Chapter 16: Proof
Gabi na pero matindi pa din ang traffic.
Halos wala ng puwang sa pagitan ng mga sasakyan at hindi nakakatulong ang ibang motorista na singit ng singit at gustong mauna sa iba.
Bago ako umalis sa opisina, tinawagan ko si Mama to tell her na baka gabihin ako ng uwi or baka hindi ako makauwi.
Nagtanong siya kung saan ako pupunta at sinabi ko na sa Laguna.
"Anong gagawin mo sa Laguna?" tanong niya.
"Pupuntahan ko lang po si Shirley," iyon lang ang sinabi ko.
Si Mama, malakas ang instinct lalo na kung may kinalaman sa akin.
Alam ko na meron siyang follow-up question at hindi nga ako nagkamali.
"May problema ba kayo ni Shirley?"
"Medyo tampuhan lang, Ma."
"Liezl, kilala kita. Hindi ka susugod sa Laguna kung maliit na tampuhan lang iyan. Pwede ka namang magtext or tumawag tulad ng lagi ninyong ginagawa di ba?"
May katwiran siya.
Pero hindi pwedeng text or tawag lang ang gawin ko this time.
Kailangan ko siyang kausapin kahit pa she told me to leave her alone.
I left her long enough the whole afternoon at tama na iyon.
Pagbalik ko ng office after ng encounter namin sa stairwell, tinanong ni Nella kung bakit ako nakasimangot.
Ayokong sumagot dahil baka kung anong masabi ko pero makulit si Nella lalo na kung may gusto siyang malaman.
Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa elevator at sa hagdanan.
"What?!" nakapamulagat na tanong niya.
"Bakit iyon ginawa ni Renee?"
"Natuwa lang naman siya sa ginawa kong pagtulong," sagot ko.
Kumunot ang noo niya.
"Kailangan ba talagang yakapin ka niya?"
Kibit balikat na lang ang ginawa ko.
Kahit naman ulitin ko na it was because she was thankful for my help, for sure Nella would disagree dahil nga sa ayaw niya talaga kay Renee.
Hahaba lang ang discussion.
Buti na lang at lumapit ang kaopisina namin dahil may tanong sa kanya tungkol sa isang transaction kaya nadistract si Nella.
Bumalik na ako sa desk ko at pilit na tinutok ang atensiyon sa mga reports na kailangan kong tapusin pero wala sa trabaho ang isip ko kundi kay Shirley.
Ilang beses akong nagtangka na tawagan siya pero inisip ko na baka hindi niya sagutin.
Gusto ko siyang i-text pero baka dedmahin niya din.
Hindi ko alam kung paano siya magalit.
Is she the type na cold shoulder ang treatment?
Tahimik lang ba siya? Naghahagis ng kung anong mahawakan? Nananakit?
Pero alam ko kung ano ang dapat kong gawin at magalit man siya sa biglaan kong pagsipot sa Laguna, I have to see her.
Kaso hindi ko alam kung saan siya nakatira.
Alam ko ang address ng office nila and that's it.
Damn it! Ni hindi ko man lang naisip na I have to know where she stays para mapuntahan siya.
Now I'm at the mercy of her telling me kung saan ako pupunta.
When was the last time I was this impulsive?
Definitely not when I was with Renee.
I think I was in high school and I have a best friend then.
Bestfriend.
Ang alternative term for someone who is more than that.
Her name was Jessie.
Well, it was Jessica.
Kahit hindi namin aminin sa isa't-isa, alam namin na we are more than bestfriends.
Nag-away kami dahil sa I have to cancel our movie date.
Matagal na naming inaabangan ang pelikula pero hindi ako pinayagan ni Papa kahit pa nagmakaawa ako.
Nagalit si Jessie when I told her I couldn't go.
She was expecting na matagal na akong nagpaalam kay Papa pero I delayed asking for permission dahil hindi ako makatiyempo.
Ang ending? Tumakas ako just to follow her to the movies.
Kahit hindi na ako nakapasok sa sinehan dahil the movie was hafway through, I waited outside.
Natuwa naman siya ng makita ako.
Sa sobrang tuwa niya, niyakap niya ako in front of all our other friends who teased us for our sweetness.
Nung bata pa ako, I like being spontaneous.
Nagbago lang dahil sa mga nangyari sa buhay ko.
I became guarded, calculating.
Ngayon, parang bumabalik na naman ang pagiging impulsive ko dahil kay Shirley.
Hindi naman nawala ang ugali ko na iyon, nabawasan lang.
Sa totoo lang, I'm thrilled.
The thought of not knowing how she will react is exciting.
Parang I'm on a mission to win the girl.
I hope I do.
I didn't travel this far hoping for a negative outcome.
It could happen.
Posible iyon lalo pa at wala akong abiso.
Laging sinasabi sa akin ni Mama noon na it's inappropriate na bigla ka na lang susulpot sa bahay ng ibang tao.
Baka nga naman busy sila.
Magiging intrusive ang presence ko.
But I have to do this.
Kung hindi ko siya pupuntahan, mag-iisip lang ako till the next time she decides to talk to me.
Ayokong mag-isip ng mga what-ifs at what-nots.
At least sa ganitong paraan, malaman niya na she has nothing to be jealous of.
Yun pa ang isang bagay na nadiscover ko today.
Selosa siya.
Ni hindi man lang ako binigyan ng chance na magpaliwanag.
Namumula ang mukha niya sa galit.
I wonder what could have happened kung wala kami sa office?
Nagkaroon kaya kami ng shouting match?
Nang makalampas ako ng EDSA, I concentrated on the instructions sa GPS sa phone ko.
Sa Sta. Rosa ang office ni Shirley and I plan to call her kapag nakarating na ako sa lugar na iyon.
I've never been to this side of Laguna.
I remember going to San Pablo before in high school for a field trip but that was it.
Kumalam ang sikmura ko and I was reminded of my hunger.
Alam kong may snacks sa loob ng van dahil sa baka magutom si Mama kapag nagbibiyahe kami.
Binuksan ko ang glove compartment at tama ang hinala ko.
Merong crackers na hindi pa nabubuksan at kinuha ko ito.
Pagdating sa susunod na stoplight, kakain ako.
***
Ang less than one hour na travel time base sa map sa phone ay naging dalawang oras.
Naisipan kong tumigil sa isang department store at doon tawagan si Shirley.
Isa pa, gutom na talaga ako.
Nakaapat na pakete ako ng crackers at tinigilan ko bago ko pa ito maubos.
May nakita akong parking spot sa tapat ng mall at doon ko pinarada ang van.
Maliwanag ang paligid at merong mga sidewalk vendor sa tapat.
Merong ding mga jeep na nakatigil at naghihintay ng pasahero.
May mga tao na nakatambay sa tapat ng mall habang iyong iba naman ay pauwi na at may bitbit na mga pinamili.
Bago ako pumasok sa entrance, tinawagan ko ulit si Mama to tell her na nasa Laguna na ako.
"Mag-ingat ka, Liz, ha?"
Nanonood daw siya ng drama sa TV kasama si yaya at si Renee.
Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa mall.
Habang naglalakad, tinawagan ko si Shirley.
Ring lang ng ring ang telepono.
"Answer the phone," Sabi ko sa sarili.
Habang hindi niya sinasagot ang tawag ko, nakakaramdam ako ng pagkadismaya.
Kung hindi siya sasagot sa tawag ko, malamang babalik ako sa Manila na isang bigo.
Ibababa ko na sana ang telepono para tawagan siya ulit ng marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.
"Liz?" iyon ang sinabi niya.
"Shirley, please don't hang up." Mabilis kong sinabi.
"What do you want?" galit pa din ang tono ng boses niya.
"I'm here," sagot ko.
"What do you mean you're here?"
"In Laguna, I mean, in a mall somewhere in Sta. Rosa." Paliwanag ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I came here to tell you I'm sorry,"
***
Hindi na ako nag-abala na pumunta sa food court para bumili ng pagkain.
Pagkatapos ibigay ni Shirley ang address niya, bumalik ako sa parking lot at sumakay na ulit sa kotse.
Pagkalampas na mall, nag-iba na ang scenery dahil sa hindi masyadong maliwanag ang kalsada.
Malamig din ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid.
In ten minutes, narating ko ang lugar ni Shirley kahit pa medyo nagduda ako kung tama ba ang address na binigay niya lalo na ng pumasok ako sa isang back road.
Dahil hindi ako pamilyar sa lugar, bumalik ang kaba ko.
Umasa na lang ako na ito ang tamang destinasyon ko.
Sinipat ko ang mga numero ng bahay pero wala akong makita dahil sa madilim.
Pero ng makita ko na naiilawan ang pader kung saan nakalagay ang numero ng tinutuluyan niya, pinarada ko ang van sa gilid ng bahay.
Malaki ang bahay ni Mr. Perez at mas moderno kumpara sa mga kapitbahay nila.
Pinatay ko ang makina at bago bumaba ng van, binuksan ko ang ilaw para sipatin ang itsura ko sa salamin na nakadikit sa visor.
Kita ko ang pagod sa mata ko at nangingintab ang noo ko kaya naman pinunasan ko ito ng tissue.
Pagkatapos ay bumaba na ako sa sasakyan at pinindot ang doorbell.
May lumabas na guwardiya at bago pa ito makapagtanong kung sino ako ay nasa likuran niya na si Shirley.
Hindi ito ngumiti ng makita ako pero sinabi sa guwardiya na bisita niya ako at sa labas kami mag-uusap.
"Sigurado kayo Mam?" tanong ng guard.
Tumango si Shirley.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at nagsabi siya sa guwardiya na pupunta kami sa tabing-ilog.
"Sige po, Mam."
Tiningnan ako ng guwardiya na parang kinikilala ang itsura ko.
Tumango lang ako sa kanya.
***
Habang naglalakad papunta sa ilog, tahimik lang kami ni Shirley.
Malamig ang simoy ng hangin at kinakaligkig ako dahil sa wala akong dalang jacket.
Napansin ni Shirley na hinimas ko ang braso ko at nagtanong siya kung gusto kong bumalik na lang kami sa bahay.
"No, it's okay." Sagot ko.
"Why did you have to come here?" tanong niya.
Pumasok kami sa isang mabatong iskinita at sa di kalayuan ay nakita ko ang lugar kung nasaan ang ilog.
Full moon pala kaya naman kumikinang ang tubig sa liwanag ng buwan.
Hindi ko na matandaan kung kelan ko huling nasilayan ang buwan.
Dahil sa liwanag, hindi ko makita ang mga bituin pero alam ko na nababalot nila ang langit.
Tumigil si Shirley sa tapat ng ilog at tumayo ako sa tabi niya.
"I'm sorry, S." panimula ko.
"Why are you apologizing if you didn't do anything wrong?" tanong niya.
Tumingin ako sa kanya pero nakatitig siya sa ilog.
"Because that's not how I prove to you that you can trust me," sagot ko.
Binaling ni Shirley ang tingin niya sa akin.
Hindi ko napigilan na ngumiti dahil sa ang romantic naman kasi ng moment kahit pa alam ko na hindi pa din siya totally kumbinsido.
"Do you have to come all the way here just to apologize?" tanong niya.
"I came here for you, Shirley. You're not just an ordinary person to me. Girlfriend kita and I know you're mad at what you saw. I could save myself the trouble by texting you or making a phone call but I want to do this right,"
Napangiti siya.
"You're crazy," tukso niya.
"I'm crazy for you," sabi ko.
Hindi siya nakakibo sa sinabi ko.
Lumapit si Shirley at hinawakan ako sa pisngi.
Nahagip ko ang kamay niya at hinalikan ko siya sa palad.
Kahit malamig sa tabing-ilog, mainit ang mga palad niya.
Kinabig ko siya sa bewang at niyakap.
Nilapat ni Shirley ang ulo niya sa dibdib ko.
"I could hear your heartbeat," bulong niya.
"Can you hear what it says?" tanong ko.
Inangat niya ang ulo niya at umiling.
"It says forgive the girl, Shirley." Tumawa siya at umalingawngaw ang tunog nito sa paligid.
"Puro ka naman biro eh," kunyari ay naiinis na sabi niya.
"I'm not kidding," sabi ko.
"I need your forgiveness so I can go home,"
Tinitigan ako ni Shirley.
"Why don't you stay?" tanong niya.
***
That's what I did.
I stayed.
Habang naglalakad kami pabalik sa bahay, magkahawak kamay kaming dalawa.
Wala kaming nakasalubong sa daan at noon ko lang napansin ang tunog ng mga kuliglig.
"Isn't it weird?" bigla niyang sinambit.
"Weird?" nagtatakang tanong ko.
"The sound of silence," sagot niya.
"You mean the crickets?"
Tumawa siya.
"You're not used to this aren't you?" tanong ko.
"Well, I am slowly getting used to it dahil halos one month na din naman akong nandito." Paliwanag niya.
"Do you like it here?"
"I do," sagot niya.
"Nung umpisa, akala ko, it would take a while for me to get used to it pero I was wrong."
"What do you mean?"
Tumawid muna kami sa kalsada bago siya sumagot.
"The change was better for my mood,"
Malapit na kami sa tirahan niya at bumitaw si Shirley sa pagkakahawak sa akin.
Hindi ako nagtanong.
Alam ko naman kung bakit at hindi niya kailangang magpaliwanag.
Sinabi ko sa sarili ko na I would wait till she's ready to come out to people about us.
Binuksan ng guard ang gate at niyaya niya akong pumasok.
***
Si Shirley mismo ang naghanda ng pagkain para sa akin.
Pumasok ang katulong sa kusina at nag-alok na siya na ang mag-iinit ng pagkain pero sinabihan siya ni Shirley na siya na ang bahala.
Natayo ako sa gilid ng kitchen counter at manaka-nakang tumitingin sa akin ang babae.
Sa tantiya ko nasa early 40's lang siya.
Ni hindi ito ngumingiti kapag nakikipag-usap.
"Magpahinga na kayo, Ate Lina. Kayang-kaya ko na po ito," sabi sa kanya ni Shirley.
Bago umalis, tiningnan ako ulit ng katulong.
"Liz, umupo ka na para makakain ka. I'm sure you're hungry. Namumutla ka na eh," seryosong sabi niya sa akin.
"Namumutla? Di nga?" Hinila ko ang wooden chair habang kumukuha naman si Shirley ng glass bowl.
"Kung alam ko na darating ka, di sana pinagluto kita." Sabi niya habang sumasandok ng pagkain.
Tinolang manok pala ang pagkain.
"Kahit galit ka, ipagluluto mo ako?" tanong ko sa kanya.
Lumapit si Shirley at pinatong sa wooden placemat ang pagkain.
"Now that you mentioned it, I won't cook. Merong frozen dinner sa ref at iyon ang kakainin mo." Nakangiti siya sa akin.
"That should remind me not to make you mad para hindi mo ako gugutumin."
"Siyempre hindi ko gagawin iyon sa'yo, Liz. I may be mad pero hindi ako sadista ano? Of course, I'll make something. I may be upset pero it doesn't mean I don't care."
Inabot niya sa akin ang plato pati na ang kutsara at tinidor.
Bago siya sumandok ng kanin, nagtanong muna ito kung gaano karaming serving ang gusto ko.
"One cup lang please," sagot ko.
"Okay. Are you sure? Baka hindi ka mabusog?"
"Nalipasan na yata ako ng gutom kaya konti lang ang kakainin ko," paliwanag ko.
"As you wish," Sumandok na siya ng kanin at binigay sa akin ang plato.
"Kumain ka na," yaya niya sabay hinila ang isang upuan sa tapat ko.
"Hindi mo ba ako sasabayan?" tanong ko habang kumukuha ng papaya at dahon ng sili.
"I'm good. Usually, tapos na kaming mag-dinner bago magalas-siyete. Nakahanda na kasi ang lahat bago ako dumating galing sa trabaho." Paliwanag niya.
"Sinong kasama mong kumain?" tanong ko.
"Kasabay ko na si Ate Lina kumain ngayon. Noong una, ayaw niya dahil sinusunod niya iyong etiquette between at amo at katulong. Pero napilit ko siya kasi nakakalungkot kumain mag-isa dahil hindi ako sanay. When I was with my parents, lagi akong may kasabay."
Tumahimik siya sa pagsasalita at tinitigan ako.
"What?" naconscious ako sa ginagawa niya.
"I can't believe you're here," sagot niya.
"Well I am so........" hindi ko tinapos ang sasabihin ko.
"So?" nakapangalumbaba si Shirley at nakataas ang isang kilay.
"We should make this count," Sumubo ako ng kanin.
Tumawa si Shirley.
"Don't give me any ideas, Liz."
"I don't have to do that. I think you can figure things out on your own." Sinakyan ko ang sinasabi niya.
Iniba niya ang usapan at binanggit ang tungkol sa wedding ng Tito Eddie niya.
"Will you go with me to the wedding?" tanong niya.
Humihigop ako ng sabaw at bigla akong nabulunan.
"What?" pinunasan ko ang bibig ko ng napkin.
Hinawakan ni Shirley ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Liz, I want to tell my family about us."
Pinisil niya ang kamay ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
The last time my girlfriend told her family about our relationship, she got kicked out of the house.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top