Chapter 12: Face-Off




                 

Huwebes pa lang ng gabi, sinabi ko kay Mama at yaya na dadalaw si Shirley.

Kagagaling ko lang sa trabaho at nasa kuwarto kaming tatlo.

Sabi ni yaya, umaga pa lang ay umalis na si Renee kasama si Robbie para maghanap ng malilipatang bahay.

Minamasahe ni yaya ang binti ni Mama bago siya magpahinga.

Tuwang-tuwa ang aking ina ng malaman na dadalaw si Shirley.

Inutusan niya si yaya na mamalengke bukas ng umaga para makapagluto ng maihahanda para sa pagdating ng bisita.

"Kumakain ba siya ng seafood, anak?" tanong sa akin ni Mama.

Sinabi ko na hindi naman mapili si Shirley sa pagkain.

Nang matapos magmasahe si yaya, lumabas ito ng kuwarto.

Nakiusap ako na isara ang pinto dahil gusto kong kausapin si Mama.

"Wala po palang trabaho si Renee sabi sa akin ni yaya," sambit ko at tumango ang aking ina.

"Paano iyan, Ma? Baka hindi lang sila isang linggong manirahan dito sa bahay," nag-alala kong tanong.

"Liezl, hayaan mo na muna sila dito. Tutal, malaki naman ang bahay natin at kawawa naman si Robbie."

Gusto kong sabihin sa kanya na hindi namin sila obligasyon pero tiningnan ako ng seryoso ni Mama.

Iyong tipong tingin na nagsasabi na hindi na namin ito dapat pang pagtalunan.

"Anak, hindi natin dapat ipagkait ang tulong sa nangagailangan."

"Kayo po ang bahala," iyon na lang ang nasabi ko.

***
Nabanggit ko kay Nella ang pagbabalik ni Renee sa buhay ko.

"Bakit sa inyo pumunta si Renee? Di ba may pamilya naman siya? Nasaan na ang mga kaibigan niya?" Nasa cafeteria kaming dalawa at kumakain ng lunch.

"Wala na daw siyang malapitan," sagot ko.

"Makapal talaga ang face ni Renee ano? Pagkatapos ng ginawa sa'yo, ikaw pa ang hiningan ng tulong?" Nayayamot na sabi ni Nella.

"Hindi nga ako ang sinabihan kundi si Mama,"

"Iyon na nga eh. Obvious na nagti-take advantage siya kay Tita dahil alam niya na maaawa iyon sa kanya. To think na noong kayo pa, ang malimit niyang ikagalit ay iyong kalagayan ni Tita di ba?"

"Hanggang ngayon nga ay hindi alam ni Mama na noong kami pa, iyon ang lagi naming pinag-aawayan. Wala naman akong balak na sabihin pa iyon sa kanya kasi ayoko siyang masaktan. Wala namang may gusto na mastroke siya,"

Sinara ko ang plastic container na pinaglagyan ko ng lunch.

"Kawawa naman iyong baby ni Renee. Bakit nga ba naghiwalay sila noong boyfriend niya?"

"May asawa na pala iyon at nabuking ang relasyon nila," sagot ko.

Umiling si Nella.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Ang ganda ng kalagayan niya sa piling mo dati tapos hindi makuntento. Ayan tuloy, karma ang inabot niya."
"Alam na ba ni Shirley ang nangyari?"

Ininom ni Nella ang Coke na binili niya sa cafeteria.

"Sinabi ko na," sagot ko.

"Darating siya sa Biyernes at dadalaw sa bahay," dagdag ko.

Napangiti si Nella sa sinabi ko.

"Wow! Smart idea," bulalas niya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Well, hindi mo ba nahalata?"

"Nahalata ang alin?"

"If I'm not mistaken, malamang kinikilatis ni Shirley ang competition. Mahirap na at baka kung ano pang gawin ni Renee lalo na at malayo sa'yo ang dyowa mo,"

"Hindi naman siguro," depensa ko.

"Isa pa, wala namang competition dahil hindi ako makikipagbalikan kay Renee."

"Yan ang opinion mo pero kung ako man si Shirley, I will do the same thing. Dingding lang ang pagitan mo kay Renee. Hindi naman ikaw ang dapat niyang pagdudahan kundi ang ex mo,"

May katwiran si Nella.

Renee can be relentless lalo na kung may gusto itong makuha.

***

Pagpasok namin ni Shirley sa loob ng bahay, nakaupo si Robbie sa sahig at nilalaro si Jackie.

Tawa ito ng tawa habang hinahawakan ang ilong ng aso na hindi naman nagagalit sa ginagawa niya.

"Hello," lumapit si Shirley kay Robbie at imbes na matakot ito sa kanya ay kumaway sabay nag-hi.

"What's your name?" tanong ni Shirley.

"Robbie," nakangiting sagot nito.

Pumasok na ako sa kusina para ibigay kay yaya ang mga dala ni Shirley.

Sakto namang lumabas si Renee at nagkasalubong kami.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Nakahanda na ang mga pagkain," sabi niya sa akin.

Lumapit siya sa anak niya at nagpakilala si Shirley kay Renee.

Nakaupo na si Mama sa dining area at sinabi ko sa kanya na dumating na si Shirley.

"Bakit hindi mo papuntahin dito para makakain? Malamang gutom na siya at galing pa siya sa biyahe.

Kinuha ni yaya ang mga plastic bag at lumabas ako para yayain si Shirley.

Nakaupo sila ni Renee sa sofa at nag-uusap tungkol kay Robbie.

"Shirley, gusto kang makita ni Mama." Sabi ko sa kanya.

Nag-excuse siya kay Renee at tumayo na.

"Renee, sumabay na kayo sa pagkain." Anyaya ko.

"Mamaya na lang kami kakain at busog pa naman kami,"

Tumingin sa akin si Shirley na parang sinasabi na pilitin ko si Renee kaya sinubukan ko.

"Baka gutom na si Robbie?"

"Pinainom ko na siya ng gatas," katwiran niya.

"Isa pa, papaliguan ko na din siya dahil sa malapit na siyang matulog." Sagot ni Renee.

"Ikaw ang bahala," sabi ko.

Tumalikod na kami ni Shirley at iniwan na namin siya.

Todo ang ngiti ni Mama ng makita si Shirley.

Lumapit ito sa kanya at humalik ito sa pisngi.

"Hello Tita. Kumusta na po kayo?" masayang bati ni Shirley kay Mama.

"Okay naman, ako. Ikaw? Siguro gutom ka na? Umupo ka na para makapaghapunan ka. Pinaghanda ka namin ng kare-kare. Kumakain ka ba nito, anak?"

Napatingin sa akin si Shirley dahil sa pagtawag na aking ina.

"Opo, Tita. Paborito ko nga iyan eh," sagot niya.

"Siya, umupo ka na at kumain na tayo."

Hinila ko ang isang upuan para kay Shirley.

Bago siya dumating, kumain na si Mama dahil gusto nitong makipagkwentuhan kay Shirley.

Isa pa, ayaw niyang siya ang pagtuunan ko ng pansin.

"Dapat siya ang asikasuhin mo dahil sa bisita natin siya," katwiran ni Mama.

Abala si yaya sa pagsisilbi sa amin kahit pa sinabi ko na sumalo siya sa amin sa pagkain.

"Mamaya na ako kakain, Liz."

Hindi ko na siya pinilit.

Mula ng dumating sa bahay si Renee, lagi siyang sumasabay dito sa pagkain.

Bukod sa gusto niya itong samahan, ito ang paraan niya para kausapin ito.

Iyon ang dahilan kung bakit nalaman ko na wala pala itong trabaho.

Habang kumakain, tinanong ni Mama si Shirley kung kumusta na ang trabaho nito.

"Okay naman po, Tita." Sagot nito.

"Mabait ba ang mga kasama mo sa Laguna?"

Tumango siya bilang sagot.

"Ang mga magulang mo, nagtatrabaho pa ba sila?" usisa ni Mama.

"Retired na po sila pareho."

"May kapatid ka ba, hija?"

"Opo, Tita. Dalawa. Si Ate Joan po ay nasa abroad at nurse po siya. Si Kuya Michael naman, sa Bicol nakatira kasama ang asawa at anak niya."

Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa.

Hindi ko alam ang mga bagay na ito dahil sa hindi pa namin napag-uusapan.

"Alam ba ng magulang mo na nandito ka, Shirley?" tanong ni Mama.

"Opo. Nagpaalam naman po ako bago ako tumuloy dito."

Narinig ko ang boses ni Renee sa labas at napatingin kami ng pumasok si Robbie sa dining area.

Nakaligo na ito at nakasuot ng red pajamas na may design na mga kotse mula sa animated movie.

Lumapit ito kay Shirley para ipakita ang laruan niyang brown teddy bear.

"Ang cute naman," sabi ni Shirley sa kanya.

"Robbie, let's go to sleep na." Tinawag siya ni Renee at tumakbo ang bata papalapit sa kanya.

Kinarga ni Renee ang anak niya.

"Mag goodnight kiss ka na sa kanila,"

Nilapit ni Robbie ang kamay sa labi niya para mag blow ng kiss sa aming lahat.

"Good night," sabi ng bata.

Sabay-sabay kaming nagsabi ng good night at pumunta na sila sa kuwarto.

Paglingon ko, nakangiti sa akin si Shirley.

"Gusto mo din bang magkaanak, Shirley?" tanong ni Mama.

Kasusubo ko lang ng kanin at muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Mama.

"Gusto din po pero not right now," sagot niya.

"Siguro naman alam mo na hindi ka mabibigyan ng anak ni Liezl di ba?"

"Ma," sinaway ko siya pero hinawakan ako ni Shirley sa hita.

"Opo, Tita." Magalang na sagot nito.

"Alam ko naman po kung ano ang ginagawa ko kaya wala po kayong dapat ipag-alala,"

Sumandal si Mama sa wheelchair niya.

"Mahal ko ang anak ko at ayokong maulit ang nangyari sa kanya dati," paliwanag ni Mama sabay tumingin sa pintuan.

"Bilang ina, ako ang unang nasasaktan kapag umiiyak si Liezl. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang lahat, alam ko kung merong gumugulo sa isip niya," Tiningnan ako ni Mama at parang nangingilid ang luha nito.

Tumayo ako para punasan ang gilid ng kanyang mata.

"Ma, tama na nga iyan at naiiyak na kayo," saway ko sa kanya.

Tumayo din si Shirley at hinawakan si Mama sa kamay.

"Tita, kahit bago pa lang po ang relationship namin at alam ko naman na marami pang mangyayari, wala po kayong dapat ikabahala dahil sa mahal ko din po ang anak ninyo at gusto ko din siyang maging masaya."

Tumingin ako kay Shirley pero nakatutok ang atensiyon niya kay Mama.

Nakakataba ng puso na marinig na sa ina ko mismo niya sinabi kung gaano ako kahalaga sa kanya.

***

Pagkatapos kumain ng panghimagas, leche flan, na hinanda ni Renee sa tulong ni yaya, umakyat na kami ni Shirley sa balkonahe.

Nagpaalam muna kami kay Mama dahil gusto na nitong magpahinga.

"Salamat sa pagdalaw mo hija," sabi ni Mama pagkatapos humalik ni Shirley sa kanya.

"Sana eh huwag kang magsasawang dumalaw,"

"Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil nag-abala pa kayo,"

"Mula ngayon, huwag mong ituring na bisita ka dito sa bahay ha?"

Tumango si Shirley.

Dinala na ni yaya si Mama sa kuwarto nito para makapagpahinga na siya.

Nakasandal kami ni Shirley sa concrete railing ng balkonahe at nakatingin kami pareho sa mga bituin sa langit.

May mga gumamela at jasmin sa paso na nakapatong sa ibabaw at humahalimuyak ang amoy nito.

"Prangka pala si Tita," sambit ni Shirley sabay tingin sa akin.

"Ngayon na lang after ng nangyari sa kanila ni Papa,"

Hinawakan ako ni Shirley sa braso.

"Dati, kiyeme siya. Sunod lang sa kung anong sabihin ni Papa. Noong maghiwalay sila, may nabago sa kanya. Kung meron siyang gustong sabihin, sinasabi. Kahit ako nagulat dahil sa bigla niyang pagbabago."

"At least she's honest with me. Feeling ko, she was giving me the option to leave kung meron akong unrealistic expectations sa relationship natin tulad ng pagkakaroon ng anak,"

"Pero gusto mo ng anak di ba?" paalala ko sa kanya.

"Like what I said, not right now. It's not a deal breaker kung hindi tayo magkaroon ng anak, Liz. You were the one who said you are okay with having kids as long as someone is willing to be pregnant for you,"

Tumango ako.

"What if I don't want to get pregnant? What if eventually, ayoko pala ng kids? Will it be an issue between us?"

Inaninag ko ang mukha niya sa malamlam na ilaw galing sa poste ng Meralco.

"Shirley, as long as I'm with you, I will be happy." Sagot ko.

"You didn't answer my question, Liz."

"Kahit wala tayong anak, I will be okay. There. Are you satisfied with my answer?"

Umiling siya.

"Hmm....let's say it's not an A+ answer," prangkang sagot niya.

"Hopefully it's now an F either,"

Bumuntong hininga si Shirley.

"I know it's too early to say pero Tita made a good point when she ask me that question,"

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"I told you before that I don't like wasting my time di ba? Buti na din na as early as now, we are talking about the things that matter. Ayokong ten years into the relationship, saka natin pag-uusapan ang mga mahalagang bagay only to find out that we don't agree about a lot of things and then we'll break up. Ayokong mangyari iyon sa atin, Liz."

"I understand pero hindi natin pwedeng macontrol ang future," katwiran ko.

"But we can control today. It is only the present that we have power over. Kaya this conversation matters to me dahil it will determine our future," depensa niya.

"Hindi din naman specific ang sagot mo about having kids. You said not right now. If you were to be honest with me, do you or do you not want kids?"

Saglit siyang natahimik.

"Okay, since you asked, I would tell you that right now, my mind is on no,"

Tumango ako.

"That's better. At least I know what to expect,"

"How do you feel about that answer?"

"It's your choice and it's your body. If there's one thing I'm sure of, it's that I will respect your decision. Having kids is a decision that requires a lot of thinking."

"Will it be a deal breaker, Liz?" Lumapit siya sa akin hanggang sa wala ng puwang sa pagitan naming dalawa.

"No," sagot ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Niyaya ko siyang pumasok sa loob dahil sa may mga lamok na kumakagat sa amin.

Pagsara ko ng pinto, nagsabi si Shirley na uuwi na siya.

"Why don't you stay the night?" mungkahi ko.

May ngiting sumilay sa labi ni Shirley.

Tiningnan niya ang kuwarto ko.

Terno ang green and white pillowcases at blanket sa beddings ng queen size bed.

Amoy bagong laba din ang mga ito.

Sa kanang bahagi ng kama nakapwesto ang mahogany desk kung saan nakalagay ang laptop at mga notebooks.

Sa kaliwa naman ay may nightstand na may nakapatong na black lamplight at alarm clock.

May malaking bookshelf sa tapat ng kama na naglalaman ng framed photographs ng mga famous landmarks ng lugar na pinuntahan namin ni Mama at sari-saring libro.

"Is that why you changed the sheets?" tukso niya.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Just to let you know, masipag si yayang magpalit ng beddings every two weeks," paliwanag ko.

"If you don't want to stay, it's okay."

Lumapit sa akin si Shirley at pinaglaruan ang second button ng suot kong blue polo shirt.

"Do you really think I would say no to your offer?" may mapanuksong tingin sa mga mata niya.

"I was hoping you'd say yes," sagot ko.

"Then yes," sabi ni Shirley sabay tumingkayad para humalik.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top