Long Lasting Love
"Oo nga! Sasama ako!"
Paulit-ulit kong sinabi ang mga katagang iyon kay Jim na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang sasama nga ako sa kaniya.
May get together sila ng mga kaibigan niyang halos one month na raw nang magkita sila. Sa isang mamahaling restaurant ang venue nila. Halos isang linggo na rin nang magsimula siyang kulitin ako na sumama. At first, hindi ako pumayag kasi busy ako sa work ko. Andami kasing clients and customers sa hotel kaya hindi ko maiwan-iwan ang trabaho ko.
Pero ngayon, I'm free! Walang trabaho kasi holiday!
"Talaga!?" ani Jim.
Umirap ako at kinuha ang bag ko, "Oo nga! Ano pa ang hinihintay mo? Lead the way, Mr!" sambit ko at nauna nang lumabas ng hotel.
Pumunta pa rin kasi ako para kunin iyong naiwan kong purse kahapon. Kaya pinuntahan niya ako at kinulit. Well, since I'm not busy ay sasama ako.
It was six evening when we arrived at the place.
Surely. Mamahalin ang restaurant. Sa ambience pa lang, masasabi ko na. Sigurado akong makabutas-bulsa rin ang mga menu nila. Ang mamahal!
Naramdaman ko ang marahang paghila sa akin ni Jim nang makarating na kami sa loob ng restaurant.
Busy ako sa pagsulyap sa paligid kasi bihira lang akong makapunta ng isang mamahaling restaurant. Hindi naman ako mayaman, ano. Ang sweldo ko bilang receptionist ay one fourth lang ang akin doon kasi iyong three-forth ay pinapadala ko kay mama na nasa probinsiya pa.
Huminto kami sa harap ng round table na halatang pinareserve talaga. Nakaupo doon ang tatlong babae at tatlong lalaki. Halatang mayayaman rin. Sa porma pa lang.
Hindi ko tuloy napigilan ang pagkagat sa labi. Baka naman ma-OP ako dito! Ang yayaman kaya! Sa mga damit, elegante. Naka-dress ang mga babae at ako ay mumurahing blouse at black fitted jeans lang na pinaresan ng mumurahing sapatos. Shit! Bakit ba kasi hindi ako nagdress? Naiba tuloy ako.
Tumikhim si Jim saka hinawakan ang siko ko.
"Meet my friends, Elisse." aniya at ngumiti.
Tumango ako at pinakinggan lang ang mga sinasabi niya.
"Si Anya," sabay turo niya sa may bangs na maputi.
Ngumiti iyon, "Hi!" sabi niya.
"H-Hi..." sagot ko naman at nagpilit ng ngiti.
"Ito naman si Rebecca," itinuro niya ang babaeng mahaba ang buhok at maganda.
Halatang maarte. Hindi naman sa judgmental ako o ano. Basta maarte talaga siya tignan.
"Hey," sambit niya at nagtaas ng kilay.
Pinigilan ko ang umirap. Ang arte! Sabi sa inyo, eh!
Pero kahit na ganoon ay ngumiti pa rin ako sa kaniya. Mahirap na at baka sabihing ang pangit ko ka-bonding.
Ang sunod niyang ipinakilala ay si Rey na kumindat pa saka si Bea na mabait at jolly.
"Ito naman si Lander," sabay turo niya sa lalaking may biloy. Maputi iyon at gwapo.
"Hi, Elisse!" aniya at ngumiti.
Nahihiya akong ngumiti. Hindi na nakuhang sumagot dahil sa pagkasindak sa kagwapuhan niya.
"Iyon naman ay si--"
Napalingon ako sa lalaking biglaang tumayo. Hindi ko na naabutan ang itsura kasi tumalikod na iyon at naglakad palayo. Kumunot ang noo ko. Ang rude!
"Ah, pasensya na kay Migs. Masungit talaga 'yon." ani Anya.
Umiling na lang ako at ngumiti. Pagkatapos noon ay nag-order na kami. Nagulat pa ako nang sabihin ni Rebecca na libre niya lahat. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag na lang.
"So, ilang taon ka na ba, Elisse?" tanong ni Bea.
Hindi pa dumadating ang order namin kaya binato nila ako ng mga tanong.
"I'm twenty-five." sagot ko.
"Mas bata ka pala kaysa sa amin! Twenty-eight na kasi kaming lahat dito except kay Migs. Twenty-five rin iyon." ani Bea.
"Where's Migs na kasi?" biglaang sambit ni Rebecca at akmang tatayo na nang pinigilan ni Rey.
Tinawanan nila si Rebecca at kinantyaw pa.
"Hindi pa ba nawawala iyang pag-asa mo na mamahalin ka rin ni Migs? Wake up, Sis! May pangarap iyong iba, ano!" ani Bea.
Tumango naman ang mga lalaki. Nakinig na lang ako.
Maya-maya ay sa akin naman napunta ang atensiyon.
"May boyfriend ka na ba, Elisse?" tanong ni Anya.
Agad akong umiling, "Wala... Wala akong oras diyan." ani ko.
Tumaas ang kilay ni Bea, "Talaga? Bakit naman? Pwede namang gumawa ka ng oras sa pagbo-boyfriend. O baka naman may hinihintay ka?"
Nagulat ako nang sabihin niya iyon. Hindi sa na-offend ako o ano pero... tama siya... Hindi naman sa may hinihintay talaga pero parang ganoon na nga.
I had boyfriends before when I was still in college pero hindi nagwo-work kasi iyong iba ay nagsasawa sa akin kasi hindi ko naman sila hinahayaang tsansingan ako. Kahit na halik ay hindi ko binibigay sa kanila. Pero ang main reason talaga kung bakit ganoon ay isang lalaki lang.
I had the biggest crush on this guy. Naging kaklase ko siya for two years back when I was in high school. I really admired him a lot. Gwapo kasi siya at matamis magsalita. Halatang playboy rin pero ewan, sa kaniya ako tinamaan, eh. Wala akong nagawa.
Kaya hanggang ngayon, ilang taon na lang ang lumipas ay feel ko crush ko pa rin siya. Mahal na nga yata? Ewan. Basta, ang goal ko ay hindi ako mag-aasawa kapag hindi ko siya nakita ulit.
Ang tagal na kasi naming nagkita. I bet it was seven years ago.
"Oh, nandito na pala si Migs."
Umupo iyon Migs sa tabi ni Rebecca at agad na uminom ng shot.
Hindi ko napigilang tumitig sa kaniya. Gwapo siya, may pagka-moreno, mayaman, halatang naggy-gym rin.
Napaayos ako ng upo nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin nang magsimulang kumunot ang noo niya. Shit. Ang tanga ko naman! Bakit ko siya tinitigan? Kasi ang gwapo!
Kumain agad kami nang dumating ang pagkain. Panay pa rin ang talak ng iba kahit na kumakain na.
"Migs! Pakikuha ng water!" ani Rebecca nang masamid siya sa kinakain.
Tamad na kinuha ni Migs ang isang baso ng tubig at ibinigay iyon kay Rebecca. Bago pa niya ako maabutang nakatitig sa kaniya ay nag-iwas na ako ng tingin.
"After this, didiretso kami sa bar. Sasama ka ba, Elisse?" tanong ni Lander.
"Oo nga. Sama ka na, Elisse!" singit naman ni Anya.
Alanganin akong ngumiti, "Hindi talaga kasi ako mahilig pumunta sa bar, eh..." sagot ko.
"Huh? Ay. Sayang naman kung gano'n." sumimangot si Bea.
"Oo, sorry... Next time na lang siguro..."
"Sumama ka. Mag-uusap tayo."
Nanigas ako sa kinauupuan nang magsalita si Migs. Tinuro ko ang sarili para kumpirmahin na ako ba ang kinakausap niya. Tamad siyang tumango.
Shocks! Ako? Ano raw? Sasama ako? Mag-uusap kami? Tungkol saan?
Dahil curious talaga akong tao, sumama ako sa kanila sa bar. Maingay. Sobra. Kaya ayokong nagba-bar, eh.
"Excuse me. Excuse me." sabi ko nang makisingit sa gitna ng dance floor.
Halos hindi ko na makita sina Jim. Nauuna na kasi. Basta sabi nila ay didiretso sa room na pina-reserve nila. Hindi ko naman alam kung saan.
Napatigil ako nang humarang ang isang lalaki na sumasayaw. Tinaasan ako ng kilay no'n at ni-head to foot ako.
Tumigil ang mata niya sa dibdib ko. Dinapuan agad ako ng kaba.
"Let's have fun, Miss!" aniya at akmang hahawakan na sana ako nang may humila sa akin galing sa likuran.
Itinago ako ni Migs sa likuran niya at hinarap ang lalaki.
"Oh, sorry. Sorry! Akala ko kasi wala siyang kasama." sambit ng lalaki at umalis.
Sinulyapan pa ulit ako no'n bago tuluyang lumayo.
"Thank you," sabi ko sabay tingin kay Migs.
Nang makasalubong ko nang malapitan ang mukha niya ay may biglaang tumibok nang mabilis ang dibdib ko. Shit?
Memories flashed inside my brain. Uniform. Ballpen. Pencils. Papers. Bags. School. Classmates. Shoes. Devilish smirk. Sweet gestures. Handsome face.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga nangyari noong high school ako.
Napatitig ako kay Migs, "M-Miguel Abesamis!?" sabay singhap ko.
He gave me a dangerous glare bago ako kinaladkad palayo sa dancefloor. Hindi ko na alam kung saan-saan kami dumadaan basta tumigil siya sa paglalakad sa harap ng front desk na katabi ng drinks.
"Abesamis," aniya sa babae.
Nakuha naman agad ng babae ang sinabi niya at binigyan si Miguel ng susi.
Nalaglag ang panga ko. WOAH? Ganoon lang? Abesamis lang? Password ba iyon? Or some sort of code?
Hinawakan niya ulit ang kamay ko hanggang sa pumasok kami sa isang room.
"Umiinom ka ba?" tanong niya nang mapaupo ako sa sofa ng room.
Agad akong umiling.
Tumango siya at umupo rin sa tabi ko.
Napahilig ako sa side rest ng sofa nang bigla siyang lumapit sa akin. Nagsiunahan sa paglipad ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa gesture niya. I mean... who wouldn't?! For the past seven years, ngayon ko na lang ulit nakita ang ultimate crush ko! SHIT!
"So... You're single, huh?" aniya at napagmasdan ko ang nakakabaliw niyang ngisi.
Wala sa sarili akong napatango.
"Bakit nga ulit? Were you waiting for someone, too?" aniya.
"Huh? H-Hindi, ah..." ani ko at nag-iwas ng tingin.
Mas inilapit niya ang sarili sa akin. Mas napahilig ako sa sofa.
"M-Miguel... What are you doing now?" utas ko nang inilapit niya ng mukha sa leeg ko.
"I... am waiting for this moment..." bulong niya at inilapat ang malambot na labi sa leeg ko.
Nagsiakyatan ang dugo ko sa mukha dahil sa ginawa niya. Halos mapatili ako dahil sa kiliti na naramdaman. Ilang mura na ang kumawala sa isip ko. Tangina! Lamang na lamang!
Pero... Ano raw?
"Teka..." itinulak ko siya at kinunutan ng noo. "What are you saying?" tanong ko.
Inihilig niya ang siko sa backrest ng sofa bago ako pinagmasdan.
"Alam kong may crush ka sa akin noon."
"Huh!? Alam mo!?" bigla akong nahiya.
"Oo. At alam ko ring gusto mo ako."
"Hoy! Teka! Crush lang naman kita, ah!" angal ko.
Wrong move yata. Lumapit ulit siya sa akin. Naramdaman ko nang magkadikit na ang dibdib namin. Darn! Ang init!
"Talaga ba, Elisse? Ang crush... it just lasts for months... hindi years." mahinang sambit niya at inilapit ang mukha sa akin.
Halos malugutan ako ng hininga dahil sa ginawa niya.
"T-Teka... Hahalikan mo ba ako?" nauutal kong sabi nang mapansing kanina pa siya titig nang titig sa labi ko.
Umangat ang sulok ng labi niya at hinila ako. Hindi para halikan kung hindi para yakapin. Mahigpit iyon. Sobra.
"I have been waiting for this day, Elisse. Because I want you... Hindi mo siguro alam pero gusto kita noon."
Nagulat ako sa confession niya. Ang biglaan!
Ngumuso ako, "Bakit ka umalis?" ani ko.
"Kasi kinailangan ko. Ayoko naman talaga pero wala akong nagawa kasi si Mommy na ang nagsabi. Kaya bumalik ako dito sa Maynila."
"Bakit? Bakit mo ako niyayakap? Baka may girlfriend ka, ah. Ayokong mapagkamalang mang-aagaw." sambit ko.
Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko.
"Itong mukhang 'to? Mang-aagaw? Hinding-hindi... Kasi in the first place, ikaw naman ang nauna sa lahat." ngumiti siya.
I bit my lower lip.
"So... Ano na tayo?" tanong ko.
"Ano ba ang gusto mo? Kasi kung ako ang magdedesisyon, gusto na kitang asawahin agad."
Hinampas ko siya sa dibdib, "Ayoko!"
Siyempre, ayoko talaga. Hindi ko gustong madaliin ang lahat-lahat.
Pagkatapos ng gabing iyon, niligawan niya ako. Everyday, sinusundo niya ako. Minsan kapag weekend ay nagde-date kami. Wala pa ring nagbago sa kaniya except lang sa mas naging mature niya. Alam na niya kung paano i-handle ang isang relasyon. At alam na niya kung ano ang dapat sa hindi.
Mas nahulog ako sa kaniya kaya naman, after three months ay sinagot ko na siya.
On our first anniversary, I gave him my first. Ilang beses na kaming naghalikan simula nang maging kami pero hindi umabot sa point na we end up in bed.
But, I love him. So much. Kaya ibinigay ko sa kaniya ang first experience ko in bed.
"I'm so damn happy, Elisse..." bulong niya sa akin nang matapos kami.
Niyakap ko siya nang mahigpit. He kissed my head.
"I love you, babe..." bulong niya at mas hinigpitan ang yakap niya.
Ngumiti ako. That night, nagbunga ang nangyari sa amin. He didn't used condom that night and I didn't took pills.
After kong magpa-check up sa ob-gyne for the third time ay napagdesisyunan kong puntahan siya sa company niya. Sobrang successful niya na. Tatlo na ang branch ng company niya and I'm very proud of him.
"Good afternoon, Miss Escartes!" bungad sa akin ng front end associate ng company niya.
Tumango ako at ngumiti.
Kakilala ko na ang mga empleyado niya kasi halos limang beses sa isang buwan akong dumadalaw sa company niya.
As usual, dumiretso ako sa office niya. Nakaharap siya sa laptop niya at nagtitipa. Nakabukas ang tatlong butones ng dress shirt niya. Naiinitan.
Nilapitan ko siya at yinakap mula sa likuran.
Halatang nabigla siya pero nawala rin iyon nang paupuin niya ako sa hita niya.
Yumakap ako sa batok niya at hinalikan siya sa labi, "How's my Miguel?" ani ko.
Ngumuso siya at hinalikan ulit ako, "Ito... Maraming trabaho." aniya.
"Ow... I have a surprise for you." sambit ko.
"What is it?" excited na aniya.
"Pikit ka muna,"
Ginawa niya agad ang sinabi ko. Pumikit siya. Kinuha ko agad sa purse ko ang pregnancy test at check-ups documents bago bumuntong-hininga.
"Okay, in one... two... three. Open your eyes!" sabi ko.
Nanigas siya sa kinauupuan nang makita ang pregnancy test at documents na hawak-hawak ko. Dumapo sa labi niya ang palad at halatang hindi makapaniwala. Kumurap-kurap siya hanggang sa bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
"Shit. Shit! You're pregnant! My wife is pregnant!" masayang sabi niya.
"Anong wife ka diyan? Hindi pa kaya." sabi ko naman at ginantihan siya ng yakap.
"Ang saya-saya ko... Thank you, Elisse ko..."
Natigilan ako nang maramdamang hindi na siya kumikibo.
"Hoy," yinugyog ko siya at kumalas sa yakap.
Namutla ako nang makitang hindi na siya humihinga.
"Tulong!" sigaw ko.
Nagsiunahan sa pagbagsak ang mga luha ko habang pilit siyang pinapamulat.
"Shit! Babe! Wake up! Ano ba!? Please! What's happening? Please... Please, wake up... Please, love... Miguel!"
Sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko. Nang nakita ko siya ulit at niligawan niya ako hanggang sa naging kami at nagbunga ang pagmamahalan namin... Sobrang saya na sana, eh... Pero...
"How are you, babe?" tanong ko at ikinulong ang kanang kamay niya sa palad ko.
Kahit na gusto ko nang umiyak ay pinigilan ko.
Sobrang sakit pagmasdan na ang pinakamamahal mong lalaki ay nakaratay sa kama habang may mga apparatus na nakakabit sa kaniya. Lalo nang ang life support machine na lang ang bumubuhay sa kaniya... Sobrang sakit.
Hindi niya sinabi sa akin ang totoo. May tumor siya sa ulo at halos limang taon na niyang iniinda iyon. Hindi niya agad sinabi sa akin kasi raw natatakot siya na iwan ko siya sa oras na malaman kong may sakit siya.
Kung sana sinabi niya agad... baka maagapan pa... pero huli na... Wala nang chance.
"E-Elisse..." mahina niyang sabi.
"Hmm, bakit, mahal?" ani ko.
"A-Alagaan mo a-ang sarili m-mo at a-ang anak n-natin..."
"Miguel, ano ba!? Bakit mo sinasabi iyan!?" inis kong sabi.
Pinilit niyang ngumiti, "H-Hindi n-na ako m-magtatagal... A-Alam m-mo iyan... H-Hindi ko na rin k-kaya... M-Mahal na mahal kita..."
Nagsiunahan sa paglabas ang mga luha ko sa mga mata dahil sa sinabi niya. Agad akong umiling-iling.
"Hindi, hindi... Kaya mo pa, Miguel... Lumaban ka naman, oh... M-Mahal na mahal kita, eh... Ilang taon ang nasayang para sa atin... Ayoko... Ayoko..." humagulhol ulit ako.
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko bago hinaplos ang mukha ko.
"S-Sorry kasi iiwan na n-naman kita... S-Sorry, love... At s-sorry k-kasi hindi kita m-matutulungan sa pagpapalaki s-sa a-anak natin... Mahal na m-mahal ko kayo... L-Lalo na ikaw, E-Elisse ko..."
Napahagulhol ako nang bumigay ang katawan niya. Yinakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Iyak ako nang iyak habang yinayakap siya at pilit na tinatanggap na wala na siya...
"Mahal na mahal kita, Miguel..." pagbasa ko sa huling salita na nakasulat sa libro.
Tinitigan ko ang mga batang nakikinig sa akin. They were interested in any kind of story. Bilang isang volunteered storyteller sa isang charity na pinamamahalaan ko ay naging close ko na rin halos silang lahat. Thirteen years old and above ang mga nakikinig sa akin ngayon.
"Ate Azura, ending na po ba talaga iyon?" sabi ng isang babae.
Ang iba ay hindi pa nakapagsalita dahil karamihan sa kanila ay humagulhol.
"Oo... Iyon na..." sagot ko at ngumiti.
"Kayo po ba... Napaiyak na sa librong iyan?" tanong ng isa pang babae.
Tumango ako, "Halos isandaang beses ko nang nabasa ang 'Long Lasting Love' na libro at lahat ng beses na iyon... I cried." sagot ko naman.
They both gasped in chorus. Napangiti na lang ako doon.
"Hindi po ba kayo nagsasawang basahin 'yang libro?" pahabol na tanong ng isa.
"No... Bakit naman ako magsasawa dito... Kayo ba? Gusto niyo bang basahin ulit itong libro?" tanong ko naman.
Ang iba ay umiling at ang iba ay tumango. I decided to call one person in each side para malaman kung ano ang dahilan nila.
"Ayoko na pong ulitin kasi ayokong umiyak ulit."
"Tama ka naman diyan..."
Sunod naman ay sa kabilang side.
"Gusto ko pong ulitin kasi maganda po ang story nila. Hindi man po sila nagtagal, may naging bunga naman ang pagmamahalan nila. At inspirational po kasi ang story."
Sumang-ayon ako. Tama. Lahat naman siguro ng story, hindi man halata pero may kabuluhan kung bakit isinulat ng isang tao. Siguro para magpa-inspire o magpa-alam. Every story has their own meaning why it is written.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang maramdaman ang pag-vibrate noon.
"Yes, Jamiel?" sabi ko agad sa boyfriend ko na siyang tumawag.
"Babe... Si tita..."
Kinabahan agad ako. Kaya bago pa man ako panghinaan ng loob ay tumayo agad ako saka inayos ang suot-suot na dress.
"Sorry, kids. Kailangan ko nang umalis." nagmamadali kong sabi.
Akmang aalis na ako nang marinig ko ang tanong ng isa pang bata.
"True story po ba ang Long Lasting Love o fiction?"
Sinulyapan ko siya. Nginitian ko lang siya at agad nang umalis.
Of course, it's a true story and the author of the book is my... mother. And Miguel is my father. The story I shared was my parent's story. Tragic.
Nang makarating na sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ni Mommy. Nandoon rin si Jamiel na hinihintay ako.
"Mommy..." hinawakan ko ang kamay niya.
Sumunod naman sa akin ang kapatid kong lalaki na ten years old.
Inakbayan ko iyon at sabay naming hinawakan ang kamay ni Mommy.
"Azura... Kexil... M-Mahal na mahal ko kayong dalawa... I-I love y-you..." panimulang saad ni Mommy.
Umiling agad ako, "Why are you saying that, Mom?"
Kahit alam kong bakit niya sinabi iyon, ayokong paniwalaan. Ayoko...
Umiling si Mommy, "Kexil... Sorry... Mahal ka ni Mommy... Sorry, baby..." humikbi siya habang pinagmamasdan ang kapatid ko.
Binalingan niya naman ako ng tingin.
"Mommy..."
She reached for my face, "Sshh... Stop crying... M-Magagalit siya sa a-akin kapag i-iiyak ka nang iiyak..." aniya. Binalingan niya ng tingin si Jamiel na nasa gilid ko. "Jamiel, hijo... Huwag na huwag m-monh iiwan ang anak ko... M-Masasaktan mo s-siya at masasaktan k-ka niya pero huwag niyong s-sukuan ang isa't-isa..." nanghihinang aniya.
Hinawakan ako nang mahigpit ni Jamiel sa kamay, "Yes, tita Elisse... I won't leave her..." ani Jamiel.
Tumango si Mommy at bumaling ulit sa akin, "Azura... Please t-tell your daddy Jim that I am sorry f-for e-everything... I-I know that I-I didn't loved h-him enough as much how I love your father pero... sobrang nagpapasalamat ako s-sa kaniya... Please tell him that I am thankful for everything he'd done for me." sabi niya at humikbi ulit.
Agad akong tumango.
Yumakap ako kay Jamiel at Kexil nang mahigpit nang unti-unting pinipikit ni Mommy ang mga mata niya.
Thank you for everything, Mom. For the past twenty-three years of my life, ikaw na ang nandiyan sa tabi ko. Kahit na nahihirapan ka na minsan dahil sa sakit mo sa puso, hindi ka sumuko. Naging mabuti kang ina sa aming dalawa ni Kexil at saludo ako sa'yo doon. Salamat, Mommy at sana... masaya ka na kasi sa wakas... magkikita na kayo ni Daddy. Alam kong magiging masaya ka... Mahal na mahal ko po kayo.
The ending that was written in her book wasn't the real ending. The real ending was they live happily ever after. Malayo man sa amin pero alam kong masaya sila at masaya ako para sa kanila.
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top