Chapter 26: Back To Reality
Isang linggo.
Hindi iyon sapat para ipagluksa ko si Mama pero kailangan kong bumalik sa trabaho.
Kahit labag sa loob ko, pinilit ko ang sarili ko na bumangon, maligo, magbihis at kumain ng almusal na hinanda sa akin ni yaya.
Nakatulala lang ako sa lamesa habang lumalamig ang agahan na nakahain sa harapan ko.
Nakatingin ako sa bakanteng pwesto niya na para bang hinihintay ko na bigla siyang pumasok sa kusina at saluhan ako sa pagkain o di kaya ay samahan lang ako sa hapag kainan.
"Liz, kumain ka na at baka mahuli ka sa pagpasok," narinig ko ang boses ni yaya at parang ang layo niya.
Nang kumurap ako, nasa harapan ko si yaya at nakatitig sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"Lumalamig na ang pagkain mo," tiningnan ko ang kamay niya na makintab ang balat at magaspang ang palad dahil sa taon na ginugol niya sa pagtulong sa amin ni Mama.
May tumulong luha sa kanang mata ko at hindi ko ito pinunasan.
May puwang sa puso ko na hindi na kailanman mapupunan dahil nakalaan lang ito para kay Mama.
Gusto kong bumalik sa kuwarto at humiga.
Gusto kong magtago sa loob ng kumot at sa mundo.
Ayokong harapin ang katotohanan na kahit malungkot ako, kailangan kong gawin ang mga bagay na para bang walang bumabagabag sa akin.
Ayokong maging matatag.
Gusto kong maging totoo sa sarili ko.
Pero hindi pwede.
Napatingin ako sa bintana at nakita na sumisilip na ang araw.
Tuloy pa din ang pagsikat nito.
Ang orasan na nakapatong sa ibabaw ng tukador ay nagsasabing patuloy pa din ang pag-inog ng mundo.
Sinasabi ng isip ko na kailangan ko pa ding sumabay sa pag-ikot nito pero walang lakas ang puso ko na gawin ang mga bagay na nasa realidad.
Tumayo ako ng hindi man lang umiinom ng kape.
"Hindi ka kakain?" nagtatakang tanong ni yaya.
Umiling lang ako sabay tumalikod sa kanya.
Wala akong gana at hindi lang sa pagkain.
***
Dati-rati, nakikinig ako sa music habang nagmamaneho.
Pero ngayong umaga, tahimik sa loob ng sasakyan.
Bago ko pinaandar ang makina, nakita ko na may text si Shirley at binasa ko ang message niya.
"Liz, I know this is hard time for you and I want you to know that I am here. Call me if you need me. Don't forget that I love you,"
Gusto ko na namang umiyak.
Bakit pa parang lahat ng lang ay nagpapaiyak sa akin?
Ang katahimikan, ang dilim, ang simpleng text message na nagpapaalala sa akin na hindi ako nag-iisa?
Grief.
Iyon lang naman ang sagot.
Ang absence ni Mama sa bahay at sa buhay ko is such a big hole na pakiramdam ko eh unti-unti akong nahuhulog sa lalim nito.
The rational side of me was telling me to be strong.
Na hindi ako dapat bumigay, na dapat akong maging malakas.
Pero bakit?
I am allowed to grieve, to feel what I feel.
Oo naman. Mabilis na sagot ng isip ko.
Pero hindi ka pwedeng magpatalo sa lungkot, katwiran nito.
In short, hindi ako pwedeng maging depressed.
Parang isang eksena sa pelikula na hindi pwedeng magpatalo sa kadiliman.
Well right now, I don't feel like fighting.
Gusto kong madama ang lungkot dahil it gives me a comfort to just be.
I am not going to be a threat to myself or to anybody but I want to be alone.
Mama is.....was.....a significant part of my life.
She was my anchor, my purpose.
Now that she's no longer with me, what is my purpose?
Ito lang ang nasagot ko sa text ni Shirley—Iknow.
Two words, that's all I can manage.
I pressed sent at pinaandar ko na ang sasakyan.
Kung dati, aburido ako sa traffic, ngayong umaga hinayaan ko lang.
What is the point of fighting?
My annoyance is not going to make the cars move any faster or time any slower.
Hindi nga ba at ito ang dahilan kung bakit lagi akong umaalis ako ng maaga?
Adapt.
Bigla kong naisip.
Applicable din siya sa sitwasyon ko ngayon.
I am lonely but I have to adapt to the situation.
Hindi lahat nakakaintindi ng emosyon na nararamdaman ko.
Hindi lahat nakaranas ng loss.
Dati, it was so easy to say I'm sorry sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay.
Ngayong naranasan ko na, naiintindihan ko kung ano ang value ng mga katagang iyon.
I hoped that back then when I said I'm sorry, I truly am.
***
"I know?"
Iyon lang ang reply sa akin ni Liz.
I'm worried for her pero I also don't want to suffocate her with my presence.
Vulnerable siya ngayon pero I should know when to be there for her and when to keep my distance.
After the funeral, alam kong she had to go back to work dahil five days lang naman ang bereavement leave.
It must be difficult for her to get back to her routine.
I know it would help to have a semblance of a normal life without ignoring what's going on.
I plan to text her again kapag nasa office na siya to make sure that she got to work safe.
Malimit kasing matulala si Liz at laging malayo ang tingin.
She withdrew and I am struggling to help her.
"Just be there for her," advised sa akin ni Mama.
Nasabi ko kasi na nag-aalala ako for Liz.
Kahit surprised pa din ako sa biglaang pagbabago ng isip ni Mommy, masaya din naman ako dahil sa nakakapagshare na ako sa kanya about my relationship with Liz.
This situation right now has got to be the most challenging.
Tahimik kasi si Liz.
Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip niya.
I know she's a strong person pero I'm not a mind reader.
I thought of suggesting that she meet with a counselor.
Meron sa company namin and everything will be confidential.
At least that's what they say.
I've never made an appointment and I don't know of any person who went there.
I just don't know how to tell her about it.
Pabalik na din sina Ate Joan at Trish from their vacation.
I told her about what happened sa amin ni Mommy at tuwang-tuwa si Ate.
Nagsabi din si Mommy na kung gustong bumalik sa bahay nina Ate Joan, they can.
Pero the two of them already booked a hotel room and it's non-refundable kaya they decided to stay there until they return to the US.
Isa pa, Daddy hasn't warmed up to the idea na okay na si Mommy sa pagkakaroon ng dalawang anak na lesbians.
Tahimik lang siya pero alam kong nakikinig sa mga conversations namin.
Tiningnan ko ang relo sa nightstand and it was almost eight in the morning.
Bumangon na ako para maghilamos.
I don't have any plans other than picking up Ate Joan and Trish from the airport.
Gabi pa ang dating ng flight nila from Palawan so I have plenty of time.
Bago ako pumasok sa banyo, kinuha ko ang phone para i-text ulit si Liz.
Kahit ayaw niyang makipag-usap, hindi ko naman siya pwedeng hayaan na magmukmok.
Mabilis akong nagtype sa phone ko.
"Are you at work?"
I pressed sent at hindi na hinintay ang reply niya.
***
Pinarada ko ang van sa assigned parking spot sa basement pero hindi ako agad bumaba.
Pinatay ko ang makina at tahimik lang ako na nakaupo sa driver's seat.
Wala pa ang sasakyan ni Nella and it wasn't surprising.
Unlike me na early bird, si Nella naman ay buzzer beater.
Nakita kong may pumaradang motorsiklo pero dahil nakasuot ng helmet, hindi ko nakita kung sino ang nagmamaneho.
Kinuha ko ang itim na backpack na nakapatong sa passenger seat at binuksan ko ang pinto.
Bumaba na ako sa van at ng sinara ang pinto, hindi ko napansin ang paglapit ni Ryan.
Seryoso ang itsura niya at kinutuban ako.
"Ikaw pala ang kinalolokohan ni Shirley," may pagbabanta sa tono niya.
Manipis ang labi ni Ryan, kinikimkim ang galit.
Imbes na sumagot, lumakad ako papalayo sa kanya pero hinablot niya ako sa braso.
"Anong meron ka na wala ako?" tanong niya ulit.
"Bitawan mo ako,Ryan, kung ayaw mo ng gulo." Matapang na sinabi ko sa kanya.
Nagkatitigan kaming dalawa.
Nanlilisik ang mata niya.
Matigas ang mukha niya at parang gustong manapak.
Galit siya at ganoon din ako.
Pansamantala kong nakalimutan ang lungkot.
Napalitan ng apoy ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Ryan sa akin.
Inisip ko si Shirley.
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Ryan ang tungkol sa aming dalawa pero wala akong kailangang aminin sa kanya.
It could just be a bait.
"Matapang ka ha? Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo kapag napanood ng HR video footage ng ginagawa ninyong dalawa."
"Puro ka banta," paghamon ko sa kanya.
"Ang yabang mo din ano? At ang boss mo pa ang napili mong maging karelasyon. Hindi ka na nahiya! Hindi ka naman tunay na lalaki pero daig mo pa ang lalaki kung umasta. Nakakadiri ka!"
Sa puntong ito, hindi ko napigil ang kamao ko.
Dumapo ang isang solid na right hook sa mukha ni Ryan at nabuwal siya.
Bumagsak siya sa sahig at nagulantang sa nangyari.
Nanlaki ang mata nito at nakatingin lang sa akin na walang ideya kung ano ang nangyari sa kanya.
Nang mahimasmasan, bigla siyang tumayo at susuntok sana pero naunahan ko na naman siya.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa bandang tagiliran.
Napaimpit si Ryan sa nangyari.
Kung hindi dumating ang security, baka hindi ko napigilan ang sarili ko at patuloy ko siyang sinapak.
Hinawakan ako ng guwardiya sa braso para pigilan.
Si Ryan naman, lalong tumindi ang galit sa akin.
"Hindi isang tomboy ang magiging karibal ko kay Shirley," galit na sinabi niya.
Hindi ako kumibo.
The less that is said, the better.
Isa pa, hawak ako ng guwardiya.
Susugod pa sana si Ryan pero binitawan ako ng guwardiya at pumagitna sa aming dalawa.
"Sir, kung ako sa inyo, hindi ko itutuloy ang balak ninyong gawin."
Nakahawak ang security sa holster ng baril niya.
Nakita ito ni Ryan at marahil natakot sa maaaring gawin ng guwardiya kaya umatras ito.
Dinala kaming dalawa sa security office para sa incident report.
Naunang kinausap si Ryan at napansin ko na dumudugo ang gilid ng labi niya.
Umupo ako sa waiting area at habang naghihintay na kunan ng statement, naisipan kong tingnan ang telepono ko.
Nabasa ko ang message ni Shirley.
Nag-isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang totoo o hindi.
Mas pinili kong magsabi ng totoo.
Maigi ng malaman niya ang nangyari.
"I'm with security,"
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top