I. Silence with Aroma (Original and extended version)

Note: Entry ko 'to para sa isang wricon pero nagkamali ako ng gawa kaya pinalitan ko ng konti 'yung content ng isang book ko with the same title din. If gusto niyo i-read 'yong second version nito, hanapin niyo lang po sa profile ko. Same lang naman sila ng title.

Same lang din naman 'yong laman nito at nu'ng book na 'yon pero 'yong characteristic ng male lead doon sa other book, iba. Medyo tangek kasi ako hindi nagbabasa nang maigi kaya ito 'yong unang nagawa ko.

Maikli lang 'to pero if magkaroon ako ng chance na habaan convo nila, ie-edit ko talaga. Wait, baka mas mahaba pa 'tong note ko kaysa sa mismong story kaya ito na nga. Enjoy reading po! Sorry sa mga typos ang grammatical errors. Advance sorry din kasi baka kilabutan kayo sa mababasa niyo kahit hindi naman 'to horror genre HAHAHAHA!

▪▪▪

Naglalakad ako rito sa Mall kung nasaan ang restaurant na pagkikitaan namin ng blind date ko– na bestfriend ko ang may pakana.

Lagi siyang namimilit sa akin na makipagdate ako dahil siya raw ang naii-stress sa akin sa pagiging single kahit 25 na ako.

Baka raw tumanda akong dalaga kaya dapat daw lumusong na ako sa isang relasyon sa ganitong edad. So, kapag matanda na hindi na pwedeng makipag-relasyon, gano'n?

Pero dahil sa sobrang kakulitan ni Rose, pinagbigyan ko na rin ng matapos na ang pinuputok ng butsi niya.

Ilang saglit pa ay huminto na ako sa tapat ng restaurant na napagkasunduan. Actually, napagkasunduan namin ni Rose.

Siya na namili ng id-date ko tapos siya pa rin ang namili ng place, galing! Well, ganito naman talaga kapag blind date. 

Wala akong alam sa date ko kahit initials ng name niya. Tanging ang ayos niya lang ngayon ang alam ko na si Rose din ang nagsabi.

Naka-white loose long sleeve polo at khaki pants siya. Naka-brush up din buhok niya at may salamin.

'Yan ang chat ni Rose. Pagkaka-describe pa lang parang nakaka-intimidate na lalo na't nakasalamin pa.

Nahiya naman ako sa maroon dress ko kapag tumabi sa kanyang naka-white. Baka magmukha akong devil.

Sinabi ni Rose 'yong outfit sa akin para raw kahit reservation naman, eh may ideya pa rin ako sa porma. Hindi naman nakatulong ang pagde-describe niya ng outfit, kaloka!

Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa tapat ng restaurant. Ganito ba talaga ang makipag-date? Nakakakaba at pagpawisan ka ng malamig?

Hindi ko pa nakikita ang date ko pero kinakabahan na ako. Paano pa kaya if nakaharap ko na siya?

Hindi ko rin alam if nasa loob na siya ng restaurant o ako ba ang nauna. Napa-aga kasi ako ng 15 minutes. Hindi naman sa excited o ano, nasanay lang talaga akong maaga lagi.

Napagkasunduan kasi na 6:00 PM ang date. Si Rose din ang pumili ng oras ng date namin. Lahat na talaga siya, eh 'no? 'Wag lang sana akong ipahamak at baka sindikato pala 'yong magiging ka-date ko, charot!

Mayamaya pa ay tumigil na ako sa kaka-isip ng kung anu-ano at pumasok na ako sa restaurant.

"Good evening, Ma'am! May reservation po?" tanong sa akin ng isang waiter ng restaurant na nakatayo sa tapat ng kahoy na mesa.

"Yes, under Rose Lopez name," sagot ko rito.

Sandali niyang tiningnan ang isang list saka nginitian ako at sinamahan sa table namin.

Dinala niya ako hanggang terrace ng restaurant. Napahanga naman ako sa ganda ng view. Kitang-kita ang city lights mula sa taas. Nasa third floor kasi ng mall itong restaurant.

Tiningnan ko naman ang mga table at gano'n na lang ang kaba ko nang makita ang isang lalaking nakatalikod  na nakaputing polo. Nasa pinakadulo ang table na p'westo niya.

Konti lang ang tao rito sa terrace at siya lang naman ang may suot na gano'n at naka-brush up pa ang buhok.

Mukhang siya na nga 'yon.

Tama nga ang hinala ko nang dinala ako ng waiter hanggang sa table na p'westo ng lalaking nakaputi.

Nagpasalamat ako sa waiter bago tingnan ang lalaking naka-upo. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang magsalubong ang tingin namin.

Wait, he looks so familiar. Siya ba 'yong--

Hindi pa ako nakaka-upo sa table namin ng biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa hawak kong pouch bag.

"Take a sit," nakangiting sabi nito sa akin. Tinanguan ko siya at kabadong nginitian din saka naupo na.

"P-p'wede ko bang munang i-check ang phone k-ko?" tanong ko.

"Sure. Kaya kong maghintay basta para sa'yo este sa gagawin mo." Tumawa siya nang mahina habang nagkakamot ng ulo.

Wait, bakit ang sarap sa tainga ng tawa niya? Wait, ang landi ko agad!

Nginitian ko siya at kinuha sa pouch ko ang phone saka ito tiningnan. Nag-text si Rose.

Bes: Hi bes! Nasa restaurant na raw 'yong blind date mo. Goodluck!

Me: Bakit itong pinsan mo ang nasa harapan ko? Siya ang blind date ko?

Gulat akong nakatingin sa cellphone ko. Ine-expect ko na friend ni Rose o katrabaho niya ang ipapa-date niya sa akin pero hindi ko naman inaasahan na pinsan niya pala ang ipapa-date niya sa akin.

Inilapag ko na ang phone ko sa mesa para madali ko itong matingnan kapag mayroong ng reply si Rose.

Tiningnan ko na ulit ang ka-date ko at muling nagsalubong na naman ang aming tingin.

"S-sorry, nag-text kasi si Rose," sabi ko.

"Mukhang may ideya ka na kung sino ako." Tumango-tango siya at nginitian ako. "Pero magpapakilala pa rin ako. I'm Isaac Medina, pinsan ni Rose." Nilahad niya ang kanang kamay niya sa harap ko at inabot ko naman ito. Parang may kuryente namang dumaloy sa kamay ko kaya mabilis kong binitawan ang kamay niya.

"I'm Summer Romero. K-kilala na kita since nababanggit ka sa akin ni Rose at friends din tayo sa facebook," sabi ko.

Madalas nga kita i-stalk, eh!

"Sana in person hindi lang friends, joke!" Tumawa siya.

Lalong kumabog ang dibdib ko nang banggitin niya 'yon kaya wala na akong nasabi.

"By the way, Rose told me na may pagka-mahiyain ka. P'wede naman tayong mag-usap ng tahimik para mas komportable ka," sabi nito.

"Huh? Paano?" Taka ko siyang tiningnan.

"Mahilig talaga ako mag-explore ng kakaibang gimik. Gusto ko rin 'yong medyo unique." Ngumiti ito.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya saka nagsalita, "Then?"

Kinurot ko naman ang hita ko sa ilalim ng mesa dahil ngayon ko lang na-realize ang sinabi ko. Baka akalain niya tinatarayan ko siya dahil sa tanong ko.

May kasabihan pa namang na first impression last. Gusto ko na mag-facepalm sa totoo lang. Lalo lang akong kinakabahan, eh!

"Naisip ko lang na mag-chat kaya tayo habang nagd-date?" Tipid itong tumawa. "Pero nasa sa'yo pa rin ang desisyon kung sasabayan mo ang trip ko. Ang priority ko lang naman dito ay maging komportable ka." Nginitian niya.

Parang natunaw naman ako puso ko sa sinabi niya. Baka mamaya hindi na lang puso ko ang matunaw, baka buong pagkatao ko na.

Pero maganda rin 'yong naisip niya. Ako kasi 'yong tipong tao na nauutal kapag sobrang kinakabahan na. Buti nga at hindi ko 'yon nadala sa trabaho kasi nasanay na rin naman ako. Pero iba kasing sitwasyon 'to, eh!

Mas komportable nga ako kapag sa chat mag-uusap pero parang nakakahiya pa rin since kaharap ko pa rin siya. Tapos hindi naman p'wede na 'yong side ko lang ang iisipin.

Baka kasi siya naman ang hindi komportable ro'n. Tapos kakain pa kami mamaya.

"O-okay lang naman. Pero okay l-lang ba sa iyo 'yon? Baka hindi ka m-maging komportable kasi magdi-dinner tayo, 'di ba?" tanong ko.

"Okay lang sa akin 'yon, don't mind me! Sanay naman ako makipag-chat habang kumakain," sagot niya.

Siguro maraming nakaka-chat 'to? Malamang, gwapo siya, eh kaya hindi na rin nakakapagtaka na maraming nagcha-chat sa kanya.

"Baka sabihin mo marami akong nakaka-chat, ha? Sadyang nasanay lang ako dahil sa business. Hindi rin maiwasan na makipag-chat habang kumain para magsagot ng nga tanong ng online customers." Tumawa ito. "So, let's chat?" dugtong niya.


Nabasa ata nito naiisip ko.

Tumango ako sa sinabi niya.  Napagkasunduan na nga namin na sa chat na lang mag-usap kaya hinawakan ko ang phone ko at binuksan ang WiFi since free naman 'yon dito.

Nakita ko rin na may reply na pala si Rose sa text ko kanina.

Bes: Ayaw naman kitang ipagkatiwala sa iba kaya hindi na ako lumayo, si Isaac na lang!

Hindi ko siya ni-reply-an at sa messenger nag-focus. Bigla namang nag-chat si Isaac.

Isaac: Hi!

Me: Hello..

Isaac: Akward? Kahit magkaharap tayo, magka-chat tayo? Sorry nadamay pa kita sa kalokohan ko.

Me: Okay lang naman.

Isaac: 'Wag mo na lang ako tingnan. Kunwari hindi tayo magkasama. Ako na lang titingin sayo.

Me: Dapat 'wag mo rin ako tignan, nakakahiya.

Isaac: Hindi ko maiwasan dahil ang ganda mo.

Me: hehe!

Isaac: Maganda ka talaga.

Me: :)

Isaac: Naiilang ka ata sa pagpuri ko kaya hindi ko na ulit sasabihin na maganda ka talaga. Ay, nasabi ko pala. HAHAHA! Papakilala ulit ako. I'm Isaac, 26 years old. May pinapatakbong business.

Me: I'm Summer, 25 years old. Nagta-trabaho ako sa isang Hotel as Front Desk Officer.

Isaac: Nabanggit nga sa akin ni Rose. Lahat na ata ng tungkol sa'yo nabanggit niya na HAHAHA!

Me: Si Rose talaga hehe!

Isaac: Nag-order na pala ako. Rose also told me your favorites. Ayokong maghintay ka nang matagal.

Me: Thank you!

Isaac: Hindi ko kinalimutan ang frappé. Kalimutan ko na raw lahat 'wag lang ang frappé. Aaminin ko na medyo weird 'yong combination sa kakainin natin pero gaya na rin ako para match. Sana tayo rin, match sa isa't isa.

Me: Ang hilig mo talaga bumanat hehe!

Isaac: Hindi ka ba komportable?

Me: Okay lang naman.

Isaac: Ganito lang talaga ako HAHAHAH!

Me: Nagkaroon ka na ng girlfriend, no?

Kahit alam ko na nagkaroon siya, tanong pa rin. Pero tama ba 'tong pagtatanong ko? Takte!

Me: Sorry, too personal ba?

Isaac: Nope! Normal lang naman magtanong ng ganyan sa date. Nakatatlo ako, college pa 'yon. Masyado kasi akong focus sa career overseas kasi may inasikaso rin akong business doon. Ikaw?

Me: NBSB and focus din sa career.

Isaac: Nasabi nga ni Rose. Nagtanong pa, no? Pero match nga talaga tayo.

Me: Ang daldal talaga ni Rose.

Isaac: Madaldal talaga 'yon. Kakauwi ko lang tapos nagkwento agad about sayo. Dumating na ang order, let's eat?

Me: Sige!

Isaac: Okay lang ba i-continue 'tong chatting?

Me: Okay lang naman i-continue. Natawa pala ako kay Kuya waiter. Parang nagtataka na hindi tayo nag-uusap.

Isaac: Napansin ko rin.

Me: Baka iniisip niya nag-date pa hindi naman pala mag-uusap at nagpo-phone lang.

Isaac: Unique ang date natin hayaan na. Napansin ko pala humahaba na ang chat mo.

Me: hehe!

Isaac: Ang komportable naman sa feeling ng amoy ng frappé.

Me: That's the reason why frappé is my favorite.

Isaac: Parang ikaw lang. Komportable agad ako kahit saglit pa lang tayo magka-date.

Me: Banat! Pero ang totoo, komportable na rin ata ako.

Isaac: Really? Magpapa-pansit na ko samin!

Me: Funny!

Isaac: Totoo!

Me: Wag ka ganyan, pigil tawa na ako.

Isaac: Let it out!

Me: Kahiya! Pagtinginan pa.

Isaac: Don't worry, may sarili naman tayong mundo.

Me: Damay mo pa ako! Natatawa ka nga. I heard it!

Isaac: Hilig ko talaga ang tumawa.

Me: hahaha!

Isaac: Ano tigil na ba ang chat?

Me: Okay lang naman sakin.

Isaac: Hindi ka na nahihiya? 

Me: Hindi na siguro?

Isaac: Siguro? Edi continue pa natin!

Me: Hahaha! Uy, sorry pala dinamay ka pa ni Rose sa kalokohan niya.

Isaac: Ang totoo niyan, I volunteered to be your date.

Me: Weh? Pinagtatakpan mo lang ata si Rose.

Isaac: Nope! The truth is, I like you...

Teka, i didn't expect this to come.

Me: Totoo? Hindi joke time?

Isaac: Nope!

Me: Kelan pa?

Isaac: Rose 23rd Birthday. Hindi mo ako napansin dahil may kausap ka.

Me: I don't know what to say...

Isaac: Hindi naman ako nagmamadali. Kilalanin pa natin ang isa't isa.

Tiningnan ko siya at nakatingin rin pala siya sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Pero ang totoo talaga, mas nauna akong gustuhin siya at hindi niya pa ako kilala no'n. Ayoko munang sabihin dahil ayokong magbigay ng false hope. Hindi ko naman sure kung nagbalik ba ang pagkagusto ko sa kanya.

Naalala ko 'yong mga panahong tinitingnan ko siya sa malayo. Naka-upo ako mag-isa sa isang coffee shop no'n.

Nakita ko siya, naka-upo. Kagaya ng sinabi niya, hindi niya rin ako nakita dahil may kausap siya, ang girlfriend niya.

Matagal ko na siyang gusto pero may girlfriend siya kaya hindi ko rin ma-share kay Rose.

Nanahimik na lang ako no'n habang hawak ang frappé na amoy na amoy ko. Buti na lang at may frappé na nag-e-exist to comfort me.

Maamoy ko pa lang, ayos na ako.

"Sched tayo ulit ng date?" tanong niya.

"Sige, sched tayo. 'Yong tayo na ang magpa-plano," sabi ko.

Marami pa kaming napag-usap nang gabing 'yon. Mas naging komportable na kami sa isa't isa at hindi na sa chat nag-usap.

I think, masasabi ko na hindi naman pala ako sawing-sawi. May oras lang ata talaga na itinakda para magkita ulit kami, 'yong masaya na at hindi na ako tatanaw kasama ang frappé na hawak ko noon.

Ending? No, nagsisimula pa lang ang k'wento ko.

Pero wait lang, ayaw niya raw pala akong maghintay nang matagal pero pinaghintay niya ako? Charot!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top