Chapter 28: The Talk
"Kailangan mo talaga siyang i-confront in public about the issue?"
Ito ang mga salitang lumabas sa bibig ko ng magkita kami ni Ryan sa restaurant na malimit naming puntahan sa Makati.
If the choice was to remind me of what we used to be or to have, I don't really care.
Gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari sa kanila ni Liz.
"Ni hindi mo man lang naisip na kababalik niya lang sa trabaho dahil she had a death in her family?"
"So inaamin mo na may relasyon kayong dalawa ng tibo na iyon?"
I found the term crass and realized na the Ryan who was sitting across from me was different from the person I used to date.
Defiant siya.
Mahigpit ang pagkakahawak sa tinidor na para bang anytime eh sasaksakin ako.
May pasa siya sa mukha at lalo pa itong nakadagdag sa pagmumukmok niya.
Sinapak siya ni Liz.
That alone was a big blow to his ego.
"Oo," mabilis na sagot ko at para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil namutla ang hitsura niya na parang nakakita ng multo.
"Ni hindi ka man lang nagdeny? Diretsahan mo talagang inamin sa akin?"
"Ryan, kelan ba ako nagsinungaling sa'yo?"
"Kung iyon din lang ang gagawin ko, ano pang saysay ng pag-uusap nating dalawa?"
Natahimik siya sa sinabi ko.
"Sabi mo nga you have the video. Nagdadalawang isip ka ba sa mga ebidensiyang nakita mo?"
Binitawan niya ang hawak na tinidor at tinakpan ang bibig ng kanyang kanang kamao.
"Nang makita ko ang footage ninyong dalawa sa stairwell, I thought it was a joke.Alam mo iyong mga prank videos na napapanood sa YouTube? Hindi ako makapaniwala ng pinakita sa akin ng security ang surveillance tapes. Sabi ko sa sarili ko, hindi ikaw iyon. Hindi ka pumapatol sa tibo. Lalake ang gusto mo."
Umiling ako.
Unti-unting nagagalit sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Ryan.
Wala siyang pinag-iba sa karamihan ng tao na negative ang perception about gay people.
Lumabas ang tunay na kulay niya dahil sa nasaksihan sa video.
Alam kong nagulat siya sa nakita niya pero hindi iyon dahilan para gumawa siya ng eksena.
"Bakit hindi mo ako tinanong ng diretso kung curious kang malaman ang totoo?"
Tumitig siya sa akin.
"Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag inamin mo na totoo nga ang lahat.
"Ngayong alam mo na , hindi mo pa rin ba alam kung anong gagawin mo?"
Hindi siya nakasagot.
Nang magsalita siya ulit, may bahid ng panghihinayang sa boses niya.
"Bakit Shirley? Bakit siya? Ang dami namang lalake diyan. Bakit sa babae ka pa nagkagusto?"
"Bakit hindi siya?"
"Kung ibalik ko sa'yo ang tanong, bakit ako? Bakit hindi ang ibang babae sa ibang department na may gusto sa'yo? Anong isasagot mo?"
Matalino si Ryan, magaling sa palaisipan at complicated computer commands at programs.
Pero para siyang binigyan ng isang mathematical calculation na for hundreds of years ay isa pa ding puzzle.
"Hindi logical ang attraction Ryan. You should know that,"
Tiningnan ko siya and I saw what I expected to see.
Wounded pride.
"Kung lalake ang pinalit ko sa'yo, are you going to confront him in public too? Would we be having this conversation dahil sa I'm in a relationship with a man?"
"Depende," sagot niya.
"Depende saan?"
"If I think he doesn't deserve you, baka kausapin kita." Sagot niya.
"You don't get to dictate who I want to be with," katwiran ko.
"When we broke up, malinaw na I am free to do what I want."
"Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumama sa akin sa Taiwan kahit pa halos magmakaawa ako sa'yo?"
"Liz had nothing to do with my decision. Break na tayo bago ko siya nakilala ng lubusan," mabilis na sagot ko.
Napailing na lang siya.
"I wish you could have talk to me bago mo ginawa ang mga bagay na ginawa mo,"
"Bakit Shirley? Natatakot ka ba na mabulgar sa kumpanya ang relasyon mo?"
Nakita ko sa mata niya na nakahanap siya ng rason to mock me.
"I'm not afraid. If you really got to know me during the time na magkasama tayo, you would know na kaya kong panindigan ang mga desisyon ko."
"Parang hindi ikaw ang Shirley na nakilala ko." Bigla niyang nasabi.
"Anong ibig mong sabihin?"
Ininom niya ang baso na may lamang rum bago sumagot.
"Mas matapang, mas sigurado sa sarili at masakit mang aminin pero kita ko na masaya ka."
Tinungga niya ang natitirang alak.
"It's too late for me to do anything about the video," Tumingin siya sa akin.
"I'm not sorry sa ginawa ko dahil at the time, I thought it was the right thing to do." Paliwanag niya.
"You made your choice at ganoon din naman ako. The only thing left to do is harapin natin ang consequence ng mga decision natin."
"Fair enough," sagot ko.
Tumayo na si Ryan at nanatili akong nakaupo sa pwesto ko.
"Goodbye Shirley," may lungkot sa mata ni Ryan ng magpaalam sa akin.
May realization na kahit anong gawin niya, hindi na magbabago ang isip ko.
"Goodbye Ryan,"
Bago siya umalis, kinuha niya ng pitaka niya at nag-iwan ng pera sa lamesa.
Lumakad siya palabas ng restaurant at hindi na ulit lumingon.
***
Sinikap kong magconcentrate sa trabaho habang hinihintay ang meeting ko with HR.
"Liezl, okay ka lang ba?" nilingon ako ni Nella at pansamantalang binitawan ang ledger na kanina pa niya pinag-aaralan.
Kahit hindi ko sabihin sa kanya ang nangyari, kumalat na sa opisina ang confrontation na nangyari sa amin ni Ryan.
Kung anu-anong version ng insidente ang lumabas pero isa lang ang nakuha nilang tama—ang tungkol sa relasyon namin ni Shirley.
"I'm not okay," sagot ko sa kanya.
Inikot niya ang swivel chair at dahan-dahang hinila ang upuan niya.
"Handa ka ba sa maaaring mangyari?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Sa tagal ng pinagsamahan namin, para na kaming pamilya.
Siya ang suporta ko sa mga nangyayari sa buhay ko bago dumating sa buhay ko si Shirley.
"Hindi ko alam, Nella." Iyon lang ang nasabi ko sa kanya.
Ang totoo, kinakabahan din ako tungkol sa itatanong sa akin ng HR.
Pero kung totoo nga na nasa kanila ang video footage, ano pa nga ba ang saysay kung magsinungaling ako tungkol sa aming dalawa?
Umpisa pa lang, hindi ko kinaila ang tunay na pagkatao ko.
Kahit during my interview for Lumis ng mag-apply ako, nakita ko sa mata ng HR personnel na para bang gusto niyang i-confirm kung lesbian ako dahil sa I was wearing a suit pero hindi niya pwedeng gawin iyon otherwise that would be discrimination of an applicant.
Going in, I have low expectations dahil sa maraming company ang totoo namang discriminatory sa mga taong tulad ko.
Never mind na I am highly qualified for the position dahil sa I graduated magna cum laude bukod pa sa pasok ako sa top ten ng licensure examinations for accountants.
Thankfully, nakita nila ang potential ko at hindi lang ang image na humarap sa kanila during the interview.
Pero even with my perfect attendance and exemplary performance, magbabago ang lahat dahil sa sitwasyong napasukan namin ni Shirley.
If it was just me, I wouldn't contemplate about denial.
I love who I am and I have always been proud of myself.
Pero this is not just about me.
I have to think of Shirley's future in the company na obvious naman na mas promising compared to what I have.
Hindi ako naga-apply sa mga job opportunities for promotion dahil sa alam ko ang priority ko, my mother.
Ngayong wala na ang aking ina, I need to reassess my purpose in life and I don't have to look far to realize na the answer is right in front of me, si Shirley.
Kailangang consistent ang statement ko with what she was going to tell HR or else magmumukha kaming katawa-tawa hindi lang sa company kundi sa isa't-isa.
Ayaw niya na i-deny ko ang relationship namin.
Mahal ko din ang trabaho ko pero mas mahal ko siya.
There's no other way out of this mess than the truth.
Hindi nga ba ang pagiging totoo ko sa sarili ko ang isang bagay na nagustuhan niya sa akin?
Being who I am is something that I'm proud of and it shouldn't change because I was caught on camera na kasama ko siya.
Hindi naman compromising ang position namin dahil sa we never did something outrageous sa loob ng kumpanya.
Hinawakan ako ni Nella sa balikat.
"Kung anuman ang maging resulta ng meeting mo with HR, tandaan mo na nandito lang ako."
Tumango ako.
Napatingin ako sa orasan sa computer at fifteen minutes na lang ay kailangan ko ng pumunta sa HR.
Nagpaalam na ako kay Nella at lumabas na ng office namin.
Bago ako pumunta sa elevator, dumaan muna ako sa banyo.
Pagbukas ng pinto, may tatlong babae na masayang nagkikwentuhan.
Bigla silang tumigil ng makita ako.
Hindi ko sila pinansin.
Sa halip ay dumiretso ako sa cubicle at sinara ko ang pinto.
"Hindi na nahiya. Boss pa niya talaga ang pinatulan!" narinig kong sabi ng isang babae.
Napasandal ako sa pinto at kinuyom ko ang kamay ko.
Kapag may kontrobersiya, lumalabas ang mga santa-santita.
***
Inip akong naghintay sa arrival area para sa pagdating ni Ate Joan at Trish.
Nagtext sa akin si Liz to tell me about her meeting with HR at mula ng matanggap ko ang message niya, hindi na ako mapakali.
Delayed ang dating ng flight nina ate at ang aga kong dumating sa airport.
Naglakad ako to distract myself pero it was pointless.
My mind kept going back to Liz.
I wanted to call her pero sinabi niya sa text to wait till I hear from her.
Naupo ako sa isang bakanteng pwesto at nag-isip kung ano ang gagawin ko.
For sure, I'm next.
HR is investigating and they will make sure that everything adds up before they make a decision.
We could both get fired, that is a possibility.
Bawal ang relasyon namin hindi lang dahil sa she's a subordinate of mine kundi dahil sa pareho kaming babae.
Pero it's not written anywhere, more like an unofficial rule.
I have to read the contract.
That is the only way for me to prove to HR na they have no case against us.
I can fight them head on kung babanatan nila ako ng morality.
I know a lot of things going on in the company dahil sa sabi nga nila, may pakpak ang balita at may tenga ang lupa.
May batang umiiyak at naputol ang pagmumuni-muni ko.
Napatingin ako sa direksiyon ng bata at nakita na hawak siya ng isang maliit na babae at sa tabi niya ay nakatayo ang isang babae na matangkad, payat, at maikli ang buhok.
May hawak itong brown teddy bear at pinapatahan nito ang bata habang may kinukuha naman ang maliit na babae sa bulsa ng bitbit nitong bag.
"Pa, kunin mo nga muna itong bata at magtitimpla ako ng gatas." Narinig ko.
Napasulyap sa akin ang matangkad na babae at ngumiti ito sa akin habang kinukuha ang batang umiiyak.
Maraming tao sa airport at iyong iba ay nakatingin sa kanilang dalawa, kasama na ako.
Pero silang dalawa, walang pakialam.
Patuloy nilang ginagawa ang dapat nilang gawin para tumahimik ang batang umiiyak.
"Shirley!" narinig ko ang pamilyar na tili ni Ate Joan.
Inalis ko ang tingin ko sa mga babae at nakitang patakbong lumalapit sa akin ang kapatid ko.
Pareho silang nakasuot ni Trish ng shorts at tank top.
Mamula-mula ang balat nila at pareho silang masaya.
Ngumiti ako at saglit na kinalimutan ang nararamdaman para salubungin silang dalawa.
***
Ang assistant ng head ng HR at isang consultant ang humarap sa akin pagpasok ko sa conference room.
I was expecting to see Arthur pero I wasn't disappointed na iba ang kakausap sa akin.
Pilit na ngumiti sa akin ang assistant niya at pinaupo ako sa tapat nila.
May dala silang folders at notebooks.
Sigurado ako na personnel file ko ang isa sa dala nila.
Malaki ang oval table at merong nakapatong na laptop sa harapan.
"Do you want something to drink?" tanong sa akin ng assistant pagkaupo ko.
Nakangiti ito pero it wasn't a friendly smile.
Kita ko sa mata niya na she was judging me.
"No, thank you." Magalang na sagot ko.
Nagkatinginan silang dalawa.
Kahit pilit silang maging kalmado, ramdam ko ang tensiyon sa loob ng conference room.
"Okay. Let's get down to business then," sabi ng assistant pagkaupo sa tapat ko.
Kilala ko siya dahil sa matagal na siyang kasama ni Arthur.
Lilian ang pangalan niya and she's in her early 50's.
Kilala itong terror sa company, the exact opposite of Arthur na very congenial sa mga employees.
Alam namin na she get's to do his dirty job for him not unless siya ang kailangang maghandle.
"Miss Martinez, a video was brought to our attention and we, Linda and I, are here to investigate, whether the allegations are true or not."
Lumapit si Linda sa laptop at pinindot nito ang video.
It was the scene at the stairwell ng magselos si Shirley kay Renee.
They could have checked the elevator footages dahil mas maraming juicy na eksena doon compared to this one.
There was no sound, just me running after Shirley and her running away from me.
Pero kahit walang tunog, kita ng sinumang nanonood sa mga gestures naming dalawa na nag-aaway kami.
Kung bakit kami nag-aaway, hindi nila malalaman.
Pagkatapos ng maikling clip, pinindot ulit ni Linda ang pause button.
Humarap silang dalawa sa akin.
"Miss Martinez, we are here to hear your side on the issue. According to the allegation, you and Miss Soriano are in a romantic relationship? Is that true?"
Tinitigan ko si Lilian.
Walang emosyon sa mata niya at ganoon din ako.
Linda was the opposite.
Kita ko sa mata niya ang excitement.
Pansamantalang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.
Kumakabog ng dibdib ko at pakiramdam ko, hindi ako makahinga.
Pinagpapawisan din ang kamay ko dahil sa nerbiyos.
Kahit pa pinag-usapan na namin ni Shirley ang gagawin namin, to be confronted with the issue still felt surreal.
"Yes," sagot ko.
Bumuntong hininga si Lilian at sumandal naman sa upuan si Linda.
"Is there something else you want to ask me?" ako na ang nagtanong.
Ngayong nakuha na nila ang sagot, ano pa ba ang dapat pag-usapan?
Pinatong ni Lilian ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa at huminga ng malalim bago siya nagsalita.
"This is a preliminary investigation and we are giving you the opportunity to explain your side," Paliwanag niya.
"Until we have all the facts that we need to make a decision, I request that you keep everything confidential."
It's too late for that now, bulong ko sa sarili ko.
Kalat na sa buong Lumis ang balita.
Sigurado ako na alam din nilang dalawa iyon and this is just for formality.
"Also, while the investigation is ongoing, I am giving you an extra two weeks off, with pay."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"I know this is a bad time, Miss Martinez. I hope the extra time will give you the opportunity to rest."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Alam kong strikta siya and I didn't expect her to give me time off pero I was relieved sa sinabi niya.
Tumayo na si Lilian at ganoon din ako.
Pinauna ko siya sa pintuan pero bago ako lumabas, meron pa siyang habilin.
"If we need anything, we will call you."
Tumango lang ako at lumabas na ng conference room.
Bago ako pumunta sa meeting, I was expecting a barrage of questions from them pero the video wasn't sufficient to provide any evidence.
Dahil sa muted, they cannot assume.
But I'm not naïve.
Alam kong they are doing more research lalo pa at binanggit ni Lilian na may nagsabi na Shirley and I are in a relationship.
For sure si Ryan iyon.
Hindi na kailangang pag-isipan kung sino ang culprit.
I understand why they are careful.
Pwede akong magfile ng lawsuit if they mishandle the case at ayaw nila ng ganoon.
Alam ko din na I stand to lose my job lalo pa at totoo naman ang allegation.
For now, I will take their offer to go on a two-week paid time off.
Honestly, I am exhausted physically and emotionally.
The break will also give me time to think on what I need to do.
Pinindot ko ang elevator pabalik sa accounting office.
Habang naghihintay, naisip ko si Mama at bumalik na naman ang lungkot.
Kung buhay pa siya, sigurado ako na mag-aalala iyon lalo pa at hindi naman ako napasubo sa ganitong sitwasyon noon.
Pero Shirley is worth the mess.
Love is a risk.
Hindi lang naman ako ang pumasok sa sitwasyon na ito kundi siya din.
I'm more worried about her.
Promising ang career niya sa Lumis.
She was climbing the corporate ladder, so to speak.
Bullshit!
Bakit ba kailangang kwestiyunin ang competency niya just because she's with me?
Her talent and intelligence are not lessened by her relationship with a woman.
Image.
Another bullshit.
Nasa 21st century na tayo pero issue pa din ang gender in the workplace.
Buhay na buhay ang double standards.
May mga lalake who are cheating on their wives with our coworkers pero do they get in trouble?
Or dahil sa magaling silang magtago kaya hindi sila nasisisante?
This is unfair!
Bumuntong hininga ako.
Concentrate on the issue at hand.
Iyon na lang ang sinabi ko sa sarili ko.
Sana nga burado na ang footages sa elevator.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top