ENTRY #12

Complicated 

by LaconicPlayboy

After all the things she encountered as we unravel the mysteries behind the entire malicious things that happened to us, she's seemingly inexorable.

She's as hard as rock. She's a diamond, strong and beautiful. But then, the hardness devastates her head. She's like a cat, curious and sometimes a sinister. She's putting herself in danger but like the feline pet, she has a lot of lives.

Here I am, waiting for her, wearing a black suit. Today is Khael's birthday. I'll fetch Amber on the apartment she's staying at.

The night was dark. The sky was beautiful with the shining stars. Ohh, there's a shooting star. I am too childish for this but I won't lose something if I'll try.

"I wish--- hell!"

I drove fast the time I've heard the two gunshots. The sound came from the direction I am going. The car was filled by the curses of mine. There's something wrong.

My heart beats fast as I came on the apartment. The gate is widely open and the tenants are on their night clothes. Magkakasama silang nakatingin sa isang pintong nakabukas. That door was amber's, tumakbo ako patungo roon nang hindi alintana ang mga taong nababangga.

Magulo, makalat, mukhang dinaan ng buhawi. Walang tao pero daig pa nito ang binagyo. Tumingala ako't nakita ang dalawang butas sa may kisame.

"Amber! Amber! Amber!"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Tila ba nakalimutan ko ang gagawin sa mga ganitong pagkakataon. Hindi na naman bago sa akin ang ganitong sitwasyon pero bakit parang hindi ako makakilos.

"Amber," pilit pa ring hinahanap ng aking mata ang kaniyang mukha. Nilibot ko ang buong kwarto hanggang sa mapadpad ako sa isang lamesa, nakapatong doon ang isang papel na kulay itim.

RIDDLE:

The night was dark but I am much darker. Ruling the clouds to hide the lights coming from the moon and stars is one of my plans. On the woods I am a camouflage. Simulating a poor sheep is my hidden talent. Swiftly, I relinquish everything like dressed up.

"Cheap riddle," I whispered.

I call the person who first came up in my mind. The manipulative sheep!

"Hi Gray-chan! Hahahahah!"

"What the hell Marion! Ilabas mo si Amber!"

"Never! Hahahahahah!"

"Baliw ka! Saan niyo siya dinala?"

"Sa impyerno. Bwahahahah!"

"Teka, bakit nga pala ikaw ang sumago---" I am cut by her psychopathic laugh.

"Ohhh Gray-chan, you are too slow. I thought you were a great detective wannabe? Did you feel so nervous for this bitch?"

"Ion, my turn." said by the familiar baritone voice coming from the other line

"Wait tito, I'm talking to Gray-chan." maarteng tugon nito.

"Silvan, kamusta ka naman?"

"Ilabas mo si Amber! Napakasama mong hayop ka,"

"Maraming salamat Silvan!"

"Mga baliw kayo!" eksaktong pagkasabi ko ng mga katagang iyan ay naputol ang linya.

Agad kong tinawagan si Cooler para ipatrace sa kanilang mga reapers ang lokasyon ng numero.

"Sigurado ka bang nakidnap si Amber? Iba ang nararamdaman ko eh. Parang may mangyayaring iba. Samahan na kita sa paghanap kay Amber." Usal niya sa kabilang linya. Malakas daw ang kaniyang gut feel ayon kay Amber at Cronus pero hindi ako naniniwala sa bagay na 'yan.

Walang katiyakan at sa ganitong panahon, kailangan ko ng kasiguruhan. Assurance is the thing I need. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nakikita.

Nakarating ako sa mansiyon ng hindi ko namamalayan. Nasa sala silang lahat at naghahanda na. Gano'n sila kabilis pagdating sa ganitong bagay. Naging parte na rin kasi si Amber ng buhay ng mga ito. May pagkakataon pa ngang ginusto niyang maging kasapi ng mafia na ito.

"Pamilyar ang lokasyon ng numero, hindi ko lang maalala kung saan at kailan natin na-encounter ang lugar na ito." seryosong sabi ni Red.

"Saang lugar ba 'yan?" tanong ni Cronus.

"Sa isang abandonadong lugar na nagkaroon ng pagsabog."

"Sa hideout 'yan ng genesis, baka nagkaroon rin kayo ng transaksiyon sa kanila." sabat ko sa kanilang pag-uusap.

"Pumunta na kayo roon, ngayon na. Baka kung anong pang mangyari sa ating potential reaper." saad pa niya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Biro lamang, magmadali na kayo." dagdag pa niya.

Dali-dali kaming umalis, hindi na talaga ako mapakali, hindi ko na alam ang akig gagawin. Sana'y walang gawing masama ang mga baliw na iyon.

My phone rings and I answered it immediately. Halos mabasag sa aking pagkakahawak ang cellphone ng marinig na naman ang isang baliw na boses.

"Hello gray-chan, tracking our location? Sorry, you aren't in the right track. Hey, this bitch is requesting for an advance birthday gift. She said that she want to tell you a story. Like duhhh, mamamatay na rin naman siya kaya pagbibigyan ko na."

Hindi na ako umimik at hinantay na lamang na marinig ang kaniyang boses.

"Gr-gray,"

"Nasaan ka Amber?"

"Subukan mo lang sabihin, humanda ka saking ahas ka!"

"Ganito kasi gray, ik'kwento ko lang 'yung latest update ng favourite mong comics na wanted. Fox, the fuck-buddy of the world's greatest detective was once again captured by the super villain." she said with an aflutter voice. Hindi ko alam pero napangiti ako. It is like she describes herself as my girlf--- nothing.

"Then?" I replied.

"She was on the same place and time like a de javu but she was alone with the brilliant mad-scientist and its failed experiment with a loose screw."

"Please be sa---" natigil ako sa aking sasabihin nang inagaw sa kaniya ang cellphone at pinutol ang linya.

"We're on the wrong path, I know where she is." I said on a rush.

"Did you remember the place where she and Khael was kidnapped exactly 2 years ago?" tanong ko sa kina Red, Mnemosyne at sa iba pang reapers.

"Oo, 'yung may nagtanim ng walang kwentang bomba?" Hermes said with his playful smile.

"Yup, the day where you and your friend make your own version of the comics wanted?" tanong ni Poseidon.

"That's an SOS code. There's also a version made by Amber a few minutes ago so let's go."

"Mnemosyne, lead the way." I commanded.

Ilang minuto rin ang lumipas nang dumating kami sa kinaroroonan ni Amber. Nauna na ako sa kanila pero sigurado akong nakasunod lang silang lahat.

Dahan-dahan ako sa aking paglalakad. Madilim, wala akong maaninag na kahit ano. Isang mahinang hikbi lang ang aking naririnig na tila palakas ng palakas habang tinatahak ko ang tuwid na daan. Nang maaninag ko siya'y nakatungo at tila nasisinagan ng ilaw na nanggagaling sa bilog na buwan na tumatagos sa bubong nitong tila isang madilim na tambakan ng mga dayami.

Tinakbo ko na ang natitirang distansiya naming dalawa at marahang inangat ko siya patayo. Parang nagging mabagal ang ikot ng mundo nang siya' y tumunhay at nagtagpo an gaming mga mata.

"Happy birthday Gray!" she softly while smiling.

Napayakap nalang ako sa kaniya nang wala sa oras. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na ito.

Tumingin ako sa relo ko at eksaktong alas dose na ng hating gabi. Muntikan ko nang makalimutan ang sariling kaarawan dahil sa pag-aalala sa kaniya.

Unti-unti namang lumiwanag ang paligid. May dekorasyon ang buong paligid at ang tila madilim na abandonadong lugar na ito ay nagkaroon ng kulay.

Unti-unti ring nagsilabasan ang mga tao, masaya ang lahat na tila ba walang nangyari.

Lumapit naman sa aming dalawa ni Amber sina Math at Jeremy pati na rin si Khael.

Tila naestatwa nalang ako sa aking kinatatayuan, hindi ko alam kung anong dapat gawin at isipin. Hindi ako makapagsalita na tila may bumabagabag pa rin sa aking diwa't isipan.

"Alam niyo ba kung anong tawag sa birthday kapag gabi?" masiglang tanong ni Jeremy.

"Another pun?" maarteng sagot ni Math.

"Tumigil ka nga diyan u-pun." pambabara niya sa tanong ni Math.

"What?"

"Nothing, just a furniture shop. Pero ano ngang tawag?"

"Shoot!" Amber replied.

"Edi Birthnight! HAHAHHAHAHHAHA! Happy Birthnight Gray!"

Kinalma ko na ang sarili at pinilit na damhin ang saya na dulot ng kanilang surpresa. Maswerte ako't nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nila.

Nagkakasiyahan ang mga tao, maingay at parang nagging isang bar ang lugar na ito. May malakas na tugtugan at iba't ibang kulay ng maliliwanag na ilaw.

"Happy birthday Silvan, ba't si Amber may hug, ako wala?"

"Bahala ka sa buhay mo Alon---" bigla na lang akong natigil sa pagsasalita ng marinig ang isang malakas na sigaw ng isang babae.

Agad kaming tumakbo papunta roon at nagtatawanan na dating mga kaklase ang aming naabutan.

"Still the high school detective maniac? Happy birthday gray!" bati ng dati naming kaklase.

Nagtuloy-tuloy lang ang party, kaming lima pa rin ang magkakasama. Madaming baon na puns si Jeremy, inipon niya yata sa halos ilang buwan naming hindi magkakasama.

Natigil lang kami sa pag-uusap ng niyaya ni Math si Amber na magbanyo. Naiwan naman kaming tatlo ditto sa table na 'to.

"Puns, kamusta naman kayo ni Ms. Furniture?" nakakalokong tanong ni Khael, halatang tinamaan na sa iniinom naming alak.

Namula lang ang mokong at hindi na sinagot ang tanong.

"Alam mo ba Silvan na ganitong araw rin ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ay hindi, kahapon pala at sa lugar din na ito."

Hindi ako sumagot, parang may kung anong ala-ala ang bumalik sa aking isipan. Isang lalaking masaya kahit nasa bingit na siya ng kamatayan.

"Dalawang taon na rin ang nakalipas ng ibigay sa akin ang pinakamagandang regaling natangga ko."

Nanatili pa rin akong tahimik at nakikinig. Ganoon rin ang ginawa ni Jeremy na kanina'y sobrang ingay at ngayo'y parang mas tahimik pa sa pipi.

"Isang ha---." natigil siya sa kaniyang sasabihin nang dumating ang dalawa.

Nakaalalay si Math sa tulalang si Amber na tila ba nakakita ng multo. Agad akong lumapit at umalalay rin sa kaniya. Si Jeremy nama'y tumayo na rin at umalalay. Ang may tamang namang si Khael ay hindi pa rin nahimasmasan.

"Amber, ayos ka lang? Anong nangyari?" agad na tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumasagot at tila tulala pa rin.

"Math, tubig!" utos sa kaniya ni Jeremy. Sumunod naman ito at agad binigay sa akin ang isang baso ng tubig. Pinainom ko naman sa kaniya ang tubig at nahimasmasan na rin ito.

"Ma-may nakita a-akong i-sang pamilyar na kulay asul na parang isang droga-a." nauutal na wika niya.

"Saan? Saan mo nakita?" agad na tanong ko. "Ikaw Math, nakita mo ba kung saan?" tanong ko sa isa.

"Hindi, nagulat na nga lang ako nang sumigaw siya na parang nakakita ng multo eh." tugon niya.

"S-sa may mi-mini b-bar nitong party ko na-nakita." Nangingig pa ring saad niya. "I-isang pamilyar n-na babae ri-rin." dagdag pa niya.

"Sino?" sabay na tanong ni Jeremy at Math.

"Ipahinga mo muna ang sarili mo Amber" suhestiyon ko.

"Hindi, baka makatakas na sila," tuwid na sabi niya.

"Si M-Marion!" wika niya.

"Akala ko ba pakana niyo lang ang lahat ng tungkol sa kaniya at kay tross?" agad na tanong ko.

"Ha?" sabay na turing ni Amber at Math.

"Hakdog," si Jeremy. Sinamaan siya ng tingin ng dalawa at natahimik naman ito.

"Anong kina Tross at Marion? Wala kaming alam." wika ni Amber.

"Diba tinawagan niyo pa ako gamit ang boses nila?"

"Anong sinasabi mo Gray?" naguguluhang tanong niya.

"Kung hindi kayo 'yon ay paanong narinig ko ang boses mo't kinwento mo sa'kin ang tinuro ko sayong SOS comic code?" naguguluhang tanong ko rin.

"Hindi ako 'yon! Kaya pala may tumawag sa'kin na tinatanong kung anong nangyari sa kwarto ko sa apartment. Hindi mo ba nadatnan doon ang binigyan ko ng code para makarating ka rito?"

"Hindi! Kung gano'n, totoo lahat ng narinig ko mula sa dalwang baliw na 'yon!"

"Tara, hulihin natin ang mga baliw na 'yon!" Seryosong turan ni Jeremy.

"Sandali, paano si Khael? Ano bang nangyari sa kaniya at parang angbilis niyang tinamaan?" tanong ni Math.

"Tumigil ang lahat sa pag-inom!" Malakas na sigaw ni Amber.

Tila umingay ang buong paligid. Tumakbo na kami roon sa kinaroroonan ni Marion ayon kay Amber at nakita na lamang namin siya sa tapat ng backdoor. Sumakay siya sa motorsiklo at humarurot na paalis.

Pumunta nalang kami sa may mini bar at nakita roon ang nakapatas na bote na tila may nais sabihin. Nakaporma ang mga iyon sa iba't ibang letra na may iba't iba ring kulay.

I T I S J U S T T H E

B E G I N N I N G B I T C H

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top