Ending Our Love Story -O2
The moment I heard his voice ulit, I think the world literally stops, and my breathing instantly paused. The moment I looked in his angelic face again, feels like the very first time I've meet him, many years ago.
'Zion,' pagsambit kong muli sa kanyang pangalan, ngunit hanggang sa aking isipan nga lang. Ang tagal na palang hindi ko ito nabigkas, at sobrang namiss ko iyon.
Sa boses niyang malaki at buong-buo, sa mala-anghel niyang mukha, and his bisaya accent, gosh. Namiss ko talaga itong tao na 'to.
"Oy By, nganong nihilak man ka? Karon pa gani ta nagkita pagbalik, tapos iiyak ka kaagad, ano ba yan, By," agaran niyang sabi, nagrereklamo kaagad, ng mapansing umiiyak na pala ako, tapos lumapit pa talaga siya upang mapunasan ang mga luha ko. Ni hindi ko man lang naramdamang umagos na pala ang aking mga luha.
'Hindi ka parin nagbabago, Zion. You're still the old madaldal, sweet and caring na Zion na nakilala ko noon,' hindi ko mapigilang sabi ko sa aking isipan, habang nakatitig parin sa nanunuyo niyang mukha.
"Marunong ka parin talagang magbisaya, Zion, no?Akala ko hindi na," unang mga salitang nasabi ko matapos kong umiyak.
"Aba syempre By, usa to sa daghang mga hobby nga akong ginatipigan sulod sa akong kasing-kasing hangtod karon, because it is special. Kasama ba naman kita," seryosong sagot niya na may pakindat-kindat pang nalalaman.
Isa rin pala sa naging gawain namin noon, ay ang matutunan ang iba't-ibang lenguwahi in the Philippines. It's either a Cebuano, Hiligaynon Ilokano at iba pa. Pero yung Cebuano talaga ang pinaka-favourite niya.
"Hay nako, andiyan ka naman sa pakindat-kindat mong yan, Zion. Tiligan mo na nga ako't hindi na iyan uubra pang muli sa akin. Siguro noon, oo, pero hindi na ngayon. I'm happily married now, you know," sagot ko sa kanya na itinaas pa ang kanang kamay kong may singsing.
Natahimik naman siya bigla, at napayuko.
'Oh no, may nasabi kaya akong mali,' nakokonsensya kong tanong sa aking isipan.
Lumipas ang ilang minuto na nanatili siyang tahimik at nakayuko. Akala ko talaga hindi na siya magsasalita pang muli. Ngunit nagulat na lamang ako, nang bigla siyang mag-angat ng ulo na may malaking ngiti ng nakapaskil sa kanyang mga labi.
"I am happy for you, By. But before natin ungkatin ang ating 'past', pwedi ba kitang yakapin?" Sabi niyang bigla, na totoo talagang masaya siya, at humihingi pa ng permiso.
"Oo naman, Zion. Bakit naman hindi, para namang hindi tayo mag-ex nito," natatawa kong sagot sa kanya, na siyang ikinalaki lalo ng kanyang mga ngiti.
When he opens his arms widely, wala akong pagdadalawang-isip na nilapitan siya at mahigpit na niyakap. From the momentum that I was in his arms again, it feels like home. Sobrang namiss ko siya, namiss ko yung 'kami' noon, pero hanggang doon nalang yon, mananatiling alaala sa kahapon.
When I smells his scent again, thousands of memories came flushing like floods in my head. Ang sarap sa pakiramdam na makita siyang muli, na mayakap siyang muli, at ang muli siyang makausap ay talaga namang sagot sa dalangin.
"Ano yung payuko-yuko mo kanina? Bagong style mo ba 'yon?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Ang weird lang kasi, bigla nalang tumahimik tsaka yumuko.
Natawa naman siya sa naging tanong ko, tsaka niya ako tiningnan, yung tingin na tila ako yung pinakamagandang babae sa lugar na 'yon. Laking gulat ko nang dampian niya ng halik ang aking noo, at wala akong nagawa upang pigilan siya. I just let him do it. Ni hindi man lang ako nakapagreact.
Nauna siyang bumitaw sa yakapan namin, pero nanatili parin kaming malapit sa isa't-isa, at nakayapos parin yung mga braso niya sa bewang ko.
"Ano nga ulit yung tanong mo?" Tanong niya sa tinanong ko sa kanya.
"Ano yung payuko-yuko kuno mo kanina? Bagong style mo ba 'yon?" Ulit ko na naman sa tanong ko sa kanya.
And for the second time, tumawa na naman siya, pero naging malakas na sa ngayon, dahilan upang pagtitinginan kami ng ibang tao.
"You silly girl, hindi yon style no, I just uttered a short prayer. Hindi ko kasi alam kung paano mag react after hearing you say, that you're married," sensirong sagot niya na pinitik pa talaga yung noo ko, tsaka ako pinaupo muli sa aking upuan.
"Did I heard you right? You were uttering a prayer, earlier?" Tanong ko sa kanya, nanigurado.
Tumango naman siya, may malaking ngiti sa kanyang mga labi, sabay sabing,
"Yes By, I am a Christian now," masaya at proud na sagot niya.
"Wow, I'm so glad you found Jesus, get to know Him, accepted Him, and now, you're serving the living God. I'm so happy to heard that, Zion," malalaki ang ngiti kong sagot sa kanya, totoong nasisiyahan na isa na siyang 'Christian'.
"Thank you, By. Ako nga eh, sobrang saya ko nang makilala ko si Jesus. Everything changed when I've met Him," dagdag niya pang sabi.
Right there and then, alam naming will talaga ni Lord na paghiwalayin kami.
---to be continued---
"Don't forget to vote, comment, and share."
Hanggang sa susunod na KABANATA, guys, see you in next chapter, my little Rainnedrops 🧡
God bless, everyone 💗
Pag-amping mo, kanunay 🤗
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top