THE NICEST GUY TURNED INTO A COLDEST ONE

-THE NICEST GUY TURNED INTO A COLDEST ONE-

I have a boybestfriend, his name was Xyron Montefuerte. We've known each other for a very long time, I guess ever since were 6 years old. We are very close, even the small things, our secrets, even it is dirty or not, all about our lives, we know. Actually, not all of my secrets because I have a secret, a big secret. That secret is 'I like him'.

By the way, I'm Hanakin Errason.
        

Habang umuupo ako sa kama ko, tulala, ay biglang pumasok si Xyron sa kwarto ko. Bigla nya akong hinampas ng kamay niya kaya nagalit ako at kinausap siya––syempre fake na galit lang.

"What is wrong with you?!" I shout at him. Then he just pout and bit his lower lip.

Pumunta muna ako sa banyo dahil feel kong umihi.

Pagkabalik ko, nakita ko siyang naka-upo sa kama ko habang ginagamit yung laptop ko.
Nanunuod lang naman siya ng Tiktok videos ni Vishnu.

Nung napansin niya ang pagdating ko ay bigla nyang ini-stop yung video saka tiniklop ang laptop ko at nilagay sa study table ko. Umupo siya sa tabi ko saka nagsalita.

"Idol na Idol mo talaga si Vishnu?" tanong pa niya.

"Ah? Ay hindi. Nasisiyahan lang ako sa mga background music niya kasi ang cute tsaka madami akong Idol na tiktokerist noh!" Sabi ko pa.

"Ahh" tapos tumango-tango pa siya.

"Iidlip lang ako saglit" sabi niya pagkatapos humiga.

Habang nakahiga siya, di ko mapigilang mapatingin sa mga mata niya, sa mukha, sa ilong at sa labi.

"Napakaamo talaga ng mukha ng lalaking to, may makapal na kilay, mapupungay na mga mata, mahabang pilikmata, matangos na ilong, makinis na mukha, mapupulang labi at perfect jaw line" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin parin sa kanya.

Habang dine-describe, bigla akong hinila ni Xyron ng malakas dahilan na mapasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ows ano ba! Kinikilig ako.

"Xyron bitawan mo nga ako!" Inis na sabi ko at agad din naman niya akong binitiwan.

TOK TOK TOK

Ano ba naman yan istorbo hahaha joke lang.

Tumayo ako saka binuksan ang pinto.

Si mommy lang pala.

"Oh mommy?" sambit ko.

"Magdidinner na kaya gisingin mo na yang si Xyron para makakain na kayo"

"Yes Mom. Susunod lang kami" sagot ko. Tumango lang siya saka sinara na niya ang pinto.

"Xyron" tawag ko sa kanya. Gumising naman agad siya tsaka nag-unat.

"Halika na nga!" sabi ko habang hila-hila ko kamay niya. Hindi siya tumayo kaya kinuha ko agad ang kamay ko.

"Mauna na lang ako sayo!" sabi ko saka tumayo.

Kring kring

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya agad din naman niya itong sinagot.

"Ahmm Xyron?" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman agad siya at nag-'what' look.

"Ahm mauna na ko sayo huh!" agad na sabi ko, tumango naman siya at lumabas na ko ng kwarto at pumuntang kusina.

"Oh anak, hintayin mo muna si Xyron para sabay na kayong kumain" agad na sambit ni mama, tumango lang ako.

Maya-maya ay lumabas na si Xyron na parang galit. Ano to? Bipolar?

"Iho, halika na, kumain na kayo nitong si Kin" sabi naman ni mama. Ngiti lang ang tanging isinagot ni Xyron.

Tahimik lang ang paligid habang kumakain kami nang biglang bumaba si mama sa hagdan at nagbigay ng ingay sa kusina.

"Oh ano, masarap ba iho?" agad na tanong ni mama. Tumango lang si Xyron saka ngumiti. Hindi ko na napigilan at tinanong ko na siya.

"Xyron, anyare sayo?" agad na tanong ko.

"Ahm nothing" mahinang sambit niya.

"Ok. Sabi mo eh" sambit ko nalang.

KINABUKASAN SA SCHOOL--

Bumalik na ang mga kaklase namin sa classroom galing lunch. Maya-maya ay dumating nadin yung professor at nag-discuss tungkol sa Philosophy.

"Hays, ang boring talaga noh" bulong ng katabi ko.

"Di naman masyado" sagot ko nalang.

Inismidan niya lang ako saka umidlip ulit siya kahit may professor pero di naman problema yun kasi kahit anong tanong ng professor ay masasagutan niya kahit na di siya nakikinig.

"Ok, that's all for today. Class dismiss" Sabi ng professor. Nagsitayuan naman yung mga kaklase ko at nagsiuwian na, 3 hours kasi yung Philosophy namin.

"Tara na" sambit ng katabi ko.

"Tara" sagot ko.

Hinatid na niya ako gamit ang Ferrari niya tsaka umalis din kaagad.



"Good morning Xyron" masayang bati ko.

Nilingon niya lang ako saglit tsaka nagbasa ulit ng libro.

"Ano kaya problema nito" bulong ko sa sarili ko. Umupo nalang ako sa tabi niya.

"Hoy! Ano ba nangyari sayo?" takang tanong ko.

"Nothing" sambit niya.

Isa nalang talaga!

"Ano nga eh?!" tanong ko ulit pero ngayon pagalit na.

     Tumingin siya saglit sa mga mata ko saka nag-iwas agad saka nagsalita.

"None of your business" sabi niya sa kalmado pero seryosong tono ng boses.
Dali-dali akong lumabas ng classroom. Akala ko susundan niya ko pero hindi. Nagdesisyon nalang akong umuwi at hindi na pumasok.

None of my business daw! Eh bestfriend ko siya at bestfriend niya din ako pero none of my business daw? Tsk nakakainis. Okay lang sana kung unang beses lang to na sinaktan niya ko pero pangalawa nato eh. Yung unang beses eh nong Wednesday, pagdating na pagdating ko palang sa school nun na nakita ko siyang may kahalikan na babae, eh di niya naman gawain yun eh tsaka ang aga-aga naglalandian sila, oo nakita niya naman ako pero pinagpatuloy niya parin ginagawa nila. Nakakainis lang at ang sakit.

        Many days had passed and di parin niya ako masyadong pinapansin. Ang weird lang talaga. Nagsimula to nung tumawag daddy niya sa kanya eh, nung nasa bahay namin siya. Simula non ay naging cold na siya sakin.
         

         Nakaupo ako ngayon sa table namin ng mag-isa, wala pa kasi si Xyron eh, siya kaya yung una samin lagi.

         Natigil ako sa pag-iisip ng nag-vibrate phone ko. Tinignan ko yun, text galing kay Xyron.

"Sorry" text niya.

Sorry? For what? Tss! Sorry mo mukha mo!

Weeks had passed, hindi ko na siya nakita pa until biglang lumapit sakin si Sarah, classmate ko.

"Nasa US na pala si Xyron, Kin?" tanong niya.

"U.S.?" Agad na tanong ko.

"Oo, di mo pala alam? Last week lang daw eh, dun na daw sya mag-aaral for personal reasons daw" sagot niya.

    
Kaya pala di ko na siya nakikita. Naalala ko yung text niya sakin, kaya pala nagsorry siya.

    

          Dumaan ang mga araw na lagi nalang akong malungkot at minsan ay umiiyak. Namimiss ko lang talaga siya. Hindi man lang siya nagpaalam tsaka ano ba ang dahilan niya?

Hayys. Makatulog na nga lang.



"COLLEGE NA TAYO" masayang sambit ng kaklase ko.

"Oo nga eh" sabi din ni Sarah.

        Sa mga nagdaang taon, si Sarah na ang kaibigan ko. Medyo nakalimutan ko na din yung lalaking nang-iwan sakin na di man lang nagpaalam.

        Pumasok na kami sa classroom namin at maya-maya ay dumating na ang professor.

"Good morning class" sabi ng professor.

"Good morning Sir" sagot naming lahat.

"Today, we were just going to introduce ourselves and after that you may do whatever you want since it's just the first day of school" mahabang paliwanag niya. Natuwa naman kaming lahat kasi relax lang ngayong araw na to.

        Pagkatapos naming magpakilala ay biglang may dumating. Isang babae at isang lalaki.

"Ohemge girl! Ang gwapo nung guy o!" turo ni Sarah sa labas.

"Eh pano ko malalamang gwapo eh nakaharang yung Prof sa door" inis na sambit ko. Bumaling nalang ang tingin ko sa lalaking katabi ng table namin ni Sarah, kanina pa kasi nakatingin sakin eh. Sasamaan ko na sana ng tingin pero napatigil ako dahil ang cute niya, imbes na sungitan ay nginitian ko nalang siya.

"Hi Miss!" agad na bati niya. Nginitian ko muna siya bago sumagot.

"Hi" sagot ko at nakita ko namang namula bigla yung mukha niya. Ang cute niya talaga, sobra.

       Magsasalita pa sana ulit ako nang magsalita yung Prof.

"Hey class, this two are your classmates, medyo natraffic lang sa ere so na-late sila ng dating, so introduce yourselves" sabi ng Prof sa lalaki at babaeng kakadating lang pero nakatingin parin ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay ngiti parin ng ngiti.

May nata-traffic ba sa ere? Patawa pala tong professor na 'to eh!

"Ahhhhhhhhhhhhh tili ng mga babaeng kaklase ko.

Ano ba naman tong mga to, ang ingay ingay.

"Hi I'm Xyron Montefuerte" sambit ng lalaki.

Wait who? Xyron? As in Xyron? Ah baka ibang Xyron!

       Di ko napigilang mapalingon sa harapan. Si Xyron nga, yung dating bestfriend ko.

       Napatingin siya sakin saglit at agad ko namang iniwas ang tingin ko. Bigla nalang kumalabit yung babae sa braso nya tsaka nagsalita.

"I'm Faithe Marco, I'm her fiancé"

Huh Fiancé? Okay.

"Woahhhhhh!"

"Yoahhhhhh"

"Bagay naman talaga sila!"

"Sos parang ang arte naman ni girl"

"Kung makakapit wagas"

         Ilan lang yan sa mga sinasabi ng mga kaklase ko pati na si Sarah.

"Ahm you may sit" agad na sambit ng prof sa dalawa. Soss, minamalas ka nga naman oh. Eh sa harapan nalang namin ang bakanteng table kaya ayun, dun sila umupo. Lumabas na yung prof saka nag-ingay na ang mga kaklase ko.

"Hey, kilala mo ba sila?" tanong ng lalaking katabi ng table namin, yung cute guy.

"Bytheway I am Charm Wallen" Sabi niya saka naglahad ng kamay para makipag-shakehands. Inabot ko naman agad yung kamay ko saka nakipagshakehands.

"Yung lalaki lang" sabi ko. Kumunot naman yung noo niya saka nagsalita.

"Anong lalaki?" tanong niya.

"Diba tinanong mo ko kanina kung kilala ko ba sila?" tanong ko rin.

"Ah oo nga pala!" sabi niya saka natawa. Cute nga, ang gulo naman hayys.


"Charm" tawag ko sa katabi ko. Ilang oras lang kasi ang lumipas naging close na kami sa isa't-isa. Sino ba naman ang hindi mo maging ka-close kung laging bumubuka ang bibig diba?!

"Ano yun?" tanong niya na hindi man lang ako nililingon, may sinusulat pa kasi sya sa notebook niya, yung homework namin, napakasipag niya talaga, homework nga diba? Pero sa school ginagawa. Hayy!

"Mauna na ako sa'yo sa cafeteria". Tumango lang siya at lumabas na ako ng room.

Si Sarah wala din kasi pinatawag ng prof.

Nag-order agad ako ng makakain ko at naghanap ng table.

"Asan na ba yung Charm na yun?" Bulong ko sa sarili ko.

Nagsimula nalang ako kumain at maya-maya ay may tumapik sa balikat ko.

"O? Ba't ang tagal mo?" Agad na tanong ko.

"Sensya na. May nagbigay lang ng love letter sakin at nakipag-usap sya saglit"

Ah talaga? First day na first day ah!

"Siguradong madami ang matatanggap mong love letter sa buong taon" paninigurado kong sabi sa kanya.

"Gusto mo ba?" Sabay lahad ng isang tupperware ng ulam na dala niya, minodo.

"Nagbabaon ka pala?" Agad na tanong ko.

"Oo eh! Gusto kasi ni mama na yung kinakain ko ay yung niluluto niya lang"

"Ah mama's boy ka pala" di yun tanong kundi statement.

"Parang ganun na nga" sagot niya.

Tumango-tango nalang ako. Maya-maya ay may umagaw ng atensyon ko. Si Xyron at si Faithe.

"Daig pa linta kung makakapit ah!" inis na bulong ko.

"Sino?" tanong ni Charm.

Teka?! Di ba bulong lang yun? Ba't naman narinig niya.

"Ayun o!" tapos ngumuso ako kung saan sila Faithe.

  
"Oy! Dito na kayo o!" masayang sabi ni Charm kina Xyron.

Wait! Tinawag niya?!

Hinampas ko siya sa balikat at pinandilatan ng mata.

"Halata ka masyado ih!" ngingiting sabi niya.

Ano naman ang nahahalata niya?!

"Na ano?"

"Na-inggit ka kay Faithe"

Ako?! Inggit kay Faithe? Ba't naman ako maiingit sa kanya?!

Nagulat nalang ako ng umupo sa tabi ko si Faithe at Xyron na may dalang pagkain.

Nakita kong tumingin siya sakin pero agad kong iniwas ang tingin ko.

Dahil sa inis ko, tinapakan ko ang paa ni Charm na nasa ilalim ng mesa.

"Aray"

Napatingin sina Xyron kay Charm na namimilipit sa sakit ng paa niya. Malakas ba yung pagkatapak ko sa paa niya?! Naku naman!

"Sorry Charm. Di ko sinasadya" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Bestfriend naman! Ang sakit kaya!"

Wait?! Ba't nya ako tinawag na bestfriend?!

Nagulat ako sa pagtawag niya sakin nun at maging si Xyron ay umangat ang ulo at tumingin kay Charm.

Ok. What was that look for?!


Many days had passed, ganun yung nangyayari, magkasama kami ni Sarah at Charm na kakain sa cafeteria at lagi ding tinatawag ni Charm sina Xyron at Faithe para yayaing umupo sa table namin–––na ginagawa din naman nila–––at ayun lagi nalang awkward ang paligid kasi di naman ako nagsasalita kasi feeling ko pag nagsalita ako, tutulo nalang bigla ang luha ko, ganun din naman si Xyron, di rin masyadong nagsasalita––twing tinatanong lang––si Faithe naman, mabait naman siya, friendly rin, kaya siguro siya nagustuhan ni Xyron at niyayang magpakasal kasi di niya gustong may umagaw kay Faithe, siguro? Tuwing tinititigan ko si Faithe at Xyron, di ko maiwasan ang kirot na nanggagaling sa left side ng parte ng katawan ko. Madalas ko ding nahuhuling nakatingin sakin si Xyron, minsan umiiwas nalang ako ng tingin at minsan din, tinataasan ko siya ng kilay, ganun lang.

"Nakinssi"

Agad kong nilingon ang tumawag sakin. Si Charm. Nakinssi ang tawag niya sakin kasi daw gusto niya akong tawaging 'Ms. Nakin' galing sa pangalan ko na 'Hanakin', kaya lang nag-suggest si Sarah na Nakinssi nalang daw kasi sa Korean, yung 'miss' nila ay 'Agassi' kaya 'Nakinssi' nalang ang tawag sakin ni Charm para maiba daw.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano na naman Charm-hyung?" tanong ko.

"Magkasing-edad lang tayo kaya wag mo kong tawaging 'hyung'" sabi niya sabay tabi sa upuan ko sa cafeteria.

[Sa Korean kasi yung mas matanda na lalaki sa kanila, dinudugtongan nila ng hyung ang pangalan. Meaning ng hyung kasi ay kuya]

"Ayan na naman sila" bulong ko habang nakatingin kina Xyron at Faithe na naglalakad papunta sa table namin.

"Naaapektuhan ka pa rin?"

Nilingon ko si Charm na nagsimula ng kumain.

"IDK" sabi ko nalang at nagsimula ng kumain.

Maya-maya lang, may tumapik ng balikat ko.

"Hey Hana" sabay upo sa tabi ko ni Faithe. Nilingon ko siya at nginitian.

"Hi" tipid na sagot ko.

Umupo na sila ni Xyron at nagsimula nang kumain.

"Hana punta ka sa engagement party namin ni Xyron next month a?" biglaang sabi ni Faithe na nakatingin sakin. Tinignan ko siya at nginitian.

"I'll try" sabi ko at tipid na ngumiti.
"Faithe may––" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumayo si Xyron at pinahiran ng kamay niya ang labi ni Faithe na may gravy ng fried chicken na kinakain niya kanina.

Aray. Ang sakit ng nakikita ko ngayon a?

Hindi ko na napigilan pa ang luha na nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahiran at tumayo na––kahit di pa ako tapos kumain.

"Mauna na ko sa inyo" sabi ko nang hindi man lang tumitingin sa kanila.

Aalis na sana ako ng pigilan ako ni––nilingon ko ang pumigil sakin.

Si Charm. Sino ba dapat? Hanakin naman! Move on ka na a? Move on ka na!

Nilingon ko si Charm na nagtatakang tinignan ako. Agad akong umiwas ng tingin at inalis ang kamay niya na nakahawak sa wrist ko.

"Nakinssi, umiyak ka?"

Di ko na napigilan sa pagbagsak ang mga luha ko, nag-uunahan silang bumagsak at gumulong sa pisngi ko. Ba't ganun? Napakaamo ng boses ni Charm, parang sinasabi niya na 'Umiyak ka lang, mawawala din yang sakit na nararamdaman mo'.

Agad-agad kong pinahiran ang pisngi ko gamit ang kamay ko saka tumingala.

"Ba't naman ako iiyak? Napuwing lang. Mauna na ako" at tuluyan na akong lumabas ng cafeteria, pero bago paman ako makalabas, may humigit ng kamay ko at hinila ako para mayakap.

"Charm"

Wala na 'kong pakielam kong maraming tao ang nakatingin samin ngayon. Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon, right here, right now, right in front of him.

Umiiyak na nga ako ngayon pero wala man lang ginawa si Xyron kundi manood lang? Siya pa ba yung Xyron na nakilala ko? Yung Xyron na kapag may lalaking tumawag sa pangalan ko, pandidilatan niya ng mata? Yung Xyron na siyang nagdedesisyon kung bibigyan ko ba ng chance ang mga nanliligaw sakin? Yung Xyron na laging karamay ko? Yung laging pumoprotekta sakin? Yung laging nandiyan tuwing may problema ako? Yung laging tumutulong sa mga homework ko? Yung katuwang ko sa lahat? Yung Xyron na ayaw na ayaw akong may kayakap na ibang lalaki bukod sa daddy ko? Siya pa ba yun? Mukhang hindi na ih! Hindi na! Kasi yung Xyron na nakikita at nakakasama ko ngayon, sobrang cold na, sobrang walang pakialam sakin, sobrang umiiwas sakin, sobrang sinasaktan ako, sobrang pabaya at lalong-lalo na yung Xyron na may pinapansing ibang babae kesa sakin!
Hindi na, hindi na talaga!






FAITHE'S POV

"Ayoko na! Ayoko nang saktan siya Faithe"

Hindi ko kayang pakalmahin si Xyron na nagwawala ngayon sa kwarto niya. Ilang araw na ang lumipas simula nung umiyak si Hanakin sa cafeteria. Alam kong nasasaktan siya samin ni Xyron, pero hindi ko kayang magpaubaya, hindi ko kayang ibigay sa kanya si Xyron!

Ginawa ko nga ang lahat para kumbinsihin si dad na magpapakasal ako for the sake of our company basta si Xyron ang lalaking yun! Noon pa lang, gusto ko na si Xyron. Nung unang kita ko palang sa kanya, sa Pinas yun––may kasama siyang babae, masayang namamasyal sa mall, masayang nagkekwentuhan––gusto ko ding maranasan yun, na magkaroon ng boyfriend na katulad niya.
He was my love at first sight, nung unang kita ko palang sa kanya, nainlove na ako, lalo na nung tinulongan niya ako sa mga lalaking malapit na akong gahasain, he was my hero kaya mas lalo ko siyang nagustuhan. Nagsikap ako, ginawa ko lahat para lang siya ang mapili ni daddy na maging fianceé ko. Kaya ayokong magpaubaya, selfish na kung selfish basta maging akin lang siya. Ang saya-saya ko nung nag-migrate siya sa U.S., that time, alam na niya na may fianceé na siya. Nung una, galit na galit siya, ayaw na ayaw niya sakin, ginawa niya lahat para lang magbago ang desisyon ng pamilya niya pero at last, wala siyang nagawa dahil pabagsak na ang kompanya nila at ang tanging makakasalba lang ay ang pagiging business partners ng Montefuerte at Marco Company, ayaw niya daw maghirap sila ng pamilya nila, kaya nalang siya pumayag.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko para pasayahin siya, para magpapansin sa kanya, at hindi ako nabigo kasi paglipas ng ilang buwan, niyaya niya akong maging girlfriend niya. Ayokong magpaubaya kay Hanakin! Magkamatayan man kami!

"Xyron, please calm down, ok?" bumuntong-hininga ako at kumapit sa braso tsaka siya inalalayan sa pag-upo.
"Malamang nag-iinarte lang ang babaeng yun, malamang napuwing lang talaga siya nun, kaya wag ka ng mag-alala. Magiging okay lang siya at nandun naman si Charm ih, they look suitable and perfect with each other"

Tumayo nalang bigla si Xyron at tinaliman ako ng tingin.

"Hindi siya maarte Faithe! Kilala ko siya! Alam kong nasasaktan siya sa mga ginagawa ko! Ayoko ng magpakatanga pa, I'm sorry" pagkatapos niyang sabihin yun, pumihit siya para umalis pero biglang bumukas ang pintuan at bumungas samin ang daddy niya.

"Da––" hindi na natuloy ni Xyron ang sasabihin ng bigla siyang sinampal ng malakas ng kanyang ama na si tito Mario.

"Ano yung narinig ko?! Nababaliw ka na ba?! Malapit na kayong ikasal ni Faithe kaya mag-isip ka! Wag kang maging selfish anak!" sigaw sa kanya ni Tito Mario.

Bigla nalang tumawa si Xyron.

"Really dad? Ako pa ngayon ang selfish? ALL THOSE TIMES? GINAWA KO ANG GUSTO NIYO, NAGING UTO-UTO AKO! NILAYUAN KO SI HANAKIN AT PUMUNTA SA U.S. PARA LANG MASALBA ANG KOMPANYA NATIN! OO, GUSTO NIYONG IPAKASAL AKO KAY FAITHE PERO DI NIYO MAN LANG BA NAISIP YUNG NARARAMDAMAN KO?! NI MINSAN BA TINANONG NIYO KUNG ANO TALAGA ANG GUSTO KO? LUMAGO NA ANG KOMPANYA NATIN, DI PA BA SAPAT YON?! THIS IS BULLSH*T!"

Napaawang ang bibig ni tito Mario sa sinabi ni Xyron. Halos pumutok na ang leeg niya sa kakasigaw sa daddy niya. Umiling-iling si Tito na tila hindi makapaniwala sa mga binitawang salita ni Xyron.

Ngumisi si Xyron at pumihit para umalis nang magsalita ulit si tito.

"Papatayin ko siya pag lumabas ka"

Kumuyom ang kamao ni Xyron sa sinabi ni tito.

"You can't do that" madiing sabi ni Xyron.

"Of course I can" sabay ngiti ng nakakaloko ni tito. Napangiti narin ako.

Ano ka ngayon Xyron?







HANAKIN'S POV

"Ano?! May sakit ka?! Kailan pa?!"

Hinampas ko si Sarah dahil sa lakas ng boses niya.

"Oo nga! Ilang ulit ko bang sabihin sayo para mag-sink in sa utak mo?" Inis na singhal ko kay Sarah.

Nag-pout lang siya at umiwas ng tingin.

"Sarah, alam kong gusto mong umiyak pero pigilan mo nalang. Di naman ako worth it sa luha mo" malungkot na sabi ko.

Bigla siyang tumingin at hinampas ako sa kamay.

"Anong hindi?!" di na niya napigilan ang luha niya sa pagbagsak. Namumuo narin ang mga luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ang pag-iyak.

"Sarah, okay lang naman ako" nakangiting sabi ko.

"Anong okay?! Okay pa ba yang lagay mo?! Okay lang ba sayo na may sakit ka?! Kasi ako, kami ng pamilya mo, hindi! Please, Hana, lumaban ka naman o? Gawin mo lahat! Magpa-confine ka! Magpagamot ka! Kahit na hanapin ko ang pinakamagaling na doktor sa buong mundo, mapagaling ka lang niya!" Naiiyak na sabi niya.

Napaiyak nalang ako sa sinabi niya.

Nginitian ko siya ng pilit.

"Gusto ko pang mag-aral. Ayokong magpa-confine kasi gusto ko makasama ka pa, si Charm. Gusto kong palagi ko kayong makita ni Charm, ni Xyron"

"Look Hana, kaya kong huminto sa pag-aaral, babantayan kita lagi sa ospital para lang makita mo ko araw-araw gaya ng gusto mo"

Napailing ako sa sinabi niya.

"Ayoko. Gusto kong mag-aral. Ayokong maipit ka sa sitwasyon ko" naiiling na sambit ko habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko.

Oo may sakit ako. Kahapon ko lang nalaman. Pamilya ko lang ang may alam nito––kahapon yun.

Iyak ako ng iyak sa kwarto ko, nasasaktan parin ako dahil kay Xyron. Ilang minuto ang lumipas, wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko, pinilit ko yung sarili kong umiyak, pero ayaw parin, naubos na siguro ang likido sa katawan ko. Tulala lang akong nakaupo sa kwarto ko hanggang sa bigla nalang umikot ang paningin ko at unti-unting nanlabo ang paningin ko. Sa bahay ako nawalan ng malay, sa isang puting silid naman ako namulat, sa ospital. Agad hinanap ng paningin ko si mommy. Nakita ko siyang nakaupo sa isang silya medyo malayo sa kama ko.

"Mommy?" Tinawag ko siya. Agad siyang nagmulat ng mata at nilapitan ako.

"Okay ka na ba anak? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Naiihi? Natatae?"

Natawa ako sa sunod-sunod na tanong sakin ni mommy, sinama pa talaga ang natatae?

Hinawakan niya ako sa mukha at tinitigan, ngayon ko lang napansin, namumugto ang mga mata niya.

"Mommy? Umiyak kayo?"

Agad niyang iniwas ang tingin niya at nameywang.

"Ba't naman ako iiyak anak?"

"Si mommy talaga o! In-denial pa eh halatang-halata na" sabay tawa ko ng mahina.

Tok tok tok

Agad niyang tinungo ang pintuan at binuksan ito.

"Doc" tawag ni mommy sa kanya.

"Did she already knew?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng doktor kay mommy.

Umiling si mommy at tumingin sakin, umiiyak siya.

"Mommy, ba't ka umiiyak?" pinilit kong tumayo sa hospital bed pero bigla nalang sumakit ang ulo ko, napakasakit nun dahilan para mapahiga ako sa hospital bed.

"Anak" agad akong nilapitan ni mommy na bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Mommy, what's happening? Bakit sumakit nalang bigla ang ulo ko?" naguguluhan kong tanong.

Iniwas niya ang tingin niya at tumingin sa doktor.

"Ikaw nalang magsabi. Hindi ko kaya" kasabay nun ang paghikbi ni mommy.

Ano bang nangyayari? Gulong-gulo na ako dito o?!

Lumapit sakin ang doktor at pait na ngumiti.

"Ija, huwag kang mabibigla a?"

"Teka! Ano ba talaga ang nangyayari?!" inis na sabi ko.

"Calm down ija"

Agad kong kinalma ang sarili ko gaya ng utos ng doktor.

"You have brain cancer" bumuntong-hininga siya "It's in your bloodline, may tumor ang utak mo. Hindi ka namin kayang gamutin kasi hindi naman kami sanay sa sakit na yan, tanging si Mr. Henregh lang ang makakagamot sayo and it will took a billion para lang mapagamot ang cancer mo, a billion can make your life back to normal, sa isang billiong yun ay gagaling ka, mapapapunta natin dito si Mr. Henregh sa Pinas para lang gamutin ka. Ija, siya lang makakatulong sa'yo, he's the greatest doctor in the whole world"

Napaiyak ako sa sinabi ng doctor.

"A b-billion? Wala kaming ganun kalaking pera...."

Hindi kami mayaman kaya sigurado akong hindi kaya ng pamilya ko na magbayad ng isang bilyon para lang sa pagpapagamot sakin.

"It's okay! Ibebenta natin lahat ng ari-arian at lupa natin anak, gagawin ko ang lahat para lang mapagaling ka"

Sunod-sunod ang iling ko sa sinuggest ni mommy.

"M-mommy, c-cancer na naman 'to, mahirap gamutin ang cancer, mabibilang lang ang pasyenteng gumaling dahil sa cancer. Okay na ako mommy, wag ka ng gumawa ng paraan para sakin, marami ka nang isinakripisyo para sakin, mas pinili mo ko kaysa sa career mo. Binitawan mo ang pagiging model para lang sakin, may choice ka naman noon na ipalaglag nalang ako para makapagpatuloy ka sa pagmo-modeling mo pero mas pinili mong buhayin ako, inalagaan mo ko, ginawa mo lahat para mataguyod at magkaroon ako ng magandang buhay kaya tama na okay? Okay na lahat ng ginawa mo sakin mommy"

Tama naman ako. Cancer 'to. Mahirap gamutin. Marami ng namatay dahil dito. Kaya, imposibleng gumaling ako diba?

Okay na. Tanggap ko na ang sakit ko. Haharapin ko ang kapalaran ko.

Pamilya ko lang ang may alam nito. Pero kani-kanina lang, di sinasadyang mag-eavesdrop ni Sarah sa usapan namin ni mommy, biglaan nalang siyang pumunta sa bahay namin kaya
narinig niya lahat––tungkol sa sakit ko––gaya ni mommy, kinokombinsi niya rin ako na magpagamot para gumaling, ibebenta niya lahat ng gamit niya para makadagdag sa pagpapagamot ko. Ayoko. Ayokong pumayag. Tanggap ko na ang sakit na 'to. Ito na ang kapalaran ko.

"Sarah ayokong sayangin niyo ang pera niyo para lang sakin" sabay punas ko sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko.

Niyakap niya ako at hinagod-hagod ang likod ko.

"Bes naman eeeee" sabay hikbi niya.

Okay na ako. I accepted this challenge, this worst challenge that happened in my whole life, I need to accept the fact coz' I know that I'll be the one who'll lose in this difficult challenge.


"Hi Charm" agad akong ngumiti pagkakita ko kay Charm na naghihintay sakin sa cafeteria.

Agad akong umupo sa vacant seat sa harapan niya at nakitang may pagkain pala siyang binili para sakin.

"Thanks" sabay kain ko.

Kalahati na ang nakain ko nang mapagtantong hindi pa kumakain si Charm kaya tinignan ko siya ng may halong pagtataka.

"Anong hinihintay mo? Kumain ka na kaya" sabay lahad sa kanya ng kutsara niya.

Ilang minuto ang lumipas, di parin sya kumakain.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Bigla nalang siyang umiling at tumingin sakin. May namumuong luha sa mga mata niya.

Bumuntong-hininga sya bago nagsalita.

"How can you smile when you're sick?"

Agad kong nabitawan ang kutsara at tinignan siya.

"A-ano bang sinasabi mo diyan...." Pinilit kong ngumiti.

"How did you hide your pain?"

May tumulong luha sa pisngi niya kaya agad niyang tinakpan ang mukha niya ng mga palad niya.

"How did you hide it from me?" patuloy ang pagsasalita niya habang tinatakpan niya parin ang mukha niya.

Agad akong tumayo at tumabi sa kanya. Agad-agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Bakit di mo agad sinabi sakin?" ramdam ko ang pagkabasag ng tono ng boses niya dala ng pag-iyak niya.

"Charm" di ko na napigilang umiyak habang yakap-yakap siya. Siguro parang timang na kami dito sa cafeteria, nagyayakapan at nag-iiyakan.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.

"Bakit?!"

"K-kasi tanggap ko na" nabasag ang tono ng boses ko dala ng pag-iyak ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inangat ang mukha ko.

"Nakinssi naman, sana sinabi mo kaagad sakin! Ilang araw mo na bang tinatago sakin to?!"

"Anim na araw" sabi ko habang iniiwas ang tingin.

"Nakinssi..." Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya at dun umiyak nang umiyak.

"Don't make me hard to leave, Charm"





"Anak! May good news ako sa'yo"

Agad-agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sakin ang nakangiting mommy ko, napangiti nalang din ako. Ilang araw ko na ring hindi nakikitang ngumingiti si mommy, dahil narin siguro sa lungkot sa nalaman tungkol sa kalagayan ko.

"What is it mommy?" excited na tanong ko sa kanya.

"Guess what is it" sabi niya na nakasilay parin ang ngiti sa labi.

Umirap ako sa hangin "Mommy, hindi ako manghuhula" sabi ko nalang.

"Stubborn! Sige na nga, I'll tell you na" bigla niya akong niyakap ng napakahigpit.

"M-mommy? H-hindi ako makahinga" pagrereklamo ko. Ang higpit kasi ng yakap niya sakin.

"Sorry. Naaalala mo pa ba yung sinabi ng doktor? Yung si Mr. Henregh?"

Sunod-sunod na tango ang ginawad ko kay mommy.

"Nandito siya sa Pinas anak! Nandito siya para sayo!" masayang sabi ni mommy.

"Mom, tell me, saan ka kumuha ng isang bilyon?"

Agad kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Yun nga din ang pinagtataka ko anak ih, pumunta pa talaga dito ang doktor ng hospital kung san ka dinala noong nahimatay ka para lang sabihing nandito si Mr. Henregh at libre ka niyang gagamutin"

Di ko mapigilang matuwa sa sinabi ni mommy. Dahil nga sa tuwa, tumalon-talon ako––tumalon narin si mommy––at niyakap si mommy ng napakahigpit.

Simula nung araw na yon, nagpa-confine ako sa Santiago Hospital para magpagamot. Sinimulan ang paggamot sakin ni Mr. Henregh, bago niya ako ginamot, kinuha niya muna ang bawat detalye tungkol sa katawan at lalong-lalo na sa utak ko. Maraming mga test ang ginawa bago ako inoperahan.

Limang buwan ang nakalipas bago ako magising, na-coma daw kasi ako pagkatapos ng operasyon at mabuti nalang, succesful ang naging operasyon. Hindi pa ako nakakapagpasalamat kay Mr. Henregh ng personal kasi bumalik agad siya sa France. Hanggang ngayon, nandito parin ako sa Santiago Hospital, kahapon lang kasi ako nagising kaya nagpahinga muna ako.

Napamulat ako ng may marinig na katok sa pinto.

"Come in" sabi ko. Umalis kasi si mommy at Sarah para bilhan ako ng pagkain, silang dalawa lang din ang pabalik-balik dito para bantayan ako, si Charm hindi pa pumupunta.

Bumungad sakin ang mukha ni Xyron.

Napaiyak ako pagkakitang-pagkakita ko sa kanya. Kung noon, dahil nasasasaktan ako na sila na ni Faithe, ngayon naman, dahil lang sa miss ko siya. I guess I moved on.

Pagkalapit na pagkalapit niya sa hospital bed ay niyakap niya kaagad ako ng mahigpit.

"I'm so sorry Hanakin! I'm so sorry! I really missed you a lot"

"I missed you too" nakangiting sabi ko.

Maya-maya kumalas na siya sa pagkakayakap sakin.

"Kamusta ka na?" nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako.

"Okay na okay na" magiliw na sambit ko.

"Mabuti naman" nakangiti ding sabi niya.

"Ikaw? Kamusta na? Kamusta na kayo ni Faithe?" sunod-sunod na tanong ko.

Bumuntong-hininga siya.

"Kinasal kami nung isang buwan, sayang kasi hindi ka man lang nakapunta sa kasal ko" malungkot na sabi niya. Mapait akong ngumiti.

"Mahal mo siya?" seryosong tanong ko.

Umiling siya "hindi" sabi niya.

"Mahalin mo siya a?" Sabi ko sa kanya sabay batok.

Tinignan niya ko ng matalim.

"Gumaling kalang, nambabatok ka na?" natatawang sabi niya.

Natawa nalang din ako.

"Matututunan ko ring mahalin siya" sabay ngiti niya ng malungkot.

"Balang araw" dugtong ko naman.
"Alam mo Xyron, mahal na mahal talaga kita, hindi lang bilang bestfriend pero bilang isang lalaki. Pangarap ko talaga noon na maging tayo sa huli. Lagi kong iniimagine nun na mag-e-exchange of vows tayo sa harap ng pari. Pero ayoko namang maging kabit no! Tsaka naka-move on narin naman ako"

Hindi ko alam bakit ko sinabi yun pero gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kung sabihin sa kanya yun.

"Akala mo ba ikaw lang? Mahal na mahal din kaya kita. Ginawa ko ang lahat noon para lang hindi matuloy ang pagpapakasal namin ni Faithe pero naaawa ako sa kompanya namin, nagsikap si mommy at daddy para lang mapalago yun kaya ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako ang anak nila kaya tutulungan ko nalang sila. Pero minsan talaga, gusto ko ng sumuko, gusto ko ng pumunta sa'yo at yakapin ka ng mahigpit kasi miss na miss na talaga kita kaya nga isang araw nagbalak akong puntahan ka, pagkatapos mong umiyak sa cafeteria, kaya lang binalaan na naman ako ni daddy, sinabi niya na papatayin ka niya kapag pinuntahan kita. Nagalit ako, galit na galit ako sa kanya nun pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala akong nagawa kundi sumang-ayon nalang sa gusto nila kasi ayaw kong mapahamak ka dahil sakin. Nagpakasal ako kay Faithe, tinanggap ko nalang lahat. Alam mo ba? Nang malaman kong may sakit ka, alalang-alala ako sayo, kaming dalawa ni Faithe, may pagkamaldita ang isang yun pero ramdam kong nag-aalala rin siya sayo, sino ba namang hindi diba? Kaya nga siguro iyak ng iyak si Charm nung araw na nakita ko siya sa bar"

Naiyak ako sa sinabi niya. Siguro yung yung araw na nalaman ni Charm na may sakit ako kaya pumunta siya sa bar.

"You deserve him, Hanakin" sabay pahid niya ng luha ko.

Tumango-tango ako.

Maya-maya lang, tumayo na siya at pinorma ang kamay niya para magpinky-swear.

"Pursue your dreams"

Napangiti ako. Siya parin pala yung Xyron na kilalang-kilala ko, hindi siya nagbago.

Tandang-tanda ko pa ang una naming pagkikita.

Nasa park ako noon, nakaupo sa swing habang tinutukso ng mga kaedad ko, 6 years old palang ako nun.

"Hahaha! Habulin mo daw ang pangalap mo hahaha! Bulol" sabay-sabay na nagtawanan ang mga kalaro ko. Sinimangutan ko sila.

"Mga kalawo ko ba talaga kayo? Ba't niyo ko inaaway?!" inis na sabi ko.

"Eh kasi, bulol ka" sabay tawa ulit nila.

Umiyak ako ng umiyak at yumuko nalang, habang sila, tawa parin ng tawa kaya nagtaka ako kung bakit sila huminto sa pagtawa. Tumingala ako at nakita ang isang batang lalaki na mukhang mayaman, kaedad ko rin.

"You! Why did you make her cry?!" galit na sabi ng lalaki sabay turo sa mga nagtatawanan sakin kanina.

Nagsiunahan sa pagtakbo ang mga bata palayo sa kinaroroonan namin ng batang lalaki.

Tumingin siya sakin at umupo sa tabi kong swing.

"Why did they laugh at you?" tanong nito.

Inirapan ko siya.

"Englishelo ka pala" sabi ko.

"What's Englishelo?" nagtatakang tanong niya.

"English" sabi ko nalang.

"Ahh Englishero ako? Sorry, we are from America kasi kaya I'm not used to speaking tagalog yet" sabi niya.

Tumango-tango nalang ako at tumingala sa langit.

"Why did they laugh at you kanina?"

Tinignan ko siya.

"Bulol daw kasi ako" sabi ko.

"Why? What did you say that made them say that you're bulol?" nagtatakang tanong niya.

"Sabi ko, 'hahabulin ko ang pangalap ko'" sabay pout ko.

"You mean 'hahabulin mo ang pangarap mo?' tanong niya. Tumango ako.
"There is an easy way para hindi ka na mabulol sa pagsasabi niyan" sabay ngiti niya.

Napangiti naman ako dun.

"Ano naman yun?" Interesadong tanong ko.

"Pursue your dreams" sabay ngiti niya. Nag-pout ako.

"Eh may letlang Al parin yun ih" sabay simangot ko.

"Al? As in R?" natatawa narin siya.

"Katulad kalin pala nila! Pinagtatawanan mo lin ako" sabay tayo ko at padabog na tumayo.

"Hey" tinapik niya ako sa balikat. Tinignan ko siya ng matalim.

"I'll teach you to speak better para they'll not tease you again" sabi niya. Sinimangutan ko siya.

"Mapapagod ka lang" malungkot na sabi ko.

"Hindi. Promise" sabay taas ng kanang kamay niya.

"Sige na nga" sabi ko sabay balik sa swing na inuupuan ko kanina at umupo ulit.

"Pursue your dreams"

"Puwsue youw dweams" sabi ko naman.

Lumipas ang ilang oras na pagtuturo niya sakin, nag-improve na yung pagsasalita ko, hindi na ako masyadong bulol.

"Samahan mo ko" maangas na sabi ko sabay tayo. Tumayo narin sya kagaya ko.

"Tara"

Pagkatapos ay pinuntahan namin kung saan naglalaro ang mga tumatawa sa pagsasalita ko kanina.

"Oy! Andyan na yung bulol o" sabay tawa ulit nila. Binelatan ko sila at nagsalita.

"Sinong bulol?! Hindi na ako bulol. Pakinggan niyo a 'hahabulin ko ang mgapangarap ko'! Englishin ko pa o! 'Pursue my dreams'" maangas na sabi ko.

Nagkatinginan ang mga nagtatawanan at tumango-tango.

"Sige na nga. Hindi ka na bulol! Laro nalang tayo"

Lumawak ang ngiti ko saking narinig.

Simula nung araw na yun, dumami na ang bilang mga gustong maging kaibigan ko. Simula din nung araw na yun, naging mas masiyahin at magiliw akong bata, naging matalik na kaibigan ko ang isang batang lalaki na hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya bago siya umalis at bumalik sa America. Anim na taon ang lumipas nang bumalik siya––sa di ko pa inaasahang pangyayari.

"Ano di mo sasabihin?!" galit na sabi ko kay Kiersha––kaaway ko na inggit sakin––habang hawak-hawak ko ang isang daliri niya na any minute pwede kong baliin kapag hindi niya pa sinabi sakin ang totoo.

"O-ouch! Fine! Sasabihin ko na" pagkasabi niya nun ay agad kong binitawan ang daliri niya at tumingin sa kanya na parang naiinip na sa kakahintay sa pag-amin niya.
"Ako nga ang nagsabi kay Owin na crush mo siya! Masaya ka na?!"

Aalis na sana siya nang hilahin ko ang buhok niya at pinulupot ko ang free hand ko sa leeg niya.

"Ba't mo sinabi sa kanya?!" nanggagalaiti kong bigkas sa kanya.

"Andiyan na si ma'am" agad kong binitiwan si Kiersha at nilapitan ang pinto ng classroom namin para tignan kung nandyan na ba ang guro namin. Nang mapagtanto kong wala, agad kong tinaliman ng tingin ang mga kaklase ko at isa-isang tinanong kung sino ang nagsabing 'Andyan na si ma'am' hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang lalaking may dala-dalang gym bag na nakangisi.

Agad ko siyang nilapitan at pinameywangan sa harap niya.

"Ikaw.ba.ang.nagsabi.nun? Familiar.guy?" madiing sabi ko.

"Uh-huh" sabay ngiti niya.

"May gana ka pang ngumiti? Hindi mo alam kung ano ang gagawin ko sa mga nag-iinterupt sa away ko"

Umatras siya. Yan! Matakot ka lang.

"Takot ka na? Hayaan mo, dadahan-dahanin ko ang gagawin ko" sabay ngisi ko sa kanya.

Ilang segundo niya akong tiningan at maya-maya, tumawa nalang bigla.

"Ako 'to! You forget me? Nakakatampo ka naman" sabay pout niya. Cute siya pero parang may sira sa ulo.

"Sino ka ba?!" maangas na tanong ko.

Umiling-iling siya habang nakangiti.
Kumulo agad ang dugo ko sa ginawa niya. Lalabas na sana ako ng classroom nang magsalita siya.

"Pursue your dreams"

Agad-agad na nagsibalikan ang mga ala-ala sa utak ko anim na taon ang nakalilipas. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Siya? Siya ang lalaking minsan ko ng naging matalik na kaibigan, ang lalaking tumulong sa pagpapa-improve ng pagsasalita ko, ang lalaking dahilan para hindi na ako maging bulol, ang lalaking umalis ng walang paalam na hindi ko man lang nalaman ang pangalan.

Nabigla nalang ako ng makitang nasa harapan ko na pala siya at nakangiti.

"It's me! Xyron Montefuerte"

Hindi ko alam pero parang unti-unting nabubuo ang pagkatao ko sa pagbalik niya, sa pagpapakilala niya.

Hindi ko alam kung paano ako nakalapit at nakayakap sa kanya.

"Sabi na ih, you didn't forget me" sabay higpit ng pagkakayakap niya sakin.

Simula nang bumalik siya, naging mas malapit kami sa isat-isa at naging mas matalik ko pa siyang kaibigan. Pero unti-unting nagbago ang naramdaman ko nung may nag-blind date sa aming dalawa nung foundation day namin sa paaralan. Simula nun, narealize ko na hindi lang pala kaibigan ang turing ko sa kanya kundi isang lalaking mahal ko na. Mas minabuti ko nalang na itago ang nararamdaman ko dahil alam ko na mas okay na 'to, na maging bestfriend lang siya for a lifetime kaysa naman maging ex niya in the future niya.

Napangiti ako sa naalala ko. Napatingin ako kay Xyron na kasalukuyang nakangiti sakin.

"Pursue your dreams" sabay pinky-promise namin.

Isang linggo ang lumipas at nakauwi na ako sa bahay namin. Laging dumadalaw si Sarah sakin, pero si Charm hindi parin. Nami-miss ko na siya.

Nagho-home study nalang ako ngayon para naman makahabol sa lessons pag nagpatuloy ako sa pag-aaral.

Nakatulala ako ngayon sa kwarto ko habang nakapangalumbaba. Linggo kasi ngayon at walang home study.

Ano ba gagawin ko?

Oo nga pala! Hindi ko pa napapasalamatan si Mr. Henregh.

Agad-agad kong binuksan ang laptop ko at tinawagan siya.

Maya-maya bumungad ang mukha niya na naka-doctor uniform pa.

"Hi Mr. Henregh" masayang sabi ko sabay kaway.

"How are you doin' Ms. Errason?" tanong nito sakin.

"I'm fine, perfectly fine! Thanks to you" nakangiti ko paring sabi. Tumango-tango siya bago nagsalita.

"Good" sabi niya.

"Mr. Henregh thank you very much for treating me. I really owe you a big one" nahihiyang sabi ko.

Umiling siya.

"No, it's fine. I've done that because Mr. Wal--" agad niyang tinakpan ang bibig niya sa sinabi.

Naguguluhan kong tinignan siya.

"What did you say Mr. Henregh?" naguguluhang tanong ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at pangamba dahil sa nasabi niya.

"No, no! It's nothing" sabi niya habang umiiling.

"Mr. Henregh? I know that you said Mr. Wal? Who's Mr. Wal?" nakakunot-noong tanong ko.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.

"Fine. My friend gave me a billion just to treat you. Mr. Wallen personally approach me to talk about you. His son, Charm, beg him"

Nabigla ako sa sinabi niya. Si Charm?

"At anong kapalit?!"

Hindi papayag ang daddy ni Charm ng walang hinihinging kapalit sa anak niya.

"He approved to marry their business partner's daughter"

Hindi ko alam pero tumulo nalang bigla ang luha ko dahil sa narinig.

"Tomorrow is their wedding"

Agad na nagsilabasan ang mga luha ko sa mga mata. No! That can't be! I need to help Charm! I need to help him! I know na hindi niya gustong ikasal sa babaeng hindi niya mahal.

Tinulungan niya ako, nagsakripisyo siya para sakin kay gagawin ko lahat para matulungan siya.

I decided na pumunta sa address na binigay sakin ni Mr. Henregh kahapon.

Nagpasama ako kay Sarah na pumunta sa France––kung saan naninirahan si Charm. Gumising ako ng napakaaga para lang maabutan ang kasal, 2:00 A.M. ang flight namin ni Sarah kaya siguro maaabutan pa namin ang kasal.

Habang papunta ang sinasakyang taxi namin sa simbahan, agad na nagsibalikan ang mga ala-ala nang sinabi sakin si Charm ang gusto niyang mangyari sa buhay niya.

"Charm, ano ba yung pangarap mo?"

Nagkekwentuhan kaming dalawa habang naghihintay ng order namin sa KFC.

Humawak siya sa chin niya at tila nag-iisip pa.

"I want to marry a girl na mahal na mahal ko" nakangiting sabi niya habang titig na titig sakin.

"O? Ba't sakin ka nakatingin?" taas-kilay na tanong ko. Agad niyang iniwas ang tingin niya.

"Sa'yo ba? Assuming kalang" sabay ngisi niya.

May tumulo na namang luha sa pisngi ko dahil sa naalala ko.

"Alam mo Hanakin" hinawakan ako sa kamay ni Sarah kaya napatingin ako sa kanya "Mahal na mahal ka ni Charm kaya niya ginawa yun" nakangiting sabi niya.

Ngumiti ako ng pilit.

"Naaawa lang siya sakin kaya niya ginawa yun" sabi ko sabay punas ng mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Ay? Manhid ka girl?"

Ngumiti ako ng pilit "Totoo naman yun. He only pity me" sabi ko.

"Bahala ka" sabay upo ng matuwid ni Sarah.

Maya-maya, huminto na ang taxi at nagbayad kaagad kami pagkatapos lumabas na.

"Ang laki naman" manghang sabi ni Sarah habang nakatingin sa kabuuan ng simbahan.

Tumango-tango ako "Malaki talaga pero yung oras na natitira, maikli lang kaya halika na" sabi ko sabay hatak kay Sarah papasok ng simbahan. Nakabukas naman ito pero may kurtinang nakatakip dahilan para hindi namin makita ang nasa loob ng simbahan.

"Is no one's against on this marriage?"

Kasabay ng pagsabi ng pari ay ang paghawi namin ni Sarah sa kurtinang nakatakip sa pinto ng simbahan.

Kasabay rin ng paglitaw namin ang pagliwanag ng buong simbahan dahil sa sinag ng araw kaya napatingin samin ang lahat ng bisita pwera lang sa groom and bride na nakatuon ang atensyon sa pari.

Magsasalita na sana ako ng may nauna na.

"Me! I'm against this marriage"

Isang boses ng babae. Babae ang tumutol.

Tinignan ko si Sarah ng nakakunot ang noo.

"Ikaw ba yun?"

Umiling siya. Mas lalo namang hindi ako yun!
      
Magsasalita na sana ulit ako nang may magsalita na naman.

"I can't take this man to be my husband! I doesn't even love him! He's arrogant and selfish" kasabay ng pagsabi ng babae nun ang matinding kaguluhan sa simbahan.

'What?!'

'Why is she saying that?'

Iba't-ibang bulongan ng mga tao ang narinig namin ni Sarah. Maging kami ay naguguluhan narin sa nangyayari. Kasi yung mismong bride ang tutol sa kasal nila. Hindi naman arogante si Charm a? At higit sa lahat hindi rin siya selfish.

"Gurl! Ano na? Puntahan mo na kaya yung groom mo?"

Agad akong nabalik sa reyalidad ng tinulak ako ni Sarah papunta sa pwesto kung nasaan si Charm.

"What did you say?!"

Hindi man lang nila namalayan na nakalapit na kami ni Sarah sa pwesto nila. Naguguluhan ang dalawang lalaki sa nangyayari, daddy ni Charm at daddy ng bride.

"You heard it right dad. I won't marry him!" sigaw ng bride sa isang lalaki.

Nakita kong ngumisi si Charm.

"Right. Pwede namang maging business partners parin kayo without getting us to be wedded to each other" sabi ni Charm.

May lumapit na babae sa daddy ng bride at pilit itong pinakalma.

"Hon, they're right. Do you want our unnika-ija to suffer from this man?" sabay turo niya kay Charm.

"Dad, do you want me to be a disobedient son?" tanong rin ni Charm sa kanyang ama.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki––daddy ni Charm at ng bride––at sabay na tumango.

"Fine. I don't want to meddle in your lives" sabay buntong-hininga ng dalawang lalaking ama.

Ngumti naman ang bride na tila walang bukas dahil sa lawak ng ngiti niya.

Sumuntok rin sa ere si Charm na parang nanalo ng lotto.

"Oyyy. Ano pang hinihintay mo? Go na" sabay tili ni Sarah.

Tinaliman ko siya ng tingin.

"Ano ba? Baka marinig ka nila o" bulong ko sa kanya. Eh kasi nasa likuran lang naman kami nila baka marinig at ano ang isipin nila diba?!

Nag-peace sign lang si Sarah at ngumiti.

Lalapitan ko na sana si Charm nang magsalita ang bride.

"O ayan a? Quits na tayo! Mr. Arrogant" sabay yakap niya kay Charm.

Hindi sana ako masasaktan kung hindi yumakap pabalik si Charm sa bride niya.

Bakit ganito? Parang dinudurog ang puso ko?! Mahal ko na ba siya? May parte ng isip ko na nagsasabing 'oo naman' at meron ring 'mahal ka ba?'

Nasasaktan ako sa nakikita ko. Naiinis ako. Oo, alam kong hindi natuloy ang kasal nila pero bakit ganun? Parang mahal ng babae si Charm?!

"Gurl" kinalabit ako ni Sarah kaya tinignan ko siya.

"Hmm?" tanong ko nalang.

"Nagseselos ka?" bulong niya sabay ngiti ng nakakaloko.

Inirapan ko siya "Bakit naman ako magseselos?! Halika na nga! Hindi narin naman natuloy kaya di na niya kailangan tulong ko"

Medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko nun kasi napatingin sakin ang bride na nakangisi.

Hindi ko nalang pinansin at nagsimula ng maglakad habang hila-hila si Sarah.

"Di niya na kailangan tulong ko Sarah, kaya umuwi nalang tayo a?" Sabi ko habang nakatingin sa daan at hila-hila parin siya.
Nagtaka ako ng hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako.

"Napipi ka na diyan? Magsalita ka naman. Hindi ako sanay na tahimik ka sa isang tabi" di parin siya nagsasalita kaya mas minabuti kong tumingin sa kamay na hila-hila ko.

Teka! Bakit siya naka-suit? Naka-suit ba si Sarah?

Unti-unti akong tumingin sa nahila ko.

Gayun na lamang ang pag-uunahan ng mga luha kong lumabas dahil sa mukha ng nahila ko.

"Pero kailangan ko pagmamahal mo" sabi niya sabay hila sakin papalapit sa kanya. Dahan-dahan niyang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. Gayun na lamang ang tuwang naramdaman ko ng sabihin niya ang mga katagang yun.

"Diba sinabi ko sayo nun na ang tanging pangarap ko ay ang magpakasal sa babaeng mahal na mahal ko?" ngumiti siya at tinignan ako sa mga mata "ikaw yun, ikaw ang gusto kong makasama at mahalin habangbuhay" sabi niya sabay luhod.

"Charm! Anong ginagawa mo?" tanong ko habang hinahampas siya ng mariin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Gusto kong mangyari yun. I want you for a lifetime" may nilabas siya sa bulsa niya, isang ringbox, agad niya itong binuksan.
"Will you marry me?" tuloy-tuloy na tango ang ginawad ko sa kanya.

"Yes?" masayang tanong niya. Tumango ulit ako. Kasabay nun ang paglagay niya ng singsing sa ringfinger ko, pagkatapos nun ay tumayo siya at hinalikan ako sa noo.

End.

Author's Note:
    
           Kamusta ang istoryang nabasa niyo? Na-inlove ba kayo kay Charm? O kay Xyron?
          May napaiyak ba ako sa istoryang ito o may naantig na puso diyan?
         

Vote, comment and follow kayo!

Madamo nga salamat💜

Written by: STARRYJEONGALAXY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top