Chapter 15: LQ




                 

The idea was to surprise Liz but it was the other way around dahil ako ang nasorpresa.

Hindi ko sinabi sa kanya na I have an emergency meeting sa main office.

Bago pa man siya nakahiwalay sa pagkakayakap ni Renee, I was on my way to the stairwell.

Halos sumabog ang dibdib ko sa nakita.

Namula ang leeg ko hanggang sa gumapang ito sa tenga at sa mukha ko.

Bihira akong magalit dahil mahaba ang pasensiya ko.

It would take a lot for me to lose my cool and this was one time when I know I've lost it.

Nangingig ang kamay ko habang nakahawak sa bakal na railing at hinigpitan ko ang kapit.

My mind was telling me na there's an explanation to what I witnessed pero my heart won't listen dahil I was a feeling a lot of emotions particularly jealousy.

"Shirley wait!" Narinig ko ang boses ni Liz pero hindi ko siya pinansin.

Dire-diretso akong umakyat sa second floor to catch the elevator.

My meeting was at the 18th floor, sa HR.

I wasn't planning on climbing all the way up there dahil una sa lahat, I was wearing high heels.

Hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala siya.

Hinawakan niya ang kamay ko pero hinawi ko ito.

"Will you let me explain?" mataas din ang tono ng boses niya na parang siya pa ang galit.

Hinarap ko siya.

"What did you tell me the last night we were together? That I could trust you? Is this your way of earning my trust, Liz?" nanggagalaiti kong tanong sa kanya.

"It's not what you think, Shirley."

"What else do you want me to think eh kitang-kita ang ebidensiya? Malinaw pa sa liwanag ng buwan na naglalampungan kayo ng ex mo."

"Hindi totoo yan," tanggi niya. Bumaba na ang boses niya habang ako naman ang nanggigigil.

"Give me a chance to explain what happened. Please?"

"I don't have time for this," Sagot ko.

"Can you at least hear me out?" pakiusap niya.

Kita sa mata niya ang pag-aalala.

I wasn't the type to jump to conclusions pero ng makilala ko si Renee, I felt threatened.

I blamed the distance and her attractiveness.

Sumandal ako sa railing at tinitigan si Liz.

Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.

Di kaya dahil magaling siyang magtago ng feelings niya.

"Just leave me alone, Liz."

Magsasalita sana siya pero tiningnan ko siya ng masama.

"Fine," bigla niyang sinabi.

Bumaba siya ng hagdanan at walang lingon-lingon na lumabas.

Dahil sa tensiyon na naramdaman, bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo at hinawakan ko ang sintido ko.

This wasn't how I imagined my day to turn out.

I overreacted. I know that.

Nadala ako ng selos ko for Renee dahil mula ng makilala ko siya, lagi na lang akong nag-iisip na baka kung ano ang mangyari sa kanila ni Liz.

Proximity breeds closeness...........or contempt.

A part of me was saying I should believe Liz pero I wasn't convinced.

Tao lang din siya.

Pwede siyang matukso or tuksuhin ulit ni Renee lalo pa at she's in dire need of support.

Malay ko ba to what extent niya gagamitin ang awa factor para makuha ang gusto niya?

Damn it!

I checked my watch at three minutes na lang ay magi-start na ang meeting.

Lumabas na ako ng stairwell at nag-abang ng elevator.
***

Wala sa meeting ang atensiyon ko kundi sa nangyari sa amin ni Liz.

Dahil nahimasmasan na ako, gumana na ang aking logic.

Walang tigil ang konsensiya ko sa pagsasabing mali ang naging response ko kay Liz.

Pero how do you react to something like that?

At sa loob pa talaga sila ng elevator nagyayakapan?

What if other people saw them?
Pareho din kaya sila ng conclusion?

Sabi niya, walang dapat pagselosan pero hindi ko pa din makumbinsi ang sarili ko dahil sa alam ko ang history nilang dalawa ni Renee.

Five years silang magkasama.

Kung hindi siguro siya niloko ni Renee, baka sila pa din.

On the other hand, alam ko na I could trust Liz to never cheat on me dahil sa she knew what it was like to be cheated on.

First, by what happened to her parents and then sa kanya na din.

Excited pa naman ako while I was on my way to Lumis dahil sa magkikita kami ulit.

Hindi sapat sa akin iyong mga daily phone calls and text messages namin.

Iba pa din talaga iyong magkasama kaming dalawa.

Gusto ko ding sabihin sa kanya ang plano ko to tell my family about us.

Naisip ko na since darating si Ate Joan, for sure dadalaw din si Kuya Mike at ang family nito.

That would be the perfect opportunity to tell all of them about Liz.

It would save me time and energy dahil hindi ko sila isa-isang kakausapin.

The next person on my list was Tito Eddie.

He's like family too and I feel like he deserves to know what's going on.

Ayokong maunahan ako ng chismis.

Maigi ng sa akin niya mismo malaman ang totoo.

I was planning on applying to other companies in case hindi tanggap ni Tito ang relationship namin ni Liz.

I've been looking at apartments as well in case paalisin ako ni Mommy at Daddy sa bahay.

I'm hoping for the best and preparing for the worst.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nilang lahat kaya maigi na iyong handa.

"Do you have questions about the new program for employee health and wellness?"

Nakatingin sa akin ang facilitator ng meeting.

Lahat ng department managers ay nasa maliit na conference room ng HR.

Hindi ako nagsalita.

May nagtaas ng kamay at binaling ng facilitator ang atensiyon niya sa babaeng manager ng pay and benefits.

Wala pang isang oras ay natapos din ang meeting.

I wasn't planning on staying long sa main office dahil sa iniiwasan ko ang traffic.

Pumasok ako sa elevator at mabilis na nagtype ng message para kay Liz.

Sinabi ko lang sa kanya na I'm on my way to Laguna and I'll call her later.

I wanted to tell her I'm sorry but I hesitated kaya hindi ko sinabi.

Bumukas ang elevator sa 10th floor.

Si Ryan ang pumasok at ngumiti ng makita ako.

"Hey, Shirley. Nandito ka pala?" masayang bati niya sa akin.

"Meeting," matipid na sagot ko.

Kinumusta niya ako at ako naman, tinanong kung kelan ang alis niya for Taiwan.

"In a month's time, aalis na ako. Meron pang mga papeles na inaayos pero from the looks of it, everything's good to go." Paliwanag niya.

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo tungkol sa offer ko?"

Umiling ako.

This is not the kind of conversation I would like to have pero wala akong lusot.

I feel cornered and irritable.

"Are you testing me, Ryan?" inis na tanong ko.

Ngumiti lang siya at hindi pinansin na bad mood ako.

"I'm serious, Shirley. I still love you," bigla niyang nasabi.

Natahimik ako.

Akala ko, tatahimik na siya dahil sa hindi na ako kumibo pero hindi pa pala siya tapos sa gusto niyang sabihin.

"Hindi ganoon kadaling balewalain na lang ang pinagsamahan nating dalawa. Alam kong ilang beses mo ng sinabi na buo na ang isip mo pero umaasa pa din ako na you would reconsider,"

"I won't kaya hindi ko maintindihan kung bakit nangungulit ka pa din," naiiritang sabi ko sa kanya.

Napatingin ako sa number display at umasa na sana may pumasok na ibang tao para matigil ang conversation naming dalawa.

"Wala ba talaga akong halaga sa'yo, Shirley?"
I rolled my eyes at what he said.

"You know it's not the reason. Sinabi ko na sa'yo di ba? Why do you have to keep pushing the issue?"

Nakaramdam ako ulit ng galit dahil sa pangungulit niya.

Uminit na naman ang mukha ko at alam ni Ryan na dapat tumigil na siya pero binalewala niya lang ang reaction ko.

"Gusto mo talagang malaman?" hindi na siya ngumingiti.

"Yes, tell me once and for all para magkaroon ka na din ng closure bago ka umalis for Taiwan. You don't want to be carrying this baggage around kapag nasa ibang bansa ka na."

"Dahil I was looking forward to a future with you, Shirley. We had a good thing going on at ang pag-alis ko was part of the life I was planning."

"Ryan, alam ko naman kung ano ang dahilan why you're leaving. You told me from the start na it had something to do with your family so don't talk to me about the future." Paalala ko sa kanya.

"I know at totoo naman ang sinabi ko sa'yo. Pero kapag nakatapos na ang mga kapatid ko, gusto ko namang magfocus sa ating dalawa. I deserved to think about myself too. Don't you agree?"

"It's too late to ask me that,"

"Isa pa, you have four siblings na kailangan pang paaralin. Youre idea seemed implausible,"

"Implausible, impossible or whatever you want to call it, pero hindi ako naniniwala na hindi iyon mangyayari kung you're with me all the way."

"Well, I'm not so I'm hoping na this will be the last time na kukulitin mo ako about getting back together with you."

"You're something else, Shirley."

"What do you mean by that?"

"Parang nag-iba ka na. I knew you were always headstrong pero I didn't expect you to be this cold,"

"If being cold means being honest with you, then so be it. Ang sa akin lang, gusto kong ibigay sa'yo kung ano ang kailangan mo para matupad ang mga pangarap mo for your family."
Hindi na siya nagsalita.

Narating na namin ang ground floor at nauna siyang lumabas.

Gusto kong suntukin ang pader sa galit.

Could this day get any worse?

***

Bad luck comes in threes.

The third one was the traffic na halos hindi umandar dahil sa merong banggaan sa EDSA.

Kahit todo ang aircon sa kotse, mainit pa din ang pakiramdam ko kaya tinanggal ko ang butones ng red-short sleeve shirt satin shirt na suot ko.

Binuksan ko na lang ang music player pero kanta naman ng OMD ang tumugtog.

So in love.

Shit!

Pinalo ko ang steering wheel at papalitan sana ang kanta pero himala namang umandar ang jeep sa harapan ko.

Hinayaan ko na lang na ang kanta.

Oddly, nakuha ang atensiyon ko ng mga lyrics.

Parang kami lang ni Liz.

I'm so in love with her kaya naman ganito ako kaapektado.

I don't want anyone else to have her.

The thought scared me a bit.

Since when did I become so possessive?

Love changes everything.

I have change a lot at tama si Ryan but it had nothing to do with me being cold.

Disappointed siya dahil sa hindi niya makuha ang gusto niya.

Kahit wala si Liz sa picture, hindi ako sasama sa kanya sa Taiwan.

I'm not going to wait till matapos ang mga kapatid niya sa pag-aaral.

I admire how responsible he is to his family pero minsan, it's too much.

Nabanggit ko ito dati sa kanya and he was offended.

Siguro kung hindi able-bodied ang tatay niya, I would be more understanding.

Kaso, wala na itong ginawa kundi uminom.

Ganoon din ang kuya niya.

After matanggal sa trabaho sa isang factory, hindi na yata naghanap ng ibang mapapasukan dahil nagtatrabaho na si Ryan that time at sa kanya na lang umasa.

Ang nanay naman niya, kung hindi makaextra ng labada, walang kikitain.

Hindi alam ni Mommy ang sitwasyon na ito dahil hindi ko sinabi sa kanya.

Gusto niya si Ryan pero hindi ko alam how it would change her view of him kapag nalaman niya ang family situation nito.

Hindi siya matapobre pero noong maliliit pa kami, lagi niyang sinasabi na we should find husbands or a wife who would make our lives better lalo na financially.

Responsible naman si Ryan pero I wasn't on top of his list at naging dahilan iyon ng mga argumento namin.

Masakit man aminin pero I wasn't his priority.

Naisip ko bigla si Renee.

Di ba ito din ang reason kung bakit nag-aaway sila ni Liz?

Si Tita Magda.

Am I going to turn out like her dahil sa ang nanay ni Liz ang priority niya?

Ano ba ang nangyayari at parang may similarity ang sitwasyon na napasukan ko?

Ngayon ko lang naisip na family came first kay Liz at kay Ryan.

Hindi naman masama na yun ang values nila.

Pero paano nga kung dumating ang time na malagay din ako sa sitwasyon na kinalagyan ni Renee?

Mag-aaway din kami ni Liz?

Tumigil ako dahil sa red light.

I took a deep breath and noticed my phone na nakalagay sa drink holder malapit sa gearshift.

Hindi din nagtext si Liz.

Is she purposely avoiding me?

I did tell her to leave me alone.

Masunurin siya and I should be glad na hindi niya ako kinukulit pero I feel upset naman.

Doesn't she care about what I feel?

Hindi din ba siya curious malaman kung bakit ako naging hysterical?

Was it because I wanted her to be like Ryan who would ignore my plea hanggang sa I would give in to his persistence?

Hindi iyon pumapayag na hindi ko siya kikibuin.

But Liz is not Ryan.

I have a lot to learn about her.

Sometimes I think we're doing things backwards dahil sa kami na and yet there are a lot of things I don't know about her.

Tulad na lang ng sitwasyon namin.

Paano ba siya magalit?

Is she the type na aamuin ka or hihintayin niya na ako ang lumapit sa kanya?

How stubborn is she? Siya ba ang naga-apologize? Does she even apologize? Madali ba siyang mag-sorry?

Matagal ba siyang magalit?
Siya ba iyong tipong nagpapakipot kapag inaamo?

Hinigpitan ko ang kapit sa steering wheel hanggang sa mamutla ang kamay ko.

What started out as an exciting idea of surprising her ended up with me being surprised.

I couldn't wait till I get to Laguna and away from all the drama.

Right now, I need to step back from what I witnessed.

Emotional pa din ako and maybe, I should run pagdating ko sa Laguna.

I need to let off steam.

In my mind, I'm hoping na sana man lang, magtext si Liz.

At least maramdaman ko man lang na she's willing to put up with the emotional me.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top