REPLACEMENT
"Ano ho?! B-bakit? Bakit ako e andyan naman si ate, ah? Siya nalang po!" sigaw pa ako ng sigaw kasi nagbabakasakali lang na magbago ang isip ni papa.
"Anak naman, alam mo naman na...malaki ang utang na loob natin sa kaniya. Tinulongan nya tayo upang makaraos sa pamumuhay diba? Gawin mo nalang 'to para sa pamilya natin. Please, anak?"
Napahilamos ako sa mukha dahil sa sagot ni papa.
"Pa?! Ano ba! Tao lang ako! Bakit ako? Ayoko pa! Ayoko kong ikasal sa taong hindi ko naman mahal!"
"Anak, hindi naman kaagad magpapakasal."
"Ganun rin naman ho yun eh! Dun din papunta yun! Pa naman! Sampung taon ang agwat namin sa isa't-isa at alam niyo namang ayoko nun. Bakit niyo ba ako ibinebenta?" mangiyak-ngiyak na akong sumagot sa kanya.
Hindi ko na napansin na nakalapit na pala sya sa akin na naging dahilan ng hindi ko pagpigil sa kanya na sampalin ako ng pagkalakas-lakas.
Wala akong ibang nagawa kundi ang hawakan na lamang ang pisngi ko at humagulgol sa pag-iyak habang si papa ay pumasok na sa kwarto namin.
Bakit ganito? Bakit ako? Ayoko nang mabuhay!
Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata maging sa pisngi saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Hindi ko na pinalipas ang limang segundo at kaagad akong tumakbo paalis ng bahay.
*beep beep*
Ilang busina na ng iba't-ibang sasakyan ang naririnig ko habang pilit na tinatahak ang daan papunta sa rooftop ng isang building.
Nagtitinginan na ang mga tao sa gawi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa building pero hindi ko nalang iyon pinansin at dire-diretsong pumasok sa elevator. Buti nalang, ako lang ang nakasakay sa elevator.
Pagkalabas ko ay kaagad na bumungad ang hagdanan papunta sa pinto ng rooftop. Inihakbang ko kaagad ang mga paa doon. Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa rooftop ng building.
Agad akong tumakbo hanggang sa mababang pader na nakaharang sa rooftop.
Iginalaw ko ang isang paa papunta dito.
Wala na namang mangyayaring maganda sa buhay ko. Ikakasal ako sa lalaking nihindi ko hinangad na maging kabiyak ko hanggang kamatayan. Malayong-malayo sa ideal type ko.
Tumingala ako sa langit at nakipagtitigan sa palubog na araw.
"Wala ng saysay upang mabuhay pa ako. Wala na..."
Inihakbang ko ang isa pang paa ko hanggang sa tuluyan nang naakyat ng paa ko ang mababang pader.
"In the count of three, my life would be over." bumuntong-hininga ako saka tinignan ang mga paa, "One.." sabi ko sabay hakbang ng isang paa ko. Huminga ulit ako ng malalim bago iginalaw ang isa pang paa ko, "..two." magkalevel na ang dalawang paa ko at isang dangkal nalang ay tuluyan na nga akong mahuhulog.
Napapikit ako nang mapatingin sa taas ng building mula sa akin.
Kaya ko ba? Kakayanin ko 'to.
Pumikit ako bago bumuntong hininga, "Th–"
Hindi ko na naituloy ang huling bilang nang biglang may humila sa kamay ko na naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig ng rooftop.
"Aray!" daing ko nang matingnan ang tuhod na may sugat.
Napatingin naman ako sa taong humila ng kamay ko at kaagad na kinunotan ng noo.
"Sino ka ba? Bakit mo 'ko niligtas?!" inis kong bigkas.
Tumayo ang lalaki pagkatapos ay ipinagpag ang itim na pantalong suot-suot saka ako nilapitan.
"If I didn't save you, my conscious mind will feel conscience. At for your information, hindi kita iniligtas kundi ang kotseng mababagsakan mo. Kawawa naman kung masira lang ng isang hopeless na taong nagpakamatay, diba? So kung magpapakamatay ka, please, sa kabilang building nalang. Wag mong dungisan ang pangalan ng building ko." seryosong sabi nya na ikinairap ko.
"Sorry a? Edi sana kanina pa lang sinabi mo na para natuloy na 'yung plano ko. Gwapo ka sana kaso ang sungit-sungit tsaka napaka-ungentleman pa." inis kong sagot saka tumayo na.
Tinignan nya lang ako nang naka-poker face kaya napairap ulit ako.
"Excuse me nga!"
Lalagpasan ko na sana sya nang bigla na naman nyang hinigit ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.
"Magpapakamatay ka na naman?"
Hinawi ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko saka nagkibit ng balikat, "Sa tingin mo magagawa ko pa yun? Eh may pumigil na nga sakin! Pakielamero mo kasi! Edi sana tapos na ang problema." napakagat ako ng labi nang naramdamang may luha na namang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko.
"Wait–are you crying? Hey hey! Wala naman akong ginawa a? Niligtas na nga kita tapos iiyak-iyak ka pa diyan."
"E bakit mo pa kasi ako niligtas?!" di ko na napigilan ang mga luha ko sa sandaling ito.
"For I know that all problems has it's own solution." sabi nya.
"Solusyon? Yung problema ko may solusyon pa?! Wala na! Wala! Wala kang alam! Ayoko na!" hinang-hina na talaga ako na naging dahilan ng pag-upo ko ulit sa sahig.
Humakbang sya palapit sa akin kaya napatingala ako.
"You're not the only person who suffers from problems."
Akala ko tutulongan nya akong tumayo pero nilagpasan nya lang ako.
Isisigaw ko nalang sana ang inis nang bigla syang nagsalita.
"Stand, matuto ka namang lumaban. Kung hindi mo kayang tapusin ang problema, harapin mo nalang. What would you know kung hindi mo naman susubokan." then, hindi na talaga sya nagsita ulit hanggang sa narinig ko ang yapak nya paalis.
Harapin? Harapin? Harapin? Harapin ang problema? Kung haharapin ko ba ay makakaya ko?
What would you know kung hindi mo naman susubokan...
Kaagad akong tumayo at tumango-tango.
"Tama naman! Haharapin ko! Ako pa ba? Tsk! Humanda ka saking lalaki ka! Magtutuos tayo!"
-
Isang buwan ang lumipas mula nang mangyari iyon. Tinanggap ko ang kapalaran ko. Sinunod ko ang sinabi ni papa sakin. Akala ko, kakayanin ko pero hindi pala talaga. Kahit anong gawin kong pagpilit sa sarili na maging komportable kay Robert ay hindi ko parin magawang maging masaya sa piling nya. Ngumiti, oo, pero labas sa kagustuhan ko.
"Hey, beh? Okay ka lang?"
Napatingin ako sa kanya nang bigla nya akong tinanong. Nasa loob kami ng sinehan at nanonood ng Up in the Air movie. Pang-apat na linggo na mula nang maging kami. Apat na linggo narin akong naging istrikto sa sarili ko. Nikatiting na kasiyahan ay hindi ko na kailanman natikman.
"Ha? Ay–oo. Okay lang." sabi ko nalang saka itinuon ulit ang atensyon sa panonood.
Makalipas ang isang oras ay kaagad kaming lumabas ng cinema. Akmang hahawakan na nya ang kamay ko ng kaagad kong kinuha ang cellphone ko upang pigilan ang paghawak nya.
Naglalakad lang kami ng tahimik nang bigla nya nalang akong hinila papasok sa elevator at galit na galit nyang pinalabas ang mga tao na nakasakay doon.
Pagkasarang-pagkasara ng elevator ay kaagad nya akong isinandal sa pader.
"A-Ano ba, Robert?! Bitawan mo nga ako!" nagpumiglas ako pero hindi ko magawang makaalis sa pagkakahawak nya.
"Ikaw, ang arte-arte mo. Ano ba 'yung hinahanap mo? Bakit ayaw mo sakin? Gwapo naman ako a? Mayaman! May sariling kompanya! Ano pa ba 'yung kulang sakin?!"
"Kulang?! Tinatanong mo ako kung ano ang kulang sayo?! Lahat! Wala sayo ang lahat ng gusto ko! Sinira mo ang pangarap ko! Ang kasiyahan ko!"
Binitawan nya ako saka napahilamos ng bonggang-bongga sa mukha nya.
"Ano bang sinasabi mo? Bulag ka ba?"
"Hindi ako bulag, Robert! Tanging ayoko lang talaga sayo! Ang tanda-tanda mo na kesa sakin. Ang laki-laki mong tignan kesa sakin! Nakakainis ka na!" inis na inis kong sigaw.
For the second time, isinandal nya ulit ako sa pader at ngayon, inilapit na nya ang mukha nya sakin.
"Kung hindi kita makukuha sa simpleng galawan, pwes, pipilitin kong maging akin ka sa gagawin kong 'to!"
Akmang hahalikan na nya sana ako nang biglang bumukas ang elevator at may humilang lalaki sa kanya palayo sa akin.
Napahinga ako ng maluwag dahil sa nangyari pero hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sa nararanasan ko sa buhay.
Nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig ng elevator.
Nanglalabo man ang mga mata ngunit kitang-kita ko parin ang paglahad ng isang kamay sa akin. Tumingala ako upang makita ang naglahad ng kamay nya. For the second time, bakit na naman sya andito?
Tatanggapin ko na sana ang kamay niya ngunit nabitin ang kamay ko sa ere nang biglang magsalita si Robert na hawak-hawak ang sariling panga na nasuntok ng lalaki.
"Sige, Dexy, tanggapin mo. Tandaan mo na ang kaya kong ipakulong ang papa mo maging lahat kayo ng pamilya mo!" may diing sabi nya.
Ibababa ko na sana ang kamay ko nang bigla itong hinawakan ng lalaki na tinulongan ako sa pagtayo.
"P-pero.."
Napatigil ang lalaki at kaagad na tiningnan ako, "It's fine. Magkano?"
Kumunot ang noo ko sa tanong nya. Akmang magsasalita na sana ako nang bigla nyang hinarap si Robert na nakahawak parin sa baba nya.
"How much do you need in exchange of letting go of her and her family? Name the price."
Natigilan si Robert at hindi nakapagsalita. May kinuha ang lalaki sa bulsa nya at kaagad itong sinulatan saka itinapon kay Robert.
"100 billion yan. Sabihan mo lang ako kung kulang pa."
Nang hindi sumagot si Robert ay kaagad na lumabas ang lalaki ngunit kaagad ring bumalik at hinila ako palabas ng elevator.
Hila-hila nya lang ako hanggang sa makarating kami sa harap ng isang kulay asul na kotse na mukhang mamahalin at mukhang bago pa.
"Y-yung kamay ko.." sabi ko at kaagad na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nya.
"Oh, sorry."
"Bakit mo pala ako tinulongan? Yung pera..promise, babayaran ko rin yun. Gagawin ko lahat para mabayaran yun, hintayin mo lang." sabi ko.
Napatingin sya sakin saka namulsa, naka-white fitted longsleeve sya na pinaresan ng black fitted jeans tsaka nike shoes.
"You could? Kaya mong bayaran lahat yun?" tanong nya, nang-aasar.
"Hoy! Iniinsulto mo ba ako? Siyempre..." napaisip ako saglit, ilan nga ulit yun? 100 billion?! Hala!
"Ano, kaya?"
Napatungo ako dahil hindi ko pala talaga kaya, "Eh sino ba namang tao ang kayang kumita ng ganun kalaking pera? Ikaw lang yata. Promise, babayaran ko talaga." ngayon, nakatingin na ako sa kanya sa mga mata.
Ewan ko, nang mapatingin ako sa mga mata nya, nakangiti ang mga ito. Hindi naman nakangiti yung labi nya pero yung mata niya, oo.
Huluh! Yung ideal guy ko! Number 67 yun sa personal ideal guy ko! Yung nawalang notebook ko two years ago!
#67. A guy who can make his eyes smile before his lips.
Ohmy! Yun yung pinakahirap sa lahat. Bakit kaya niyang gawin? Paano nya nagawa yun? Siya kaya nakakita nun tapos binasa nya? Ay, malabo naman.
Nabalik ako sa huwistyo nang magsalita sya.
"No, it's fine. Libre ko na yun."
Parang nalaglag yata ang lahat ng ngipin ko dahil sa sinabi nya.
Really? Libre? Ganun kalaking pera ay kaya niyang ilibre sa isang taong pangalawa nya palang nakita at hindi nya pa lubusang kilala? Hala!
"Hoy ano ka ba! Hindi hindi! Babayaran ko yun! Ayokong may utang na loob sayo."
Tinignan nya ako bago isinandal ang likod nya sa gilid ng kotse nya saka tumingala sa kulay asul na langit.
"Think that as my payment."
Kumunot ang noo ko, "Payment?"
Tumango sya saka ako tinignan, "Hindi ko kayang makakita ng babaeng napipilitan lang sa buhay."
Kumunot ang noo ko pero nanatiling tikom ang bibig ko at nakabukas ang tenga sa sasabihin nya.
"I once had a girlfriend before, she left me for another man who helped them to have a better life. But unlike your case, they had the same age. Wala syang choice kaya nagpakasal sya sa lalaking yun for replacement sa utang na loob ng pamilya niya..."
Naghintay ako ng kadugtong ng sasabihin niya pero hindi na sya ulit nagsalita pa.
"Then?"
Tumingala ulit sya, "Then what? Wala. I never had the chance to see her again."
Napangisi ako, "Hindi mo man lang ba hinabol? Baliw ka rin noh! Ang yaman-yaman mo. Edi sana ay ginawa mo rin noon yung ginawa mo kanina para naman masaya, diba?" sabi ko.
Tinignan nya ako at sinimangutan, "Silly, syempre mahirap pa ako nun. Kaya nga ako nagsikap para mabawi sya kaso hindi natuloy kaya pinangako ko nalang sa sarili ko na hindi ko na hahayaan pa na may makitang babaeng napipilitang magpakasal sa iba." sabi nya.
Nailang ako sa tingin nya kaya naman inilipat ko nalang ang paningin sa kalsada.
"Edi fine. Sigurado ka bang hindi na ulit ako hu-huntingin ni Robert?" kasi baka naman diba?
"Malabo."
Somehow, nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi nya.
,
"O siya, uuwi na ako kasi mag-e-explain pa ako kay papa. Thank you nga pala." sabi ko.
Pipihit na sana ako para umalis nang bigla na naman syang nagsalita.
"Did you lost something?" tanong nya.
Nanatili akong nakatalikod, "Wala." maikling sagot ko saka nagsimula nang maglakad pero napahinto ulit ako ng magsalita na naman sya.
"No. 1–Has beautiful eyes. No.2–Has perfect face. No. 3–Has muscles.
No. 4–Has eight-pack abs kaso kung six, okay nalang. No. 5–1 year older than me. No. 6–Caring, loving.."
"OHMYGOD! HALA! But na sayo 'yan? Huh?!" sabi ko saka hinablot ang notebook ko.
Nagkibit-balikat lang sya saka ako tinignan, "It's not my fault kung ako ang nakakita. Bakit ba kasi sira ang zipper ng bag mo nun?" nang-aasar nyang sabi.
Sinamaan ko sya ng tingin at niyakap ang notebook ko.
"Parang may kukuha niyan eh halos hindi ko na nga maintindihan ang handwriting mo."
"Excuse me? Ang sabihin mo, malabo na yang mata mo. Tsk."
Tinignan ko ang notebook ko at binuksan lahat ng pages kung may kulang ba, pero infairness, wala. Parang ganun parin yung itsura nung mawala sya. Napatigil ako sa paglipat ng pages nang may nakasulat sa gitnang bahagi ng notebook ko.
"Hoy, sino ka ba?"
"Kailan mo ba kukunin ang notebook mo?"
"Hanggang 67 lang yung mga bagay na gusto mo sa lalaki?"
"Ang pangit ng handwriting mo!"
"Doctor ka ba?"
"Buhay ka pa kaya?"
"May bago ka na bang bag?"
"Sana ingatan mo yung ibang gamit mo para hindi na malaglag."
"Hoy! Kausapin mo nga ako. Pagod ako."
"Iniwan ako ng girlfriend ko! Huhu!"
"May boyfriend ka na ba?"
"Sus! Makakalimutan mo rin 'tong ideal guy mo pag napaibig kita!"
"Ano? Ano yung No. 67? May tao bang kayang gumawa nun?"
"Pagod ako sa trabaho."
"Bored ako. Subukan ko kaya yung No.67 noh?"
"I tried pero hindi ko kaya."
"Hindi ko talaga kaya. Pano ba?"
"Am I not allowed to just switch my lips and eyes so that I can smile using my eyes?"
"Hey, I tried again! Then, surprise! I did it! I can perfectly do that! You know? I look like a fool while practicing the No. 67 but here! I can do that!"
"You know, I met a girl who ought to does suicide but don't worry, I saved her. Imbes nga na magpasalamat sya sa ginawa ko ay pinagalitan nya pa ako. Meron palang ganun noh?"
"Badtrip ako. Nakita ko yung babaeng tinulongan ko na may kasamang lalaki."
"Naiinis talaga ako sa lalaking yun kaya nilapitan ko at kinausap."
"Patay ka saking lalaki ka! Naiinis talaga ako sa kanya. Pinipilit ang babae para lang sa gusto nya?!"
"Tsk. Tss. Tcch. Pishh! Phew! Phew! Phew! Hiiyah! Whattah!"
Habang binabasa ang lahat ng nakasulat sa notebook ko ay sya namang panay ngiti ng labi ko.
Tiniklop ko ang notebook saka tinignan ang lalaking kumakamot na sa ulo.
"Thank you, Harvey." sabi ko.
Kumunot ang noo nya, marahil ay kung bakit alam ko ang pangalan nya.
"Nabasa ko 'yung ID mo kanina nung may kinuha ka sa bulsa mo. Hehe! Sorry kung ang tsismosa ko sa part na yun. Thanks for keeping this and for helping me na din. Maghahanap ako ng paraan para mabayaran lang kita. Maghintay ka lang, ah?"
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top