Chapter 1: Farewell Party







"Hahayaan mo na lang siyang umalis ng hindi mo man lang nasasabi ang nararamdaman mo?"

Inalis ko ang tingin sa harapan ng conference room kung saan nakatayo si Shirley habang kausap ni Arthur, ang HR manager namin.

Pareho silang nakangiti at parang hindi pansin ang ingay ng iba naming kaopisina na may kanya-kanyang topic na pinag-uusapan.

"Anong sabi mo?" Tanong ko kay Nella, ang officemate at bestfriend ko na din.

"Hay naku. Ayan ka na naman eh. Dinededma mo na naman ang mga sinasabi ko." Nayayamot niyang sagot.

"Eh hindi ko naman talaga narinig eh."

Nilapag niya ang hawag na Coke in can sa ibabaw ng lamesa.

"Balita ko, she's single again. Kaya nga daw pumayag na tanggapin ang promotion para i-manage ang satellite office sa Laguna dahil sa break na sila nung supervisor ng IT department. Ano nga bang pangalan nung guy? John? Jake? James?"

"Ryan," Natatawang sagot ko.

"Whatever!" Mataray na sabi niya.

"Ang importante, pwede ka na ngayong manligaw sa kanya so why don't you go for it habang may chance ka? Tatlong taon mo ng pinapantasya si Shirley. Huwag mong sayangin ang pagkakataon."

Inubos ko ang iniinom na 7-up.

"Hindi pa ba obvious sa'yo ang reason kung bakit hanggang tingin na lang sa kanya?"

"Dahil torpe ka?" Ngumisi siya.

"Straight siya." Nakasimangot na sagot ko.

"Tumingin ka ng diretso sa akin." Hinawakan niya ako sa balikat.

Nakakunot ang noo na tinitigan ko siya.

Kahit lampas alas-singko na ng hapon, maayos pa din ang make-up niya at hindi pa din magulo ang kulay brown na buhok na kulot mula sa gitna hanggang sa dulo.

Plantsado din ang suot na gray blazer at ang puting long-sleeved cotton shirt at gray pants.

"Sa panahon ngayon, you'll never know di ba?"

"Sabi nga sa LGBTQ community, they're straight until they're not? Paano mo malalaman if you won't try? Takot ka lang yatang mabasted eh?"

"Di ba sinabi ko na sa'yo na after my last relationship, ayoko ng makipagdate sa straight girls?"

"Kaya nga I've been single this whole time dahil ayoko ng maulit ang nangyari sa amin ni Renee."

"We were together for three years and then saka niya sinabi sa akin na she wanted to have kids."

"I thought it could be arranged lalo pa at madami ng advances sa science. Pero ano nga ba ang sinabi niya? Natatandaan mo pa ba?"

"Yes." Tumango siya.

"She wants to do it the traditional way. Kaya pala ganoon ay dahil sa she was cheating on you with they guy who works in a car shop."

"How do you not learn from that experience?"

"Pero Liz, iba si Renee at iba din si Shirley," Katwiran niya.

"Pero ang common denominator sa kanila ay pareho silang straight until Renee came out as bisexual. Ikaw na din ang nagsabi na Shirley just broke up with Ryan. Ayokong maging rebound."

"Ang sabihin mo, takot ka lang dahil sa natrauma ka with what happened between you and Renee."

"Sino ba naman ang hindi madadala sa nangyari sa amin? We have our lives planned and then she threw a curveball at me and it ruined everything."

Napahawak si Nella sa sintido niya.

"So, forever ka na lang magiging single ganun ba?"

"I'm not saying that. It's just that I haven't found the right person to love."

Tumingin si Nella sa harapan kung saan nakatayo pa din si Shirley at masayang kausap ang ibang staff.

"I think you found the one you want to love, Liz."

"The problem is, takot ka kaya you don't want to try."

Tumigil kami sa pag-uusap dahil nagsalita si Arthur at tinawag kaming lahat para lumapit sa harapan.

Nakapaikot kami kay Shirley pero nanatili kami ni Nella sa likuran.

"Dito na lang tayo para makaalis tayo agad." Bulong niya.

Nasa late 50's na si Arthur at kalbo na ito.

Inangat niya ang makapal na salamin na nakapatong sa dulo ng ilong niya at tipong mahuhulog.

"Thank you everyone for coming over to celebrate the promotion of Miss Shirley Soriano. As you all know, this is her last day at the office dahil by next week, she will be transferring to our Laguna headquarters."

Nagpalakpakan kaming lahat.

Tinitigan ko si Shirley tulad ng lagi kong ginagawa kapag alam ko na hindi siya nakatingin.

Maliit lang siya at mahilig magsuot ng high heels kaya madaya ang height.

Ang buhok niya na hanggang balikat ay kulay reddish brown at unat na unat din.

Meron siyang freckles sa pisngi at bihira lang itong ngumiti.

Kaya naman intimidating ang dating dahil hindi mo alam kung galit ba siya o meron lang iniisip.

Sa mga pagkakataon na nakangiti siya, lumalabas ang dimples niya na lalong nagpapatingkad sa maganda niyang mukha.

Para sa farewell party, nakasuot siya ng red dress.

Sa tingin ko, this was a special occasion dahil she diverted from her usual ensemble of wearing power suits that usually comes in navy, gray and black.

Hindi din niya suot ang kanyang round eyeglasses.

Nakasuot siguro siya ng contact lenses.

Napansin yata ni Shirley na nakatingin ako sa kanya dahil tinitigan niya ako.

Mabilis kong inalis ang tingin ko at binaling sa kisame ng conference room dahil para akong matutunaw.

"Thank you, Arthur, and of course to everyone who joined this celebration." Sabi niya.

"The transition will be a big adjustment but I will continue to deliver the same quality of service."

Nilibot niya ng tingin ang lahat ng nasa conference room.

"But I have to admit that I will miss all of you. It was a pleasure working with everyone." 

"I have never found a team like ours who is always willing to help each other whether it's job related or not."

Pumalakpak kami ulit.

Tiningnan ko ulit si Shirley at parang nangingilid ang luha niya.

Alam ko na she has been with the company for more than eight years.

If I'm not mistaken, pareho kaming nasa late 20's but unlike her who is super smart, I have never applied for any openings sa managerial positions dahil alam ko kung gaano ka-stressful ang trabaho nila.

Our company, Lumis Electronics, ang nagsusupply ng mga computers/parts sa malalaking businesses hindi lang sa Pilipinas kundi pati na din sa ibang bansa.

What started out small, four employees kasama ang security guard, is now a big company with various offices sa iba't-ibang lugar.

Ang office sa US ay nasa California pero hindi sa Silicon Valley dahil sabi nga ni Mr. Perez, ang CEO namin, masyadong mahal ang lugar na iyon.

During his speech for the opening of the office in Laguna, sinabi niya na he would rather spend his money on those who deserve it which is us and the customers.

Siniko ako ni Nella at naputol ang aking pagmumuni-muni.

"Liz, tara na! Umalis na tayo bago magsara ang gym."

"Oo nga pala. Schedule pala natin ng workout ngayon." Napakamot ako sa batok ko.

"Hay naku." Yamot na sabi niya. "Every Wednesday and Friday, lagi tayong pumupunta sa gym dahil iyon ang napagkasunduan nating dalawa. Ano na naman ang dahilan mo ngayon?"

"Hindi naman sa hindi ako magwoworkout, Nel, pero hintayin mo ako sa parking lot dahil naiwan ko ang gamit ko sa office." Depensa ko sa kanya habang pinanlalakihan niya ako ng mata.

"Bakit hindi na lang kita hintaying makabalik dito?"

"Mauna ka na sa parking lot para maiayos mo ang dala mong gamit."

"Alam ko naman na puno ng kung anu-anong sports equipment ang kotse mo kaya bago ako sumakay ayusin mo na."

Naglakad na kami pabalik sa lamesa kung saan kinuha ni Nella ang itim na duffle bag na may logo ng Fab Gym--white silhouette ng isang babaeng nakaponytail habang piniflex ang kanyang arm muscles. Para sa mga tulad ko na on the heavy side, I secretly call it Flab Gym.

Tawa ng tawa si Nella ng sinabi ko ito sa kanya kaya naman lagi niya akong pinupursigi na magworkout kahit mas gusto ko na kumain na lang kaming dalawa sa labas kesa magpapawis.

"Siguraduhin mo na darating ka ha?" Sinukbit niya ang bag sa balikat.

"Last week, hindi ka nagworkout dahil nag-overtime ka."

"Ikaw din, you will not achieve your goal of losing those excess baggage if you keep eating unhealthy food and not working out."

I rolled my eyes at hindi ito nakaligtas sa kanya.

"This wasn't my idea in the first place may I remind you, Miss Liezl Angela Martinez?" Panunukso niya.

" Isama mo na ang middle name kong Ramos para kumpleto,"

Umiling na lang siya dahil sa sarcastic na reply ko.

"I'll wait for you downstairs."

Nauna na siyang lumabas ng pinto.

May mga naiwan pa sa conference room at bago ako lumabas, nilingon ko si Shirley.

Kausap niya ang babaeng assistant ni Arthur at mukhang seryoso ang usapan nila dahil parehong nakakunot ang noo.

Nakaramdam ako ng lungkot.

May mga araw na dinadalaw ako ng depression kapag naiisip ko ang nangyari sa amin ni Renee.

Si Shirley ang ginagawa kong motivation para pumasok sa trabaho.

Most of the time, effective naman ang technique ko.

Kahit pa parang high school ang dating, I don't care.

Masaya ako kapag nakikita ko siya.

Hindi man kami nag-uusap maliban sa occasional hi's and hello's kapag nagkakasalubong kami sa hallway or sa lobby, sapat na sa akin iyon.

Most of the time, hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sa kanya.

Making small talk is not my strongest suit bukod pa sa lagi akong busy sa trabaho sa accounting department.

Si Nella lang talaga ang nakahuli sa ugali ko dahil persistent siya.

Lagi niya akong pinipilit sumama sa kanya na kumain sa labas o di kaya magwindow shopping dahil ang sabi niya sa akin during my first week in the office, masyado akong tahimik at nakakatakot daw ang mga taong tahimik.

Hindi niya daw alam kung may balak ba akong masama.

Kahit medyo offensive ang biro niya, hindi ko napigilang matawa.

Kalaunan, I realized na kaya pala wala siyang ibang kaclose sa office namin ay dahil sa sobrang prangka niya.

Matalas ang dila and it bordered on tactlessness.

Malimit, totoo naman ang mga sinasabi niya sa mga coworkers namin.

Masyado lang balat sibuyas ang karamihan sa kanila lalo na ang mga babae kaya hindi nila magets ang humor nito.

Imbes na kaibiganin siya at kilalanin, umiwas na lang sila.

Meron ngang nagtanong sa akin dati kung papaano kaming nagkasundo.

"Destiny," Yun yata ang sinagot ko.

Napakunot na lang ang noo ng babaeng kausap ko.

"Liz?" Kinakaway pala ni Nella ang kamay niya sa harapan ko.

"I'll wait for you, okay?"

Tumango ako.

Bumukas na ang elevator at pumasok na siya.

Ako naman, tumayo sa katapat na elevators at pinindot ang up button.

Nasa 16th floor ang accounting department at nasa 7th ang conference rooms.

Nagmamadali akong pumasok sa elevator ng bumukas ito at mabilis kong pinindot ang close button ng marinig ko ang boses ng isang babae.

Pinindot ko ulit ang open button at hinintay na makapasok siya.

Napalunok ako ng makita na si Shirley pala.

Ngumiti siya sa akin at tumango lang ako.

Tumayo siya sa harapan ko hinintay na sumaro ang pinto. 

Saglit pa lang na umangat ang elevator ng bigla itong tumigil. 

Namatay ang ilaw at nakiramdam ako.

Tahimik lang kaming dalawa na naghintay.

"Oh my God!" Bigla siyang nagsalita.

"You have got to be kidding me!"

Ayoko sanang magsalita dahil sa bukod sa hindi ako makapaniwala na kasama ko siya sa elevator, mas lalong hindi ako makapaniwala na naabutan kaming dalawa ng brownout.

"Okay ka lang ba?" Mahinang tanong ko.

Bumukas na ang emergency light at sa malamlam na ilaw, nakita ko na parang namumutla siya.

"No. I'm not okay."

Pinaypayan niya ang mukha gamit ang mga kamay niya.

"I'm claustrophobic."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top