Chapter 14: Renee




"Kumusta naman ang unang pagkikita ni Shirley at Renee?" tanong ni Nella habang namamasyal kami sa park ng isang mall sa Makati.

Payday ng araw na iyon at tulad ng nakagawian niya, kumain kami sa labas imbes sa cafeteria ng Lumis.

May hawak siyang frozen yogurt with fruit toppings na binili niya for dessert.

"Okay naman," matipid na sagot ko.

"By okay you mean they became instant best friends and started comparing notes about you as their girlfriend?" Mapanuksong tanong niya ulit.

Natawa ako sa sinabi ni Nella.

"Civil sila sa isa't-isa is what I mean,"

Umupo kami sa isang bench na nasisilungan ng puno.

"Buti at hindi lumabas ang pagiging antipatika ni Renee kay Shirley?" sumubo si Nella ng strawberry at pinagmasdan ang mga taong dumadaan sa park.

"Wala namang reason para maging antipatika siya kay Shirley. Isa pa, kilala mo din naman si Shirley di ba? Hindi iyon patatalo kay Renee,"

Tumango si Nella habang kumukuha ng yogurt.

"May katwiran ka diyan, friend. Feeling ko, nakahanap ng katapat niya si Renee kasi di ba, the first impression na mararamdaman mo from her is ang katarayan niya? Ang ganda nga pero ang panget naman ng ugali. Hanggang ngayon, hindi ko pa din maintindihan kung anong nagustuhan mo sa kanya at tumagal ka ng five years sa piling niya."

"Love is blind," bigla kong sagot.

"Malamang. Ni hindi ka nagpaeye-check up or better yet, brain check. Baka kung ginawa mo iyon, nakita mo agad ang future niyo."

"Tapos na naman iyon, Nella. Hanggang ngayon ba naman eh allergic ka pa din kay Renee?"

Nilapag niya ang plastic container ng yogurt sa gilid ng upuan.

"Kasi naman, the first time we met, feel ko agad ang bad vibe niya. I warned you di ba? Di ko gusto ang hilatsa ng mukha niya kahit pa may hawig siya kay Angel Aquino. Nagkamali ba ako sa prediction ko ha?"

"Oo na. Tama ka nga. Pero matagal na kaming hiwalay ni Renee."

"Hanggang kelan nga pala siya titira sa inyo? Hindi pa din ba siya nakakahanap ng bahay? Naghahanap ba talaga siya ng malilipatan?"

Magdadalawang linggo na si Renee at Robbie sa bahay.

Sabi sa akin ni yaya, wala daw mahanap na tirahan si Renee kahit pa araw-araw itong naghahanap.

Kung hindi daw sobrang mahal ng upa, hindi naman maganda ang lugar.

"Naghahanap naman daw sabi ni yaya pero walang pumapasa sa budget ni Renee,"

Sumimangot si Nella.

"Hay naku! Ang sabihin mo, ginagamit ka na naman ni Renee. Kung may delikadesa siya, unang-una hindi siya lalapit sa'yo para humingi ng tulong. Wais naman kasi siya talaga di ba? Kay Tita Magda pa siya lumapit dahil alam niya na maaawa iyon sa kanya."

Nanlalaki ang mata ni Nella habang nagsasalita.

Buti na lang at nagring ang telepono ko kaya nag-excuse ako sa kanya.

Si Shirley ang tumatawag at sa tono ng boses nito, akala ko may problema siya.

"Are you okay?" tanong ko.

"Yeah, I'm fine. I have to talk to you in person." Nagmamadaling sabi nito.

"Sure. Where do you want to meet? Gusto mo sunduin kita sa Laguna?" mungkahi ko sa kanya.

"No. Hindi na. It's a surprise,"

"A surprise?"

"Yes. I have to go, Liz. I have a meeting. I love you,"

There was a brief moment of silence between us.

Nagulat ako dahil she said the L word at mukhang ganoon din siya.

"See you on Friday, Liz."

"Okay," binaba niya na ang telepono at bumalik na ako sa pwesto namin ni Nella.

"Bakit parang nakakita ka ng multo at namumutla ka?" nagtatakang tanong niya.

"Wala naman," sagot ko.

Tumayo na si Nella at ganoon din ako.

Tiningnan niya ang oras sa suot niyang silver na relo.

"Mabuti pa bumalik na tayo sa office at baka malate tayo,"

Lumakad na kami palabas ng park.

Malapit lang ang Lumis sa mall kaya hindi namin kailangang sumakay ng taxi.

Pagbalik namin sa office, nakaupo si Renee sa lobby.

Nakita din pala siya ni Nella at kumunot ang noo nito.

"Anong ginagawa niya dito?" imbiyernang tanong niya.

"Hindi ko alam. Sunod ako sa'yo sa office, Nel."

"Text mo lang ako kung kailangan mo ng rescue ha?"

Hindi na nag-abala si Nella na batiin si Renee at hindi na ako nagulat sa ginawa niya.

Noon pa man, di niya talaga type si Renee.

"Ayokong makipagplastikan sa kanya," sabi nito sa akin.

Tumayo si Renee sa kinauupuan niya at sinalubong ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Pasensiya ka na, Liz. Si Robbie kasi, dinala ko sa ospital dahil kagabi pa mataas ang lagnat." Paliwanag niya.

Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Anong nangyari?"

"Wala pang resulta galing sa doktor."

"So bakit ka nandito? Di ba dapat nasa ospital ka kasama si Robbie?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Saglit na natahimik si Renee.

"I see," bigla kong nasabi.

"Pasensiya ka na, Liz. Kinulang kasi ang pera ko eh."

Bumuntong hininga ako.

Niyaya ko siyang umupo sa lobby.

"Renee, magtapat ka nga sa akin. Ano ba talaga ang pakay mo at sa amin ka humingi ng tulong?"

Tumungo si Renee na parang iniisip kung ano ang isasagot sa akin.

Nang tumingin siya sa akin, nangingilid ang luha nito.

"Sabi ko naman sa'yo, wala na akong malapitan."
"Nasaan ang tatay ni Robbie? Di ba siya dapat ang lapitan mo dahil sa obligasyon din niya ang bata? Bakit hindi ka pumunta sa kanya para humingi ng tulong?"

"Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang telepono. Pumunta din ako sa bahay niya pero laging wala sabi ng katulong nila. Nakausap ko ang asawa niya pero alam mo naman kung ano ang nangyayari sa mga mga kerida at legal na asawa di ba?"

Umiling ako.

"Hindi ko alam, Renee, maliban na lang sa mga palabas sa TV at sa pelikula. Hindi ako ang nangaliwa kaya hindi ko alam kung paano ba ang magkaroon ng kerida."

Natahimik si Renee.

Nang malaman ko ang relasyon niya sa lalaking iyon, hindi ko siya sinigawan o sinaktan kahit pa gustong-gusto kong maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko.

Kinausap ko siya ng mahinahon.

Tinanong ko kung bakit ginawa niya akong lokohin kahit pa binigay ko ang lahat para sa kanya.

Ang sagot? Dahil hindi niya daw maramdaman na siya ang priority ko.

Ginamit pa niyang dahilan si Mama na kesyo ito na lang ang lagi kong iniintindi.

Kaya naman hindi ko matanggap na sa kabila ng masasakit na salitang sinabi niya kay Mama, sa kanya pa ito lumapit.

"Last resort kita, Liz." Nagsalita ulit si Renee.

"Nang maghiwalay kami ni Mark, bumalik ako sa bahay ng magulang ko para humingi ng tulong."

"Akala ko, tatanggapin nila kaming mag-ina hanggang sa tinanong ako ni Papa kung ang ibig bang sabihin ng pagbabalik ko eh isa na akong normal na babae."

"Ang sabi niya, kung ang ibig sabihin nito ay magpapakatino na ako, tatanggapin nila kami ni Robbie."

"Dahil lumapit ka sa amin, ibig sabihin hindi mo kayang isakripisyo kung ano ka para sa anak mo ganun ba?"

Hindi siya sumagot.

"Liz, alam mo kung ano ang nangyari para lang makuha ko ang kalayaan ko di ba? Ikaw? Lantad ka kahit kanino. Hindi mo piniling magtago sa closet ng malaman mo na isa kang lesbian. Sa palagay mo, sa lahat ng hirap na pinagdaanan ko, babalewalain ko na lang iyon dahil sa hindi nila matanggap kung ano ako?"

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

Halos himatayin siya dahil sa ginulpi siya ng tatay niya when she came out of the closet.

"My point is, hindi mo ba man lang naisip ang anak mo? Sarili mo pa din ang inintindi mo, Renee, tulad ng lagi mong ginagawa noon. Selfish ka pa din!"

Tatayo na sana siya pero hinawakan ko siya sa braso.

"Hindi ako pumunta dito para sumbatan mo,Liz."

"Masisisi mo ba ako, Renee? Ni hindi ka man lang nagsorry sa ginawa mo sa akin tapos bigla ka na lang sumulpot kasama ang anak mo?"

Tinitigan niya ako at kahit nangangailangan ng tulong, nakita ko ang pride sa mata niya.

"I did, Liz. Pero pinalitan mo ang phone number mo. Ilang beses akong tumawag sa opisina mo pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Pumunta din ako sa bahay ninyo para personal kang kausapin pero hindi ko magawang lumapit sa'yo dahil sa alam ko kung paano kang magalit. Hindi ka nga nananakit pero nakita ko ang mga nasirang boxing equipment at ang dingding na may butas dahil sa sinuntok mo. Hindi ako makatiyempo sa'yo at habang tumatagal, nawalan na ako ng lakas ng loob."

Hindi ako nagsalita.

"Liz, walang araw na lumipas na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa'yo. Pero hindi ko pwedeng parusahan ang sarili ko dahil sa ginawa ko. May anak ako na dapat kong alagaan. Alam kong sa isip ng ibang tao, karma ito sa ginawa ko sa'yo. Alam ko din na sa mata nila, desperado ako at makapal ang mukha. Tanggap ko naman kung anong sinasabi nila. Pero kung may isang bagay na hindi ko kayang isuko para lang mahalin at tanggapin ng iba, iyon ay ang identity ko. Hindi ako abnormal. Baka sila ang abnormal dahil sa mas pinipili nilang mamayani ang galit at ang pagiging close-minded. Bigyan mo ako ng isang linggo pa at aalis na kami ni Robbie sa bahay ninyo. Pasensiya ka na kung ginambala ko kayo ni Tita Magda. Pero gusto kong malaman mo na sinakripisyo ko ang kahihiyan ko dahil kay Robbie. Ikaw ang huling taong lalapitan ko para hingan ng tulong pero wala na akong choice."

Tumulo ang luha ni Renee at pinunasan niya ito ng kamay niya.

Tumayo na siya at sumunod ako papunta sa elevator.

Nang bumukas ang pinto, sumunod ako.

Pagsara ng pinto, kumuha ako ng pera sa wallet at inabot ko ito kay Renee.

Tinanggap niya ito ng hindi tumitingin sa akin.

"I'm sorry sa ginawa ko, Liz."

Hindi ako kumibo.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.

Hindi ko napansin na narating na pala namin ang ground floor at biglang bumukas ang pinto.

Pagtingin ko, nakatayo si Shirley sa harapan ng elevator.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top