It Turns out to be Me
Naglalakad ako ngayon sa pinakamagandang unibersidad na nakita ko.
Saan pa ba? Siyempre sa paaralan ko na nagngangalang Haille Laveda University.
Masaya akong naglalakad habang naghy-hymn ng twinkle twinkle little star sa hallway ngayon patungo sa silid-aralan ko.
First year college na ako at magtata-tatlong buwan na simula nang pasukan.
Maya-maya lang napahinto ako sa paghy-hymn nang may narinig na nagtilian sa may likuran ko.
'Ahhhhhhhhhhhhhh'
'Kyaaaaaa ang gwapo-gwapo"
'Sana mapansin ako niyan'
'Ohmyghad! Makalaglag panty ang kagwapuhan'
'Hahalikan ko na siya'
Di ko na napigilang lumingon at maging ako ay napatili narin.
"Ahhhhhhhhh! AZRE OPPA! AHHHHHH OPPA GANGNAM STYLE KYAAAAA ANG GWAPO-GWAPO MO"sigaw ko sabay tili at tumigil lang nang may nambatok sakin.
"Aray ano ba!" iritang sabi ko sabay lingon sa bestfriend ko.
"Kung makasigaw at makatili ka naman feeling mo mapapansin ka niyan" sabay ngiti ng nakakaloko niya.
"Bakit?! Kailan ba ko sumuko sa paghanga sa kanya? Ni-isang minuto nga lang, hindi ko kayang kalimutan siya! Kyyaaaaaaa! Ang gwapo talaga ng Azre ko" sabay tili ko ulit.
"Kung maka-'Azre ko' ka naman akala mo napansin ka na nyan! Wag na wag mong kalimutan na ni-isang minuto hindi ka nya nilingon man lang"
Tinaliman ko siya ng tingin sa sinabi niya.
"Insecure ka lang ihhh!" sabi ko sabay irap.
"Tss! Halikana nga!" tsaka hinila na niya ako palayo doon.
"Eh gusto ko pa syang makita para naman kahit isang minuto lang tignan niya ko. Mauna ka na lang ha? Please" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Tss. K fine basta sumunod ka baka mamaya ma-late ka at maubusan ako ng ipaliliwanag sa prof nating panot" sabi niya.
"Yes ma'am!" sabi ko sabay saludo.
Umirap muna sya bago umalis.
Tinignan ko naman ulit ang kinaroroonan ni Azre at nagulat ako ng nakitang nakatingin siya sa direksyon ko at ngumisi.
Wait lang! Di sya sakin nakatingin kundi sa bestfriend kong naglalakad palayo. Ay? Wag niyang sabihing may gusto siya sa bestfriend ko?!
Ay ano ba naman yang pinag-iisip ko! Nasisiraan na ako ng ulo!
~*~
"O? Buti naman di ka na-late" sabi ng bestfriend ko pagka-upo ko kagad sa upuan ko.
"Alam mo Faith? Parang gusto ka ng Azre ko" malungkot na sabi ko.
Bigla nalang niyang hinampas ang balikat ko kaya tinignan ko ito ng masama.
"Talaga? Mabuti naman kung ganun" masayang sambit niya.
Tinaliman ko ulit ito ng tingin at pinandilatan ko ng mata.
"Siyempre joke lang no! Ano ka ba! Alam ko kayang ikaw lang ang may karapatang magkagusto sa 'Azre mo' eh" sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
Mabuti nalang! Kung magkagusto talaga 'tong Faith na to kay Azre ih hindi ko na siya papansinin forever!
=•=
Kanina pa ako nakatulala dito habang nagle-lecture sa gitna yung prof namin na si Ms. Curtiz.
Iniisip ko kasi yung mga tingin kanina ni Azre kay Faith eh, iba talagang mga tingin ih! May pinapahiwatig, ewan ko lang kung ano!
"Ms. Hermais"
Agad na nabalik ako sa matinong pag-iisip ng tawagin ako ni Ms. Curtiz.
Taka ko itong tinignan at tinanong.
"Yes ma'am?" nakangiting sabi ko dito.
Baka naman papagalitan niya ako?! No way!
"Please hand this to the Dean's office" sabi niya sabay pakita ng ilang dokumento na nasa table.
Agad naman akong tumayo at kinuha iyon.
"Yes ma'am" sabi ko at lumabas na ng pintuan.
Buti nalang hindi ako pinagalitan. Naku naman kung magkataon. Di ko pa naman kayang hindi sagot-sagutin ang mga nakakatanda sakin kapag pinapagalitan ako.
Patungo na ako sa pupuntahan ko nang mapalingon ako sa loob ng clinic na katabi lang ng dean's office. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kung sino ang nasa loob ng clinic at di ko na napigilang ngumiti ng napakalawak. Si Azre.
Ano naman ginagawa niya sa clinic?
Hindi ko na muna pinansin at kumatok nalang sa pinto ng dean's office nang may ngiti sa mga labi.
"Come in" sabi ng tao mula sa loob.
Agad-agad ko itong binuksan at lumapit na sa Dean na nasa-mid 30's lang ang edad.
"Sir, Ms. Curtiz wants to give this to you" sabi ko na hindi padin natatanggal ang ngiti sa labi at nilahad sa kanya ang mga forms na hawak ko. Agad din naman niya itong kinuha at tinignan ako ng may halong pagtataka.
"What's up with you, Miss Kane?" Tanong niya.
Pinawi ko nalang ang ngiti ko bago pa mapagkamalang baliw sa kakangiti ng malawak.
"Nothing sir" sagot ko nalang.
"Are you okay? Mas maganda pa yatang pumunta ka nalang sa clinic kasi mukhang masama pakiramdam mo" pag-su-suggest niya.
"Mas mabuti pa nga po siguro Sir" masiglang sabi ko.
"Okay. Then you'll be excuse from your classes then" sabi niya sakin na nakabaling na sa forms na binigay ko sa kanya kanina.
"Sige po sir. Thank you po" sabi ko sabay lakad palabas ng pinto at dumiretsong clinic.
Nadatnan ko naman si Azre na nakahiga sa clinic's bed at ang nurse doon na nakapangalumbaba sa mesa niya.
"Excuse me ma'am?" agaw-pansin ko sa nurse. Nang marinig niya ako ay agad itong umupo ng maayos at nagtanong.
"Anong masakit sayo?" tanong niya kagad sakin.
"Medyo masakit po ang ulo ko" dahilan ko.
Pero ang totoo ay pumunta ako sa clinic para magpapansin kay Azre.
"Naku! Pareho tayo" sabi nito sabay iling.
"Po?"
"Eh kasi kanina pa sumasakit ulo ko kay Azre! Wala namang masakit sa kanya pero di ko alam kung bakit nandito yan" sabi niya sabay turo kay Azre na nakahiga parin sa kama.
"A ganun po ba? Hehe" sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
"O siya! Eto biogesic, inumin mo" sabay lahad ng isang tableta ng biogesic sakin.
"Wag na po! Parang mas kailangan niyo po yan ih" sabi ko sabay ngiti.
"Ok. Sabi mo ih" sabi niya nalang at tumayo na para kumuha ng tubig at ininom na yung tableta.
Di ko mapigilang mapatingin kay Azre na mahimbing na natutulog. Tila isa itong anghel na bumaba sa langit dahil sa kapogian at kamatipunong taglay nito.
Di ko napigilang ngumiti at lumapit. Maya-maya lang ay tumagilid ito ng higa saka nagsalita.
"Baka naman matunaw ako sa mga titig mo" walang ganang sabi nito.
"Okay ka lang ba Azre?" Nag-aalalang tanong ko dito kahit nakatalikod siya sakin.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" istriktong sabi nito.
"Suplado mo naman! Nagtatanong nga lang ih kasi concern ako" malumanay na sabi ko.
"Bakit ka naman concern sakin? Ni-hindi nga kita kilala" madiing sabi niya habang nakatalikod parin.
Tila nainis ako sa sinabi niya pero ano nga bang ikinakainis ko? Tama naman siya!
Tila napansin nito ang pagkainis ko na dahilan para na hindi na ako nagsalita pa ulit kaya nagulat ako ng binasag niya ang katahimikan.
"Okay lang naman ako. Gusto ko lang malayo sa mga babaeng mahaharot na walang tigil sa kakatili na parang kinikiliti at baka mamaya madiscourage pa yung crush ko sakin" sabi niya habang nakatalikod padin.
May crush siya? Ang swerte naman ng crush niya!
"Ahh" yun nalang ang tanging nasagot ko.
Maya-maya lang ay humarap na ito at tinignan ako bago nagsalita.
"Teka! Diba ikaw yung babaeng tumitili din kanina na kasama ni Faith?" sabi niya. Habang sinasabi niya yun ay di ko mapigilang matuwa and at the same nasaktan. Natuwa dahil for the first time, tinignan niya ako at nasaktan dahil kilala niya si Faith pero ako hindi.
"Oo" sabay iwas ng tingin sa kanya.
"Great! Pwede ba kitang maging kaibigan?" masayang tanong nito sakin.
"Bakit ka naman nakikipagkaibigan?" mahinang tanong ko.
"Cause I want to know more about Faith! May secret akong sasabihin sayo ah, siya yung crush ko"
Tila tinusok ang buong katawan ko ng karayom dahil sa mga binitiwan niyang salita.
Nasasaktan man ay pinilit kong ngumiti.
"Ok" mahinang sabi ko.
"Then, kwentuhan mo ko tungkol kay Faith" sabi niya sakin.
Ang kapal naman pala ng mukha ng Azre'ng 'to o! Tsaka sabagay, di naman niya alam na may gusto ako sa kanya.
Yun nga umupo ako sa isang silya na medyo malayo sa kanya at nagkwento tungkol kay Faith.
Labag man ito saking kalooban pero masaya naman ako na nakakausap ko siya at tinitignan niya ako.
"Ganun pala siya? Mas lalo pa tuloy akong humanga sa kanya" sabi niya naman pagkatapos kong magkwento.
"Anong nagustuhan mo kay Faith?" di ko na napigilang magtanong.
"Eh kasi di siya tulad ng ibang babae na laging tumitili tuwing dadaan ako sa harapan niya. Siya kasi yung babaeng hindi ignorante. Oy no offense huh? Tumitili ka paman din kanina" sabi niya.
"Di, okay lang" sabi ko nalang at tumayo na para umalis at pumasok nalang sa klase ko.
Ganun pala nagustuhan niya kay Faith? Di naman niya sinabi na ganun pala gusto niya sa babae edi sana yun ang ginagawa ko para magustuhan niya ko.
"Pano? Alis nako" sabi ko sabay ngumiti ng pilit pero bago paman ako makalabas ng tuluyan ay nagsalita ulit siya.
"Sabay tayong mag-lunch bukas kasama si Faith" alok niya. Tumango nalang ako saka tuluyan ng lumabas.
~*~
"Ah talaga? Ang ganda naman ng mga experience mo noon, ako kasi masyadong boring" sabi ni Azre kay Faith.
Nandito kami ngayon sa canteen sa school namin, nag-la-lunch. Lagi lang silang nagtatawanang dalawa kaya nga OPing-OP na ako dito ih. Gustohin ko mang umalis at lumipat ng table, di ko naman magawa baka ano nalang ang sabihin ni Azre.
"Talaga? Eh ano bang ginagawa mo sa buhay noon at nasabi mong boring?" tanong ni Faith habang titig na titig kay Azre.
"Nagbabasa ng mga libro, yun lang" sabi niya at tumawa.
May nakakatawa ba?
"O bes? Tahimik ka ata?" baling sakin ni Faith.
Nakalimutan niya atang gusto ko si Azre dahil sa mga tinuran niya.
"Wala naman" sabi ko nalang saka pilit na ngumiti.
"Okay. Sabi mo eh" saka bumaling ulit siya ng tingin kay Azre na nagpupunas na ng tissue sa bibig.
Nag-usap lang sila ng nag-usap hanggang sa bumalik na kami sa classroom namin at kaya nga sa kabilang section si Azre, eh ayun, napahiwalay na samin.
"Ang saya niya palang kasama no!" sabi ni Faith sakin pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
Nginitian ko lang siya.
"Oy bes! Kanina ka pa tahimik a?" tanong sakin nito.
"H-ha? Wala naman. Wala lang akong gana magsalita" paliwanag ko nalang.
"Bes? Wag mong sabihing nagseselos ka samin ni Azre ah?!"
Nagulat naman ako sa tanong niya kaya mabilis akong nagsalita.
"Ano ka ba! Hindi no? Alam ko naman na hindi mo siya gusto" pagsisigurado ko.
"Oo naman bes!" sabi nito sabay ngiti ng pilit at umiwas na ng tingin.
Eh pano nalang kung magkagusto sya kay Azre? Gusto pa naman siya nito! Wag ko na nga lang isipin baka masira na ng tuluyan ang ulo ko.
~*~
Maraming araw ang lumipas at tila nagkakamabutihan na sina Faith at Azre dahil sa lagi silang magkasama, well, kasama din naman ako pero yun nga lang, laging OP ang peg! Tss!
Napapansin ko na din kay Faith na lagi nalang bukambibig si Azre. Nakalimutan na yata niya na gusto ko si Azre.
~*~
Naglalakad ako sa hallway namin ng mag-isa nang may biglaang naglagay ng panyo sa mata ko dahilan para mapamura ako.
"Shit! Ano ba kailangan niyo?" naiinis na sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak nila saking mga braso pero kinaladkad nila ako papunta sa kung saan.
Namalayan ko nalang na may binuksan na pinto ang isang may hawak sakin kanina kasi isa nalang ang nakahawak sa braso ko ngayon.
"Pasok kana" sabi ng isa sa may hawak ng braso ko.
"Enjoy Kane" sabi rin ng isa sabay tulak ng mahina sakin dahilan para makuha ko ang panyo na nakaharang sa mga mata ko.
"Movie theater?" agad na tanong ko saking sarili pagkakita sa isang malaking projector na nakalagay sa table at nakatuon sa blackboard.
Maya-maya lang ang may mga yapak akong narinig na papunta sa pintoan.
"Azre?" Agad na tanong ko pagkarating niya.
"Kane? Ba't ka nandito?" naguguluhang tanong niya.
"Eh ba't kadin nandito?" pabalik na tanong ko dito.
"Ewan ko ih basta hinila nalang ako ng dalawang lalaki papunta dito" paliwanag nito sakin.
Agad kong tinungo ang pinto para sana buksan kaya lang naka-lock.
"Patay!" Agad na nasapo ko ang aking noo nang mapagtanto kung bakit kami nandito sa room na 'to.
Advance foundation day pala namin ngayon at may mga booth sila na-in-organize ng mga SSG Official.
At sigurado ako na ang napuntahan namin ngayon ay ang Blinddate-theater booth na kung saan ay may pares na maipapasok sa room kung nasan kami ngayon at manonood ang pares na 'yun ng movie na gusto nila at kailangang magkatabi sila habang nanonood. Ang mga naatasang manghuli sa mga pares ay sa kanila nakadepende kung sino ang huhulihin nila base sa unang makikita nila.
"Aray" sabi ko nalang. Parang nalakasan ko yata ang pagsapo sa noo ko dahil namamanhid ito.
Agad-agad na lumapit si Azre sakin at hinawakan ang noo ko.
"Okay ka lang?" Bakas sa tono ng pagsasalita niya ang pag-aalala kaya di ko mapigilang mapatingin sa kanyang mga mata at ganun na lamang ang hiya ko nang mapagtantong nakatingin din siya sa mga mata ko.
Di ko naman mapigilang kiligin sa ginawa niya pero pinigilan ko nalang ang sarili kong mapatili.
"Okay lang ako" sabi ko sabay ngiti. Kinuha na niya yung kamay niya sa noo ko at bumaling sa ibang direksyon.
Dali-dali naman akong tumungo sa laptop na naka-connect sa projector at tinignan ang mga video na naroon.
"Total nandito narin naman tayo ay sulitin nalang natin ang oras para mag-enjoy" sabi niya habang papalapit sa kinaroroonan ko.
Tumango lang ako at nagpatuloy parin sa paghahanap ng magandang panoorin.
"Ito nalang" sabi ko sabay play ng Five Feet Apart na movie kaya lang biglang ini-stop ni Azre ang movie.
"Tabi! Ako maghahanap ng panonoorin natin" sabi niya sabay browse ng movies sa laptop.
"Yung Five feet apart nalang ipa-play mo. Alam mo maganda yun kasi may sakit ang dalawang bida pati narin ang friend ng babae at mamamatay yung friend niya per---"
Di ko natuloy ang sasabihin ng magsalita siya.
"E napanood mo namana pala kaya iba nalang ang movie na panoorin natin" sabi niya habang nagbo-browse parin sa laptop.
"Eto nalang" sabi niya at plinay ang movie.
"Anong movie yan?" tanong ko.
"Breakthrough" sabi niya.
"Yieeee! Sige yan nalang. Alam mo ang gwapo-gwapo talaga ni John diyan" kinikilig na sabi ko sabay tili.
Nabigla naman ako ng ini-stop niya yung movie at naghanap ulit sa laptop.
"Okay na naman yung breakthrough ih" sabi ko.
"Tsk! Ikaw nalang maghanap ng movie. Nawalan nako ng gana" sabi niya sabay upo sa table na nasa gitna na for couple.
Inis na sya nyan a!
Agad-agad kong plinay ang movie na unang nahagip ng mata ko.
"Tom and Jerry?" Agad na tanong niya.
"Oo! Wala na kasi akong mahanap kaya ayan nalang para naman masaya" sabi ko at umupo na sa upuang nakalaan sakin katabi niya.
Kaya lang, inurog ko yung silya para naman hindi kami masyadong magkatabi kasi nahihiya at naiilang ako sa kanya.
"Ba't mo inurog upuan mo?" nagtatakang tanong niya.
"Ah--e-eh. Wala lang" sabi ko nalang habang pilit na nagpapakita ng isang ngiti.
Saka umupo na pero bago pa ako nakaupo ay hinila niya upuan at inurog niya palapit sa kanya.
Nagtataka ko siyang tinignan.
"Tabi nalang tayo" sabi niya sabay ngiti.
Eh? Kinikilig ako!
"S-sige" utal na sabi ko.
Nagsimula na ang paghahabulan ni Tom at ni Jerry kaya di ko napigilang tumawa ng malakas.
"HAHAHA!" tawa parin ako ng tawa at nahinto lang ako sa pagtawa ng biglaang idinantay ni Azre ang ulo niya sa balikat ko.
"Wag kang umangal. Matutulog ako" madiing sabi niya habang nakapikit.
Di ko tuloy mapigilang tumili at ngumiti ng abot-tenga.
Habang nanonood ng Tom and Jerry, di ko padin mapigilang tumawa ng malakas dahil sa mga pinaggagawa ng daga sa pusa.
"Ganun na ba talaga kanakakatawa ang Tom and Jerry?" nakapikit na tanong ni Azre.
"Oo naman" sabay tawa ulit.
"May boyfriend ka na ba?" biglaang tanong niya sakin.
Ohghad! Wag nyang sabihing gusto niya ko?! Ehhh!
"Wala" agad na sagot ko.
"Eh si Faith?"
Aray naman!
"W-wala din" nauutal na sabi ko.
"May balak ka bang ligawan siya?" di ko na napigilang magtanong.
"Naguguluhan nga ako ih" sabi niya.
"Ha? Ba't ka naman naguguluhan? Gusto mo siya at parang gusto kadin naman niya" mahinang sabi ko.
Inalis na niya ulo niya sa balikat ko at tumingin sa blackboard.
"Tingin mo?" tanong niya.
"Oo naman. Parang gusto ka naman niya dahil ikaw nalang lagi ang bukambibig niya" sabi ko.
Ba't ko ba sinasabi to? Alam ko namang nasasaktan ako sa twing naiisip ko na may gusto si Faith kay Azre.
"Ewan ko ba! Kung noon, siguro sigurado akong liligawan ko talaga siya, pero ngayon, naguguluhan na ako"
Ba't naman siya naguguluhan?
"Bakit?" tanong ko.
"Basta naguguluhan lang ako, noon kasi si Faith lang talaga ang gusto ko pero ngayon, dalawa na ih at di ko alam kung ano nalang gagawin ko. Ganun kasi siguro yung pag-ibig, kahit sarili nating nararamdaman hindi natin masigurado at kapag nagmahal ka, dapat iisipin mong mabuti ang desisyon mo para sa huli hindi ka magsisi sa desisyong napili mo" mahabang pagpapaliwanag niya.
Edi sya na-expert!
"Ba't ang dami mong alam sa pag-ibig?" naguguluhang tanong ko.
"Wala lang. Opinion ko lang yun sa pag-ibig" sabi niya habang nakatingin sakin.
~*~
"Kanina ka pa nandito, bes?" Agad na tanong niya pagkapasok na pagkapasok sa classroom namin.
Kanina pa ako nandito sa classroom namin, actually ako yung unang dumating, ewan ko ba kung bakit napakaaga kong pumasok.
Marami na ding araw ang lumipas simula nung nangyari sa blinddate-theater booth. Palagi narin akong mag-isang kumakain dahil ayoko nang sumasama pa kina Faith at Azre. Ma-oOP lang naman ako kung ganun. Siguro nga mas lalong nagkakamabutihan sina Faith at Azre dahil tuwing magkasama sila, di matigil-tigil ang tawanan nilang dalawa kaya nga di ko mapigilang masaktan. Oo alam kong wala namang namamagitan samin ni Azre pero di ko lang mapigilang mainis kay Faith dahil alam niyang gusto ko si Azre pero parang nakalimutan na nga niya ata dahil palagi nalang silang magkasama ih.
"Bes, may gusto ka parin ba kay Azre?"
Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Faith na nasa tabi ko.
"Oo naman" pilit na pinasigla ko ang boses ko.
"Ahh" halata sa boses niya ang pagkadismaya kaya di ko mapigilang magtaka.
"Bakit bes? May gusto ka na sa Azre ko?" tanong ko.
Nakita ko ang pamumula ng mukha niya sa tinanong ko.
Confirmed! May gusto siya kay Azre!
Pano na ako? Hindi malabong maging sila dahil gusto nila ang isa't-isa. No hope na tayo self!
"A-ahh e-hh ka-kasi" nauutal na sabi niya habang kumakamot sa ulo.
"MAY GUSTO KA SA KANYA DIBA?!" di ko napigilang mapasigaw habang tinatanong ko siya. Wala pa naman masyadong tao sa classroom ngayon.
"Bes, sorry kasi di ko napigilan eh. Ang dali nya kasing magustuhan dahil napaka-gentleman niya pagdating sakin" pagpapaliwanag niya.
"Talaga?!" pabalang na sabi ko.
"Bes, patawad. Di ko kasi mapigilan eh" pagpapaliwanag niya habang may namumuong luha sa mga mata niya.
Di ko nadin mapigilang maluha sa nangyayari. Akala ko ba hindi siya magkakagusto sa Azre ko?!
"Alam mo Faith? Gustong-gusto kitang sampalin at sabunutan dahil sa mga sinabi mo! Pero hindi eh, hindi ko magawa-gawa dahil bestfriend kita! Kahit na nagkakagusto ka na rin sa lalaking gusto ko, di parin kita kayang saktan! Pero di mo ako masisisi kung magtanim man ako ng sama ng loob at pagkamuhi sayo! Pero ano ba naman magagawa ko, nagmahal karin naman, di kita mapipigilan sa gusto mo" maluha-luhang sabi ko.
Totoo naman ih. Nagmahal lang rin naman siya kaya di ko siya masisisi.
"B-bes" nauutal na sambit niya sa pangalan ko.
"Okay lang Faith! Go lang ng go sa gusto mo! Susuportahan kita" sabi ko habang nagpupunas ng luha sa mga pisngi.
Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako at lumabas ng classroom at napagdesisyonan kong umabsent nalang.
~*~
"Sigurado ka ba baby?" nag-aalalang tanong ni mommy sakin.
Napagdesisyonan ko kasing lumipat ng paaralan para makalayo-layo muna at para makapag-focus sa studies ko kasi kung magsi-stay man ako sa Haille Laveda University, sigurado akong magkakagutay-gutay ang studies ko dahil lagi kong makikitang masaya si Faith at Azre na laging magkasama. Parang di ko yata kakayanin yun! Long-time crush ko kaya si Azre pero ngayon nya lang nalaman na nag-eexist ako sa mundong ginagalawan niya. Gusto ko na ding magpahinga sa pagsigaw at pagtili at baka paglipas ng mga taon ay magkaroon ako ng inpeksyon sa leeg ko dahil sa kakasigaw.
Ngumiti muna ako at nagsalita.
"Oo mommy. Mamayang lunch, magpapaalam ako sa guro at sa dean namin sa school tungkol sa paglipat ko" pagpapaliwanag ko.
"Okay baby basta susuportahan lang kita sa desisyon mo" sabi ni mommy sabay yakap sakin.
"Thanks mommy! Napaka-supportive mo talaga" sabi ko habang malawak ang ngiti sa mga labi.
"Aalagaan ka ng daddy mo dun sa States kaya okay lang sakin basta kapag gusto mong bumalik dito, bumalik ka kaagad ah?" sabi ni mommy.
"Syempre mommy. Dalawang taon lang naman ako dun kaya pag-third year college na ako, nakabalik na ako dito" pagpapaliwanag ko naman.
~*~
"Ba't ka naman lilipat? Hindi ba maganda ang pakikitungo namin sayo dito kaya ka aalis?"
Agad akong umiling sa tinanong ni Ms. Curtiz.
"Naku po ma'am! Hindi naman po sa ganun" sabi ko sabay ngiti.
"Okay! Ikaw naman ang magdedesisyon sa mga gusto mo" sabi niya.
"Pano ma'am? See you soon" sabi ko sabay ngiti at tumungo na sa pinto.
Habang naglalakad ay di ko mapigilang malungkot and at the same time ma-excite dahil maraming magandang tanawin sa States.
Hindi ko narin mapigilang mag-hymn ng Twinkle twinkle little star habang dumadaan sa hallway. Lunch time pa naman kaya wala masyadong taong dumadaan, siguro nandun pa sila sa cafeteria.
"Hmm hmm hmmm hmm hmm hmm hmmmm" paghy-hymn ko habang nakangiti.
Napahinto ako sa paghy-hymn nang makasalubong si Azre na nakapamulsa. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.
"What's wrong?" agad na tanong ko.
Naka-denim shorts lang naman ako at white t-shirt na may kalakihan.
"Ba't hindi ka naka-uniform?" nagtatakang tanong niya.
"Ha? A-ah ehh k-kasi masakit ulo ko! Tama, masakit ulo ko kaya kailangan ko ng umuwi" pagkasabi ko nun ay nilagpasan ko na siya. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
Tinignan ko sya ng may pagtataka ang mukha.
"May gusto akong sabihin sayo" sabi niya habang nag-iiwas ng tingin.
"Ha? Eh nagmamadali kasi ako eh kaya bye na!" sabi ko at pumihit na para umalis.
Baka mamaya kung makausap ko pa sya ng matagalan eh magbago nalang bigla ang desisyon ko. No! Hindi pwede! Kailangan ko ng maka-move on kasi wala na naman akong pag-asa kaya mas maganda ng makalimot.
~*~
Agad akong tumungo sa bahay ni daddy pagkarating ko kaagad. Ayoko namang maglibot-libot habang may dalang maleta. Kapagod lang kung ganun!
Huminto na ang taxi na sinasakyan ko sa tapat ng isang magarang mansion na tila royalties ang nakatira sa bahy na nakikita ko.
"Ito ba talaga ang bahay ni daddy?" Di makapaniwalang tanong ko saking sarili.
"Here. Keep the change" sabay abot ng dalawang libo sa driver. Agad-agad akong bumaba ng taxi at naglakad patungo sa malaking pilak na gate at tsaka pinindot ang doorbell.
Nagulat ako nang binuksan ang napakalaking gate at bumungad sakin ang mala-palasyong bahay na ngayon ko lang na kita sa tanang buhay ko.
Di ko mapigilang mapanganga lalo na nang may limang naka-suot ng pang-maid at sabay-sabay silang nagsalita.
"Welcome home Miss Kane!"
Napahanga na naman ako sa pagsasalita nila. Sabay-sabay talaga ih! Sigurado ako na pag sumali sila sa Speech Choir Contest ay mananalo sila.
Nginitian ko muna sila bago nagsalita.
"Thank you" masiglang bati ko.
"This way Miss" sabi ng isang maid saka naglakad, sumunod naman kaagad ako.
Bumungad sakin ang isang mestisong lalaki na nasa-mid 40's ang edad.
Agad-agad ko itong niyakap ng mahigpit.
"Daddy" sabi ko habang nakayakap parin. Niyakap din niya ako pabalik.
"I missed you so much baby" sabi nito.
Napabitaw lang ako sa pagkakayakap kay daddy nang may tumikhim sa likod.
"Tita" agad-agad akong lumapit dito at niyakap din siya ng napakahigpit.
"I miss you so much Kane" sabi nito.
Si tita Hana ang bagong asawa ni daddy, siya yung pinalit niya kay mommy. Nung una, nasaktan ako, sobrang sakit nun para sa amin ni mommy pero kalaunan ay nagkapatawaran na sila mommy at daddy, ako naman, natanggap ko nadin. At kahit sa States naninirahan si daddy ay di niya kami nakakalimutan ni mommy, lagi din niya akong pinapadalhan ng pera at naging close narin kami ni tita dahil mabait naman ito at lagi nalang nangungulit na makipag-video call sakin, kaya pumapayag naman ako kasi di naman sya boring kausap at siya yung tipo ng tao na madaling pakitungohan.
"Let's eat" sabi ni tita pagkatapos kong ilagay sa kwarto ang lahat ng mga gamit ko.
~*~
AFTER 2 YEARS
"Aalis ka na ba talaga Kane?" tita said in a low tone of voice, it's obvious! She's sad.
Parang nahawaan ko na yata siya sa pagtatagalog a?!
"Yeah tita. I need to go home kasi pinipilit na ako ni mommy na bumalik and I really miss my hometown" I said while showing a sweet smile.
It's been two years since I came here in States and today is my flight back to Philippines, my dearest hometown. On that two years, I'm really thankful that finally, I moved on from Azre. I didn't know what was going on between Faith and Azre, too. I totally keep my mind from things that can bring back any dilemas on me and instead, I focused on enjoying America and especially, focused on my studies. Third year na ako sa pasukan and I'll continue my studies on Haille Laveda University.
~*~
"Please fasten your seatbelt. Any minute now, the plane will take off" the flight attendant said.
Yeyy! Makakabalik nadin ako sa Pinas! I'm super duper excited on meeting my mom. I really missed her.
~*~
"Mommy I'm home!" I shout right away I step inside our house.
Agad naman akong sinalubong ni mommy ng napakalawak na ngiti saka ako niyakap.
"Na-miss kita ng sobra mommy!"
"Namiss din naman kita. Akala ko nga pinalitan mo na ako kay Hana! Hmpff"
Aba-aba! Nawala lang ako ng dalawang taon, naging matampuhin na si mommy?!
Agad akong kumalas sa pagkakayakap at hinalikan siya sa pisngi.
"Mommy! Walang makahihigit sayo, alam mo yan" sabi ko sabay ngiti.
"Osiya. Magpahinga ka muna at mamaya mo na ayusin mga gamit mo tsaka gigisingin nalang kita pag luto na ang pagkain"
Napangiti naman ako sa sinabi niya at sunod-sunod na tumango.
"Kain na" masayang sabi ni mommy sabay tapik sa balikat ko.
Agad akong bumangon at umakbay sa kanya at sabay na kaming bumaba.
"Ang bango naman ng niluto mo mommy" sabi ko sabay amoy sa adobong niluto niya.
"Siyempre naman no" sabi din niya. Ngumiti nalang ako at nagsimula ng kumain.
"Ah nga pala baby, next week na ang pasukan diba? Saan mo ba balak mag-aral?" sabi niya sabay nguya ng kinakain.
"Sa Haille Laveda University parin po" sabi ko habang punong-puno ang bibig ko ng pagkain.
"Baby, diba? Don't talk when your mouth is full?" seryosong sabi niya.
Naku! Oo nga pala! Yun ang favorite kasabihan niya kaya yun din ang number one rule dito sa bahay namin.
Ay wait lang!
"Mommy, eh kayo din naman kanina a?" Natatawang sabi ko.
Tumawa sya ng bahagya "Ay oo nga no?!" at tumawa lang kami nang tumawa.
~*~
Simula na naman ng bagong semester.
Mas gumanda ang unibersidad na 'to a? Sabay tingin ko sa paligid ng Haille Laveda University.
Yeyy third year college na ako! Makahanap nga ng bagong kaibigan! Teka si Faith? Ay oo nga, kakaibiganin ko parin naman siya tutal naka-move on na naman ako.
"Aray" napahinto ako sa paglalakad nang may mabunggo akong lalaki. Agad ko itong tinignan ng masama.
"Di ka ba marunong mag-excuse me?" mataray na sambit ko. Ngumisi ito at nagsalita.
"Ayaw kasi kitang istorbohin sa pagdedaydream mo" seryosong sabi nito.
"Tsk! Makaalis na nga" sabi ko at pumihit na para umalis.
Di ko mapigilang mainis and at the same time masaya.
Mukhang may bago na akong pagtitilian a! Hahaha!
Sino kaya pangalan nung nabunggo ko? Ang gwapo niya, kyaaaaa!
Napatigil ako sa paglalakad nang may naaninag na pigurang pamilyar sakin. Nakatalikod ito pero kilalang-kilala ko na agad kung sino ito at sa walang pagdadalawang-isip, lumapit ako at tinapik sya sa balikat.
"Bes?! Oh my God! Ikaw nga" at di na nya napigilang yumakap kaya niyakap ko din ito pabalik.
"Nakakatampo ka naman bes! Alam mo ba yun, nalungkot talaga ako sa pag-alis mo" sabi niya sa malungkot na boses. Naguilty tuloy ako.
Kumalas na sya sa yakap at tinignan ako.
"Chikahan tayo habang papunta sa classroom na naka-assign satin" sabay ngiti niya. Tumango nalang ako at kumapit sa braso niya at nagsimula na kaming maglakad.
"Kumusta kana bes?! Na-miss kita ng sobra" sabi ko.
"Bakit? Di ba kita namiss?!" Sabay irap niya.
Tss kahit kailan di nagbago!
"Ay alam mo bes! May nakita ako kaninang lalaki, medyo suplado pero okay na yun" pagsasalaysay ko. Bigla naman niya akong hinampas sa balikat.
"Aray naman!"
"Pumunta kalang ng America, ganyan ka na! Tell me, ilan ba naging boyfriend mo dun?"
Pinanliitan ko sya ng mata sa sinabi niya.
"What do you think of me? Malandi?!" sabay irap ko.
"Aba! Aba! Englisera ka na a! Sige na, sabihin mo na" sabay yugyog niya sakin.
"Wala" walang ganang sabi ko.
"Weeee? Di ako naniniwala" sabay sundot niya sa tagiliran ko.
"Aray naman! Ang sakit! Seryoso nga ako! Wala naman talaga"
"Ok sabi mo eh" sabi niya. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad at huminto sa pinto ng Room 342- Tourism.
"O pano? Kita nalang tayo mamaya!" Sabi ko sabay pasok sa room.
Tumango nalang sya at naglakad na palayo.
"Yeyy nag-save ka talaga ng seat para sakin?" Di makapaniwalang tanong ni Faith sakin.
"Syempre naman no!" sabay irap ko.
Akmang tatayo na ako para mag-order nang nagsalita siya.
"Ako nalang mag-oorder. Libre kita!"
Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
Pagkatapos niyang bumili ng lunch ay nagsimula na kaming kumain.
Asan pala si Azre? Ba't hindi ko pa nakikita simula nang bumalik ako dito? Magtatanong kaya ako? O hindi nalang baka magtaka si Faith?!
Tss! Ano ba self! Nakamove na tayo remember?
Pero,
Gusto ko paring malaman tungkol sa kanya ih kaya bahala na!
"Ahm Faith"
Agad naman siyang tumingin.
"Bakit?"
"Hindi ko pa kasi nakikita si Azre simula nang bumalik ako sa Pilipinas, kamusta na siya?" nahihiyang sabi ko. Feeling ko tuloy namula ako sa tinanong ko.
Bigla namang lumungkot ang mukha niya sabay sabing "Wala na" malungkot na sabi niya.
"Teka? Anong wala na?!" gulat na tanong ko.
"Bes, wala na"
Ano ba naman tong Faith na 'to! Masyado na kaya akong kinakabahan dito o!
"What do you mean bes? Kailan lang? Bakit? Ano dahilan ng pagkamatay niya?" Sunod-sunod na tanong ko.
Hindi siya nagsasalita, patuloy parin siya sa ekspresyon na malungkot nang biglang
'Ahhhhhhhhhhhh'
'Kyaaaaaaaaaaaaaaa'
'Oh my ghad!'
'Lipstic ko dali!'
'Ang hot-hot talaga ni Azre'
Teka? Azre? Si Azre?!
Buhay pa siya?! Tinignan ko si Faith na ngayon ay tumatawa na pala.
"Akala ko ba--"
"Ang sabi ko kanina, wala na siya as in WALA NA ang DATING siya"
Kinunotan ko siya ng noo sa sinabi niya. Di ko sya gets! Pramis!
"Diba noon, ayaw na ayaw niya sa mga babaeng tumitili at nagpapapansin sa kanya? Sabi mo pa nga noon na pumunta pa talaga siya sa clinic para lang iwasan sila di ba?! Pero ngayon, tignan mo" saka tinuro niya si Azre na may kaakbay na babae "oras-oras nagpapalit ng babae" sabay iling niya.
"Bakit naman? Kailan nagsimula pagiging ganyan niya?" nagtatakang tanong ko.
Ewan ko ba! Curios ako.
"Simula nung umalis ka" sabi nya habang titig na titig sa mga mata ko.
Ano? Simula nun? Bakit naman? Posible kayang ako ang dahilan? Imposible naman kung ganon!
Umiling-iling nalang ako at tumingin ulit sa direksyon kung saan nandon si Azre at nakita kong nakatingin din siya sakin.
Titig na titig lang? Ano siya, nakakita ng multo?!
Mas gumwapo na siya ngayon kaya lang naka-move on na ako kaya wala na akong kahit katiting na nararamdaman sa kanya.
Pero ngayon? Titig na titig siya sakin? Parang bumalik lahat ng nararamdaman ko!
I just shrugged my shoulders and stop thinking about my thoughts at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Kahit kumakain ako, hindi parin ako makapag-concentrate ih.
Kaya nga ako umalis para mabigyan si Faith ng chance kay Azre diba?! Kasi gusto din naman siya ni Azre pero bakit? Hindi ba naging sila?
Tatanungin ko na sana si Faith nang may nagsalita.
"Hey Kane Hermais"
Tinignan ko agad ang nagsalita, yung nakabunggo ko kanina.
"Pano mo nalaman pangalan ko?" Nakangiting tanong ko.
Magpapa-impress tayo self! Para naman mapansin.
Gwapo ihh!
Di sya sumagot at tinuro nya yung dibdib ko? Agad ko itong tinakpan ng kamay ko at ginawang cross.
"ID?" tanong niya.
Ahh yung ID pala tinitignan! Tss!
"Ahh"
"Ako nga pala si Qert" sabay lahad ng kamay niya.
"Yeah" tapos inabot ko kamay niya at nagshakehands kami.
Maya-maya lang umupo siya sa tabi ko.
"OO NGA NO? ANG HOT MO TALAGA BABE"
Tinignan ko yung nagsalita, si Azre at magkausap sila ng kaakbay nyang babae. Magkausap? More like, nagpaparinig.
"Talaga babe? Ikaw a!" sabay halik sa pisngi ni Azre ng babae.
Aba aba! PDA talaga?! Tsk.
Maya-maya lang, nagulat ang lahat ng hinatak ni Azre ang babae at hinalikan, sa harap ng lahat ng tao sa cafeteria, sa harap ni Faith, sa harap ni Qert at sa harap KO.
Ano ba yan Kane! Diba nakamove-on kana?! Diba? Diba?
Umiwas nalang ako ng tingin at uminom ng tubig.
"Ang sweet ng labi mo babe" sabay pulupot ng braso ni Azre sa beywang ng babae at alam niyo ba?
Nabuga ko yung nainom ko!
Buti nalang nakailag si Qert at Faith. Nag-peace sign lang ako sa kanila at tumayo na.
"Punta lang akong restroom" pagkasabi ko nun, naglakad na ako papuntang restroom.
Pagkapasok ko sa restroom, agad akong naghilamos ng tubig para malamigan tong isip kong to.
Diba nakamove-on kana Kane?! Ano yun? Apektado ka ba sa ginawa ng Azreng yun?!
Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong nag-uusap at mga yapak na papuntang restroom kaya dali-dali akong pumasok sa isang cubicle.
"Ang sarap talaga humalik ni Azre no?"
"Oo nga! Tapos ang sweet-sweet nya pa"
"Pero nagtataka lang ako, dati diba si Azre, laging umaayaw sa mga pang-aakit natin sa kanya? Pero tignan mo naman ngayon o, sya na lumalapit satin! Tsaka ang sarap talagang humalik ihhh"
"Hayaan nalang natin. Mas maganda nga yun eh diba?"
"Oo nga"
Ano ba yang pinag-uusapan ng mga babaeng yan! Ang lalaswa?!
Nagpasya akong lumabas ng cubicle at kita ko ang pagkagulat nila.
Bakit kaya?
Nginitian ko nalang sila at humarap sa salamin.
"Long time no see Kane a!" sabi ng mukhang mataray na babae.
"Oo nga! Diba isa kadin sa avid fan ni Azre?" nagtatakang tanong ng isang babae na medyo mabait.
Nginitian ko sila bago sinagot.
"Ah yeah, dati. Ngayon hindi na" malumanay na sabi ko.
"Bakit naman?"
Napakachismosa naman nitong mga babaeng to!
"Wala lang. Pagod na kasi akong tumili" and I fake a laugh.
"Oh I see" sabi ng mukhang mataray.
"Magkakilala pala kayo ni Qert?"
Tinanguan ko lang silang dalawa.
"Swerte mo naman. Alam mo, masyadong cold yung taong yun pero sayo parang hindi naman" sabi ng medyo mabait.
"Talaga? Alam niyo, nakamove on na ako kay Azre kaya si Qert na naman kababaliwan ko" sabay tawa ko.
Nagtawanan nalang kami at sabay ng lumabas ng restroom.
"Bye" sabay nilang sabi at dumiretso na sa classroom nila.
Papasok na sana ako ng biglang may nanghigit ng kamay ko.
"A-Azre..."
Di sya nagsasalita at kinaladkad lang ako hanggang sa makarating kami sa may likod ng university.
"Anong kailangan mo?" pilit kong pinapataray ang pagkakatanong ko.
Ilang segundo na ang lumipas pero hindi parin sya nagsasalita.
Aalis na sana ako nang hatakin nya ulit ako at niyakap.
"Azre?" Di parin sya umiimik.
"Let's just stay like this for awhile" mahinang sabi niya.
"Baka may makakita satin? Ano nalang iisipin nila" sabi ko.
Tama naman diba?
"Ssshhh..."
Maya-maya lang ay bumitaw na siya at pilit na ngumiti.
"That's it" sabay alis nya.
That's it? Yun lang?! Tss.
~*~
"Oy ikaw Kane a! May hindi ka sinasabi sakin"
Huh? Ano ba naman tong Faith na to! Kararating ko nga lang tapos i-interviewhin na agad ako? Hayy.
"Ano?"
"Yung kahapon. Yung magkayakap kayo ni Azre"
Halos malaglag ako sa upuan ko sa sinabi niya. So? May nakakita nga samin?!
"Nakita mo?"
"Anong ako?! Nakita ng lahat" sabay ngiti ng nakakaloko.
"ANO?!" Di ko na napigilang sumigaw.
Pano naman nila nakita diba? Ang ayoko ko pa naman sa lahat e yong naiisyu ako ih!
"Tignan mo 'to" sabay pakita ng picture sa cellphone niya.
Magkayakap kami ni Azre, or should I say, nakayakap sya sakin.
"Kalat na kalat na yan sa buong university"
"E-eh pa-pan-no?"
Nauutal na talaga ako!
"Tignan mo din sa bulletin board! May mga copies din nito na dinikit dun. Madami ka na ngang fans eh pero syempre may mga bashers din. Kinukompara ka nila sa lahat ng nakalandian ni Azre, tsaka mukhang importante ka talaga sa kanya kasi siya mismo yumakap sayo"
May ganun?!
"Ano?! Pati ba naman dun?! Tsaka wala akong pakielam sa mga bashers na yan!"
Naiinis na talaga ako ih!
"Bes, sabihin mo nga sakin, ba't ka niyakap ni Azre?"
Bakit nga ba?
"Hindi ko alam"
Hindi ko naman talaga alam!
"Alam ko na" sabay snap ng dalawang daliri niya.
"Ano?" interesadong tanong ko.
Gusto ko din malaman bakit ako niyakap ni Azre eh kasi naguguluhan din ako.
"Na-miss ka nya"
Na-miss?! Bakit niya naman ako mami-miss diba?!
"Tss. Ba't naman ako mami-miss nun?! Tsaka may alam ka bang solusyon para matigil na tong isyung 'to?"
Sana meron!
"Eh isa lang talaga alam ko ih" sabay ngiti ng nakakaloko.
Baka naman masama 'tong binabalak niya a!
"Makipag-date ka kay Qert"
At ba't nasali si Qert sa usapan?!
"Ano?!"
"Makipag-date ka sa kanya para naman isipin nilang wala lang yung sa inyo ni Azre. Si Qert kasi, sikat din dito sa pagiging cold niya kaya pag kumalat ang balita na nagde-date kayo ih di ka na guguluhin ng mga fangirl ni Azre"
"Eh dudumugin din naman ako ng fans ni Qert" sabay iling.
"Hindi yan! Maiintindihan ka nila kasi ikaw ang unang babaeng makaka-date ni Qert kaya susuporta sila sayo" pagsisigurado niya.
"Pag-iisipan ko"
~*~
Agad hinanap ng mata ko ang bestfriend ko. Si Faith.
Asan na ba yun?
Kanina pa ako nandito sa loob ng classroom namin pero wala parin siya.
Baka absent?
Tatayo na sana ako palabas ng room para hanapin si Faith nang may biglaang dumating.
"Azre?"
Nginitian niya ako bago lumapit.
Anong ngingiti-ngiti ng isang 'to?
"Sama ka sakin"
Sasagot palang sana ako ng hinatak na niya ako palabas ng room.
"Ano ba kailangan mo?!"
Pilit kong binabawi ang kamay ko na hawak-hawak niya pero hindi ko magawa. Malakas siya.
"Wala naman akong gagawin sa'yo"
Mahinahon lang ang boses niya ng sinabi niya yun at hatak-hatak parin ako.
"Faith!"
Buti nalang nahagip ng mata ko si Faith dahilan para tumigil sa paglalakad si Azre.
"Kane? Azre? Ba't magkasama kayo?"
"Gusto mo sumama samin? Kakain kami ng samgyeopsal"
Sunod na sunod na tango ang iginawad ni Faith sa sinabi ni Azre.
Samgyeopsal? Ano yun? Makakain? Saan naman kami kakain nun? Baka sa damuhan?
"Tara na" nakangiting sabi ni Azre at nagpatuloy na sa paglalakad habang hila-hila parin ako.
"Azre!"
Automatic kong nilingon ang tumawag kay Azre. Isang magandang babae.
Ba't ikaw ang tumingin? Si Azre ka ba?
"Let's hang out"
Sa sinabi ng babae, agad akong binitawan ni Azre at ngumiti sa babae.
Agad-agad naman akong naglakad pabalik kasama si Faith.
"Nakakainis talaga yung lalaking yun!"
Pilit akong pinapakalma ni Faith. Pagkarating kasi namin sa room, agad kong binuhos ang sama ng loob ko.
Sino ba naman ang hindi maiinis diba?
Nakakainis talaga. Manghihila nalang bigla at isasama ako para kumain ng samgyeopsal tapos pag may mang-ayang babae sasama agad?! Ano yun? Harap-harapang sinasabi sakin na isa nalang din ako sa mga babaeng nilalandi niya? Nakakainis! Nakakainis talaga!
"Isa nalang din talaga ako sa mga babae nya ih"
"Bes, kalma lang, okay? Ano? Game ka na ba sa pinag-usapan natin nung nakaraan? Ide-date mo ba si Qert?"
Taas-baba ang kilay ni Faith habang nagtatanong.
Ano? Game ba ako? Pero dapat yun ang sasabihin ko sa kanya kanina eh, nung hinahanap ko sya sasabihin ko sana na ayokong gumamit ng tao para makaiwas sa isyu kay Azre at para makamove-on ng tuluyan pero ngayon? Nagbago na isip ko. Gagawin ko na! Ipapamukha ko kay Azre na hindi ko na siya gusto!
"Game"
"Then let the game begins"
~*~
"Hi Qert!"
Ngumiti ako at kinawayan siya na nasa malayo. May dala siyang isang libro.
Huminto ito nang makalapit na sakin.
"Hi Kane! Nasaan kaibigan mo? Bakit mag-isa kalang?"
Ang dami namang tanong ng lalaking 'to!
"Nandun lang naman. May ginagawa" at ngumiti ako ng pilit.
"Ah ganun ba? Ako ba hinihintay mo?"
Bahagya akong tumango.
"Tara na"
Naalala ko na naman kung bakit ako naghihintay kay Qert.
"Step one. Gawin mo ang lahat para isipin niyang nakatadhana kayo. Maghintay ka sa kanya o minsan naman magpanggap ka na coincidence lang ang pagkikita niyo"
Nakakabaliw mang isipin pero kailangan kong gawin. Kailangan kong mapalapit kay Qert para isipin ng mga taong wala lang yung samin ni Azre.
~*~
"Aray!"
Agad kong dinamdam ang sakit sa pwet ko dahil sa pagkakatumba. Tinignan ko ng masama ang nakabunggo ko.
"Pasensya na Kane"
Ngumiti ako.
"Ano ka ba Qert! Okay lang yun"
Ang totoo, sinadya kong magpabunggo sa kanya.
"Libre nalang kita"
"Sige ba"
"Step two. Kailangang magpa-impress. Wag tumanggi kong yayayain."
Makapal man kung iisipin pero kailangang gawin.
~*~
"Qert! Ang gwapo-gwapo mo talaga"
Pilit akong ngumingiti habang kurot-kurot ang pisngi ni Qert. Medyo namumula na nga pero bahala na. Siya naman, ngiting-ngiti lang. Baliw?
"Step Three. Be joyful, caring and sweet towards him."
Yeah right. Kailangan kong maging ganun kahit nakakailang man. Ewan ko ba, naiilang talaga ako kay Qert. Feeling ko parang hindi ako comfortable sa kanya. Ewan ko lang.
~*~
"Kane? Why are you here?"
Kailangan kong gawin.
"Step four. Make him fall inlove with you."
Nakakabaliw talagang isipin 'tong step na 'to! Pero last step na naman kaya gawin ko nalang para matapos na at marealize na ni Qert kung gaano ko ginagawa lahat para magpapansin sa kanya at sana maisip niyang gusto ko siya—kahit di naman talaga.
Pinakitaan ko siya ng ngiti bago nagsalita.
"Wala kasing tao sa bahay. Namalengke si mommy, pwede bang dito nalang ako mag-stay sa inyo, mamayang 6 PM uuwi narin ako." sabi ko sabay ngiti. Bahagya naman siyang tumango.
"Bakit naman hindi? Sige pasok ka" nakangiting sabi niya. Pumasok na agad ako at tinignan ang kabuuan ng bahay nila.
"Ang laki naman ng bahay niyo" manghang sabi ko. Napakamot sya sa batok niya.
"Malaki nga" sabi nalang niya.
"Maupo ka" alok niya.
Umupo ako sa sofa nila at humalukipkip.
Maya-maya lang, inaya na niya akong mag-lunch. Kaming dalawa lang kasi ang nandito except sa mga kasambahay nila.
Nilagyan ko ang kutsara ko ng pagkain at itinapat sa bibig ni Qert.
"Ahh" sabi ko. Nagdadalawang-isip pa siya pero kinain din naman niya.
Pagkatapos nito, sure akong magugustuhan na niya ako at liligawan.
~*~
"Ano, successful ba?"
Bumuntong-hininga ako sa tinanong ni Faith.
"Hindi ko alam" walang ganang sabi ko.
"Sure akong na-touch at na-realize na nun na gusto ka niya" pagsisiguradong sabi ni Faith. Nagpilit ako ng ngiti.
"Sana nga hindi" bulong ko pero parang narinig yata ni Faith kasi bigla nalang niya akong hinampas sa braso.
"Ano? Si Azre parin? Kalimutan mo na nga yun!" inis na sabi niya.
I just shrugged my shoulders. Eh pano nga kung gusto na pala ako ni Qert? Pano kung ligawan niya 'ko? Bibigyan ko ba siya ng chance? Kahit ako, gulong-gulo na.
Dumating ang lunch time at dumiretso na kami ng cafeteria.
"Qert" agad kong hinigpitan ang hawak sa kutsara ko dahil sa paparating na lalaki. Malapad ang ngiti nito samin ni Faith. Ngingiti-ngiti niya?
"Kane, may sasabihin ako"
Hindi ko alam pero nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Parang alam ko na ang sasabihin niya.
Uupo na sana siya sa tabi ko nang....
"Sorry pre, occupied na kasi" agad-agad rin namang umupo si Azre sa tabi ko.
Ngumiti si Qert at tumabi nalang kay Faith.
"Ano ba yung sasabihin mo kay Kane, Qert? Kailangan mo bang lumipat kami ng table?" pagbasag ni Faith sa katahimikan.
Aish! Pinaalala pa.
"No need. Kailangan kong maging witness kayo ni--" bumaling sya ng tingin kay Azre "Ano palang pangalan mo?" tanong nito.
Kumunot naman ang noo ni Azre na kasalukuyang kumakain.
"Ba't mo kailangan pangalan ko?" sabi nito habang nginunguya ang pagkain sa bibig niya.
"Don't talk when your mouth is full" seryosong sabi ko sa kanya.
Tinaliman niya ako ng tingin pero maya-maya lang, ngumiti ito kahit may mga pagkain pa sa bibig niya. Ang cute niyang tignan. Ang sarap kurutin ng che--teka nga Kane! Ano ba yang pinagsasabi mo?!
Nginitian ko rin siya at binaling ang tingin kay Qert.
"Ano ba yun?" tanong ko.
"Yun na nga! Na-realize ko kasi na--"
"Na ano?!" tanong ni Azre na may bahid ng inis ang boses niya.
"Na gusto ko si Kane" sabi naman ni Qert.
Yan na nga ba sinasabi ko e!
"Ano?!"
Nabigla ako ng tumayo si Azre at hinampas ang mesa.
"Azre, ano ba?" iritableng sabi ko sa kanya.
"Tss" agad-agad rin naman siyang umupo sa tabi ko.
"So yun na nga, gusto sana kitang yayain mag-date"
Napaubo ako sa sinabi ni Qert. Ano ba sasabihin ko?!
"Payag na yan" paniniguradong sabi ni Faith.
Pinanliitan ko siya ng mata sa sinabi niya.
"Sige na" she mouthed. I rolled my eyes at unti-unting tumango.
Bahala na si Superman!
~*~
Andito na ako sa Zeus Restaurant kung saan ako niyaya ni Qert na mag-date. Ewan ko pero normal lang ba talaga na babae ang mauuna sa isang date? Parang hindi naman.
Umupo nalang ako sa isang table para maghintay kay Qert.
Ako pa talaga naghihintay a?
Ilang minuto na akong naghihintay hanggang sa biglang may nantakip ng mata ko gamit ang kamay.
"Hulaan mo kung sino" sabi nito.
Hindi ko naman na kailangan hulaan kung sino. Kilalang-kilala kita.
"Tanggalin mo nga yang kamay mo, Azre" sabi ko dito.
"Nahulaan mo" nakangiting sabi niya at umupo sa katapat na silya ko na occupied para kay Qert.
"Ba't naman hindi?" ba't naman hindi? E alam ko kaya lahat tungkol sayo.
Inirapan niya lang ako at di na nagsalita pa.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?" maya-maya ay tanong ko.
Kumamot siya sa ulo at bumuntong-hininga "Akala mo ba ikaw lang may ka-date? Ako rin kaya" pagkatapos ay ngumiti ito.
Kungsabagay, babaero naman pala 'tong isang 'to.
Nakakainis lang kasi hindi ko mapigilang hindi masaktan sa pag-iisip na iba't-ibang babae na ang kasa-kasama niya lagi.
"Qert?" tawag ko sa kanya pagkakitang-pagkakita ko sa kanya na may dalang bulaklak.
"Puntahan ko lang ka-date ko" pagpapaalam ni Azre na tinanguan ko nalang at tinanggap na ang nilalahad ni Qert na bulaklak.
"Salamat" nakangiting sabi ko. Tumango ito bago umupo sa silyang inuupuan kanina ni Azre.
"Bakit nga pala nandito yung gag*ng yun?!" halatang inis na pagkakasabi niya. Kinunot ko naman ang noo sa sinabi niya.
"Sinong g*gong sinasabi mo? Si Azre?" di ko napigilang magtanong.
Sabihan daw bang g*go si Azre. Kahit na babaero yun, wala namang karapatan si Qert na sabihan siya ng 'G' word na yun! Nakakainis lang, akala ko pa naman mabait si Qert.
"I'm sorry" napansin ata niya ang pagkainis ko kaya siya humingi ng paumanhin.
"Forget about it" sabi ko nalang at pilit na nagpapakita ng ngiti.
Nag-order na kami ng pagkain at nagsimula na kaagad.
"Bakit ka nga pala late kanina?" tanong ko sa kanya na tinutukoy ang tagal ng pagdating niya sa date.
Matagal itong nakasagot na parang nag-iisip pa kung ano yung idadahilan niya.
Mahirap ba yung tanong ko? Bakit ang tagal niyang makasagot? May tinatago ka ba, Qert?
Pagkatapos naming kumain ni Qert ay nagpatugtog pa talaga siya sa isang pianist na waiter dito sa restaurant. Pero kahit na ang dami niyang ginagawa, hindi ko pa rin mapigilang malungkot.
"May naging boyfriend ka na ba dati, Kane?" biglaang tanong niya na habang patuloy parin ang pagtugtog ng pianist na nasa gilid namin.
Magsasalita na sana ako nang may biglang tumawa. Pagtingin ko naman sa kanan namin, nakita ko si Azre at isang babae na nakakunot ang noo na obvious naman na naguguluhan kay Azre.
"Hahaha! Ganun ba yun, mahal?" sabi niya na ngiting-ngiti pa.
"Kane? Nakikinig ka ba?" napatingin naman ako sa ka-date ko na parang may sinasabi ata.
"May sin--"
At sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman natuloy ang gusto kong sabihin dahil kung kanina, ang tawa ni Azre ang pumutol sa dapat kong sabihin, ngayon naman...
"Huhuhu! Nata-touch lang ako sa'yo, babe" sabi ni Azre habang pinupunasan ang luha sa pisngi gamit ang palad niya.
Ano ba talaga gusto mo, Azre? Why're always ruining the mood?
~*~
Isang buwan ng nanliligaw sakin si Qert and guess what? Wala parin akong planong sagutin siya. Ewan ko ba. Kahit ako naguguluhan. Sarili kong nararamdaman hindi ko mapigilan. Si Azre parin kasi. Siya parin talaga. Nakakainis.
Nakahalukipkip lang ako ngayon habang nakatingin sa pinto ng classroom namin. May hinihintay ka ba? Aish! Wala akong hinihintay!
Iidlip nalang sana ako saglit nang tumunog ang cellphone ko. Oy may nag-text! Sino kaya 'to?!
Binasa ko nalang ang text at napangiti ako nang pangalan ni Azre ang nakita kong nag-text. Ay meron pa palang isa! Si Qert? Binasa ko muna kay Azre.
'Stay' text niya na nakapagpakunot ng noo ko. Stay? Kung sa tagalog, manatili? Ang alin? Posible kayang 'stay' as in yung isa sa mga kanta? Yung 'I want you to stay'? Aish! Tinigil ko nalang ang pag-isip ng kung ano-ano at binasa ang text ni Qert.
"Punta ka ngayon din sa parking lot" text niya na nakapagpakunot din ng noo ko. Bakit niya naman ako pinapapunta run? Ay! Bahala na!
Agad-agad nalang akong pumunta sa parking lot gaya ng sinabi ni Qert sa text niya. Pagkarating na pagkarating ko dun, nagulat ako sa nakita ko. Si Qert may dala-dalang.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Baril. Na nakatutok sakin. H-hah? A-anong ibig sabihin nito?
"Q-qert? Anong gagawin mo? Bakit may baril ka?" nanginginig na tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at humakbang palapit sa kinaroroonan sakin.
"Akala mo ba seryoso ako sa panliligaw sayo?" tanong niya na tanging sunod-sunod na tango lang ang naging sagot ko.
"Ang tanga mo rin no?! Sa tingin mo ba seryoso talaga ako?"
Tanging tango lang ang isinagot ko dahil nanginginig na ako. Nangangatog na ang mga paa ko.
"Ginawa ko lang yun para makaganti kay Azre."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit nasali si Azre?
"Iniwan ako ng babaeng mahal ko para kay Azre. Nilandi ni Azre ang babaeng mahal ko!" sigaw nito na dumagundong sa buong parking lot ang boses niya.
"S-sigurado ka bang si Azre ang lumandi? Baka naman yung girlfriend mo" pilit kong pinapaangas ang boses ko para hindi mahalatang natatakot ako.
"Hindi na importante yun ngayon!"
"B-bakit ako? B-bakit sa lahat ng babae ni Azre na pwede mong tutukan ng baril, bakit ako?" naiiyak na sabi ko. Hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili ko sa pag-iyak.
"Masyado ka yatang manhid, Ms. Hermais" sabi niya na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Sa lahat ng babae, ikaw ang sineryoso niya. Tanging ikaw lang. Fuck! My damn girlfriend left me for that jerk! Iniwan niya ang girlfriend ko pagkatapos ng isang araw na pagde-date nila. Alam mo ba? This isn't my original plan. Ang plano ko sana ay paibigin ka at saktan sa huli pero sadyang hindi ka talaga makapag-move on sa Azre mo kaya wala ng ibang paraan kundi ITO!"
Napapitlag ako sa lakas ng pagkakaputok ng baril na dumagundong pa sa parking lot. But, bakit wala akong sugat? Hindi ako natamaan? Pa-paanong n-nangy-yari....
Napahawak ako sa bibig ko nang makitang may nakaharang sa harap ko. Hindi ako natamaan kasi....
.
.
.
.
.
.
.
.
.....s-si Azre ang natamaan!
"I told you to stay b-but why did y-you go h-here" bulong niya na kitang-kita ang paghihirap sa tono ng boses niya.
Hinawakan ko ang pisngi niya at napahagulgol ng iyak "A-azre naman kasi e...."
Pagkatapos kong sabihin yun ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at matutumba na sana sa sahig nang napigilan ko.
"M-mahal kita, Azre" pagkatapos kong sabihin yun, narinig ko ang ingay sa paligid at ang alingawngaw ng boses ng policecar at ambulansya.
~*~
"Azre lumaban ka a? Lumaban ka!" pilit na sabi ko habang nakahawak ang kamay ko sa kanang kamay niya habang wala siyang malay na nakahiga sa stretcher na kasalukuyang pinapatakbo papunta sa emergency room.
"Hanggang dito ka nalang, Ms." utos ng isang nurse pagkabukas na pagkabukas ng ER.
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa upuan sa labas ng ER. Hinihintay ko ang paglabas ng doktor para malaman kung okay lang ba si Azre. Pero, isang oras na akong nakaupo rito at hindi parin lumalabas. Natawagan ko narin si Faith at ang parents ni Azre tungkol sa nangyari at siguradong papunta na sila ngayon dito. Aish! Kasalanan ko 'to! Sana sinunod ko nalang ang text niya kahit na hindi ko alam ang ibig sabihin nun. Sana talaga!
"Bes?" napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Faith na patakbong paparating sa kinauupuan ko. Agad ko naman siyang niyakap at napahagulgol ng iyak.
"Kasalanan ko 'to, bes e. Kasalanan ko!" sabi ko habang walang tigil sa pag-iyak.
"Ija?" Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Faith at humarap sa kakarating lang na isang babae at lalaki na nasa 30's pa yata. Sigurado akong parents to ni Azre.
"Sorry po. Kasalanan ko" nakayukong paghingi ko ng tawag sa mga magulang niya. Napaangat naman ako ng tingin nang may humawak sa kamay ko. Mommy ni Azre.
"Ija, it's not your fault, okay?" pagpapatahan niya sakin habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. Umiling-iling ako sa sinabi niya.
"K-kasalanan ko po"
"It's not your fault, Kane"
Napatingin ako sa daddy ni Azre sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Kilala ka namin kasi pangalan mo ang lagi niyang binabanggit nung araw na naglalasing siya gabi-gabi"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng mommy niya.
"Naglalasing po? Kailan?"
Ilang minuto bago niya ako sinagot. Pero maya-maya lang, napabuntong-hininga siya.
"That day you migrate to United States, may gusto sana siyang sabihin sayo kaya lang tumakbo ka kasi sabi mo raw nagmamadali ka. He was so down at that day that's why he drunk and spent all night in the bar. Hindi siya makapaniwala na ang isang katulad niya ay hindi man lang napigilan ang babaeng nagugustuhan niya. Ayun, from that day, we were shock seeing him hanging with different girls. At yung rason kung bakit siya naging ganun? Ikaw. And when you're back, he slowly turned into his old self again, he didn't hangout witg different girls again because he want you to get impress by him. He's not just liking you, he's secretly loving you. Kaya hindi mo kasalanan yun, magdasal nalang tayo na magiging okay siya"
Napahagulgol ulit ako sa sinabi ng mommy niya. So he loves me? That's why, everytime Qert approach me, he approach as well. Ayaw niyang mapalapit ako kay Qert at mahulog. I guess, I'm not having an unrequited love after all.
Napahinga kaming lahat nang lumabas ang doktor. Kaya agad-agad rin naman kaming tumayo at lumapit sa kanya.
"How's my son, doc?" tanong ni tita Felicy—mommy ni Azre, sabi niya kanina—na ikinangiti ng doktor, yung ngiti na parang nakagagaan ng loob.
"Don't worry, Ms. Fonterel. Your son is okay now but he needs to rest and thank goodness, malakas siya kaya kinaya ng katawan niya ang pagkuha ng bala namin rito."
Napahinga naman ako ng maluwag ng marinig yun. Mabuti naman.
~*~
Isang taon at anim na buwan ang lumipas ng mangyari ang aksidenteng iyon. Pagkatapos rin nung araw na iyon, nagising na si Azre na hindi ako kilala. Sa lahat ng nandun sa hospital, ako lang ang hindi niya naaalala. Sabi naman ng doktor e wala naman raw brain damage si Azre baka raw after a few days ay maaalala niya ako. But ilang araw ang lumipas, hanggang sa naging buwan at naging isa't kalahati't buwan hindi niya parin ako naaalala. Iisang paaralan lang ang pinag-aaralan namin pero parang ang layo-layo ko sa kanya. Kahit anong gawin kong pagpapapansin sa kanya, ipinaalala ko na sa kanya at lahat na, hindi niya parin ako naaalala. Ganun ba talaga ako ayaw maalala? Bakit tila ang tadhana pa yata ang gumagawa ng paraan para ipaliwanag at ipahiwatig sakin na hindi talaga kami para sa isa't-isa.
Bukas, graduation ceremony na namin. Yeah, after tomorrow, wala na kaming pagkakataong magkita pa kasi graduate na nga kami sa kolehiyo eh at kanya-kanya na kaming maghahanap ng trabaho. At ngayong gabi, may graduation ball kami. Magpa-practice na nga sana kami ng steps kaya lang wala pa yung baklang trainor namin. Alam namana namin ang mga steps pero ngayon ang final rehearsal namin kaya kailangan naming mag-ensayo. At iibigay dapat namin yung best namin para naman hindi kami mapagalitan ng trainor at puriin pa sa halip.
"Okay, go to your partner"
Agad rin naming sinunod ang utos ng trainor namin. Pinuntahan ko na agad yung partner ko na nakatungo sa table niya.
"A-azre" tawag ko sa kanya na ikinatango lang niya at tumayo na kaagad papunta sa pwesto namin. Sumunod nalang din ako.
Siya nga yung partner ko pero kahit na partner ko siya e parang wala lang siyang pakialam sakin, nihindi niya nga ako matignan ng diretso.
Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko at ipinulupot sa leeg niya.
"Focus" maawtoridad na sabi niya. Ay daig pa talaga ang trainor namin e!
Tumango nalang ako at nagsimula na pagkatapos niyang ipinulupot ang kamay niya sa beywang ko. Yung slow part kasi yung ineensayo namin kasi ito yung last part ng graduation ball mamayang gabi.
Ewan ko nga bakit siya naging partner ko e, nabigla nalang nga ako nang tawagin ng trainor ang pangalan ko at ipinares kay Azre.
~*~
"Ang ganda mo naman, bes!" pagpupuri sakin ni Faith. Kanina pa yan pumupuri sakin, nakakabingi na.
"Maganda ka rin naman" sabi ko naman sa kanya na ikinangiti niya. Gusto lang niyang magpapuri pabalik e!
Maya-maya, nagsimula na ang graduation ball at nagsimula narin ang sayawan. Ang unang kasayaw ko ay siyempre si mama, pangalawa naman si daddy at pangatlo naman ay si tita Hana. Umuwi pa talaga sila rito para lang dumalo sa graduation bukas. Kaya love na love ko silang lahat e!
Hindi ko mapigilang maiyak habang kasayaw ko sila mommy, tita Hana at daddy. Kasi naman e, sila kaya yung tumulong sakin para maka-graduate ako. Kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa kanilang lahat lalo na sa mommy ko.
Pagkatapos ng sayaw kasama ang magulang, in-announce na ng emcee na susunod na yung by-partner kaya agad na hinanap ng mga mata ko ang kanina pa hindi ko makita. Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin nahahagip ng mata ko si Azre. Baka naman hindi siya nakarating? Aish!
Napatigil ako sa paghahanap sa kanya nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking mataman na nakatingin sa kinaroroonan ko. Napadako naman ang tingin ko sa dala niya. Isang bouquet of white, red, at pink rose. Isang bouquet siya pero hindi ordinaryo, ang ganda ng pagkaka-design at ang ganda pa ng pagkaka-combine ng kulay ng mga bulaklak. Para kanino kaya yan?
"O"
Nanlaki ang mata ko nang ilahad niya sakin ang bouquet.
"P-para sakin?" tanong ko. Baka kasi nabingi lang ako.
"Para sa'yo nga" sabi niya ulit. Agad ko naman itong kinuha at inamoy-amoy.
"Ang bango" nakangiting sabi ko at binalingan siya ng tingin. "Salamat" sabi ko. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay hinila ako patungo sa pwesto namin.
"Wait lang. Ipapahawak ko lang kay mommy" sabi ko dahilan para bitawan niya ako at tumango.
Dali-dali ko naman itong itinakbo kay mommy. Di alintana na naka-heels ako. Tinutukso pa nila ako ni mommy at tita pero di ko nalang muna pinansin at nagmamadaling bumalik sa kinaroroonan ni Azre.
At dahil nga naka-high heels ako, malapit na akong matisod pero buti nalang sa dibdib ni Azre nasubsob yung mukha ko at nahawakan niya ako sa beywang. Ang bango naman!
"Kane?"
Napabitaw naman kaagad ako dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"P-pasensya na" sabi ko nalang sabay ngiti.
Maya-maya, nagsimula na ang tugtog. Yung tugtog na mabagal kaya ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at siya naman, hinawakan ako sa beywang ko.
'Beautiful Soul by Jesse McCartney playing'
I don't want another pretty face,
Napatingin ako kay Azre nang magsimula ang kanta. Bakit parang acoustic version? Acoustic version nga kasi pinabagal yung kanta at mas masarap pakinggan.
I don't want just anyone to hold,
Ayoko nga ng ibang hahawak sakin. Gusto ko ikaw lang.
I don't want my love to go to waste,
Ayokong masayang yung pagmamahal ko sayo Azre, kaya please? Alalahanin mo naman ako.
I want you and your beautiful soul.
I know that you are something special,
Una palang, nung una kitang makita, alam kong ikaw na talaga.
To you, I'd be always faithful,
Oo, tapat ako sa'yo. Hindi kaya nawala ang pagkagusto ko sayo kahit nasa U.S. ako.
I want to be what you always needed,
Sana, ako yung kailangan mo. Yung babaeng gusto mong magmahal sayo hanggang dulo.
Then I hope you'll see the heart in me.
Sana naman, makita at marealize mo kung gano kita kamahal.
I don't want another pretty face,
Napakurap-kurap ako nang narealize kong titig na titig pala ako sa kanya. Aish! Ikaw talaga Kane!
I don't want just anyone to hold,
Napako ang tingin ko sa kanya nang kinanta niya yung lyrics. Wow! Ang galing-galing niya pala kumanta!
I don't want my love to go to waste,
I want you and your beautiful soul.
You're the one I want to chase,
Youvre the one I want to hold,
I won't let another minute go to waste,
I want you and your beautiful soul
Natapos ang kanta nang nakatitig lang ako sa kanya.
"You look gorgeous, Kane"
Napangiti ako sa sinabi niya. Silver ang kulay ng dress ko na backless pa at syempre may slit sa may kanang leg ko. Silver rin yung high-heels ko at naka-hikaw rin ako tsaka naka-necklace na meteor ang pendant.
"Ang gwapo mo rin" pagpuri ko rin sa kanya na ikinangiti niya. Gwapo naman talaga siya. Kaya nga nagkagusto ako e! Naka-white tuxedo siya at ang gwapo-gwapo niya talagang tignan.
"Gwapo naman talaga ako lagi" sabi niya na ikinatawa ko.
"Ang hangin no?" biro ko sa kanya at tumingin-tingin pa sa paligid na parang makakalusot talaga ang hangin e nasa hotel kaya kami. Ground hotel na pagmamay-ari ng dean namin sa school.
"Kane"
"B-ba—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana nang hinila nya ako saka niyakap ng napakahigpit.
"Na-miss kita" sinserong sabi niya habang nakayakap sakin. Niyakap ko rin sya pabalik pero hindi ko napigilang maiyak.
"Miss na miss rin kita. Naaalala mo na ba ako?" tanong ko habang pinupunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi gamit ang likod ng palad ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi kong basa ng luha.
"Kahit kailan hindi kita kinalimutan" sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
Napahagulgol naman ako ng iyak sa sinabi niya. "H-hindi mo ako nakalimutan? P-pero bakit hindi mo na ako nilalapitan at pinapansin?" tanong ko habang iniiwas ang tingin sa kanya.
"Gusto ko lang na mapalayo muna sayo baka kasi mapahamak ka na naman dahil sakin" sabi niya at inilapat ang noo sa noo ko.
"E ikaw nga yung napahamak noon dahil sakin" sabi ko. Ramdam ko na ang mabangong hininga niya.
"Gusto rin kitang i-surpresa. Pasensya na kasi busy lang talaga ako sa pag-oorganisa ng napakaimportanteng kasal na mangyayari"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Malalaman mo rin, bukas" nakangiting sabi niya dahilan para ngumuso ako.
"Hindi ba pwede ngayon?" nakanguso ko paring sabi.
Umiling-iling siya "hindi" sabi niya.
Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hinalikan sa noo.
"Bukas na lang, okay? Wag na matigas ulo mo, baby"
Ano raw? Baby? Did he just call me baby?!
"Baby?" nakakunot-noong tanong ko.
"Malalaman mo rin bukas kung bakit baby, baby"
"Aish! Bukas na naman?!" sabi ko na ikinatawa niya lang.
~*~
"Congratulations, graduate"
Sabay-sabay naming inihagis ang graduation cap sa ere. Sa wakas! Graduate na kami!
Natapos ang graduation ceremony at hindi parin umuuwi ang mga tao. Bakit kaya?
"Uwi na tayo, mommy" aya ko kay mommy na nakaupo sa isang silya sa harap ng stage namin. Napakunot naman ang noo ko sa sunod niyang sinabi.
"Mamaya na. Hindi pa nga nagsisimula e" sabi niya. Ang alin?
Napatalon-in-place ako nang biglaang may nagsalita sa stage. Nakakagulat naman iyon!
Napatingin ako sa stage at halos malaglag ang panga ko nang makitang napakadaming bulaklak sa stage, may nakadikit sa wall at merong naka-heartshape sa floor.
"Kane? Halikanga dito!"
Binaling ko ang tingin sa taong nakatayo sa stage. Si Azre.
"Huh?" tanong ko rito.
"Come up here" sabi niya habang nakahawak ng microphone na agad ko namang ginawa.
Tinakbo ko na talaga ang stage, medyo malayo kasi. Kaya takbuhin na natin!
Hingal ako ng nakarating sa stage.
"Okay ka lang?" tanong ni Azre sabay lahad ng kanang kamay. Tango lang isinagot ko sa kanya.
Magtatanong sana ako kung para saan ang mga bulaklak na naka-design sa buong stage nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at inilabas ang redbox.
"Ito yung pinagkakaabalahan ko. Ms. Kane Hermais, baby, will you marry me?" maluha-luhang tanong niya. Halos malaglag naman ang panga ko nang buksan niya ang ringbox, ang ganda-ganda ng singsing! At may ilaw pa ang ringbox na nakapagpaganda lalo sa singsing na nakalagay rito.
Napahagulgol naman ako ng iyak dahil sa mga nangyayari at nakikita ko.
"Is this true? Are you true?" Naghy-hysterical kong tanong sa kanya na ikinatawa lang niya.
"Syempre totoo 'to at totoo akong tao" natatawang sabi niya habang nakaluhod parin.
"Sampalin mo nga ako, Azre" utos ko sa kanya.
"Totoo nga 'to. And I don't want to hurt you but it seems like you're hurting my ankle. Nangangawit na ako rito o" pagrereklamo niya na ikinatawa ko—wait hindi lang pala ako! Maging ng ibang taong naririto! Kaya pala hindi pa sila umuuwi. Siguro ako lang ang walang alam sa planong 'to.
Ibinaling ko ang tingin kay Azre na naghihintay sa sagot ko.
"Yes" sabi ko with tango-tango effect pa.
Isinuot niya naman sakin ang singsing sa ring finger ko habang nakangiti ng maluwag at may ningning ang mga mata. Pagkatapos niyang isuot yun, agad siyang tumayo at akmang yayakapin ako nang pinigil ko siya sa pamamagitan ng paghalik. A passionate one.
Ilang segundo ang lumipas bago kami tumigil sa paghahalikan.
"It seems like you like a kiss more than hug"
Agad ko namang hinampas ang dibdib niya ng mahina dahil sa panunukso niya.
"I hate you, Azre" sabi ko sabay pout at tumungo. Napalaki naman ang mga mata ko nang makita ang nasa sahig. Eksaktong nasa gitna pala kami ng heartshape na bulaklak.
"I love you too, baby" sagot niya. Hays! Kung di ko lang talaga love 'tong lalaking 'to, kanina ko pa siya kinukurot-kurot e! Kaya lang, love ko siya kaya niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit na tinugunan niya naman ng yakap niya.
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top