chapter 15

"Ano ba iyan! Ang tagal-tagal!"

Napakamot ako ng ulo habang stressed na stressed si Mamsi sa mga ate ko. It was 4 AM and we were already in the living room habang naghihintay sa magagaling kong mga kapatid. Kasi naman, ang tatagal nilang dalawa. It's the day of our outing and we were supposed to be leaving by 4 AM para nga masulit namin iyong pupuntahan pero iyong dalawa kong kapatid, ayun ang tagal-tagal magbihis at bumaba. Hay nako.

Napahikab na lang ako roon. "Wait lang po! Nandiyan na po!" I heard them shout. Mas nainis si Mamsi at na-stress pa yata sa kapatid ko. Napailing na lang ako at sumandal na lang doon sa may pinto namin.

I was getting bored waiting for them already. Nilingon ako ni Papsi. "Sige na, mauna ka na roon sa van," sabi niya pa sa akin. Ngumuso ako at saka muling humikab. Hindi na rin naman ako nagtagal pa roon at nauna na nga sa van namin. Pumuwesto ako sa third row sa may window at prenteng humiga roon. I got my blanket and covered it around me. I got my earphones na rin at nakinig na lang ako ng music habang naghihintay kina Mamsi at Papsi pati na sa mga kapatid ko.

"Ang tagal-tagal niyo kasi! Jusko kayong dalawa!"

"Sorry na nga, Mamsi!"

"Ito kasing si Ate Trish, e!"

"Hay nako, sige na, pumasok na kayo!" si Papsi.

Napailing na lang ulit ako at bahagya pang natawa sa pagtatalo nila. Prenteng umupo ako roon at mas binalot ang sarili ko ng kumot.

"Bilis na, Trish!" sabi pa ni Mamsi. I couldn't help but laugh again. Hinayaan ko na lang sila roon na nagkakagulo. Nang makapuwesto na ang dalawa kong kapatid ay umalis na rin kami.

I sighed as I closed my eyes. Balak ko sanang matulog na lang all throughout the ride but just when I was about to sleep na, nag-vibrate ang phone ko.

Ngumuso ako at saka tiningnan iyon. It was our GC (na GC talaga ng swimmers). They were so maingay. As in, sunod-sunod iyong mga chat nila roon. Gosh. Kung ano-ano na naman ang pinag-uusapan ng mga ito, e.

Brice:

Saan tayo ngayon?

Landon:

Tara gala!

Earl:

Arat mga pre!

Lance:

Game ako

Vench:

Pass. I'm out with the grannies

I pressed my lips together. Oo nga pala, may outing din sina Vench at ang kanyang mga lolo at lola.

I sighed and started typing because they were starting to tag me na.

Resche:

May outing din ako with the fam. Next time na lang ako sasama.

I hit send. Agad na nag-reply din agad sila. Vench's personal message then popped up.

Vench:

Where are you going?

Umayos ako ng upo roon. "Ehem. Sinong ka-text mo?"

"Ate!" I almost jumped on my seat nang biglang sumulpot si Ate Trish sa aking tabi.

"Sana all may ka-text," asar pa nilang dalawa. I groaned in frustration. Inilayo ko agad sa kanila cell phone ko.

Nagtawanan na naman silang dalawa. Napailing na lang ako. I continued chatting with Vench.

Resche:

Not sure kung saan kami, tbh. Why?

Vench:

Nothing. Baka lang parehas tayo? Hahahah destiny huh

Resche:

Lol. Shut up.

Vench:

Come on hahahah

Resche:

Che! Sige na. I want to sleep

Vench:

You're on the road already?

Resche:

Yep

Vench:

Wew. Destiny! HAHAHAHAH

Kami rin

I think we'll see each other after all huh

Resche:

Huwag ka ngang feeling duhh

Vench:

Yeah yeah whatever 😂😂

Resche:

Sige na nga

I'll sleep na bye

Vench:

Aight

I put down my phone finally. I shook my head and rested my head on the back of the chair again. I closed my eyes and finally drifted into sleep.

~***~

"Welcome to Isles Grande!"

Humikab ako nang marinig ang introduction na iyon. Sinabitan kami ng mga flower garlands nina Mamsi at Papsi pati na ang dalawa kong ate. I smiled at them bago ko inayos ang bag ko.

I looked around the place and was amazed to see that it was all white sand! Oh my! Tapos ang ganda pa ng dagat at ang linaw pa! Oh my!

"Gusto ko nang mag-swimming!" Ate Trish exclaimed. Mamsi laughed at her.

"Hoy, mag-check in muna tayo! Tara na!" Nauna na sila ni Papsi papunta sa admin building. Nakasunod kaming tatlo.

I was still looking around and I couldn't help but be in awe. Kasi naman! Ang ganda talaga! Makakapag-relax talaga yata ako rito! Gosh.

When we reached the admin building, sina Mamsi at Papsi na ang nag-asikaso ng mga dapat gawin then the next thing we knew, papunta na kami sa mga kwarto namin. Iisang kwarto lang kami ng mga kapatid ko tapos iisang kwarto rin sina Mamsi at Papsi.

I immediately dropped my body on the bed. My two sisters were already jumping and shouting.

"Swimming na tayo, ti!" Ate Tria said, screeching in excitement. Hinayaan ko muna sila roon at ibinaon na lang ang ulo ko sa kama.

Gosh. Kakaloka sila. Bahala na muna sila riyan. As much as I want to swim kasi ay mas pinili ko munang magpa-cuddle sa kama. Ang lambot kasi tapos ang lamig!

I heard my sisters were very excited to go out already.

"Resche! Di ka maliligo?" I heard Ate Tria.

Slowly, I looked back at them and I saw na nagbibihis na sila in their swimwears. I remained on the bed and just stared at them for a while. Umiling lang ako sa kanila. Gumulong-gulong pa ako sa kama bago nagtalukbong ng comforter. Lamig talaga!

"Mamaya na ako. I wanna sleep." I pouted at them.

"Ay nag-beach tayo para maligo, Resche. Anong drama iyan?" si Ate Trish.

Sumimangot ako sa kanya. "Inaantok pa ako," reklamo ko. Nag-irapan silang dalawa.

"Bahala ka riyan! Tara na Tria!" At lumabas na nga sila ng kwarto.

Nakahinga ako nang maluwag at muling naglumikot sa kama. I was peacefully resting my face on the pillow with my eyes closed when I heard my phone vibrating. At first hindi ko iyon pinansin pero it kept on vibrating kaya nainis na ako at kinuha iyon. I groaned as I tried to see what was happening with my phone already.

To my shock, it was Vench calling me. Napabalikwas tuloy ako nang bangon. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatitig sa caller ID niya.

"Anong trip ng isang ito? Seriously?" Hindi ko sinagot ang tawag hanggang sa namatay na iyon I kept on staring at it. Ilang saglit lang ay nag-ring ulit iyon.

It was Vench again. I stared at it for a while before sighing and answering it na lang.

"What?" I asked him. Tumambad sa akin ang kanyang naka-shades na mukha. From the looks of it, it seemed that he was on the beach or something, not really sure.

Tumawa siya sa akin. "Hey, where are you? Hotel room?" natatawang sabi niya pa habang kumakaway.

Nangunot ang noo ko sa kanya.

"Uhh yeah? How did you know? Bakit ka ba tumawag?" balik kong tanong. Umayos ako ng upo at saka sumandal sa headboard ng kama.

Tumawa lang ulit si Vench sa akin. "Come out! Ang KJ naman!" He laughed again. I looked at him confusely.

"Huh?"

Instead of answering, he turned the camera around. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang pamilya ko sa likod ng lounger.

"What the heck?!" bulalas ko at saka bumalikwas na ng bangon.

Vench laughed out loud again. "Told you we'll meet this vacation. Come on. My grandma is dying to meet you."

My face suddenly heated up. I bit my lip hard and swallowed hard. He was smiling from ear to ear bago niya inilipat ang camera sa parents ko at sa lola at lolo niya na nag-uusap. Yes, magkasama lang naman sila ng pamilya ko sa may pool area ng resort and OMG, I didn't even know na nandito rin sila! What a coincidence!

"Resche halika na!" nagulat ako nang biglang sumulpot sa camera si Ate Trish. What the heck talaga!

Hindi na ako nakapagsalita pa at mabilis na umalis na ng kama. Halos takbuhin ko pa nga ang papunta sa ibaba ng hotel,e. Hindi naman ako nahirapang hanapin sila dahil nakita ko agad sila sa may pool area.

"Resche!" Vench called and jogged towards me. I immediately halted when I saw his outfit. Kasi naman, he was so beachy. Halata swimmer talaga sa built pa lang. Naka-shades siya tapos topless at halatang kaaahon lang dahil medyo basa-basa pa siya.

Napatingin tuloy ako sa suot kong shirt at shorts. I looked so out of place! Muntik pa akong mapatalon nang hawakan niya ako aa braso.

"Tara, pakilala kita sa lola ko. Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin na niya ako palapit sa oldies. And oh gosh, my heart was rapidly beating the moment the oldies looked at our direction.

"Granny, si Resche po," si Vench na inilahad ako. Napakurap-kurap pa ako nang tumayo ang isang eleganteng babae na kahit na halata na ang edad, parang super radiant pa rin. Like shems. She's really his grandmother? She's just so beautiful! As in ang ganda niya gosh!

"Hello, hija, nice to finally meet you," sabi niya pa at saka lumapit sa amin. Nanginginig pa ang tuhod ko pero pinilit kong ngumiti para bumeso.

"Uhh nice to meet you po."

"Lo, si Resche," Vench said again and this time naman iyong lolo niya ang tumayo. Napahinga ako nang malalim at saka tiningnan ang lolo niya.

"Finally, hija!" His lolo laughed a bit as if he was so excited to meet me at ang tagal na niyang gusto akong makita.

Na-awkward naman tuloy ako at napalunok. "Hello po," sabi ko na lang at bumeso na rin dito.

"Come, hija, come. Sakto, nagla-lunch kami," sabi ng lola niya tapos ay giniya ako sa table kung nasaan ang parents ko habang ang mga kapatid ko ay nasa pool at nagtatampisaw. Oh gosh. Nakakaloka, I couldn't even speak!

Ang dami kong tanong! Kung makapag-usap ang parents ko at ang grandparents ni Vench parang ang tagal- tagal na nilang magkasama ang everything! Oh gosh, oh gosh!

"Nako, sa wakas, na-meet na rin namin kayo," Vench's grandmother said. Papsi laughed a bit.

"Ay, kami rin naman!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Vench. Pinanlakihan ko pa siya ng mga mata dahil wala akong ideya kung anong nangyayari at parang may hindi yata ako alam?

"Pakwan," sabi niya pa tapos ay binigyan ako ng hiniwang pakwan.

Nag-aalangang kinuha ko naman iyon. Tumikhim pa ako at saka tinanggap iyon.

"Ang cute niyong dalawa! Smile naman!" narinig kong sambit pa ni Ate Tria na noon ay nakaahon na sa pool. Nakatutok na sa amin ni Vench ang camera kaya napangiti na rin ako at nag-click na ang camera.

"Ayun, groupie naman!" Ate Trish exclaimed. Hindi na naman ako nakapagsalita dahil kanya-kanya na kaming pose. My gosh. What is happening with these people? May hindi talaga ako alam,e. Kakaloka!

~***~

I watched my parents while they were having wine with Vench's grandparents. Until now, I still couldn't believe that they're that close na! Maggagabi na at nasa resto na kami ngayon at katatapos lang kumain. Nakatanga kami ni Vench sa isang table for two habang pumapapak ng ice cream de leche namin for dessert.

"Tell me again, how they met and how they became friends?" sabi ko sa kanya habang hindi pa rin tinatanggal ang aking tingin sa mga magulang ko.

I heard him chuckle a bit. Nang tingnan ko siya ay ngumisi lang siya. "They just met earlier. It happens na nakita ko kayo sa may entrance so lumapit ako kina Tito at Tita and I introduced them to each other, that's it," aniya pa na para bang ang simple- simple lang ng ginawa niya.

Napasimangot ako at sumubo na lang ng ice cream. "Ang bilis pa rin," sabi ko pa.

Tumawa lang ulit siya sa akin at saka

Ĺumiling. "Well, madaldal silang lahat,e."

Ngumuso ako at bumuntong-hininga. Tiningnan ko ulit ang oldies at talagang vibes na vibes sila!

"Next year, meet the parents ka na," bulong niya pa. Kinurot ko lang siya sa braso at sinimangutan ulit.

"Tumigil ka nga," sabi ko pa.

Ngumisi lang siya sa akin. "What? It's true. Uuwi sila and usually, there's a party dinner at the house. I will invite my friends over, so yeah, I'm gonna let you meet my parents, too."

Marahan niyang kinuha ang kamay ko at tipid na pinisil iyon. Napailing na lang ako at saka huminga nang malalim. Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ulit ng ice cream ko. Ngumuso ako at saka sumandal sa balikat ni Vench. Hindi siya umimik at hinayaan lang ako roon sa kanyang balikat. Moments later, naramdaman ko ang paggalaw niya.

"Picture," sabi niya pa. Umayos ako ng upo at saka humarap sa kanyang camera. We both smiled then he clicked the shutter.

Natawa ako nang bahagya. Ilang pose pa ang ginawa namin bago siya tuluyang makontento sa mga picture.

"Let's go outside," aniya pa at walang ano-ano akong hinila. Dinampot ko na lang tuloy ang ice cream ko at saka nagpatianod sa kanya.

"Saan tayo?" tanong ko pa.

"Sa beach front," sagot niya at saka ako hinila.

"Wait lang. Dahan-dahan. Iyong ice cream ko!"

The brute just laughed at me. Kinuha niya ang hawak kong ice cream at saka aki pinatakbo papunta sa dalampasigan. Napailing na lang ako at saka sumunod lang din sa kanya.

Nang makarating kami sa beach front, I was amazed pa dahil ang ganda-ganda ng mga series light na naroon. As in ang gaganda talaga nila! Gosh.

"You like it?" he asked. I nodded multiple times.

"Yep."

"Glad you like it." He chuckled. I stopped on my tracks. Napalingon ako sa kanya at tiningnan siyang maigi. Napakurap-kurap pa ako sa kanya

"You made this?" takang tanong ko.

Ngumisi ang mokong at nagkamot pa ng ulo. Tumikhim siya. "Well, yeah, I let them make it," sabi niya pa.

Napasinghap ako at saka napatakip ng bibig. "But why?" takang tanong ko pa, hindi alam kung ano ang ire-react. Napalunok ako.

Nagkibit-balikat lang siya at huminga nang malalim. "I just want to make this special. I mean...basta..." Tumawa siya at nag-iwas na ng tingin.

I look at him weirdly. Napatingin tuloy ako sa dagat. Huminga ako nang malalim. "Ang lakas mo naman yata sa staff?" tanong ko pa. Tumawa lang siya sa akin.

"Well, they have no choice. I'm their boss' grandchild."

"What?" Napalingon ako sa kanya. Kagat-kagat na niya ang labi at saka napapailing na tiningnan niya na lang ako.

Oh my gosh! This is their resort! Oh my gosh!

"Chill. You know what, let's just eat your ice cream while looking at the calm sea. Tara. It can calm our nerves, too, I swear."

Doon ko lang napansin ang isang parang sarong na nakalatag doon sa may tapat namin. I looked at him in amusement again.

"Napakahanda mo naman," sabi ko pa. Tumawa lang ulit siya at saka umupo na roon.

Kumakain ako ng ice cream habang pareho kaming nakatingin sa dagat.

"Why are you a swimmer?" I asked out of nowhere. Ang awkward kasi so I decided to open a topic na lang.

"Hmm. I guess, it's because I love how the water makes me calm and at ease. Ever since it has been my hobby. Nadala ko na rin iyon hanggang sa lumaki ako. I loved the splash of the water. It makes me feel good. And also because everytime I win, nandoon sina Mommy at Daddy." He smiled, but even so, I still got to see how sadness went through his eyes.

I bit my lip a bit. "You're not that close with your parents?" I asked him, hesitating.

Tipid na tumawa siya. "Hmm hindi naman sa ganoon. Siguro ano lang, sobrang busy lang nila. But then yeah, I understand. I do. So it's not a big deal, really." He gave out a sigh.

Ngumuso lang ako at tumango na lang. I didn't dwell too much on it na.

"What about you? Do you always like serving?" he asked me back the question. Tumikhim ako at tumango.

"Yeah. I like serving and leading." I shrugged.

I felt him staring at me. "I know I can see it."

Nilingon ko siya. He was smiling at me already. I gave him an equal smile.

"Yeah. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam, e."

"Yeah, I know. I know how much it makes you feel good, too. So you continue it, Miss Pres. I know it has been a rough road, but always remember that you are so much more. You are great by yourself. You are worth it. Everything about you is. Whatever bad things they say, you don't deserve those. Listen to yourself and to people who matter." He looked at me intensely as he said those words.

I couldn't say a thing. I didn't know what to say. All I knew was that at that moment, something touched my heart again. Then I realized how fucked up my life has been the past years because I chose to be with people na pinaplastik lang siya at ni hindi ako pinapahalagahan. Now, I felt like I was just so lucky. Parang may ginawa akong tama kasi b-in-less ako ni Lord ng ganitong mga tao.

Vench might be annoying and all but I'm really really thankful for him. I couldn't thank God more than enough for him and also for his friends.

"Thank you for everything, Vench," I sincerely said. He reached for my hand again and squeezed it.

"Always, Miss Pres. Always." For a moment, I felt my heart skip a beat and that foreign feeling overpowered my heart again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top