I'M HERE
This is my first short story na ipa-publish ko so, enjoy sa pagbabasa^_^.
Mag-two-two years na sana kami ng boyfriend ko until one day bigla siya naging cold sakin. Inalam ko kung ano ang dahilan, kahit na masakit.
Grade 11 na ako ngayon same as my boyfriend. Habang nag-aaral ako para sa gagawing quiz ni Sir. Mike ay biglang sumakit ulo ko, dala na siguro to ng pag-aaral ko,mga 3 hours na kasi ako nagbabasa ng libro namin. Kahit di masyadong importante ay binabasa ko para sigurado.
My boyfriend suddenly walk out the door of our classroom kaya sinundan ko siya.
Narinig kong nagri-ring yung phone nya at sinagot niya kaagad yun pagkatapos umupo sa bench.
"Yes?" aniya sa phone.
Hindi ko masyadong marinig yung pinag-uusapan nila kasi di naman ako masyadong lumapit baka mahalata. Akmang tatayo na sya ay bigla akong tumakbo papuntang classroom.
Sa pagmamadali ko ay nabunggo ko si Clark, classmate ko.
"Oh, anyare sayo bakit parang nagmamadali ka?" tanong niya.
"Ah wala" sabi ko tsaka nilagpasan ko nalang sya agad.
Narinig ko pang tinawag ni Clark yung boyfriend ko kaya bigla akong kinabahan.
"Naku patay!" isip-isip ko.
Akala ko ay tatanungin niya to kung ano nangyari sakin, yun pala hindi.
Pumasok na yung boyfriend ko tsaka si Clark sa classroom.
"Babe" tawag ko sa kanya.
"Oy babe. Bakit?" Tanong niya. Umiling nalang ako tsaka nag-aral ulit.
Biglang pumasok si Jane sa classroom at sinabing di na daw matutuloy yung quiz ni Sir Mike. Nadismaya naman ako, dahil nga sa boring ay naisip kong i-stalk yung bf ko.
Mga ilang buwan na din akong di nag-fefacebook kasi kapagod naman talaga lalo na kong walang nagcha-chat.
Una palang nakita ko na sa bio nya ang salitang mahal with padlock. Bigla akong nagtaka kung bakit mahal ang nasa bio nya eh babe naman yung cs namin kaya nagpatuloy ako sa pag-stalk sa kanya hanggang sa may nakita akong post.
Naagaw agad nito ang atensyon ko. Kaya nga wala akong load ngayon ay kinausap ko yung katabi ko.
"Hey" tawag ko.
"Hey" tawag ko ulit. Hindi pa din sya namamansin kaya binatukan ko siya ng napakalakas.
"Aray naman Youmei!" sigaw niya sakin.
"Pasensya na Clark. E-eh k-ka-kasi " nauutal na ako kasi nakokonsensiya ako, naka-earphone pala yung tao.
"What?" aniya.
"Eh may load ka ba?" nahihiya kong tanong.
"Oh com'on Mei, Lagi akong may load coz' I'm not cheapskate like you" sabi nya with matching smirk-smirk pa. Natawa nalang ako.
"O, ba't ka tumatawa dyan? Tumigil ka na nga, nakakainis naman" aniya.
"Ah sorry na kasi" sabi ko.
"O, eto oh" inabot nya na sakin yung phone niya.
Sana all Samsung Galaxy Z-Flip!
Napangiti nalang sya, shitt ang gwapo. Kung wala lang talaga akong bf eh haha nevermind na nga lang!
Dali-dali ko namang inistalk yung bf ko then tinignan yung larawang hindi ko maaninag kanina kasi wala kong load kaya nabigla ako nang malaman kung sino yung nandun sa picture.
I saw my boyfriend with my sister.
Aray naman! Masakit ah! Ang sakit-sakit!
Nasaktan ako sa nakita ko, kaya pala parang ang bait-bait ni ate sakin this past few days.
Parang di ako makagalaw dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bigla kong nabitawan cellphone ni Clark kaya nahulog sa floor.
"Ba't mo binitawan phone ko Youm..." hindi nya natuloy sasabihin nya dahil napaiyak nako. Kinuha nya cellphone nya sa sahig at tinignan ako ng parang naaawa sya sakin.
"Ano ba! Wag mo nga ako tignan ng ganyan!" sigaw ko kay Clark.
Kakahiya kasi!
Napatingin naman si Rey samin, yung boyfriend ko. Akmang pupuntahan niya nako nang bigla akong niyakap ni Clark sabay sabing
"Shhhh, Don't cry. I'm here"
"Clark, ang sakit" sabi ko sa basag na tono ng boses.
Hinagod-hagod naman niya yung likod ko.
Bigla nalang humiwalay sa pagkakayakap sakin si Clark at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya.
"Thank you" sabi ko habang pilit na nagpapakita ng ngiti.
Bigla nalang hinatak si Clark ni Rey at sinuntok agad ito.
"Ano bang problema mo?!" galit na tanong ni Clark.
"Ikaw ang problema ko! Bakit mo niyakap si Youmei?!" matigas na sabi ni Rey.
"Can't you see?! Cino-comfort ko siya dahil alam ko na kahit ni-simpleng bagay, hindi mo magawa-gawa sa girlfriend mo" inis paring sabi ni Clark.
"Teka nga! Tumigil na nga kayo!" pag-aawat ko sa kailang dalawa.
Bumaling naman ang tingin ko kay Clark
"Okay ka lang ba Clark?"
Tumango naman ito at pilit na ngumiti.
"At pinagtatanggol mo pa ang lalaking yan?!" galit na tanong ni Rey.
"OO! BAKIT MAY MAGAGAWA KA?!" galit na sigaw ko pabalik kay Rey.
"You're unbelievable! Malandi ka!"
Ako pa talaga ang malandi ah! Nice!
"Sa tingin mo, sinong mas malandi sating dalawa?" maluha-luha ko siyang tinignan.
"Ano? Di ka makasagot? Kasi naglalandian kayo ng ate ko?! Akala mo hindi ko alam?! May pa mahal-mahal ka pa with padlock ha! Ang jejemon mo! Magsama kayo ng ate ko!"
Pagkatapos kong sabihin yun, kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng room.
Ganun pala a! Edwow siya!
Pagdating ko sa bahay ay agad akong humiga sa kama.
"I guess you knew already"
Agad-agad akong lumingon kung saan nanggaling ang boses na yun, sa pinto.
Tinaasan ko sya ng kilay at nagsalita
"At ano naman ginagawa ng malanding ate-atehan ko dito?!" mataray na tanong ko.
"Aba! Wala kang galang a!" At lumapit sya saka akmang sasabunutan niya ako nang dumating si nanay.
"Anong nangyayari dito?" Agad na tanong niya.
"Mommy. Si Youmei kasi eh sinabihan akong malandi" sabay lapit ni ate kay nanay at kumapit sa braso niya.
Tsk! Napakang babae!
"Youmei, why did u say that?" tanong ni nanay.
"Eh kung tanungin niyo nga yang magaling niyong paboritong anak na hindi niyo naman kadugo na mas tinutuunan mo ng pansin at mas inaalagaan kung ano ang ginawa niya?! Mas maganda yun diba?!" sarkastikong sabi ko.
Walang galang na kung wala!
"Di kita pinalaki ng ganyan Youmei" matamang sabi niya at umiling-iling.
"Di naman talaga ikaw nagpalaki sakin ih! Si daddy! Alam niyo? Simula nung namatay si Daddy, ni-isang butil ng kasiyahan di ko naramdaman kasi walang nagbibigay kaya nga naghanap ako ng boyfriend na hindi ko masyadong mahal kasi gusto kong makaranas ng kasiyahan at ngayon?! Ngayon na magtwo-two years na sana kami! May sumira samin, tama ba ate?" naiiyak na sabi ko.
"Bakit Youmei?! May alam ka ba kung bakit ako nakipagrelasyon sa boyfriend mo?! Wala diba?! Para sabihin ko sayo, pumatol ako sa kanya dahil alam kong hindi mo talaga sya mahal, akala mo ba di niya ramdam yun?! Ramdam niya yun Youmei kaya simula nung nakipagrelasyon sya sakin, naramdaman niya ang tunay na pagmamahal na alam niyang ako lang ang makakapagbigay sa kanya! Kaya wala kang alam Youmei!"
Di ko na napigilan, lumapit ako at sinampal si ate ng pagkalakas-lakas na ramdam kong nabawasan ang gravity sa Earth dahil binuhos ko sa mukha niya ang naipong lakas ko.
"Ouch" dahil sa sakit, napaiyak siya.
"Masakit ba ate?! Ganyan! Bagay yan sayo!" sabi ko sabay walk-out at bago paman ako nakalabas ay tinawag ako ni mama.
"San ka pupunta Youmei?! Maglalayas ka?!" galit na tanong ni mama.
"Wag ka mag-alala ma dahil hindi isang linggong layas na katulad ng dati ang gagawin ko ngayon, gagawin ko nang buong buhay ko hindi na ako papasok at papasok sa pamamahay na'to" pagkasabi ko nun ay tuluyan na akong lumabas ng bahay.
Ang tanging nadala ko lang ay ang wallet na may mga cards na maraming pera at ang cellphone ko.
Pumara ako ng taxi at pumunta sa lugar na alam kong mare-relax ako at ang buong pagkatao ko.
Sa bar.
"Ano pong sayo?" agad na tanong ng bartender pagkapasok na pagkapasok ko sa Vegaz's Lightning Bar.
"Bigyan niyo po ako ng pinakapinakamatapang na alak na mayroon kayo" walang pagdadalawang-isip na sabi ko.
"Sure po kayo?" tanong niya.
Tumango lang ako at pumunta na siyang kung saan nakalagay ang mga alak na matatapang, sa hard section, at agad-agad niya 'tong hinalo.
"Here's your order ma'am"
Tinanggap ko naman ito agad at nilagok kahit nasa bote pa ito.
Walang tigil ang paglagok ko nito hanggang sa kalahati nalang ang laman nito, huminto muna ako.
Sumasakit na ang ulo ko! Tama nga yung inorder ko, ang tapang-tapang, sa sobrang tapang nakalimutan ko na ang mga nangyari kanina.
"Can I join you?" sabi ng lalaking nakaupo katabi ko.
Di ko masyadong makita mukha niya dahil umiikot-ikot yung paningin ko at nagiging tatlo na siya sa paningin ko.
Tumango nalang ako at nilagok ang natitirang laman ng alak sa bote ko.
"Isa pa" sabi ko sa bartender at binigyan niya naman kaagad ako.
Nakailang bote narin ako nang magsalita ang katabi kong lasing narin.
"I know something enjoyable thing to do than this" mapang-asar na sabi niya.
"At ano naman yun?" wala sa sariling sagot ko.
Hindi sya sumagot bagkus ay hinila ako papalabas ng bar.
Nang nakarating na kami sa labas ay agad-agad ko siyang tinanong kung saan kami pupunta.
"Sa condo ko" sabi niya.
At dahil nga wala na ako sa matinong pag-iisip, pumalakpak ako at ngumiti ng pagkalapad-lapad at sinabing
"It's exciting" sabi ko.
Dinala niya ako sa harap ng kotse niya at sa di ko malamang dahilan ay huminto siya at sinandal ako sa kotse niya at kinorneran ako ng isang kamay sa gilid ng balikat ko.
Bigla nalang niya akong sinunggaban ng halik at nalaman ko nalang na yung isang kamay niya ay nasa beywang ko na ngunit pababa na ito. Nakapalda pa naman ako!
Napahiwalay siya sakin ng may humatak sa kanya na lalaki at pinagsusuntok ito. Nung nanghina na masyado yung lalaking lasing ay hinatak ako ng lalaking nanununtok papunta sa kotse niya.
"Who are you?!" Agad na tanong ko sa lalaki.
Hindi ito sumagot at napaigtad nalang ako sa sunod niyang ginawa, lumapit yung mukha niya sakin at pumikit nalang ako.
Akala ko hahalikan niya ko ngunit nilagay niya lang yung seatbelt sakin.
°°°
Nagising ako sa sinag ng araw na napupunta sa pisngi ko.
Nasan ako?
Sinubukan kong tumayo pero di ko kaya kaya umupo nalang ako. Ang sakit ng ulo ko at nahihilo parin ako!
Ohmygad! Uminom pala ako kagabi!
Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan at bumungad ang nag-aalalang ekspresyon ng mukha ni Clark na may dalang tray ng pagkain.
"Ano ginagawa ko dito Clark?" tanong ko pagkalapag niya ng tray sa may hita ko.
"Di mo ba naaalala?" tanong niya. Umiling ako.
"Ang naaalala ko lang ay nag-order ako ng hard liquor at ininom yun pero wala na kong ibang naaalala bukod dun" pagpapaliwanag ko.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Muntik ka na kayang magahasa kagabi ng kasama mong lalaki sa parking lot" pagpapaliwanag niya.
Teka! Lalaki?! Parking lot?
Processing..........File not found
Ay anu bayan! Wala akong maalala.
Kinunot ko nalang yung noo ko.
"I guess malakas talaga tama mo sa alak na yun" sabi niya nalang.
Edi kung ganun pala! Niligtas niya ako sa muntik nang manggahasa sakin.
"Thank you Clark" sabi ko sabay ngiti.
"Don't mention it" sabi niya sabay pamulsa.
"Kumain ka na" dagdag pa niya.
Tumango nalang ako at kumain na. Siya naman, lumabas na.
Ilang buwan na din ako nandito sa condo ni Clark. Nakiusap kasi ako sa kanya na dito muna ako titira sa condo niya kasi wala na akong mapupuntahan pa. Nung nagsuggest ako na maghotel nalang, di naman siya pumayag kaya magkasami nalang kami sa condo niya pero sa guestroom ako natutulog. Para nga makabawi ako, pinagluluto ko nalang siya at ako na ang gumagawa ng gawaing bahay.
Pumapasok parin ako. Lagi ko ding nakikita si Rey pero di ko pinapansin, lagi lang kaming magkasama ni Clark.
°°°
"Youmei, kung sakaling may manligaw sayo, papayagan mo ba?" biglaang tanong ni Clark habang nanunuod ako ng Frozen.
"Ewan ko" sambit ko nalang.
Ready na ba ako?! Mukhang hindi pa eh! Pero ilang buwan nadin naman ih! Kaya lang, di pa ko ready!
"Sa tingin ko, hindi pa" sagot ko nalang.
"Ah ganun ba" sabi niya.
"Bakit? May kilala ka bang gustong manligaw sakin?!" tanong ko.
"H-ha? W-wala nnn-naman" pautal-utal niyang sabi.
"Ah. Okay" sabi ko nalang habang nakatutok parin sa TV.
Nabigla nalang ako ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko kaya tinignan ko sya na may halong pagtataka.
"Youmei, pwede ba ko manligaw? Okay lang naman kung hindi eh" sabi niya.
Siya?! Manliligaw? Imposible naman ata, eh si Jane kaya gusto niya. Yun lagin nyang bukambibig ih.
"Ah a-ano kas-si-----"
"Kalimutan mo nalang yung sinabi ko" malungkot na sabi niya.
Pano ba naman to? Ano gagawin ko?!
Dahil sa kalituhan, napatakbo ako ng wala sa oras at dali-daling pumunta sa kwarto at kinuha ang wallet at cellphone ko.
"Pasensya na" sabi ko sabay alis palabas ng condo niya.
Ano ba naman yan! Maglalayas na naman ako?!
Baka nag-aalala nayun! Ite-text ko nalang siya mamaya.
Agad akong pumara ng taxi at sumakay.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at nagtext kay Clark.
'Wag mo na akong alalahanin. Okay lang ako'
Pagkasent ng message na yun ay in-off ko na cellphone ko.
°°°
"Sure ka na ba dyan sa gagawin mo friend?" tanong ni Jane na may halong pagtataka.
Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Tinignan ko siya ulit saka nagba-bye.
"Bye Jane! Kitakits nalang next next next next year" masayang sabi ko.
Pag nagkita ulit tayo, promise! Hindi na ako magpapaligaw sa'yo kasi diretso nang in the relationship ang status natin. Promise yan sa'yo, Clark.
See you!
"The 9:00 A.M. Flight will fly, passenger's please fasten your seatbelt"
Hayy. Makakapunta na din ako sa London, sa wakas!
Papunta na ako ngayon sa address na sinabi sakin ni tita na bahay niya daw sa London, siya din yung nag-offer na dito nalang daw ako mag-aral tutal Grade 11 pa man daw ako kaya pumayag nadin ako. Sayang naman ang oppurtunity tsaka wala namang nag-aalala sakin sakin sa Pinas, except nalang siguro kay Clark? Hayy!
Dingdong
Agad-agad itong binuksan ng napakagandang dalaga na nakita ko, si Tita.
"Hi tita!" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Naku! Miss na kita. Ikaw ba talaga si Youmei?! Ang laki-laki muna ah! Hayy nakung bata ka! Pumasok na tayo"
Ito talaga si tita o!
Pumasok na agad kami at pinakain niya muna ako habang nagkekwento sya tungkol sa naging buhay niya dito sa London. Bytheway, matandang dalaga si tita at sa side siya ni papa.
Pagkatapos kung kumain ay pinagpahinga na muna ako ni tita at bukas daw ay mamamasyal kami sa London. Excited na ko!
After 4 years
"YOUMEI! WAKE UP! TODAY IS THE FIRST DAY OF YOUR WORK! WAKE UUUUUUUUUUUUUUUP"
Napakamot ako sa ulo at minulat ko nalang ang mga mata ko.
Eh sino ba naman kasi ang hindi magigising sa napakatalim ng boses ni tita?! Ang kulit-kulit pa tss!
Bumangon nalang ako at ginawa ang daily routine ko, ligo, bihis, kain, toothbrush, labas ng bahay.
"I'm Felicey Gadott. Just call me Felicey, I don't like being called ma'am or whatever formal" sabi ng manager ko sabay lahad ng kamay.
"I'm Youmei Ruiz!" masiglang sabi ko.
"Let's start working" sabi ni Felicey at pumunta na sa dress making room at nagsimula na kaming magdesign ng tela, tupi dito, gunting doon, design dito, tahi doon lang ang peg dito.
Medyo madali lang maging fashion designer kaya okay nadin 'to baka sa susunod na henerasyon makilala yung kompanya namin diba?!
Nang matapos na ang work time namin ay nagsiuwian na ang mga ka-workmate ko kaya kami nalang dalawa ni Felicey ang naiwan.
"You're really creative Youmei. Your designs are extra-ordinary" pagpupuri sakin ni Felicey.
"Thank you. Same with you Felicey" nakangiting sabi ko.
"Thanks too but we need to go home" natatawang sabi niya.
Tumango nalang ako at nauna nang lumabas.
4:23 pa naman sa hapon kaya maglilibot-libot muna ako sa London Bridge.
Habang naglalakad at nanunuod sa dagat na dumadaloy sa ilalim ng London Bridge ay nakarinig ako ng tilian.
'Ohmygosh! So handsome!'
'He's mine!'
'Isn't he the model of the greatest magazine company in the whole world?'
'Yeah! He's also an actor! He is really good'
'I heard from the news that he's here because of his long time loved woman'
'You mean, he's here because he is finding that woman?!
'Yeah! Let's take a picture with him!'
'And also his autograph'
Ano ba naman yan! Akala ko mga pinoy lang ang ignorante sa mga artista-artista na yan! Meron din palang taga-London?! Hayys!
Di ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Maya-maya napagdesisyonan kong huminto at magpicture-picture sa lugar kaya naman kinuha ko yung phone ko at nag-selfie nang nagselfie, pose here, pose there.
Nang mapagod nakong mag-selfie ay nilagay ko na ito sa shoulder bag ko.
"LONDON BRIDGE IS FALLING DOWN, FALLING DOWN, FALLING DOWN!
LONDON BRIDGE IS FALLING DOWN, FAL-----"
"The bridge will really fall if you'll continue singing" said by someone.
Ano daw?! May manlalait din pala dito sa London no?! Aba-aba, di ako papayag na malait lang niya no! Kaya naman, di ko napigilang mapalingon sa nanlait sa boses ko.
At hinding-hindi ako magsisisi na lingonin ko ang laitero.
Ngumiti ito ng pagkalapad-lapad at di ko narin napigilang ngumiti.
Ghad! My heart is beating so fast!
Napakagwapong nilalang ng naaaninag ko ngayon! Ang gwapo-gwapo talaga!
Di ko na napigilang tumakbo papunta sa kanya at agad itong niyakap.
"Clark! I miss you" sabi ko sabay yakap ng napakahigpit sa lalaking nasa harap ko.
God! I missed him!
"Aray naman! Parang papatayin mo naman ako sa yakap mo sa sobrang higpit"
Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya nang sinabi niya yun.
"Do I hug you that tight?!" maluha-luhang sabi ko.
At dahil nga gusto kong maiyak sa saya, ayan na! Umiyak na ako at napa-English pa 'ko ng wala sa oras a!
"Ingleshira ka na pala ngayon a!" nakangiting sabi niya sabay pisil sa ilong ko.
"Aray naman!" reklamo ko.
"So, pano? Nice meeting you again Youmei. I'm going coz' my girlfriend is waiting for me" nakangiting sabi niya.
Teka?! May girlfriend na siya? Kungsabagay, four years din yung lumipas at sa gwapo niyang yan! Imposibleng walang magkagusto sa kanya.
Nginitian ko lang siya at tumango nalang sa kanya.
Kaya lang nagulat ako ng lumapit pa siya sakin, yung napakalapit talaga a?! At kung kanina ako ang yumakap sa kanya, ngayon naman siya ang yumakap sakin.
Hindi ako yumakap pabalik at bagkus ay umiyak na naman ako.
"Kumalas ka na nga! Mamaya niyan, lagot ako sa girlfriend mo! Puntahan mo na yun baka nagtatampo na 'yon!" sabi ko naman habang pilit na kinakalas ang kamay niyang nakayakap sakin pero mahigpit talaga yung yakap niya kaya di ko magawang tanggalin.
"Ito naman! Joke lang yun no! Pero magiging totoo yun kung papayag yung liligawan ko" sabi niya. Di ko man makita mukha niya pero alam kong nakangiti siya habang sinasabi yun.
Maya-maya ay kumalas na sya sa yakap niya at hinarap ako.
"Ano? Payag ka ba na ligawan kita?!" Nakangiting tanong niya.
Di ko na napigilang umiyak ng umiyak dahil sa sinabi niya.
All this time pala ako parin gusto niya?! Tsk! Ba't ba may mga almost perfect na tao?!
"Wag ka na nga umiyak" sabi niya sabay punas ng luhang gumulong sa mukha ko gamit right thumb niya.
"Ikaw kasi ih!" naiiyak ngunit nakangiting sabi ko sabay hampas sa dibdib niya.
"Nayayamot na ko o! Payag ka bang ligawan kita?! Kung di ka parin sasagot, luluhod ako ngayon!" pagbabanta niya.
Teka nga? Dapat pa bang pag-isipan yun eh sinabi ko nga noon na
kung makikita ko ulit siya, di na ako magpapaligaw, diretsong in the relationship na kami!
Ibubuka ko na sana bibig ko nang bigla nalang siyang lumuhod.
"Hoy tumayo ka nga jan! Clark!" Saway ko sa kanya pero nakaluhod parin siya.
Nakarinig na naman ako ng bulong-bulongan.
'OMG! The superstar is kneeling for a girl?'
'Is she his girlfriend?'
'That woman is so lucky'
'Take pictures! Quick!'
'Tomorrow's headline will be 'The model and superstar Clark Vegaz is kneeling for his long time loved woman''
'I wish I'm that girl'
Naku naman o! Si Clark pala yung pinag-uusapan ng mga tao kanina?!
"Bigatin pala boyfriend ko" sabi ko sabay tawa.
"Hah? What did you say?!" nagtatakang tanong niya.
Sa wakas naman tumayo na siya!
"Di mo ba narinig?! Ay sayang naman kasi di ko na uulitin" sabi ko habang nagpa-pout pa.
"Ehh? Ulitin mo na please?" Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.
"Sige na nga! Hahaha tama na! Hahaha nakikiliti ako Clark" sabay tawa ko. Weakness ko kaya yang pasundot-sundot na yan!
"O ano? Di mo uulitin?" tanong niya habang sinusundot parin ako.
"Oo na" sabi ko.
Huminto naman sya sa pagsundot at nagtatakang tinignan ako.
"Anong oo?"
Ay ang slow naman!
"Oo as in pumapayag ka nang ligawan ko?" di makapaniwalang tanong niya.
"Anong ligaw ka diyan!" saway ko naman sa kanya.
"Ay! Di pala?!" naka-pout na sabi niya.
"Walang ligaw-ligaw! Tayo na!" Sabi ko nalang.
Lumaki naman yung mata niya sa sinabi ko.
At sa di ko inaasahang pangyayari....
Tumalon kami sa London Bridge!
Ito naman! Joke lang!
Restart. Restart.
At sa di inaasahang pangyayari.....
Bigla nalang niya akong hinalikan ng matagal and I found myself kissing him back.
End.
Author's note:
Thank you sa pagbasa. Vote, comment and follow kayo a? Pero kung hindi okay lang basta binasa niyo, masaya na ako! Thank you ulit! Sana nag-enjoy kayo!
Kansamhamnida💜
Written by: STARRYJEONGALAXY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top