chapter 18
"Sorry about my fam. Inintriga ka pa." Nagkakamot ako ng ulo habang sinasabi iyon.
Natawa si Vench at napailing na lang. Huminga ako nang malalim at saka nagkibit-balikat. We were in the garden already at katatapos lang ng nakakahiyang dinner na iyon! Oh my gosh, I don't even know how to face him right now already! Nakakaloka! Nasa sala iyong iba at meron ding nasa may flowers na nagkukwentuhan na kung ano-ano.
Nagkalat sila sa buong bahay namin at gustong-gusto naman iyon ni Mamsi para daw mabuhayan naman ang bahay namin. Napailing na lang ako.
"Nah, it's fine. Uhmm malapit na pala birthday mo pala?" he asked. I bit my lip and nodded slowly.
"Hmm oo. Uhh iyon nga sana ang sasabihin ko sa inyo. Eighteen roses sana kayo, okay lang?" Ngumuso ako. I suddenly felt shy asking him that. Kasi naman, e!
Nag-iinit na naman ang buong mukha ko. Umiwas na lang ako ng tingin para hindi niya makita ang mukha ko kasi ughh! Nakakahiya! Saka baka kung anong isipin niya.
"Do you have an escort?" he asked again. I swallowed hard. Hindi na naman ako makatingin sa kanya. Gosh. I heaved a sigh.
"Uhh I don't really like to have an escort but…" I stopped, I couldn't even finish what I wanted to say! Gosh. Nakakaloka!
"I am available kahit hindi mo tinatanong…" sabi niya pa. Napakurap-kurap naman ako at hindi agad nakasagot. When I looked at him, he was just staring at me intently. Napalunok pa ako nang magkatagpo ang mga mata namin.
He was smiling at me. I bit my lip as I felt my cheeks heating up na naman. I sighed and looked away.
"Kung pwede ka… sige…" I said, almost whispering it. But then I heard him chuckle.
"Alright, then. Tell me the color of your gown, I'll match it with my tie," sabi niya pa.
Napalunok na naman ako. Kinagat ko ang aking labi at tumango na rin.
"Okay…" sabi ko na lang.
"Hmm."
A deafening silence followed. My gosh, bakit naging ganto ka-awkward? Nakakaloka ha.
"Ano'ng gusto mong gift?" he broke the silence. Tumikhim ako.
"Hmm kahit ano naman…"
"You sure?"
"Yep." I nodded but I couldn't look at him. Ughh. Ano ba iyan.
"Okay."
"Hmm. Okay." Gosh, heart what is happening with you?!
~***~
“Ate Tria, sabi mo sasamahan mo ako! Hello? Nandito na ako sa mall. Akala ko dadaanan mo ako rito?” Gusto ko nang magpapadyak doon sa sobrang inis. Haist. Kasi naman sana pala sumama na lang ako sa kanya kanina sa lakad niya at nang nakadiretso na kami. Edi sana bukas na lang ako nagpa-salon. Hmp.
“Sorry na nga, bunso. May dinaanan lang ako. Emergency. Sorry na. Mauna ka na lang kaya sa meeting place? Sige na, susunod na lang ako.”
Mas lalo akong sumimangot at napanguso na lang doon. “Ehh! Kasi naman, eh!”
“Sige na, sige na. Bye, bye Resche!” narinig kong sabi niya pa tapos ay binabaan ako.
“Ate!” nasigaw ko na lang at saka napanguso roon. Naman, eh!
Napabuga na lang ako ng hininga. Wala na rin naman akong choice. Humalukipkip ako roon at iginala ang tingin sa buong mall. Kainis talaga, e. I fished out my phone again and looked at the meeting place that was sent by my organizer. It was a weekend kasi and dahil palapit na nga ang birthday ko ay kailangan kong isabay ang preparation. Today was supposed to be my meeting nga with the organizer kasama si Ate Tria pero ito ako at mag-isa. Hay nako.
Ipinilig ko ang aking ulo. I texted Ate Tria pa kung ano ang sasakyan ko papunta sa meeting place na isang cafe. Hindi ako sanay mag-commute kasi!
From: Ate Tria
Grab ka na lang.
Sumimangot ako at saka umiling ulit. Kinalikot ko ulit ang phone ko nang pumasok ang text ni Vench.
From: Vench
Hey, wala ka sa bahay ninyo?
To: Vench
I’m out.
Bakit?
From: Vench
I am at your house. Wala ka pala hahaha
Where you at?
Hangout?
To: Vench
Can’t may meeting ako sa organizer ng debut ko
Iniwan ako ni Ate
Hmp. Mag-isa tuloy ako
Mas ngumuso ako at saka naglakad na palabas ng mall. Hawak ko pa rin ang phone ko habang hinihintay ang reply ni Vench.
From: Vench
Hatid na kita
Napahinto ako at napatitig na lang sa text niya.
To: Vench
Ha?
From: Vench
Come on. Wala naman akong ginagawa.
I swear I could hear Vench’s chuckle while reading the text. Kasi naman, e. Napakamot ako ng ulo at napahinga na lang nang malalim.
To: Vench
Okay.
Then I texted her where I was. Almost 30 minutes later, dumating na rin agad siya. Ang bilis lang di ba.
“Hi!” I greeted him as I went inside the car. He smiled at me.
“Hey, where to?”
“Hmm. In this cafe, o.” Binigay ko sa kanya ang address na ibinigay ng organizer ko. Tiningnan niya lang iyon saglit bago siya tumango. Lumingon pa siya sa akin. I gave him a smile. “Thanks for today. You’re my savior…as always,” nahihiyang sabi ko pa bago nag-iwas ng tingin.
I heard him laugh. “Yeah, no problem. Glad you’re wearing the locket.” Saglit akong napatitig sa dibdib ko tapos ay bumaling din ako sa kanya. Dumako ang tingin ko sa kanyang dibdib.
I couldn’t help but smile, too. I sighed. “I’m glad you like the dog tag, too.”
“Hmm. Super.” He winked at me before paying his attention in front na. Napailing na lang tuloy ako. It took us almost 25 minutes lang bago makarating sa cafe
"Resche!" tawag ng organizer sa akin. Nahihiyang kumaway naman ako.
"Hello po!"
"Come here! Upo ka…and ohh I thought ate mo ang kasama mo," nakangising sambit niya pa.
Ngumuso ako. "Ehh wala si Ate Tria, e." Nagkibit-balikat ako at saka umupo na sa parihabang couch. Sumunod din si Vench sa tabi ko. Kita ko ang pagdako ng tingin ng organizer ko sa kanya nang umupo siya sa aking tabi. I could feel him looking at Vench differently. There was something in his smile na parang may something talaga habang nakatitig kay Vench.
Napailing na lang ako bago umayos ng upo. “Uhmm, let’s start na?” sabi ko pa to get his attention. Napapalakpak naman siya at agad na umayos din ng upo.
“Alright, alright let’s start! Ang gwapo ng boyfriend mo ha!” komento pa niya at tumawa. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok pa.
“Uhh no, no! Hindi ko siya boyfriend…” tanggi ko, hindi na makatingin kay Vench. Ano ba, another set of kahihiyan na naman ba ito?
“Ohhh…okay, okay. Sorry naman.” Tumawa ulit ang organizer ko, si Sir Rama na friend na rin ni Mamsi. I just gave out a small smile. Hindi naman nagsalita si Vench kaya medyo hindi na rin ako na-awkward. Gosh.
“So, start na tayo. Ang sabi ng mommy mo ay may roses na raw at escort?” panimula pa ni Sir Rama. Ngumuso ako at tumango. May ibinigay siya sa aking mga card na tingin ko’y for ano yata, invitation.
Tumango-tango ako habang nakatitig lang doon. I don’t have a theme yet kaya nagpa-suggest ako ng themes sa kanila at ito na nga ang ibinigay nila sa akin.
“Uhh complete na po ako sa roses and sa treasures naman, pag-uusapan namin nina Ate Tria and Ate Trish,” sabi ko. I felt Vench leaning to me as if he was watching what I was holding din. Inilapit ko na rin tuloy iyon sa kanya. “Which one is nicer?” tanong ko pa, hinihingi ang opinion niya. I was able to look him in the eyes na rin.
Kumunot naman ang noo niya sa akin. “Why are you asking me? It’s your birthday,” nakangiting sabi niya pa.
Huminga ako nang malalim at nagkibit-balikat na lang. Yeah, alam ko naman. But ang hirap kasing pumili rin, no. Gosh naman kasi. I shook my head and started browsing again. I was eyeing on two themes na: a boho theme and a vintage ball theme…hmm.
I stared at the two themes for a bit until something popped in my head. Saglit akong natigilan. Nilingon ko si Vench na seryosong nakatitig din sa mga card.
“This looks nice. Ito rin, suits you. This one’s nice, too,” sunod-sunod niyang sabi pero wala na rin akong naiintindihan sa mga iyon sa totoo lang dahil nakatitig lang ako sa kanya. I was thinking of something that’s related to him…to them…to my life now.
I couldn’t help but smile. I took a deep breath. “I think I know what I want na…”
Nahinto siya sa pag-browse at napatitig din sa akin.
“Oh yeah? Which one?” tanong niya pa. Ngumiti ako at ibinigay sa kanya ang isang card.
“Boho.” I smiled proudly.
“Bohemian, hm?”
I nodded continuously. “Yep, yep!”
“Hmm, yeah it’s nice. Ikaw.” He shrugged. Mas lumapad ang ngisi ko at bumaling na kay Sir Rama na halatang kanina pa nakatitig sa aming dalawa.
“I want a boho style tapos beach theme with pool din sana.”
Namilog ang bibig ni Sir Rama habang tumatango-tango. “Okay, okay.” Then he started asking me about the details and all.
I was all smiles all throughout the whole conversation. Mas lalo akong na-excite, thinking about how this would go.
“Okay, I will prepare something muna para sa boho style theme mo. For a while. Baka mas mas magustuhan kang design doon.” Tumayo si Sir Rama. Mabilis na tumango naman ako at ngumiti.
“Sige po.” Iniwan na niya kami ni Vench.
I looked at the card in front of me. Naramdaman kong sumandal si Vench sa likod ng upuan.
“I’m curious. Why’d you want a boho-beach theme?” tanong niya pa. Tinigil ko ang ginagawa at saka siya nilingon.
“Hmm, it symbolizes my new life. You, beach guys, I mean swimmers, mean a lot to me kaya I want my birthday na may tubig at close sa beach or pool.” I giggled.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya tapos napaawang pa ang kanyang labi. “Seriously?” hindi makapaniwalang sabi pa niya.
“Yeah. Why not?” I shrugged.
Vench shook his head while still looking at me in amazement. Ngumisi pa nga siya, e.
“Nothing. I’m glad…I’m flattered actually.” Kinagat niya ang labi. Umirap ako sa kanya.
“I’ll be wearing brown siguro or anything cream,” sabi ko dahil sabi niya makikipag-terno siya sa akin. Tumango naman siya.
“Okay, I’ll match it.” Umayos siya ng upo at saktong lumabas naman ulit si Sir Rama.
“Ito na. Gosh, feeling ko mas magugustuhan mo ito!”
~***~
It was a Wednesday and right after my appointment with Sir Rama ang his team, naasikaso na agad ang invitation ko at ito nga ako ngayon, pini-figure out kung sino ang iimbitahin ko sa classmates ko. I mean, hindi naman ako close sa kanila at halata namang ayaw nila sa akin, so why di ba? Nasa roses ko na ang invites nila at itong escort ko naman ang kasama ko ngayon dito sa may garden- kung saan kami nagkita noon.
“Invite mo iyong ex mo,” biglang sabi niya pa. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya.
“Ha? Bakit naman?”
“Wala lang, come on.” He shrugged.
Napaawang ang labi ko. “Ayoko nga! Hmp. Baka mainis lang ako, no!” Humalukipkip ako. Tinaasan niya ako ng kilay.
“What? You’re not over him?” he said in a judging tone. Ngumuso ako sa kanya.
“Tsk. No! It’s not that, okay? Ayoko lang siyang nandoon.”
“Come on, don’t you want him to see how you did so well after he dumped you?” sabi niya pa. Umirap ulit ako.
“No.” I firmly said. Humalakhak siya at inakbayan ako.
“Fine, fine. Ibigay na lang natin iyang invites,” sabi niya pa. Huminga ako nang malalim at saka tumango na rin. Tumayo na rin kami mula sa bench at akbay-akbay niya ako habang paalis kami roon.
I was still hesitant on what to do with the invites that day kaya hindi ko muna binigay but then the next day, nalaman ko na lang na binigyan lahat ni Ate Trish ang mga classmate ko ng invitation nang hindi ko alam.
OMG! Nakakaloka! Imagine my stress when I knew about that! But then what could I do na? Nandoon na kaya hinayaan ko na lang din. Having a debut was stressful indeed. Dinagdagan pang super busy na rin kami at papunta na kami sa graduation. Oh my gosh, I was so freaking excited already!
Mabuti na lang talaga at hands on din sina Mamsi at ang mga kapatid ko dahil kung hindi baka naloka na ako. Ang dami ko pa namang task sa council dahil patapos na nga ang taon tapos may inaasikaso pa akong college application. Di ba, ang dami kong ganap. Gosh.
“Ready ka na?!” excited na sabi ni Ate Trish habang nakaharap sa akin. It was the afternoon of my debut, yes debut ko na rin sa wakas ngayon.
Nasa kwarto ako at inaayusan ng makeup artist ko. “Yeah. I’m ready,” sabi ko pa. Ate Trish chuckled and shook her head
“Sige, gora ka na at nasa baba na ang mga bisita at ang roses mo. Yiee! Ang wafu ni Vench!” tudyo niya pa na agad kong inirapan. Buti na lang naka-blush ako ngayon. Gosh. Hindi halatang namumula ako kahit na ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha. Gosh…nakakalerkey naman ito
“Alright, sige na, sige na,” tumatawang sabi ni Ate. “Iwan na muna kita riyan,” sabi pa ni Ate. Tumango lang ako at hinayaan na lang siyang lumabas.
The venue of my debut is in our house lang pala kasi may pool naman kami rito. Super saya nga ng swimmers nang malaman iyon, e. I couldn’t help but laugh at their faces nang maalala ang moment na iyon. Napailing ako.
“Ayan, okay na!” Nabalik lang ako sa reyalidad nang sabihin iyon ng makeup artist. Mabilis kong tiningnan ang hitsura ko sa salamin.
I smiled to myself. Wow. I’m so pretty! Nakalugay ang hair ko tapos wavy iyon. Earth colors ang ginamit sa mukha ko kaya I looked to natural. Gosh. Ang ganda talaga! Napailing na lang ako at excited na tumayo na. Pinagpagan nila ang mala-fairy kong gown tapos ay inalalayan pa nila ako papunta sa labas. I took a deep breath bago ako tuluyang bumaba at pumunta sa entrada ng aming pool.
Everyone was on their seats na and the emcee was already speaking. I was just waiting for my cue to enter. I didn’t know why I felt so nervous at that moment, to be honest, but then when the double door opened and I saw Vench waiting for me, parang nawala na lang din iyon. Hindi ko na napigilan ang ngiti nang maaninag din ang mga kaibigan naming naroon.
My smile grew wider when he reached out for my hand. I gave my hand to him na rin and together we walked outside.
“Please welcome our debutant, Miss Resche Angelique Sanchez!”
Palakpakan ang bumungad sa amin. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid and I was actually surprised to see a lot of my classmates there. I mean, you can’t blame me. Di naman nila ako gusto. Naroon din ang buong council. Even Gab and his friends and Joan were there! Wow. What is happening in the world? Napailing ako.
Itinuon ko ang pansin sa aking mga kaibigan na todo cheer at kay Vench na hawak na ako sa bewang.
“You look so beautiful,” paos na sambit niya pa. Nakagat ko ang aking labi at napalingon din sa kanya.
“Thanks…”
“No biggie. Come on, let’s enjoy your birthday.” And he winked at me. That made my heart skip a beat again. What the heck. Thanks talaga sa blush on kung hindi baka para na akong bomba ngayon na sasabog na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top