ENTRY #13
A BOOK AND A GIRL
by @Blue14Kier
---
Khael's POV
Next week na ang birthday ko, and I'm excited to see Special A! Yeah. Isu-surprise ko s'ya next week, I'm sure, magugustuhan n'ya ang surprise ko. Gwapo ako e. Nandito nga pala ako sa likod ng school, nag-iisip ng pwedeng ibigay kay special A, kasi birthday ko, and it means, malapit na ang birthday nya.
Gusto nya kaya 'yong bag na mamahalin? No. Hindi naman kasi siya materialistic. Lipstick? Make up? High heels? Pft. I'm sure she won't like it. She's not that girly, she won't like it. But a hairclip will do, right? Gusto niya ng mga simpleng bagay.
Gusto ko talagang bigyan ng regalo si Special A. Bibigyan ko rin sana si Silvan, kaya lang, uunahin ko muna ang kay Special A.
"Aw! What was that?!"
May nagtapon sakin-----ng balat ng saging!
"Oops! Sorry! I just dropped that...Ohmy! Ohmy!"
Nagulat ako ng may nagsalita sa taas, kaya napatingin ako doon. At hindi mapakali 'yong babae sa kinauupuan nya sa taas ng puno.
"Oops? Wahahaha in love ka sa akin, miss?"
And I playfully smiled. "Waaah! Paano mo nalaman, Kyah Khael?" Oh. Pft. Seriously? Ang gwapo ko talaga. Madaming nai-in love sa akin. WAHAHAHA
"Oh? Wahahaha! I think I should go now. Mamimili pa ako ng regalo. Nice to meet you, miss!"
Bago ako makaalis ay narinig ko pa ang sinabi nya, "Hindi mo man lang ba itatanong ang pangalan ko?!" Pero hindi ko na lang siya pinansin. At gaya nga ng sinabi ko kanina, bibili ako ng pang-regalo. Pagdating ko sa mall ay may mga nakakilala agad sakin, but sorry wahahaha special A first.
Bibilhan ko na rin kaya sya ng Detective Books? For sure, magugustuhan nya 'yon. Pumasok na ako sa National Books Store, at habang naghahanap ako ng book ay napansin ko ang babaeng hindi mapakali malapit sa kinaroroonan ko.
Maya't maya siyang tumitingin sa paligid at ipinagpatuloy ang paghahanap ng libro. May hinawakan syang libro at tiningnan ang mga pahina nito, hanggang sa hinimatay na lang sya at agad ko itong nilapitan, nang biglang bumula ang kanyang bibig.
I checked her pulse but it's too late.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" The customers shrieked.
"WALANG PWEDENG LUMABAS DITO!" Kaya napahinto ang lahat.
"Call the police, this is a murder case."
"Teka! Sino ka ba?!" One of the cashiers asked.
"He's a highschool detective, actually from the Athena High." A familiar voice said.
"Si khael ba 'yon?"
"Ohgosh! Si khael ngaaa!" "Khael? Oh my! The famous Alonzo?"
"Call the police." At lumapit ako do'n sa babaeng nagsalita. "Did we meet before? You're quite familiar." "Nakalimutan mo na ko?! 'Yong babae kanina sa likod ng school nyo."
"Oh? Ibig sabihin, Hindi ka sa Athena nag-aaral?" I asked. Nakapasok kasi sya sa school namin, pero Hindi pala sya do'n nag-aaral.
"Yes. Sa states ako nag-aaral. And I just took a 2 month vacation here."
Dumating na ang mga police at Detective Tross. "Oh! What a coincidence! You are here Alonzo, and Kier? Nandito ka na?" Detective tross said. And wait! He knows this girl?!
"Wahahaha! Detective Tross naman e! Nandito na talaga ako. Pumayag kasi si Mama na mag vacation ako here in the Philippines. Alam mo na detective, sinusundan ko Si Khaellybabes ko."
Patay na patay pala sakin 'tong babae na 'to. "Hahaha! So magkakilala na kayo ni Alonzo, I mean khael?"
Na-o-op na ako sa kanila ah. Mas mabuti pang magtanong tanong ako. Lumapit ako sa cashier,
"Miss, napapansin nyo ba 'yong babaeng hinimatay kanina?" Tiningnan muna ako ng cashier bago sumagot, "Oo. Kanina kasi, ang tagal nyang maghanap ng libro. Ilang costumers na ang nakabili pero sya tingin ng tingin. Tinanong na nga namin kung ano 'yong hinahanap nya, pero sabi nya malapit na daw niyang mahanap. Weird nga sya e. Tapos tingin pa sya ng tingin sa paligid. Yun lang ang napansin ko, kasi gumamit ako ng comfort room sandali, tapos pagkabalik ko, 'eto na 'yong bumungad sakin."
"Salamat miss." This is surely a murder case. "O ano, may nahanap kang impormasyon?" Tanong sakin no'ng babae na Kier daw ang name.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko kay Kier. Pangalawang pagkikita na namin 'to.
"Sinundan kaya kita. Wahahaha. 'Di mo ba napansin?"
Stalker rin pala 'tong babaeng ito.
"Tsaka, for you to know, I'm a detective wannabe. Wahahaha!" Sabi nya at natawa pa.
"You are also fond of mysteries?" Ohhhh. Mahilig rin siyang mag-solve ng mga case. "Yep! Idol nga kita, dba? Tsaka crush kita. Wahahaha!"
"Hindi ka ba nahihiyang umamin sakin?" Naiilang na ako rito sa babaeng 'to ah.
"Nope. Aba! Once in a lifetime lang ako pumuntang pilipinas, bakit ko pa sasayangin dba? Back to the topic, Ang sabi no'ng lalaki, malapit sa biktima, ay wala naman daw siyang napansin na kakaiba do'n. Tapos ang sabi no'ng isa pang customer, ay kakilala niya daw ang biktima. Siya 'yong umiiyak kanina. And ang last person na tinanong ko ay ang kasama nya. Ang sabi nito, ay kumakain daw sila sa isang fast food chain ng biglang umalis ang biktima, kaya lang, ay hindi na niya ito nasundan. Pero nag text daw sa kaniya ang biktima, 'eto 'yong ni-text nya, SOS, which means help. But in-assume niyang okay ang ibig sabihin nito dahil laging ganito ang reply sa kanya. But before that, I'll introduce to you the victim." Ang sabi nya at ipinakita sakin ang isang papel.
"So ang pangalan ng biktima ay Angela Macapuno, na laging nandito sa book store tuwing alas -dos ng hapon. Nagsimula siyang mataranta ng makatanggap ng message mula sa anonymous sender.
Wait---nasaan ang message ng anonymous sender na yon, ang tanong ko habang binabasa ang mga impormasyon na nakalap ni Kier.
Marami rin siyang nakuha ah. Ngumisi sya sakin, "Bago ko ipakita sayo, Akin na muna ang number mo." Aba! May sayad yata 'tong babae na ito.
"Bakit ko naman ibibigay ang number ko?" Tinanong ko muna siya, mas mabuti na ang nakakasigurado.
"Hindi mo malulutas ang kaso kapag hindi mo ibinigay ang number mo. Ang nakalagay sa message ng anonymous sender ay importante para malutas ang kaso. Ito rin ang pwedeng ebidensya. Ako? May lead na ako kung sino ang pwedeng culprit ng kaso, pero kailangan ko ang tulong mo. Tsaka ang hirap magpaliwanag sa tagalog. Sa states ako tumanda, kaya sa english ako sanay, so mind you, give me your number."
E? 'Di ko naman sinabing magtagalog sya. Oo nga, may accent siya magtagalog. "Tsk. You're so desperate, to the point na ginamit mo na ang kaso para makuha ang number ko." Nainis na ko.
Nakita ko ang panandaliang bahid ng lungkot sa mga mata niya. Sino ba talaga ang babaeng ito? Bago sya nagsalita ay tumawa muna siya, "Hahaha! Wag na nga. Dalawang buwan lang naman ako rito. Oh sige. 'Eto ung message." Sabi nya at ipinakita sakin ang cellphone si Angela.
Anonymous Sender: mgkita tau sa nbs sa sabado. Dun m mala2man kung cno ako. Tska, Ange, pkihnap ung librong darkest nights.
"So...who's the suspect?"
Murder nga ito. Tsaka base do'n sa text message, magkakilala sila, dahil alam ng suspek ang palayaw ng biktima. At lason ang ginamit para mapatay si Angela. Wait.
Paanong nalason ang biktima kung wala namang lumapit sa kaniya kanina, maliban sa akin? Lumapit ako sa pwesto ng biktima kanina at inikot ang tingin sa paligid. Dito, ay kita ang lahat ng sulok ng book store, at kita ang labas.
Pero...paano nga ba siyang nalason? I looked at that 'thing'. It makes sense now. Kung paano siya nalason, at kung at sino ang naglason. But, I need to find a strong evidence.
"Nasaan ang mga posibleng suspek?"
---
"Sinasabi niyo bang kami ang suspek rito?! Aba! Kaibigan ko siya!" Ang sabi ng kaibigan niyang naiwanan sa isang fast food chain.
"Anong pangalan mo?"
"Leah Ignacio."
"Wait. Nasaan ka nung mga panahong nandito sa book store ang biktima?" Ang tanong sa kanya ni Kier.
"Nandoon ako sa fast food chain, ang sabi ko nga kanina." At umiyak pa siya, "Hindi ko naman inaasahang ganito ang mangyayari. Kung hindi ko lang sana siya hinayaang umalis." Binulungan ko muna si Kier at pumunta naman sa harap ng isa pa niyang kaibigan.
"Ano ang pangalan mo?"
"Ako si Neth." Wala siyang emosyon.
"Full name?" Kaya sumeryoso rin ako.
"Neth San Miguel. Bakit ba kami nandito? May trabaho pa ako." Tila ba naiinis na siya.
"Just answer my questions. Nasaan ka no'ng mga panahong nandito sa book store ang biktima?" Tinitigan niya muna ako, na tila ba nag-iisip kung sasagot sa tanong ko. Pero sa bandang huli, sumagot pa rin siya.
"Nandoon ako sa p-part time job ko." Tipid niyang sagot.
"And what's that part time job?"
"Dito mismo, sa book store. Ako ang nag aayos ng mga dineliver na books. Pero may isa pa akong trabaho kaya pwede na ba akong umalis?" Nagmamadali siya.
"Nope. Kaano-ano mo ang biktima?" "Kakilala ko lang. Nasa same academy kami sa pagkakaalala ko."
Bago ako pumunta sa pangatlong suspek, ay tiningnan ko muna si Kier at tinanguan siya.
"What's your name?" "A-ako si...Jasper Capili. Boyfriend ni Ange..." At medyo napaluha pa siya at kinuyom ang kaniyang kamao.
"Nasaan ka noong mga panahong nandito ang biktima?"
"Nasa labasan ako, dahil ang sabi niya, sunduin ko raw siya. Pe-pero...Nabalitaan ko na lang na may hinimatay raw sa book store, kaya kinabahan na ako. Malakas ang kutob ko na siya yun, kaya pumasok na ko sa loob at 'eto ang bumungad sakin. Angela..."
Umiyak pa siya at medyo tumalikod. Napangisi naman ako sa mga nalaman ko. Yeah. I'll just wait for Kier to confirm it.
Pina-uwi na namin ang ibang customer na walang kinalaman rito. Pumikit muna ako sandali, pero pagdilat ko ng mata ko ay napako ang tingin ko kay Kier sa isang gilid habang kausap ang mga suspek. Kumisap ang mga mata niya, pero agad niya itong pinunasan. Luha ba yun? Bakit naman? Lumingon siya sakin at nag-okay sign. Kaya tumayo na 'ko at ipinatawag ang lahat.
"So this is the end. Base sa nangyari kanina, nalason ang biktima, who's Angela Macapuno. And we have three primary suspects.
Her boyfriend, Jasper Capili, her bestfriend, Leah Ignacio, her acquaintance, same academy, Neth San Miguel. And tinanong namin kayo kanina kung kaano-ano nyo ang biktima. Based sa sagot niyo, may isang nagsisinungaling. And we've found out, who is that. Pero alam nyo ba kung paano nalason ang biktima?"
Tiningnan ko silang tatlo pero siya lang talaga ang may kakaibang awra.
"Kung sino man ang may kagagawan ng pagpatay na ito, ay siyang mas nakakakilala sa biktima---"
"No! Mahal ko siya! Bakit ko naman siya papatayin?!" Ang pagpigil sa akin ng kanyang boyfriend.
"May mannerism ang biktima. Dinidilaan niya muna ang kanyang daliri para mailipat ang pahina ng libro. And yeah. Ang lason ay nakalagay sa libro. Kanina, habang nandoon ako sa pwesto ng biktima, may kakaibang amoy ang nandoon. Pero umatras ako ng ilang hakbang, wala ng kakaibang amoy. And that means, 'yong hawak niyang libro ay may lason pati ang ibang libro malapit rito. And ang biktima ay mahilig sa Mystery novels.
Kaya doon sa section na yon ay lahat linagyan ng lason. Pina-examine na namin ang ibang libro and we'll just wait for the confirmation.
So...may isang nagsinungaling sa akin kanina noong nagtanong ako. Kanina, may ipinatype sa inyo si Kier. Medyo may kamukha iyon sa text ng culprit kaya Kaya may similarities at may circumstantial evidence.
So handa na ba kayong malaman kung sino ang murderer?
Isa-isahin muna natin. Ikaw, Leah, may nakakita ba sayo noong mga panahong nasa fast food chain ka?" Tumingin naman sa naaalala ako ng cashier doon."
"No strong alibi. Ikaw Neth San Miguel? May kasama ka ba na nag-aayos ng mga delivered books dito sa book store?"
"Wala akong kasama doon, dahil may sakit ang dapat na kasama ko. Kanina pa kami rito, bakit 'di pa kami pwedeng umalis?" I ignored her question, "Still, no alibi. Ikaw, Jasper? May nakakita ba sayo noong mga panahong nasa labas ka ng mall?"
"'Di ko alam kung natatandaan ba ako ng mga tao doon kanina."
"No alibi. So, all of you have motives to kill Angela. Based on our research, You, Leah Ignacio is her bestfriend. Pero lagi kayong nag-aaway dahil sa isang lalaki, Who is Jasper. And you jasper, Napapansin mong may iba si Angela, and guess what? That's true. And Neth? You are the best friend of Angela, years ago. But you separated. I still don't know why. So based sa pinagawa sa inyo ni Kier kanina, malalaman na natin kung sino ang murderer, but that's just only a circumstantial evidence. Kanina, I found two things in the crime scene. One, the strong evidence for the murderer, and two for the confirmation of the first thing. And guess what? Kung sino ang kabit ni Angela, siya rin ang killer. 'Yong nakita ko kanina ay isang picture, ang biktima kasama ang killer. Sa sobrang pagmamadali ng killer, nahulog niya ang picture nila ng kanyang biktima------" "So ibig sabihin, isa sa inyong mga babae ang killer. And the second thing that Khael found out is the handkerchief of the killer. So, wanna know who's the killer? It's Neth San Miguel. Ang kasintahan ni Angela. Yes. Silang dalawa. Ang motibo? We have 3 possible things why, first, You are insane. Second, you don't like to wait for Angela to break up with Jasper. And third, she wants to break up with you."
And sabat ni Kier. Napayuko na lang si Neth. "Yes. I did kill her. She wants to break up with me, and live with Jasper Capili. So I decided to kill her. Kaysa naman mapunta siya sa iba, 'di ba? WAHAHAHA!"
At tumawa siya na parang baliw. She's psychotic.
After solving the case, nagsi-alisan na ang maraming tao.
--
"Khaellybabesss! Pwede ko na ba makuha number mo?" Pangungulit sa akin ni Kier habang naglalakad kami papunta sa kotse ni detective Tross dahil may ipapakita daw siya.
"Bakit ba kasi?"
"Gusto ko lang makuha number mo wahahaha. Krass kaya kita. Tsaka kanina, tinawagan ako ni mama, isang linggo na lang daw ang bakasyon ko kaya, akin na iyong number mo!! Sige na...."
"Desperado ka talaga ano? Hahaha!"
"Oo hahaha! Basta. Kalimutan na natin 'yong desperado desperado na yan! Naaalala ko si mama. Wahahaha!"
Tumawa siya ng tumawa hanggang sa naiyak na. 'Di ko alam ang gagawin ko. Paano ba mag-comfort ng isang tao? Yinakap ko na lang siya at tinapik tapik ang balikat niya.
"Si mama kasi e hahaha! Gusto ko nang makalaya... Ayoko na... Gusto ko dito... Hahaha! Para kong baliw rito... I want to live my life. I don't want to be controlled..." Tumahimik siya ng ilang segundo kaya aalis na sana ako sa pagkakayakap pero may sinabi pa siya.
"Please, don't. Don't leave me. Just five minutes. Please...don't be like my mother. Please..."
Yinakap ko na lang ulit siya, pero bakit comfortable ako? I feel pity for her. Kahit mukha siyang masayahin, marami pala siyang problema.
Why am I sad? She's not that strong. I think...I...will like her? She's interesting.
"Okay okay. I won't. Just don't cry."
Aalis na sana siya sa pagkakayakap sakin, "Here's my number."
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top