chapter 16
"Sa wakas! Nakulayan na rin ang mga drawing!"
Natawa ako nang maghalakhakan ang aking mga kasama. I shook my head and I couldn't help but laugh with them na rin. Hay nako, it's really so much fun with them around. As in we just got back from our sembreak na super short. Back to school na kami at dahil nga hindi natuloy iyong supposed to be lakad namin noong sembreak, they decided na ngayon na lang kami lumabas. Shorten naman kami so I see no problem with it.
"Give me your books," sabi ni Vench sa akin. Ngumuso lang ako sa kanya at hindi pa binigay ang hawak kong libro. Nang di ko gawin ay siya na mismo ang kumuha na iyon. Umirap lang ako sa kanya at hinayaan na lang siya.
"Naks naman talaga ang gentleman!" sambit na naman ni Brice. Sumunod pang nang-asar iyong mga kasama namin kaya mas lalo akong napairap. Hay nako, nasasanay na lang ako sa mga ganyan-ganyan nila, no.
"Let's just go na. Mas maaga class niyo kaysa sa akin," sabi ko pa. Kasi naman, I'm the only STEM student here. Halos lahat sila either sports track or ABM naman gaya ni Vench and his cousins.
Narinig ko lang din ang pagtawa ni Vench. Napailing na lang ako at saka nauna na roon. Magkasabay kami ni Vench habang nasa likuran naman namin ang iba pa naming kasama. We were on our way palabas ng school. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao roon pero as usual, hindi ko na lang sila pinapansin.
"Saan nga tayo?" tanong ko pa nang makalabas na kami ng campus.
"Sa resto ni Lance, Pres," it was Landon who answered. Tumango-tango lang ako.Tumigil kami sa may pedestrian lane at naghintay ng go signal. Nang okay na ay saka kami tumawid. I even felt Vench's hand on my waist na inaalalayan ako sa paglalakad.
Just like the usual scene pag kasama ko sila ay maiingay pa rin sila. Grabe nga iyong tinginan namin pagpasok namin ng mall kung nasaan iyong resto nina Lance. I bet it's because we were so loud. Hindi ko na nasundan ang usapan nila kasi mostly hindi ko rin naman gets ang topics nila.
"Hey, guys, ano, order all you want, okay? It's on my tab," sabi pa ni Lance sa amin. Tipid na ngumiti lang ako at saka tumango. Nasa second floor kami ng resto nila and it seems like VIP room itong kinauupuan namin kasi kami lang dito and parang conference talaga siya dahil malaki. It suits us kasi ang dami namin.
Nasa kabisera ako tapos sa right ko naman si Vench at sa left si Brice. Para tuloy akong mother ng mga lalaking ito. Gosh. Ang dami ko naman agad anak, wala pa nga akong boyfriend.
"Resche."
"Thanks." I smiled at Vench and got the menu that he handed me.
We started looking at the menu. Kahit sa pagpili ng foods nag-aaway pa talaga sila at ang iingay nila. Hay nako.
"You want steak?" tanong ni Vench sa akin.
Tipid na ngumiti ako. "Hmm, I don't know yet, eh. Baka mag-pasta ako?"
"You should eat rice."
Tiningnan ko siya at napanguso na lang. Tinaasan niya pa ako ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"What?"
"Ang payat-payat mo. Kumain ka ng kanin," sabi niya pa.
Napailing na lang ako at saka napailing. "Fine. Kakain ka riin ng kanin." Tiningnan ko siya nang maigi.
Ngumisi ang mokong at tumango rin. "Yes, Ma'am." At tuimingin na rin siya sa menu. We started saying our orders when the waiter came back. Pareho pa kami ni Vench ng order. We got steak then rice kasi nga makulit siya. Tsk. Ewan ko ba riyan.
"Pati pagkain, couple? Iba kayo!" asar na naman ni Landon nang makita ang pagkain namin. Parang domino effect naman ang ginawa noon sa iba pa naming mga kasama.
"Che. Tumigil nga kayo. You should just eat." Pinanlakihan ko sila ng mga mata. Nagtawanan ang mga ito.
Ang kukulit talaga, e. "Hey, kumain na kayo. Ang iingay niyo," si Vench.
Doon lang sila tumahimik saglit pero nag-ingay rin naman agad after. Kahit kumakain ang iingay nila.
"Grabe, bilis ng panahon! College na pala tayo next year mga par!"
"Yown! Maraming chicks!"
"Gagu ka, Brice! Ewan ko sa yo!"
Nagtawanan ulit sila. Napailing ako. Then I suddenly thought about it. Gosh, magka-college na nga pala talaga kami... wow, ang bilis lang talaga ng panahon, huh... I mean parang kailan lang, I was entering my last year in high school tapos ngayon ay paalis na talaga ako ng high school. Until now, it still feels surreal for me.
"What are you thinking?" I blinked when I felt Vench nudging me. Napatingin ako sa kanya.
"Uhh huh?"
He chuckled and smiled at me. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. Ano'ng iniisip mo?" tanong niya pa.
Tipid akong napangiti bago tumango sa kanya. I sighed. "I just thought about how fast everything went this year. I mean, grabe. Parang kailan lang kasi we were still entering our final year in high school tapos ngayon we are about to exit na. Ang dami ring nangyari sa akin sa whole school year na hindi ko in-expect,e." Nagkibit-balikat ako sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin. Hindi pa siya nagsalita agad. Nakatitig lang siya sa akin like parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya naman masabi. I waited for some seconds, but he just smiled and didn't even say anything na. I just shrugged again and went back to eating na rin.
Ganoon din naman ang ginawa ng mga kasama namin. We were able to finish lunch at least ten minutes before their class. Itong mga ito, hindi man lang natinag na ilang minutes na lang at magsisimula na ang classes nila. Bahala sila roon. It's their class naman.
"Uy, wait, pose muna, guys! Pose! Cheese!" Earl took out his phone and nag-groupie pa kami sa labas ng resto ni Lance. We all smiled at the camera and then in the next pose naman we raised our frappe na nilibre ni Vench. "Yown! Tara na mga par! Galit na si Miss Alfajardo!" Tumawa si Earl at agad na tumakbo na. Nagsunuran naman sina Lance, Brice at Landon pati iyong iba na nagtatawanan din. Naiwan kami ni Vench na chill lang sa paglalakad.
Nilingon ko si Vench. "Aren't you going to run?" tanong ko pa at nag-sip sa frappe ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Inakbayan pa ako ng magaling na lalaki.
"Let them be, I'll be fine. Hahatid pa naman kita sa room ko, so it's fine if they go ahead," parang wala lang na sabi niya. Napahinto ako at agad na napatingin sa kanya.
"What?" takang tanong ko sa kanya.
"Hmm?" sambit niya pa. Napasinghap ako. I crossed my arms and looked at him with narrow eyes.
"No, you are not," mariing sambit ko.
"Why not?"
"Kasi ayoko. No buts!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Hindi ko na rin siya hinintay pang sumagot at iniwan na lang siya roon.
"Hey, come on! No fair!"
"No, Vench!"
"Bakit nga?"
"Bakit kailangan? Duhh! Bilis na nga! Tara na!"
Narinig ko siyang tumawa. Umirap lang ako sa kanya. Hanggang sa makapasok kami ng school, kinukulit niya pa rin ako pero di ko siya pinapansin. When we arrived nga sa building namin sinamaan ko pa siya ng tingin dahil gusto niya ngang sumama.
"Come on," rant niya pa sabay kamot sa ulo niya.
"No need nga. Go! Bye! See you later!" Ngumisi lang ako at saka tumakbo na paalis doon. Napailing na lang ulit ako habang paaakyat ng gfloor namin.
Medyo marami ng mga tao. Halos lahat ng mga kaklase ko ay naroon na. Ngumuso ako at tahimik na pumasok roon. I was just shocked nang pagpasok ko pa lang ay agad na nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. Napakunot-noo tuloy ako at napatingin din sa kanila.
I was used to their stares because of what happened the past few months, but then these stares right now are different. Hindi ko alam kung bakit but they were looking at me differently talaga. Parang may panghuhusga na naman at parang kakainin na ako ng buhay. I took a deep breath and sighed na lang bago pumunta na sa upuan ko. Bahala sila roon.
I slumped my butt on the chair. Sinubsob ko na rin iyong mukha ko sa desk. But then kahit na ganoon I could still feel them staring. It lasted for a while at nahinto lang nang pumaosk na ang teacher namin. Umayos ako ng upo at habang nagdi-discussion, I could still feel them staring. I ignored it the whole period pero nang matapos na ang klase, hindi na ako nakatiis at isa-isa ko silang tiningnan sa mga mata. That's when I started to hear their murmurs.
"Si Vench naman ngayon."
"Whole swimming team!"
"My gosh, why do they like her?!"
"Baka ginayuma."
"Oh my gosh."
Napasinghap ako. Nalaglag pa ang panga ko at hindi makapaniwalang inisa-isa sila ng tingin. Wow. So, that's it... the hell?
I didn't know but I felt like I wanted to laugh at them na lang. Gosh! Bakit ngaba hindi ko naisip iyon, duhh? I shook my head and smirked in disbelief na lang. I gathered all my things and wore my backpack. I was on my way out when I felt my phone vibrating. Nang tingnan ko iyon ay unang bumungad sa akin ang notification ko sa IG. It was a picture of me with the boys kanina. Account iyon ni Brice.
I stared at it for a while and then looked at my classmates again. Huh. Ito pala. Nasapo ko na lang ang aking noo at napailing na lang. Gosh. People. I shook my head and went out immediately na. Not to bother them or even entertain their intrigas but I just found myself na sino-story iyong post ni Brice. I closed my phone na tapos ay lumabas na roon ng tuluyan.
I heaved a sigh as I recall how I really changed after everything. I wanted to give myself a pat on the back for being able to live my life without listening to the clamor around me. That's good, Resche, that's good.
The next few days were still like that. It was like I went back to the time of the scandal that Gab put me through. Mas maingay ngayon, pero may hindi ko dama. Why? Because I chose to stay out of it. I didn't mind it. And siguro na rin dahil maiingay palagi iyong mga kasama ko kaya nao-overpower nila iyong ingay ng paligid.
I don't know how that issue died or kung paanong biglang tumahimik na lang ang lahat. All I knew at that time was that I was enjoying my time with myself and with my friends.
"Hey, Miss Pres!" iyon agad ang sumalubong sa akin nang makalabas ako ng building namin.
"What are you all doing here?" I asked them, yes, them. Nandito lang naman ang buong swimming team sa harapan ko like, oh my gosh... what the heck is happening?
"Wala lang! Gala tayo, Miss Pres!" si Landon ang sumagot. Tiningnan ko si Vench na nakatingin lang sa akin at nagkibit-balikat lang.
"You guys are weird," sambit ko na tinawanan lang nila. Napailing ako at hindi na nag-comment.
"Tara, manlilibre si Earl," si Vench na hinila na ako papunta sa kanya. Naghiyawan tuloy ang mga tao mokong kaya nagtinginan na naman ang mga tao. Napailing ako.
Nauna na kami ni Vench habang nakasunod sila sa amin. Nagkatinginan kami ni Vench. Nginitian niya pa ako at saka siya umakbay sa akin. We just continued walking through the corridors kahit na ramdam na ramdam ko iyong tinginan at bulungan nila. They feed chismis talaga, e. It's like chismis is their life blood or something,
"Don't mind them," I heard Vench say. Nangunot ang noo ko at tiningnan siya.
"I am not."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Really? You're not affected now?" sabi niya pa. Ngumisi lang ako at nagkibit-balikat.
"Not anymore."
He looked at me proudly then he tousled my hair. "I'm glad."
I chuckled and shook my head. "Yeah, whatever." It was his turn to chuckle. I then felt his hand on my waist. Binilisan namin ang paglalakad.
"Well, well, well... nakakita ka na pala ng bago mong bibiktimahin, Resche." I stopped on my tracks when I heard that statement. Maging iyong mga kasama ko ay napahinto na rin. Lumingon ako sa gilid and there I saw Gab and Joan. The latter was smirking at me, while Gab was just seriously looking at us, too. I couldn't help but shook my head lalo na nang makita ko ang iba nilang friends na naging circle of friends ko rin noon because of Gab. They were the same people who turned their back on me and started saying mean things about me, too. How nice, right?
I felt the boys kind of tensed up, so I immediately stepped up and looked Joan in the eyes. Ang galing, I could say her name na without being bitter or angry or anything. "What now? Aren't you done with your issues with me? And really? Paulit-ulit na lang. Look, I don't care about what you say to others or kung ano man ang pinapakalat mo or something. Go! Kung saan ka masaya at kung ano ang nagpapatulog sa iyo sa gabi. I don't really care. School's almost over, Joan. Move on din." I gave her a sweet smile before I urged Vench to walk away already. I heard the boys howling and laughing secretly. Maging ang mga taong nakatanawa ay parang na-shock din sa ginawa ko.
I sighed and suddenly, I had this overwhelming relief in my chest. I bit my lip and couldn't help but smile again.
"Bilisan niyo, my treat," I told them as we were going out of the campus and as expected, nagtatalon sa saya ang mga mokong kaya napailing na lang ako.
"You make me proud," Vench uttered. I looked at him and gave him a smile, too.
"You should know that I have you to thank for."
"Hmm really?"
I smiled more and nodded. "Really, Torres."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top