Chapter 22: Empty
Dapat nasa funeral home ako at inaasikaso ang mga bisita pero I'm somewhere else.
Maaga akong nagising at parang wala sa sarili na nagbihis kaagad.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong mapag-isa.
Apat na araw ng nakaburol si Mama.
Noong una, akala ko eh wala masyadong darating na bisita dahil sa konti lang naman ang kaibigan niya.
Wala din naman siyang kapatid dahil isang anak lang din siya tulad ko.
Ang lolo at lola ko naman, matagal ng namayapa kaya nagulat ako ng maraming dumating para magbigay ng kanilang final respects.
Mga nakasama niyang guro at dating estudyante ang nagsidatingan at lalo kong namiss si Mama dahil sa mga kuwento nila.
Mabait daw ito sa kanila, mapagpasensiya at higit sa lahat, magaling magturo.
Malaki ang panghihinayang nila ng iniwan nito ang academe pero naiintindihan nila kung bakit.
Iyong iba niyang mga estudyante, may mga sarili na ring pamilya.
Meron silang mga binigay na pagkain bukod sa abuloy.
Tinawagan ko si Nella at pumunta siya kaagad sa bahay.
Pareho kaming umiyak ng malaman niya ang nangyari.
Huwag ko daw alalahanin ang trabaho namin dahil siya na ang bahala.
Magsabi lang daw ako kung meron akong kailangan.
Pagkatapos ng trabaho, diretso siya agad sa funeral home.
Pati mga katrabaho namin ay pumunta din.
Si Shirley, kahit alam kong dapat kasama siya ng kapatid niya, lagi siyang dumarating para samahan ako.
Dapat akong magpasalamat sa suporta nilang lahat pero gusto kong limutin kahit saglit ang nangyayari sa buhay ko.
Hirap akong matulog sa gabi at kung hindi pa ako pipilitin kumain, hindi ako kakain.
Lagi kong naaalala si Mama.
Hindi pa din ako makapaniwala na wala na siya.
Nakikita ko siya sa bawat sulok ng bahay namin at pati ang paborito niyang lotion, lagi kong naaamoy.
Pinapaalalahan ko ang sarili ko na guni-guni ko lang ang lahat.
Dala siguro ng lungkot kaya kung anu-ano ang naiisip ko.
May binigay na sulat sa akin si yaya noong unang araw na nakahimlay siya.
Nasa kuwarto ako noon at naghahanda ng umalis ng kumatok siya.
May hawak siyang puting sobre at nang tinanong ko kung para kanino ang sulat, sinabi niya na para ito sa akin.
"Saan galing?" nagtatakang tanong ko.
"Sa Mama mo," sagot niya sabay inabot ang sobre sa akin.
Atubiling inabot ko ito.
"Basahin mo Liz," utos ni yaya sa akin.
"Mamaya na lang po pag-uwi natin," sabi ko.
"Mahigpit ang bilin ng mama mo sa akin na kapag dumating ang tamang panahon, kailangan ibigay ko ito sa'yo at dapat basahin mo din agad."
Bumuntong hininga ako, iritado dahil sa pamimilit niya.
Ang totoo kasi, hindi ko alam kung kaya ko pang dagdagan ang nararamdaman ko.
Puno ng emosyon ang puso ko at kung meron pang magsusumiksik, sasabog ako.
"Bakit hindi niyo na lang sabihin sa akin kung ano ang laman ng sulat?"
"Hindi ko alam kung ano ang nakalagay diyan, Liezl. Sinusunod ko lang ang sinabi ng Mama mo,"
Binuksan ko ang sobre at umupo ako ulit sa kama.
Lumabas na sa kuwarto si yaya at naiwan akong mag-isa.
White unlined paper ang ginamit ni Mama at may sumundot sa puso ko ng makita ko ang cursive handwriting niya.
Iyong tipong emphasized ang mga tuldok at buntot ng bawat letra.
Hindi ko pa man sinisimulang magbasa ay pumatak na ang luha sa mata ko.
Lumabo ang paningin ko dahil sa luha.
Anak,
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa pag-aalaga mo sa akin.
Alam kong hindi madali sa'yo na gampanan ang mga bagay na ito kaya gusto kong sabihin sa'yo na you did a good job.
Isn't it funny na nabaliktad ang role nating dalawa?
Ako ang nanay mo and yet, hindi ko magawa ng 100 % ang responsibilidad ko sa'yo dahil sa karamdaman ko.
Lagi kong naiisip na hindi stroke ang pumigil sa akin kundi broken heart.
Yan ang totoo anak.
Nagmahal ako ng buong puso pero ang nakuha ko ay sakit.
Sinabi ko sa sarili ko na part naman talaga ng pagmamahal ang nasasaktan.
Hindi ko nga lang inakala na sobra ang sakit na magiging kapalit ng devotion ko sa Papa mo.
Pati tuloy ikaw, nagsuffer.
Alam kong galit ka sa kanya.
Alam ko din na sinusunod mo lang ang utos ko kaya ka nakikipag-usap sa ama mo.
Hindi kita sinisisi.
Karapatan mong makadama ng galit.
Pero higit sa galit anak, dapat pagmamahal ang mangibabaw sa puso mo.
Matagal ko ng pinatawad ang ama mo sa nangyari.
Kahit hindi niya hiningi, binigay ko para sa kapakanan ko.
Hindi ko pwedeng dalhin ang galit sa kabilang buhay.
Hindi ako magiging mabuting ina sa'yo kung hati ang nararamdaman ko.
Lagi kong iniisip ang kapakanan mo, Liezl.
Pinagdarasal ko na sana, makakita ka ng babae na magmamahal sa'yo ng totoo.
Alam kong nasaktan ka ng maghiwalay kayo ni Renee pero ganoon talaga.
When we love, we risk being heartbroken.
Kasi it means you value the relationship and the person.
Hindi man nakita iyon ng taong mahal mo, you have to give yourself credit for doing the best you can.
Hindi ko alam kung ano ang darating sa buhay nating dalawa.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal.
Gusto ko sanang dumating ang panahon na makikita kita sa altar kasama ang babaeng paglalaanan mo ng buong buhay at panahon.
I'm sure you will make a good wife dahil nakita ko kung gaano ka kadevoted sa akin.
Pero baka iyon ay manatiling pangarap na lang dahil sa ginagalawan nating mundo.
I wish I could do more for you, anak.
Marami akong pangarap para sa ating dalawa pero kulang na ang oras.
Anak, isa lang naman ang hiling ko.
Alagaan mo ang sarili mo.
Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita.
Kung dumating ang oras na hindi ko masabi sa'yo ng personal, just know that I will always love you.
I was blessed to have you in my life.
Love,
Mama
Halos sumabog ang puso ko dahil sa naramdamang lungkot habang binabasa ko ang sulat.
Hanggang sa huling moment ng buhay niya, pinaalala niya ang forgiveness.
If only it were that easy.
I still blamed my father for what happened.
Ni hindi siya nagpakita after naming mag-usap sa ospital.
Malamang alam niya na ang nangyari kay Mama.
Kung darating siya sa burol, iyon ang hindi ko masagot.
A part of me wishes na huwag siyang pumunta dahil baka kung ano ang magawa ko.
Si Mama, kahit sa kabilang buhay, parang alam niya kung ano ang iniisip ko.
Galit ang namamayani sa puso ko para sa aking ama dahil kung hindi dahil sa kanya, baka kasama ko pa si Mama.
Pero tama ang aking ina.
Mabigat dalhin ang galit.
The weight fills my heart with pain.
I remember noong bago lang kaming magbreak ni Renee.
I was so mad at what she did to me I wished na sana makarma siya.
When I saw her with Robbie at sinabi niya ang nangyari sa kanya, lihim akong natuwa.
That's what she deserved for what she did to me.
Pero kapag nakikita ko si Robbie, naaawa ako sa bata.
He shouldn't suffer the consequences pero apektado siya dahil sa ginawa ni Renee.
Mabait na bata si Robbie at the first night of the wake, hinanap niya si Mama.
Hindi ko alam kung papano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari kaya sinabi ko na nasa heaven na siya.
Napaluha ako at niyakap niya ako.
Lalo tuloy akong naiyak dahil his affection was authentic.
Wala pang bahid ng realidad.
Pure, unadulterated embrace ang binigay sa akin ni Robbie.
Inabot pa niya ang laruan niyang brown teddy bear.
Hiramin ko daw muna kasi malungkot ako.
Sa ganoong gesture, naramdaman ko kung gaano ka-selfless ang affection niya dahil hindi siya nakakatulog kung wala ang laruan sa tabi niya.
***
Wala masyadong tao sa park ng dumating ako.
Naririnig ko ang tunog ng mga sasakyan pati na ang huni ng mga ibon.
Matagal na akong hindi nakakapunta sa Luneta pero this place was one of my fondest memory dahil malimit kaming pumunta dito nina Mama at Papa tuwing Sabado.
I remember I have a picture sitting in one of the dinosaur statue.
Nakasuot ako ng blue jumper at nakaponytail ang buhok ko.
May hawak pa akong pulang lobo at todo ang ngiti ko sa camera.
Nasa tabi ko si Mama at Papa.
Hawak nila ako sa magkabilang kamay.
Those were the days, frozen in time and in my memory.
For a long time, nakadisplay ang picture na iyon pero tinago ni Mama ang mga family pictures namin during the early years of their separation.
Pinalitan niya ng pictures na kaming dalawa lang ang magkasama.
***
Hindi ko alam kung bakit sa Luneta ako napadpad.
A part of me doesn't know where to go pero ang kamay at paa ko, parang ginagabayan by an unseen force.
Hindi kaya pinabalik ako dito ni Mama to remind me of what's good?
Tahimik ang lugar at umupo ako sa isang sementadong upuan.
Hinintay ko ang pagsikat ng araw at naramdaman ko ang pag-asa.
"Hindi ko pwedeng dalhin ang galit sa kabilang buhay," naalala ko ang sulat ni Mama.
She's a bigger person than I am.
I thought of Renee and how furious I was with what she did.
She apologized to me pero binigay ko ba sa kanya ang forgiveness?
Paano kung si Shirley ang nasa katayuan niya? Am I going to be the same?
Si Shirley.
Just the thought of her was enough to make me happy.
She's the light in my dark night.
Kapag umiiyak ako sa telepono, tahimik lang siyang nakikinig.
***
Nang magbukas ang Japanese Garden, doon ako lumipat.
Hindi ko naririnig ang mga tawag at text message dahil sa nakamute ang phone ko.
Umupo ako sa damuhan at tinitigan ang asul na ulap.
Patuloy ang pag-ikot ng mundo kahit nangungulila ako.
May dumating na isang babae at lalake kasama ang isang batang babae.
Masaya silang nakikipaglaro sa bata at pinagmamasdan ko lang silang tatlo.
Bukod sa kanila, meron ding babae at lalake na nakaupo sa kanang bahagi ng garden.
Nakaakbay ang lalake at may hawak namang rosas ang babae.
Masaya din silang nagkikwentuhan.
"Liz?"
Narinig ko ang boses ni Shirley at akala ko eh guni-guni ko lang ang lahat.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
Nakatayo si Shirley sa ilalim ng puno.
"How did you find me?" tanong ko sa kanya habang lumalapit siya sa kinauupuan ko.
"Renee told me," sagot niya.
"It turns out na tama ang hinala niya na baka dito ka pumunta,"
Inabot niya ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo.
"We're all worried about you,"
I apologized for not answering the phone.
"I needed to be alone," sabi ko sa kanya.
Inakbayan niya ako sabay hinalikan sa noo.
Hinilig ko ang ulo ko sa balikat ni Shirley sabay pinikit ang mga mata ko.
She feels like home to me.
Kapag kasama ko siya at yakap niya ako, I don't have to worry about anything.
Tahimik kong pinakinggan ang tunog sa kapaligiran.
Ang ingay ng mga sasakyan, ang malayong tawanan ng mga taong kasama namin sa garden, ang mahinang pagihip ng hangin.
Naramdaman ko sa puso ko ang pagbalon ng pag-asa.
Isang bagay na ilang araw ko ng hindi napagtutuunan ng pansin dahil sa nakatutok ang atensiyon ko sa lungkot at kawalan.
Shirley's presence reminded me that I am not alone.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin siya sa akin.
"Don't ever pull this prank again, Liz. Kung wala ka dito, I don't know where else to look for you."
Nagsorry ako sa ginawa ko.
"Try the boxing club next time," sinabi ko sa kanya.
"Just don't do this again dahil nag-aalala kaming lahat sa'yo."
"Okay," sagot ko.
Tumayo na siya.
"We should go back dahil madami ng tao sa funeral home at hinihintay ka na nila."
Lumakad na kami palabas ng garden.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
Umiling ako.
"You should take care of yourself, love."
Hinawakan niya ang kamay ko.
May mga tao kaming nakasalubong who would stare at us pero hindi niya inalis ang pagkakahawak sa kamay ko.
Sa halip ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
Tiningnan ko si Shirley at hindi katulad ng gabi na pinuntahan ko siya sa Laguna, she seemed like a different person.
More confident, proud.
"There's one more thing we have to do bago tayo pumunta kay Mama," sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa parking lot.
"Will you do this with me?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti sa akin si Shirley.
"I'm with you, Liz."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top