Thirty Three

Mula sa pagkakapikit ay dumilat ang isang matanda. Unti unti ay lumandas sa kulubot nitong pisngi ang masaganang luha.

"Dahil sa iyong pagtatraydor, masisira ang plano. Muling mangingibabaw ang kasamaan pero may kapalit. May magbabalik at may maiiwan." Bulong nito sa sarili.

Tumayo sya mula sa pagkakasandal at naglibot sa boung silid. Naghahanap ng pwedeng malulusutan.

Ngunit ni bintana ay wala syang makita. Dito sya dinala ng unknown bago ito umalis. Dalawang araw ng di sya nito binibisita na ipinagtaka nya.

Ayaw nyang isipin na naghinala na sya na nasa hinaharap na nga ito at marahil ay natagpuan na nya ang kanyang hinahanap. Subalit, sa kanyang pagkawala, may sisira sa lahat ng plano nya.

"Hindi ko alam kung magugustuhan mo pa ba ang susunod na mga pangyayari."

***

"The one who activated the super chip will be recognize as the ruler. We are going to be the kings of the world."

Ngising ngisi ang isang taong naka ninja outfit at dali daling lumihis ng daan. Tinanaw nito ang tuluyang paglayo ng pigura ng dalawang tao. May naisip syang plano ngunit bago ang lahat, kailangan may gawin muna sya upang hindi agad makakarating ang dalawa sa lugar kung saan ang super chip.

May namataan syang tauhan at nilapitan niya ito. "Gather all the platoon 1 now, we are going to eliminate the LVP organization. Boss' order." Yumuko ang kausap at dali daling umalis.

***

"Keep the defense! Don't let them reach the barrier!" Sigaw ni Craigh sa kanyang mga tauhan. Namataan nito ang isa pang leader at namimigay ito ng orders sa mga kasamahan gamit ang sariling lengwahe.

Nilingon sya ng huli at tinaasan ng kilay. Ngumisi ang binata at nilapitan ang dalaga. "Let's have a deal. Kung maubos natin ang lahat ng kalaban ngayon, na walang kahit anong galos ah, let's have a date." Nakangiting aniya.

Mula sa seryosong tingin ng dalaga ay inismiran siya nito, "Tss. You wish." sabay tinalikuran sya.

"What happen?!" Tarantang sigaw ni Kaname nang madatnan nito ang nagkakagulong hideout. "We are under attack!" Sigaw ni Shai kasabay ang paghagis nito ng isang katana na agad namang nasalo ng huli.

Dali daling sinugod ni Shai ang paparating na grupo ng kalaban sa may bandang kanluran. Ganun din ang ginawa ni Kaname sa kabilang parte ng hideout.

Tuluyan ng kinain ng kadiliman ang boung lugar. Hindi umabot sa kalahati ng boung LVP organization ang kabuuan ng kalaban ang lumusob na ipinagtaka ni Zero. Prente itong nakatayo at nakatingin sa harap ng limang monitor. Kitang kita mula rito ang mga kaganapan sa labas ng headquarters.

Halos walang nawala sa boung organization pero ubos na lahat ng mga kalaban. Hindi nya tuloy maiwasang maghinala. Pakiramdam nya may hindi magandang mangyayari. May mali sa naging hakbang nito.

"Well well well, look what do we have here." Mula sa likuran ay lumabas ang isang ninja. Nilingon sya ni Kaname na nagpupunas ng sariling espada na punong puno na ng dugo mula sa mga kalaban. "Kai."

Natigilan si Kaname dahil sa narinig. "Sounds familiar?" Sabi ng kalaban. Naka-ekis ang dalawang braso sa harapan. "Who are you?" Galit nitong tanong sa kaharap. Dahan dahang binaba ang espadang hawak.

Hindi man kita ang kabuuang itsura pero mahahalata sa mga mata nito ang pagngisi. "You forgot your own father? That hurts." Wala sa oras na napasugod si Kaname sa kausap pero mabilis itong naiwasan ng huli. "Careful son. You don't want to hurt your father, do you?" Anito na nasa taas na ng puno.

Sinundan sya ni Kaname at muling tinira. "I don't know you!" Sigaw nya rito at tuluyang hinabol ang kaaway na tumalon sa kabilang puno.

"C'mon son. I know you do. Anyway, I have great news for you." Tila inis na inis na ang binata sa mga pinagsasabi ng kalaban at patuloy pa rin nya itong hinahabol. Punong puno ng galit ang mukha at nag-aalab ang mga matang nakatingin sa kalaban. Nagtatagisang bagang at nauuhaw nang mapatay ang kaaway.

"See this?" Sigaw nya at may iwinawagayway na maliit na bagay. Kahit madilim bahagyang kumislap ang metal nito. "It's a remote. The super chip remote. I know you want this!"

Habang nag-iisip si Zero ng mga posibleng maaaring plano ng kalaban ay namataan nya ang dalawang pigura ng tao sa dilim. Naghahabulan at tila lumalayo na ito. Tapos na ang labanan sa ibang parte ng lugar pero may dalawang hindi pa tapos.

Tiningnan nya itong maigi at mukhang tama nga ang hinala niya. Ang naunang tao ay isang kaaway at nakasunod dito si Kaname. Magkalayo ang agwat nila pero halatang sinusundan nito ng huli ang kalaban. Malawak ang boung lugar na napapaligiran ng mga kagubatan ngunit ang hindi inaasahan ng binata ay ang makalabas ang kapatid sa hideout nila. Nawala na din ito sa CCTV footage.

Dali dali nyang tinrack ang kinaroroonan ng kapatid. Papunta ito sa eastern part ng bansa. Inactivate nito ang earpiece na nakakonekta sa kapatid nya at pinabalik dahil masyadong dilekado.

"No! I need to kill this asshole! Hawak nya ang remote ng super chip!" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Pero Kuya! Maaaring isang patibong lang ang lahat!" Sigaw din ng kapatid sa kanya. Nasira ang signal kaya nawala din ang connection nito. Napamura si Zero sa nangyari. Kinakabahan na sya para sa kapatid nya.

Dali dali nyang pinatawag ang tatlo, si Craigh, Miyu at Shai. "Kaya nyo pa bang makipaglaban?"

"What kind of question is that nerd?"

"Tss."

"Bakit? May nangyari ba?"

Hindi na lamang pinansin ng binata ang turan ng dalawa at tiningnan si Shai. "Maghanda ang lahat, lulusubin na natin ang kuta ng kalaban ngayon."

Hindi pa nya nalilimutan ang naging bilin ni Shineya sa kanya noon.

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag mong hahayaang makalapit sa kuta ng kalaban si Kaname o kahit huwag mo na syang hayaang makipaglaban, maliwanag?"

"Bakit JZ? As if namang mapipigilan ko ang kapatid kong yun."

"Basta, gawin mo nalang ang inuutos ko."

Wala man syang alam sa naging rason ng dalaga sa kanya noon pero pakiramdam nya, kailangan nya nga talagang sundin ang inuutos nito. Parang may hindi magandang mangyayari sa susunod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top