Chapter 3:Reality

                 


Dahil sa hindi ako nakasama kay Nella sa gym, I had to take a taxi para makauwi.

Shirley offered me a ride home pero after ng nangyari, alam kong pagod na siya at kailangan niya na ding magpahinga.

Pinilit pa niya ako pero tumanggi ako.

"I owe you one," sabi niya sa akin habang sinasara ang trunk ng two-seater na blue sedan pagkatapos naming isakay ang mga boxes ng mga gamit na dadalhin niya sa Laguna office.

Pagkaalis niya, pumunta na ako sa taxi station sa tapat ng building namin at pagkatapos ibigay ang address namin sa Sampaloc, saka ko tiningnan ang mga messages sa cellphone ko.

Marami akong text from Nella pero hindi ko agad binasa ang messages niya.

May tatlong missed calls ako kay Yaya Flora at tinawagan ko siya agad.

Siya ang kasama ni Mama kapag nasa trabaho ako.

Stay out ang nurse na nag-aalaga sa kanya kaya trabaho ni yaya na bantayan siya habang wala pa ako sa bahay.

Isang ring pa lang ay sinagot na agad ni yaya ang tawag ko.

Hindi daw makatulog si Mama kahit pa ininom na nito ang sleeping pills dahil may anxiety din si Mama.

"Mukhang balisa na naman ang Mama mo, Liz," banggit pa niya.

"Sabihin niyo po kay Mama na I'll be there in less than an hour,"

Nagpaalam na ako sa kanya.

Lampas alas-otso na ng gabi at dahil sa hindi nakapaghapunan, kumakalam na ang tiyan ko.

Alam kong pagdating ko ng bahay, hindi ako agad makakain dahil aasikasuhin ko muna ang aking ina.

Mula ng mastroke siya, sa kuwarto lang siya namamalagi maliban na kung meron siyang gustong panoorin sa TV sa sala.

I suggested na maglagay ng TV sa room niya pero ayaw niya dahil sa kapag ginawa ko daw iyon, lagi na lang siyang nakakulong sa kuwarto niya.

Two years na siyang nagte-therapy pero hindi pa din niya magawang igalaw ang kanyang kanang paa.

Minsan, iniisip ko na baka bukod sa stroke, psychological din ang dahilan kung bakit hindi siya makalakad.

Umaasa pa din kasi si Mama na babalik si Papa.

Malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig na mangyari iyon dahil sa matagal na niya kaming iniwan at meron na siyang ibang pamilya.

May dalawang anak si Papa sa mas bata niyang kinakasama.

Hindi ko pa sila nakilala ng personal pero nakita ko na ang pictures nila sa Facebook dahil nacurious ako kung merong account ang aking ama.

Ang panganay na lalake ay twelve at ang bunsong babae naman ay nine years old.

Kahit masama ang loob ko kay Papa sa ginawa niyang panloloko kay Mama, pinili kong makipagcommunicate pa din sa kanya after niya akong puntahan sa university para humingi ng tawad.

Iyon kasi ang pakiusap sa akin ni Mama.

Huwag ko daw tuluyang isara ang pinto ng puso ko sa aking ama.

Kung ako ang masusunod, gusto ko na sanang putulin pa ang communication pero mapilit si Mama.

Third year na ako noon sa university at nagulat ako ng makita ko si Papa na nakatayo sa parking lot ng dorm namin.

His presence gave me a bad vibe.

Tinawagan na ako ni Mama at sinabi niya sa akin kung anong nangyari.

Gusto ko sanang umiwas sa kanya dahil ayoko siyang kausapin pero nagmakaawa siya.

Nang tinanong ko siya kung bakit niya nagawang iwan kami, hindi na daw siya masaya sa piling ni Mama.

That's bullshit!

Natatandaan ko na iyon ang sinabi ko sa kanya dati.

Nagulat si Papa pero ng mangaliwa siya, alam niyang nawalan siya ng control sa akin.

Hindi ko siya papayagang sermonan ako dahil sa masakit ang ginawa niya sa amin.

Katrabaho niya ang babae at sampung taon ang pagitan nila sa edad.

Midlife crisis, iyon ang naisip ko.

After more than twenty years of marriage, saka pa naisipang lumandi ulit ng aking ama.

Ang ina ko naman, masasabing martir.

Nagalit siya sa umpisa pero pagkatapos ay nagmakaawa kay Papa na huwag kaming iwan.

It was so pathetic to me at the time at para akong nanonood ng soap opera o telenovela.

I hated my mother at the time dahil sa hindi man lang niya sinalba ang kanyang dignidad.

Lalo namang nagpumilit si Papa at kahit halos magkandarapa sa paghabol ang aking ina, sinakay niya ang bitbit na suitcase sa kotse at nagmamadaling umalis sa bahay namin.

Pinigil ko si Mama na lalong gawing katawa-tawa ang sarili niya sa paghabol sa kotse.

Nakatingin ang mga kapitbahay namin at nakita ko ang awa sa mga mata nila.

Iyong iba, nagbubulungan pa.

Pinapasok ko siya sa bahay at wala akong nagawa kundi yakapin siya.

Hindi ako makaiyak pero ang luha niya, parang balon.

Iyak siya ng iyak at isa lang ang tanong niya.

Bakit?

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

Bakit siya iniwan ni Papa?

Bakit nangaliwa ang asawa niya?

Bakit hindi na ito masaya sa piling niya?
Bakit ang babaeng iyon?

Bakit nangyari ito sa kanila?

Maraming bakit.

Alam ni Mama na nag-uusap kami ni Papa at masaya siya na sinunod ko ang gusto niya.

Kahit daw nangyari iyon sa pamilya namin, siya pa din ang ama ko.

Ang hindi ko lang masabi sa kanya ay ang galit na naramdaman ko ng naghiwalay sila.

Kahit nasa tamang edad na ako, matagal bago ko natanggap ang panlolokong ginawa ni Papa.

Nandoon na ako na nagkagusto siya sa iba.

Pero halos isang taon din niya itong nilihim.

Nagulat na lang si Mama ng isang araw, nag-empake si Papa at saka sinabi na makikipaghiwalay na siya.

Walang maisip na dahilan si Mama kung bakit bigla na lang iyon ginawa ni Papa.

Kung hindi pa pumunta si Mama sa opisina nito, hindi nito malalaman ang tunay na dahilan.

My mother wasn't the type to draw attention to herself.

Hindi ito nag-eskandalo sa opisina kahit pa ng lumabas siya sa office ni Papa eh nakatingin sa kanya ang sekretarya nito na may idea kung ano ang nangyari.

The betrayal was too much lalo na dahil sa siya na lang ang hindi nakakaalam about the affair.

There was no warning about what's going to happen kaya naman devastated si Mama.

Sabi niya, may malaking puzzle sa harap niya at kahit gusto niyang i-solve ito, hindi niya magawa dahil maraming missing pieces, maraming questions.

Gusto niya daw maintindihan ang sitwasyon pero kung hindi niya mahanap ang gusto niyang makita, ano ang magagawa niya?

Sinabi ko sa kanya na it's pointless to look at what's not there dahil the answer is in front of her.

Nakatayo kami sa tapat ng kuwarto nila at bukas ang closet.

Nakasabit ang mga hangers ng damit ni Papa at wala na ang mga damit niya.

Biglang naiyak si Mama.

Ano pa bang sagot ang dapat niyang hanapin?

***

Nagkaroon ako ng trust issues dahil sa nangyari.

Isa itong reason kung bakit matagal bago ako nagkaroon ng girlfriend.

Sabi ng mga friends ko, mataas daw kasi ang standards ko sa isang babae at kung patuloy akong magiging picky, I will be single forever.

I met Renee sa birthday party ng isa kong barkada.

Newly single daw ito sabi ng isa kong kaibigan.

I didn't bother to ask if she was with a girl or a guy.

Hindi naman ako nagpakita ng interest sa kanya.

On the contrary, siya ang unang lumapit sa akin at nakipagkilala.

She had striking good looks with her heart-shaped face, matangos na ilong, almond eyes at parang caramel na kutis.

Mapapansin mo talaga siya kasi bukod sa matangkad din siya tulad ko, fashionista din.

That time, and ikli ng suot nitong denim shorts kaya lutang ang legs na toned ang muscles.

Nang dumaan siya sa harapan ko, ang una kong naisip was the smell of cocoa butter.

We had the chance to talk mga midnight na dahil sa lasing na halos lahat ng bisita at kaming dalawa na lang ang matino.

Tumabi siya sa akin and made small talk.

May hawak siyang platito na may lamang double chocolate cake at inalok niya ako.

I told her busog na ako which led her to ask if I work out dahil sa hindi niya daw maiwasang mapansin ang maganda kong physique.

I thanked her for the compliment and before the night was over, she knew more about me than everyone else in the room.

Maybe I was naïve then pero I opened up to her dahil she looked sincere.

Years into the relationship, lumabas na ang mga issues naming dalawa pero ang pinakaugat ng away namin was my mother.

Hindi demanding si Mama pero alam ko ang obligasyon ko sa aking ina and not even Renee can make me change my mind.

I made up for my shortcomings by taking her to out-of-town trips and showering her with gifts.

It worked for a while until makilala niya ang lalake sa car shop one time she had to bring her vehicle dahil sa may problema ang makina nito.

I don't even remember the guy's name pero it doesn't matter.

Niloko ako ni Renee and I was devastated.

Nakita ko si Mama sa sitwasyon ko.

Marami din akong bakit.

Bakit niya nagawang lokohin ako?

Bakit sa lalakeng iyon siya pumatol?

Bakit madali lang sa kanya na balewalain ang pinagsamahan namin?

Bakit? Bakit? Bakit?

Sinabi ko sa sarili ko na hindi na iyon ulit mangyayari.

That's the reason why after our break-up, nakuntento na ako na tahimik na humanga kay Shirley.

Ang totoo, ayokong magka-crush sa kanya pero hindi ko naman mapigilang ang sarili ko na humanga sa kanya.

Ang cute naman kasi.

Petite, mabango, magaling magdamit at bihirang ngumiti.

Pero iyong pagiging suplada niya added a mysterious appeal to Shirley and I was intrigued.

Dahil diyan, naging full blown ang admiration ko sa kanya.

Instead of fighting what I feel, ginamit ko na lang na inspiration ang nararamdaman ko.

Besides, straight nga siya di ba?

I promised myself na never again will I allow myself to be tricked into falling for a straight woman.

Ayokong maging experience or experiment.

Hindi ako pangsatisfy sa kanilang curiosity.

Isa pa, she's my boss.

If that reason isn't enough para pigilan ko ang sarili ko, then I must be crazy.

Most important of all, bukod sa mga dahilang binigay ko kay Nella, ayokong masaktan.

Hindi pa ako handang umibig ulit.

***

Pagbukas ng pinto, tumatakbong sumalubong sa akin ang alaga kong askal na si Jackie.

Hinimas ko siya sa noo at sumunod siya sa akin sa kuwarto ni Mama.

Naabutan kong nakaupo si yaya sa gilid ng kama at binabasahan siya ng bibliya.

Maraming libro sa tabi ng kama ni Mama dahil mula pa noong dalaga siya, mahilig siyang magbasa ng kung anu-ano.

Pero ang pinakapaborito niya ay ang mga romance novels.

Ang nakahiligan niya ngayon ay ang mga Tagalog romances at ang isang bookshelf ay puno ng ganitong klaseng libro.

"Nandito ka na pala, Liezl" tumayo si yaya.

Si Mama naman ay ngumiti sa akin.

"Opo," sagot ko sa kanya.

"Kumain ka na ba?" utal na tanong sa akin ni Mama.

"Hindi pa po," lumapit ako sa kanya at humalik sa kanang pisngi.

Naamoy ko ang vanilla scented lotion na paborito niya.

Tulad ng nakagawian, alam kong hinilamusan na siya ni yaya.

"Ipaghahanda na kita ng makakain mo, Liz" lumabas na si yaya sa kuwarto at umupo ako sa pwesto niya.

"Kumusta ka, Ma?" tanong ko sa aking ina.

"Bakit ang tagal mong nakauwi?"

"Merong pong farewell party sa opisina namin. Hindi po ba nasabi ni yaya sa inyo?"

"Nasabi niya siguro pero nakalimutan ko na," sagot ni Mama.

"Hindi pa ba kayo inaantok?"

Umiling siya pagkatapos ay humikab.

"I think it's time for you to go to bed,"

Lumapit ako sa aircon na nakakabit sa dingding para i-adjust ang thermostat setting.

Ayaw ni Mama ng sobrang malamig dahil sa rayuma niya.

Pagkatapos kong i-set ang temperature, kinumutan ko siya.

"Bukas na tayo magkwentuhan ha?" Hinawakan ko siya sa pisngi.

Tumango si Mama at pinikit ang kanyang mata.

Humalik ako ulit sa kanya at lumabas na ng kuwarto.

Pinatay ko ang ilaw pero lagi lang naming iniiwang bukas ang pinto sakaling tumawag siya.

May single bed sa tabi ng kama kung saan natutulog si Yaya.

Papunta sa kuwarto ko, naririnig ko ang kalansing ng mga kubyertos sa kusina kung saan hinahanda ni yaya ang aking hapunan.

Sa amoy na iniinit na pagkain, alam kong monggo ang ulam.

Biyernes nga pala at iyon ang nakasanayang lutuan sa bahay bukod pa sa paborito ito ni Mama.

Umakyat na ako sa kuwarto para makapagbihis.

Tumunog ulit ang telepono ko at may bagong text mula kay Nella.

Malamang nag-aalala na siya dahil kanina pa siya nagtatanong kung okay lang ba ako.

Sinagot ko siya na nasa bahay na ako.

Nagsorry din ako dahil sa hindi ako nakasama sa kanya sa gym.

Habang hinuhubad ko ang suot kong pantalon ay tumunog ulit ang phone ko.

Nagbihis muna ako bago ko binasa ang text.

"Nagworry ako ng biglang magbrownout sa building. Next Friday na lang tayo magworkout. By the way, nakausap ko yung cute na personal trainer, si Alex. Grabe ang arm muscles niya, Liz. Very firm. Ano kaya ang feeling kapag kayakap ko siya?"

Natawa ako sa message ni Nella.

Crush niya si Alex at isa sa reason kung bakit pursigido siyang magworkout.

Nella has a boyfriend, si Christopher, pero sa Dubai ito nagtatrabaho bilang cook sa isang restaurant.

Two years na itong nasa abroad at balak umuwi ngayong Pasko.

Kaya naman habang wala ang bf niya, si Alex ang pinagbubuhusan ni Nella ng kanyang atensiyon.

Pero sabi nga niya sa akin, hanggang crush lang din iyon dahil sa ayaw niyang magselos si Chris.

Sinuot ko ang blue cotton shorts at gray tank top na pantulog ko.

Maalinsangan ang panahon dahil summer.

Bago ako bumalik sa kusina, binuksan ko ang bintana sa kuwarto ko para pumasok ang hangin.

Napapalibutan ng grills ang bintana kaya secure kahit iwanan kong bukas magdamag.

Kinuha ko ang telepono na nakapatong sa kama at nagulat ng makita na si Shirley pala ang nagtext sa akin.

Bago siya tuluyang umalis, hiningi niya ang number ko.

"Are you free on Saturday night, around 7 pm?"

Tinitigan ko ang message sa phone, nagtataka.

Hindi kaya wrong send ang message niya?

Imbes na magreply, bumaba na ako sa kusina.

Nakaabang sa akin si Jackie sa ibaba ng hagdan.

"Hey girl," bati ko sa aso kong kulay brown at black.

Tantiya ko, may lahi itong German Shepherd pero nahaluan ng ibang breed dahil medium size lang siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Naging ugali ko ng kausapin si Jackie kahit pa alam kong hindi naman ito sasagot.

"Gutom lang yan, Liz. Kumain ka na bago pa lumamig ang pagkain," anyaya sa akin ni Yaya Flora.

"Kayo po kumain na?" Dahan-dahan kong inangat ang kahoy na upuan bago ako umupo.

"Tapos na. Iwan muna kita at maghihilamos lang ako ha?"

Tumango ako at nagsimula ng sumandok ng kanin.

Bukod sa monggo, merong din piniritong tilapia at hiniwang kamatis at sibuyas.

Sa platito ay may nakalagay na toyo at kalamansi.

Hindi ko mapigilang maglaway dahil sa masarap na pagkain.

Kinuha ko ang telepono na nasa bulsa ng shorts ko at mabilis na nagtype ng reply kay Shirley.

"Is this message for me?"

Pinindot ko ang send at nagpatuloy sa pagkain.

Bago mastroke si Mama, ayaw niya na lagi kong dala ang telepono sa hapag kainan.

Pero naging ugali ko na laging dala ito dahil sa hindi ko alam kung kailangan ako ni yaya.

Umilaw ang phone at nagreply siya.

"Who else?"

So she's asking me out.

Baka dahil sa sinabi niya na she owes me kaya ganun.

Hindi muna ako nagreply dahil sa I want to concentrate on eating.

After Renee, I barely go out on Saturday night or any night for that matter.

Nabawasan ang hilig ko sa clubbing ng magwork ako full time sa Lumis.

Dati, noong nasa university pa ako, I would go out dancing with my friends.

This was before I met Renee.

When we started dating, kaming dalawa ang malimit lumabas dahil sa she didn't like my friends.

Or is it the other way around?

Noong umpisa, magkakasama kaming lumalabas hanggang sa mapansin ko na hindi na kami invited sa mga gimik.

Nang tinanong ko ang isa sa barkada ko, ang sagot lang was it's better na I go out with Renee.

Hindi kasi ito palakibo sa kanila bukod sa iba ang taste.

Masyadong sosyal eh. Dagdag pa ng barkada ko.

Di daw nila kayang sakyan ang trip nito kaya sila-sila na lang ang gigimik.

That should have been a red flag pero hindi ko ito binigyang pansin.

Kaya naman when our relationship failed, it was Nella who was on my side.

It was too late to reconnect with my other friends dahil sa lumayo na din sila sa akin when I was with Renee.

Di kasi nila type ang ugali niya dahil she can be very tactless and insensitive at times bukod pa sa hindi daw ito pang-masa.

Inisip kong maigi ang isasagot ko kay Shirley.

I wasn't expecting anything in return sa pagtulong na ginawa ko sa kanya sa elevator.

Kahit sino, I'm sure tutulungan din siya dahil she looked so helpless.

On the other hand, it's been a long time since I went out.

Like every other weekend na dumaan sa buhay ko, wala naman akong plano this coming Saturday at hindi naman tutol si Mama kung lalabas ako.

The truth was, siya nga ang laging nagsasabi na I should go out and have fun.

Hindi daw maganda iyong puro na lang ako trabaho.

Bukod kasi sa pagpunta sa gym para magboxing, wala na akong ibang hilig.

Maliban na lang kung niyaya ako ni Nella to go to the movies.

Tanggap ni Mama na I'm a lesbian.

I came out to her when I was 22 and umiyak siya dahil sa she was worried about me.

"It's a hard life anak," sabi pa niya habang pinupunasan ang luha sa mukha niya.

"Life is hard, Ma, whether you're gay or straight." Sabi ko sa kanya.

Pero alam ko naman kung anong pinupunto niya.

As a mother, ayaw niyang maranasan ko ang discrimination at kung anu-ano pa.

But I told her I could handle the challenges.

"You raised me to be a strong person di ba?"

Tumango si Mama at niyakap ako ng mahigpit.

Yun lang ang kailangan ko from her.

Ang unconditional love at assurance na she loves me for who I am.

My mother delivered at lalo kaming naging close na dalawa.

I wasn't obligated to tell my father pero tinanong niya ako one time he invited me to go out for dinner.

Napansin niya ang bago kong gupit which was a closed shaved pero mahaba pa din ang ibabaw ng buhok ko.

Bakit daw mas maiksi pa ang buhok ko sa kanya?

"Do you have a problem with my haircut, Pa?"

Wala daw pero I could sense na uncomfortable siya.

The whole time na kumakain kami, naramdaman ko ang negative vibes so bago kami matapos kumain, tinanong ko siya ulit kung meron siyang gustong sabihin sa akin.

"Are you gay?" diniretsa niya ako.

"Yes," sagot ko.

Napalunok si Papa at binitawan ang hawak niyang tinidor.

"Is it because of what I did?" tanong niya.

"Not everything is about you,Pa," naiiritang sagot ko.

Una, we were at a public place.

I regretted na tinanong ko pa siya dahil it doesn't matter to me whether he agrees or not.

"Pero bakit? You are a beautiful woman, Liz"

"This is not up for discussion," matigas ang tono ko.

Iyong ibang guests, napapatingin sa amin.

"Hindi ka ba nag-aalala sa sasabihin ng ibang tao?"

"Kayo Pa, hindi ba kayo nag-alala sa sasabihin ng ibang tao noong iniwan niyo si Mama para makasama ang kireda mo?"

By then, nakafocus na ang atensiyon ng ibang diners sa amin.

Kinuyom niya ang kamay niya na para bang gusto akong suntukin dahil sa sinabi ko.

Pero never akong naging takot sa kanya kahit pa he has a bad temper lalo na kapag nakakainom.

Nakakatatlong bote na siya ng paborito niyang San Miguel beer pero alam kong hindi siya lasing.

It would take more than three bottles to get him drunk.

Tinitigan ko siya at nakita niya na I was ready for him.

Sa sobrang galit ko sa kanya when he left Mama, I enrolled in a boxing class to deal with my anger.

Bumukas ang kamao niya at sumandal siya sa upuan.

Inubos ko ang iniinom kong lemon iced tea at nag-iwan ako ng pambayad sa lamesa.

After that incident, tatlong buwan din kaming hindi nag-usap which was fine by me.

***

"I'm free this Saturday. Where do you want to meet?"

Binasa kong maigi ang message ko.

Tama ba itong gagawin ko?

Hindi ba awkward to go out with your boss?

Kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, hindi iyon magbabago at sigurado ako na magpipiyesta ang mga tsismosa kapag nalaman nila na lumabas ako kasama si Shirley.

Pero paano nila malalaman?

Sinong magsasabi? Si Shirley?

For sure hindi sa akin manggagaling ang information dahil as much as possible, I'm trying to be under the radar.

Hindi din idadaldal ni Nella dahil nasa akin ang loyalty niya.

Kahit alam ko na alam nila na I'm a lesbian, I don't flaunt it dahil sa maraming mga righteous at holier than thou sa company namin.

Iyong mga tipong banal na aso, santong kabayo ang dating.

Pero this is not a date.

She just wants to thank me for what I did.

Iyon lang iyon.

Hindi ko kailangang pag-isipang mabuti ang message niya.

I sent my reply to Shirley at tumayo na ako para hugasan ang aking pinagkainan.

Sakto namang bumalik na si yaya galing sa banyo.

"Ako na ang bahala dito, Yaya," Inimis ko muna ang plato bago ko binuksan ang gripo.

"Sigurado ka?" Tanong niya.

Lumapit siya sa lamesa para takpan ang isda na hindi ko naubos kainin.

"Opo," sagot ko.

"Magpahinga na kayo. Alam kong maaga pa kayong gigising para maglaba di ba?"

Tumango si yaya.

"O sige, ikaw ang bahala. Tulog na ang mama mo at matutulog na din ako ha?"

"Sige po. Salamat po sa pagbabantay kay Mama,"

"Huwag mong intindihin iyon, Liz. Trabaho ko iyon at isa pa, para ko na kayong pamilya,"

"Siya, titingnan ko kung nakalock ang pinto bago ako matulog."

Iniwan niya ako sa kusina. Sumunod sa kanya si Jackie.

Pagbalik ko sa lamesa, nagreply ulit si Shirley.

"Meet me at Kelsey's"

Kelsey's is a trendy bar sa Makati.

I've been there once, pre-Renee.

Ang clientele ay mga yuppies pero meron ding mga young crowd.

"Okay,"

Bago ako makabalik sa mga hugasan, nagreply siya ulit.

"See ya! Have a good night, Liezl."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top