ENTRY #8

Identity Case

by @Pinpinpinang

AMBER'S POV

"Long beach here we come." Jeremy excitedly exclaimed as we stepped outside Gray's car, samantalang kaming tatlo naman nila Math, we just let the breeze welcome us as it touched our skin. The palm trees are dancing with it tila ba may musikang nakakaindak na nakaplay.

This place is Mahinlok Resort, which is eight-hour drive from Bridle so we decided to rent a cottage upang kinabukasan na lamang ang byahe namin pabalik.

I looked around the area and saw a lot of tourists doing having their own activity lalo na't hindi na gaanong mainit dahil alas-kwatro na ng hapon . Some are running after each other as if there is no other people. Mayroon ding nagki-kwentuhan habang masayang naglalakad, ngunit ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang grupo na kumukuha ng litrato. Lima sila na sa tinggin ko naman ay magkakaibigan. Napatigil lang ako sa pag-iisip when Gray offered na siya na lamang ang magdadala ng baggage ko. Tatanggi na sana ako dahil hindi naman mabigat ang dala ko but he already took it.

Agad kaming nagtungo sa kanya-kanya na naming kwarto pagkatapos makuha ang susi ng cottage namin. Math and I shared a room, and so as Jeremy and Gray. Good thing our room has two beds so I don't have to share it with Math hindi naman sa ayaw ko siyang katabi sa kama but it would be better this way.

Pagkatapos naming ayusin ang kanya-kanya naming gamit ay siya ring pagpasok ni Je maya-maya ay sumunod naman si Gray.

"Bestie, let's watch fireflies tonight at eight PM. According to the poster, it's just a few kilometer away. Tinanong ko naman yung babaeng nasa front desk kanina pwede tayong magpasama sa isa sa mga staff nila para makarating dun." mahabang litanya niya na tila ba hindi na makapaghintay dumating ang gabi.

"If you will ask me, I would love to. I've never seen fireflies in person." Math answered gaya ni Je ay excited din siya. Teka, did I hear it right? Mathilde Corazon hasn't seen a firefly? My thought was interrupted when Jeremy laughed.

"HAHAHAHA, really Math?" Je asked while still laughing na tila yun na ang pinakanatatawang joke na narinig niya.

"I hasn't seen a firefly but I know a lot about them. Alam mo ba na there are more than two thousand species of fireflies? According to my research, despite of their name, only some species produce adults that glow. Fireflies in the western United States, for example, lack the ability to produce light. Males that do glow use their flash to attract females. Each species has its own pattern of lightning..." I was not able to hear what she was about to say kasi hinila na ako ni Gray palabas ng kwarto nang hindi nila namamalayan.

I just found ourselves standing in front of a café. Papasok na sana kami ng café nang harangin kami ng isang staff requesting us to take off our slippers. It seems weird pero sinunod na lamang namin kung ano ang sinabi ng staff. And to my surprise the floor of the café is flooded with water and a small bright fishes are swimming there. When I look at Gray, he just smiled.

The waitress handed us the menu habang nagpapacute kay Gray and I can't myself but roll my eyeballs buti na lang at hindi nila napansin kung hindi ay magmumukha talaga akong nagseselos na girlfriend. I ordered cashew nut milk drink because knowing Je ay magyaya siya mamaya and to my surprise Gray ordered the same. She repeated our order before she left.

Di pa kami nakalalayo ng café nang makasalubong naming sina Je at Math. Nakangiti ngayon si Jeremy na parang nang-aasar.

"Kayo Bestie ha, hindi man lang kayo nang-aya. Kakain pala kayo ni Abo." He said at hanggang ngayon ay hind pa din nawawala ang mapang-asar niyang ngiti. Samantalang tahimik lang si Gray at nakasimangot naman si Math. What would I expect? He wants me and Gray to end up together.

Nagmotor boat riding din kami. We rented two motorboats.

"Amber, diyan ka na sa motorboat ni Jeremy sumakay dito naman ako kay Gray."

Magrereklamo na sana si Jeremy ngunit inunahan na ko na siya "Let's go Je."

Bumalik na lang kami sa cottage namin upang magpahinga at para na din para makapahanda na din para sa firefly watching namin mamaya.

Seven thirty ay handa na kaming umalis, sakto naman dahil kararating lang ng staff that will serve as our guide. He greeted us and we did the same.

"How can you ask someone to be good to you if you can't do the same?" Sabi nga.

Matapos ang sampong minuto na paglalakbay ay narating na din namin ang mini-port kung saan sasakay na naman kami ng bangka para marating yung part ng ilog na madaming fireflies.

Tahimik lang kaming nakatinggin sa mga insekto na tila ba naglalaro sa mga puno. I'll be lying kung sasabihin kong hindi ako nagagandahan sa kung anuman ang nakikita namin ngayon. Hindi lang iisang puno ang napapalibutan ng fireflies. Hindi mo din aakalain na nasa liblib ka na lugar dahil sa liwanag na hatid ng mga ito, nagmimistulang Christmas tree ang mga puno dito na ngayon ay sabay-sabay ang pagpatay-sindi ng bawat ilaw.

"Oo nga pala Bestie, Abo, Maya, may quiz akong hinanda para sa inyo." Masayang wika ni Je habang itinataas- baba ang kanyang dalawang kilay.

Quiz? Kalian ba siya mauubusan niyan. Wala yatang araw na hindi siya nagbibigay ng qui—err puns I should say.

"Blow it up." Walang gana na sagot ni Gray. Siguro ay sawa na din siyang makipagtalo kay Je sa tuwing icocorect niya na puns dapat ang tawag niya doon at hindi quiz.

"Bakit may mga fireflies na carnivorous?" Tanong niya habang ibinalik ang tinggin sa mga fireflies.

" Wala ba talagang nakakaalam kung bakit? Ikaw Bestie? Abo? Maya, diba't maraming kang alam tungkol sa fireflies?" Pang-aalaska pa niya ngunit ni isa sa amin ay walang sumagot.

"Sige na nga, sasabihin ko na kung bakit. *pause* Kasi nga sila ang pinagmumulan ng powers ni Lucifer and they are evil." Sagot niya sa sariling niyang tanong habang tumatawa ng malakas not minding those people na kasama namin dito. Sabay naman kaming napangiti ni Gray. Ang ganda pala ng mga ngiti niya dagdagan pa ng alitaptap na mas nagbigay buhay sa paligid.

" Baka ang ibig mong sabihin ay luciferase. Luciferase has proven to be a useful chemical in scientific research, food safety testing and forensic tests. It can be used to detect levels of ATP (adenosine triphosphate) in cells, for example." She said confidently, well that's Math.

"Sabihin mo nga sakin Maya, kamag-anak mo ba si Jollibee?" Tanong ni Jeremy, hindi talaga niya pinapalampas ang bawat sasabihin ni Math sa tuwing may i-s-share ito.

Gusto ko sanang itanong kay Jeremy kung sino si Jollibee ngunit pagtinggin ko kay Gray, pinipigilan niya ang sarili niya na tumawa din. Tatanungin ko na sana siya kung bakit ganun ang reaksyon niya when he gave me an I'll-tell-you-later look.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang babae na makinis, maputi at di gaanong katangkaran. Maganda din ang kanyang pangangatawan.

Right, she's the same girl that I saw when we arrived pero kung titingnan siya ng maigi ngayon ay iisipin mong magkaiba sila. Earlier, she was wearing her genuine smile samantalang ngayon ay para siyang namatayan ng mahal sa buhay. Umiiyak din siya habang may kausap sa telepono.

We're on our way para sana magjogging at para na rin abangan ang pagsikat ng haring araw. Wala talaga sana akong balak na sumama sa kanila, I would rather stay in my bed ngunit hindi naman ako tinigilan ni Je hanggat hindi ako bumabangon. Pinilit ko na lang ang sarili ko na tumayo sa aking kama at naghilamos na para hindi naman nakakahiya sa kanila.

"Diba si Detective Adler yun?" tanong ni Math. Iginaya namin ang paningin naming kung saan siya nakatinggin. Makita naman namin sina Detective Adler with a police officer in his uniform.

Papunta sila sa katabi ng nirerentahan naming cottage, agad namin siyang sinundan.

Pagpasok namin ay tumambad sa amin ang isang bangkay na halos maligo na sa kanya sariling dugo she's on her of pajama. Sinusuri na nila ito ngayon. Inikot ko ang aking paningin, there are three rooms and this place is a way bigger than ours. Walang ibang gamit na kumalat maliban na lamang sa salitang 'LOW' na nakasulat sa sahig gamit ang dugo ng niya.

Nandun din ang mga apat na kasama ng biktima na ngayon ay mga suspect na sina Mr. Russel Costa, the victim's husband, Ms. Kim Arteza, Mr. Costa's secretary and at the same time their family friend. Kasama din nila si Wendell Lacsama and his fiancée Kezh Minerva Mansano.

Walang tigil din ang kanyang pag-iyak while Wendell is comforting her through caressing her back.

Kinilala ang biktima bilang si Shaira Rein Costa, a librarian. They went here for relaxation at para na din i-celebrate ang engagement nina kezh at Wendell. He shouldered all the expenses because after five years of being together, finally, pumayag na din si Kezh na pakasalan siya.

According sa report, the victim was killed approximately four hours ago. The death was due to exsanguination. Exsanguination is the loss of the blood to a degree sufficient to cause death. Wala namang nawawala na gamit ang biktima kaya hindi pagnanakaw ang motibo na suspect.

"Sir, the murder weapon is nowhere to be found." Report ng pulis na kasama ni Detective Adler.

Detective Adler ordered him to continue to search for some evidences. He also started interrogating the suspects habang kami ay nakikinig. Gray help the police officer looking for evidences, balak sanang sumunod ni Math pero agad siyang pinigilan ni Jeremy.

"Bestie, tumulong ka din sa paghahanap kami na lang muna ni Math ang bahala dito." Sabi niya sabay kindat pa. Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar niya. We headed first to the couple's room, Mr. and Mrs. Costa.

Organized lahat ng gamit sa kwarto nila. Malinis ang maliit na mesa na makikita sa gilid ng cabinet. I checked the trash bin under it, nakita ko ang nilumukos na papel. I presented it to Gray, he immediately examined what was written.

Nagpaalam naman na lalabas na muna si Gray nang makita niya ang cellphone ng biktima.

Sinunod kong pinuntahan ang kwarto nina Ms. Kim at ang bestfriend niya na si Ms. Kezh. Medyo magulo ang kwarto nila. Hahakbang na sana ako palabas nang may naradamdaman ako na malamig na bagay sa paa ko.

I did not bother to check Mr. Wendell's room dahil nakita ko na yung pulis na kasama ni Detective Adler.

Pagbalik ko ay tinatanong ni Detective Adler si Mr. Costa. "Nasaan ka nang mga alas-dos kaninang madaling araw?"

"Nasa kwarto lang ako natutulog." Mr. Costa answered.

"Kung nasa kwarto ka lang, hindi mo man lang ba namalayan na wala na pala sa tabi mo ang asawa mo?" Dagdag na tanong ni Adler.

" Napahimbing ang tulog ko maharil dala ng pagod. Kung hindi nga ako pinuntahan ni Kezh sa kwarto namin ay hindi ko pa malalaman na patay na pala si Shaira." Wika niya, halatang kanina pa pinipigilan na umiyak.

He questioned Ms. Kezh, Mrs. Costa's bestfriend. They're best friends since they were young. He asked the same question to Miss Kezh.

"Totoo ba na ikaw ang unang nakakita sa biktima?" He added.

"Ako po ang unang nakakita ng bangkay niya kanina. Galing ako sa kwarto naming ni Kim, kukuha sana ng tubig dahil nauuhaw na ako pero nakita ko na lang na wala nang buhay yung kaibigan ko." Hindi pa rin humuhinto sa pag-iyak habang sinasabi iyon.

"Miss Kim, totoo na magkasama kayo ni Mansano?" Tanong niya.

"Opo , ang totoo nga niyan ay pumunta pa si Shaira sa kwarto namin para makipagkwentuhan sa amin kahit saglit."

"Ibig bang sabihin niyan, mag-isa lang si Mr. Lacsama sa kwarto?" Detective Adler asked.

"Oo." Sagot ni Wendell.

So meaning to say, walang makakapagpatunay ng alibi niya. May lihim din daw na galit si Wendell sa asawa ni Mr. Costa dahil noong minsang nag-inuman sila ay hindi sinasadyang nasabi niya na dapat ay sa kanya ibibinigay ang promotion dahil mas malaki na ang contribution sa paglago ng negosyo ng mag-asawa kung hindi lang siya nakialam sa desisyon ng lalaking Costa, pero ang sabi kanina, hindi naman pera ang motibo sa pagpatay.

When we are already done in searching the area, sinimulan na ni Je ang kaniyang deduction.

"Kung titignan natin ang sinulat ng biktima,Mr. Wendell Oleander Lacsama is the culprit." Pagsisimula ni Jeremy samantalang nakikinig lamang kami.

"Teka sino ba ng mga batang ito at anong ang ginagawa nila dito?" tanong ni Ms. Kim.

Si Math na ang sumagot "We're detectives from Bridle and we are here to lend a hand. Kahit na bata pa lang kami, do not underestimate our ability. As a matter of fact, we were able to determine the culprit and help them solve many cases. So maybe you will allow us this time."

Detective Adler confirmed what Math had said at dahil doon ay wala na silang nagawa kundi hayaan na lamang kaming tumulong.

"However, if we are going to rearrange the letters we will be able to create the word owl. In Greek mythology, owl was Athena's sacred animal which symbolizes wisdom." Je continued and then my mind started to process everything. Tiningnan ko sina Math at Gray, parang ganun din ang iniisip nila.

"Goddess Athena's counterpart in Roman mythology is Minerva, the roman goddess of wisdom and strategic warfare and the sponsor of arts, trade, and strategy." Sabi ko naman. Basing on the names of the suspects si Ms. Kezh ang maaaring pumatay lalo na nakita sila nina Jeremy nang umalis kami ni Gray papuntang café nagsimulang magbuhat ng bangko si Math—oops, I'm sorry Math. Muntik na nga silang magkasakitan kung hindi pa sila nakita ni Ms. Kim.

"It only means that the culprit is Mr. Costa." Gray declared, hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya.

Mr. Costa and his company looked at him with shocked expression written on their face ngunit agad namang nakabawi si Mr. Costa.

"Papaanong ako ang pumatay sa sarili kong asawa? Hindi ba't si Minerva ang itinuturo ng dying message na iniwan Shaira? Oo, napapadalas nga ang away nilang mag-asawa dahil napapadalas ang pag-uwi ng madaling araw at minsan nga ay inuumaga na, pinagbibintanggan din ako ni Shai na may ibang babae. Pero ang totoong dahilan naman ay ang madalas na pagpunta ko sa mga pasugalan." He said habang pinipigilan ang sarili niya na wag sumigaw.

Ms. Mansano confirmed what Mr. Russel had said dahil siya lagi ang hinihingan ng tulong sa tuwing nagtatalo sila. Siya umano ang nagsilbing human diary ng namayapa niyang kaibigan.

"Oo nga't si Ms. Minerva ang itinuturo ng dying message pero nakalimutan yatang itapon ang panyong ginamit mo para i-frame siya." Sabi ni Jeremy.

Detective Adler asked him to show his handkerchief and there was a blood on it nakaborda ang pangalan niya doon marahil ay bigay ito ng namayapa niyang asawa.

"Bago pa man mangyari ang pagtatalo ng magkaibigan kahapon, nagtalo din kayo ng asawa mo, hindi ba? Walang nakakita sa inyong pagtatalo dahil through text messages lang ang inyong usapan. Gusto mo nang hiwalayan ang asawa mo dahil sa loob ng limang taon na pagsasama niyo ay hindi ka pa din niya mabigyan-bigyan ng anak pagkatapos niyang ipanganak ang panganay nilang anak ngayon ay nandun sa lola't lolo niya. At dahil na din mayroon kayong relasyon ng secretary mo na si Ms. Kim." Sabay- sabay silang napatinggin sa amin ni Gray.

"Papaanong--" hindi na nila natapos ang dapat nilang sasabihin when I showed them the same necklace that the victim was wearing and the owner's name was engraved on it and it was Miss Kim's and if you will observe them thoroughly makikita mo na agad kung papaano nila tignan ang isa't-isa.

Sunod na ipinakita ni Gray ang nilukot-lukot na papel na nakita ko kanina sa kwarto nila na naglalaman ng results sa check-up ni Ms. Kim nang minsan ay pumunta ito sa isang ob-gyn. Ayon dito, tatlong buwan na itong buntis so that explains why she was always wearing an over-sized shirt every time na makikita ko siya.

Halata namang gulat na gulat sila. Sa tingin ko ay ingat na ingat sila sa pagtatago ng kanilang relasyon dahil maging ang dalawa pa nilang kasama ay mukhang hindi din nila alam na may relasyon ang dalawa.

Magsasalita na sana si Mr. Costa nang kumapit si Jeremy sa akin at bumulong.

"Bestie, minumulto na ba tayo ni Mrs. Costa?" Tanong niya habang nakatingin sa may pinto at nang inilipat ko ang paningin ko doon nakita ko nga ang babaeng kamukhang-kamukha niya. Napakalungkot niyang tingnan at halatang kulang siya sa tulog at parang hinang-hina na din siya.

"Mrs. Costa?" I asked out of confusion.

Agad din silang napatingin doon sa may pinto at maging sila ay naguguluhan na din. Tumakbo papunta sa kanya si Miss Kezh, upang yakapin siya habang umiiyak. Hindi ba't patay na siya? Bakit nandito siya?

"Nahahawakan siya Kezh, ibig sabihin ay hindi siya multo pero sino ang bangkay na dito kanina at sino siya? Iisang tao lang ba sila?" nagtatakang tanong ni Jeremy ngunit walang pumansin sa kanya dahil lahat naman siguro kami ay naguguluhan sa mga nangyayari.

By just looking at them, gusto ko ulit bumalik sa mga oras na nakakasama pa namin ni Andi si Rese. My memories with them begun to flashback, mga tampuhan, lambingan at yung mga panahong nagyayaya silang dalawa para magshopping at para na din maghanap ng gwapong lalaki si Andi. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko kung hindi pa pinunasan ni Gray ang mga mata ko using his handkerchief and he gave it to me. I can see his worrying eyes.

"Wag kang mag-alala hindi naman ako natatakot sa multo ni Mrs. Costa." I kid para hindi na lamang siya mag-alala.

Nang makalapit sila sa amin ay agad niyang sinugod ang magkatabi ngayon na sina Miss Kim at Mr. Costa.

"Mga taksil, pinagkatiwalaan ko kayo pero bakit nagawa niyo pa ito. Pinatay mo ang si Shaina" Galit na tanong niya sa dalawa. Who the heck is Shaina?

"Hindi ko naman sinasadya na mabuntis. Ang totoo nga niyan, balak ko nang makipaghiwalay Rans kung hindi lang ako nabuntis dahil hindi na ako nakakatulog ng maayos tuwing gabi. My conscience is haunting me. Hindi ko naman alam na may balak na pala siyang hiwalayan si Shaira kaya nung nalaman ko na iyon nagsisi ako na pinaalam ko kaagad sa kanya na buntis ---." naputol ang explanation ni Miss Kim nang biglang bumagsak yung babaeng tumawag kay Mrs. Costa na Shaina.

Without any daily, they called the ambulance. Agad ding binigyan ng first aid ang babae.

Dumating din agad ang ambulansya. Sumama sina Miss Kezh at ang fiancée niya samantalang inaresto na nina Detective Adler si Ransvel Costa.

He confessed his crimes. Nagawa lang naman daw niya iyon dahil nasasakal na siya kay Mrs. Shaira. Masyado na nitong pinapakialaman ang kanyang buhay. Sabi niya pa, kahit naman na mag-asawa na sila dapat bigyan pa din siya ng kaunting personal space ng asawa. Inamin niya din na may relasyon nga sila ni Miss Kim anim na buwan na.

Hindi naman niya alam na ang kambal pala ng kanyang asawa na si Miss Shaina Rein Denovan ang kanyang mapapatay dahil katulad na katulad ito na kanyang asawa sa lahat ng bagay.

Miss Denovan's obsession to him was also exposed. Magkasintahan pa lang daw sila noon when she confessed to him pero dahil nga devoted siya sa kanyang kasintahan, he rejected her. After that, she acted like nothing happen hanggang sa naging mag-asawa na sila. Until this happened.

It's funny how love can ruin a person's life, take Miss Shaira as an example. She betrayed her own twin just to be her beloved one. They used to be best friends but when Russel came into their lives everything changed. Yung dating sobrang clingy at sweet na si Shaira ay nagbago dala na rin siguro ng selos. Nagkaroon ng gap sa relationship nila bilang twin and best friends. However, come to think of it, she wouldn't be able to do those things that they didn't imagine she could because of the thing called love. Is it really love or obsession?

Paglabas namin ng crime scene, we headed to the same café to grab our lunch. The same café na pinuntahan ni Gray. Ito ang pinakamalapit kaya dito kami kumain.

Parang hindi nga si Jeremy ang kasama namin ngayon dahil wala sa pagkain ang atensyon niya kundi sa mga isda na nandoon.

"Bakit kaya hinang-hina si Mrs. Shaira kanina?" Tanong ni Math bago niya isubo ang pagkain niya.

Sasagot na sana ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran ko and to my surprise, it was Khael.

"Special A, kamusta? Namiss mo ba ako?" I answered him with a smile.

"Hi Silvan." Akmang lalapitan na niya si Gray nang tumayo ito.

"Mag-usap muna tayo." He said with no emotion that can be read on his face.

"Gray, gusto mong umorder ng Jelly?" tanong ni Je sa kanya. Gray just ignored him.

Wala namang yatang nakalagay sa menu na may something jelly sa pangalan. I shot him with a puzzled look pero ginantihan niya lang ako ng nakakalokong ngiti.

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top