeting mamay before ako nag-proceed sa notes ko for class. Medyo stressful pa naman ang classes ko ngayon. I have two major subjects kasi na mga sciences today, then the others are minors na lang. Shocks may quiz pa nga pala ako mamaya.

I massaged my temple as I continue to scribble my notes for my quiz later. It was already 7:30 AM yata nang matapos ako sa pag-re-review. Nag-panic pa ako kasi I didn't got a hold of time. Kasi naman, e! Masyado yata akong na-pre occupied sa pagbabasa, di ko na tuloy napansin iyong oras.

I ran my way to our building agad. Super pawis ko na nga noong pagkarating ko sa floor namin. I bit my lip and even muttered a small curse when I reached the corridor of our classroom.

"Bro, galing mo talaga kanina!"

"Yeah right, inspired kasi!"

"Woahh! Lumalakas loob kasi wala nang jowa, e."

"Tsk. Shut up-"

"Ouch!" Agad akong napahinto nang bigla na lang akong mabangga sa kung ano. I immediately looked up only to see that it was a man's back. He was walking backwards pala kaya nabangga ako sa likod niya. He immediately turned back to me.

Agad ko pang narinig iyong singhapan at bulong-bulungan ng mga kasama niyang lalaki. He looked shock pa nga nang makita ako. I groaned and just rolled my eyes. Inayos ko ang bag ko at saka mabilis na nilagpasan sila. I continued running towards my classroom but before ako makalayo ay narinig ko ang pagsigaw ni guy ng 'sorry' then sinundan iyon ng hiyawan ng mga kasama niya.

Nangunot pa ang noo ko. Weirdos. Ugh! I sprinted to our room and luckily I got in before our teacher. Everybody's eyes were on me pa nga nang pumasok ako dahil sobrang hinihingal ako. I heaved a sigh and calmed myself first before finally going to my seat. Di ko na sila pinansin na nagtitinginan.

Padarag akong umupo tapos ay inayos ang mga gamit ko. Super ingay ng mga kaklase ko pero agad din namang nag-die down iyon nang dumating na ang prof namin. Bumuntong-hininga ako at nakinig na lang sa labas. While I was listening, I heard some noises sa labas mismo ng classroom. For some reason, it was distracting kaya napatingin ako roon. Pagkalingon ko it's as if saktong lumingon din iyong guy na nasa labas at nagtama ang mga tingin namin. He was looking at me intently while I looked at him confusingly. Who is he, ba? I stared at him for a while, and then somehow my memory was refreshed. Wait, siya iyong guy sa cafeteria, iyong swimming varsity?

"Miss Sanchez?"

I blinked multiple times. Muntik pa akong mapatalon nang makitang nakatingin na pala ang teacher namin sa akin. Oh my gosh, Resche!

"Uhh y-yes po?" I nervously said and stood.

"Can you answer question number three?" Napalunok na lang ako at napatingin sa question na naka-flash sa power point. Oh damn it! Bakit ka ba kasi na-distract, Resche! Gosh, ha!

~***~

Nasapo ko na lang ang noo ko habang nakatingin sa mga coverage ng quizzes namin next week. Gosh. It's already lunch time and I'm here again sa SSG. Lunch just ended, so I was doing my reviews. May iilang mga members akong napansin doon and they were doing their own things naman. Super bilis ng oras sa school at palapit na rin ang midterms namin sa SHS. Other than that, we have a lot of activities to come pa.

"Miss Pres, ito na iyong updated and final agenda for today's meeting. Sorry ngayon ko lang nabigay." Tipid na ngumiti lang ako Mila.

"Thanks!" sabi ko at kinuha iyon. Tumango rin siya at umalis na rin.

I sighed and set aside it first. I still have a vacant naman this afternoon kaya later ko na lang siya titinginan. I'll look into these reviewers muna. Gosh. Tinitingnan ko pa lang nagkaka-headache na ako. I shook my head and continued reading it.

I was in the middle of reading when I heard a bunch of voices coming in. Hindi ko tuloy napigilan ang mapaangat ng tingin. My brows furrowed upon looking at the guys who just entered the council room. Naningkit pa ang mga mata ko nang makilala ko iyong mga iyon. They were the swimming varsity. And as expected, they're with that guy na naman na palagi ko na lang nakikita.

I think I know his name, I just forgot?

I looked at them as they headed to our secretary's table. Ang ingay nila super. Hindi yata nauubusan ng topic iyong mga kasama noong guy. What are they doing here kaya? And why do I always bump into him? Kung hindi man, lagi ko siyang nakikita. Siya pa nga reason kung bakit ako na-distract kanina. It's just really weird, gosh.

I shook my head and just continued reading my notes pa lang. Hindi ko alam kung gaano sila katagal doon kasi never na naman akong lumingon sa side nila. Nag-angat lang ako ng tingin nang malapit na mag-time sa next class ko. I fixed my things and immediately went out of the room. Napahinto pa ako nang paglabas ko ay nakita kong nandoon pa pala iyong mga lalaki na nanggaling kanina sa office. They were laughing their heart out habang nag-aasaran. Don't they have classes?

Napailing na lang ako. Tiningnan ko pa iyong guy na palagi kong nakikita at nakikisabay naman siya sa mga friends niya. Napailing na lang ako bago tuluyang umalis na roon.

I was early for my subject that afternoon so, I had the time to make a quick review pa for the quiz. The whole afternoon yata akogn nag-quiz lang, so it was very exhausting talaga. Gosh. I feel like wala na akong energy nang matapos lahat ng classes ko at meeting na namin sa SSG.

Medyo matagal nag-dismiss ang last class ko kaya binilisan ko pa lalo ang lakad papunta sa SSG room.

"You sure na hindi ka namin pahahatiran ng pagkain?"

Napbuntong-hininga na lang ako kay Ate sa kabilang linya.

"It's fine nga lang. Pa-leave na lang ng ulam. Sige na. Late na ako sa meeting," mabilis kong sabi at saka ibinaba na ang call. I placed my phone in my bag and mas bumilis pa ang lakad papunta sa SSG office. Almost complete na nga sila sa conference table namin nang dumating ako. I sighed and sat na lang sa pinakadulo ng table.

"Sorry I'm late. Uhm let's start na. Miss Fulton, please state our agenda na for today," I started.

The meeting began with the agenda. We tackled many things about all the activities for this school year, most especially iyong Foundation Week na super lapit na rin.

"Resche, you are the OIC in the Foundation Week, okay? Please assemble your team already para makapaghanda na. We have our time naman after ng exams niyo dahil checking at evaluation pagkatapos noon. We could use that time para mag-prepare. Hindi limited sa SSG members ang mga makakatulong sa team niyo," our adviser said.

Sunod-sunod akong tumango habang nagti-take down ng mga notes. I got pretty busy after that. My next days were spent reviewing and the preparations for Foundation Week. Somehow, I got preoccupied with the things that I needed to do na rin sa school kaya hindi ko na rin napapansin iyong mga tao sa paligid. Well, actually I think that died down na rin naman. Bahala na sila sa buhay nila. I'm just gonna focus on my acads na lang. Nairaos ko rin naman ang presentation namin sa Philo. I think blessing in disguise iyong maging busy sa mga gawain.

My weekends were spent nga sa pagre-review kasi nakaka-pressure iyong exams namin. I mean, gosh, kinakabahan ako kasi ang hirap-hirap ng mga subject namin ngayon. Noond Sunday, nagpahinga lang ako sa bahay. Netflix and everything lang. Nag-shopping din kami nina Momsi at Ate so medyo na-good mood ako pagkapasok ng Monday. It was just the usual school day still. The issue must have died down na talaga o baka dahil busy na ang mga tao. Nevertheless, mabuti na rin iyon. Hindi ko na rin naman naiisip pa ang mga iyon pati na si Gabriel. I'd like to say na naka-move on na ako sa kanya kahit na bwisit pa rin ako. I mean, duhh, life must go on. Bahala na sila sa buhay nila.

I sighed and carried my things na. I looked around the office to check kung may naiwang mga dapat na i-off na appliances. Mahirap na magkasunog or what, no. After that, umalis na rin ako roon. Around five pm na nang lumabas ako ng school but medyo marami-rami pa ring mga estudyante. May mga nagpa-practice pa rin sa mga field. I took out my phone. Naka-text na ako kay Manong kanina na magpapasundo ako pero mukhang wala pa naman siya so I decided na mag-snacks na lang muna. Gutom na rin kasi ako. I bought some kikiam and fishballs lang sa canteen tapos pumunta akong field para magpahangin at manood na rin ng practice.

Nasa may grandstand ako nakatayo. Habang kumakain ng snacks at nanonood sa soccer team na nagpa-practice. Paubos na ang kinakain ko nang marinig ko ang ingay sa likuran ko. Nangunot ang noo ko at saka lumingon. Swimming pool ang likod ng grandstand. I turned around and saw the guys from the swimming team na mga nagpupunas ng mga buhok. I bit my lip when I realized na they were topless nga pala.

I gulped hard. My eyes widened. What the heck, Resche?!

I blinked multiple times nang bumaling sa direction ko iyong isang lalaki. Nagulat na lang ako nang mag-smile siya sa akin tapos kumaway pa. My lips parted ang I gasped in shock. Wait, he's that guy again! Omg. That guy na lagi kong nakikita! Kumunot ang noo ko sa kanya. Mas ngumiti naman siya sa akin. Weird. The next thing I heard was her friends' shouting. Wait, is he even looking at me? I mean, ako ba iyong kinawayan at nginitian niya?

I looked around me but then the person that was the closest to me was almost five meters pa yata sa akin. And nakatingin lang naman sila sa mga nagpa-practice. Ako lang iyong nakaharap sa may swimming pool. So he's really referring to me, then? Huh.This guy is really weird. Oh my gosh.

He looked at me once more, still smirking and smiling. I saw how his hair moved around habang nagpupunas siya roon. I raised my brow. Gosh, so weird talaga. It was creeping me out kaya tumalikod na rin ako at umalis na roon. I heard some shouting from there again. I grunted. Gosh. What was that? And bakit ba palagi na lang kaming nagkikita ng guy na iyon? So weird.

I shook my head and continued walking. I had nowhere to go actually. I looked at my phone again and wala pa namang text si Manong. Nagfollow-up pa nga ako kay Momsi at sabi ay mali-late si Manong, so I really have no choice but to stay here in the campus. It felt weird being in the field so I opted to go to the garden na lang. Doon naman talaga ang usual spot ko.

Buti na lang at wala masyadong tao roon kaya doon na muna ako umupo. I sat there first. Ipinagkuros ko ang aking hita at saka pinanood ang mga bulaklak. Ang boring naman dito. Bumuga ako ng hininga at kinuha na lang ang phone ko. I scrolled through my social media accounts na lang then I got bored na rin. I looked around the garden only to see some guys entering the garden again. Super ingay nila kaya talagang napalingon ako at saka napatingin sa gawi nila.

My mouth parted in shock when I saw that those guys who just entered are the same guys kanina sa swimming pool and that the guy that I always see and bumped into is with them din!

I gasped when the guy walked towards me. He was smiling. Mas kumunot ang noo ko. I heard the murmurs from his companion sa likod.

He stopped when he was already in front of me.

"Hey, Miss President," sabi niya pa. Nakapamulsa siya habang nakangiti sa akin. I raised my brow at him.

"Excuse me, are you stalking me?" That was the first thing that came out of my mouth.

"What?" tila hindi makapaniwalang sagot niya pa. Narinig kong naghiyawan pa ang mga kasamahan niya sa likuran.

I rolled my eyes and crossed my arms. "Ikaw, are you stalking me? Lagi ka na lang nasa lugar kung nasaan ako! Are you stalking me?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Mas lalong naghiyawan ang mga kasama niya sa likuran na nilingon pa nga niya. I didn't know what he did, but tumigil din agad iyong mga kasama niya. I stood and raised my brow at him.

He sighed. Looks like he composed himself na. Ginaya niya pa ang pagkakatayo ko.

"Oh! So? Pareho tayong estudyante rito." He shrugged and then smirked.

My mouth dropped in shock. Mas ngumisi pa siya sa akin.

"'Wag masyadong feeling, pres. Well, don't worry I may have my eyes on you, but I won't be a stalker. I will never be a stalker. Sorry if I creeped you out, though." He tousled my hair and then turned his back on me again.

Agad siyang sinalubong ng mga kasamahan niya at naghiyawan ulit sila.

"Ikaw na, Vench!"

"Sana all 'I have my eyes on you!'" Naghiyawan ulit sila.

My mouth parted. I was so stunned na hindi na ako nakapagsalita pa. What the heck?!

Oh my gosh, that guy is so confident to the level that it's already annoying! Ugh! Kainis! And really, Resche?! Gah! I grunted in annoyance. I took my bag and got my phone, too. Gusto ko na lang umuwi! Kainis!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top