Chapter 19: Dominos




                 

Annulment.

After years of separation and not talking to Mama, bigla na lang sumulpot si Papa na may dala-dalang annulment papers.

Nang tumawag sa akin si yaya, sinabi niya na ayaw niya sanang ipakausap si Mama kay Papa dahil sa natutulog ito pero narinig nito ang boses ng aking ama.

Ito mismo ang nagsabi na papasukin sa kuwarto niya si Papa.

Tulad ng ginawa ni Papa ng magdesisyon itong makipaghiwalay, hindi ito nagpaligoy-ligoy tungkol sa pakay niya.

Inabot niya kay Mama ang mga dalang papeles at habang binabasa nito ang nakasulat sa mga dokumento, hindi napigilan ni Mama ang umiyak.

Mula sa pag-iyak, nauwi ito sa nervous breakdown na naging dahilan para iwanan ko ang trabaho ko para sumunod sa kanila sa ospital.

Hindi ko na nagawang makapagpaalam sa boss ko kaya si Nella na lang ang nagpaalam para sa akin.

Habang nasa biyahe, bumalik ang galit na akala ko ay matagal ng nanahimik sa puso ko.

Buhay na buhay pa din ang sakit at tulad ni Mama, naiyak ako.

Ang luha ko ay hindi dahil sa naaawa ako sa aking ina kundi dahil sa bumalik ang mga ala-ala at ang sakit ng maabutan ko siyang umiiyak sa bahay dati.

Nang dumating ako sa ospital, hindi ko inaasahang makita si Papa.

Nakaupo ito sa waiting area at ni hindi tumayo ng makitang dumating ako.

Siya pala ang nagdala kay Mama sa ospital.

Nakakuyom ang kamao ko pero mabilis na humarang si yaya.

"Liezl, huwag dito, huwag ngayon." Pakiusap niya.

Tiningnan ko ang mukha ng babaeng kasama namin sa lahat ng pagsubok sa buhay namin.

Nakahawak siya sa braso ko at nagmamakaawa.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking kamao at pinakawalan ang suntok na handa kong ibigay sa taong nagdadala ng kamalasan sa buhay naming mag-ina.

"Kumusta si Mama?" tanong ko kay yaya.

"Binigyan siya ng pampakalma ng doktor at natutulog na siya."

Tumikhim si yaya bago nagsalita ulit.

"Gusto kang kausapin ng papa mo kaya naghintay siya dito."

"Ayoko siyang kausapin," galit na sinabi ko.

"Siya ang papatay kay Mama dahil sa mga ginagawa niya," kinuyom ko na naman ang kamao ko pero hinawakan ako ni yaya.

"Liezl, alam kong galit ka. Pero alam ko na mas gugustuhin ng mama mo na makipag-usap ka ng maayos sa iyong ama. Iyon ang habilin niya sa akin habang papunta kami dito. Kung ano man daw ang sasabihin sa'yo ng papa mo, sumunod ka na lang."

Typical.

Kahit noong depressed si Mama, lagi niya pa ding sinasabi sa akin na igalang ko ang aking ama.

Na huwag akong magtanim ng galit dito.

Na patuloy akong maging mabuting anak para sa kanilang dalawa kahit pa hindi ko gusto ang nangyari sa pamilya namin.

Gusto kong sabihin kay Mama na tao ako at hindi santo.

Kaya naman lumabas ang aggression ko sa ibang bagay.

During the first few months of their separation, natuto akong uminom.

Nilunod ko sa alak ang galit na naramdaman ko dahil pakiramdam ko, sinikil ni Mama ang karapatan kong magpakita ng ganoong emosyon.

Ako naman, dahil sa ayokong makadagdag pa sa isipin niya, sumunod ako sa gusto niya.

Pero dahil kinimkim ko ang galit ko, nagmanifest ito sa ibang bagay.

I was punching holes in the walls hanggang sa sinabi ng isa kong kaibigan na imbes na sirain ko ang public properties, sumama na lang ako sa kanya na magboxing.

"It's a good way to let off steam," sabi niya.

***

Tumingin ako sa kinauupuan ni Papa at nakatingin din siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya.

"Gusto mo akong kausapin?" mabigat ang tono ng boses ko.

Tumango siya.

Niyaya ko siyang pumunta sa labas ng ospital.

May mga upuan sa gilid ng hospital at doon kami umupo.

"Hindi ko ginusto ang nangyari, Liezl." Panimula niya.

"Alin sa mga nangyari ang hindi mo gusto? Ang sinira mo ang buhay namin o iyong nandito tayo ngayon sa ospital dahil sa ginawa mo?"

Bumuntong hininga si Papa.

Matagal ko na siyang hindi nakikita dahil ayokong makipag-usap sa kanya pagkatapos ng nangyari sa amin sa restaurant kung saan hindi niya nagustuhan ang nakita niyang pagbabago sa itsura ko.

Isa pa, hindi ako interesado sa buhay niya at sa kanyang pamilya.

"Liezl, hindi ako masamang tao."

"Para sa akin, you are one." Mabilis ang reaksiyon ko.

Namula si Papa, nagulat sa kaprangkahan ko.

This is another reason why I don't want to talk to him—he unleashes my bad side.

He is my kryptonite but instead of being weak, I turn out evil.

"Ang gusto ko lang is to move on with our lives," katwiran niya.

"Pa, nagmove on na kami, matagal na. Why do you have to keep showing up to disturb the peace? Hindi pa ba sapat sa'yo ang nakita mo ngayon? Masaya ka ba na makitang ang babaeng dati mong minahal ay halos hindi na makalakad? Does it give you satisfaction to see the damage you've done when you cheated on her with a younger woman and you never had the balls to tell her from the beginning kundi tinago mo ang affair mo at nagsinungaling ka sa kanya? Ganyan ka ba talaga kasama?"

Nanginginig ako sa galit.

Ang ibang taong nasa paligid ay nakatingin sa aming dalawa.

Nakakuyom na naman ang palad ko sa galit.

"Hindi mo pa din pala ako napapatawad sa nangyari.

Liezl, matagal na panahon na ang lumipas. Hanggang kailan mo dadalhin sa puso mo ang galit?"

"Hanggang patuloy mong ginugulo ang buhay namin ni Mama," sagot ko.

"Hindi ako nanggugulo. Kung wala akong respeto sa mama mo, di sana hindi ako pumunta sa bahay ninyo para personal ko siyang kausapin. Pwede namang abogado ang pumunta para makipag-usap sa kanya pero hindi ako pumayag. Gusto kong magkausap kaming dalawa."

"So utang na loob na niya sa'yo na pumunta ka sa bahay ganoon ba?"

"Liezl, be reasonable. Hindi mo naririnig ang sinasabi ko at naiintindihan ko na emosyon mo ang nangingibabaw sa'yo."
"Don't talk to me like you're a therapist. Just tell me what you want,"

Tumahimik siya saglit.

Nang magsalita siya ulit, parang may bombang sumabog sa harapan ko at bigla akong nabingi.

"You want an annulment dahil magpapakasal ka ulit?" Napailing ako.

"No wonder nagbreakdown si Mama,"

"Lumalaki na ang mga anak ko at gusto ko silang mabigyan ng mas magandang kinabukasan,"

Tiim-bagang na tiningnan ko siya.

"At ako? Bago ka nangaliwa, naisip mo ba kung gusto mo din akong bigyan ng mas magandang kinabukasan, Pa?"

"Naisip mo ba na kahit nasa kolehiyo na ako noon na kailangan ko pa din ang paggabay mo bilang ama? Naisip mo ba na kailangan kong tumayo sa sarili kong paa dahil kailangang alagaan ko si Mama?"

Naramdaman ko ang pagbalon ng luha pero ayokong umiyak sa harapan niya. Lumunok ako at nilabanan ang emosyon na rumaragasa sa dibdib ko at nag-uunahang kumawala.

"Hintayin mong magising si Mama at siya ang magdedesisyon." Tumayo na ako at bumalik sa ospital.

Papasok na ako sa elevator ng tumunog ang telepono.

Si yaya ang nasa kabilang linya.

"Liezl, ang mama mo."

Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ako.

"Anong nangyari, yaya?" Kinabahan ako.

"Bumalik ka na lang dito,"

Habang hinihintay ko na marating 8th floor kung saan nakaconfine si Mama, parang hindi ako makahinga.

Masama ang kutob ko pero sinabi ko sa sarili ko na tatagan ang loob ko.

"Huwag naman po," bigla kong nasambit.

Tumakbo ako palabas ng elevator at nang marating ko ang kuwarto ni Mama, nakita ko na maraming tao sa loob.

May mga nurses at doctor at abala sila lahat.

Nakatayo sa gilid si yaya, balisa.

"Yaya, anong nangyayari?" kabadong tanong ko.

"Hindi ko alam, Liezl, pero ng pumasok ang nurse para mag-check, tumaas yata ang presyon niya hanggang sa iyan. Nagtakbuhan silang lahat dito."

Sumilip ako sa glass window at para akong nasa isang slow motion sequence ng pelikula.

Muted ang sound pero kita mo ang intensity ng nangyayari.

Bakas sa mukha ng doktor at nurses ang bagay na alam kong magiging conclusion ng eksena pero ayokong marinig.

Nang bumalik ang tunog, ang nakabibinging steady beeping ng flatline lang ang naririnig ko.

Pakiramdam ko, tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Nanginig ang gilid ng bibig ko na usually ay sign na my emotions finally caught up with me at hindi ko na kayang pigilan ang pagbaha ng luha.

Naramdaman ko ang kamay ni yaya sa braso ko.

Tiningnan ko siya pero hindi ko siya nakikita.

Binabasa ko ang labi niya at alam kong tinatawag niya ako.

Hinablot ko ang kamay niya at pinisil niya ako ng mahigpit.

Nang humupa ang emosyon ko, sana nanatili na lang akong bingi.

"Liezl, wala na ang mama mo."

***

Autopilot.

May mga pinapirmahan silang papeles sa akin at para akong robot na sumunod lang sa gusto nila.

Hindi na bumalik ang magaling kong ama at mabuti na iyon.

Baka hindi lang suntok ang inabot niya sa akin.

Ni hindi ko matandaan na sa kaguluhan ng sitwasyon, tinawagan ko pala si Shirley para sabihin sa kanya ang nangyari.

Nakaupo ako sa tapat ng reception at naghihintay ng release papers ng makita ko siya papalapit sa akin.

"Liz,"

Iyon lang ang sinabi niya.

Tumayo ako at pagyakap niya sa akin, napahagulhol ako.

Hindi ako makapagsalita dahil walang katagang lumalabas sa bibig ko.

Dinaan ko na lang sa iyak ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.

Hinayaan niya lang ako.

Hindi siya nagsabi ng mga pampalubag loob at nagpasalamat ako.

Walang salitang magpapakalma sa akin dahil wala na ang taong pinakamamahal ko sa mundo.

Kahit hindi pa totally nagsesettle ang nangyari, alam ko na pagbalik ko sa bahay, ang  absence ni Mama ang una kong mararamdaman.

Hindi ko na maririnig ang pagtawag niya sa pangalan ko kapag dumarating ako sa trabaho.

Wala ng I love you, goodnight.

Wala ng mangungulit tungkol kay Shirley dahil para kay Mama, kami ang true-to-life Tagalog romance love story na sinusubaybayan niya....with a twist.

Humagulhol ako ng maalala ko ang mga bagay na lipas na at mananatili na lang alaala.

"I'm here," bulong niya habang hihihimas ako sa likod.

Saglit akong natahimik.

Somehow, those two words were enough to silence the frightening sounds that were ringing in my ears and the pounding in my heart.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top