chapter 1

"Miss Pres! May follow up po ang admin sa calendar natin. Yung run down din po ng activities pina-finalize na."

I almost rolled my eyes when I heard that. I sighed and stood.

"Forward ko mamayang gabi, don't worry," sabi ko na lang tsaka kinuha ang bag ko.

Inayos ko ang pagkakasabit noon sa aking likod saka ako tuluyang lumabas ng council. Humawak ako sa magkabilang handle ng backpack ko habang binabagtas ang corridor papunta sa classroom namin. Thirty minutes na lang bago magsimula ang homeroom period namin. Wala na ngang mga tao pa sa corridor at mukhang nasa mga kani-kanilang classroom na.

Pagkarating ko ng room namin ay sinalubong ako ng napakaingay na classroom. Agad na kumunot ang noo ko at tiningnan ang buong classroom.

Bakit ang ingay? Nasaan ang class president?

Halos lahat ng mga classmates ko may kani-kanilang mga mundo. May mga nagmi-make up pa at ginagawang TLE room ang classroom. May mga nagja-jamming then may mga nagbabatuhan. Seriously?

Ugh. Napairap na lang ako. MIA ang class pres namin at mukhang wala namang kwenta ang ibang mga officers. Sa inis ko ay mabibigat na hakbang ang ginawa ko pagkadaan ko ng aisle. Nasa pinakaharap at pinakagitna kasi ang upuan ko.

Naramdaman ko pa ang mga titig nila. Nagbulong-bulungan pa na dinig na dinig ko naman. I stopped in the middle of the aisle and turned to my right. Nakita ko yung dalawang babaeng nagbubulungan. They seemed so shock when they saw me.

Umirap ako at naglakad na lang ulit. Pagkarating ko sa aking upuan ay pabagsak akong umupo roon. Bumalik na rin sa pag-iingay ang mga kaklase ko.

Tss. Whatever.

Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ang notebook ko. My first class will be Calculus kasi. Basic Cal na actually at na-trauma ako sa Pre-cal last year so kailangan ko talagang mag-double effort, I guess. Isa pa, I'd rather focus on my studies than other unimportant things na nakakaubos ng energy.

I sighed and gulped.

I bit my lip and arranged my things sa desk ko. Rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan ng mga kaklase ko at ramdam ko rin ang mga tinginan nila sa akin.

Tss. I know why they're like that. It's been a week actually at hindi pa rin nagbabago ang mga tingin nila sa akin. It toned down, but there's still those judging looks as if may ginawa akong karumal-dumal at kahiya-hiya.

The problem with people is that they don't know when to freaking move on.

Gosh.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at saka itinuon ang atensyon sa binder ko.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin ang homeroom teacher namin. Doon lang sila nagsitahimikan. It was just the usual reminders for us. I just kept my head down while our adviser was talking about different topics from time to time. Napahikab na nga o ako sa sobrang tagal matapos ng homeroom.

"Okay, I'll just see you later then, Grade 12," sa wakas ay paalam ng adviser namin.

"Bye, Miss!" my classmates said in chorus.

I sighed and sat properly. Binuksan ko ulit ang binder ko. My classmates started talking stuff again. Ingay na naman nila as usual. Umirap ako.

Hindi na rin naman nagtagal at pumasok na ang first subject namin. And hell, Basic Cal is one hell of a subject!

That lasted for an hour and a half and it just feels like forever! Ugh. Nang mag-bell na ay mabilis akong lumabas ng classroom at dumiretso ng council room. Hindi na ako nag-abala pang bumili ng snacks since alam ko namang magiging busy lang din ako. Isa pa, I don't think I can wander around the campus. Not when everyone's looking at me like I am some person who's to be ashamed of. Tss. Yeah right. Yeah right.

Bumuga ako ng hininga at saka pabagsak na umupo sa isang upuan dito sa conference room ng Student Council Room.

Walang tao rito. Hindi naman nagpupunta ang mga co-councils ko rito. Well maybe because they know that I will be here. These days, gusto ko na lang na manatili sa isang sulok ng isang room o kahit saan basta mag-isa ako. Basta wala akong kasama at walang nakatitig sa akin.

Their stares just make me irritated...and angry.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at saka bumuga ng hininga. Gosh. Mariin akong umiling at saka kinuha na lang ang aking iPad. I checked my planner, too to see my to-do list.

I just need to get over with thise calendar thingt then I can watch any films again. They give me the drive despite the shits the past days.

****

They day was boring. So boring na wala akong ginawa kung hindi magmukmok sa office kung wala sa klase. Halos mga alas singko na nga ako nakalabas ng council kasi may meeting pa ako for the school calendar. It's just so tiring. Nakakainis pa yung mga tinginan ng mga studyante.

"Anak?"

Agad akong napaayos ng upo nang dumungaw si Mamsi sa pinto. Nginitian niya ako at saka siya tuluyang pumasok sa kwarto ko. May dala siyang isang baso ng gatas.

Tipid akong ngumiti at inayos ang comforter ko. Naka-indian sit ako sa kama at nakasandal sa headboard. May unan sa hita ko at doon nakapatong ang laptop ko. Nagre-review kasi ako sa mga subjects ko. Tapos nagre-review pa ako ng mga proposals ng mga activities ng mga orgs.

Bumuntong-hininga si Mamsi at umupo sa gilid ng kama ko.

"Nako, ang sipag naman nitong aking hija! Mag gatas ka muna, o! Baka naman stress na stress ka na sa school!" sabi niya pa at ibinigay ang gatas sa akin.

Huminga ako nang malalim kinuha iyon. Abot-tenga ang ngiti ni mamsi sa akin. Tipid na lang ulit akong ngumiti at ininom yung gatas. Nag-iwas ako ng tingin.

If only they know how stressed I am already. I'm used to pressure eversince kasi nasa council naman ako palagi. From bottom to top nga ang peg ko sa officers kaya medyo adjusted na ako. Yung pinagkaiba lang naman ngayon ay dahil doon sa issue. That freaking issue is getting into my nerves and that makes me so freaking stressed. Nakakainis kasi. People just can't mind their own business!

Bumuga ako ng hininga at inilagay ang baso sa bedside table ko katabi ng kama.

Agad namang kumunot ang noo ni mamsi at hinawakan ako sa balikat.

"May problema ba, anak?"

Humugot ako ng hininga at saka umiling. " Wala po. Nakaka-pressure lang ang isang subject ko," sabi ko na lang.

Sandai pang tumitig si mamsi sa akin tapos ay tumango.

She caressed my left cheek and then smiled.

"Okay, sige. Wag kang masyadong magpa-stress. Enjoy pa rin anak. Last year mo pa naman na sa high school." Ginulo niya ang buhok ko at saka tumayo na. "Ubusin mo na iyang gatas at dadalhin ko na ang baso palabas," sabi niya pa.

Ngumiti at tumango lang ako. Kinuha ko yung natitirang gatas at inubos yun. Inabot ko rin iyon kay mamsu pagkatapos.

"Good night, po," sabi ko.

"Good night, anak. Tulog na ha."

"Opo, mamsi."

Hinintay ko na munang magsara ang pinto bago ako muling bumuntong-hininga at saka umayos ulit g upo. Pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa ng mga files at mga kailangan sa council. Nang medyo ma-drain ako ay nagdesisyon na lang akong mag-scroll na lang sa FB. It's been days na rin since last ako nag-open evesince that issue happened.

Ewan wala lang ako sa mood.

Tinakpan ko ang aking bibig at saka humikab habang nagso-scroll down.

Napahinto lang ako nang mamataan ko ang isang parang confession page na nakapangalan sa Glorious.

My forehead creased as I stared at the post.

Glorious Confessions

Blind Item #00A
Sinetch itey na ni dumped ng isang hottie varsity dahil hindi ma -keri ang kanyang attitude. Ang malala pa ay nagpa-big show si fafang varsity sa mismong gitna ng school-lalo. Nakakalerkey!

I immediately bit my lip in frustration as I stared at it. The post was dated 5 days ago. Maraming nagla-like na kaibigan ko sa FB. Tadtad na rin sa reactions at comments. I didn't bother looking at the comments na kasi alam kong mas maiinis ako.

And yes, I freaking know kung sino ang tinutukoy nila. I know that this is our issues. Damn it. Seriously? Until now? Bakit pag chiamis ang tagal mawala? Pag lessons ang bilis maglaho.

Bwisit na ni-log out ko ang account ko at in-off ang aking laptop. I took a deep breath and sighed. This is just really frustrating. Those pakialameros and pakialameras are super annoying. Tss.

I slept my irritation that night. It's better to rest na lang. I had to remind myself not to open any social media accounts pa.

The next morning, as usual, hinatid ako ng service namin. Kasama ko pa rin sina ate at ako ang unang hinatid. It's just 6 AM at mamaya pa namang 7:30 ang homeroom ko so, I barely have 30 minutes. Instead of going to my classroom directly, I chose to head to the council. Mag-aarrange na lang siguro muna ako ng files doon while waiting.

I heaved a sigh and gripped the strap of my Anello backpack. I took my time in walking. Wala namang dapat pagmadalian. Isa pa, I love the morning breeze. It's so cold and it soothes my skin.

I looked down and continued walking. Nasa may field na ako nang makarinig ako ng mga bulong-bulungan. I stopped on my tracks and looked at the field direction.

Doon ako bahagyang napahinto. Wow. What a timing

"Yiee! Bagay na bagay!"

"Sureness!"

"Ito ang power couple!"

"Yeah! The basketball captain and the head cheerleader!"

Umingay ang mga naroon. The girls were screaming at parang mga binudburan ng halik. A lot of students were taking pics too while the girl inside the circle wo was holding a bouquet of flower was waving at them as if she won a pageant. The guy on her left was all smiles as he was draping his hands unto her waist.

That's his favorite move.

I swallowed the lump in my throat. I muttered a curse inside my head. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makagalaw. What the heck? Seriously, Resche? Right freaking now? Why the hell?!

Ramdam ko anag pag-init ng buong sistema ko habang nakatingin sa ex ko at sa bago niyang girlfriend.

What a freaking coward.

Really? He should've just say it right to my face instead of making me feel horrible about myself. Ako pa talaga ang sinisi? Ano ba namang sabihin niyang "Sorry, Resche, gusto ko yung cheerleader".

So freaking pathetic.

Muli akong lumunok. For some reason, I felt my eyes stinging. I don't like this. I cannot cry! Not here. Not in front of them. Gosh, siya lang nakakapagpaiyak sa akin sa sobrag inis at galit.

Humugot ako ng malalim na hininga at akmang maglalakad na sana nang bigla namang may bumangga sa akin. Sa sobrang gulat ko ay napamura aki nang malakas.

"Luh! Sorry miss! Sorry!" malakas na sabi noong lalaking nakabangga. Inaayos niya ang glasses niya at ang kanyang mga dalang libro na nahulog

Mas lalo akong nainis dahil napatingin na sa amin ang mga studyante roon. I could feel their stares right through me. Marahaskong nilingon ang mga nasa field and once again, I saw those chismis looks. Papalit palit pa ang mga tingin nila from me tapos kina Gabriel at Joan.

I felt more irritated. My schoolmates began murmuring something that made me cursed. I fixed my glance at the nerd fixing his things. Inis na tinulungan ko na lang siya para matapos na. Nang matapos siya ay mabilis siyang umalis. He didn't even looked at me! Oh my gosh! Now I'm stuck here with those freaking people staring at me like I'm some sort of chismis.

I gritted my teeth and clenched my fist. I wanted to walk away but para akong pinako sa kinatatayuan ko. Freak.

"Uy si Pres, o."

"Oo nga sist."

"Gosh, ang awkward nito!"

Marahas kong nilingon ang mga iyon at sinamaan ng tingin. Mabilis din naman silang nagsi-iwas ng mga tingin.

Bumuga ako ng hininga at mas ikinuyom ang mga kamay ko. Now I feel everybody's stare again. Parang naulit na naman yung sa first day and that was freaking hell.

Huminga ako nang malalim at saka akmang sasamaan na naman ng tingin ang mga ito nang biglang may humila sa akin paalis doon.

Oh my gosh?!

Nanlaki ang mga mata ko hindi na ako nakapagsalita pa dahil tuloy tuloy lang kami sa paglalakad. I just stared at the guy who was pulling me. Naka-uniform siya tapos at nakasukbit sa kaliwang balikat niya ang isang strap ng bag niya. I was facing the big check on the back of his black backpack.

I was about to ask him saan niya ako dadalhin but then we just stopped inside the school garden. Doon niya ako binitiwan. Napanganga ako at kinunutan siya ng noo.

"Excuse me?"I said.

He's still not facing me. I heard him sigh. May kinuha siya sa bulsa ng slacks niya. Sinundan ko yun ng tingin.

"Here..." sabi niya sabay abot ng handkerchief na kulay blue.

My forehead creased even more.

"What is this?" I asked.

He shrugged, still not looking at me. Inabot ko yung panyo.

"Use it to wipe your tears. Di ako titingin, promise." Nagpamulsa siya.

Napatitig ako sa likod niya at napasinghap.

"I'm not gonna cry no." Umirao ako at sinioat ang handkerchief niya.

Doon siya humarap sa akin. I even heard him chuckling.

"Well that's not what I saw on the first day of school."

My eyes widened and face him. His messy hair danced with the wind here in the garden. His jawline was perfectly shaped because of his smirk. I gasped and looked at his hankerchief again. Doon ko nakita yung imprint sa may dulo ng panyo.

Vench

Gulat na tumingala ako sa kanya.

"Vench..."

He clicked his tongue and grinned even more. He even gave me a thumbs up.

"Yeah, that's me...pres."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top