ENTRY #18

Spade Through Hearts

by @yyeniahh

Isn't it ironic to mix a mystery theme into a supernatural ones? But I'll give it a try.

---

"Nice game, Gray." Sabi ng coach namin sabay tapik sa braso ko. Katatapos lang ng soccer game namin laban sa Athena High School at ang team namin ang panalo. Hindi naman sa pagmamayabang pero halos kalahati kasi ng puntos ay nanggaling sa akin.

Matapos kong ayusin ang gamit ko ay dumiretso na ako pauwi sa dorm ko na nasa loob ng premises ng Bridle High School kung saan ako nag-aaral.

Pagkarating ko ay hindi ko nadatnan ang mga roommates ko, alas sais pa lang kasi kaya wala pa sila. Malamang ay nag-gagala pa o di kaya ay hindi pa tapos ang kanilang training sa basketball. Binuksan ko ang tv na naka-hang sa dingding ng salas, na pinagsisihan ko kung bakit ko pa 'yun ginawa.

'Magandang hapon, kalalabas lamang po ng balitang ito. Mayroon nanamang dalagita ang natagpuang isang malaking bangkay sa loob ng kanyang tinutuluyang apartment. Ayon sa autopsy, mayroon din itong tahi sa kanyang dibdib at wala na itong puso. Sinasabi na masyadong maalam ang kriminal sa pag-oopera dahil maayos ang pagkakahiwa at pagkakatahi dito. Pang anim na beses na nangyayari ito at gaya ng dati ay nag-iwan ang kriminal ng markang hugis spade na isinusulat n'ya sa sahig gamit ang dugo ng bikt—"

Hindi ko na kayang pakinggan ang balita kaya naman pinatay ko na ang tv. Kinuyom ko ang kamao at huminga ng malalim. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang pangyayaring 'yon. Noong nakaraang linggo, isa sa mga naging biktima ni Spade ang taong espesyal sa'kin. Gusto kong mahuli kung sino ang kriminal na 'yon, kaso hindi ko alam kung paano.

Napagdesisyunan kong maligo muna para mabawasan 'tong init ng ulo ko. Panira kasi 'tong balita na 'to.

Ilang minuto akong nagtagal sa paliligo at pagkalabas ko ay nanlaki ang mata ko nang madatnan ang isang babae sa kwarto. Gamit ang mga kamay n'ya ay agad s'yang nag-takip ng mata nang makita n'yang nakatapis lamang ako.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Anong pakay mo?" Hindi s'ya sumagot pero unti-unti n'yang binaba ang dalawang kamay ngunit agad din namang pumikit nang makita nanaman n'ya ako.

"Hoy babae kinakausap kita."

"Mag-ayos ka muna!" Sigaw n'ya sakin at natauhan naman ako. Agad akong nagtungo sa drawer ko at naghanap ng damit na masusuot, nang matapos ako sa pagbibihis ay lumapit ako sa kanya.

"Ngayon, pwede mo na bang sagutin ang mga tanong ko, Ms.?" Unti-unti s'yang dumilat at winagayway ang kamay n'ya sa harap ko. Napakunot ang noo ko kaya sinubukan kong tabigin ang kamay n'ya ngunit nagulat ako nang tumagos lang ako sa kanya.

"Nakikita mo ako." Hindi 'yon tanong kundi isang pahayag. Nanlaki ang mga mata ko at unti-unti akong napaatras.

Bata pa lamang ako ay mayroon na akong espesyal na abilidad na kagaya nito. Kaya kong makakita ng mga kaluluwa na hindi karaniwang nagagawa ng mga normal na tao. Noong naging biktima ni Spade si Marion ay nagkaroon ako ng pagkakataon para kausapin s'ya at makapag-paalam sa kanya sa huling pagkakataon. Doon ay inamin ko ang lahat sa kanya. Inamin ko ang dahilan kung bakit labis akong nasaktan noong namatay s'ya dahil may gusto ako sa kanya. Kaso tinapos na ng tadhana ang ugnayan namin, malabo nang mangyari ang mga pangarap ko noon.

"Wala akong gagawing masama. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito. Sinunod ko lang ang mga paa ko at dito ako dinala." Tinitigan ko lamang s'ya at hindi sumagot. Magsasalita pa sana s'ya pero biglang bumukas ang pinto at nilabas nito ang isa sa mga roommates ko, si Jeremy.

"Ayos ka lang, Gray? Bakit para kang nakakita ng multo?" Bungad n'ya sa'kin sabay tawa. Sinulyapan ko ng tingin yung babaeng nasa harap ko na katabi na ni Je bago ko binalik muli sa huli ang tingin ko.

"Je, sa tingi ko nakakita nga ako." Sagot ko sa kanya at bigla naman s'yang napatawa. Nilapitan n'ya ako at nilapat ang likod ng kanyang palad sa noo ko, agad ko naman tinapik 'yun.

"Wala ka namang sakit, baka gutom ka lang. Depressed ka pa rin ba? Kasi ganyan ka simula nang mangyari yung insidente." Biglang naging seryoso ang aura n'ya. Alam n'ya kasing sensitive pa ako lalo na't s'ya ang pinag-uusapan.

"Hindi, Je. Seryoso ako."

"Sige, sabi mo eh." Dumiretso s'ya sa kama n'ya at nagpalit ng damit. Sinulyapan ko yung babae at nakita kong nakatakip nanaman yung mga mata n'ya. Medyo natawa ako at nawala rin kaagad nang makita ko ang nakakunot na noo ni Je.

"Baliw." Saad n'ya sakin at sinamaan ko s'ya ng tingin. "By the way, alis na ulit ako. May dinner date kami ni Math ngayon eh. Bye, Gray!" Hindi na n'ya ako hinintay na makapagpaalam at lumabas na kaagad ng pinto.

"Pwede ka nang dumilat." Pang-aasar ko sa babaeng nasa harap ko at ginawa n'ya nga.

"Gray pala ang pangalan mo. Tutal ikaw lang ang tanging nakakakita sa'kin, pwede mo ba akong tulungang alamin kung sino ako?"

"Bakit ako papayag?" Sagot ko sa kanya habang nakangisi.

"Sige na, Gray. Tulungan mo na ako." Pag-pilit n'ya

"Ayoko, bahala ka d'yan." 'Yan ang paulit-ulit kong sagot sa kanyang pagmamakaaawa, pero makalipas ang isang linggo ng pangungulit n'ya ay sumang-ayon akong tulungan s'ya.

Napakamot nanaman ako sa ulo ko nang maalala ko nanaman kung papaano n'ya ako napapayag.

Sinundan n'ya ako noon sa soccer training ko at hindi ko s'ya pinapansin. Nang matapos ang training ay napagdesisyunan kong bumili ng pagkain sa convenient store sa malapit. Hanggang doon ay sinusudan parin ako A. A ang tawag ko sa kanya, short for Anonymous. Mayroong tv na nakasabit sa loob ng convenient store at nag-flash ang balita tungkol nanaman sa nabiktima ng serial killer na si Spade. Na-bad trip ako dahil doon kaya't kaagad akong bumalik sa dorm at hindi na bumili pa. Sa sobrang pagiging stubborn ni A ay napa-amin ako sa kanya kung bakit ako nawala sa mood. Naikwento ko sa kanya ang tungkol kay Marion. Sinabi ko rin sa kanya na gusto kong lutasin ang kaso.

"Tutulungan kitang malaman kung sino ang kriminal. Bilang kapalit, tulungan mo naman akong alamin kung sino ako." 'Yan ang sabi n'ya sakin kaya naman na-enganyo akong sumang-ayon. Nainis ako sa sarili ko dahil pumayag ako, binigyan ko lang ng problema ang sarili ko.

"Earth to Gray! Si Special A nanaman ba 'yang nasa utak mo kaya hindi mo ako marinig?" Nabalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Khael, ang isa pang kasama ko sa dorm bukod kay Jeremy.

Simula pagkabata ay kilala ko na si Khael at aware s'ya sa abilidad na meron ako. Naikwento ko sa kanya si A kaya naman ay nagkaroon s'ya ng interes dito at pinangalanan n'ya pang 'Special A'.

"Hindi." Pagsisinungaling ko.

"Asus, kunwari ka pa." Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya sumenyas s'ya ng parang sinasarado ang bibig. "Alis lang ako, take your time with Special A." Pang-aasar n'ya, may pagkindat pang nalalaman bago lumabas ng pinto. Napailing nalang ako at tinuloy ang paggawa ko ng homework.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naurat na ako sa Pre-Cal na 'to kaya naman ay napagdesisyunan ko nalang na mag-sketch. Usually, nag-s-sketch ako kapag stress ako, kagaya ngayon. Iisipin ko pa pala kung papaano ko mahahanap ang identity ni A.

Bigla akong natigilan sa pag-guhit nang may ma-realize ako. Oo nga, tama! Agad kong pinunit ang gingawa kong sketch at sinimulang gawin ang nasa isip ko.

Kinabukasan pagkauwi ko galing Bridle, kinulit nanaman ako ni A. This time, pinapa-print n'ya sa'kin ang mapa ng buong city.

"Ngayon, anong gagawin mo d'yan?" Tanong ko sa kanya nang ilatag ko ang mapa sa lamesa kaharap n'ya.

"Ang sabi ng mga pulis sa report, randomly pumipili ng biktima ang suspect basta babaeng dalaga. Ayon kasi sa balita, walang koneksyon ang mga biktima sa isa't-isa. Pero hindi ako kumbinsido roon." Sagot n'ya habang titig na titig sa mapa.

"So, ano ang pinupunto mo?"

"Kumuha ka ng marker." Utos n'ya sa'kin nang hindi man lang sinagot ang tanong ko.

"Ang unang biktima ay mula rito." Saad n'ya sabay turo sa lugar sa mapa. "Markahan mo, ganun din sa iba pang mga biktima." Sinunod ko ang mga sinabi n'ya at sa palagay ko ay tama ang mga pulis na randomly lang pumili ng biktima 'tong si Spade.

"Anong meron d'yan?" Binigyan ko ng nagtatakhang mukha si A. Hindi ko maintindihan kung anong sense nung mga pinapagawa n'ya sa'kin.

"Nasaan na 'yung mga pinasearch ko sa'yong mga data ng city na 'to?"

"Nasa drawer ko. Sabi ko nga kukunin ko na." Sagot ko sabay punta sa drawer para kunin. Nakakinis naman, bakit ba kasi sa kaluluwa pa ako nakikipag-tulungan. Ako rin naman ang gumagawa lahat kasi hindi n'ya kayang humawak ng mga bagay.

"Ito na po mahal na prinsesa." Sinamaan n'ya ako ng tingin kaya naman itinaas ko ang dalawang kamay ko bilang kunwaring pag-suko.

"Hanapin mo lahat ng data ng mga babaeng nasa edad 18." Sinunod ko ang sinabi n'ya at inihiwalay ko sa ibang mga papeles ang mga papel na naglalaman ng data ng mga babaeng edad 18. Nilatag ko 'to sa lamesa para madali n'yang makita at masuri.

"Tugma ang lahat." Biglang saad ni A.

"Ano?"

"Ihiwalay mo ang mga papel na 'to, ito, ito, ito, ayun, ayun pa, at saka ito, 'yang pito na 'yan." Utos n'ya sakin at isa-isang tinuro ang mga dapat kong ihiwalay. Muli ko itong inayos sa pagkakalatag sa lamesa.

"Para saan ba 'yan?" Tanong ko kasi sobrang naguguluhan na talaga ako.

"Makinig ka, bawat lugar kung saan nakatira ang mga babaeng ito ay markahan mo d'yan sa mapa. Gumamit ka ng ibang kulay para hindi tayo malito." Hindi na lang ako nag-komento pa at sinunod nalang ang sinabi n'ya. Naging seryo na ang itsura n'ya at sa palagay ko ay hindi na s'ya tatanggap pa ng kahit anong biro.

"Ano namang meron d'yan?" Wala talagang sense para sa'kin ang mga pinamarkahan n'ya. Maniniwala na talaga ako sa mga pulis na walang pattern—

Napahinto ako sa pag-iisip at nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya nangmapagtanto ko na ang nasa isip ni A.

"Siguro ngayon, naiisip mo na rin kung anong naiisip ko." Komento ni A at kaagad ko naman s'yang tinanguan. Kung susundan ang lugar ng pagpatay, wala pa itong kwenta. Pero kung isasaalang-alang mo ang clue na iniwan ng kriminal—ang marka na hugis spade, malalaman mo na may pattern nga ang pag-patay! Kung titignan sa mapa ay bumubuo s'ya ng hugis spade na pattern ng pagpatay. At ang pito pang pina-markahan sa'kin ni A ay ang mga susunod pang mga biktima ni Spade.

"Kung ganoon, may pito pang bibiktimahin si Spade?" Tanong ko kay A at agad s'yang tumango.

"Kaylangan nating pumunta sa susunod n'yang target. Kaylangan natin s'yang maunahan."

"Base sa balita, mga bandang alas sais nagaganap ang krimen." Saad ko sa kanya.

"At tuwing sabado lamang s'ya umaatake." Dadag pa n'ya. "Be ready, Gray."

Matapos naming makapag-plano ni A nang gagawin namin sa sabado ay inasikaso ko naman ang paghahanap sa identidad ni n'ya. Naisip ko na humingi ng tulong sa pinsan kong si Ryu para ma-trace ang identy ni A, kaso lang hindi ko s'ya kayang kunan ng litrato kaya naman kasalukuyan kong tinatapos ang sketch ng mukha ng babae na 'yon. Wala si A ngayon dito sa dorm dahil kakalap pa raw s'ya ng iba pang impormasyon.

"Sino 'yan, Gray?" Napalikwas ako mula sa komportableng pagkakasandal ko sa headboard ng kama nang marinig ko ang boses ni Jeremy kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Napahagikhik naman ang kumag.

"Si Special A ba 'yan?" Singit naman ni Khael na kapapasok lang ng kwarto.

"Special A?" Nagtatakhang tanong ni Je. Hindi kasi n'ya alam ang abilidad ko at hindi rin naman s'ya naniniwa sa mga supernatural things.

"Gray's special girl, nowadays." Sagot ni Khael na may makahulugang ngisi.

"Hindi ka nag-ku-kwento sa'kin, Gray. Nakakatampo ka na." Ngumuso s'ya na ikinangiwi ko.

"Stop it, guys." Saad ko sa kanila ng may autoridad na tono ng boses.

"She's beautiful, no wonder kung bakit sinosolo mo s'ya." Pang-aasar ni Je sa'kin.

"Hindi na n'ya kailangang i-share sa'yo si Special A dahil may Mathilde ka na, right Gray?" Napangisi naman ako sa sinabi ni Khael na kaagad din namang nawala nang "Kaya sa'kin mo nalang i-share." na sinabayan n'ya pa ng pag-kindat. Hindi ko alam pero medyo nainis ako.

"Lumayas nga kayo sa harap ko, hindi ko matapos 'tong sketch, eh!" Sigaw ko sa pagmumukha nilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at sabay na tumawa. Mabuti nalang at umalis na sila sa pagkakasampa sa kama ko at bumalik na sa kani-kanilang higaan.

"Wet dreams, mga bro. Este sweet dreams pala." Biro ng baliw na si Je na ikinahagikhik namin ni Khael.

Nang makatulog na ang dalawa ay natapos ko na rin ang sketch ni A. Agad ko itong in-scan sa phone ko at sinend kay Ryu.

To: Perverted Ryu

Send me every detail you can search about her. ASAP |

Pinasa ko sa kanya 'yan kasama ang in-scan ko'ng sketch. Agad naman akong nakatanggap ng reply galing sa kanya.

From: Perverted Ryu

Who is she?

Mabilis kong sinagot ang message n'ya ng 'I dunno, that's why I asked you to search EVERYTHING about her.'

From: Perverted Ryu

F*ck how?!

Napa-face palm ako nang mabasa ko ang sagot n'ya kaya naman ay ni-reply-an ko ito kaagad.

To: Perverted Ryu

You're a hacker, do something :>

Matapos ko itong i-send ay nakatanggap lamang ako ng mga mura galing sa kanya. Pero alam ko naman na gagawin n'ya pa rin kung ang inutos ko.

Makalipas ang ilang araw, sumapit ang araw ng biyernes. Kahapon ay kakatanggap ko lang ng mga impormasyon ni A galing kay Ryu.

S'ya si Amber Sison. Mula s'ya sa mataas na stado ng pamilya ng mga doktor. Sa Athena High School s'ya nag-aaral kaya naman noong nagkaroon kami ng training sa soccer kasama ang mga player ng Athena ay nagtanong-tanong ako. Ayon sa kanila, isang buwan nang hindi pumapasok si Amber. Sa pagkakaalam daw nila ay may malubha itong sakit. Hindi raw kasi pala-kaibigan si Amber, puro libro lang ang kausap nito at madalas makita na naka-tambay sa library ng Athena. Sa mga impormasyong nakuha ko ay mayroong mga nabuong teorya sa isipan ko na ayaw kong paniwalaan. Siguro mali lang ako ng pagkaka-interpret. Sana mali lang ako.

Napabuntong-hininga ako at nilapag ang mga papeles sa bed side table. Napagdesisyunan kong maligo para maalis lahat ng bumabagabag sakin. Malamig na tubig lang ang katapat nito. Dahil na trauma na ako sa biglaang pagpasok ni A sa kwarto nang wala manlang pasabi, gaya na lamang nung una naming pagkikita, ay nagdala na ako ng damit para sa loob ng banyo na rin ako magbihis.

Ilang minuto ang itinagal ko sa palikigo at nang lumabas ako ay nadatnan ko si A na nakatitig sa mga papeles na nilapag ko sa bed side table. Nang maramdaman n'ya na nakatingin ako sa kanya ay agad s'yang lumingot at mababakas ang iba't-ibang mga emosyon sa mata n'ya.

"Kelan pa?" Kalmadong tanong n'ya sa'kin.

"Anong ibig mong sabihin?" Napalunok ako ng makita ko ang galit sa mga mata ni A.

"Kelan mo pa nalaman lahat ng 'to? Kelan mo pa nilihim sakin ang lahat ng 'to? Kelan mo pa pinagsususpetsyahan ang pagkatao ko?" Sunod-sunod na pagbato n'ya ng tanong sa akin.

"Amber, mali ang pagkakaintin—"

"Anong mali?! Nabasa ko! Nabasa ko ang lahat, Gray. Oo, sabihin na natin na mula ako sa pamilya ng mga doktor pero, Gray naman! May ebidensya ka ba na kamag-anak ko nga yung kriminal? Gray, wala!" Nakikita kong labis s'yang nasasaktan. Alam kong hindi ako magaling pagdating sa pag-de-deduce pero sa tingin ko naman ay may patutunguhan ang mga teyorya ko.

"Sabi ng mga napagtanungan ko, may sakit ka sa puso. Kailangan mo ng operasyon para mapagaling ka. Yung ama mo ay isang kilalang surgeon at yung paraan ng pag execute ng krimen ay malinis na parang inoperahan ng isang propesyunal na surgeon—"

"You're talking nonesense, Gray. Itutuloy natin kung ano ang napag-usapan natin para bukas at papatunayan ko sa'yo na mali ang deductions mo." Pagputol n'ya sa pagpapaliwanag ko at kaagad na naglaho sa loob ng dorm.

Napaupo ako sa kama ko at napasabunot nalang sa sarili. Mali nga ba ako? Pero paano kung tama ako? Isa lang ang paraan para masagot ang mga tanong ko, ang gawin ng maayos ang mga napag-planuhan namin ni Amber.

Araw ng sabado, nakahanda na kami ni Amber sa harap ng apartment ng susunod na target ni Spade. Medyo nahuli kami sa napag-usapang oras dahil sinama ko si Khael dahil ang ama n'ya ay mayroong koneksyon sa pulis kaya naman madali kaming makakahingi ng tulong. Galing pa kasi s'ya sa basketball training n'ya.

Pagkarating namin sa pakay naming lugar ay mukhang huli na talaga kami. May mga police cars na sa labas ng apartment ay mayroong dilaw na linya ang nakapalibot. Naiinis nanaman si Amber at ang sama nanaman ng tingin sa akin. Sa palagay ko, kung hindi lang ako tumatagos sa kanya ay matagal na n'ya akong binatukan.

"Ang babagal n'yo kasing kumilos, kalalaking tao n'yo." Napa-'tsk' nalang ako sa kanya. Ang plano kasi dapat ay maunahan namin si Spade, kaso taliwas sa napag-usapan ang nangyari. Malay ko ba na mag-e-extend ng oras sa practice si Khael.

"Khael, anong ginagawa mo rito? Restricted ang area na 'to dahil under investigation pa 'to ng mga pulis." Bungad ng isang pulis kay Khael pero ngumiti lang s'ya rito.

"Inspector, gusto kasi namin makita ng kaibigan ko yung crime scene. Alam n'yo na, balang araw magiging pulis din kaming dalawa kaya please po papasukin n'yo na kami. Saka pinayagan ako ni Dad, nagpaalam ako kanina." Inakbayan ako ni Khael habang nagpapalusot sa pulisya. Ilang ulit na tumanggi yung inspector pero sa sobrang kulit ni Khael ay pinapasok na rin kami.

Nadatnan namin sa loob ng isang silid ang katawan ng dalagang walang buhay. Gaya ng sinasabi sa mga balita, makikita nga sa tabi ng biktima ang hugis spade na isinulat gamit ang dugo. Malinis ang pagkaka-hiwa sa dibdib nito na animo'y inoperahan lamang.

Ngunit di gaya ng dati na tahimik na tumatakas ang biktima matapos gawin ang krimen, ngayon ay may sumulpot na dalawang taong nagpapakilala bilang Spade. Pareho silang nagsasabi ng magkaparehong detalye. Mas lalo pang dumagdag sa problema ng mga pulis nang biglang pumasok sa pinto ang isang humahangos na lalaki, nabangga pa nito ang isang matabang inspector na nasa gilit pero tila walang paki ang lalaki.

"Ako si Spade. Sumusuko na ako dahil hindi na kaya ng konsensya ko." 'Yan ang pare-pareho nilang sinabi sa mga pulisya. Ang una ay nagpakilala bilang Juan Dela Cruz, ang ikalawa naman ay si Antonio Dela Vega, at ang huli na si Mario Vargas. Ano bang problema ng tatlong tao na 'to? Ngayon ay nagtatalo-talo na sila at inaako ang pagiging kriminal.

Napansin kong nagsimula nang maglibot-libot ni Amber sa crime scene habang nagkakagulo rito. Maya maya pa ay bumalik s'ya sa'kin ng naka-ngisi.

"Gray, I guess you're right." Saad n'ya sa'kin na walang mababakas na emosyon. "Now, let me expose the culprit." Nangungusap s'yang tumingin sa mga mata ko.

"Pero paano?" Bulong ko, baka may makarinig pa sa'kin at sabihan akong baliw.

"Ulitin mo lang lahat ng mga sasabihin ko." Tumango ako sa kanya at agad na tinawag ang atensyon ng lahat ng nasa crime scene.

"I know who the culprit is." Panimula ko.

"Kung mapapansin n'yo, ang mga naging biktima ay nasa edad 18 na babae." Saad n'ya na inulit ko lamang. Nakatuon na ang atensyon ng lahat sa'kin kaya mas ginalingan ko ang pag-arte.

"Maayos ang pagkakahiwa sa dibdib nila para makuha ang puso nito, maayos din nitong itinatahi pabalik na animo'y isang propesyunal na surgeon."

"Diretsyuhin mo nalang kami Mr." Singit ng isang inspector nang ulitin ko ang mga sinabi ni Amber.

"Dahil isang surgeon ang culprit. Or should I say, dating surgeon. Right, Inspector Marco?"

Nagulat ang lahat nang sambitin ang ang mga binanggit sakin ni Amber. Nakita kong gulat na gulat din ang isang matabang pulis sa gilid na mayroong nakasulat na 'Marco Villafuerte' sa name plate n'ya.

"Anong sinasabi mo, bata? Akala mo ba kalokohan 'to? Seryosong sitwasyon 'to, hijo." Natatawang depensa ni Inspector Marco. Sa totoo lang maski ako ay naguguluhan pero mas mabuti nang sundin si Amber.

"Isa kang dating surgeon sa Athena Hospital. Kanina, nang humahangos na pumasok si Mr. Mario Vargas ay nabangga ka n'ya dahilan para malaglag mo ang badge ng Athena Hospital. Binibigay lamang 'to sa mga surgeon ng ospital. Pero kahit matagal ka nang umalis at hindi mo pa rin matanggap kaya naman palagi mo parin dinadala 'to. Hindi mo matanggap ang pagkamatay ng anak mo noon, hindi naging successful ang heart transplant n'ya sa ilalim ni Dr. Sison kaya naging mapait ang pag-tingin mo sa kanya at umalis ka ng ospital para maiwasan s'ya. Nitong nagdaang taon ay naisipan mong maging kasapi ng pulisya. Gusto mong humanap ng paraan para maipakulong si Dr. Sison kaya naman naisip mo maging serial killer na kumukuha ng puso ng mga dalagang nasa edad 18, kagaya ng anak mo, para mapunta ang bintang kay Dr. Sison. Ngayon na alam mo na nagkakaroon na ng lead sa krimen ang mga kasamahan mo sa pulisya, binayaran mo ang tatlong 'to para aminin na sila ang krininal. Sa paraan na 'to magagawa mong lituhin ang mga kasamahan mo."

Nabaling ang atensyon ng lahat kay Inspector Marco na nag-ngingitngit sa galit.

"Wala kang proweba sa mga pinaparatang mo sa akin!"

"Sa totoo lang meron, kanina nang i-execute mo ang krimen ay mayroong mga tumalsik na dugo sa sapatos mo. Sa sobrang pagmamadali mo dahil may tunawag ng pulis at kailangan mo nang mag-duty ay pinunasan mo nalang ang dugo na tumalsik sa sapatos mo. Kaya kung magpapa-luminol test tayo ay may mga bakas ng dugo ang makikita sa sapatos mo."

Nagkuyom ang mga kamao ni Inspector Marco. "Oo, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang ginawa ni Sison! Sa totoo lang, ang gusto ko lang ay patayin ang anak n'ya pero naisip ko na mas maganda kung may pattern ang pag-patay." Kaagad naman s'yang humalakhak na nagpakilabot sa'kin. Pinosasan na s'ya ng mga pulis at binaba na para madala sa headquarters.

"Wow, Gray, napabilib mo ako kanina." Sabi ni Khael sabay akbay sa'kin. "Pwede ka nang maging detective."

"Actually, tinulungan ako ni Amber." Sagot ko habang nakangiti.

"Amber?" Nagtatakhang tanong ni Khael.

"Si Special A." Pero teka, nasaan na ba yung babae na 'yun.

Gray thank you for helping me find my real identity. Nalaman ko na hindi totoo na may sakit ako. The truth is inatake ako ni Inspector Marco noon at iba ang nasagap na balita ng mga schoolmates ko dahil masyado kong in-isolate ang sarili ko sa kanila. Well, I guess nagawa ko na ang task ko, natulungan kita sa pagbibihay ng justice saming mga naging biktima, ngayon pwede na akong umalis. I can now rest in peace, thanks to you. And I hope that you can move on with Marion. I'll promise I'll find her up there. I'll make her my friend. 'Till next time we meet. Bye, Gray.

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Amber. No, not again. Biglang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ba lahat nalang ng minamahal ko iniiwan ako? Napangiti ako ng mapait. Thank you too, Amber. At para sa kaalaman mong babae ka, naka-move on na ako kay Marion pero sa tingin ko mahihirapan akong maka-move on sayo. Pero pipilitin kong maging masaya. I'll promise.

"Gray, ayos ka lang? Anong nangyayari sa'yo?" Nagtatakhang tanong ni Khael habang hinahaplos ang likod ko na hindi man lang nakatulong para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Napaluhod ako sa daan at napahagulgol.

"Amber's duty is done, now she's gone."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top