Chapter 20: The Sound Of Silence







I haven't lost anyone in my life but to see Liz lose her mother was heartbreaking.

Dahil sa nag-iisang anak, siya ang nag-asikaso ng lahat.

Mula sa mga bayarin sa ospital pati na sa pagtawag sa funeral homes to make arrangements for her mother's burial, siya ang in-charge.

Nasa tabi niya lang ako to give moral support.

During her phone calls, bigla siyang titigil sa pagsasalita dahil she was overwhelmed by her emotions.

I was in awe of her strength throughout the ordeal.

I could only imagine how difficult it was for her to not break down habang kausap niya ang mga taong tutulong sa preparations.

Mabuti na lang at kasama niya si yaya na suporta niya sa mga dapat gawin.

Kita ko sa yaya niya ang lungkot pero dahil wala na si Tita Magda, mas lalo siyang kailangan ni Liz.

Pagkagaling sa ospital, ako ang naghatid sa kanila pabalik sa Sampaloc.

Ayaw sanang pumayag ni Liz dahil alam niya na darating si Ate Joan kinabukasan pero nagpumilit ako.

"Don't worry about it, Liz. I want to make sure na safe kayong nakauwi ni yaya."

Tahimik sila pareho sa kotse.

Hindi ko binuksan ang radyo dahil I know she needed the silence.

Ako naman, iniisip ko ang parents ko.

Hindi ako nakapagpaalam sa kanilang dalawa bago umalis so I just left a note.

Gusto ko mang mag-stay ng matagal kina Liz, I have to leave her again.

Pagdating namin sa bahay nila, si Renee ang nagbukas ng pinto.

Hindi ito agad nagsalita pero siguro nahalata niya na something was wrong.

Sa akin ito tumingin at ng magpaalam si Liz na aakyat sa kuwarto, naiwan ako para magbalita kay Renee ng nangyari.

"Oh my god," iyon lang ang nasabi nito.

Tinakpan ni Renee ang bibig niya at hindi na ulit nagsalita.

I have to excuse myself para sumunod kay Liz.

Pagpasok ko sa kuwarto niya, nakaupo lang ito sa kama at hindi pa din nakabihis.

Tumabi ako sa kanya at inakbayan ko siya.

Hinilig niya ang ulo sa balikat ko at umiyak na naman siya.

"Wala na si Mama," sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya.

I know the concept of emptiness but to actually feel it in the form of losing a love one, hindi ko alam.

Niyakap ko na lang siya.

I don't have to words to make her feel better.

Inangat ni Liz ang ulo niya at pinunasan ang luha ng kamay niya.

"I shouldn't keep you," sabi niya sa akin.

"May lakad ka pa bukas at baka hinahanap ka na ng parents mo."

Tumayo ako at lumapit sa closet.

"Why don't you shower muna bago ako umalis?" binuksan ko ang aparador at kinuhaan siya ng damit.

Hindi pa din ito tumatayo mula sa kama.

Pinatong ko sa kama ang napiling susuotin at lumuhod ako sa harapan niya.

"Liz?"

Tumingin siya sa akin at may tumutulong luha sa mata nito.

Kung hindi lang darating si Ate Joan, I would have stayed with her.

Kailangan niya ako ngayon.

Kaya lang, ayokong lalong magalit ang magulang ko sa akin.

It's bad enough that I dropped a bomb on them and I feel like I'm walking on a tightrope dahil hindi ko alam kung kapag may sinabi ako, magiging dahilan na naman ito ng argument.

Dahan-dahang tumayo si Liz at pumunta sa banyo.

Habang naliligo siya, bumaba ako ulit.

Nag-uusap si Renee at yaya sa kusina ng pumasok ako.

"Nasaan si Liz?" tanong ni yaya.

Sinabi ko na naliligo.

Tumingin ako kay Renee at tinanong ko siya kung pwede kaming mag-usap.

"Sure," sumunod siya sa akin sa sala.

"Is everything okay?" tanong niya.

Umiling ako.

"Can you look after her?" pakiusap ko.

Tumango si Renee.

Kung noon, hindi ko naisip na I would ask her for a favor dahil sa nagseselos ako sa kanya, iba ang sitwasyon ngayon.

Kailangan ni Liz ng suporta.

Tinanong ko if I can give her my phone number.

"Don't hesitate to call if you need me," habilin ko habang tinitingnan siyang nagtatype sa telepono.

Narinig kong sumara ang pinto sa kuwarto ni Liz.

Bumalik na si Renee sa kusina.

Sumalubong si Jackie sa amo niya habang bumababa ito sa hagdanan at hinimas siya ni Liz sa ulo.

Pati ang aso, dama ang lungkot dahil ni hindi nito kinakawag ang buntot niya.

"S, kumain ka muna bago ka umalis," yaya niya sa akin.

"Bakit hindi mo ako sabayan?" tanong ko.

Iiling sana siya pero mapilit ako.

Alam kong hindi pa siya kumakain bukod sa sigurado ako na wala itong gana.

Bumalik kami sa kusina kung saan nakahanda na ang hapunan.

Pag-upo ni Liz sa pwesto niya sa kanang bahaga ng kabisera, napatingin siya sa pwesto ng kanyang ina at natulala.

The empty space was a painful reminder of a harsh reality.

"Liz?" tinawag ko siya at kumurap ito na parang nagulat na nasa harapan niya ako.

"Ipagsasandok kita ng pagkain ha?" kinuha ko ang plato niya at kumuha na ng kanin.

"Ayokong kumain. Wala akong gana," sabi niya pero hindi ako puma

"Kung kailangan kitang subuan, I will do it. Hindi ka pwedeng magpabaya sa sarili mo lalo na ngayon."

Tinitigan niya ako.

Hindi ko kailangang magpaliwanag dahil alam niya kung ano ang ibig kong sabihin.

Kinuha niya ang kutsara at tinidor at nagsimula na siyang kumain.

***

Mabigat sa loob ko ang umalis pero si Liz mismo ang nagsabi sa akin na kailangan kong magpahinga.

"I"ll be fine," sabi niya habang nakatayo kami sa tapat ng gate.

"Call me," hinawakan ko siya sa pisngi.

Tahimik ang paligid.

Walang tambay sa kalsada.

Pakiramdam ko, alam na ng mga kapitbahay nila kung ano ang nangyari.

Parang nakikiramay sila sa kanilang katahimikan.

Binuksan ni Liz ang pinto ng kotse at bago ako umalis, niyakap ko siya ng mahigpit.

"I hate leaving you like this," bulong ko sa kanya.

Lalo niyang hinigpitan ang yakap.

"I'm a big girl. Kaya ko ito," nakangiti siya pero puno ng lumbay ang kinang ng mga mata niya.

"You are not alone. Don't forget that," paalala ko sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ko siya sa pisngi.

"Ingat ka ha?" paalala niya.

Pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar ko ito.

Binaba ko ang bintana at yumuko si Liz para sumilip.

"I'll find a way to be with you," sabi ko sa kanya.

"It's okay if you can't. Matagal mo din namang hindi nakita ang kapatid mo and you should spend time with her. Nandito lang naman ako and you know where to find me."

Tumango lang ako sa sinabi niya.

Umatras si Liz at umalis na ako.

From the rearview mirror, nakita ko na nakatayo pa din siya at nakatingin habang umaandar ang kotse.

***

The following morning at the breakfast table, kalansing lang ng mga kubyertos ang maririnig sa hapag kainan.

Hindi tulad ng dati kung saan masaya kaming nagkikwentuhan habang kumakain, pakiramdam ko ay parang kaming mga isla who are separated by water.

Si Daddy was hiding under the newspaper he was reading.

Si Mommy naman, nahuhuli ko na sumusulyap sa akin kapag akala niya ay hindi ako nakatingin.

Parang pinag-aaralan niya ang itsura ko o baka naman binabasa kung ano ang laman ng isip ko?

I only have the spoon and the fork as my security.

Ayaw nilang dalawa na dinadala namin ang phone sa hapag kainan dahil sabi nila, it's very distracting at para kaming hindi tinuruan ng table manners.

I don't need any more distraction dahil as it is, wala naman sa lakad namin ang isip ko kundi kay Liz.

Hindi ako masyadong nakatulog dahil tumawag siya.

Nahihirapan din siyang makatulog kahit anong gawin niya.

Kahit pagod at gusto kong magpahinga, sinamahan ko siya hanggang nakadama siya ng antok.

Kaya naman ngayong umaga, instead of the usual cream in my coffee, black lang ang ininom ko.

Kailangan ko ng caffeine fix lalo pa at darating si ate.

Siya ang human version ng energizer bunny and it's hard to keep up with her dahil sa parang hindi ito nauubusan ng baterya.

***

On the way to the airport, sina Mommy lang ang nagkikwentuhan.

Very cold sila sa akin at kahit nasasaktan ako, I chose to respect their silence.

Iniisip ko na baka pinaprocess nila ang nangyari.

Kailangan nila ng time to understand what's going on.

Parang ako lang when I realized na I'm in love with a woman.

Staying in Laguna gave me time to be with alone with my thoughts and to figure out what I feel and what I should do.

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung infatuated lang ba ako or thrilled with the new sensation.

I've never been with a woman before, never kissed a girl either.

Being with Liz threw me for a loop but instead of avoiding her, I followed my heart.

It was a tough decision to make pero it was all worth it dahil Liz was everything I imagined and so much more.

***

Dahil hindi ako kinakausap nina Mommy, Liz was my companion.

Nagtitext kami.

During one of our conversation, may pumasok na text and it was from Renee.

Nagrereport siya.

Pinilit niya daw kumain ng almusal si Liz kahit pa ayaw nito.

"I had to emphasize self-care," text niya at natuwa naman ako.

I thanked her for what she did.

Pagdating sa airport at habang naghahanap ng parking spot, nagpaalam na ako kay Liz.

Marami ng taong nakaabang sa arrival area at halos magsiksikan ang mga ito ng i-announce na ang pagdating ng incoming flight from the US.

Parang palengke sa dami ng tao at kahit maaga pa lang, tirik na tirik na ang araw.

Pinagpapawisan ako habang nakatayo kami malapit sa pintuan.

Nakatingin si Daddy sa monitor, hoping to see Ate Joan when she arrives.

She won't be hard to miss dahil unlike me, matangkad ang mga kapatid ko.

Kaya naman lagi nila akong tinutukso na pinagkaitan ng height dahil sa literal akong nanliliit kapag katabi ko sila.

I teased them pareho na they were adopted dahil sa hindi naman matangkad ang parents namin.

"Ayun!" tinapik ni Daddy si Mommy at napatingin ako sa monitor.

May kasamang babae si Ate Joan at mukhang meron itong sinasabi dahil sa nakikita ko ang pagbuka ng bibig ni ate.

Kahit black and white ang screen, alam ko na foreigner ang kasama niya.

"Sinong kasama niya?" nagtatakang tanong ni Mommy.

"Akala ko lalake ang ipapakilala ng anak mo?" bumaling siya kay Daddy at kita ko ang disappointment sa mukha niya.

"Elena, wala namang binanggit si Joan maliban sa meron siyang kasama di ba?"

"Wala nga siyang sinabi. Kaya ko naman naisip na lalake dahil sa sobrang sinikreto niya kung sino ba ang kasama niya." Katwiran ni Mommy.

"Hindi na mahalaga kung sino ang kasama niya. Ang importante nandito na siya ngayon. Maging masaya tayo dahil sa ang tagal na nating hindi nakakasama ang anak mo."

Naputol ang usapan nila dahil naglabasan na ang mga balikbayan at tuwang-tuwa silang sumalubong sa kanilang mga kamag-anak.

Paglabas ni ate ng pinto, sumigaw agad ito ng malakas.

"Mommy!" hiyaw ni ate at napatingin ang ibang tao sa amin.

Tumakbo ito sa direksiyon namin at iniwanan niya ang suitcase at nakita ko na hinawakan ito ng kasama niya.

Blonde ang buhok ng babae at nakaponytail ito.

Sa tantiya ko, halos six feet ang height niya at pinagtitinginan siya ng ibang tao dahil sa tangkad niya.

Napatingin siya sa akin at ngumiti lang ako.

Ngumiti din siya sa akin.

Hindi ko napansin na nasa tapat ko si Ate Joan at bigla niya akong niyakap.

"Kumusta ka na, Tiny?" napangiti ako.

Tiny ang bansag niya sa akin at sila lang ni Kuya ang tumatawag sa akin nito.

"Okay naman ako, ate." Niyakap ko siya.

Tinuro ko sa kanya ang kasama niya.

"Oo nga pala, nakalimutan ko ang matangkad kung bagahe." Biro ni ate.

Natawa si Mommy at Daddy.

Nilapitan niya ulit ang kasama para ipakilala sa aming lahat.

"Everyone, meet my friend Trish."

Ngumiti ang blond at blue-eyed girl sabay inabot ang kamay kay Daddy.

"How do you do?" pormal na tanong nito habang kinakamayan ang aking ama.

Ganoon din ang ginawa nito kay Mommy.

Nakatingala kaming tatlo sa kanya at hindi mawala ang ngiti sa mukha nito.

Ang maputing kutis ay medyo namumumula na dahil sa init ng panahon.

"We should get going," kinuha ni Daddy ang suitcase ni ate.

Sumunod kami sa kanya habang tumatawid sa kalsada.

Nasa likuran ako ni Ate Joan at Trish.

I've heard of gaydar before but I don't know how it works.

Somehow, in the presence of Ate Joan and Trish, I couldn't stop it from pinging.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top