100 DAYS with you
Naramdaman nyo na ba na ang boring ng buhay nyo? Ako? Oo. Syempre. 'Yan ang buhay ko eh. Boring.
I'm Wind Valenciaga. Fourth year college na sa kursong Tourism. Mayaman kami. Aminado akong maganda at sexy ang katawan ko. Dyosa din ako. Ang kaso lang, wala akong kaibigan. Ewan ko kung bakit walang nakikipagkaibigan sakin. Siguro dahil hindi ako namamansin. Snob kasi akong tao saka masakit magsalita. Masungit, maarte, tsaka maldita ang turing sakin ng lahat ng estudyante sa USM(University of Sren Minds).
Lunch time nang lumabas ako ng block namin at naglakad papunta sa cafeteria.
Hindi maiiwasang may tumitingin sakin. Hindi ko na sila pinansin. Alam ko na naman kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin nila. They are judging me in their mind.
Dire-diretso akong pumunta sa pinakahuling pila pagkapasok ko sa cafeteria. Nasa unahan ko ay ang babaeng nakatagilid na kaagad na tumingin sa akin habang nakataas ang kilay. Magkasing-height kami pero hindi magka-level ang beauty namin. Siya, beautiful lang, ako naman ay goddess na.
"Gawain mo bang sumiksik sa pila? Can't you see na tumagilid ako para lang sabihing 'occupied dito'?" maarteng sabi niya.
Ginaya ko lang ang pagtaas niya ng kilay. Wala akong balak na pansinin ang isang gaya niya.
"Aba! Wala ka bang bibig? Hindi ka makapagsalita? I was asking you pero hindi ka sumagot. What's wrong with you?" nakangising sabi niya.
Tinignan ko siya saka ngumisi rin.
"I can't waste time on your rubbish chat." diretsong sabi ko saka kinuha ang cellphone sa bulsa at nag-browse ng instagram ko.
Kusang tumigil ang kamay ko sa pag-scroll nang makita ang post ni HANDSOMEGUYPOITO. May kasama siyang babae na payat at maganda. Nakakapit sa braso niya at pilit na isinisiksik ang dibdib ng babae dito. Sa nakita ko ay napailing ako.
Frost Silvern. Ang playboy sa USM. Araw-araw nagpapalit ng profile pic. May kasamang babae lagi. Pero iba-iba ang mukha kada-araw. Iwan ko bakit lumalabas sa NF ko ang mga post nya gayong hindi ko siya fi-nollow-back. Siya lang 'yong nagfollow sakin.
Higit limampung libo ang followers niya. Ang akin naman ay animnapung libo. Higit ng sampung libo kaysa sa kaniya.
"Hoy, Wind! Bakit ka andiyan? Pwesto namin 'yan a!"
Inangat ko ng kaunti ang tingin ko at nakita ang dalawang babaeng sexy kung manamit pero hindi naman talaga sexy ang dating. May bangs silang dalawa at puno ng kolorete ang mga mukha.
Itinaas ko ang kilay ko at ibinaba ang cellphone.
"Andito ba kayo kanina?" tanong ko kaagad.
Nagkatinginan silang tatlo ng babaeng nagmamataray sakin kanina at sabay-sabay na tinaasan ako ng kilay.
"Diba sinabi ko sayo kanina na occupied na 'tong space dito? Eh, nakisiksik ka parin!" sabi niya.
"Sinabi mo lang na occupied pero wala kang proof. And to think na ang tagal dumating ng kasama mo, sa tingin mo walang makikisiksik? Com'on, girl, think." seryosong sabi ko.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang naging kamao. Itinaas nya ito at kaagad na dumapo sa palad ko ang palad nyang handang sampalin ako.
"Stop wasting your time, girl. Ang boring mo." sabi ko saka padabog na binitawan ang kamay nya.
Umayos ako sa pagkakatayo at nagkibit ng balikat. Itinaas ko ang cellphone ko at handa na sanang magpatuloy sa pag-iinsta nang hinablot ito sa kamay ko.
"Boring?! Me? You are! Ikaw ang boring! Ang arte-arte mo. Kaya walang kumakaibigan sayo! Aanhin mo 'yung pagiging mayaman at maganda kung mas masahol pa sa hayop ang ugali!"
Ilang beses bumalik-balik 'yung sinabi nya sakin sa utak ko.
"Boring, maarte. Oo. Tanggap ko 'yung mga salitang 'yun. I've heard it for a million times. Pero 'yung mas masahol pa sa hayop ang ugali ko? Paano mo nasabi 'yun? Kilala mo ba ako? Kilala mo ba ang lahat ng hayop para masabi mong masahol ang ugali nila? Sabihin mo!" inis na inis kong sabi.
Imbes na matakot ay humalakhak pa sya na naging dahilan ng pagkuha nya ng atensyon sa mga tao sa cafeteria. Ang dalawang babaeng may bangs ay nanatiling nakatikom ang mga bibig.
"Guys! Did you heard her? She is defending animals! Oo nga naman, she's one of them, right?"
Nag-init ang ulo ko nang sumang-ayon ang lahat ng estudyante sa kanya.
Ipinikit ko ang mga mata upang mapigilan ang sarili na makasakit ng kapwa.
Don't hurt others. We have no rights to hurt them.
Kung hindi dahil sa katagang iniwan sakin ng lolo ko bago sya mamatay ay malamang, ilan na 'yung nabalian ko ng buto dahil sa inis.
*crack!*
Kaagad kong iminulat ang mga mata ko nang may marinig na nabasag at kusang tumigil ang mga mata ko nang makita ang cellphone kong nakahiga sa sahig. Basag-basag na at muntik ko nang hindi makilala na cellphone ko nga 'yun.
Tinaliman ko ng tingin ang babae pero huli na nang mapigilan ko ang sampal nya.
"Look! How pathetic you are! Look at the goddess of animals! Nasampal ko sya. How weak. Akala ko matapang ka pero bakit ngayon? Tears. Umiiyak ka?"
Kaagad kong pinunasan ang isang butil ng luhang kumawala mula sa mata ko.
"Manalamin ka nga, Wind. Look at yourself now. Umiiyak ka na. A sign of defeat. Bagay la-"
"Juliene!"
Kaagad na naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa galit na galit na sabi ng isang lalaki.
Kahit hindi ko tignan ay kilala ko ang boses na 'yun. HANDSOMEGUYPOITO.
"F-Frost..."
"What were you doing?! Bakit mo sinaktan si Wind?" kaagad na sabi ni Frost sa babae na agad na tinikom ang bibig.
Ngumisi ako at akmang tatalikod na nang biglang may humila sakin. At ang huli kong narinig ay ang pagsinghap ng mga tao.
Tumigil sya sa paghila sakin nang makarating sa likod ng USM kung saan makikita ang mga magagandang kulay ng bulaklak.
Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay.
"Bakit hindi ka lumaban? Ganyan ka ba talaga? Wind, you're strong. Hindi ka nagpapa-api, diba? Bakit hinayaan mo na ang isang ordinaryong babaeng 'yun ay saktan ka?"
Hindi ko na talaga napigilan ang tumawa sa sinabi nya.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Seryoso ako, Wind. Kaya nga fi-nollow kita sa Instagram dahil-"
"Dahil maganda ako? Dahil rin sexy ako at lahat ng gusto mo sa babae ay nasa akin? Frost, kung ano man 'yang balak mo, wag mo nang ituloy. Hinding-hindi mo mabibitag ang atensyon ko."
Kumunot ang noo nya.
"What are talking about?"
"Frost, alam ko na 'yang balak mo. Nagbabait-baitan ka sakin dahil ako ang susunod na target mo. Mukha ko na 'yung susunod na makikita ng mga followers mo sa instagram account mo, tama? Kaya wag ako. Maghanap ka nalang ng ibang babae."
"Ha-ha-ha! Ganun 'yung akala mo sakin? Oo, I'm playboy pero hindi ikaw 'yung tipo ng babaeng kaya kong saktan. If you're the girl I would meet, I wouldn't dare to hurt you." seryosong sabi nya.
Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi nya.
"Tsk."
Tanging sabi ko saka tinalikuran na sya.
"Wind! I have a favor to ask you!" sigaw nya bago ko ihakbang ang mga paa ko.
"What now?"
Tumakbo sya at tumigil sa harapan ko. Malawak ang pagkakangiti. Ngayon ko lang nakita 'yung buong mukha nya nang malapitan. Medyo makapal ang kilay. Mapungay na mga mata. Perfect jaw line. Perfect cheeks. Kissable lips.
"Will you date me?"
"I knew it. Kaya mo g-"
"No. Listen. I want to have a relationship with you just for one hundred days. No more, no less. You're my type. Disregard my EXES dahil kahit niisa sa kanila ay hindi ko sineryoso pero, don't get me wrong. I'm serious on you. Please, give me a chance. Just a hundred days. And on our 100th day, let's make a promise na magkikita at magkikita tayo dito mismo to bid our goodbyes." mahabang sabi nya.
"Boring." tanging sagot ko saka umalis na nang tuluyan.
Ang playboy, pag may gusto, ginagawa lahat para makuha lang ito. Tama nga, dahil hindi tumigil si Frost sa kakukulit sakin sa loob ng isang buwan. Kaya, I approved. I give him the favor.
Day 1.
Sinundo nya ako kahit na may sarili akong kotse. Binigyan nya ako ng isang puting rosas.
Day 2.
Ganun din ang nangyari pero dalawang rosas na ang ibinigay nya.
Araw-araw, ganun nalang lagi. Laging napupunan ng isang rosas ang ibinibigay nya sa akin. Hindi ko sya sineseryoso dahil ayokong masaktan at umasa na sa huli ay magiging masaya ako kasama sya pero ewan ko, mukhang seryoso sya sa ginagawa sakin. Pinapagod nya nga lang 'yung sarili nya dahil kada makatanggap ako ng bulaklak nya ay hindi ako nagpapasalamat. Well, that's me. Ginulo nya ako kaya magtiis sya. Let's see kung hanggang kailan ang kaya nya.
Day 14.
Wala akong ginagawa kaya naisipan kong i-stalk sya sa Instagram. Kusang kumunot ang noo ko nang walang makitang post sa timeline nya kahit na noon ay hindi na mabilang ang mga litrato nya kasama ang iba't-ibang babae. Ewan ko ba, hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako.
Day 20.
Binigyan nya ako ng balloons na heart-shaped at nag-sorry sya dahil hindi nya ako nasundo. Sabi nya na na-late raw sya ng gising pero alam kong hindi dahil dun. Tumayo ako at hinipo ang noo nya.
"May lagnat ka? Bakit ka pumasok? Dinalhan mo pa ako ng mga balloons. Frost, please, pwede ba? Alagaan mo rin ang sarili mo." Tinignan ko si Shein na syang president namin, "Shein, aabsent ako. Just tell our profs." sabi ko at kaagad na isinabit sa bag balikat ko.
Tinignan ko si Frost na hanggang ngayon ay hawak-hawak parin ang balloons at kaagad syang hinila.
Nakarating kami sa parking lot. Hinanap ko kaagad ang kotse nya at pinapasok sya doon.
"Let me drive." sabi nya saka akmang tatayo sa pagkakaupo sa shotgun's seat nang taliman ko ng tingin.
"May lagnat ka tapos ikaw magda-drive?" inis kong tanong saka pinaharurot na ang kotse nya.
Ipi-nark ko ang kotse nya sa garahe ng bahay namin.
Lumabas ako at lumapit sa shotgun's seat saka binuksan ang pintuan.
"Frost? Wake up." sabi ko.
Kaagad nya namang iminulat ang mga mata at bumaba sa kotse.
Para lang syang walang lagnat dahil sa ngiti nya pero pag tumingin ka sa mga labi nya ay masasabi mong may lagnat nga sya. Namumutla.
"Babe, asan si Mommy at Daddy?"
Nauna na talaga syang pumasok sa bahay namin.
Inilapag ko sa sofa ang bag ko at marahang hinila si Frost saka pinaupo dito.
"May business trip sa Hawaii. Just lay down here. Kukuha lang ako ng towel at maligamgam na tubig." sabi ko.
Tumango-tango naman sya habang nakangiti pa.
Pagkatapos kong kumuha ng tubig at towel ay kaagad ko syang pinuntahan sa sofa. Nadatnan ko syang nakahiga at nakapikit ang mga mata.
Hinipo ko ang noo at leeg nya. Mainit parin sya.
"Ano ba kasing pinaggagawa ng lalaking 'to at nagkasakit?" bulong ko saka marahang hinawi ang bangs nya saka nilagyan ng towel ang noo nya pagkatapos ay pinunasan ko na ang kamay nya.
Napatingin ako sa damit nya. Longsleeve na black na maraming butones ang suot-suot nya at jeans na itim saka leather belt. Tinanggal ko muna ang white rubber shoes nya at in-unbutton ang ibang butones sa damit nya para mahanginan naman sya ng kunti.
Pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang makapal na kumot sa kwarto ko at ikinumot kaagad sa katawan nya. Medyo malaki naman ang sofa namin kaya kasya sya.
Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang mukha nya hanggang sa nakatulog nalang ako kakatitig sa kanya.
Day 30.
Napagdesisyonan kong i-open ang insta ko at kaagad na nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa unang post na bumungad sakin.
HANDSOMEGUYPOITO was live. At ang 30-minute video na laman ng post nya ay ang dalawang magkahawak na kamay. Hindi talaga ako nagkamali sa hinala ko kaninang tanghali. Alam kong may ginawa na naman syang masaya dahil sa ngiti nyang halos hindi mawala-wala. 'Yun pala, vinideohan nya ako habang natutulog at pinagsiklop nya pa talaga ang kamay naming dalawa a? Tsk. That guy.
Day 35.
Ang araw na napagdesisyonan kong i-stalk ulit sya. At sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng tuwa sa nakita ko. Parang kinukurot ang dibdib ko dahil sa sobrang saya na nararamdaman. Ang lahat ng post nya ay ang mukha ko. Inisa-isa ko ang mga ito. Latest post nya ay ang nakatagilid na mukha ko with caption 'Hi, babe🥀'. Ang sumunod ay ang mukha naming dalawa na magkatabing nakaupo sa cafeteria, nakangiti ako dun pero sya, titig na titig sa mukha ko. Ang caption ay 'I really love this girl at ti-nag nya ako.
Dahil sa tuwa ay kusang cli-nick ng mga kamay ko ang follow back button.
Day 50.
Ang araw na hindi ko inaasahang mangyari-ang tuluyan nang mahulog sa patibong nya. Oo, tinatanggap ko na na mahal ko na nga sya. Pero natatakot ako dahil hindi parin ako sigurado kung mahal nya na rin ba ako. Sabi nila 'Once a playboy, always a playboy'. Kaya ako natatakot dahil maaring ako lang ang nagmamahal sa relasyon namin. Should I avoid this feeling? But...how? Should I avoid him too? To forget this feeling?
Day 52.
I am wondering. Should I broke his favor? Should I break up with him? Hindi nya naman siguro ako sineseryoso. Ako lang naman ang masasaktan pag pinagpatuloy ko pa 'tong relasyon namin. Right, this day, I must break up with him.
Lumabas ako ng block namin saka dumiretso sa block nina Frost sa kabilang building.
Habang naglalakad ay panay naman ang tingin ng mga tao sakin. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ang isang tulad kong maarte ay naglalakad sa gitna ng napakainit na araw. Ganun man ay hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila at dire-diretsong pumunta sa building.
Nasa harap na ako ng block nila nang makita ako ng isang lalaking sigurado akong kaklase ni Frost. Tumigil ako sa paglalakad nang maglakad sya palapit sakin.
"Hi! Ikaw si Wind, diba? Hinahanap mo ba si Frost?" kaagad nyang tanong.
"Oo, ako nga. Asan siya? Nasa loob ba ng classroom nyo?" tanong ko naman.
"Umalis nga eh. Kanina pa nga 'yun umalis simula lunch time. Hindi pa bumabalik. Siguro may ka-date."
Sinamaan ko agad sya ng tingin dahil sa sinabi nya.
"Alam mo, may gunting ako sa locker ko. Gusto mong kunin ko? Nang-aasar ka pa eh."
"Ito naman! Joke nga lang. Pero, alam mo, hindi ka naman pala masyadong maldita gaya ng sabi ng iba. Kulang ka lang sa ngiti eh." sabi nya.
Inirapan ko sya saka pinagkibitan ng balikat.
"Okay. Aalis nalang ako."
"Aalis ka na? Hindi mo man lang ba hihintayin si Frost? Baka babalik na rin yun." pigil nya sakin.
"2 PM na pero wala parin sya. Baka tama ka, may ka-date pa siguro 'yun. Sige na, sige na. Salamat nalang."
Nang tuluyang makaalis sa building nila ay napatigil ako nang makita si Frost na may kasamang babae. Nagtatawanan silang dalawa. Hindi ko na napigilan ang sarili kong makaramdam ng sakit dahil sa nakikita. Hindi ako sanay na nakikita syang may kasamang ibang babae.
Day 60.
Iminulat ko ang sariling mga mata nang matamaan ng araw ang mukha ko. Tinignan ko ang wall clock.
09:54 A.M. na at dahil wala akong ganang bumangon ay humiga ulit ako sa kama ko.
Matutulog nalang sana ako ulit nang biglang marinig na may kumakatok.
"Baby? Si mommy 'to. Gising ka na diyan. May bisita ka. Andun sa sala nakaupo. Sige na. Para kumain ka na rin."
"Mommy, I want to sleep pa eh. Sabihin mo nalang sa bisita na tulog pa ako." sagot ko sabay talukbong ng kumot.
Ilang minuto ang lumipas nang marinig kong bumukas ang pintuan kaya agad akong napatingin doon. Kasabay ng panlalaki ng mga mata.
"FROST?! A-Anong ginagawa mo dito?" tarantang tanong ko saka kinumotan ang sarili.
Nginisihan nya lang ako saka nagkibit ng balikat na syang ikinainis ko.
"Alam mo, kung wala ka man lang gagawin, mabuti pang umalis ka na. Matutulog pa ako." sabi ko saka humiga na sa kama pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata.
Kahit na narinig ko ang yapak nya palapit sakin ay hindi ko sya pinansin at nagtulog-tulogan lang. Hmpf! Hindi ko pa nakakalimutan 'yung ginawa nyang pagsama sa kung sino mang babaeng 'yun. Tsk!
"Wind? Why are you ignoring my calls? Bakit hindi mo na rin ako nire-replyan kahit sa text o chat ko. May problema ba?"
Naramdaman kong umupo sya sa kama ko pero nagtulog-tulogan parin ako.
"Babe...answer me. Did I do something wrong?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi saka inalis ang kumot sa katawan at tinignan si Frost na seryosong nakatingin sakin.
"Wala, umalis ka nalang, pwede ba 'yun? Matutulog na talaga ako." tatalikod na sana ako nang bigla nya akong niyakap ng mahigpit.
"Babe..please, wag ka namang ganito. I...I can't breath properly if you're like this. Please.."
Inalis ko ang pagkakayakap nya sa akin saka tumingin sa mukha nya na sana hindi ko nalang pala ginawa dahil...dahil... Sana napigilan ko ang mga luha ko.
Frost is...is crying in front of me. Na niminsan man ay hindi ko inakalang mangyayari pala. The playboy is serious.
Hindi ko na nakaya pa na makita ang mga luha nya kaya niyakap ko nalang sya nang mahigpit.
Day 65.
"Dun!"
"Ayoko. Dun tayo sa arcades."
"Eh? Ayoko nga! Dun nga tayo sa cinema. Manonood ako ng movie."
"Babe naman, mamaya nalang tayo sa cinema."
Pinameywangan ko sya saka umirap sa hangin.
"Edi bahala ka. Basta dun ako sa cinema. Maghahanap nalang ako ng ibang kasama. 'Yung obedient then 'yung mamahalin ako tap-"
Hindi ko na nadugtongan pa ang pangba-blackmail nang bigla nya akong hinila papunta sa cinema. Patago naman akong napangiti nang nadala sya sa sinabi ko.
Huminto kami sa tapat ng bilihan ng ticket. Tinignan nya ako gamit ang nakakunot na noo nya. Muntik na akong tumawa pero pinigilan ko nalang.
"Anong gusto mong movie?" halos iritable nyang sabi.
Inirapan ko sya saka tinignan ang movie list sa monitor.
"'Hotel Transylvania 2 nalang." sabi ko saka tinignan si Frost.
Tumango naman sya saka binayaran ang dalawang ticket saka pumasok na kami nang dire-diretso sa loob ng cinema.
Hinila ko sya dun sa dulong bahagi saka hinila ko rin sya paupo. Parang ayaw kasing umupo eh.
Maya-maya ay nagsimula narin ang palabas. Nung una ay tahimik lang ang kasama ko pero nang nagtagal ay kinulit-kulit na nya ako at paulit-ulit nyang sinasabi na ang pangit ng palabas. Hindi ko sana sya papansinin kaso pinisil nya bigla ang pisngi ko kaya naagaw nya ang atensyon ko.
"Ano? Tumahimik ka na nga lang." sabi ko sa lalaking titig na titig sa mukha ko.
"Eh, ang pangit ng movie! Puro kingkoy! Wala bang pang-mature? 'Yung may bed sce-aray!"
Sinapak ko na. Ang bastos kasi.
"Kung iba ba ang ka-date mo ay ganun ang isu-suggest mong panoorin ninyo? Tapos ano? Gagayahin nyo rin 'yung napanood pagkatapos? Tsk." sabi ko saka itinuon ang paningin sa movie.
"You know, Wind...you're really are something. Iba ka e, you know what? Hindi ko rin alam kung bakit iba ka sa lahat. Siguro ay dahil hard-to-get ka."
Napatingin ako kay Frost sa sinabi nya. Titig na titig sya sa mukha ko. Iniwas ko nalang ang paningin sa kanya at kinagat ang pang-ibabang labi. Damn! I really love him!
Day 74.
Nakasimangot akong nakaupo sa arm chair ko. Kanina ko pa hinihintay si Frost na dumating pero ilang oras nalang ang lumipas ay kahit ni anino nya ay wala akong makita. It's almost lunch time. Nakagawian ko na syang kasama kapag lunch. Siya 'yung bumibili ng pagkain ko. Not minding the death glares of the students around us.
Asan kaya iyon?
Ilang saglit pa ay lunch time na. Wala akong choice kundi mag-order nang mag-isa dahil wala naman sya.
"The usual meal," sabi ko sa babae na kumukuha ng order.
Tumango sya saka kinuha na ang order ko. Dala-dala ko iyon hanggang sa may mga babaeng huminto sa harapan ko. Tinignan ko sila. Not like the old days, hindi na ako nagtataas ng kilay sa mga tao. Parang ang sama ko pag ginawa ko pa iyon.
Sabay-sabay nila akong nginitian.
"Wind..pwede ba kaming sumabay sa pagkain sayo?" nahihiyang tanong ng payat na babae.
"Pero..okay lang naman kung hindi." sabi ng isang babaeng may kagandahan.
Kumunot ang noo ko. Bakit ganito sila? Bakit niyayaya ako nilang makasabay? Andaming thoughts na pumapasok sa utak ko pero hindi ko iyon masabi isa-isa. It's impossible. For the first time in history, may nagyaya sakin...may, may..kumaibigan sa akin.
Unti-unti akong tumango, "Oo naman. Bakit naman hindi?" nakangiti kong sabi.
Ngumiti naman sila at sinamahan nila ako sa table ko.
Day 75.
Naglalakad ako ngayon sa paligid ng USM kasama sina Heart, Ann, Britney at si Nikki na syang nakilala ko kahapon sa cafeteria. I'm happy kasi ramdam ko ang sincerity nila na makipagkaibigan sa akin. Hindi sila plastic kagaya ng iba. Pure lang sila. Hindi maaarte at alam kong matitinong babae.
"Alam mo, Wind, noon ka palang namin nakikita eh. Gusto ka naming kausapin pero wala kaming lakas ng loob na makipagkaibigan dahil sabi nila maarte at masama ka. Pero hindi naman pala talaga." sabi ni Nikki.
"I can't blame them kung 'yun ang tingin nila sa akin. Ang alam ko lang, I'm just living my life as me. Hindi ko naman kailangang magpanggap na mabait gayung hindi naman talaga." sabi ko.
"Oh, yes! Ganun din 'yung motto naming apat. Be yourself lang diba? Wala namang nagmamay-ari sayo kundi ang sarili mo. Kaya..we can relate ourselves to you, Wind." sabi naman ni Britney na nakaangkla ang kamay nya sa braso ko.
Nginitian ko sila at tumango-tango.
"Pero...wait lang, bakit kahapon ay nagkaroon kayo ng lakas na kaibiganin ako? Ibig bang sabihin ay hindi na kayo nasisindakan sakin?" tanong ko.
Napakamot sa ulo si Ann at Heart.
"Ahh...e-eh.." hindi makapagsalita si Ann.
Kinunotan ko sila ng noo at tinignan si Britney, sa kanilang apat ay itong si Britney ang madaldal. Hindi nya napipigilan ang bibig nya kundi ang magsabi ng totoo.
Bumuntong-hininga sya saka tinignan ang tatlong kasama namin, "Ganito kasi..si Frost, your boyfriend, approach us nung isang linggo. Sabi nya, matagal na nyang napapansin na nakatingin kami sayo..parang may kailangan raw kami. Sinabi namin sa kanya na gusto ka naming kaibiganin kaya sinabihan nya kami na lapitan ka..sabi nya mabait ka naman eh kaya nagkaroon kami ng lakas-loob na kaibiganin ka."
Napatango-tango ako ngunit hindi napigilan ang pagsimangot.
"Uy, ba't ka nakasimangot? Pasensya na sa sinabi ni Britney. Gusto ka talaga naming kaibiganin hindi lang dahil sinabihan kami ni Frost na lapitan ka. Sorry, Wind."
Apologetic na ngumiti si Heart. Kaagad akong umiling-iling.
"Hindi, hindi. Kasi..hindi ko pa nakikita si Frost mula kahapon at hindi nya pa ako tine-text." matabang kong ani.
"Ha?" nanlaki ang mga mata ni Britney, "Nakita ko sya kahapon e at kanina din, may kasa-Aray naman, Ann!" reklamo nya nang siniko sya ni Ann.
Kumunot ang noo ko, "Britney, please..tell me what you saw." seryoso kong sabi.
"K-Kasi..may kasama syang babae. Maalon ang buhok na kulay lupa, maputi, maganda at may magandang katawan ang babaeng kasama ni Frost." patuloy ni Britney.
Napakagat ako ng labi. Iyon din ang babaeng nakita ko na kasama ni Frost dun sa may building nila. Napatingin naman ako sa ekspresyon nina Ann, Heart at Nikki. Nakatingin sila sa akin at may awa ang mga mukha.
"Tapos?" napalunok ako, "Ano pa ang nakita mo?" tanong ko.
Humawak sa chin si Britney at tumingala, "Wala naman na. Aside lang sa close sila. Halata kasi kung magtawanan."
Lumunok ako at hindi na nakapagsalita. May bumabara sa lalamunan ko at hindi ako mapagsalita kahit niisang pangungusap man lang.
Day 76.
I decided to stalk Frost on his instagram. It's been days since ko nakita ang mga posts nya.
Unang scroll ko palang sa account nya ay nanikip kaagad ang dibdib ko.
Nakangiting Frost ang nakita ko katabi ang isang babaeng nakangiti din. Nakaakbay siya dito at masyadong malawak ang pagkakangiti nya. Wala iyong caption pero tagos sa dibdib ang sakit. Hindi ko napigilan ang butil ng luha na kaagad kong pinahiran. Sh1t! Ang sakit!
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang biglang lumitaw ang pangalan nya sa screen ko. Tumatawag sya! Kinalma ko muna ang sarili ko bago sinagot iyon.
"Wind.." malambing ang boses nya.
Hindi ako sumagot.
"Wind? Where are you? Are you free?" sunod-sunod nyang tanong mula sa kabilang linya.
Bumuntong-hininga ako, "Yeah, andito ako sa malapit na café sa USM." sagot ko.
"Okay, babe. Wait for me there. May ipapakilala lang ako."
Hindi na nya hinintay ang sagot ko at kaagad na binaba ang tawag.
Ilang saglit pa ang lumipas ay may nag-park na kotse sa harapan ng café. Lumabas dito si Frost na naka-jeans at blue v-neck t-shirt na kaagad pumasok sa loob ng café.
"Hi, babe." sabay halik nya sa noo ko. It's the first time na hinalikan nya ako kaya hindi ko napigilan ang sariling mamula.
"H-Hi.." sabi ko.
"Why are you stuttering, now? Na-miss mo 'ko noh? Damn! I really missed you, too." sabi nya saka niyakap ako, "I'm sorry kung hindi ako nakatawag or nag-text man lang sa'yo. I've been very busy these past few days. You'll forgive me, right? Because I'm sure, you missed me too."
Ginantihan ko ang yakap nya saka pumikit. Darn! Kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan ang sarili na yakapin sya pabalik at damhin ang sarap ng yakap nya.
"Frost.." hindi ko na napigilan ang mapaluha. Pinahiran ko ito kaagad bago pa sya kumalas sa yakap.
"Bakit? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nya.
Tumango ako. Tumango din sya.
"Oo nga pala, may ipapakilala ako sa'yo."
Bumaling sya sa labas ng café. Nakita ko ang babaeng bumaba sa kotse nya. Ito 'yung kasama nya lagi. 'Yung nakita ko at ang nakita ni Britney, panigurado.
Nakangiti ang babae lalo na nang makalapit na sa table ko.
Naglahad sya ng kamay, "It's nice to meet you, Wind. Finally ay nakita ko narin sa personal ang babaeng nagpapatibok sa puso ng bestfriend ko." nakangiti nya sabi.
Tinanggap ko ang kamay nya, "Yeah, I'm Wind. You are?"
"I'm Isabelle Javier! I'm one of your followers sa Instagram! Noon pa lang ay tagahanga mo na ako. Akala ko nga ay nagbibiro itong si Frost sa sinabi nya na girlfriend ka nya pero totoo naman pala talaga." sabi nya.
Tumango-tango ako. Hindi alam ang sasabihin.
Day 80.
"Hey, Wind..marunong ka bang mag-bake?" tanong ni Isabelle.
Nandito kami ngayon sa condo ni Frost. Inimbitahan nya kami na dito daw mag-dinner kasi anniversary ng parents nya. Nandon pa sya sa shower room, naliligo kaya kaming dalawa lang ng bestfriend nya ang nandito sa kusina nya.
"Oo..teka, I need spatula. Saan ba nakalagay mga gamit nya?" tumingin-tingin ako sa mga cabinet sa gilid at hinanap ang spatula na gagamitin.
"Oh, ako na, Wind." alok ni Isabelle at wala pang isang minuto ay nasa kamay na nya ang spatula, "Ito o. Dun nakalagay sa gilid."
Tumango ako at ngumiti, "Salamat. Parang alam mo lahat ng location ng mga gamit a? Lagi ka bang pumupunta dito?" curious kong tanong.
"Oo, oo! Lagi! Inaanyaya kasi ako ni Frost na samahan sya dito kasi lonely sya. Pero ang gusto nya lang ay may tiga-hugas sya."
Nanikip ang dibdib ko at di ko mapigilan ang pait na nararamdaman. She's his bestfriend kaya normal lang na pumupunta sya dito sa condo nya. Pilit ko iyong itinatatak sa utak ko pero hindi ko talaga matanggap ang konklusyong iyon. I'm his girlfriend! Bakit hindi nya ako pinapapunta dito? Bakit si Isabelle? Yes, they're damn bestfriends pero hindi magandang tignan na magkasama sila sa iisang unit at madalas pa! Unless they're into relationship!
Nagbitaw ako ng isang ngiti at hindi ko iyon pinahalatang peke. Baka akalain nyang insecure ako.
Maya-maya ay bumaba na si Frost. Basa ang buhok. He looks so handsome wearing his simple shorts and a plain gray t-shirt!
"Uyyy! Inlove na inlove ka talaga a!" sabay sundot sa tagiliran ko ni Isabelle.
Iniwas ko ang tingin ko.
"Frost, Wind, maiwan ko muna kayo. May bibilhin lang ako sa labas."
Hindi ako nakarinig ng sagot mula kay Frost. Ang tanging narinig ko lang ay ang pagsarado ng pintuan ng unit nya.
Narinig ko ang hakbang papalapit sa akin pero nanatili ang paningin ko sa chocolate icing.
Nakaramdam ako ng init nang bigla nya akong yakapin mula sa likuran ko. Isiniksik nya ang mukha sa balikat ko. Darn! I can smell his scent!
"Babe...I really really miss you." bulong nya na nakapagpanindig ng balahibo ko.
Hinigpitan nya ang yakap ng braso nya sa baywang ko.
"Hey..bakit hindi ka sumasagot? Didn't you miss me too?" ikinalas nya ang yakap sa akin at pinaharap ako sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin pero ibinalik nya rin iyon sa pagkakatitig sa kanya.
"Wind..you're acting weird these days..and when you don't answer me everytime I ask you, it makes me wanna kiss you." mapungay ang mga mata nya pero mas pumungay iyon ngayon.
Ngumuso sya at tinignan ang labi ko.
"Kiss me, then." hamon ko.
Umangat ang labi nya at kaagad na hinawakan ang batok ko at mas idiniin ang katawan ko sa kanya.
"Okay," at bago pa man ako makasagot ay inatake na nya ang labi ko ng mapupusok nyang halik.
Damn him! As I'm kissing him, I conclude that he's such a good kisser! Kaya pala ilang babae ang nababaliw sa kanya!
Unti-unti kong ibinuka ang labi ko at naramdaman ko ang pagngisi nya. Umakyat ang kamay nya sa tiyan ko habang ang isa ay nasa batok ko parin. Bawat haplos ng kamay nya ay nakakabaliw. Tataas na sana ang kamay nya sa dibdib ko nang bigla siyang lumayo sa akin.
"Damn! Sorry, Wind. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I wouln't take advantage on you kasi hindi pa tayo nag-iisang taon at alam kong hindi ka pa handa. I'll wait for you." sabi nya at niyakap ako.
Day 90.
Napatingin ako sa apat na babaeng nakatunganga sa harapan ko.
"Oy, kanina pa kayo a? Bakit ganyan ang tingin nyo?" tanong ko.
"May problema ka ba?" si Ann.
"Kanina ka pa nakatulala e. Bakit?" si Nikki.
"May sakit ka ba? Okay lang ba pakiramdam mo?" si Heart.
"Si Frost 'yan, 'no? Nakita ko sya kahapon, Wind, nakasakay iyon sa kotse ng babaeng sabi mo na best friend nya. Pumunta silang ospital ta-"
Hindi na naituloy ni Britney ang sasabihin nang bigla syang siniko ni Nikki.
"Guys, let her finish. Okay lang," Sabi ko.
"Britney talaga o. Imbes na mag-alala kay Wind ay inuuna pa ang chismis." naiiling na sabi ni Heart.
"E...kasi naman! Nakita ko silang dalawa ng best friend nya na pumunta ng ospital e sinundan ko sa loob. Nakita ko na kausap si Dr. Bernando. Kilala kasi iyong OB-GYN kaya nagtataka ako."
Kumunot ang noo ko. Ob-gyn? Anong ginagawa nila doon? At bakit sila nakipagkita sa ganong klaseng doktor? Don't tell me...
"Baka buntis 'yung babae!"
Napatingin ako kay Ann sa konklusyon nya. Iyon din ang naiisip ko.
Nanikip ang dibdib ko. I think, I need to talk to Frost about this.
Day 91.
I dial his number at sinubukan kong tawagan siya.
The subsriber cannot be reach. Please try again later.
Nagtipa nalang ako ng text sa kanya kasi ilang dial ko na ng number nya ay walang sumasagot. Meron man ay ang operator.
Ako:
Where are you? We need to talk.
Kada-segundo ay sumusulyap ako sa cellphone ko kung may reply na ba gayung wala talaga.
Hindi ko na napigilan ang pagtayo. Inayusan ko ang sarili ko at kaagad na sumakay sa kotse ko.
Dr. Bernando. I need to talk to her.
After 30-minute drive ay nakarating narin ako sa ospital. Bumaba ako sa kotse ko at dire-diretso ang paglapit sa lounge area.
"Good morning, ma'am.." sabi ng nurse na may hawak-hawak sa ballpen.
"Good morning, din. Can I ask kung saan ang office ni Dr. Bernando?" tanong ko.
"Bakit po? May kausap pa po kasi. Si Mr. Silvern at 'yung girlfriend nya." sagot nya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Sh1t! Anong girlfriend?! Eh andito ako! Hindi ko kasama si Frost! Darn!
"M-May I ask kung ano 'yung sadya nila?" tanong ko.
"Opo naman po. Wait lang po a? Titignan ko lang-ay ayan na pala sila ma'am o!"
Kaagad akong tumingin kay Frost na alalang-alala ang mukha habang kinakausap 'yung bestfriend nya. Namuo ang luha ko sa mga mata. Sh1t! Kaagad ko iyong pinahiran at patakbong umalis doon.
Day 92.
Nang maggabi ay nakatanggap ako ng text mula kay Frost.
Frost:
Sorry, babe. Hindi ko kaagad natanggap ang message mo. Busy kasi ako. Sure, sa susunod na araw nalang tayo magkita.
Kinagat ko ang labi ko. Busy? What are you busy for, Frost? Ito na ba 'yung kinakatakutan ko sa lahat? Ang marealize na isa nalang ako sa babaeng pinaglalaruan nya? Pilit ko mang isipin na hindi pero hindi ko matanggap! Ang dami ng konklusyon!
Kaya sila pumupunta sa OB-GYN ay dahil buntis si Isabelle at ang ama ay ang boyfriend ko.
Damn! Iyon palang ay hindi ko na matanggap! He's cheating! Binuntis nya ang bestfriend nya habang kami pa! Hindi nalang ba sya makapaghintay na mag-usap kami sa ika-100 days namin? O noon palang sana ay sinabihan na nya ako para hindi ako mabaliw sa kanya ng gan'to!
Malapit na naman..malapit ka na ring maging malaya..
Day 100 (the last day)
Andito na ako sa likod ng USM. Ano pa ba ang dahilan kung bakit ako andito? Right, the break up. This is the last day of our deal. The last day of his favor that I would become his girlfriend. The one hundredth day.
Yesterday was our graduation day. Nakita ko sya kahapon at kakausapin na sana pero nagmamadali talaga sya kaya hindi ko na naabutan. Bumalik lang ako dito sa university dahil sa deal. Hindi ko gustong tapusin pero nangako ako, nangako sya na tatapusin at tatapusin rin namin ang namamagitan sa amin. Dito mismo..sa unang tagpuan namin.
Tinignan ko ang wrist watch at napasimangot.
It's almost 12 noon at hindi pa sya dumadating. Wala pang alas nuwebe ng umaga ako dumating dito. Wala akong snack. Wala rin pa rin akong lunch. Gusto ko lang na magkita kami at nang masabi ko na malaya na sya. Tutal naman ay nabuntis na nya si Isabelle. Hindi man nya sabihin ay alam kung iyon ang problema nya.
Sinabi nya sa akin noong 97th day namin through text.
Frost:
Wind, I'm sorry. I've been very busy these past few weeks kaya hindi na kita nabibisita.
Nag-reply ako sa kanya.
Ako:
Anong kinakaabalahan mo nitong mga nakaraang araw?
Nag-reply agad sya.
Frost:
May problema kasi. I can't tell you, yet. I would tell you on our last day. Sa likod ng USM.
Iyon lang ang sabi nya.
I'm nervous kasi obvious na 'yung sasabihin nya. He wants us to be officially unrelated because he had someone in his heart and that's...Isabelle, his bestfriend. I'm nervous yet I want to hear it from him. Not from anyone else. I know I might feel hurt pero tama lang na itigil na nga namin 'to, officially kasi alam kong ako lang ang nahuhulog.
Napatingin ulit ako sa relo ko for the nth time. It's 5 PM at wala parin siya. Nihindi nga ako nakapag-lunch kasi baka kung pag-alis ko saglit ay iyon naman ang oras ng pagdating nya. I want this to be over...
Narinig kong kumukulog na at madilim na ang paligid. Hindi dahil alas-singko na kundi ay alam kong uulan. Sht! Hindi ako nakapagdala ng payong!
Nabuhay ang loob ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. Ngunit napasimangot ako dahil ibang pangalan ang lumilitaw sa screen ko.
I sighed bago sinagot iyong tawag.
"Hello, mom?" sabi ko.
"Baby? Where are you? Umuwi ka na. Malapit nang umulan saka may importante akong sasabihin." sabi nya.
Kinagat ko ang labi ko. I think it's time na pumayag ako sa alok ng tita at tito ko doon sa Cebu. They're inviting us for a year trip doon sa lugar nila. Ilang beses na namin itong napag-usapan ni mommy at ilang beses din akong humindi. But now, well, I think I'll go.
"Yes, mom. Uuwi na ako." sagot ko bago binaba ang tawag.
---------------
"Heart! Wait for me!" sigaw ko kay Heart na tumatakbo papunta sa gitna ng mga taong sumasayaw.
Nandito kami sa isang bar sa Cebu. Isang taon na kaming andito ni mommy, nagbabakasyon kaya inimbita ko rin sina Nikki, Britney at Ann dahil miss ko na rin sila. Nauna lang ng isang buwan dito si Heart kasi may inaasikasong business ng pamilya nila. Hindi ko mapigilan ang ma-excite na makita sila. They're my first friend.
Tumigil si Heart saka ako hinila papunta sa isang malaking sofa kung nasaan ang mga kaibigan namin na may kasamang mga lalaki.
"Wind! Oh my gosh!!" sigaw kaagad ni Britney saka ako niyakap ng mahigpit, "Na-miss kita! Sobra!" sabi nya.
Ginantihan ko ang yakap nya at ngumiti.
"Ann! Nikki!" sabi ko at kaagad silang niyakap na dalawa.
"Wind!! We missed you! Hindi ka na umuuwi ng Maynila!" reklamo ni Nikki.
"Oo nga, e!" si Ann.
Kumalas kami sa yakap sa isa't-isa.
Nilapitan nila ang mga lalaking kasama at pinakilala sa akin.
"This is Jam, Wind. Boyfriend ko." pakilala ni Ann sa lalaking matangkad at pale ang balat.
Naglahad ito ng kamay, "Hi, I'm Jam." sabi nya saka ko tinanggap ang kamay nya.
"Nice to meet you, Jam. Ako si Wind." sabi ko saka bumitaw na.
Sunod naman ay si Britney ang nagsalita, "Ito naman si Xian. Fiancé ko." nakangiting sabi nya na ikinangiti ko rin.
"Nice to meet you, Wind." sabay lahad ng kamay ng isang lalaking may pagka-moreno at matangos ang ilong na boyfriend ni Britney.
Tinanggap ko ang kamay nya at ngumiti, "Nice to meet you." sabi ko.
Napatingin ako kay Nikki nang hindi nya pinakilala ang lalaking katabi na nyang nakaupo sa sofa.
"Nikki? Wouldn't you introduce your boyfriend?" sabi ko.
Umirap naman si Nikki sa lalaking katabi at sinimangutan ako, "Boyfriend? In his dreams, Wind!" sabay irap ulit.
Ngumiti ako dahil sa asta nya at nilingon kaagad ang lalaking katabi nya nang tumayo ito at naglahad ng kamay. May magandang pangangatawan ito at singkit ang mga mata, maputi din sya at halatang mayaman.
"Hi, miss beautiful! I am Dawin, boyfriend ni Nikki." pakilala nya sa sarili.
Tinanggap ko iyong kamay nya at ngumiti saka bumaling kay Nikki na nakasimangot.
"Akala ko ba hindi boyfriend? Nikki, nag-away kayo?" tanong ko saka bumaling kina Britney.
"Naku! 'Wag ka ng magtaka sa dalawang 'yan. Para 'yang human version ni Tom at Jerry, minsan lang magkasunod. Pero hindi pa talaga sila. Kaya mas lalong nagagalit itong si Nikki kay Dawin dahil assumero din at ito namang si Nikki eh ang daling magalit. Nagpe-play hard-to-get pa ang loka pero ang totoo ay sobrang rupok!"
"Britney!" sabay na saway ni Nikki at Dawin sa mahabang sinabi ni Britney na nakangiti.
Napailing ako. Kahit kailan talaga itong si Britney. Sobrang honest.
Umupo ako sa tabi ni Heart at kumain ng shine muscat na nasa table kaharap namin. Ilang saglit pa ang lumipas ay dumating ang order ni Jam at Xian na mamahaling mga wine at alak.
"Inumin mo nga 'to, Dawin."
Kumunot ang noo naming lahat sa sinabi ni Nikki. She wants Dawin to drink a bottle of wine.
Ngumisi si Dawin at nilagok lahat ang laman ng bote.
"O ayan, very good!" sabi ni Nikki saka kinuha sa kamay ni Dawin ang boteng wala nang laman, "Guys, spin the bottle tayo. Kung sino ang matapatan ng bibig ng bote ay itu-truth or dare. Ganito din, iyong matatapatan ng bote ay sya ang pipili kung sino ang magtatanong or mag-uutos. Ano, game?" nakangiting sambit nya.
Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na tumango.
"Okay, here it goes!"
In-ispin nya ito at una itong tumapat kay Dawin.
Napangisi si Nikki dahil doon.
"Truth or Dare, Dawin?" nakangisi parin sya.
"Dare! And I'll choose you." matapang nyang sabi.
Tumaas ang kilay ni Nikki, "I dare you to kiss someone you like." sambit ni Nikki.
Tumango kaagad si Dawin at humakbang papunta kay Nikki. Nanatiling nakaupo si Nikki na kaagad hinalikan ni Dawin ng mabilis. Namula sya pagkatapos at halos hindi na makatingin kay Dawin gayung nakangisi ito ng maayos.
"Okay, okay! Ako naman ang mag-iispin." sabi ni Britney at kaagad iyong pinaikot.
Nasa akin ang tingin nila nang tumigil sa pag-ikot ang bote. Sa akin nakatutok ang bibig ng bote.
"Truth or Dare?" tanong ni Britney.
"Truth. Ikaw." Sabi ko.
May ngising kumubli sa labi nya bago ako tinanong ng isang tanong na nakapagpabalik ng daan-daang ala-ala.
"Nagkita na ba ulit kayo ni Frost pagkatapos ng ilang taon?"
Pinukol ako ng tingin nina Heart, Ann, Britney at Nikki pati narin ang mga lalaki.
Bumuntong-hininga ako bago umiling.
"'Yun lang? Iling lang? Ay hindi pwede! Kailangan mong uminom!" reklamo naman ni Ann at agad binigay ang isang shot ng wine.
Ininom ko iyon nang matigil na sila.
Nagpatuloy ang laro. Ang sumunod ay kay Heart tumapat. Dare 'yung pinili nya at ako ang napili nya. Inutosan ko lang sya na lapitan ang foreigner na nakita kong mag-isang nakaupo sa high chair. Nilapitan siya ni Heart at nag-I like you gaya ng utos ko. Tapos ay bumalik na sya sa amin. Iniwan iyong foreigner na tulala at nagugulohan.
Ini-spin ulit iyon at tumapat kay Jam. Dare iyong pinili nya at si Ann. Inutosan lang naman sya na magtitigan sila at ang unang kukurap ay maghuhubad ng isang damit. Natalo si Jam kaya hinubad nya ang damit nya. Iniwas ko ang tingin ko gaya din ng ginawa ni Ann.
Ini-spin ulit iyon at natulala ako nang tumapat ulit iyon sa akin.
"O, Wind! Truth or Dare? I hope you'll say Dare!" sambit ni Heart.
"Dare at si Ann." sabi ko.
I pick Ann to make her choose kung ano ang iuutos nya sa akin for I know for sure na kumpara kina Britney ay ito ang may pinakamatinong pag-iisip.
Pero nagkamali pala ako.
"Choose someone in the dance floor and dance with him...take note, kailangang intimate ang pagkakasayaw." sabi nya saka humalakhak.
Tuluyan na nga akong natulala dahil sa utos nya. What the?
"Ann..pinili kita kasi alam kong matino kang mag-isip pero bakit ito ang pinapagawa mo? I can dance with someone, of course, but not the intimate dance." sabi ko.
Tumaas ang kilay nya saka humalakhak, "Wind naman! Wag KJ! Ngayong gabi lang naman 'to. Saka isa palang ang naiinom mo kaya walang mangyayari kung hindi ka magpapadala sa sayaw ng lalaking mapipili mo." sabi nya.
Bumuntong hininga ako at pinalipas pa ang ilang saglit bago tumayo.
"Yeeyyy!"
"Yes! That's it, Wind!"
"Wohoo! Kalimutan mo na si Frost!!" isang sulyap ko kay Britney ay nag-peace sign sya.
Pagkatapos ay tumungo na ako sa dance floor.
Sandamakmak na mga tao, babae, lalaki, bakla at tomboy ang sumasayaw sa paligid ko habang naghahanap ng lalaking kasayaw. Okay, it's just for tonight. Let's forget Frost. Wala na sya. Siguro nga ay marami na ang anak nila ni Isabelle dahil the last time I check, buntis na si Isabelle. They had their first child already kaya wala ng point na manatili parin ang puso ko sa kanya. True, I didn't forget him yet. It's not like I don't want to but I just can't forget him. Malaki ang tama nya sakin. At hindi iyon nabawasan kahit niisang porsyento man lang. Siguro ngayon..oras na para kalimutan sya.
May nakita akong lalaki na walang kasama habang sumasayaw. May katangkaran ito, may mga muscles at sigurado akong may itsura rin. Bumuntong-hininga ako saka humakbang patungo sa kanya pero ilang hakbang palang ay naramdaman ko kaagad ang paghatak ng isang lalaki sa akin dahilan ng paglapit ng katawan naming dalawa.
"Sh1t!" sabi ko nang medyo matapilok ng kunti.
Inayos ko ang pagkakatayo bago bumaling sa lalaking humatak sa akin.
Nalaglag ang panga ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makahinga nang maayos. Nagpa-panic narin ang katawan ko at may nabubuhay na mga paru-paro sa tiyan ko. Sh1t! Damn! Darn!!!
"You won't dance with just someone, right?" sabi nya.
Sh1t! Pinigilan ko ang sarili kong yakapin sya kahit na gustong-gusto ko na talaga. Ang dami nyang atraso, Wind! 'Wag kang papadala! Saka may pamilya na sya! Wag mong kakalimutan iyon!
Ngumisi ako, "Of course, I will. Why would you bother?" sabi ko.
Tinaasan nya ako ng kilay at ipinulupot ang braso nya sa baywang ko. Kahit gusto kong hindi nya ako hawakan ay gusto ko ring hawakan nya ako! Darn it! Hindi ko na alam ang pinag-iisip ko!
"Why, Wind? Ganyan ka na ba ngayon? Makikipagsayaw lang sa isang hindi kilala lalaki? Really? Ilang lalaki na ba ang nakasayaw mo at pumayag ka pa sa dare ng kaibigan mong iyon? Intimate dance, huh?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad syang sinampal ng malakas.
Nanlabo ang mga mata ko, "Ang kapal ng mukha mo! Iyon ang tingin mo sa akin?! At kung ganun nga ako, bakit ka nangingialam? Bakit mo ako pinipigilan?! Umalis ka na nga! Bakit ka ba andito?! Asan na 'yung bestfriend mo na naging asawa mo na pala? Huh?! Kamusta ang first child nyo?! Kamusta ang pamilya niyo?! Masaya ka noh? Kasi naloko mo 'ko! Nagtagumpay kang paibigin ako! Hinintay kita ng ilang oras sa likod ng USM noon para itigil na 'yung namamagitan sa'tin kasi alam kong iyon ang gusto mo! Dahil alam ko na si Isabelle talaga ang mahal mo! Binuntis mo nga diba? Habang tayo pa! Tapos ito ka ngayon? Magpapakita ka na parang walang nangyari at pinapakialaman mo pa ang desisyon ko?! Darn you! Damn you, Frost Silvern!!" Tatalikod na sana ako nang mas hinigpitan nya ang pagkakakulong ng braso nya sa baywang ko.
Namumula na ang mata nyang galit na galit na, "Isabelle is my what?!" galit nyang tanong.
Ngumisi ako at pinahiran ang luhang nagbabadyang lumabas, "She is your fvcking wife! Don't tell me hindi naging kayo gayung nabuntis mo sya?" akusa ko sa kanya.
Mas lalong nagalit ang mga mata nya, "What are you saying, Wind? You're accusing me!" sigaw nya sa akin.
"Talaga? Bakit hindi mo nalang aminin!? Huh?!" sagot ko.
Mas lalong humigpit ang hawak nya sa baywang ko kaya mas lalong nagkadikit ang katawan namin.
"For God's sake, woman! Isabelle isn't my wife! At mas lalong hindi ko sya binuntis kaya paano kami magiging mag-asawa?"
Ngumisi ako, "You're lying, again? Frost! Be honest! What's the point of lying gayung may pruweba ako?" hamon ko.
Tumaas ang kilay nya at medyo kumalma na base sa multo ng isang ngisi sa labi nya, "What's your evidence, then?" hamon rin nya.
"I saw you with Isabelle! Pumunta kayong ospital at lagi kayong bumibisita kay Dr. Bernando na OB kaya wag kang magsinungaling kasi there's no hole!" inis kong sabi. Hindi pa kasi sabihin ang totoo e. Pinapagalit talaga ako.
Umangat ang labi nya, "Are you sure na iyon ang pakay namin kay Dr. Bernando? Ang magpa-check up sa buntis na si Isabelle? What the? Bakit iyon kaagad ang naisip mo?" sabi nya na hindi makapaniwala.
Nalaglag ang panga ko, "Dr. Bernando is an OB! Ang nagpapa-check up lang sa kanya ay iyong may kinalaman sa babae. Sa pagbubuntis ng babae! 'Wag kang magsinungaling, Frost!" inis na inis na talaga ako. What's the point of lying?!
"Sh1t? Ano ang sinasabi mo? Dr. Bernando isn't just an OB, she's also a psychiatrist. Kaya kami pumupunta sa kanya buwan-buwan dahil gusto naming malaman ang resulta ng pag-inom ni Isabelle ng gamot sa utak."
Kumunot ang noo ko, "Anong gamot ng utak? Diba buntis sya? Kaya kayo lumalapit kay Dr. Bernando ay dahil dun?" kunot-noo kong sabi.
Humalakhak sya, "I don't know what to do with you, woman. Kung ano-ano nalang ang konklusyon mo. Oo, may depression si Isabelle kaya sinamahan ko sya sa ospital upang manghingi ng epektibong gamot. 'Yun lang 'yung pakay namin. Anong binuntis ko si Isabelle ang sinasabi mo? Tsk." nakangisi parin sya.
Nilipat ko ang tingin sa paligid namin at nakita ang mga taong busy parin sa pagsasayaw. Nakita ko rin si Ann na nakatingin sa akin. Parang tinitignan nya na ginagawa ko ba ang dare nya. Not now, Ann.
"E...b-bakit hindi ka pumunta sa USM nung last day natin? Sinabi mong pupunta ka pero hindi naman pala. Hinintay kita ng ilang oras dun at kung hindi lang madilim ang ulap dahil sa paparating na ulan ay hindi ako uuwi. Hihintayin sana kita para matapos na 'yung ano mang namamagitan sa atin." sabi ko, hindi makatingin ng diretso sa kanya.
Napahilamos sya at ginulo nya ang buhok gamit ang isang kamay bago bumaling ng tingin sa akin, "I've waited for almost four damn hours for you that night, Wind. Pero hindi ka dumating." inis nyang sabi.
Kumunot ang noo ko, "You mean..you wait for me there even if it rained that night?!" hindi makapaniwalang ani ko.
Tumango-tango sya at ngumuso, "Hinintay kita dahil may importante akong sasabihin." sabi nya.
Tinaasan ko sya ng kilay, "Bakit ba ang tagal mo nun?! Busy ka kasi sa bestfriend mo nung araw na 'yun, tama ba?" hindi ko napigilan ang pait.
"Oo, busy ako nung araw na iyon. It's the day na nagpaalam sya. Hinatid ko sya sa airport dahil dun na sya magpapagaling ng tuluyan sa US. Medyo natagalan lang dahil nagkaroon ng problema ang eroplano kaya inayos pa iyon kaya hindi kaagad ako nakapunta. Pero pumunta talaga ako. Tinext kita na magkita, pinuntahan kita sa bahay niyo para makapag-usap tungkol sa relasyon natin pero wala ka. Walang tao sa bahay nyo. Kung gaano mo ko kagustong makita ay ganoon din ako." sincere nyang sabi.
Ngumuso ako, "Gusto mo ring tapusin na ang relasyon natin?" napayuko ako.
Inangat nya kaagad ang tingin ko.
"Kung gaano mo kagustong tapusin iyon, kabaliktaran naman ang gusto ko. Gusto kong tapusin na iyong favor ko because I want us to have not just a hundred-day relationship but a hundred and more years. Damn! Iyon ang gusto ko! Pero hindi ko alam na ang gusto mo ay tapusin na ang lahat."
Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko mapigilan ang pagngiti. Kainis! This man can't even shut his mouth off! Nahaluan na ata ng pagka-honest ni Britney. Hindi din pala palaging mabuti ang pagka-honest ng isang tao dahil nakakapagpabaliw rin pala! Sh1t!!!!
"Akala ko...si Isabelle ang mahal mo. Kaya noong na-conclude ko na binuntis mo sya ay iyon kaagad ang naisip ko..ang tapusin ang relasyon natin." nakanguso kong sabi.
His lips formed into a smirk, "No..gusto mong malaman kung sino ang mahal ko? Kahit pa ang paraan lang para maniwala ka ay ang buntisin ang babaeng mahal ko ay hindi ako magdadalawang-isip na buntisin ka, Wind. Ang dami mong bintang sakin kaya kailangan ko ng bayad." tinignan nya ang labi ko.
Inilapit nya ang mukha sa akin pero bahagya akong umatras, "Frost.. hindi pwede." sabi ko.
Sumimangot sya, "Bakit hindi? May boyfriend ka na ba? Sh1t! Bakit ba hindi ko iyon naisip?!" napahilamos ulit sya.
Umiling-iling ako, "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Frost. Ang sabi ko ay wag dito." sabi ko.
Ang nakasimangot nyang labi ay kaagad na napalitan ng ngisi, "Sh1t! Bakit hindi mo kaagad sinabi?! Come, let's find a room, then." sabi nya at hinila na ako doon.
Laglag-panga sina Britney, Ann, Heart at Nikki nang makita akong hila-hila ni Frost habang ang mga lalaking kasama ay panay ang tawanan dahil lasing na lasing na.
"Babe, just focus on me. Kasalanan mo 'to. You made me fall hard on you. Don't you lay your eyes on other guys...except me.
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top