Chapter 25: The Last Goodbye









Makulimlim ang panahon on the day of the burial.

Sinundo ko si Liz at sa akin siya sumabay samantalang si Renee naman ang nagmaneho ng van kasama si yaya at si Robbie.

Tahimik si Liz during the entire trip at hinayaan ko lang siya.

She's grieving and sometimes, silence is all you need.

Ako din naman ay iniisip ang nangyari sa bahay pagkatapos umalis ni Ate Joan at Trish papunta sa Palawan.

Kinausap ako ni Mommy.

Nagliligpit ako ng mga gamit sa kuwarto ko.

Habang tinutupi ko ang mga damit ko, hindi ko mapigilan ang maluha.

I grew up in this house and all my precious memories are in this place.

Malungkot ako dahil sa kailangan kong umalis hindi dahil sa gusto ko kundi dahil iyon ang hinihingi ng pagkakataon.

There are other options pero hindi ko naman gusto ang choice na binigay sa amin nina Mommy.

Sinabi ko sa sarili ko na I have to talk to my parents again.

Baka pwede ko silang kumbinsihin to reconsider.

I understand what they feel dahil ganoon din naman ang naramdaman ko when I learned that I was falling in love with Liz.

Natakot ako, naguluhan.

I was overwhelmed with thoughts and afraid of what my family would say.

Paano kung hindi nila maintindihan?

Anong gagawin ko if my family rejected me?

To whom can I go for help?

Where do I find shelter?

My family was supposed to be the people I can go to pero hindi naman iyon ang nangyari.

At the time, I felt that being with Liz was worse than going to Taiwan with Ryan.

For sure my family would never say those things to me.

On the contrary, baka nga encouragement pa ang makuha ko from them.

They would probably say that I was doing the right thing by leaving my work and going with Ryan.

Pero hindi iyon ang naramdaman ko the first time he offered to go with him.

Kahit mahal ko siya, I wasn't convinced that it was the right thing to do.

Dahil noon, I hated taking chances.

I am the opposite of what I am now.

Hindi ko akalain na I am taking more risks by loving someone of the same sex.

Ang daming hurdles na kailangang i-overcome most notably the one at home.

When I found out about what's going on between Ate Joan and Trish, I was surprised but I admired her courage.

She stood up for her fiancée.

Alam ni ate ang gusto niya but she wasn't being selfish about it.

Nakita ko ang honesty kay ate and it was inspiring.

She wanted to live an authentic life.

She wanted to be true to herself and to Trish.

When they left for Palawan, she said goodbye to my parents.

Nakita ko siyang lumabas sa kuwarto ni Mommy at Daddy but this time, there were no more tears.

Nagpaalam siya sa akin and she promised that we'd get together as soon as makabalik sila from their trip.

They will only be there for a week to celebrate their engagement.

I wonder if napansin ni Mommy ang suot niyang singsing?

Nang pumasok si Mommy sa kuwarto, tinanong niya ako kung bakit ako nakaitim.

Sinabi ko sa kanya ang dahilan.

Hindi nakakibo ang aking ina.

The whole time na we were having issues over my coming out pati na din ang kay Ate Joan, wala akong nabanggit tungkol sa nangyayari kay Liezl.

"Desidido ka ba talaga na iwanan kami ng Daddy mo?" mahinahon niyang tanong.

Binitawan ko ang hawak na t-shirt at tiningnan ko siya.

Nagtaka ako sa sinabi niya pero pinaalala ko sa kanya na sila ni Daddy ang nagpaalis sa amin kung hindi namin titigilan ang ginagawa namin.

Parang nagulat si Mommy sa sinabi ko.

"Isipin mo na lang ang Daddy mo, Shirley. Baka kung ano ang mangyari sa kanya. Alam mo naman na inatake na siya dati. Iyon ba ang gusto mo?"

"Mommy, I would not wish for anything bad to happen to Daddy or to you pero if leaving would keep the peace between us, hindi ba mas mabuti na ang ganoon? Kung ako ang masusunod, this is not how I want things to be. Ayoko ng away. Ayoko na galit kayo sa amin ni ate. Ayoko ng pare-pareho tayong nasasaktan. Gusto ko buo ang pamilya natin. Pero if I stay at lagi naman tayong nagtatalo tungkol sa issue, it would be detrimental to all of us."

"Alam ko naman iyon anak. Iyon din sana ang gusto ko. Masakit sa akin ang nangyayari dahil sa hindi naman ito ang kinabukasan na pinangarap namin para sa inyo ng ate mo. Pero pagkatapos ng nangyari, napag-isip ko na malalaki na kayo at inisip ko na lang na sana alam ninyo ang inyong ginagawa."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Umupo si Mommy sa gilid ng kama at sinimulang tupiin ang mga damit na nakakalat sa higaan.

May malaking suitcase sa gitna ng kama kung saan nakalagay ang mga damit na dadalhin ko.

Umupo ako sa kabilang dulo, sa tapat niya.

"Alam ko na ginawa namin ng Daddy ninyo ang lahat para palakihin kayo ng tama. Kahit magkalayo ang agwat ng edad ninyo ni Joan at magkaiba ang inyong personality, pareho kayong determinado kung ano ang gusto ninyo. Naaalala ko when you were around six years old at nakita mo ang daddy mo na may hawak na calculator. Tinanong mo siya kung ano ang ginagawa niya at pinaliwanag niya ang mga reports na sinusulat niya para sa kumpanya. You were so amazed when he started talking about numbers at bago matapos ang usapan ninyo, sinabi mo sa daddy mo na paglaki mo, you wanted to be an accountant like him.

Natuwa ang daddy mo at sinabi sa'yo na you can be whatever you want at susuportahan ka niya."

Biglang tumahimik si Mommy at inisip kung ano ang susunod na sasabihin.

"Naalala ko iyon after our confrontation. I thought of you and Joan. If we can support you with your dreams, bakit hindi ko magawang suportahan who you want to be? I mean, this is your life and your identity. All of you are good kids. Kahit makukulit kayo noong mga bata pa kayo, hindi ninyo kami binigyan ng problema lalo na when it comes to your studies. Kahit tamad mag-aral si Joan, wala namang binagsak iyon na subject at naging pursigido siya when she was taking up nursing. Si Michael naman, always eager to please lalo pa at nagiisang lalake. Hindi man siya honor student tulad ninyong dalawa ng ate mo, masipag din namang mag-aral."

Napangiti ako sa mga bagay na sinabi ni Mommy.

"Aaminin ko na natakot ako ng sinabi mo na you were dating a woman. You didn't give us any warning maliban sa napansin ko na lagi kang umaalis at kapag dumarating ka, parang lagi kang masaya. I've seen how you look when you were in love, Shirley. The only difference this time eh para kang nasa ulap. Alam ko na hindi si Ryan ang dahilan kung bakit you look radiant. You were never like that with him at lalo akong natakot dahil sa you weren't telling me anything. Malihim ka sa mga ginagawa mo at lagi akong nag-iisip kung ano ang nangyayari sa'yo."

"I'm sorry, Mommy, pero it wasn't easy for me to tell you dahil sa hindi ko alam kung paano ko sasabihin," pag-amin ko.

Huminga siya ng malalim.

"I guess there's no easy way to say it," sabi niya at tumango ako.

"Kahit anong timing ang gawin mo, we would still be shock about what you're going to say dahil sa it wasn't what we expected of you,"

Binitawan niya ang purple sweatpants na kasalukuyan niyang tinutupi.

"I expected more from myself, Shirley."

"What do you mean, Mommy?"

"I've always been a good mother to all of you,"

"You are a good mother,"

Malungkot ang ngiting sa mukha niya.

"I failed you and Joan ng ipagpilitan ko kung ano ang gusto naming mangyari. I don't see myself as being mother of the year ng sabihin namin sa inyong dalawa na kung hindi kayo susunod sa gusto namin ay pwede na kayong umalis sa pamamahay natin."

Umiling si Mommy.

"Hindi naman ako bulag sa nangyayari sa panahon natin ngayon. Kapag nanonood ako ng TV or nagbabasa ng magazines, meron akong makikitang mga article about people coming out o di kaya ay mga palabas na merong content about homosexual people. Hindi ko lang masyadong pinapansin noon dahil sa it doesn't concern me. Or at least that's what I thought. So you can just imagine my shock when you came out unexpectedly."

"It was like having a nightmare and I keep telling myself na nananaginip lang ako. Na hindi ko narinig ang sinabi mo, na hindi totoo ang lahat at hindi mo sinabi ang sinabi mo."

"I was in denial, Shirley."

"Nang magsabi ang ate mo tungkol sa kanila ni Trish, that was it for me. Hindi ko kinaya."

Bumuntong hininga ulit si Mommy.

"I'm sorry," bigla niyang sinabi.

Tinitigan ko ang aking ina.

I didn't expect her to have a change of heart this early.

Kilala ko siya na hindi bibigay sa mga bagay na gusto namin.

Gusto ni Mommy na siya ang laging nasusunod.

Right now, it seems like I'm looking at a different person at hindi ang nakalakihan kong babae na as stubborn as we are.

"Nang umalis ang ate mo kasama si Trish, nalungkot ako dahil sa ilang taon na natin siyang hindi nakakasama. Ngayong nandito siya, imbes na maging masaya sa pag-uwi niya, hinayaan ko na mangibabaw ang galit sa puso ko dahil sa hindi ko gusto ang choice na ginawa niya. Pero ano nga ba ang mahalaga sa akin? Kayo na mga anak ko o kung ano ang sasabihin o idinidikta ng society natin? Matanda na kami ng ama mo at hindi namin alam kung gaano pa kami katagal mabubuhay. Gusto ko bang gamitin ang mga natitirang taon sa buhay namin na hindi kayo kapiling?"

"Ayokong pati ikaw ay umalis anak,"

Yumuko si Mommy na parang nahihiya sa sinabi.

She has always been a proud woman.

Kung istrikto si Daddy, mas lalo na si Mommy.

When we were young, we can get away with things dahil sa consent ni Daddy.

Nabaliktad na ngayong malalaki na kami.

Mommy loosened the reins a little bit.

Or was it because they trust us?

Until this thing happened, hinahayaan nila kami to do what we want as long as we are within the boundaries of what's appropriate.

"We'll find a way to get through this, Shirley. I don't know what I'm going to do dahil sa wala naman akong kakilala na may anak na gay or les........" tumigil siya sa pagsasalita at hinawakan ko siya sa kamay.

"It's okay to say the word, Mommy. I'm not going to turn into a monster kung sasabihin ninyo na I'm a lesbian,"

Bumuntong hininga si Mommy.

"I'll stay," Sinabi ko sa kanya.

Inabot niya ang kamay niya at pinisil ang kamay ko.

"Thank you for talking to me." Sinabi ko sa kanya.

Napangiti siya.

"I wish nandito ang ate mo so I could talk to both of you." May panghihinayang na sinabi niya.

"It's not too late. I have her phone number."

Hinawakan ako ni Mommy sa pisngi.

"You've always been a good kid. You still are,"

Umaapaw ang tuwa sa puso ko at hindi ko napigilan ang mapaluha.

***

On the day of the burial, I was in the room ng may kumatok.

Pinapasok ko si Mommy at unlike the past day when we had the heart-to-heart talk, maaliwalas ang mukha niya.

"What time is the service?" tanong ni Mommy.

"Ala-una po," sagot ko habang sinusuot ang silver heart earrings.

"You'd better get going at baka hinihintay ka na ni Liezl,"

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin bago ako lumapit sa kanya para magpaalam.

Black ang susuotin sabi ni Liezl so I picked a black dress na nararapat sa okasyon.

Humalik ako kay Mommy and said goodbye.

Nang nasa labas na ako ng bahay, nag-uumapaw ang puso ko sa tuwa dahil sa hindi pa din ako makapaniwala na kakausapin ako ni Mommy.

Hindi ko din inaasahan na magbabago ang isip niya ng ganoon kadali.

Sinabi niya ang mga dahilan sa akin and those were all valid reasons.

Mas pinili niyang mahalin kaming mga anak niya kesa sa kung anong kagustuhan nila ni Daddy.

Iyon ay sapat na dahilan para makaramdam ako na para akong lumalakad sa ulap.

***

Maraming taong dumalo sa burol ni Tita Magda.

Nasa tabi ni Liz ang kanyang Papa na tulad niya ay nakasuot din ng dark sunglasses at dark suit.

Hindi nito sinama ang kanyang pamilya.

Habang binababa ang kabaong sa lupa ay tahimik na umiiyak si Liz.

Hawak ko ang kamay niya para magbigay ng moral support.

Tumulo din ang luha ko.

Sa maikling panahon na nakilala ko si Tita Magda, naging mabuti siya sa akin.

Pagkatapos ng ceremony, lumapit ang mga tao kay Liz.

Nagpasalamat siya sa tulong at suporta na binigay sa kanya.

Nagsabi ang kanyang ama na kung meron siyang kailangan ay huwag mahiyang tumawag si Liz.

Nang makaalis na ang lahat, pinauna na ni Liz sina yaya at Renee sa pag-uwi.

"Sigurado ka?" tanong ni yaya.

"Opo,"matipid na sagot niya.

"Ako na po ang bahala sa kanya, yaya."

Nakatayo si Renee sa tabi si Robbie, naghihintay.

"Tawag ka lang, Shirley ha?" habilin niya at tumango ako.

Nang umalis na sila, nakatayo lang kami ni Liz sa tapat ng bagong hukay na pinaglibingan ni Tita Magda.

Dumilim na ang ulap at parang uulan.

"Wala na talaga si Mama," biglang sinabi ni Liz.

Humarap ako sa kanya at nakita na tumutulo na naman ang luha niya.

"I know, baby." Bulong ko.

"It's still unbelievable to me, Shirley."

Tumingin siya sa malayo.

Maliban sa aming dalawa, wala ng ibang tao sa memorial park.

"I'll always be here for you, Liz."

Hinarap niya ako at malungkot ang kanyang ngiti.

Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.

Nanginginig si Liz at biglang yumakap sa akin.

Habang pumapatak ang ulan, pinakawalan niya ang luha na hindi maibsan.

Masakit mawalan ng minamahal.

There is a space that will never be filled dahil it was only meant for that one person.

Liz and her bond to her mother was severed unexpectedly and it was harder for Liezl.

She never had the chance to say goodbye dahil the attack was sudden.

Those were her regrets.

"I always tell her I love her but I wish I had one more time to tell her how much I meant it," she confided.

I didn't know what to say to that.

When someone dies, we are overcome with the things we wish we did while they were still around.

But it's too late for that.

We will send our love in our thoughts and our prayers hoping the dearly departed still gets the message.

Liz is a strong woman.

Her weak side shows kapag si Tita Magda ang concerned.

I've seen that when I drove her to the hospital the first time we were supposed to go dancing.

"We should go," narinig kong sinabi ni Liz.

Pinunasan niya ng panyo ang kanyang luha.

Lumalakas na ang patak ng ulan and by the time we got to my car, bumuhos na ito ng tuluyan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top