Chapter 8: Conflicted
Nasa loob ako ng kotse at nagbabrowse sa phone ko ng marinig ko ang katok sa salamin ng bintana.
I unlocked the door para papasukin si Liezl.
Pag-upo niya, agad niyang sinuot ang seatbelt.
"Sorry I'm late," sabi niya.
Hindi ako kumibo.
Sa halip ay pinaandar ko ang sasakyan at umalis na sa basement parking lot ng Lumis.
Nang makalabas na kami, nagsalita siya ulit.
"Are you mad.........or something?" tanong niya.
Nakatingin lang ako sa kalsada.
Kailangang dumaan muna kami sa guwardiya at tulad ng dati, binati ako nito ng binaba ko ang bintana.
Sumulyap ang guard sa passenger seat at bumati din kay Liezl.
Pagkatapos ay umalis na kami ng hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Maraming lugar sa Makati kung saan kami pwedeng mag-lunch pero nawalan na ako ng gana.
Ang totoo, bad trip ako hindi lang dahil sa nakitang sweetness ng receptionist kay Liezl kundi sa nararamdaman ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagseselos ako.
Hinawakan niya ang braso ko.
"Shirley, will you please talk to me?" mahinahon ang boses ni Liezl at lalo akong naguilty.
Sa loob ng two weeks na hindi ako nagpaparamdam sa kanya, I was thinking of what to do.
Pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"I'm jealous," pag-amin ko.
Hindi ko magawang tumingin kay Liezl dahil ayokong makita ang reaction niya.
"Of who? Or what?" nagtatakang tanong niya.
Inalis ko ang tingin ko sa mga sasakyang dumadaan at hinarap ko siya.
Nakangiti siya sa akin and that moment, I had the urge to kiss her pero pinigilan ko ang sarili ko.
I've been struggling with what I feel dahil I was thinking of the text messages.
Being in a new place heightened my confusion dahil it was very idyllic, quiet at lagi ko siyang naiisip.
Flirtation lang ba talaga ang nangyari sa aming dalawa or is there something more?
From what I gathered sa mga previous conversations namin, pareho kaming nag-iingat dahil sa she went through a bad break-up with Renee.
Ako naman, kabibreak lang with Ryan.
There was no bad blood between me and my ex but that's not reason enough to be careless with my feelings.
That's exactly what I'm doing.
I'm reckless with Liz and it scares the hell out of me.
"Do you really have to ask?" naiiritang tanong ko.
"I think I asked the wrong question," sabi niya.
"I should have asked why," dagdag pa niya.
"Hindi ko din alam kung bakit pero hindi naman rational ang feelings di ba?" balik tanong ko.
"No it's not, pero may dahilan kung bakit mo nararamdaman iyan and that is something that we should talk about," pagsang-ayon niya.
"I know the reason why but I don't want to say it out loud,"
"Are you afraid it's going to take a life of its own kapag inamin mo sa sarili mo kung bakit?"
Umiling ako.
"I'm as confused as you are, Liz, and I don't like what I feel."
"It's not that I'm confused, Shirley. I'm bothered dahil sa there's nothing going on between us for you to feel jealous of that beautiful receptionist sa marketing," tukso pa niya sa akin.
Bigla ko siyang pinalo sa braso dahil hindi ako natuwa sa biro niya.
"Aray naman! I'm just kidding," kahit nasaktan, nakangiti si Liezl.
Yung tipong natutuwa dahil sa flattered siya sa nangyayari.
Ako naman, nagulat sa ginawa ko at hinawakan ko ang braso niya.
"I'm sorry," paumanhin ko.
Umangat ang kamay ni Liezl at hinawakan ako sa pisngi.
"I could kiss you right now but I won't," sabi niya.
Tumigil ako sa paghimas sa braso niya.
"Why won't you?" another faux pas.
"Dahil I want you to be clear about what you're doing," sagot niya.
Pinisil ko ang kamay niya at naramdaman ang init nito.
Sa gabi bago ako matulog, iniisip ko kung ano ang pakiramdam to be touched by her.
Ako na mismo ang nagugulat sa mga bagay na naiisip ko kaya lalong lumala ang insomnia ko.
"I don't know," pag-amin ko.
Inalis niya ang kamay niya pero binawi ko ito.
Paulit-ulit akong umiling.
"What I want to say is, I know what I want pero I don't know what to do,"
"What do you want?" tanong niya.
"I want you," tumitig ako sa kanya.
Nakita ko ang pagbabago sa expression ng mukha ni Liezl.
Napalitan ng tenderness at understanding.
"Pero paano si Ryan?" bigla niyang binanggit.
"What about him?" Nagtatakang tanong ko.
"I thought nagkabalikan kayo?"
Napailing ako.
"Saan naman galing ang balitang iyan?" natatawang tanong ko.
"Sa mga tsismoso at tsismosa sa office,"
Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"Walang reconciliation na nangyari although he did talk to me kung hindi na ba talaga magbabago ang isip ko,"
"Anong sabi mo?"
"The same thing I told him when we broke up. My mind's made up and I'm not going with him to Taiwan,"
"How did he react?"
"He wasn't surprised,"
Tumahimik si Liezl.
"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya.
May mga taong dumadaan sa gilid ng sasakyan at tumitingin sila sa amin.
"Us, at this moment," sagot niya.
"Is there even an us?" tanong ko.
"Di ba you just said na there's nothing going on between us?" dagdag ko.
"Yes, I did." Pagsang-ayon niya.
Natahimik kaming dalawa.
Hindi namin pansin ang mga tao at sasakyan na dumadaan.
Sumandal ako sa driver's seat at ganoon din si Liezl.
"Don't you think you're moving too fast?" nagsalita siya.
"I am and it scares me," pag-amin ko.
"For someone who has always been guarded, I want to take the risk.....with you," tumingin ako ulit kay Liezl at lumingon siya sa akin.
Nakita ko sa mukha niya ang confusion.
"Shirley, this is crazy. You're crazy," sabi niya.
"Tell me something I don't know, Liz,"
"You don't know how happy I am right now to hear these words from you," pag-amin niya.
"Noon, kuntento na akong titigan ka kapag alam kong hindi ka nakatingin."
"Kahit hindi pa kita nakikita, alam kong nasa office ka dahil sa naaamoy ko ang paborito mong pabango,"
"Hindi ko kailangang makita ang mukha mo para maging masaya ako. Maramdaman ko lang ang presence mo was enough to fill me with so much joy."
"Pero ngayon, we are here, together, talking about what could potentially be the most wonderful thing to happen to me since......"
I didn't let her finish dahil sa lumapit ako sa kanya to kiss her on the lips.
It was a light kiss and yet halos mabingi ako dahil sa dumadagundong ang kaba sa dibdib ko.
"You're going to be the death of me, Shirley," sambit niya ng sumandal ako pabalik sa upuan ko.
"I promised it's going to be a good death," biro ko.
"You're even making promises now?"
Natawa ako.
Bago ako bumalik sa main office ng Lumis, I was nervous.
Alam kong kasama sa meeting si Liezl pero ang hindi ko sigurado ay kung alam din niya na darating ako.
Nang magkita kami ni Ryan, we had the chance to talk.
It was the first time na nag-usap kami after the break-up.
Humiwalay kami sa mga managers at kay Tito Eddie to have some privacy.
Kaya siguro kumalat ang tsismis na nagkabalikan kami dahil sa halos isang oras din kaming nag-usap.
Awkward noong umpisa.
Hindi namin alam kung saan mag-uumpisa at ang una niyang tinanong was kumusta na si Mommy.
Nang magtagal, diniretso niya ako kung hindi na talaga magbabago ang isip ko.
Binanggit niya din ang possibility of a long distance relationship if I'm willing to give it a try pero hindi ako pumayag.
My refusal led him to ask if there was someone else.
Dahil wala naman, I told him na there's no one.
I was still processing my feelings for Liezl, well, the exchange na nangyari through text messaging, so I don't think it counts.
Ang pinakamasakit marinig was when he asked kung hindi ko na siya mahal.
It's not that hindi na but I have to learn to forget him.
Ryan tends to be needy.
Hindi siya magtatagal sa ibang bansa ng hindi nagkakaroon ng relasyon with other women.
Gusto niya iyong laging may nag-aalaga sa kanya.
Siguro I'm the exception dahil I'm independent.
There was a reversal of roles when we were together dahil he took care of me.
"What's on your mind?" narinig ko ang boses ni Shirley.
Nakatitig siya sa akin.
"Kahit maraming gumugulo sa isip ko, there's one thing I'm sure of,"
"And what is that?"
"I want this, I want us, I want you,"
Huminga siya ng malalim at unti-unting ngumiti.
"Are you sure about this, Shirley?" paninigurado niya.
Tumango ako.
Pinatong ni Liezl ang kamay niya sa hita ko.
Kahit nakasuot ako ng pantalon, naramdaman ko ang init nito.
Hinawakan ko siya ng mahigpit at tahimik lang kaming nakaupo sa loob ng sasakyan.
That moment, something between us was sealed.
No words were necessary because our hearts understood what needed to be said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top