Thirty Two

2 days later...

"Ano, handa na ba ang lahat?" Tanong ng kararating lang na Kaname sa kapatid. Isang tango lang sinagot niya rito at pinagpatuloy ang pagtitipa sa laptop nya.

Tinanaw ni Kaname ang mga kasamahang handang handa ng lumusob sa kuta ng kalaban anumang oras. Kausap nila ang dalawang leader ng Tarahoma Gang. Kasalukuyan silang nasa bagong headquarters ng naturang Gang sa isang liblib na lugar sa bansang America.

Nagtagumpay sina Miyu at Craigh sa pagkuha ng eD Enhancer sa isang pribadong hospital sa Manila at sa araw din na yun nila napagtagpi-tagpi ang lahat. Ang tunay na gamit ng eD Enhancer sa tao at ang magiging epekto nito.

"May balita na ba sa Uncrowned Royals?" Tanong ni Kaname sa kararating lang na Shai. Napabuntong hininga ang huli. "Wala. Lahat sila nagulat sa kanilang biglang pagkawala. Maging si Shin ay hindi pa bumalik mula sa hinaharap. Si Raine ay hindi makausap ng matino. Sinisi nito ang sarili." Napahilamos ng mukha si Kaname dahil sa nalaman. Kung kailan naman kasi may lulusubin silang kaaway saka pa sila nawalang parang bola.

Wala sa plano ang paglusob nila kasama ang kanilang mga tauhan. Dapat ang Uncrowned Royals ang pupunta sa kuta ng kalaban upang sirain ang napakadelikadong bagay sa mundo. Ang Super Chip. Sa pagsira nito, hindi nito matutuloy ang binabalak ng kalaban.

Ngunit sa kanilang pagkawala bigla ay kinailangan nila ng plan B at ito na nga 'yun. Handa naman ang lahat itaya ang buhay nila para sa kaligtasan ng lahat.

"Fvck!" Mura ng pinsan dahilan para mapabaling ang dalawa sa kanya. "Hindi ko sila matunton. Kung ano ano na ang ginamit kong paraan upang matunton kahit ang isa man lang sa kanila ngunit wala talaga." Anito at hinilot ang bridge ng ilong. "At ito pa, nakatanggap ako ng email mula kay Tita."

"Na ano?"

"Isang pangyayari ang nakikita nya. May magtatraydor." Dahil sa sinabi ng binata ay natahimik ang dalawa. Nagkatinginan at muli kay Zero. "What does she mean? Sinong magtatraydor? Kanino?" Litong tanong ni Shai. Umiling ng huli at muling nagtitipa sa laptop nya.

***

"What the fvck were saying?! What do you mean our men got killed?!" Bulyaw ni Greg sa isang tauhan. Yumuko naman ang huli. Si Geo na abala sa pagpupunas ng matulis nyang katana sa kabilang lamesa ay panandaliang napahinto sa pagsigaw ng kambal. Dahan dahan nitong nilapag ang katana at lumapit sa dalawa.

"Don't tell me its that creature again whose the culprit?! The fact that we haven't seen her for awhile---

"Boss!" Naputol ang litanya ni Greg nang may pumasok na isang tauhan. Dali daling lumapit si Geo sa bagong dating at siya na ang kumausap.

"No sir, no one knows who is the person is. We also made sure that it is not her again." Anito na nakatingin lamang sa sahig. Takot na salubungin ang nag-aalab na mga titig ng pinuno.

"Bullshit!" Sabay hampas sa lamesa nasa gilid lamang. Sa lakas ay pati ang mga nakapatong dito ay nagalaw. "You must identity who is this intruder and bring him or her to me alive!" halos pumutok na ang mga ugat nito sa leeg at noo sa sobrang sigaw at galit. "Do you understand?!" Napatalon sa gulat ang tauhan ng magpaputok ng baril si Greg at tumama ito sa paanan ng lalaki.

Tila nauubos na ang pasensya ng pinuno nila at kulang nalang ay kumatay ito ng buhay. Hindi sana mangyayari ang ganito kung hindi dahil sa pagtutol ng Hari sa plano nilang pagpapaactivate ng Super Chip. Mas madali sana nilang naipakalat ang eD Enhancer sa ibang bansa kung natuloy ang plano.

"R-roger sir!" Anito sabay yuko at tumalikod. Si Geo na tila problemado din ay nag-aalangan na lumapit sa namumulang kambal. Kahit papaano ay ayaw nitong mapagbuntunan ng galit. Sa kanilang dalawa, mas sinisi ni Greg ang sarili dahil sa lahat ng nangyari ngayon. At kung bakit nagpapadala ito sa suhestiyon ng asawa. Nawawalan na naman sila ng mga tauhan.

"Whoever this bullshit is, he or she completely ruined the plan! Did you know that our men were killed by this unknown?! Due to that, eD Enhancer couldn't make it to the country of Indonesia!" He hissed at sinipa ang sofa na nasa isang tabi.

"I don't want to say this but I think you must know this." Panimula ni Geo. Hindi pinansin ang galit na turan ng kambal. Alam nyang mas magagalit lamang ito dahil sa ibabalita niya pero kailangan nya ring malaman ito.

"Not now Geo--

"They're here." Anito. Natigilan ang huli at nag-angat ng tingin sa kapatid. "The LVP organization are here." Napapikit ng mariin ang kausap kasabay ang pagkuyom ng kamao.

"So they figured it out huh?" Anito sabay tayo at naglakad palabas. "Where are you going?" Habol ng kambal.

"I'm going to do what has to be done." Anito at binuksan ang pinto. "Are you going to betray King's order?" Muling tanong ng kambal kaya natigilan ito sa tuluyang paglabas. Nagtatagis ang mga ngipin kasabay ang pagkuyom ng kamao. Tila nag-aalab sa galit ang mga mata. "Fvck his order! Fvck his rules!"

"But---

"Are you with me or not?" Malamig nitong tanong sa kapatid. "Remember, this has been our plan since then. He's just nothing but an intruder." At tuluyan na nga itong lumabas.

"You know what he's capable of." Muli ay napahinto siya sa turan ng kapatid. "I'm just worried about you." Dugtong nito.

Napangisi ang huli dahil sa inasta ng kakambal. "So you're afraid of him, huh?" Sabay dahan dahang umiling at muli ay naging seryoso ito.

"Once we activated the super chip, we are now in control of everybody. We can even turn down that stupid devil organization." anito at nilingon ang kapatid. "Tandaan mo, nasa atin ang alas."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top