Thirty Nine (Last Chapter)
"The micro card is where the storage of the data. Without it, the chip will be activated but the system couldn't process a command yet. The chip's holder couldn't even recognize your voice as his/her commander."
Halos sirain na ni Greg ang malaking monitor sa harapan matapos marinig ang sinabi ng head. Kaagad namang umapila ang kapatid at naagad sya. "The card is in that remote, isn't it?" Baling nito sa kanyang kapatid.
"That's probable." Sagot niya rito kaya lalo lamang syang nagalit. Napatingin sya sa mga tauhang nandudun. Nagtatakang napatitig siya sa mga tiningnan nito.
Sa labas nagkakagulo ang lahat. Sobrang dilim ng kalangitan at maging ang mga building ay unti unting nawawala ang ilaw.
"S-sir! No connection! There's a signal breakdown!" Sigaw ng isang tauhan sa may sulok. Ito lang ang hindi abala sa pagmamasid sa paligid. Nang makita nitong wala sa kanya ang atensyon ng lahat, agad nyang sinundan ng tingin ang mga pinagkaabalahan nito.
Yumanig ng malakas ang boing tower dahilan para mawalan ng balanse ang lahat. Sabay sabay silang napakapit sa kung saan may makakapitan.
Kumulog ng malakas na nasundan ng masipang kidlat. Pagkatapos ay lumabas ang isang itim na usok sa kalangitan na lalong nagpadilim sa boung lugar. Halos magpanic ang mga tao sa loob ng wala ma silang makitang kahit katiting lang ng liwanag.
Unti unting nabasag ang glass window at kasunod ang paglitaw ng isang pigura ng tao sa pamamagitan ng isang usok.
Hanggang sa lumitaw ang kabuuan nito. Nakasout ng purong itim na kapa. Ang hood ay nasa ulo nito. Nagpapatay-sindi naman ang mga ilaw.
Ang kaninang madilim na paligid ay medyo nagkaroon na ng kaunting liwanag. Ngunit hindi pa rin iyon sapat upang makampante sila. Dahil ang tanging nagsisilbing liwanag lang ay ang mga liwanag mula sa kanilang mga ilaw. Everything is pitch-black.
"K-king." Nauutal na tawag ni Greg sa bagong dating. Inangat nito ang kanang kamay at lumitaw ang itim na singsing na may kulay itim din na dyamante. Huli na para umatras si Greg at nasakal na sya rito.
"K-king! It's not his fault!" Sigaw ni Geo. Ipinaliwanag nito ang boung pangyayari kaya naman unti unti na nyang binibitawan ang kapatid nito. Ngunit nang maglanding na ito sa sahig ay wala na itong malay. Kulay violet ang boung mukha. Nakalabas ang dila at dilat ang mata.
Kasunod na nangyari ay hinipan siya ng kinikilalang King at naging abo na lamang ito hanggang sa maglaho.
Napatingin ito sa monitor. Kahit nawalan ng connection at signal, hindi pa rin nagsha-shutdown ang super computer.
Nilingon nito ang katabi na si Geo na ngayon ay umiiyak na sa pagkawala ng kambal. Pabalang niya itong hinaklit at inaangat. Kasabay ng pagtagilid ng ulo ang paglutang ng mga salita sa kanyang isipan.
Micro card
Activate
Super chip
Command
Access
Yun ang mga nabasa niya at kaagad niya itong binitawan. Walang ano-ano'y naglaho ito.
Samantalang sa pakikipaglaban ng Tatahoma Gang at pagdating ng tatlong naglalakihang transformers ay nakunan ang bilang ng kanilang pangkat. Ang iba ay napunta sa malayo at ang iba ay namatay. Nang masira ang connection, doon lang sila hindi na nagfunction. Unti unting lumuluwag ang pakiramdam ng dalawa at kaagad hinanap ang iba pa nilang mga kasamahang nakaligtas.
May ibang nagtatago at may ibang tumatakbo sa kung saan. "You okay?" Alalang tanong ng binata sa kanya. Tanging tango lang ang sinagot ng dalaga. Pagkaraa'y umiiyak ito. Ngayon nya lang ulit naipakita ang pagiging mahina niya at sa kaparehong lalaki pa noon.
"Shh. Tahan na. Everything will be alright. Hindi tayo pababayaan ni Light."
"That's the problem. Nasaan na sya ngayon? Bakit naghari na ang kadiliman ngayon?"
Hindi man halata pero parehong nakadama ng takot ang dalawa. Hindi para sa kanilang sarili kundi para sa mga taong malapit at mahalaga sa kanila. Nababahala na din sila sa tagal na pagbalik ni Light.
Muling yumanig ang boung paligid at unti unti ng gumuho ang mga gusali. Dali dali silang lumikas at pumunta sa malawak na lugar.
Muling gumalaw ang tatlong transformers at nagkatinginan ang dalawa. Base sa kanilang mga tigtig ay may pinaplano ang mga ito.
Tinapun ang mga natirang kasapi at sinabi ang plano. Kailangan muna nilang talunin ang mga naglalakihang robot bago ang mga kalaban. Ngunit kinuntra na naman iyon ng dalaga. Para mas madali, gagawin nila iyon ng sabay.
"Oh! Zephyrusian! What a surprise!" Bungad kaagad ni Hades nang makita nito si Hiro. Unti unting nagbabalik anyong tao ang kaharap at pinantayan nito ang dalawang binata. "You can fly now huh? I'm impressed!" Napatingin si Kaname sa baba at doon lang niya napansin na nasa himpapawid sila. Akala nito mabubuwal sya pero hindi.
"Don't worry. I can control the wind." Bulong ng katabi niya. "Kaya mo pa bang lumaban?" Tanong niya rito. Tumango ang huli at napatingin sa likod niya pero wala na syang katana.
"Saluhin mo!" Sigaw ni Hiro kasunod ang paglitaw ng katana ni Kaname mula sa kung saan. May bakas pa itong dugo. Nag-angat siya ng tingin sa kaharap at wala na doon ang sugat sa noo. Para bang muli lang siyang nabuhay o may kakayahan lang talaga syang hilumin ang sugat niya.
Tumawa ng malakas ang kaharap at walang ano-ano ay kaagad nag summon ng mga nagtataasang katana at pinapaulanan ang dalawa. Pinagsasalag naman ni Kaname ang papatama sa kanya at pinapabalik ito sa kay Hades. Samantalang si Hiro naman ay hindi lang basta sinalag ito kundi ay nahahati ang mga katanang tumama sa espada nya.
"Is that all?"
Galit ang bumalandara sa mukha ng kaharap at nagulat nalang ang dalawa nang maglikha ito ng isang fireball.
"Shit! Ibig sabihin, hindi pa gising si Shiki hanggang ngayon?!"
"You mean, the bearer of the fire element?" Tumango ang huli at napaiwas nalang ng tingin si Kaname. "The truth is, nawawala ang iba mo pang kasamahan."
Sa gulat ni Hiro hindi nito agad napansin ang papalapit na fireball. Pilit iyon sinalag ni Kaname gamit ang katana niya pero sa sobrang init nabitawan niya ito. Sabay silang nilipad ng espada ni Hiro pataas.
"Anong ibig mong sabihin nawawala?"
"Hindi sila mahanap ni Raine."
Malalim na napapaisip ang binata at naputol lamang ito nang nagsisigaw na sa sakit si Kaname.
Hawak siya ni Hades na ngayon ay lumulutang na rin. Sa braso ng binata ay nandun ang kamay ni Hades na nag-aalab.
Dali daling nagpalabas ng hangin si Hiro na may kasamang tubig dagat at tinira ito kay Hades. Hindi iyon napaghandaan ng huli kaya nabitawan nito ang binata.
Susundan sana siya ni Hiro ngunit kaagad siyang tinira ni Hades. Pinapaulanan ito ng maraming fireballs. "You may be the bearer of the wind but I am still stronger than you! You're just a kid!" Sigaw ni Hades sa kanya. Huling tira ng kalaban sa kanya ay ang rapid scale. Isang boung apoy ang tumama sa kanya.
Sobrang lakas ng impak at nawalan siya ng balanse. Nabitawan din nito ang kanyang sandata na agad namang inabot ng kalaban. Tawang tawa itong pinagmasdan ang kawawang Hiro na nahuhulog. Pilit nitong kontrolin ang hangin pero dahil wala sa kanya ang espada ay konti lang ang makokontrol nya dito. Ang pagbagsak niya.
Samantalang sa pagkahulog ni Kaname agad siyang nawalan ng pag-asa lalo na ng makita nito na pinapaulanan na ng apoy si Hiro. Humiling sya na sana ay hindi siya gaanong masaktan sa pagbagsak niya.
"Katangahan ang iyong hiling." Rinig niyang sabi ng isang babae. Agad siyang dumilat at muling napapikit sa sobrang nakakasilaw na liwanag. Napaisip siya kung nasa langit na ba siya.
"Ang tanga mo talaga kahit kailan. Di ka man lang lumaban."
"Tangina mong babae ka, ang sakit sakit na ng katawan ko. Bwesit!" Sagot niya rito. "Alam mo namang hindi ako sanay makipaglaban." Dagdag niya rito.
"Talaga bang kapatid kita dati? Ni hindi ko nga lubos maisip na pinsan kita ngayon e." Doon nya lang napagtanto ang lahat. Nagbalik na si Shineya!
"Ah, Shineya, hindi ba natin tutulungan si Hiro? Kawawa naman." Boses ni Shin.
"Oo nga pala, si Hades ang kalaban niya. Ang nagnakaw ng fire element mula kay Shiki. Isa pa yung uto-uto e."
Dahan dahang dumilat si Kaname at napansin nitong nasa himpapawid pa rin sila. Mas mababa nga lang sa dalawa.
Kinampay ni Shineya ang mga daliri at may lumabas na isang malaking liwanag sa likod ni Hades dahilan para matigilan ito.
Kinuha naman iyon na pagkakataon ni Hiro upang abutin ang kanyang espada. Pilit nitong tinataas ang kamay kasabay nang paggalaw ng espada at mabilis itong lumipad papunta sa kanya.
Nagulat si Hades doon at hindi kaagad makapaniwala. Isang malakas na hangin ang nagtulak sa kanya papunta sa kulay puting bilog na nagmistulang lagusan.
Pilit nanlaban si Hades ngunit mas nilakasan pa ni Hiro ang pwersa ng hanging kinontrol niya at pilit pinapasok ang matanda sa lagusan.
"Bumalik ka sa underworld dahil doon ka nararapat!" Pagkasabi nun ni Shineya ay napatingin si Hades sa kanya. Nanlalaki ang mga mata at pagkaraa'y gumuhit ang galit sa mukha. "Ikaw!"
"Yes, ako nga." Anito sabay ngumisi. Sa huling pagkakataon nagpatangay na ito sa hangin at tinanggap ang kapalaran.
"Gusto pa kasing maghari-harian sa mundo ng mga mortal e." Komento ni Shineya nang tuluyan na itong makapasok. Biglang naglaho ang liwanag kasunod ang isang palakpak.
Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng palakpak.
"Dark?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top