ENTRY #2
Title: THE TRUTH ABOUT SUN, MOON, and TALIA
by @cedengly
Note: Hi Ms. Tammii! I write detective stories too so isinama ko rin ang detectives ko ng bahagya. May character akong walang partner (lol) so I snatched Khael (I love his character) for this one shot story. If ever this story will not suit as a fanfiction of DF, okay lang po kung hindi matanggap. Knowing that this will be read by you is a big thing for me already. Hope you like it! ♥
And congratulations btw! ♥♥♥
THE TRUTH ABOUT SUN, MOON, and TALIA
“Do we really have to join this cheap contest?”
I rolled my eyes nang marinig ko ang palatak na iyon ni Norwaine. Kanina pa siya nagrereklamo magmula ng dumating kami dito. We were one of the participants in this Aspiring Detectives Showdown. Iba’t ibang universities ang narito. Lima ang required kada grupo kaya naman isinama nila ako bilang excess baggage sa kanilang apat nina Calliope, Tristan, at Crimson. Hindi nila ako kaeskwelahan kaya naman dinaya lang ni Calliope ang registration namin; para lang makumpleto ang bilang nila na lima.
“Kung ayaw mong sumali, puwede ka ng umalis,” pahayag ko. Wala kasing ibang premyo kundi detective badge. Norwaine was really after the prize. Kaya naman niya raw kami pagawaan ng pure gold badge, hindi gold-plated.
“Quit whining, bitch. Let’s just enjoy the adventure; hindi mo ‘yon kayang bayaran,” Calliope said in a not so nice tone. Nakaupo kami ngayon sa bandang unahan para hintayin ang simula ng program.
Tumahimik na kaming lima at nagkanya-kanya na kami ng ginagawa. I roamed my gaze around the hall. Marami sa mga participants ang naka-costume pa na pang-detective. ‘Yong iba ay mayroon pang sumbrero. Nakuha ang atensyon ko ng bagong dating na grupo, katulad namin ay naka-uniform lang din sila. Sa unahan namin sila naupo.
So sila ang mga taga-Bridle High.
I heard so many good things about them. They successfully solved many cases inside and outside their school. Madalas silang ikwento ng kaibigan kong taga-Bridle High. I heard somebody named Gray is really a keen observer, kagaya ni Tristan at Crimson. Unlike us, their group has only two girls; the rest are boys. One of the girls looks like a silent one. Kausap nito si Gray, the only person na kilala ko sa kanila. The other guy, whom I think is a funny guy, ay kausap ang babaeng malaporselana ang kutis. Mukha siyang mayaman. Tiningnan ko si Norwaine at nahuli kong tinitingnan niya rin ito.
She must be thinking gaano kamahal ang skin care ng babaeng ‘yon.
Ibinaling ko ang paningin ko sa kahuli-hulihang lalake sa grupo nila; only to find out na nakatingin din siya sa akin. I was caught off guard kaya pinanindigan ko na ang pagtingin sa kanya. Siya kasi ang nasa unahan ko.
“Any problem?” tanong niya at ngumiti siya.
I quickly scanned his face. Gusto kong mag-panic nang ma-realized ko kung gaano kagwapo ang may-ari ng pares ng matang nakatingin din sa akin.
Marahan akong umiling.
Tumango siya at muli akong nginitian. “I’m---“
Naputol ang sasabihin niya ng magsalita ang host sa unahan.
“Calling the attention of Veronica Madrigal and Khael Alonzo. Please proceed to the registration area.”
Nagkatinginan kaming lima.
“Hindi mo ba ako inilista, Calliope?” kunotnoo kong tanong.
Nagtataka rin ang ekspresyon ng mga mukha nila.
“Baka nga kaya ka pinapatawag kasi inilista ka ni Cali,” pairap na sagot ni Norwaine. “I told you, dapat gumala na lang tayo kaysa sumali sa pangmahirap na contest na ito.”
Calliope stood up. “Sasamahan kita. Baka may kailangan lang i-verify.”
“Ako na lang ang sasama kay Veronica,” pahayag ni Crimson. Tumayo rin siya.
Kitang kita ko ang napakatinding pag-irap ni Norwaine ng bahagyang hawakan ni Crimson ang braso ko.
“Ako na lang. I’ll text you for updates,” pahayag ko at naglakad na ako mag-isa papunta sa registration area.
Pagdating ko roon ay may lalakeng nakikipagtalo sa babaeng kumuha ng mga pangalan namin kanina. May katabi siyang may edad na lalake.
May nakasabit sa leeg nila na nagsasabing sila ay isa sa mga organizers.
“I told you, taga-Bridle High ako. I just showed you my I.D a while ago. You can confirm it with our school,” paliwanag ng lalake.
Mukhang alam ko na kung bakit din ako pinatawag.
“Yes, Mr. Alonzo. We just confirmed with Athena High that you are one of their students,” sagot ng lalakeng may edad. Nabaling ang tingin niya sa akin.
Pilit akong ngumiti at lumapit sa kanila.
“Ms. Veronica Madrigal, right? Marian University and not Emmanuel University, right? Am I right?”
I cleared my throat. Calliope said my papers as an E.U student was well-prepared. Hindi dapat ako mangamba.
Umiling ako at inilabas ang confidence na lagi kong dala-dala. “Marian University?” Itinuro ko pa ang sarili ko at nagkunwaring palinga-linga sa paligid. “You got the wrong person.”
“Signed this disqualification form bago pa namin i-disqualify ang buong grupo ninyo. We will let them compete without you pero kapag nagpumilit pa kayo, sabay-sabay kayong uuwi ngayon mismo.” Inabot sa amin ng babae ang dalawang papel.
I heaved a deep sigh.
Nakalimutan yata ni Calliope na pang-detective ang event na ito. Hindi naman siguro sila magpapa-contest kung sila mismo ay mahina ang observation at examination skills.
Hindi na ako umapela at pinirmahan na ang papel. I texted them what happened and told them na hihintayin ko na lang sila matapos. Magwawaldas na lang ako ng pera sa malapit na mall, para mamatay sa inggit ni Norwaine.
“Looks like we’re going to spend the rest of hours sa paghihintay.”
Napalingon ako sa lalakeng katabi ko. My eyes widened a little. Ngayon ko lang napansin na siya ‘yong lalakeng nasa unahan ko kanina.
Oo nga pala, Bridle High.
Nangibit-balikat ako. “Blessing in disguise.”
He extended his right hand to me. “I’m Khael... not from Bridle but from Athena High,” natawa siya sa pag-amin niya sa akin.
I smiled and reached for his hand. “Call me Ero... not from Emmanuel University but from Marian University.”
“Saan mo balak mag-stay? Are you gonna wait for them or you’ll go home ahead?” usisa ko.
“I think we’re destined to meet today so whatever your decision is, tutularan ko na lang,” nakangiti niyang sagot.
Kapag si Tristan ang ngumingiti sa akin ay gusto kong mamilipit sa kilig, but the smile of this guy had a higher effect on me.
Ilang beses kaya akong mapapalunok kung maghapon kaming magkasama?
“Let’s go to the mall?” yaya ko sa kanya.
“You’re the boss,” sagot niya. Kinuha niya ang cellphone niya at nag-dial. He gestured that he will just call his friends. “Hello Special A.” Lumayo siya ng bahagya sa akin hanggang matapos ang tawag niya.
Sabay kaming lumabas ng grand hall. Wala akong dalang sasakyan dahil dinaanan lang ako nina Crimson.
“I’m sorry but I don’t have a car with me. Nakisabay lang ako sa kanila papunta dito,” Khael said. Napakamot pa siya sa batok niya.
“Mag-taxi na lang tayo,” sagot ko at hinila ko na siya papunta sa sakayan. Mabilis naman kaming nakapara.
Khael told the driver na sa mall kami ihatid.
We arrived at the mall in less than half an hour. Mukhang may kaganapan dito dahil napakaraming tao sa may event center. Umaalingawngaw ang sigawan ng mga tao kasabay ng tila banda ng lalake na kumakanta.
“Ano’ng gusto mong gawin?” tanong ko kay Khael. Bahagya akong natigilan sa itinanong ko ng may iba akong naisip tungkol sa itinanong ko.
Clear your mind, Veronica.
“Ikaw? May gusto ka bang gawin?” balik-tanong niya at ngumisi siya.
Nag-connect ba ang iniisip namin?
Hindi ko napigilang matawa saglit.
“You’re polluting my mind, Alonzo.”
“You triggered my virgin mind, Madrigal.”
Napailing na lang ako. Naglakad-lakad kami. Nang makakita kami ng ice cream stall ay nagpilit bumili si Khael. Hindi pa naman kami parehas nagugutom kaya pumayag na ako na kahit ice cream ay may kainin kami.
“Sayang! Kung may matalino lang sana sa atin, nasagutan na natin ‘yon!” palatak ng babaeng nasa unahan namin. Habang nagkukwento siya ay napuna ko na panay ang lingon niya kay Khael na nasa likuran niya. Napapatingin din ang dalawang babaeng kasama niya pero tuloy pa rin sila sa pag-uusap. Ang lalakeng kasama ko naman ay abala sa pagsilip sa mga flavor ng ice cream. Para siyang batang excited na excited makabili.
“Sobrang hirap. Magaling ako sa English pero hindi ko kaya ang mga clues. Saan ba nila pinupulot ‘yon?” himutok ng isang babaeng may hawak ng strawberry ice cream.
“Clues?” tanong ni Khael. Nabigla ako ng bigla siyang nagtanong sa mga babaeng nasa unahan niya. Akala ko ay hindi siya nakikinig.
Detective nga naman. Masyadong chismoso.
“Po?” gulat at nahihiyang tanong ng babaeng may hawak na ice cream. Napatingin na rin ng diretso kay Khael ang dalawa pang babae.
“You said clues. Tapos na ba ang Aspiring Detectives Showdown?” usisa ni Khael.
Tila naguluhan naman ang tatlo. Mukhang wala silang alam sa sinabi ni Khael. Come to think of it, imposibleng natapos na iyon kaagad.
“Ah galing po kami sa Labyrinth Exit diyan sa third floor. Hindi po namin nasagutan ang mga tanong kaya natalo po kami.”
My eyes sharpened.
Labyrinth Exit?
Katulad ba ‘yan ng mga palaruan na may sasagutan kang clues para makalabas sa locked room?
Nagkatinginan kami ni Khael. Hindi na kami um-order ng ice cream. He held my right arm papunta sa escalator.
Pupunta kami sa third floor.
We were welcomed by two female staffs. May nakasabit na itim na I.D sa leeg nila. Nakasulat ng malaki roon ang pangalan nila.
“Hello po, Ma’am and Sir! Welcome po sa Labyrinth Exit!” masayang bati ni Joan. Iniabot niya sa akin ang isang form at ballpen habang pinapaliwanag kung ano’ng klaseng laro ang mayroon dito.
Detective game ito, katulad ng inaasahan.
“We usually encourage po to have at least four in a group para magtulungan sa clues. Parating na po ba ang mga kasama ninyo?” nakangiting tanong ni Jhie kay Khael. Abala ako sa pag-fill up ng form.
“Four? Masyado bang mahirap?” usisa ni Khael.
“Isang grupo palang po ang nagtagumpay ever since we opened a month ago,” Jhie answered and pointed out the wall at Khael’s back. “Sila palang po.”
Sabay kaming napalingon sa mga litratong nakadikit doon. Napakunot ang noo ko ng makitang kilala ko ang isang lalake roon.
“Wow. They enjoyed without me, huh?” Khael said. “Ero, sila ‘yong kasama ko kanina. Gray, Jeremy, Math, and my Special A, Amber Sison.” Nahimigan ko ng paghanga ang boses niya ng banggitin niya ang huling pangalan ng babae.
“Is she your girlfriend?” usisa ko. Gusto kong mapasimangot pero pinigilan ko.
Napairap si Khael. “Oo sana kung hindi lang nabuhay si Silvan.” Muli siyang humarap kay Jhie at Joanna. “We can solve that with just two brains. We are waiting for no one. Just the two of us.”
I smirked when I heard it. Na-excite ako na makita kung gaano kataas ang thinking skills ni Khael at gaano kalawak ang kaalaman niya.
Holy pepperoni. Smart guys really turn me on.
Pinapasok na kami sa loob.
Sa unang pinto ay sinalubong kami ng isa pang babaeng staff. Gia ang pangalan na nakasulat sa I.D niya.
“We have two categories, Ma’am and Sir. Fallacies of Reality or The Decoder. Ano po ang gusto ninyo?”
Khael looked at me as if asking me what I want.
“Fallacies of Reality,” sagot ko.
“She’s the boss today so... we’re choosing Fallacies of Reality.” Khael winked at me.
My heart almost dropped on the floor. Mabuti na lang at napigilan ko dahil wala namang pupulot nito.
“Paalala lang po, locked ang room. Enjoy the challenge, Ma’am and Sir!” makahulugang pahayag ni Gia sa amin.
This time, Khael held my right hand. Napalunok ako ng dalawang beses.
Sumarado ang itim na pintuan. Hindi naman nakakatakot sa loob. There was a bed in the middle of the room covered with a bloody red blanket. The walls had a design of big roots and moss. May tila upuan ng hari sa kaliwang bahagi ng kwarto na may katabing mannequin na walang ulo. May suot itong kulay pulang bestida.
Inilibot ko pa ang paningin ko.
“What are we gonna answer here?” kunotnoo kong tanong. Wala namang papel sa amin na ibinigay para sagutan.
Suddenly, a loud noise filled the room. I could not identify the sound pero tila tunog ito ng makina na umiikot. I saw Khael closed his eyes. Parang malalim ang iniisip niya.
Naglakad ako palapit sa kama. I pulled the blanket. Sinilip ko kung mayroong bagay na nasa ilalim nito. To my surprise, I saw two baby dolls. Bigla akong kinilabutan. Napaatras ako ng kaunti.
“Weird,” Khael said. “Haunted room yata ito, Ero.” Tumawa siya at kinuha ang dalawang manika. “Somehow, this scene is quite familiar. Hindi ko lang matandaan.”
Napailing ako. “This is really weird. What are we gonna do with that dolls? Bubuhayin?”
Khael did not respond. Naglakad-lakad siya na tila nag-iisip. The loud noise filled the room again. Pagkatapos ay tila sumisigaw na babaeng galit na galit. Sinundan ito ng tila tunog ng may nasusunog. Paulit-ulit ang ganoong tunog pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan.
Wala akong maisip kung ano ang mga iyon. Bukod sa tunog na naririnig namin, ang tanging clues ay kama, upuan, mannequin, dalawang manika at ang tila nilulumot na pader.
“We need to find the right key.”
Napalingon ako kay Khael. Naroon siya sa may itim na pintuan na dalawa ang doorknob. Nang makalapit ako sa kanya ay noon ko napansin na may nakatakip na itim na cartolina dito. Hindi mo iyon agad mapapansin. Khael stripped down the cartolina. Tumambad sa amin ang isang katerbang susi. Hindi ko iyon mabilang.
Sa baba niyon ay may letrang ‘S’ na nakasulat.
“That’s the only clue we have,” Khael said. “I’m getting irritated. Hindi ko mahanap sa utak ko kung saan ko nabasa ang mga ‘to. We only have twenty minutes to beat Silvan’s time.”
I rolled my eyes. Hindi talaga siya magpapatalo kay Gray.
Hindi puwede ang gadgets sa loob kaya naman tanging ang utak lang namin ang sandata namin. Kung iisa-isahin ko ang susi, bukas pa ako matatapos. Isa pa, wala ng challenge kung aasa ako sa swerte sa mga susi.
Fallacies of Reality.
“Fallacies,” pahayag ko. “Maybe it has something to do with what we think is real pero hindi naman? News about politics?” Napamura ako sa isip ko ng gumana na ng tuluyan ang utak ko.
“Alonzo, do you think it’s about a story? Of a president or a King? Because there’s a throne,” tanong ko sa kanya at itinuro ang upuan.
“You have a pleasing mind, Madrigal. I like you!” Khael exclaimed. I gave him a smirk. Kapwa kami nag-isip ng malalim. “Fairy tales.”
“S might mean Snow White? Pero hindi ba seven ang dwarfs niya? Bakit dalawang manika lang? Nabawasan na ba?” I wanted to shut my mouth up dahil sa corny kong tanong.
Khael chuckled. “Sa sobrang liit hindi na natin makita ‘yong lima.”
Saglit na nag-load sa utak ko ang sinabi niya. Napaubo ako dahil sa pagtawa ng ma-realized ko ang mas corny na joke na iyon.
Holy pepperoni. Funny guys really turn me on.
“I’m sure it’s about Sleeping Beauty,” seryosong pahayag ni Khael.
Sleeping Beauty?
Ano ang koneksyon noon sa lahat ng ito?
“Finally, my mind regained the knowledge I was striving to revive a while ago,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Don’t you read the real stories behind the famous fairy tales?”
Umiling ako. “I watched them when I was young but I had no time checking their behind stories.”
Kumunot ang noo niya. “Really? So you don’t know that one of Cinderella’s evil step sisters cut off her toes? And Prince Eric of Little Mermaid didn’t actually marry Ariel? He married another woman while Ariel threw herself in the ocean and turned into sea foam.”
“What?” gulat kong tanong. “Are you trying to ruin the story?”
“That’s the real story, Ero. Hindi lahat ng ‘happily ever after’ ay tunay.”
Kinuha ko kay Khael ang dalawang manika. Umupo ako sa kama at sumunod naman siya sa akin. “Now tell me about Sleeping Beauty so we can solve this case right away. Time is running.”
“The sound we hear is the sound of a spindle. Aurora pricked her finger with that. Unlike what the movies told us, hindi siya nagising dahil sa halik ng prinsipe. She was raped by a King, who was a sexual harasser, while she was asleep and got pregnant. The King just ditched her after pleasuring himself. After nine months, she gave birth to the twins... unconsciously. I don’t get the whole idea of this story but that is how it went.” Khael pointed the dolls. “Ang mga fairies ang nag-alaga sa kambal. They fed them by Aurora’s breast milk. But fortunately, one of the twins mistakenly sucked Aurora’s finger. The flax went out of her finger and boom! She woke up. She was shocked to find the twins. She didn’t know it was hers.”
Napailing ako. Parang sumakit bigla ang ulo ko. “Shorter version, please. Wala akong makitang dapat nating gawin para makalabas dito.”
“To cut it short, the King remembered and visited Aurora and was shocked to see her awake and with the twins. He had the guts to promise na babalik siya para kunin ang mag-iina. Plot twist, the king was married to a psychotic Queen who found out that he was seeing Aurora. She ordered Aurora to deliver the twins in the palace. The Queen asked their cook to kill the twins and make food out of them; to be served as a meal to the King. She was not aware that their cook didn’t follow her command instead he cooked lamb meat for the King. Feeling unsatisfied, si Aurora naman ang pinapunta niya sa palasyo. She planned to burn her alive. Aurora pleaded if she could take off her dress bago siya apuyan. The psychotic Queen agreed. While Aurora was taking off her clothes, she cried as loud as she could. Narinig siya ng King and then boom again, she was saved! And they live happily ever after... knowing she was raped while she was asleep.”
Hindi ko maipasok lahat ng sinabi ni Khael. Parang hindi ko masikmura ang katotohanang iyon.
He held my hand once again and pulled me closer to the mannequin. Kinapkapan niya ang mga bulsa nito.
“Bingo,” Khael said. May hawak na siyang lighter.
“Ano’ng gagawin mo diyan?” nagtataka kong tanong. He pushed me away from the mannequin.
“Let’s see what this dress has for us.” Nanlaki ang mata ko ng apuyan niya ang bestidang pula. Napaatras pa ako ng malayo ng magliyab ito.
Akala ko ay sasabog kami at maso-suffocate sa loob pero agad ding gumana ang tila sprinkler na nasa taas nito. We heard a click sound na parang may nahulog sa sahig.
Agad hinanap iyon ni Khael at pinulot. It was a key!
“One down,” Khael said and looked at the key. “Five minutes na lang!”
“How can we find the other key?” usisa ko. Kinuha ko sa kanya ang susi. May nakaukit na araw dito.
Hinila akong muli ni Khael palapit sa pintuan. “Help me find a key that has a moon. Five minutes, Ero. We can do it, babe.”
Tinanguan ko siya at nag-tag isang bahagi kami ng paghahanap. Mabuti na lang at matalas ang mata ko. “Found it, Alonzo!”
Hindi na ako naghintay pa at isinuksok ko na ang susi sa isang doorknob. Surprisingly, it unlocked. Sinunod ni Khael ang susi na hawak niya. “Sleeping Beauty is originally Sun, Moon and Talia.”
He hugged me tight ng magbukas ang pintuan. “We just crushed Silvan!”
Natawa na lang ako. Sobrang saya ng pakiramdam niya. I guess hindi ko malalamangan si Special A sa puso ni Khael.
But that was a fun adventure!
“Congratulations, Ma’am and Sir! You just beat our second fastest group! You are on the third place!” salubong sa amin nina Joan, Jhie at Gia. Sinabitan nila kami ng medalya.
“Third?” nagtataka kong tanong. Maging si Khael ay nagtaka.
“They just broke the record again five minutes earlier than you,” Gia said while pointing at a group na abala sa pagpapa-picture. It was the group of Gray Silvan.
“What the hell?” Khael exclaimed. Lumapit siya sa grupo ng taga-Bridle High. “I thought you already went home!”
Went home? Hindi ba’t iniwan niya ang mga ito sa contest? Bakit naman niya iisiping umuwi na ang mga taga-Bridle High?
“Because you didn’t sign the disqualification form, hinanap ka talaga namin. Akala mo ba malalamangan mo ako? Dream on, Alonzo,” Gray Silvan said and he smirked. Inakbayan niya ang babaeng nakangiti sa tabi niya, na sigurado akong si Special A.
“Sila ba ang first?” tanong ko kay Joan.
Tumango siya. “At sila po ang second.” Jhie pointed her finger behind me.
“Enjoying yourself, huh. How was it to be in one room with a really handsome guy?” Norwa whispered to my ear. Napairap ako nang wala sa oras.
I turned around and I was welcomed by the group I left behind. Nakasimangot si Crimson at Tristan. Calliope was laughing at them.
“Tayo sana ang first kung hindi ka nag-hysterical sa loob, Norwaine,” masungit na sabi ni Tristan.
Norwa glared at him. “Hindi ko kasalanan na may insekto doon na mukhang hindi namamatay.” Umirap siya saka umangkla sa braso ni Crimson.
“Ero, these are my friends.”
Napalingon ako ng magsalita si Khael.
The Bridle High detectives gave us their warmest smile.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top